Professional Documents
Culture Documents
Modyul Fili 101
Modyul Fili 101
YUNIT I
ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
1
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
bansa na may sampung taon lamang na basic education at ang karagdagang dalawang taon ay
mabubukas ng pinto sa mas maraming opurtunidad para sa mga mag-aaral. Ang ideya ng labor
mobility ay alinsunod sa pagtatangkang mas mapabilis ang pagkakaroon ng trabaho ng mga mag-
aaral na magtatapos sa ilalim ng ngayon ay umiiral na na sistema ng edukasyong K to 12. Dahilan
nito ay mas magiging handa ang mga mag-aaral na harapin ang pagiging kabahagi ng lakas
paggawa ng bansa. Ang mga magtatapos ng grade 12 ay maaring pumili sa pagitan ng pagtrabaho
o pagpapatuloy sa kolehiyo mataposang labindalawang taon sa basic education. Ang ASEAN
integration naman ay kabahagi upang maging tugma ang kalakaran ng mga kasaping bansa ng
organisasyon. Ito ay para sa lalong matibay na ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng mga
miyembro.
Bagaman maraming positibong implikasyon ang K to 12, mayroon din itong mga naging
hamon. Tulad na lamang ng tangkang pagaalis sa mga asignaturang may kaugnayan sa Panitikan
at Filipino. Taong 2011 pa lamang nang magsimula ang usap-usapan ukol dito. Dahil sa ilan nga
sa pokus nito ay mas mapadulas ang pagkakaroon ng trabaho dito at higit sa ibang bansa at ang
pagsunod sa yapak ng mga mauunlad na bansa, nabigyang diin ang pagpapaunlad ng kasanayan
sa pag gamit ng wikang Ingles sa K to 12. Ito ay tumataliwas sa mga nauna nang mga hakbangin
para sa pagpapayabong ng wikang pambansa, ang Filipino. Mula rito ay umusbong na ang mga
damdaming handang ipahayag ang kanilang pagtutol ang pasasawalang bahala sa Filipino.
Ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika ang alyansang
nangunguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa
Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na
organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na
grupong nagtataguyod naman ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang
Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul. Nabuo ang Tanggol Wika sa isang
konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-Manila (DLSU). Halos
500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura
ang lumahok sa nasabing konsultatibong forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon si
Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining. Ang forum na iyon ay kulminasyon ng
mga nauna pang kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012. Noong 2015, pinangunahan ng
Tanggol Wika ang pagsasampa ng kaso laban sa anti-Filipinong CHED Memorandum Order
(CMO) No. 20, Series of 2013, sa Korte Suprema. Agad na naglabas ng Temporary Restraining
Order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagpaslang sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo,
bunsod ng kasong isinampa ng Tanggol Wika. Bagamat tuluyang binawi ng Korte Suprema ang
TRO noong 2019, tuloy ang pakikipaglaban ng Tanggol Wika sa iba pang arena. Marami-rami
pang kolehiyo at unibersidad ang mayroon pa ring Filipino at Panitikan, at nakahain na sa
Kongreso ang House Bill 223 upang muling ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mga
mandatoring asignatura sa kolehiyo. (https://tanggolwika.org/)
Maraming tulad ng Tanggol Wika ang nagpahayag ng ng kani-kanilang saloobin sa
pamamagitan ng posisyong papel. Ang posisyong papel ay isang pasulat na gawaing akademiko
kung saan inilalahad ang paninidigan sa isang napapanahong isyu na tumutukoy sa iba’t ibang
larangan tulad ng edukasyon, politika, batas, at iba. Kadalasang idinadaan sa pagsulat ng posisyong
papel ang paggaganyak, at pagpapaunawa ng punto ng sumulat tungkol isang paksa. Karaniwang
ginagamit ito ng mga organisasyon at institusyon upang ipabatid sa publiko ang kanilang
paniniwala at rekomendasyon bilang isang pangkat.
Agosto 2014 nang nagpayag ang Departamento ng Filipino ng De La Salle University ng
kanilang saloobin sa pamamagitan ng kanilang posisyong papel na may pamagat na “Pagtatanggol
2
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano.” Nakapaloob sa posisyong papel na ito na “ang
pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag aambag sa pagiging mabisa ng community
engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong
mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran. Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating
pamantasan at ng mga ordinaryong mamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bautista De
La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon. Dapat
bigyang diin ang Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng ibat ibang departamento at kolehiyo sa
pamantasan ay makatutulong din ng malaki sa pagtitiyak na ang ating mga pananaliksik ay higit
na magiging kapaki pakinabang sa ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng assignaturang
Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang
gradweyt ng pamantasang ito sa pakikipagtalastasan sa ibat ibang pangangailangan o kontekstong
pang komunikasyon png akademiko man o pang kultura, tulad ng nililinang sa ibang pamantasan.”
