Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Performance task

Huwag
Pasa.
Kuha.
Pasa.
Kuha.
Pagmasdan mo ang paligid. May nakikita ka bang ngiti sa bawat labi ng mga mag-
aaral? Naririnig mo ba ang kanilang hagulgol sa gitna ng gabi na waring walang humpay dulot
ng takot, pangamba at pagkabahala? Natatanaw mo ba ang pagtagaktak ng pawis mula sa
kanilang maamong mukha? Hindi ka ba nagtataka kung bakit mulat na mulat ang kanilang mga
mata mag mula paglubog ng araw hanggang sa pagtirik ulit nito? Ano kaya ang kanilang
inaatupag at bakit ito’y lubhang napaka importante sa kanila?
Noong Agosto 14, 2020, inanunsyo ng Kagawaran ng Edukasyon ang paglilipat ng araw
ng pagbubukas ng klase mula sa ika-24 ng Agosto patungong ika-lima ng Oktubre taong
kasalukuyan. Kahit papaano, ito ay nakalulugod na anunsyo para sa mga estudyante bagkus
nilipat ang petsa ng pagbubukas ng klase. Gayunpaman, para sa iba, ito ay isang mapanglaw
na anunsyo bagkus ang inaasam-asam ng karamihan ay ‘Academic Freeze’ at sa halip ang
kanilang natanggap na anunsyo ay ukol sa panibagong petsa ng pagbubukas ng klase.

Mundo ko’y tila huminto sa pag-inog. Ako’y nagulantang sa anunsyo. Nandilim aking
mukha. Nawalan ng kislap ang aking mga mata. Nangatod ang aking buong katawan kasabay
ng paninikip aking dibdib—lapat na lapat. Isipan ko’y na-blanko at naglakbay—ng malayong
malayo. Ganyan ko mailalarawan ang pakiramdam ng isang batang nadidismaya. “Paano na
ako?”, “Makakayanan ko kaya?”, “Saan ko pupulutin ang mga kagamitan na aking gagamitin
para sa ODL?” Mga katanungan na parang rumaragasang tubig na dumanak sa aking dating
panatag at payapang isipan. Sa puso’t damdamin ko’y nagsalimbayan ang samu’t saring
emosyon at palaisipan—mga katanungang nag-aapuhap ng mga kasagutan.

Subalit, sa nagdaang mga araw, aking napagtanto na hindi lamang ako, ikaw o siya ang
nakikipagdigma sa gitna ng pandemya, kundi lahat kaming mga estudyante. Hindi lamang ako
ang nababagot, nayayamot at nababahala. Hindi lamang ako ang nakikipaglaban upang
sugpuin ang katamaran, mga balakid sa pag-aaral at lumalaban upang maabot ang tanging
inaasam-asam na pangarap sa buhay. Hindi lang ako. Kaming lahat ay nababalot din ng takot
at pangamba na baka’y hindi namin kakayanin. Hanggang sa panaginip na lang ba namin
matatanaw ang milyun-milyong pangarap na nilagom ng dilim ng pandemya? Hindi. Bagkus ay
kapit-bisig, akay-akay, pa hakbang-hakbang naming haharapin ang di matibag-tibag na pader
na siyang hadlang sa pag-abot ng aming mga mithiin.

‘Mala-encantadia’ man ang adbentura namin. May nagbabadyang panganib.


Peligrosong pakikipagsapalaran. Tila binabalot ng mahika ang bawat landas na tatahakin. Hindi
kailanman ito papantay at uubra sa lakas, talino, determinasyon at bagsik na taglay ng isang
mag-aaral.
Pasa.
Kuha.
Pasa.
Kuha.

Sa patuloy na pag-inog ng mundo, patuloy ring nagsusumikap ang bawat mag-aaral sa


saan mang sulok ng mundo. Maraming araw ang lilipas. Maraming modyul din ang maipapasa
at makukuha. Sige lang nang sige. Ipagpapatuloy natin ang pagpasa at pagkuha ng mga
modyul hanggang sa sumibol ang naitanim nating pagod, punyagi at pagsisikap. Sa kabila ng
di masugpo-sugpong katamaran at walang-patid na hamon dala ng pandemya, at sa walang
humpay na pagsubok hatid ng Inang kalikasan ay nawa’y lilukin natin sa ating mumunting
isipan ang ginintuang kasabihan “tayo ang arkitekto ng ating pangarap, kung may isinuksok,
may madudukot.” Isang kasabihang simple, makatotohanan at kapupulutan ng mga butil ng
pag-asang tiyak na mamumukadkad pagdating ng eksaktong lunan at oras. Ngunit paano nga
ba natin mapagtatagumpayan ang lahat-lahat na ibinabatong kahirapan ng pandemya sa atin,
mga mag-aaral?
Huwag tayong susuko.

