Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PABULA

Sa isang paaralan ng mga hayop, ang mag-aaral ay pinagsama-sama. Sapagkat iisa ang
guro, pare-pareho lamang ang aralin at gawain nila.

Si Bebang Bibe ay mahusay sa paglangoy, mas mahusay pa nga siya sa kaniyang guro.
Nakakuha siya ng Proficient na marka sa paglipad subalit walang pag-asa sa pagtakbo.
Pinanatili niya ang ganitong performans hanggang sa nakakuha na lang siya ng
Developing na marka sa paglangoy. Ang Developing na marka ay pasado kaya wala ni
isa sa mga hayop ang nangangamba kundi si Bebang Bibe lamang.

Si Ambet Agila ay kilala sa pagiging pasaway. Madalas siyang tumatanggap ng


pagdidisiplina ng kanyang guro. Talo niya ang lahat ng mga hayop sa pag-akyat sa puno,
subalit ginagamit niya ang sarili at kakaibang pamamaraan para maka-akyat nang
mabilis.

Si Kikong Kuneho ang pinamahusay sa klase sa larangan ng pagtakbo, subalit nagkaroon


ng nervous breakdown at kinailangang huminto sa pag-aaral dahil sa sobrang dami ng
karagdagang pagsasanay sa paglalangoy.

Nanguna naman sa klase si Doding Daga sa larangan ng pag-akyat, subalit ang pag-
aaral niya ng paglipad ay labis na mahirap. Sa sobrang pagsisikap na makalipad,
nagkaroon siya ng labis na pamamaga ng kalamnan sa hita at halos hindi na makalakad
sapagkat ang paglipad niya ay magmumula sa baba pataas batay sa panuto ng kanyang
guro. Dahil dito, nakakuha na siya ng markang C sa pag-akyat at D sa pagtakbo.

Ang praktikal na si Tasyong Kalabaw ay pumasok na lamang sa isang tagasanay sa


pagbubungkal ng lupa. Wala sa kurikulum ng paaralan ang pag-aararo sapagkat sa
tingin ng mga namumuno ay hindi ito mahalaga.

Sa katapusang ng taon, si Ligat Igat na nakalalangoy, nakatatakbo, nakaakyat, at


nakalilipad nang bahagya ang tinanghal na Balediktoriyan.

You might also like