Professional Documents
Culture Documents
Filipino Sa Piling Larang Modyul 3 Week 3
Filipino Sa Piling Larang Modyul 3 Week 3
MODYUL 3- WEEK 3
Suriin
Basahin ang iba’t ibang kung ano ang mga kalikasan ng isang sulating interpersonal o inter-institusyunal at
mga halimbawa nito
Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal - tumutukoy ang mga ito sa mga sulating ibinibigay sa isang indibidwal,
organisasyon o institusyon upang ipabatid ang mga hangarin, impormasyon o datos na makatutulong sa pagtamo ng
layunin ng nagpapadala. hal: liham pangnegosyo
Mga Halimbawa ng Liham Pangnegosyo:
1. Liham Kahilingan - Ito ay isang liham na nagsasabi kung ano ang inoorder o kaya’y hinihiling sa isang institusyon,
organisasyon o kaya’y ng isang samahan o opisina.
Ang intensyon ng ganitong uri ng liham ay magpahayag ng isang tiyak na kahilingan. Nakasaad dito nang malinaw
kung ano ang hinihiling at kung bakit ito hinihiling. Kailangan ding banggitin ang posibleng maging bunga kung
ipagkakaloob ng sinulatan ang kahilingan ng sumulat.
2. Liham Pagkambas (Canvass Letter) - Ang liham na ito ay nagsasaad ng kahilingan ng sumusunod: (a) halaga ng
bagay/aytem na nais bilhin, (b) serbisyo (janitorial services, security services, catering services, venue/function halls,
atbp) ng isang tanggapan. Nagsisilbing batayan ito sa pagpili ng pinakamababang halaga ng bilihin at serbisyong
pipiliin.
3. Liham Pag-uulat (Progress Report) - Ito ang liham na nagsasaad ng katayuan ng isang proyekto o gawain na
dapat isakatuparan sa itinakdang panahon. Tinatalakay dito ang: (a) pamagat, layunin, at kalikasan ng proyekto; (b)
bahagdan ng natamo batay sa layunin; (c) kompletong deskripsiyon ng progreso ng kasalukuyang gawain, pati na
ang mga tauhan, pamamaraan, mga hadlang, at mga remedyo; at (d) mga gawaing kailangang pang isagawa upang
matapos sa itinakdang panahon ang proyekto.
4. Liham Aplikasyon - Ang sinumang nagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan ay kailangang magpadala o
magharap ng liham kahilingan. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga idea at tuwirang pananalita na
nakapaloob sa nilalaman ng liham ay nakahihikayat ng magandang impresyon. Tukuyin ang posisyong inaaplayan at
kahandaan ng pakikipanayam anumang oras na kinakailangan.
Panuto: Kilalanin kung anong uri ng liham pangangalakal ang nababagay sa mga sumusunod na sitwasyon.
Isulat ang titik ng iyong tamang sagot
_______ 1. Nais mong ipaalam sa iyong superbisor ang kasalukuyang kita ng inyong kompanya sa loob ng isang buwan
at ang mga plano para sa susunod na buwan.
_______ 2. Nais mong malaman ang kompanyang magbibigay sa iyo ng pinakamababang presyo ng mga materyales na
iyong gagamitin sa itatayo mong bahay.
_______ 3. Nakabasa ka ng anunsyo na nangangailangan ng service crew sa branch ng Jollibee na itinatayo malapit sa
inyo. Gusto mong magtrabaho at makatulong sa iyong pamilya.
_______ 4. Kakailanganin mo ng isang lugar o venue para sa gagawin mong “art exhibit” kung kaya nais mong hilingin
ang patnugot ng inyong alkalde na gamitin ang cultural center sa inyong lugar.
_______ 5. Nais mong malaman ang kasalukuyang presyo ng margarine at asukal para supply sa iyong bakeshop.
Suriin
Basahin at unawain ang katangian ng isang sulatin ukol sa isang produkto at mga halimbawa nito.
Mga Sulatin na Ukol sa Isang Produkto - tumutukoy ang mga ito sa mga sulating may kinalaman sa isang produkto.
Halimbawa:
1. Manwal ng Isang Produkto - Karaniwang naglalaman ang isang manwal ng iba’t ibang impormasyon hinggil
sa isang produkto, kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa
proseso, estruktura at iba pang mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito. Komprehensibo
ang nilalaman ng isang manwal dahil naglalayon itong magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon
tungkol sa isang bagay o paksa. Kalimitang nakaayos nang pabalangkas ang mga nilalaman ng isang manwal
na makikita sa talaan ng mga ito at pormal ang ginagamit na wika. Maaari rin namang magtaglay ng mga
larawan o di kaya’y tsart ang isang manwal upang maging higit na maliwanag ang paglalahad ng mga
impormasyon, gayundin ng mga salitang teknikal kung hinihingi ng pangangailangan. Dagdag pa rito, maaari
ding magtaglay ng apendise o indeks ang mga manwal.
