Ang Panitikan Sa Panahon NG Bagong Kalayaan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Ang

Panitikan
Sa Panahon
Ng Bagong
Kalayaan
SULYAP SA NAKARAAN
Nagbunyi at nagdiwang ang mga Pilipino nang matapos ang digmaan noong 1945. Ang
matagal na inaasam na pagkahango sa kalupitan ng mga Hapones ay natupad na rin.
Ang iniwang kapinsalaan sa buong kapuluan, tulad ng mga nawasak na gusali, mga
paaralan, tulay, at lansangang-bayan ay nangailangan ng pagsasaayOs. Ang
pagbabagong tatag sa napinsalang kabuhayan ay naging panibagong suliranin sa mga
Pilipino. Naging suliranin din ang mga paghíhínalang may mga kilalang tao, na ang iba
ay may mga katungkulan pa, na nakipagsabwatan o nakipagtulungan sa mga Hapones
sa panahon ng pananakop. Sínasabíng sa mga nagsipagtaksil na ito may ilang kilalang
pinatunayang hindi kolaboretor, at ang pakikisamang ginawa nila sa mga Hapones ay
Sinadya nila upang maging daan din ng pagtulong sa mga Pilipino. Ang Pilipinas naman
ay tinulungan sa panahong ito ng Estados Unidos, sa pamamagitan ng mga pagkain,
mga pangunahing kagamitan, at ilang milyong dolyar upang makabangon kahit paano
sa bumagsak na kabuhayan. May mga nagsagawa ng kahilingan na pasukan ng
pagbabago ang Saligang-Batas ng Pilipinas, na binibigyang-karapatan ang mga
mamamayang Amerikano sa ating mga likas na kayamanan (parity righis). Walang
nagawa ang mahigpit na pagtutol nina Claro M. Recto at Jose P. Laurel, sapagkat ang
mamamayan ay sumang-ayon na rin dahilan sa mahigpit na pangangailangan ng
naghihirap na bansa. Ang kalayaan ng mga Pilipino ay ipinagkaloob sa bisa ng Batas
Tydings- McDuffie noong Hulyo 4, 1946, ngunit masasabing walang ganap na kalayaan
dahil sa kahirapan ng bayan, at kakulangan ng wastong pagpaplano para sa
pagpapanibagong tatag ngbansa,

PANITIKAN

Sa pagbabalik ng mga Amerikano ay masasabing nabigyan lalo ng pagpapahalaga ang


wikang Ingles. Sa pangunguna ng Estados Unidos sa mga kaunlarang pambansa, y
nanguna rin ang kanilang wika na itinuring nang wikang pandaigdig. Nagkaroon g
tatlong wikang opisyal - Tagalog, Ingles, at Kastila, at ito ay nang matamo ang
Tepublika noong taong 1946.

Ang naging kalagayan ng panulatang Tagalog sa panahong ito ay tulad din noong bago
magkadigmaan. Ang pagkabuhay at pagkamatay ng mga akdang Tagalog ay
nakasalalay sa mga mambabasa. Ang karamihang tumangkilik sa babasahing Tagalog
ay yaong mga hindi nakapag-aral o nakatapos ng pag-aaral. Ang mga nagsipag-aral ay
hindi nagkahilig sa pagbabasa nito. Kaya't noong Liberasyon (1945) hanggang sa
pagsapit ng 1950, nawala't lumitaw ang mga babasahing Tagalog gaya ng Simagtala,
Malaya, at Kayumanggi, sa ilalim ng pamamatnugot nina Clodualdo del Mundo,
Teodoro Agoncillo, at Alejandro Abadilla. Ang. Ang Maikling Kuwentong Tagalog 1886-
1948 (1949) na pinamatnugutan ni Teodoro Agoncillo ay nabilang mga akdang may uri
na kinagiliwan ng marami. Taong 1946 nang sumigla ang Panitikang Filipino, sapagkat
bawat manunulat ay nagnais na makasama ang kanilang akda sa mga katipunan ng
mga piling-akda na nang panahong ito ay nagkasunud-sunod ang mga aklat-katipunan
na naglalaman ng mga maituturing na may uring katha. Nakilala rin ang mga aklat-
pampaaralan ni Juan C. Laya na Diwang Kayumamggi at Divang Ginto ni Brigido
Batungbakal. Dahilan sa mga pinasimulang ito, unti-unting nakilala sa mga paaralan
ang kahalagahan ng mga akdang nagpapalawak sa kaisipan at pananaw ng mga
kabataang mag-aaral, kâugnay ng layuning pagbibigay-halaga sa panitikang Filipino.
Ang mga sumusunod na akda mula sa katipunan ng mga akda ni Alejandro G. Abadilla
(1948): Silakbo ni Marcial 1. Aguila; Siya sa lbabaw ng Daigdig ni Brigido C.
Batungbakal; Maganda ang Ninang Ko at Sining Din ng Buhay ni Liwayway Arceo at
Nupling Ang Isang Munting Halaman ni Pedro S. Dandan; Kalansay n Genoveva
Edroza, at marami pang iba. Mula naman sa katipunan ng Ang Maikling Kuwentong
Tagalog 1887-190 i Teodoro Agoncillo (0949) ay ang sumusunod: Noche Buena ni
Genoveva Edroza Matute, 4ko 'y Mayroong Isang Ibon ai Deogracias Rosario; Walong
laong lang ni Genoveva Edroza; Bakya ni Hernando R. Ocampo, at Pusa Sa Aking
Hapag ni Jesus A. Arceo

