Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag at ilahad kung bakit kayo sumasang-ayon o

hindi sumasang-ayon sa mga ito.  


 
 Hindi kailanman mapapantayan ng salin ang orihinal.
o Sumasang-ayon ako sa pahayag na ito dahil, kagaya nga ng nabanggit sa
recorded lecture, hindi lahat ng salita ay may eksaktong katumbas sa ibang
lenggwahe. Mayroong mga salita na hindi gaanong malinaw ang kahulugan
kung kaya’t nagkakaroon ng dalawa o higit pang pagpapakahulugan, na
nagdudulot naman ng pagkalito sa mga mambabasa.

 Traduttore traditore (Translator, traitor) o Ang pagsasalin ay pagtataksil.


o Hindi ako sumasan-ayon sa pahayag na ito. Ang pagsasalin ay hindi isang
madaling gawain sapagkat nangangailangan ito ng matinding pag-aaral,
pananaliksik, at pang-unawa. Sinasabi ng mga kritiko na napagtataksilan ang
orihinal na teksto sapagkat naiiba o nababago ang anyo, estilo, at kahulugan
nito sa proseso ng pagsasalin ngunit kung ating titingnang mabuti, hindi
maiiwasan ang ganoong pangyayari.

 Tagasalin, Salarin
o Kagaya sa ikalawang pahayag, hindi rin ako sumasang-ayon dito. Natatawag
na salarin ang mga tagasalin sapagkat may mga pagkakataon na binabago
nila ang ilang mga salita o pahayag upang epektibong makapaghatid ng
mensahe sa kanilang mga mambabasa. Kung hindi nila iyon gagawin at kung
literal nilang isasalin ang bawat salita, makakapaghatid lamang sila ng
mababang kalidad at hindi epektibong pagsasalin sa mga mambabasa.

You might also like