Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

-`

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III
Division of San Jose City
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
San Jose City
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO- 10
2nd Quarter
WEEK 1
Pangalan: PAUL VINCENT R. LAURETA Petsa: 01/07/2021
Pangkat: 10-ARISTOTLE Guro: MA’AM VINIA GRACIA

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang naramdaman mo habang binabasa ang kwento? Bakit?
Nagbigay si Mang Islao sa akin ng inspirasyon sa buhay pagtatrabaho. Para sa kanya ang
pagtatrabaho ay hindi para makakuha ng mataas na suweldo kundi ang pagmamahal nito sa kaniyang
ginagawa kahit sa maliit na halaga. Nagagalak ako kasi totoo talagang pag ikaw ay nagsisipag may
darating na bagay na hindi mo inaasahan gaya nang nangyari kay Mang Islao.

2. Sa panahon ngayon ang lahat ay nagnanais na magkaroon ng magandang trabaho na may magandang
sweldo. Sa iyong palagay naging masaya ba si Mang Islao sa kanyang trabaho sa kabila ng kaliitan ng
kanyang sweldo?
Si Mang Islao ay nagging masaya hindi dahil sa suweldo kundi dahil nakakatulong siya sa kanyang
kababayan at nasasakupan. Tumagal siya bilang BPSO kahit na maliit lamang ang suweldo.

3. Ano ang iyong mararamdaman kung mabigyan ka ng parangal dahil sa mabuting gawain na iyong
ipinamalas sa iba?
Ako ay magiging napakagalak sa tuwa dahil may mga taong nagpapahalga sa mga ginagawa ko
kahit na mahirap, maliit ang sweldo at nakakatulong sa iba. Walang katumbas iyon ng bagay bagay
lamang. Kahit simple lamang ang aking trabaho at kung minsan hindi pa nila nakikita mga sakripisyo na
ginagawa ko para sa kanila kaya pag nabigyan talagang napakasaya. Para bang maluluha ako sa sobrang
saya na di mo inaasahan dahil sino ako para bigyan ng ganung paranagal.

4. Naranasan mo na bang tumulong sa ibang tao sa maliit man o malaking paraan? Ikwento ang iyong
karanasan.
Oo, naranasan ko na at maraming beses na. Lalo ngayong may pandemya, tinutulungan ko ang
aking mga pinsan upang ipaintindi at ipaliwanag sa kanila ang kani-kanilang mga modules.

I. Gawain Blg. 2 (30 puntos)


Panuto: Sumulat ng tig isang maikling sanaysay batay sa mga paksa na nasa ibaba. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.

A. “ Ang Kwento ng Buhay ko sa Panahon ng Pandemya”

Buhay pandemya. Tayo ngayon ay humaharap sa malaking dagok at pangamba sa Covid 19. Dati rati
ako ay lumalabas ng bahay dahil mahilig akong gumalaw kahit saan. Window shopping dito kahit wala
naming bibilhin. Lakad dito lakad doon. Ngunit ngayon, nagbago ang lahat. Ang dating galain ngayon stay
at home na. Pero sa kabila ng mga restrictions lumabas ay mas lalo naman akong sumipag sa bahay. Dati
ang nanay ko lamang naglalaba ng damit ko, ngayon ako na lahat. Dati minsan lang ako naghuhugas ng
plato, ngayon araw araw na. Marami rin akong nagging bagong libangan tulad na nga lang ng paggawa ng
mga furniture na gawa sa karton at may pintura pa. Napakaganda ng dulot ng pandemya dahil ang
pinakagusto ko sa lahat ay dito sa panahon na ito nakabili ako ng mga bagay na pangarap ko lang dati pero
ngayon totoo na at mayroon na ako. Sobra akong natuwa dahil dati tinitignan ko lang iyon kapag gumagala
ako window shopping pero that became reality ngayong Covid. Bilang pagtatapos, bagamat sa iba ang
Covid ay isang sumpa at sana di nalang nagkacovid ngunit, saaakin isa itong napakagandang blessing at
pinaka “the best” na panahon. Ngunit nandyan parin syempre ang pagiingat at lagging pagsuot ng facemask
at social distancing para hindi mahawa sa sakit.

You might also like