Sina Abadilla, F.B. Sebastian, at A.D.G. Mariano (1954) ay ilan sa mga nanguna sa
larangan ng maikling kathang Tagalog, gayundin ang mga sumusunod: Aloha ni
Deogracias A. Rosario; Kasalan sa Nayon ni Eleuterio P. Fojas; Bunga no Kasalanan ni
Cirio H. Panganiban; Ang Lupang Timubuan ni Narciso G. Reyes: at Ang Langit ni Ka
Martin ni Macario G. Pineda. Masasabing si Genoveva D. Edroza (1952) ang nagbigay
ng pasimula sa ibang kamanunulat sa pagbuo ng aklat na katatagpuan ng mga piling
sariling akda. Ang aklat ni Edroza ang kauna-unahang katipunan ng akda sa Filipino.
Ang ilan sa mga kuwento niya ay ang sumusunod: Sariwa Pa Ang Alaala, Walong
Taong Gulang at Ar Lumaki si Ben. Si Edroza ay may likas na giliw sa mga bata na
mapapansin sa ilan niyang mga akda. Mapupunang maingat na nailalahad ni Edroza
ang mga kaalamang pansikolohiya sa pag-unawa sa mga suliraning pambata.
ANG SARILING PANULAAN
Ang mga Pilipinong nakilala sa larangan ng tula ay puno ng imahinasyon, at
nagtataglay ng mapangaraping diwa, at matayog na damdamin at kaisipa, palibhasa'y
naging inspirasyon ang mga karanasang naganap at nasaksihan sa sariling bayan. Ang
mga manunulat at makata noon pang unang panahon hanggang sa kasalukuyan ay
nagbibigay-kaalaman sa tunay na larawan ng kapaligiran at may layuning ipaunawa sa
kamalayan ng babasa ang mga ideya, paniniwala, at pananaw sa iba't ibang kulay ng
buhay, maging ito ay kahapon, ngayon, at bukas. Kinilalang mahalagang kontribusyon
sa Panitikang Filipino ang mga makatang tulad ng sumusunod: Julian Cruz Balmaceda,
Iñigo Ed. Regalado, Fernando B. Monleon, Amado V. Hernandez, Aniceto F. Silvestre,
Gonzalo Flores, Ruben Vega, Jose Domingo Karasig, Manuel Prinsipe Bautista, at
Corazon Arceo. Sa kasalukuyang panahon ay nakilala sina: Virgilio Almario, Celestino
Vega, 5Ienvenido Ramos, Pedro Ricarte, Epifanio San Juan, at ilan pa.

