Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 36

Sulat at Guhit ni: ARGIE LOBOS TY

K to 12 Competencies in the MTB-MLE 2

Fluency
Read aloud grade three level text with an accuracy rate 95
-100% (MT2F-IIa-i-1.4)
Composing
Express ideas through poster making (e.gg ads, character
profiles, news report, lost and found) using stories as
springboard.
(MT2C-Ia-i-1.4)
Grammar Awareness
Identify the parts of a sentence )subject and predicate)
(MT2GA-Ie-f-2.5)
Listening Comprehension
Give the correct sequence of 3-5 events in a story.
(MT2LC-Ic-d-2.1.1)

Phonics and Word Recognition (PWR)


Read with understanding grade level text.
(MT2PWR-Ia-d-7.5)
Oral Language
Relate one’s own experiences and ideas related to the topics using
a variety of words with proper phrasing and intonation.
(MT2OL-Ic-d-10.1)
Published by the
LEARNING RESOURCES MANAGEMENT AND
DEVELOPMENT SYSTEM (LRMDS)
Department of Education
Region VIII
Copyright 2019

COPYRIGHT NOTICE
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:
“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior
approval of the government agency of office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.”
This material has been developed and implemented by Curriculum Implementation Division (CID) thru the
Learning Resources Management and Development System (LRMDS) Center of the Department of Education
Division of Northern Samar Region VIII (DepED RO8) digitized by the LRMDS Team. It can be reproduced for
educational purposes and the source must be clearly acknowledged. The material may be modified for the purpose
of translation into another language but the original work must be acknowledged. Derivatives of the work including
creating an edited version, an enhancement or a supplementary work are permitted provided all original work is
acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes
and profit.