Ang adbokasiyang itoy pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa
daluyan ng diskurong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog ng
mga estudyanteng magiging mga kapaki pakinabang na mamamayaan ng ating bansa.”
Mababatid sa posisyong papel na ang responsibilidad ng paaralan na hubugin ang
pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Isa sa mga inaasahan ay ang mapanatili ang ugnayan ng
paaralan at ng komunidad lalo at higit yaong mga nabibilang sa lalylayan. Higit kanino man ay
sila ang mas nangangailangang marinig at mabigyang atensyon. Sa pamamagitan ng wikang
Filipino ay magiging mabisa ang pagpapahayag ng mga saloobin at pangangailangan ng mga
mamamayan. Ito ang nagbibigay boses sa mg ordinaryong tao at kung mawawala ito ay tuluyan
nang hindi malilinang ang ugat na sanay magdudugtong sa malayong agwat ng karaniwan at mga
edukadong tao. Mas magiging malabo na na maging pantay ang mga mamayan mula sa iba’t ibang
estado sa buhay at manantiling pinid ang mga labi kung dayuhang wika ang kailangan upang
makapagpahayag ng saloobin at pangangailangan.
Ang posisyong papel naman na may pamagat na “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng
Filipino ng Panantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuuugat sa CHED
Memorandum Order No. 20Series of 2013” ay mula sa panulat ng mga guro ng Ateneo De Manila
University. Nakapaloob dito na “hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino isa itong
displina. Lumilikha ito ng sariling larangan ng karunungan na nagtatampok sa pagka Filipino sa
anumang usapin sa loob at labas ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas ng tersiyaryo at
gradwado bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong propesyonal… ang banta na alisin
ang Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o
marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. Kakabit ng pagaaral ng Filipino bilang
disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika at kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang
wikang panrehiyon sa diskurso. At lalong hindi dapat pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat
maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung
pangwika upang itanggi ang sarili at kanilang mga interes.”
Bilang mga Pilipino tungkulin nating pagyabungin ang bawat butil ng ating
pagkakakilanlan. Kaakibat ito ng ating pagiging malaya at ng lahat ng sakripisyo ng ating mga
ninuno. Kaya naman ang tahasang pagtatanggal sa asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum
ay isang paraan ng pagkitil sa ating identidad at pagsasawalang bahala ng lahat ng buhay na
binuwis para makamit ito. Malinaw sa posisyong papel ng Ateneo de Manila ang
pangangailangang mapagtibay ang Filipino bilang isang disiplina nang sa gayon ay mapataas din
ang kalagayan ng mga pangrehiyong wika. Ang pagyakap sa ibang wika habang pinababayaan at
3
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
iniisang tabi ang sariling wika ay nagtutulak sa atin palayo sa sariling bayan at nagpipiring sa atin
sa mga totoong intensyon ng nagpapalawig nito.
Isa rin sa mga pamantasang nagpahayag ng tinig ukol sa isyung pagtatanggal ng Filipino
at Panitikan ang Unibersidsad ng Pilipinas, Diliman Departamento ng Filipino at Panitikan sa
ilalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Anila ang Filipino ay wika na “susi ng kaalamang bayan”.
Buo rin ang kanilang paninindigang “nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal – mga
kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang pinakamabisang
daluyan para mapalaganap ang dunong bayan at kaalamang pinanday sa akademya. Layunin dapat
ng edukasyon ang humubog ng mga magaaral na tutuklas ng dunong bayan at napakikinabangan
ng bayan. Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersarya ang sanayin ang mga mag aaral na
gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki pakinabang ang napili nilang disiplina sa oang
araw araw na buhay ng mga mamamayan. Ganito ang karanasan ng mga magaaral sa UP Manila
sa pagbibigay nila ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan. Kailangan nilang matutong
magpaliwanag at makipagtalastasan sa wikang Filipino upang mapakinabangan ng mamamayan
ang kanilang kaalaman.”
Ang pinakamainam na porma na pagkatuto ay ang pagpapatuto din sa iba. Ang pagbibigay
serbisyo sa kapwa gamit ang kaalamang natutunan ay higit pa sa salaping maaring matanggap ng
isang propesyunal. Kaya gaano man kahusay ang magiging produkto ng bagong kurikulum kung
hindi naman ito magagamit sa pagtulong sa kapwa ay hindi din makapagbibigay ng pagunlad.
