Professional Documents
Culture Documents
BUOD Pass
BUOD Pass
C. MGA TAUHAN
1. Ang mag kasintahan
- ( Ang Dalaga) Anak mayaman ngunit tapat ang pag sinta sa mag sasakang binata.
- (Ang Binata) Isang mahira na mag sasaka.
2. Ang matandang nag mumulto
- Ito ay nag susuot ng puti at may apoy sa bibig na kung saan umano sa gabi lamang
namamalas
3. Mga tao sa bayan
-Takot na takot at pinangingilagan ang lumang simbahan.
D. TAGPUAN/ PANAHON:
Sa lumang abandonadong simbahan sa isang maliit na bayan na balot na ng lumot ng
kapanahonan. Na kung saan pinangingilagan at kinakatakotan ng lahat ng tao sa
naturang bayan dahilan sa di umanoy may nagmomultong matanda.
GAWAIN 2
AKOY SI DANGAL
Kay: Lope K. Santos
A. TALAMBUHAY NG MAY-AKDA
Si Lope K. Santos (25 Setyembre 1879 – 1 Mayo 1963) ay isang tanyag na manunulat sa
wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Bukod sa
pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng
Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.
Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C.
Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal.
Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik naK bilang kapalit ng C para sa kaniyang
panggitnang pangalan, upang asang padasino das(Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral
sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa
Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang
paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900,
nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog,
katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahingSampaguita.
Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng
Wikang Pambansa. Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging
Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin
siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.
Sariling Buhay
Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong 10 Pebrero 1900, at nagkaroon
sila ng limang anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa huling sandali
ng buhay ay hinangad ni Santos na magingWikang Pambansa ang Wikang Tagalog.
Sa Larangan ng Politika
Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging
gobernador naman si Santos ngNueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920. Naglingkod din siya
bilang senador para sa ika-labindalawang distrito ng bayan.
Mga Nagawa
Kabilang sa mga akda ni Santos ang mga sumusunod:
Balarila ng Wikang Pambansa
Banaag at Sikat, isang nobela
Salawahang Pag-ibig
Kandungan
Batas ng Halalan
Mga Tula
Ako’y si Dangal
Pagtatapat
Ako’y si Wika
Puso at Diwa
Nag-iisa Ako
Ako’y si Bayan atbp….
B. ELEMENTO NG TULA
1. Tugma – ang tugma ay ang pagkakapareho sa mga huling salita sa isang taludtod. Sa
tulang ito ay mayroong mga tugmang nakapaloob. Mapapansin nating may pagkakapareha sa
bawat huling pantig ng mga huling salita sa bawat taludtod.
2. Sukat – ang tulang ito ay may lalabing-dalawahin (12) na pantig. Ito ay tradisyonal na
anyo ng tula.
3. Paksa o Kaisipang Taglay ng Tula - sa tulang ito ay nagpapahiwatig ng mataas na tiwala
sa sarili at sa kakayahang taglay.
4. Talinghaga – sa tula ay may mga salitang may matatagong kahulugan tulad ng:
a. ako’y maihapay- pabagsakin
b. ako’y sa langit namuhay- maganda ang pamumuhay
c. Ako’y dahon at bulaklak, gintot kasiyahan,batong makikinangang
na sa ulo pagkaputong ay nagiging kabantungan- hinahangaan
5. Imahen o Larawang-diwa – sa tulang ito, gumamit ito ng mga larawang dahon, bulaklak,
batong makikinang, halimuyak, papawirin, at alingawngaw na nagtataglay ng mga kahulugan.
6. Aliw-iw – tradisyonal ang pagbigkas ng tulang ito, taglay ng tulang ito ang tamis at
maindayog na pagbigkas.
7. Persona – isang tao na mataas ang tiwala sa sarili at kakayahan kung kayat may mga
taong gusto syang ibagsak.
C. IMAHINISMO
Sa tulang ito, makikita natin ang mga iba’t-ibang imahinismong ginagamit ng may-akda
para irepresenta ang mga bagay-bagay. Gumagamit ang tula ng dahon, bulaklak, batong
makikinang, halimuyak, papawirin, at alingawngaw na mayroong iba’t-ibang representasyon
na nakatutulong sa pagsusuri ng tula upang ito’y mas lalong maintindihan ng mga mambabasa
o manunuri.
D. PANGKASAYSAYAN
Ang tulang ito ay may malaking ambag sa sangkatauhan sapagkat taglay nito ang
katalinuhan at tiwaa sa sarili ng may akda na kung maari ay ating tularan.
E. ANALYSIS
Integrity Ang mabuting dangal ay pinaghihirapan Simbulo ng talinot kagitinganAng mga
taong nagiisip bago gumawa ng kani-kanilang mga desisyon ay mayroon nitoGusto ito ng mga
mayaman pero mahirap itong kunindahil kailangan ng mabubuting asalDapat ingatan dahil
madaling mawala.