Lola Ising

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAMAGAT

 Ang Nakabibilib na si Lola Ising , nagkamit ng Unang Gantimpala taong 2016

MAY-AKDA
 Annalyn Leyesa Go

TAGPUAN
 Tahanan - Dito halos nangyari ang lahat ng bahagi ng kwento.

TAUHAN AT GINAGAMPANAN
 Lola Ising - Siya ang lolang masipag at mapagmahal sa kanyang pamilya. Magaling
siyang manahi, sumayaw at mag-ayos ng mga sirang gamit.
 Rico - Siya ang apong masunurin at mabait sa kanyang pamilya. Makikita ang labis
niyang pagmamahal para sa kanyang lola Ising.
 Nanay ni Rico - Isa rin siyang mapagmahal na anak at ina sa kanyang pamilya.

SULIRANIN
 Ang pagkakaroon ni lola Ising ng sakit na Parkinson's ang naging suliranin ng kanilang
pamilya.

PAANO NALUTAS ANG MGA SULIRANIN


 Ipinaliwanag ni lola Ising kay Rico ang kanyang sakit. Sinabi rin niya ang mga maaari
pang magbago sa kanya sa paglipas ng mga araw. Buong puso itong tinanggap ni Rico
at hindi siya nawalan ng pag-asa na pasayahin ang kanyang lola ising.

WAKAS
 Nagwakas ang kwento ng nagyakapan ang mag lola at sinabi ni Rico na magbago man
ang kanyang lola, mananatili pa rin itong kabilib-bilib sa kanyang paningin.

REPLEKSYON NG KUWENTO
Ang pagrespeto at pagpapakita ng pagmamahal sa bawat kasapi ng pamilya ay ang
magiging dahilan ng pagkakaroon ng kapayapaan sa loob ng tahanan. Nais din ipakita sa
kwentong ito na anumang hamon ang harapin ng bawat kasapi ng ating pamilya, hanggat
nariyan lamang tayo sa kanilang tabi at patuloy silang sinusuportahan, walang problema ang
maaaring makasira sa pagsasamahan sa loob ng ating tahanan.

You might also like