2. Deskripsiyon ng Isang Produkto – ay isang maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng mga
produkto para sa isang Negosyo. Kinakailangan ang paglalarawan sa produkto upang maging kaakit-akit at
maibenta ito sa mga target na awdiyens o mamimili.
Mahalaga ang deskripsiyon ng produkto upang mabigyan ng impormasyon ang mamimili tungkol sa mga
benepisyo, katangian, gamit, estilo, presyo at iba pang produktong nais ibenta. Sa gayong paraan, nabibigyan
ng pagkakataon ang mga mamimili na magdesisyon bibilhin o tatangkilin ang produkto ay akma sa kanilang
mga pangangailangan.
Panuto: Suriin ang larawan ng isang manwal sa produkto at sagutin ang mga katanungan.
Panuto: Isulat ang MP kung ang pahayag ay tumutukoy sa Manwal ng Isang Produkto at DP kung ang
pahayag ay tumutukoy sa deskripsiyon ng produkto.
__________ 1. Komprehensibo ang nilalaman dahil naglalayon itong magpaliwanag at maglahad ng mga
impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa.
__________ 2. Nagtataglay ng apendise o indeks ang sulating ito.
__________ 3. Mahalaga ito upang mabigyan ng impormasyon ang mamimili tungkol sa mga benepisyo,
katangian, gamit, estilo, presyo at iba pang produktong nais ibenta
__________ 4. Kalimitang nakaayos nang pabalangkas ang mga nilalaman na makikita sa talaan ng mga ito at
pormal ang ginagamit na wika.
__________ 5. Nabibigyan ng pagkakataon ng sulating ito ang mga mamimili na magdesisyon bibilhin o
tatangkilin ang produkto ay akma sa kanilang mga pangangailangan.
Aralin 1 Mga Sulating Pabatid –Publiko at Sulating Promosyonal
Ikatlong
Araw
Suriin
Basahin at unawain ang mga katangian ng isang sulating pabatid-publiko o promosyunal at mga halimbawa
nito.
2. Promotional Materials - ang mga iba pang mga promotional material katulad ng brochure ay kalimitang mas
mahaba sa isang pahina. Kalimitan ding nakatupi ang mga ito na siyang nagtatakda ng pagkakahati-hati ng mga
impormasyong nakasulat dito. Nagsisilbing gabay ang brochure sa mga mamimili dahil naglalahad ito ng higit na
detalyadong paglalarawan sa isang produkto. Samantala, nagagamit din bilang promotional material ang poster na
kalimitang nasa mas malaking sukat kaysa sa mga naunang nabanggit na may higit na kaunting salitang nakasulat
upang mas mapagtuunan ng pansin ang biswal na paglalarawang nakalagay rito.
3. Paunawa -ang isang paunawa ay isang mensahe na nagsasaad ng mahalagang impormasyon at mistula din itong
magsasabi kung ano ang maaari at hindi maaaring gawin. Maaari ding pumaksa ang paunawa tungkol sa anumang
pagbabago ng naunang nabanggit na impormasyon.
Panuto: Suriin ang mga halimbawa ng isang halimbawa ng sulating pabatid-publiko o promosyunal at
kilalanin kung anong uri. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Panuto: Kadalasan nating nakikita o nababasa ang ganitong mga larawan sa mga gusali o
establisimento sa ating lugar. Suriin ang larawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Anong uri ng sulating pabatid-publiko o promosyunal ang ipinapahayag sa larawan?
2. Ano ang layunin ng nasabing sulatin?
3. Anong pamamaraan ang ginamit upang maihatid ang impormasyon?
Suriin
Basahin at unawain ang kung ano ang sulating ukol sa pagkain at mga halimbawa
Sulating ukol sa Pagkain – tumutukoy ito sa mga sulating may kinalaman sa pagkain.
Mga Halimbawa:
1. Menu ng Pagkain - ang menu ay isang mahalagang kagamitan sa restawran. Ang nagsisilbing pangunahing
pinagkukuhanan ng impormasyon ng mga tao kung nais nilang kumain sa isang napiling restawran.
2. Recipe – ay isang sulating nakalahad ang paraan kung paano niluluto ang iba’t ibang pagkain. Kadalasang nasa
itaas na bahagi ang pangalan ng lutuin at kalimitan ding may larawan itong kalakip upang higit na maging katakam-
takam para sa mga makakakita. Iniisa-isa rin ang mga sangkap na kinakailangan kung saan nakalagay din ang
hinihinging sukat o dami para sa bawat isa. Detalyado ang pagkakasulat ng mga ito sapagkat dito nakasalalay ang
kalalabasan ng lulutuin. Kasunod nito, iniisa-isa rin ang bawat hakbang na kailangang sundin sa pagluluto. Tiyak at
malinaw ang pagkakalahadsa bawat proseso upang masigurado ang tamang timpla, itsura at lasa ng lutuin.
1. _______________________________________
2. _______________________________________
3. _______________________________________
4. _______________________________________