Talaan ng mga Nagwaging Gantimpalan9 Palanca sa Tula


Nagsimula ang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 1950. Si Tan
Guin Lay o Carlos Palanca Sr. ang Ama ng Gawad Palanca. Ang may bilang 1sa ay
nagwagi ng unang gantimpala, ang dalawa ay pangalawang gantimpala, at ang tatlo ay
pangatlong gantimpala.
1963-1964.
1. Alamat ng Pasig Fernando Monleon
2. Ito ang Aking Panahon - Bienvenido A. Ramos
3. Halimuyak 101 - Vedasto G. Suarez
1964-1965
1. Sa Pagkaparool Ruben Vega
2. Mga Sugat ng Siglo - Teo S. Baylen
1965-1966
1. Ebolusyon C.C. Marquez, Jr.
2. Logos- Vict. V. dela Cruzz
3. tinig Mula sa Kung Saan Rogelio G. Mangahas
1966-1967
1 Toreng Bato - Kastilyong Pawid at Bagwis ng Guniguni Federico Licsi Espino, Jr.
2. Mga Paa. . . Mga Kamay - Bienvenido A. Ramos O Sanggol na Hari - Ruben Vega

1967-1968
1. Mga lbon at lba Pang Mga Tula - Bienvenido A. Ramos
2. lto ang Kabihasnan at lang Tula - Victor S. Fernandez
3. Kaktus ng Bungo - Martin D. Pantaleon

1968-19699
1. May Luha ang Tula at Iba Pa - Aniceto F. Silvestre
2. Paraanin Ako - Jose M. Buhain 3. Walong Tukod-Langit C.M. Vega

1969-1970
1. Peregrinasyon at Iba Pang Tula - Virgilio S. Almario
2. Alay ng Lahi- Ruben Vega 3 Maliwalu- Epifanio S. San Juan, Jr.

1970-1971
Mga Duguang Plakard at Iba Pang Tula - Rogelio Mangahas
2. Tatlong Awit ng Pagpuksa Lamberto E. Antonio
3. Dalawang Tula - Cirilio F. Bautista

MGA KILALA AT NATANYAG SA


LARANGAN NG PANULAAN

Valeriano Hernandez Peñna


Si Valeriano H. Peña ay isinilang noong Disyembre 12, 1858 sa San Jose Bulacan,
Bulacan. Siya ang bunso ng isang maralitang platero. Tinuruan siya ng kartilya ng
1sang matandang kapitbahay, at natutong bumasa at sumulat ng lagalog sa gulang na
sampung taon. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa paaralang bayan.
Gumamit siya ng sagisag na "Kintin Kulirat" sa kanyang pitak na "Buhay Maynila" sa
pahayagang Muling Pagsilang. Sampung taon siyang naging manunulat naturang
pahayagan. Ang Muling Pagsilang ay nahalinhinan ng laliba, at nagpatuloy sa pagsulat
dito si Mang Anong. Ang Buhay Maynila ay napasalin kay Jose C. de Jesus na gumamit
ng sagisag na "Huseng Batute" nang mamatay si Pefñia. Obra Maestra niya ang Nena
at Neneng.

Amado V. Hernandez
Si Amado V. Hernandez, tinaguriang "Makata ng Manggagawa, ay isinilang sa Tondo,
Maynila noong Setyembre 13, 1903. Ang kanyang mga tula ay nagtataglay ng
pagmamahal at pagpapahalaga sa mga maliliit at dukhang manggagawa. Siya ay isang
batikang makata at kilala rin bilang kuwentista, mamamahayag, nobelista, lider ng mga
manggagawa, at pulitiko. Ang aklat na Pilipinas na naglalaman ng mga isinulat niyang
tula av pinagkalooban ng gantimpalang pampanitikan nang pasinayaan ang sOmonwelt
noone 1935. Sa pambansang timpalak noong 1939 at 1940 ay nanalo siya sa larangan
ng tula, at dalawamputlimang ulit siyang nagwagi sa pagkamakatang laureado $a iDat
ibang timpalak pampanitikan. Kinilala rin siyang mambabalagtas at mambibigkas. Ang
tulang nagbigay sa kanya ng pangalan ay Bonifacio at Guro ng Lahi. Bilang
mamamahayag ay naging patnugot siya ng babasahing Sampagila, at ng pang-araw-
araW na pahayagang Pagkakaisa at Mabuhay. Naging kolumnista rin siya ng
pahayagang Taliba, at ang pitak niya ay may pamagat na Sari Sar Bilang pulitiko ay
nahalal siyang konsehal sa Unang Purok ng Maynila (Tondo). Dahil sa pagkahilig niya
sa pagbabasa ng mga artikulong ukol sa sosyalismo at komunismo ay naparatangan
siya ng kasalanang sedisyon. Nabilanggo siya ng anim na taon habang hinihintay ang
pangwakas na hatol ng Korte Suprema sa paghahabol Sa 1ginawad sa kanyang
parusang pagkabilanggo habambuhay.