Simpleng pangungusap na binubuo lamang ng tatlong salita subalit milyun-milyong bagay


ang karugtong. Huwag tayong susuko bagkus ang hirap ay may katapat na ginhawa, at walang
ligaya sa lupa na hindi dinilig ng luha. Huwag. Habang Umiiwas Walang Aanihing Ginto.
Performance task
I. PAMAGAT: ANG MATANDA AT ANG DAGAT
MAY-AKDA: Ernest Hemingway (Isinalin ni Jesus Manuel Santiago. Isang
nobela mula sa Estados Unidos ni Ernest Hemmingway)
GENRE: Literary Fiction/Kathang Pampanitikan

II. BUOD

May isang mangingisda na nagngangalang Santiago. Siya’y 84 na araw ng nagpapalaot


ngunit ni isang isda ay wala siyang mahuli. Itinuri niya itong “Salao” o ang pinakamasamang
kaanyuan ng kamalasan sa pagpalaot sa dagat. Dahil sa kamalasan at kawalang huli ng isda ni
Santiago ay pinagbawalan ng mga magulang ni Manolin, kanyang aprentis, na sumama sa
kanya sa pagpalaot at sa halip ay maghanap na lamang ng mas mahusay na mangingisda sa
kanilang lugar.

Sa ika-85 na araw ng Salao ay tumungo siya sa Gulf Stream. Doon ay nakahuli siya ng
isang marlin gamit ang mga pamain niya sa pangingisda. Ngunit sa lubhang laki nito ay hindi
niya maiakyat ang nahuling marlin sa kanyang bangka. Nakatawag sa atensyon ng mga pating
ang dugo ng marlin. Nang maamoy ng mga pating ang dugo ng marlin, inatake rin nito ang
bangka ni Santiago na kaniya rin nilabanan nang puspusan. Sa huli, napatay ni Santiago ang
mga pating pero naubos na ang marlin. Agarang bumalik si Santiago sa kaniyang bahay kubo
dahil sa pagod na natamasa. Mabilis siyang nakatulog ng mahimbing. Natagpuan ng mga
mangingisda ang bangka ni Santiago na may dugo at buto kaya nag alala ang mga ito at
inakala na may nangyaring masama kay Santiago.

Nagkagulo ang mga mangingisda sa nakita nilang marlin na nahuli ni Santiago. Inakala
nga mga turista ng Cafe na nakahuli siya ng pating. Nag-aalala si Manolin sa kanyang amo
nang mabalitaan niya ang nangyari at agad niya pinuntahan ang bahay nito. Umiiyak siya nang
makitang siya’y ligtas at nakatulog lamang. Nang magising si Santiago, nag-usap ang dalawa
at nangako sa isat-isa na sila ay magkasama na muli sa pangingisda. Sa muling pagtulog ni
Santiago siya ay nanaginip, ang kanyang kabataan.

III. PAKSA
-Ang paksa ay pumapatungkol sa matandang si Santiago na isang mangingisdang
nakipagsapalaran sa gitna ng kamalasan sa pagpalaot. Itong nobela rin ay naangkop sa
kasalukuyang pamumuhay ng tao—nagpapakita ng pakikipagsapalaran sa buhay.

IV. BISA (SA ISIP/SA DAMDAMIN)


-Ang nobelang ito ay nag-iwan ng epekto sa mga mambabasa. Ilan sa bisa sa isip ng akdang
ito ay nagbigay kaalaman sa mga mambabasa kung gaano katibay at katatag ang tiwala sa
sarili ng isang matandang mangingisda. Kahit paman siya ay binansagang 'hindi mahusay' sa
larangan ng pangingisda at kahit na panay panghihila pababa ang pinagsasabe ng mga tao ay
sinikap niya pa ring tatagan ang kaniyang loob bagkus alam niya ang kaniyang sariling
kakayahan, at lagi niyang isinasaisip na dadating ang araw na makakahuli siya ng mga kilalang
isda na hinahangad mahuli ng ibang mangingisda. Dahil dito, ang bisa sa damdamin ng
nobelang ito ay ang pagpukaw ng iilang damdamin ng sinumang tao hindi lamang sa mga
mangingisda. Ito ay naging isang paalala na sa buhay nararapat may kaunting tiyaga, kaunting
gawa, kaunting dasal upang lahat ng minitmithi ay makakamtan. Wala iyan sa pagiging malas o
swerte, na sa pagsisikap, pagpupunyagi at paniniwala.

V. MENSAHE
-Ang mensahe ng nobelang “Ang Matanda At Ang Dagat” ay huwag mawalan ng pag-asa. Sa
mundong walang kumikilala o humahanga sa taglay mong katangian, sa mundong puno ng
negatibo, nararapat na huwag tayong mawalan ng pag-asa. Bagkus ang pag-asa ang siyang
magpapatuloy sa atin na lalo pang galingan sa buhay, mas magsumikap at magpunyagi. Ang
bawat tao ay may pinagdadaanan na pagsubok. Gayunman, huwag susuko sa mga pagsubok
na dadating at sa halip ay dapat maging matatag at malakas tayo sa pagharap dito. Sa naging
kalagayan ni Santiago siya ay halos mawalan na ng pag-asa ngunit siya ay naging matatag
kaya nakamit din niya ang tagumpay na hinahangad ng bawat mangingisda.
Performance task
VI. TEORYANG GINAMIT (Naturalismo, Eksistensiyalismo, Realismo at iba pa)
- REALISMO

-Ang teoryang ginamit sa nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” ay realismo. Matapat na
pagsasalamin sa realidad ang naging paksa sa naturang nobela. Ang katotohanan ang
binibigyang-diin sa nobela at inilahad sa nobela ang tunay na buhay ng isang mangingisada.
Ang paksa rin ng nobela ay isa sa mga kalagayang nangyayari sa lipunan.

You might also like