Professional Documents
Culture Documents
Social Media
Social Media
May sampung taon na mula nang maadik tayo sa Friendster. Naaliw tayo sa
pagba-browse ng latest pictures ng mga kaibigan natin. Para sa mga kaedaran ko rito,
hinanap natin at inalam kung ano na ang hitsura ng mga kaibigan at mga crush natin
noong elementary. Excited tayong naghintay, at minsa’y nangulit pa — na bigyan ng
testimonial ng Friendster friends natin. Hanggang sa nailang na tayo sa kakaibang themes
sa Friendster at nakilala natin ang Facebook. Kalaunan, dumating na rin ang Twitter.
Sinundan pa yan ng Google Plus, Instagram, Pinterest, Vine, at iba pa.
Nariyan pa rin ang digital divide. Tingnan ang kasalukuyang estimates: out of
around 97 million Filipinos, nasa 33 million pa lang ang may Internet access. Sa 33
milyong online, around 30 milyon ang may Facebook, 10 milyon lang ang may Twitter,
at hindi pa natin alam kung ilan ang may Google Plus.
Sa tingin ko, dalawang level ito: pagtuturo sa mga individual at pagtuturo sa mga
institusyon.
Ano-ano ang gamit ng mga ito? Ano ang pagkakaiba ng Twitter sa Facebook o ng
Instagram sa Vine? Paano mag-sign-up? Paano mag-login? Sa ano-anong devices ito
maaaring ma-access? Paano i-download ang app? Paano mag-post, mag-reply, at mag-
comment?
Kailangan ding sagutin ang mga tanong gaya ng: OK lang bang i-crosspost ang
tweets natin papuntang Facebook o vice-versa? Mahalagang ipaunawa sa users na bawat
social networking sites ay may kaniya-kaniyang papel. Kaya sa iba, hindi okay ang
magpopost ka sa Facebook at automatic na mapupunta sa Twitter with an ugly Facebook
link. Or ‘yong tweet mo, including ‘yong my @ replies, mapupunta sa Facebook. But of
course, matter of preference lang ‘yan.
Nabanggit ang selfie. Gaano kadalas ang minsan? Gaano ka ka-in love sa sarili mo?
Medyo isyu na rin ito ng etiketa sa Internet.
Balik tayo sa nilalaman ng social media. Laging trending sa Twitter ang KathNiel
o ang JuliElmo loveteams. May mga iba pa bang bagay na maaaring i-tweet ang mga
kabataang Twitter users? At least ang My Husbands’ Lover, na araw-araw ding nagte-
trend, kahit paano’y nagdadala sa kamalayan ng publiko sa isyu ng LGBT community.
Sa kabutihang-palad, may efforts naman mula sa iba’t ibang sektor para tutukan
ang pag-i-educate sa publiko tungkol sa Internet at social media. Ang Bayantel,
tinutulungan ni Lola Techie na gawing maaalam sa Internet ang senior citizens. Ang
GMA Network, may Think Before You Click campaign na nagtuturo sa netizens na
maging responsible online.
Sa level naman ng institutions, pinangungunahan ng pamahalaan ang paggamit ng social
media for public information. Aktibo sina Manolo Quezon ng Malacañang sa paggamit
nito. Nakikipag-usap din sila sa NGOs at media organizations para sa coordination sa
public information on social media. Bunga nito ang common hashtags gaya ng
#walangpasok, #floodPH, at iba pa. Noong panahon ni DILG Sec. Jesse Robredo, open
siya sa mga ganyang suggestion. Lumapit ang GMA News sa opisina niya para isulong
ang paggamit ng Twitter sa pag-a-announce ng suspension ng classes at iba pang public
announcements kapag masama ang panahon. Kinalaunan, in-adopt ng gobyeno at ini-
endorse ang common hashtag na #walangpasok.
Bago ko tapusin ito, naalala ko lang ang matagal nang debate ng bloggers vs.
journalists. Nagkaroon ng kontrobersiya noon sa mungkahi ng propesor kong si Luis
Teodoro na magandang mag-blog ang journalists at maging halimbawa ng ethical
blogging sa mga bagong bloggers. Kinuwestiyon ng marami ang pakikialam daw ng
mainstream journalists sa bloggers. Pero noon at ngayon, iisa lang naman ang mensahe.
Sa pagpopost ng information na maaabot ng publiko sa alinmang platform, mahalagang
maging responsible.
Naniniwala ako na ang mga bloggers at social media users — lalong-lalo na ang mga
tumatalakay sa mga pampublikong isyu — ay dapat maging ethical. Mahalaga ang
transparency. Sa panahong andaming endorsements mula sa influential tweeps, dapat
may disclosure.
Sa huli, nais kong isulong ang kahalagahan ng attribution sa social media. Usong-
uso ngayon ang viral photos at videos. Sa kakapasa, napakahirap nang ma-trace ang
orihinal na may-ari. Pero kung masanay ang mga netizen sa attribution, sa tamang pagki-
credit sa gawa ng iba, mas madali ang pag-a-identify at pag-i-evaluate sa original na
source ng info.