Pilling Larang

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ST. ELIJAH CHIRSTIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY FOUNDATION INC.

OCAŇA, CARCAR CITY, CEBU


_____________________________________________________________
LEARNING MODULE
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
SUBJECT
QUARTER 1
LESSON 1-3/WEEK 1-3
___________________________________________________________________________________
NAME OF STUDENT/GRADE LEVEL

MR. JAP FERNANDEZ


SUBJECT TEACHER

QUARTER 4
Lesson 1-3: Week 1-3

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t
ibang larangan
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko
PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa pananaliksik

LEARNING COMPETENCY
Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng
sulating akademiko
Nakakasusulat nang maayos na akadamikong sulatin
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin

TO KNOW
DISCUSSION
Learning Outcome 1: Akademikong Pagsulat

Mga Gawaing Pampag-iisip sa Akademiya

Ang salitang akademiya ay mula sa mga salitang Pranses na académié, sa Latin na academia, at sa Griyego na
academeia. Ang huli ay mula naman sa Academos, ang bayaning Griyego, kung saan ipinangalan ni Plato ang hardin.
Ang akademiya ay itinuturing na isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar, artista, at siyentista na ang
layunin ay isulong, paunlarin, palalimin, at palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang
mataas na pamantayan ng partikular na larangan. Isa itong komunidad ng mga iskolar.

Sa mga mag-aaral na magpapatuloy sa kolehiyo, malaki ang maitutulong ng kaalaman at kasanayan sa malikhain at
mapanuring pag-iisip upang masiguro ang tagumpay sa buhay-akademiya.

Malikhain at Mapanuring Pag-iisip


Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga, at talino upang epektibong harapin
ang mga sitwasyon at hamon sa buhay-akademiko, at maging sa mga gawaing di-akademiko. Hindi nasasagkaan ng
pagiging mapanuri ang pagkamalikhain ng tao. Nagtutulungan pa nga at nagtatalaban (impluwensiya) ang dalawang
kakayahang ito upang makabuo ng mga paniniwala sa buhay at pagdedesisyon tulad ng pagpili ng kurso, karera, o
negosyo, pagsasagawa ng mga gawain, pakikipag-ugnayan sa kapuwa, at pagkakaroon ng makabuluhan at
makahulugang pamumuhay sa komplikadong mundong ating ginagalawan.

Ganitong mga katangian ang bumubuo sa isang malikhain at mapanuring indibidwal. Hindi kailangang maging henyo o
talentado upang maging malikhain. Sa akademiya, ang mga katangiang ito ay nililinang at pinapaunlad sa mga mag-
aaral. Malaki ang maitutulong nito upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa kolehiyo, trabaho, at araw-araw na
pamumuhay.

Akademiko vs. Di-Akademiko


Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo (Pranses: academique; Medieval Latin: academicus)
noong gitnang bahagi ng ika-16 na siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o
larangan ng pag- aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.

Akademiko Di-akademiko
Layunin: Layuni:
Magbibigay ng ideya at impormasyon Magbibigay ng sariling opinyon
Paraan o batayan ng datos: Paraan o batayan ng datos:
Obserbasyon, pananaliksik at pagbabasa Sariling karanasan, pamilya, komunidad
Audience: Audience:
Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong komunidad) Iba’t ibang publiko
Organisasyon ng ideya: Organisasyon ng ideya:
- Planado ang ideya - Hindi malinaw ang estruktura
- May pagkakasunod-sunod ang estruktura ng mga - Hindi kailangang magka-ugnay ang ideya
pahayag.
- Magka-ugnay ang ideya
Pananaw: Pananaw:
- Obhetibo - Subhetibo
- Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin - Sariling opinyon, pamilya, komunidad ang
kundi sa mga ideya o facts pagtukoy
- Nasa pangtlong panauhan ang pagkaksulat - Tao at damdamin ang tinutukoy
- Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin at - Nasa una at pangalawang panauhan ang
hindi gumagamit ng pangalawang panauhan. pagkakasulat

Mga Layunin sa Akademikong Pagsulat


Karamihan sa mga batayang aklat at iba pang babasahin tungkol sa pagbasa, pagsulat, at pagtatalumpati ay
nagpapaliwanag na ang bawat anyo ng komunikasyon ay may isa sa mga sumusunod na layunin: magpabatid, mang-
aliw, at manghikayat.

