Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Unang Markahan sa Filipino 7

S.Y 2019-2020

Name: _________________________________________ Score: ________ Parent’s Signature: _________


I. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung hindi.

_______1. Ang epikong Prinsipe Bantugan ay mula sa Mindanao.


_______2. Ang ibig sabahin ng nanggigilalas ay nagalit.
_______3. Nakaugalian na sa Pilipinas na pagsilbihan at igalang ng babae ang asawang lalaki.
_______4. Isa si Datu Puti sa Kasaysayan ng Sampung Datu sa Borneo.
_______5. Si Prinsipe Madali ay nakakabatang kapatid ni Prinsipe Bantugan.
_______6. Ang Bumbaran ay kabilang sa ikalimang antas ng munisipalidad ng lalawigan ng Lanao del Sur.
_______7. Anak ni Datu Bararuddin si Sultan Karamat.
_______8. Ang tunggalian ay pinakamataas na pangyayari sa akda.
_______9. Sa kakalasan malalaman ang kalalabasan ng kabuuan ng pangyayari.
_______10. Ang docufilm ay may elementong gaya rin ng maikling kwento.

II. Piliin ang wastong kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Bilugan ang tamang sagot.

1. Hinangaan nila ang magarang kasuotan ng Sultang kinilala ng mga tao.


a. Malinis b. Magarbo c. Maganda d. Mabango
2. Tunay ngang tuso ang kaibigan nating nanloloko sa pangkat ng mga kabataan.
a. Mapanukso b. Mapag-imbot c. Mapang-asar d. Mapanlamang
3. Sinuway niya ang utos ng kaniyang mga magulang kaya naman hindi siya nakatapos ng pag-aaral.
a. Hindi sumunod sa utos b. Sinunod ang kagustuhan c. Hindi kumain ng masustansya
4. Tunay ngang nagsumikap siya sa buhay kaya narating niya ang tagumpay.
a. Nagbago b. Nagmadali c. Nagsipag d. Nagpayaman
5. Nagbunyi ang kanilang kaharian matapos nilang magapi ang kaaway.
a. Naglaro b. Nagluksa c. Naghanda d. Nagdiwang
6. Natagpuan na nila ang mga bangkay ng mga kawal na nakipaglaban sa digmaan.
a. Katawan ng puno b. Katawan ng patay c. Katawan ng liham d. Katawan ng hayop
7. Sumama ka sa amin at may masisilungan ka habang narito ka sa Maynila.
a. Mataas na puno b. Matutuluyan c. Ilalim ng sikat ng araw d. Wala sa nabanggit
8. Masarap mamasyal at pagmasdan ang kagandahan ng dalampasigan.
a. Ilog b. Dagat c. Karagatan d. Baybayin/pampang
9. Napuno ng dagta ang mga damit ng kabataang nanguha ng mga bunga ng kaimito.
a. Katas ng dayap b. Katas ng mansanas c. Katas ng Kalamansi d. Katas na malapot ng punongkahoy
10. Ano-ano ang mga salitang kumakatawan sa NCR?
a. National Capital Region c. National Commission on Railway
b. National Corporation Region d. National Communication Research

III. Kilalanin ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang wastong sagot.

___________1. Ang antuking baboy sa dulang “Ang Pulang Inahin at ang kanyang mga katoto”
___________2. Ito ay paboring kainin ng mga sisiw at manok sa dulang binasa.
___________3. Isang milagrong ibinigay ni Nuestra Señora del Pilar sa Lungsod ng Zamboanga.
___________4. Dito naganap ang mga pangyayari sa Alamat ng Milagro ng Nuestra Señora del Pilar.
___________5. Ito ay saylopong kawayan ng mga Tausug. Ito ay pinatutugtog sa pamamagitan ng pagpukpok ng isang
martilyong gawa sa kahoy.
___________6. Ito ay nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay tunay o totoo.
___________7. Ito ang tawag sa pahayag na hindi direktang makikita,, maririnig o mahihipo ang ebidensiya subalit sa
pamamagitan nito ay masasalamin ang katotohanan.
___________8. Siya ang anak ni Datu Pulpolan na nagtataglay ng mga katangian ng isang Datu.
___________9. Ito ang pangunahing instrumentong pangmusika sa Sulu. Binubuo ng walong melodiyang gong na patuloy
na ginagamit ng mga taga Mindanao.
___________10. Anyo ng panitikan ng “Mga Milagro ng Nuestra Señora del Pilar o Fort Pilar sa Lungsod ng Zamboanga.

IV. Kahunan ang pang-ugnay na ginamit sa loob ng pangungusap at isulat sa patlang kung ito ay pang-angkop,
pang-ukol o pangatnig.

___________1. Kapag hindi sila nagkaisa ay tiyak na magagapi sila ng kanilang mga kaaway.
___________2. Kailangan kong mag-aral ng mabuti dahil gusto kong makapagtapos.
___________3. Sa wakas naging tahimik narin ang aking pamumuhay.
___________4. Matapat na pinuno si Prinsipe Bantugan.
___________5. Gumagamit ng Barkong pandigma ang Pilipinas.
___________6. Ang aking pag-ibig ay para sa matapat na tao lamang.
___________7. Kinulong sa bilangguan ang mga taong nagkasala
___________8. Epektibong metodo tungo sa pagkatuto ng mga milenyal na mag-aaral.
___________9. Ayon sa PAGASA mayroon na namang mamumuong bagyo.
___________10. Dahil sa kanya natuto akong pumili ng tama.

V. Salungguhitan ang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap at isulat sa patlang ang (SB) kung ang pangungusap ay
naghahayag na nauuna ang sanhi sa bunga at (BS) naman kung ang bunga ang nauuna sa sanhi. (2pts)

_______1. Nagalit ang aming Guro dahil maingay kami.


_______2. Hindi nag-aral si Preya kaya bumagsak siya sa pagsusulit.
_______3. Naghandog si abel ng pagkain sapagkat ibig niyang matuwa sa kanya ang Dios.
_______4. Maraming bunga ang puno ni Mang Andres dahil inaalagaan niya ito.
_______5. Napilitang magtrabaho si Ben gawa ng matinding kahirapan.

VI. Tukuyin kung anong pangungusap na walang tiyak na paksa ang isinasaad ng mga sumusunod. Isulat sa patlang
ang titik ng tamang sagot.
a. Pangungusap na Eksistensiyal d. Pangungusap na Temporal
b. Pangungusap na Sambitla o Padamdam e. Pangungusap na Modal
c. Pangungusap na Pautos o Pakiusap f. Pangungusap na Penomenal
g. Pormulasyong Panlipunan
_______1. Aray ko ! _______11. Kailangan kong makapasa sa pagsusulit.
_______2. Bukas may pasok na. _______12. Makulimlim na naman.
_______3. Pakiabot nga. _______13. Tuloy po kayo.
_______4. May aso sa labas. _______14. Susmaryosep!
_______5.Mainit ngayon. _______15. Ala singko pa lang ng hapon.
_______6. Mano po. _______16. Gusto kita.
_______7. Makikiraan po. _______17. Bumaha kahapon.
_______8. Tag-araw na. _______18. Tao po.
_______9. Dapat kitang mahalin. _______19. Umalis ka diyan.
_______10. Hugasan mo ang iyong pinagkainan. _______20. Walang nagsasalita.

You might also like