Binibigyang diin sa posisyong papel ng UP Diliman na dapat kaagapay ng intelektwalisasyon ay
ang pag gamit nito sa makataong paraan. Hindi dapat natatapos ang paglago sa pagkakamit ng
degri kundi sa pagbabalik nito sa iba sa pamamagitan ng serbisyo at ang mainam na serbisyo ay
nagsisimula sa pagkakaunawaan. Wala nang hihigit pa sa unawaang dulot ng parehas na wika.
Taong 2014 naman noong inilathala ang “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya
ng Politeknikong Universidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro at Filipino
(SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining ng Plipinas,
PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan”. Dito ay ipinahayag ng Polytechnic University of the
Philippines, Manila na ang “umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat.
Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw araw na pakikipag talastasan ng mga Filipino. Mga
Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi tangi ang tatag
nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat
Pilipino kaya kung ihihiwalay sa mga mag aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag aaral
ng wikang Filipino, tinanggal narin natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang
wika mo yun ang identidad mo.”
Kalakip ng pagka Pilipino ang wikang Filipino at ang paglinang nito ay paglinang din ng
sariling identidad. Ito ay nagbibigay diin sa lalong pangangailangan ng mga mamayan lalo’t higit
ng mga mag-aaral na linangin ang kani-kanilang identidad. Malinanw ang pahayag sa posisyong
papel na ang pagtatanggal ng pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo ay pagtatanggal din ng
pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang pag-aaral ng wika at panitikan sa kolehiyo ay higit na
mainam na panahon para mas mapalalim ang pagmamahal sa sariling identidad at mapataas ang
antas kasabay ang paglinang din ng kani-kaniyang propesyon at larangan. Upang kasabay ng mga
lumalagong Pilipino ay ang pagyabong din ng wikang Filipino.
Ayon naman sa Philippine Normal University ang “isang moog na sandigan ang wikang
Filipino upang isalin ang hindi magmamaliw na karunugan na pakikinabanagan ng mga
mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay
mahalagan domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasayan ng bawat mamamayan ng bansa.
4
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang wikang Filipino upang lubos na maunawaan at
mailapat sa paaralan ng buhay ang mga araling hindi lamang natatapos sa apat na sulok ng silid
aralan.”
Ang paaralan ang nagiging kanugnog ng tahanan kung saan lalong pinapanday ang
pagkatao ng bawat indibidwal. Ito ang siyang nagbibigay katuturan sa mga karaniwang karanasan
at nagpapaliwanag ng mga bagay sa mas malalim na perspektibo. Binigyang pansin sa posisyong
papel ang malaking gampanin ng paaralan sa pagbuo ng tulay na magdudgutong sa kung ano man
ang mga napagaralan sa silid ay syang magamit at madala sa paglabas dito. Ito ang nagpapaigting
ng pagnanais na malinang sa paaralan ang sariling wika at panitikan at nang sa gayon ay
masiguradong bahagi ng paglago ng mga mag-aaral ang midyum na batid ng bawat Pilipino. Ito
ay magbibigay daan din sa kapakinapakinabang na talastasan at talaban ng ideya.
Samakatuwid, ang bawat posisyong papel na nailathala sa paksang ito ay naging malaking
bahaging sa pagkakaroon sa kasalukuyan ng mga asignaturang umiinog sa Filipino at Panitikan.
Ang hakbang at inisyatiba na isinaalang-alang ng mga organisyon at pamantasan ay nagbigay ng
magandang bunga sa kalagayang pang-edukasyon ng susunod na henerasyon. Patuloy na magiging
mapanghamon ang pagyakap sa globalisasyon at nawa kaalisabay nito ay mas humigpit ang
pagyakap sa sariling pagkakakilanlan at identidad. Sa kabila ng pagbabago sa napakaraming
aspekto ay manatili sana ang pagmamahal sa Filipino at Panatikan. Inaasahang dadami ang mga
propesyonal na magmamahal at magpapaunlad sa sariling wika matapos ang pagtatalakay sa mga
posisyong papel na ito upang maibalik ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.
Mga Gawain
Gawain 1
Ang bawat mag-aaral ay aatasang ipahayag ang kani-kanilang mga tindig hingil sa
pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo tulad ng kasalukuyang kurso, ang Fili 101
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino, sa pamamagitan ng isang Facebook (FB) post.