Ang impormatibong akademikong sulatin ay nagbibigay ng kaalaman at paliwanag. Halimbawa nito ang balita,
lahok sa encyclopedia, ulat na nagpapaliwanag sa estadistika, papel na nagpapaliwanag ng konsepto, sulatin tungkol sa
kasaysayan, tesis, at iba pa.

Tanggap na sa kasalukuyan ang mga personal o malikhaing akda bilang mga halimbawa ng akademikong sulatin.
Halimbawa, sa mga disiplinang nag-aaral ng panitikan, sining, kultura, at kasarian, itinuturing na akademikong teksto ang
autobiography, diary, memoir, liham, at iba pa. Mayroong mga kritikal o akademikong akda na naisusulat sa paraang
malikhain gaya ng rebyu, pagsusuri, o talang pangkasaysayan. Bukod sa pagbibigay ng impormasyon, nagbibigay ng aliw
ang mga tekstong ito sa mambabasa.
Ang sulating nanghihikayat naman ay may layuning kumbinsihin o impluwensiyahan ang mambabasa na pumanig
sa isang paniniwala, opinyon, o katuwiran. Halimbawa ng ganitong akademikong sulatin ang konseptong papel,
mungkahing saliksik, posisyong papel, manifesto, editoryal, talumpati, at iba pa. May mga akademikong sulating
naghahalo ang mga layunin. Kung hindi nakasisiguro kung paano uuriin ang ganitong sulatin, ito lamang ang tandaan: iba
ang pangunahing layunin ng panghihikayat sa pangunahing layunin ng pagbibigay ng impormasyon. Kapag malinaw sa
iyo ang pangunahing dahilan ng iyong pagsulat, matutukoy mo ang mga estratehiyang magagamit mo sa pagtugon sa
layunin ng iyong akda.
Mga Gamit sa Akademikong Pagsulat
Sa pagbabasa ng sanaysay, encyclopedia, batayang aklat, balita, at iba pang akademikong sulatin, maoobserbahang may
iba't ibang gamit o hulwarang ginagamit upang maging malinaw ang daloy ng mga ideya. Kabilang dito ang mga
sumusunod:

 Depinisyon – pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino. Halimbawa, ang pormal na depinisyon


ng “kalayaan," mga salitang kasingkahulugan nito, at etimolohiya o pinanggalingan ng salitang ito.
 Enumerasyon - pag-uuri o pagpapangkat ng mga halimbawang nabibilang sa isang uri o klasipikasyon.
Halimbawa, ayon sa lahi, uri, kulay, kasarian, panahon, interes at iba pa.
 Order - pagsusunod-sunod ng mga pangyayari o proseso. Halimbawa, kronolohiya ng mga pangyayari sa
Pilipinas mula 1896 hanggang 1898, proseso sa pagluluto ng adobo, at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
na nagdulot sa paglubog ng barkong MV Doña Paz.
 Paghahambing o Pagtatambis - pagtatanghal ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga tao (Benigno Aquino III
at Gloria Macapagal-Arroyo), lugar (Coron at El Nido), pangyayari (EDSA I, EDSA II, at EDSA III), konsepto
(katarungan at hustisya), at iba pa.
 Sanhi at Bunga - paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay at ang kaugnay na epekto nito.
Halimbawa, dahil sa kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura (sanhi), laging bumabaha sa kalakhang
Maynila (bunga).
 Problema at Solusyon - paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga posibleng lunas sa mga ito.
Halimbawa, edukasyon ang sagot sa kahirapan.
 Kalakasan at Kahinaan - paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng isa o higit pang bagay, sitwasyon,
o pangyayari. Halimbawa, mga kalakasan at kahinaan ng programang K to 12 sa sistema ng edukasyon sa
Pilipinas.