ARGIE L. TY
Writer and Illustrator

This first digital edition has been produced for print and online distribution within the
Department of Education, Philippines via the Learning Resources Management Development
Systems (LRMDS) Portal by Region VIII. http://lrmds.deped.gov.ph
Si Togak
Ang Gintong
Uwak
Noong unang panahon ay
may isang ibon na nakatira sa
kagubatan na kakaiiba sa lahat.
At siya ay si Togak. Ang ibon na
ubod ng itim at may
mapupulang mata.
Gusto niyang magkaroon ng
mga kaibigan. Pero dahil nga sa
kaniyang anyo ay nahihiya itong
lumapit sa iba. Ayaw niyang
makipaglaro dahil baka
pagtawanan lamang siya ng
mga ito.
Kaya palaging nag-iisa si
Togak. Nagdarasal siya na sana
ay maging maganda ang
kaniyang anyo tulad ng iba.
Isang araw, habang lumilipad
si Togak at naghahanap ng
pagkain ay may narinig itong
boses.
“Togak! Togak! Lumapit ka sa
akin.” Isang malamig na boses
mula sa baba.
Kaya agad na lumapit si
Togak at laking gulat niya sa
nakita. Isang magandang
diwata.
“Sino ka? Tanong ni Togak.
“Ako si Inang diwata. Ang
diwata ng mga ibon. At narito
ako para tuparin ang iyong
kahilingan.” Wika ng diwata.
Laking tuwa ni Togak sa narinig
dahil sa wakas ay matutupad na
ang kaniyang pinapangarap.
Kaya muling sinabi niya sa diwata
ang kahilingan nito.
“Gusto kong maging maganda
ang aking anyo tulad ng isang
ginto.” Nagmamadaling sabi ni
Togak.
“Tutuparin ko ang iyong
kahilingan pero sa isang
kondisyon.” Wika ng diwata.
“Anong kondisyon?” Sabi ni
Togak sa diwata.
“Kailangan mong magpakita ng
magandang asal at huwag
ipagmalaki kung ano man ang
iyong kaanyuan. Kung hindi, ikaw
ay babalik sa dati mong anyo.”
Malinaw na sabi ng diwata.
At isang kumpas lang ng
kamay ng diwata ay nag-iba
na ang anyo ni Togak. Naging
kulay ginto ang kaniyang mga
balahibo at naging maamo
ang kaniyang mga mata.
“Maraming salamat!”
Masayang sabi ni Togak sa
diwata.
Isang araw habang naglalaro
sina Kalapati, Kuwago at Maya
ay napansin nila na ibang-iba na
si Togak. Napakaliwanag nito
dahil sa kulay ginto ang mga
balahibo. Inggit na inggit sa
kaniya ang mga ito.
“Togak, puwede bang
makipag-kaibigan?”
Sabi ni Kalapati.
“Ayokong makipag-kaibigan
sa mga mabababang uri.”
Pahambog na sabi ni Togak.
At naglakad si Togak papalayo
kay Kalapati na nakataas ang
noo.
Sinubukan ding lumapit ni
Kuwago at Maya para makipag-
kaibigan. Pero ang sagot lang
niya, “Umalis kayo sa harapan
ko, ayokong makipag-kaibigan
sa mga katulad niyo!”
Pagyayabang na sabi ni Togak
sa mga ito.
“Talagang nagbago na nga si
Togak mula ng maging ginto ang
kaniyang mga balahibo.” Wika
ni Kuwago.
“Oo nga, talagang wala na
siyang kinikilalang kaibigan.”
Sabi naman ni Maya.
Kaya isang araw habang
naglalakad si Togak ay nagpakita
muli sa kaniya ang diwata.
“Togak, dahil sa ipinakita mong
masamang pag-uugali at pagiging
hambog, ikaw ay babalik sa dati
mong anyo.” Wika ng diwata.
“Huwag po Inang diwata,
maawa po kayo, gusto ko lang po
maging masaya.” Maluha-luha na
sabi ni Togak.
At sa isang iglap lang ay
bumalik nga ang dating anyo ni
Togak na sobrang itim at
mapupula ang mga mata.
Kaya umuwi si Togak na luhaan
at hiyang-hiya sa sarili. At ng
papauwi siya ay nasalubong niya
sina Kalapati, Kuwago at Maya.
“Puwede bang makipag-
kaibigan sa iyo?” Sabi ni Kuwago.
“Kahit na ganito ang anyo ko,
makikipag-kaibigan kayo sa
akin?” Malumanay na sabi ni
Togak.

“Hindi naman panlabas na anyo


ang basihan sa pakikipag-
kaibigan, ang importante ay
tanggap niyo ang isa’t isa.” Wika ni
Kalapati.
Kaya mula noon ay masayang-
masaya na si Togak sa mga bago
nitong kaibigan. Kahit na ubod ng
itim at mapupula ang mga mata
ay wala na siyang ikinahihiya.
Dahil tanggap siya ng mga ito ano
man ang kaniyang anyo.
May Akda at Dibuhista

ARGIE LOBOS TY

Isinilang noong ika-4 ng Pebrero taong 1990 sa


bayan ng San Roque, Hilagang Samar. Lumaki at nag
-aral ng elementary at sekondarya sa Brgy. Bantayan,
San Roque, Hilagang Samar.
Natapos niya ang kanyang kolehiyo sa University
of Eastern Philippines na may kursong Bachelor of
Elementary Education. At noong 2018 ay natapus niya
ang kanyang Masteral sa parehong kolehiyo.
Bilang isang guro ay pangarap niyang gumawa
pa ng maraming kuwento para maipamahagi sa
mga bata na gustong magbasa ng mga
makabuluhang kuwento.
Ang panlabas na anyo ay hindi
basihan upang makahanap ka ng
tunay na kaibigan. Tulad ni Togak
na naghangad na mabago ang
kaniyang anyo para lamang
magkaroon ng kaibigan. Ito ay
masasabing hindi gawain para
lamang makamit natin ang ating
pangarap. Kung ano ang ibinigay
sa atin ng Diyos ay tanggapin natin
ng buong puso at huwag nating
sayangin.

You might also like