Ang naturang FB post ay tatalakay sa saloobin ng mag-aaral sa kung paanong ang asignatura ay
nakatutulong sa kanyang paglago bilang isang mag-aaral at isang indibiwal. Inaasahang ang mag-
aaral ay gagamit ng akademikong tinig sa kanyang pagpapahayag na hindi lalampas sa 300 salita,
at sumusunod sa tamang baybay, at balarila. Kasama ng FB post ay isang larawan na may
kaugnayan sa kanilang tindig. Maaring ito ay isang bagay o pangyayaring sumisimbolo sa knilang
nais ipabatid. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook Private Group ng
guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-
data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang
messenger. Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.
Gawain 2
Ang bawat magaaral ay aatsang alamin ang pulso ng kanilang pamilya at kasama sa
tahanan kung sila ay pabor o hindi sa pagkakaroon ng mga sabjek na Filipino at Panitikan sa
kolehiyo. Ito ay pamamagitan ng pagintebyu na mga kasama sa tahanan. Ang interbyu ay irerekord
gamit ang mga cellphone at isusumite gamit pa rin ang Facebook Private Group ng klase. Para sa
mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type ang
naging resulta ng interbyu ay isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang
messenger. Mainam din kung matatawagan ng guro ang mga mag-aaral para sa aktibidad na ito.
Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.
5
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Rubrik sa FB Post
Napakahusay Mahusay Kulang sa Kasanayan
Kategorya Iskor
(5) (3) (1)
Komprehensibo ang ginawang Malinaw ang pagkakalahad ng Naging mahaba ang pagtalakay
pagtalakay sa paksa, malinaw at paksa, nagtataglay ng mga sa paksa at hindi kakikitaan ng
akma ang larawang ginamit, importanteng detalye subalit mga mahahalagang
Kaakmaan sa kompleto ang mga detalye at hindi nito napatibay ang ang impormasyon na magpapatibay
paksa ng kakikitaan na dumaan sa mga impormasyong tinalakay sa paksang tinatalakay.
gawain masusing pagiisip. sa paksa.
Rubrik sa Interbyu
Napakahusay Mahusay Kulang sa Kasanayan
Kategorya Iskor
(5) (3) (1)
Komprehensibo ang ginawang Malinaw ang resulta ng Naging mahaba ngunit walang
pagiinterbyu sa at nabigyang interbyu at ang pagkakalahad direksyon ang interbyu at
tuon ang paksa, malinaw at ng paksa, nagtataglay ng mga pagtalakay sa paksa at hindi
akma ang mga tanong na importanteng detalye subalit kakikitaan ng mga
Nilalaman ginamit, kompleto ang mga hindi nito napatibay ang ang mahahalagang impormasyon
detalye at kakikitaan na mga impormasyong tinalakay na magpapatibay sa interbyu
dumaan sa masusing pagiisip. sa interbyu na ginawa.
6
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
Minsang binalita GMA News ang diumano’y pagpurol ng kakayahan ng mga kabataan sa
wikang Filipino bunsod ng mga umiiral na makabagong paaran ng komunikasyon. Dala ng mga
gadyet at mga pang madlang midya na ang pangunahing midyum ay Ingles, maraming mga
kabataan ang hindi na batid ang gamit sa ilang mga salitang sariling atin. Nakalulungkot mang
isipin na ganito ang nangyayari sa mga kabataan ay kailngang maikital sa kanilang isipan ang
patuloy na paggamit sa sariling wika sa gitna ng modernong panahon.
Maaalaala na ang pagpapayabong ng Filipino ay hindi lamang dala ng mga umpukan
bagkos ito ay nagmula sa mas malalim na pundasyon tulad ng nasasaad sa ikalawang talata ng
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng kasalukuyang saligang-batas na “Subject to the provisions of law
and as the Congress may deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and sustain
the use of Filipino as a medium of official communication and as language of instruction in the
educational system.” Malinaw sa probisyong ito ang responsibilidad ng gobyerno na itaguyod
ang pagbuo ng mga hakbnagin upang patuloy na magamit ang wika sa mas malalim pamamaraan
7
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
8
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Mga Gawain
Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasan na lumikha ng tatlong meme na sumasalamin sa mga
gampanin ng Filipino bilang wika ng komunikasyon. Ang bawat meme ay kakatawan sa ideya ng
mag-aaral bilang isang estudyante sa kolehiyo, bilang guro sa hinaharap, at bilang isang Filipino.