Mga Katangian ng Akademikong Sulatin


May natatanging anyo ang akademikong sulatin. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga katangian nito:
 Pormal ang tono
 Karaniwang sumusunod tradisyonal kumbensiyon sa pagbabantas, grammar, at baybay
 Organisado at lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya
 Hindi maligoy ang paksa
 Pinahahalagahan ang kawastuan ng mga impormasyon
 Karaniwang gumagamit ng mga simpleng salita upang maunawaan ng mambabasa
 Hitik sa impormasyon
 Bunga ng masinop na pananaliksik
Anyo ng Akademikong Sulatin
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga anyo ng akademikong sulatin:
Pamumuna Sanaysay Liham
Anotasyon ng bibliograpi Metaanalysis Korespondensiya opisyal
Manwa Balita Rebyu ng aklat, pelikula, o
sining-biswal Autobiography
Artikulo sa journal White paper Tesis
Ulat Editoryal Memoir
Rebyu ng mga pag-aaral Liham Plano ng pananaliksik
Disertasyon Konseptong papel Papel-pananaliksik
Mungkahing saliksik Pagsasalin

Learning Outcome 2: Abstrak

PAGSUSULAT NG ABSTRAK
Kahulugan ng Abstrak
Ang abstrak, mula sa Latin na abstracum, ay ang maikling buod ng artikulo o ulat na inilalagay bago ang
introduksyon. Ito ang siksik na bersiyon ng mismong papel. Ipinaaalam nito sa mga mambabasa ang paksa at kung ano
ang aasahan nila sa pagbabasa ng isinulat na artikulo o ulat. May dalawang uri ng abstrak: deskriptibo at impormatibo.
Ang uri ng abstrak na iyong isusulat ay nakadepende sa paksa o sa disiplinang kinapapalooban nito.
Kalikasan at Bahagi ng Abstrak
Deskriptibong Abstrak Impormatibong Abstrak
 Inilalarawan nito sa mga mambabasa ang mga  Ipinahahayag nito sa mga mambabasa ang
pangunahing ideya ng papel. mahahalagang ideya ng papel.

 Nakapaloob dito ang kaligiran, layunin, at tuon  Binubuod dito ang kaligiran, layunin, tuon,
ng papel o artikulo. metodolohiya, resulta, kongklusyon ng papel.

 Kung ito ay papel-pananaliksik, hindi na  Maikli ito, karaniwang 10% ng haba ng buong
isinasama ang pamamaraang ginamit, papel at isang talata lamang.
kinalabasan ng pag aaral, at kongklusyon.
 Mas karaniwan itong ginagamit sa larangan ng
 Mas karaniwan itong ginagamit sa mga papel sa agham at inhinyeriya o sa ulat ng mga pag-aaral
humanidades at agham panlipunan, at sa mga sa sikolohiya.
sanaysay sa sikolohiya.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


Maaaring sundin ang mga sunusunod na hakbang sa pagusulat ng isang mahusay na abstrak:
1. Basahing muli ang buong papel. Habang nagbabasa, isaalang-alang ang gagawing abstrak. Hanapin ang mga bahaging
ito: layunin, pamamaraan, sakop, resulta, kongklusyon, rekomendasyon, o iba pang bahaging kailangan sa uri ng abstrak
na isusulat.
2. Isulat ang unang draft ng papel. Huwag kopyahinn ang mga pangungusap. Ilahad ang mga impormasyon gamit ang
sariling salita.
3. Trebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan sa organisasyon at ugnayan ng mga salita o
pangungusap, tanggalin ang mga hindi na kailangang impormasyon, magdagdag ng mahahalagang impormasyon, tiyakin
ang ekonomiya ng mga salita, at iwasto ang mga maling grammar at mekaniks.
4. l-proofread ang pinal na kopya.

Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak


Isaalang-alang ang mga sumusunod na katangian ng isang mahusay na abstrak
1. Binubuo ng 200-250 salita
2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap na nakatatayo sa sarili nito bilang isang yunit ng impormasyon
3. Kompleto ang mga bahagi
4. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel
5. Nauunawaan ng pangkalahatan at ng target na mambabasa

ASSESSMENT
LESSON 1-3-WEEK 1-3
NAME OF STUDENT:_______________________GRADE LEVEL/SECTION: _____________
DATE SUBMITTED: ______________________ SCORE:_________________________

PAGSASANAY 1 Panuto: Piliin sa hanay B ang titik ng hulwarang gamit sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

______1. Pagpapaliwanag sa kahulugan ng “estetika” a. enumerasyon


______2. Listahan ng mga hayop na matatagpuan sa bundok b. paghahambing o pagtatambis
______3. Mga hakbang sap ag-aasemble ng bisikleta c. order
______4. Ang sistemang patriyarka ang dahilan ng mababang d. depinisyon
Pagtingin ng marami sa mga babae f. sanhi at bunga
______5. Mas maunlad ang Singapore kaysa Pilipinas g. kalakasan at kahinaan
A. Panuto: Subukan ang natutunan batay sa natalakay.

1. Paano nagiging kasangkapan ang komunikasyon ang pagsulat?


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga kaibahan ng akademikong pagsulat sa personal na pagsulat?
_____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Ibigay ang pangunahing layunin ng akademikong pagsulat?
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________
4. Bakit mahalagang alamin kung sino ang mambabasa kapag magsulat ng akademikong teksto?
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________
B.Panuto: Sagutin ang mga katanungan batay sa mga naitalakay sa itaas.

1. Bakit mahalagang basahin muli ang buong papel bago isulat ang abstrak?
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________
2. Paano mo tatayain ang kahusayan ng isusulat mong abstrak?
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________
3. Ano-anong mga paghahanda ang gagawin mo upang makalikha ng isang mahusay na abstrak?
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________
4. Bakit kailangan gumamit ng mga simpleng salita at pangungusap sa abstrak?
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________
Performance Task:

Panuto: Basahin ang sumusunod na abstrak ng siyentipikong artikulong nailathala sa isang internasyunal na journal
at sagutin ang mga kaugnay na tanong pagkatapos.(Isulat sa shortbondpaper)

Abstrak

Gamit ang datos mula sa panglabas na kaanyuan at mga gene sequence mula sa mitochondria, nagsagawa kami ng
rebisyon ng tatlong species ng reptil (reptile) na nabibilang sa genus na Brachymeles. Sa kabila ng malaking pagkakaiba
sa kaanyuan ng mga populasyon sa iba't ibang isla, dalawang kalat na species-Brachymeles boulengeri at Brachymeles
schadenbergi—ang patuloy na kinikilala dahil sa magkakatulad na laki ng katawan at pagkakahawig ng kulay at anyo ng
kanilang kaliskis. Ang ikatlong species, ang Brachymeles talinis, ay matatagpuan sa isla ng Jolo at sa gitna at hilagang
bahagi ng Pilipinas. Ipinapakita ng aming datos na ang bawat isa sa apat na subspecies ng B. boulengeri at ang dalawang
subspecies ng B. schadenbergi ay may natatanging kalamnang henetiko, may bukod-bukod na distribusyon, at naiiba sa
ibang miyembro ng genus sa maraming aspekto ng panlabas na kaanyuan at samakatuwid ay nararapat na kilalanin
bilang ganap na species. Binibigyang-katuwiran ng aming datos henetiko ang pagkilala sa populasyon ng B. talinis mula
sa Luzon bilang bagong species at ang pagtuklas ng isang hindi anaasahang bagong species mula sa isla ng Masbate. Sa
huli, kinakailangan ding makilala ang populasyon ng B. talinis mula sa isla ng Jolo bilang isang bago at ganap na species
dahil sa namumukod nitong kaanyuan. Sa pamamagitan ng rebisyong ito, tumaas ang bilang ng species na nabibilang aa
genus na Brachymeles mula sa Pilipinas

1. Tungkol saan ang pag-aaral ayon sa binasang abstrak?

___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________
2. Anong uri ito ng abstrak?

___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________
3. Ano-anong mga bahagi ang makikita mo rito?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Prepared By: Mr. JAP B. FERNANDEZ

SUBJECT TEACHER
CHECKED AND APPROVED BY:
LIOVEGLEN T. YBALES
OIC

You might also like