Alejandro Abadilla
Ang makata ng bagong panahon na nakapagbago sa tulang Tagalog nang higit Kanino
man ay si Alejandro Abadilla. Isinilang siya sa Cavite ngunit sa Maynila git na nakilala
dahil sa mapanghimagsik na impluwensya niya sa anyo at nilalaman S tulang Tagalog.
Ipinagpakasakit ni Abadilla ang kaunlaran at kaginhawahan ng Panilya dahil sa
matinding paninindigan niya sa may uring panitikan. Sa panulaan ay Pnakilala niya ang
malayang taludturan at ang mapanghimagsik na diwa ng apresyonismo.

Teo S. Baylen
Maraming karangalang natamo ang makatang si Teo S. Baylen, kasama na rito ang
pagiging Makata ng Taong 1964, ayon sa Talaang Ginto na pinagtibay ng Surian ng
Wikang Pambansa; nagtamo ng Gantimpalang Pangkalinangan sa Panitikan noong
1965 (NepuolicCHitural tHeritage Awan) dahil sa aklat-katipunan ng kanyang mga tula,
ang nig S DaratinS% Palanca Memorial Awardee (1965). Kabilang sa kanyang aklat-
katipunan ng mga tula ang Pinsel at Pamansing at Kalabaw at Butfalo.

Virgilio S. Almario (Rio Alma)

Si Virgilio S. Almario ay isa sa mga pinakamahusay na makata ng bagong8 panahon.


Gumamit siya ng mga tauhan sa mga katutubong epikong Pilipino, sa mga kuwentong
bayan, kurido, at kasaysayan nang pasagisag upang mapalutang ang kaniyang nais na
tuligsain.

lldefonso Santos
Si ldefonso Santos ay tubong Malabon, Rizal, at isinilang noong Enero 23, 1897.
Nagtapos siya ng pag-aaral sa Philippine Normal School, at nagturo sa Paaralang
Bayan ng Malabon. Sa National Teachers College niya tinapos ang Batsilyer sa
Edukasyon. Naging superbisor din siya ng Wikang Pan Kawanihan ng Pagtuturo, kilala
sa tawag nia DepEd ngayon.

Bilang makata, nagtago siya sa sagisag-panulat na llaw-silangan". Hinangaar ng


marami ang mga tula niyang Ang Ulap, Panghulo, Ang Mangingisda, Gabi, at iba pa. an

Aniceto F. Silvestre
Ayon kay Rufino Alejandro, ang tradisyon at modernismo ay napagsalikop sa panulaan
ni Aniceto F. Silvestre. Ito ay hindi lamang sa anyo at pamamaraan, kung hindi sa
paksa at damdamin rin. Nagtamo siya ng maraming karangalan sa panulaan, kabilang
na rito ang apat na unang gantimpala bago nagkaroon ng digmaan, ikatlong gantimpala
sa Panahon ng Malasariling Pamahalaan, unang gantımpala noong ika-10 ng taon ng
Republika, at unang gantimpala sa Palanca noong 1969. Iñigo Ed. Regalado Si Iñigo
Ed. Regalado ay kilalang mamamahayag, patnugot, kuwentista, nobelista, at makata.
Siya ay may aklat-katipunan ng mga tula na kung tawagi'y Damdamin. Ito aynahati sa
limang uri: Sa Pag-ibig, Sa Panibugho, Sa Talambuhay, Sa Bayan, atSa Buhay.
Teodoro A. Agoncillo
Si Teodoro A. Agoncillo ay kilalang manunulat ng kasaysayan. Tinawag siyang
"Madamdaming Mananaysay" ni Carmen Guerrero Nakpil, isang kilalang manunulat sa
lngles. Marami siyang nasulat na mga salaysay na pangkasaysayan sa ba t ibang
magasin gaya ng Panitikan, Diwang Pilipino, at iba pa. Bukod sa mga ula, Si Agoncillo
ay nagsulat din ng mga maikling katha at sanaysay. Siya rin ay 1gmagalang na
patnugot ng may-uring magasing Malaya na nanuklas ng mga bagong manunulat na sa
kasalukuyan ay may sarili nang pangalan sa ating panitikan. Ang sumusunod ay bahagi
ng tula na nanalo sa timpalak Palanca:

MAIKLING KATHAA

Ang maikling katha ay tinatawag ding maikling kuwento o kung msa a payak na
kuwento. Ito ay isang mahalagang pangyayari sa buhay ng isang taua (maaaring tao,
hayop, o bagay) na siyang iniikutan ng iba pang pangyayart na nagbubunga ng
tunggalian na umaantig ng damdamin ng mambabasa. Ang maikling katha ay naiba sa
karaniwang salaysay dahil sa mga sumusunod na katangian:
1.iisang impresyon o kakintalan ang layon ng katha,
2. iisang pangunahing tauhan ang inilalarawan,
3. iisang pangyayari ang isinasalaysay, at
4. iisang paksa ang pinagsisikapang ipaliwanag.
Ang makabagong maikling katha ay hindi hinahanapan ng banghay (plot) sapagkat ang
layunin ay ang tumpak na paglalarawan ng buhay, o kaya'y isang mahalagang bahagi
nito. Walang makinis na balangkas ang buhay, kaya hindi rin dapat magkaroon ng
banghay ang kathang naglalayong maglarawan ng buhay.
Ang maikling katha ay nagmula sa dagli (Sketches). Nagsisulat ng dagli sinaV.
Hemandez Peña, Lope K. Santos, lñigo Ed. Kegalado, Patricio Mariano, at iba pa.
Maituturing na ang nagpasigla sa pagsusulat ng maikling kathang Tagalog ay ang
Lingguhang Liwayway. Ito ay pinayaman ng 1bat ibang katipunan at ng mga dibidwal na
manunulat, gaya ng MalKIIng Kwentong Tagalog 1886-1948 ni leodoro A. Agoncillo;
Ako 'y Isang 1inig ni Genoveva Edroza-Matute; Mga Agos a Disyerto ni Efren R. Abueg
at mga Kasama, Uhaw ang Tigamg na Lupa at iba
pang katha ni Liwayway Arceo; Isang Kalipunan ng mga Nagwagi sa Carlos Palanca
Memorial Awards ni Dionisio S. Salazar; at iba pa. Ang magasing Liwayway ay namili
ng mahuhusay na kuwento na tinatawag na Ang 25 Pinakamabuting Maikling Kathang
Pilipino ng 1943. Ang Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ay namili rin ng
mahuhusay na akda simula noong 1950.

Mga Nagwagi ng Gantimpalang Palanca sa Maikling Kuwento

(1950-1971) 1950-1951
1. Kiwento ni Mabuti Genoveva Edroza-Matute
2. Mabamgis na Kamay.. . Maamong Kamay - Pedro S. Dandan
3. Planeta, Buwan, at mga Bituin- Elpidio P. Kapulong

1951-1952
1. Kahiwagaan Pablo N. Bautista
2. Pagbabalik Genoveva Edroza

1952-1953
1. Kapangyarihan- Buenaventura S. Medina, Jr.
2. Ang Anluwague - Hilario L. Coronel
3. Malalim Ang Gabi - Ponciano B.P. Pineda

1953-1954
1. Sa Kamatayan Lamang Teodoro Agoncillo
2. Ang Pusa at Aking Durungawan Macario H. Afable
3. Matalino ang Inaanak Ko - Fernando L. Samonte

1954-1955
1. Paglalayag sa Puso ng lsang Bata Genoveva E. Matute
2. Batingaw- Elpidio Kapulong Lumamig na Bakal -Virgilio Blones
1955-1956
1. (Walang Nagkamit)
2. Lupa, Ulan.. at SuplingMartin del Rosario
3. Mga Butil, Mga Busal - Pedrito Salazar

1956-1957
1. Sugat ng Digma-Pedro S. Dandan
2. Punongkahoy
3. Pag-uugat Pagsusupling - Edgardo B. Reyes Buenaventura S. Medina, Jr.