Maaaring gamitin ang mga larawan na palasak ng ginagamit sa social media ngunit siguraduhing
ang mga salita ay manggaling sa kaisipan ng bawat mag-aaral. Kasama sa criteria sa rubrik ang
orihinalidad. Ang awtput ng mga mag-aaral ay muling isusumite sa Facebook Private Group ng
klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring
i-type ang mga linya o iskrip sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit
ang messenger. Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.
Gawain 2
Ang mga mag-aaral ay aatasan na gumawa ng isang vlog na nagpapakita ng kanyang
karaniwang ginagawa sa tahanan gamit ang wikang Filipino. Inaasahang hindi gagamit ng wikang
banyaga ang mga mag-aaral sa vlog. Ang kanilang vlog ay tatagal lamang ng 1 hanggang 3 minuto.
Ang awtput ng mga mag-aaral ay muling isusumite sa Facebook Private Group ng klase. Para sa
mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type ang mga
aktibidad sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger.
Mainam din kung matatawagan ng guro ang mga mag-aaral para sa aktibidad na ito. Ang rubrik
sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.
9
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Rubrik sa Meme
Napakahusay Mahusay Kulang sa Kasanayan
Kategorya Iskor
(5) (3) (1)
Nilalaman Komprehensibo ang ginawang Malinaw ang meme at ang Naging malamlam ang punto
meme at pagtalakay sa paksa, pagkakalahad ng paksa, at pagtalakay sa meme at hindi
malinaw na nailahad ang mga nagtataglay ng mga kakikitaan ng mga
impormasyon, kompleto ang importanteng detalye subalit mahahalagang impormasyon
mga detalye at kakikitaan na hindi nito napatibay ang ang na magpapatibay sa paksang
dumaan sa masusing pag-iisip mga impormasyong nakalagay iniatas.
ang vlog. sa meme.
Mekaniks Lubhang mahusay at lohikal Mahusay at lohikal ang Nagtataglay ng kulang na
ang pagkakahanay ng mga pagkakahanay ng impormasyon at hindi naayos
impormasyon, naiorganisa ang impormasyon, naiorganisa ang ng lohikal ang mga detalye na
mga detalye. Sumunod sa mga detalye, Ang paliwanag ng ideyang tinatalakay. May
tinalagang anyo at nilalaman ay malinaw at makabuluhan bahagi ng meme na
ang meme. subalit kinakulangan ng mga nakapagdulot ng kalituhan sa
salitang magpapaigting ng dahil sa ilang pahayag na hindi
pagkaunawa sa meme. kaugnay ng paksa.
Pagkamalikhain Malikhain at mapanghikayat Malikhain ngunit hindi Hindi mlikhain at
ang presentasyon ng mapanghikayat ang mapanghikayat ang
impormasyon sa ginawang presentasyon ng impormasyon presentasyon ng impormasyon
meme. Nagpapakita ng sa ginawang meme. Nagamit sa ginawang meme. Hindi
matalinong gamit ng Filipino ang Filipino bilang wika ng nagpapakita ng matalinong
bilang wika ng komunikasyon komunikasyon sa meme. gamit ng Filipino bilang wika
ang meme. ng komunikasyon ang meme.
Orihinalidad Ang mga meme ay orihinal. Ang mga meme ay hindi
orihinal.
Kabuuang
Iskor
Rubrik sa Vlog
Napakahusay Mahusay Kulang sa Kasanayan
Kategorya Iskor
(5) (3) (1)
Nilalaman Komprehensibo ang ginawang Malinaw ang pagkakalahad ng Naging mahaba ang
pagtalakay sa paksa, malinaw paksa, nagtataglay ng mga pagtalakay sa vlog at hindi
na nailahad ang mga importanteng detalye subalit kakikitaan ng mga
impormasyon, kompleto ang hindi nito napatibay ang ang mahahalagang impormasyon
mga detalye at kakikitaan na mga impormasyong tinalakay na magpapatibay sa paksang
dumaan sa masusing pag-iisip sa vlog. tinatalakay.
ang vlog.
Mekaniks Lubhang mahusay at lohikal Mahusay at lohikal ang Nagtataglay ng kompletong
ang pagkakahanay ng mga pagkakahanay ng impormasyon subalit hindi
impormasyon, naiorganisa ang impormasyon, naiorganisa ang naihanay ng lohikal ang mga
mga detalye, maayos ang mga detalye. Ang paliwanag detalye na magpapatibay sa
pagkakagamit ng mga pang- ay malinaw at makabuluhan ideyang tinatalakay. May
ugnay para mailahad ng buong subalit kinakulangan ng mga bahagi ng vlog na
husay ang tindig, may kaisahan salitang magpapaigting ng nakapagdulot ng kalituhan sa
ang mga ideya. Sumunod sa pagkaunawa ng manonood sa manonood.
tinalaga ang vlog. paliwanag.