1957-1958
Ang Mangingisda- Ponciano B.P. Pineda
Mahaba ang Daang-Bakal - Simplicio Bisa gi sa Carlos
3. LakaS -Pedro S. Dandan na tinatawag Ang Carlos

1958-1959
Dayuhan- Buenaventura Medina Jr. .
Estero Pedro L. Ricarte
3. Mapanglaw ang Mukha ng Buwan - Efren Reyes Abue8
4. Banyaga- Liwanag Arceo asay na akda

1959-1960
1. Luntiang Bukid Edgardo B. Reyes
2. Kinagisnang Balon - Andres Cristobal Cruz
3. Di-Maabot ng Kawalang-Malay Edgardo B. Reyes
1960-1961
Parusa -Genoveva E. Matute Binhi- Clodualdo del Mundo
Mabangis ang Lungsod - Efren Abueg

1961-1962 .
Banyaga
2. Impeng Negro - Rogelio Sicat
3. Sugat sa Dibdib ng Gabi - Buenaventura Medina, Jr.
Liwayway Arceo

1962-1963 .
Himaymay - Buenaventura Medina, Jr.
2. Tata Selo - Rogelio Sicat S.
Sa Bagong Par aiso Efren Reyes Abueg

1963-1964
Mga Aso sa Lagarian- Dominador B. Mirasol Ama - Edgardo B. Reyes
Dugo ng Ulo ni Carbo - Efren Reyes Abueg

1964-1965
Landas ng Bahaghari - Benjamin Pascual
2 Kamatayan sa Dilim at Ulan - Elh Ang Barrozo
Mga Luha ni Lolo - Bayani M. de Leon

1965-1966
Bilanggo-Wilfredo Virtusio
Anino ng Kanyang Amo-Pedro S. Dandan g Dalaw- Jemias Vista Lacamienta
1966-1967
Efren Reyes Abueg
1. Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel
2. Talulot sa Pagas na Lupa- Leoning G. Landicho
3. Masaya ang mga Alitaptap

1967-1968
1. Anay-Epifanio San Juan, Jr.
2. Si Boy Nicolas - Pedro I. Ricarte
3. Himagsik ni Emmanuel Lazaro Domingo Landicho

1968-1969
1. Huwag, Huwag Mong Kukuwentuhan ang Batang si Wei Fung - Ricardo Lee
2. Mariang Makiling Eli Ang Barrozo
3. Elias at Salome -Domingo Landicho

1969-1970
1. Servando Magdamag - Ricardo Lee
2. (Walang Nagkamit)
3. Mga Bangkay sa Dalampasigan ng mga Uwak -Dominador Mirasol

1970-1971
1. Ipis sa Guhong Templo - Edgar Maranan
2. Isang Araw sa Buhay ni Juan Lazaro Jose Rey Monsayac
3. Maria, Ang Iyong Anak - Wilfredo P. Virtusio
1966-1967
Efren Reyes Abueg
1. Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel
2. Talulot sa Pagas na Lupa- Leoning G. Landicho
3. Masaya ang mga Alitaptap

1967-1968
1. Anay-Epifanio San Juan, Jr.
2. Si Boy Nicolas - Pedro I. Ricarte
3. Himagsik ni Emmanuel Lazaro Domingo Landicho

1968-1969
1. Huwag, Huwag Mong Kukuwentuhan ang Batang si Wei Fung - Ricardo Lee
2. Mariang Makiling Eli Ang Barrozo
3. Elias at Salome -Domingo Landicho

1969-1970
1. Servando Magdamag - Ricardo Lee
2. (Walang Nagkamit)
3. Mga Bangkay sa Dalampasigan ng mga Uwak -Dominador Mirasol

1970-1971
1. Ipis sa Guhong Templo - Edgar Maranan
2. Isang Araw sa Buhay ni Juan Lazaro Jose Rey Monsayac
3. Maria, Ang Iyong Anak - Wilfredo P. Virtusio

You might also like