Kasanayan sa Magaling at angkop ang kilos, Angkop ang kilos, galaw at Madalas ang mga pagkakataon
Pagsasalita galaw at kumpas sa nilalaman kumpas na kinakailangan sa na hindi angkop ang kilos at
ng vlog; kumikilos ng naaayon talumpati, ngunit may mga galaw sa nilalaman ng vlog, o
sa paraang mabibigyang-diin pagkakataong blanko ang may kakulangan sa
ang sinasabi. emosyon na hindi tumutugon kinakailangang emesyon.
sa pinapahayag.
Kabuuang
Iskor
10
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
YUNIT II
PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA
KOMUNIKASYON
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
11
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
kaugnayan ng mga butil na ito sa isa’t isa – dahil ito ang malaking bahagi ng kaalaman. Ang ating
kapasidad sa paggawa at pagsasabuhay ng desisyon, aksiyon, at komunikasyon ay nakasalalay sa
nabuo nating kaalam at napanday nating karunungan.
Maraming pamamaraan kung paano tayo nagkakakalap ng kaalaman. Ang bawat
pangyayari sa araw – araw mula sa umaga pag gising hanggang sa gabi bago matulog na bumubuo
sa paraan kung paano tayo nagkakaroon ng kaalaman. Ang bawat karanasan mula sa pinakamaliliit
hanggang sa pinakamalalaki ay nagiging paraan din kung paano tayo natututo. Kadalasan ang
pinakamalalim na kaalaman ay nakukuha natin mula pinakakumplikado nating mga karanasan.
Kasabay ng mga pangaraw – araw na pangyayari ang pagusbong ng mga perspektibo na maaari
nating magamit sa pagtingin sa mga problema o isyung kinahaharap natin lalo at higit sa mga
panghamong panahon. Ito rin ang ngmumulat sa atin sa mas magmaging mahusay sa
pagdedesisyon at pagaksyon sa mga bagay bagay.
Sabi nga, ang kaalaman ay kapangyarihan at may kapangyarihang panlipunan. Sa harapang
pakikipag-usap sa kapuwa o sa pagpapahayag gamit ang midya, malakas ang bias at talab ng mga
ibinabahaging kaalam batay sa malalim at malawak na pag susuri at pagtatahi ng impormasyon.
Ang makatotohanan at katiwa tiwalang kaalaman ay makakatulong sa pag igpaw sa
kamangmangan at kahirapan. Gayundin ito ay isa sa mga malakas ba panlaban sa panlilinlang,
pangaapi, at pang aabuso lalo pang ang mali at binaluktot na impormasyon ay ginagamit sa
kasamaan ng mga ganid at sira sa lipunan. Sa kasalukuyang panahon kung kailan laganap ang
kultura ng pang madlang midya at virtual na komunikasyon, mas madali ng magpakalat ng
tinatawag na disinformation sa paraang ng fakenews sa mga midya gingamit sa information and
communication technology (ICT). Sa kabila nito lalong pinaiigting ang pagmagmamatyag sa mga
impormasyong nagmumula rito upang makabubuo tayo ng makabuluhan at makatuturang
kaalaman na magagamit sa pagpapaunlad ngating buhay at lipunang Pilipino.
Sa pagiging aksesibol ng mga impormasyon dulot ng teknolohiya ay nagiging aksesibol na
rin para sa mga masasamang loob ang panlalamang sa kapwa at dahil dito mas kinakilangan na
maging matalino sa paggamit ng iba’t ibang midya ang mga mamamayan. Ang pagiging mapanuri
ay isa na dapat sa mga kasanayang kasama sa inaaral at isinasabuhay ninoman. Ito ay upang hindi
madala ng mga mapanlinlang na tao at impormasyong maaaring makasama o dili kaya’y
makapagdulot ng panganib sa sino mang magkakamit nito. Ang kapangyarihang dulot ng
komunikasyon ay magiging mas epektibo sa tamang paggamit nito.
Kagaya ng napag-aralan na sa hayskul bahagi ng mataas n antas ng literasing pang media
ang matalas na sensibilidad sa pagsagap ng mga impormasyon mula sa ibat-ibang midya sa ating
lipunan. Walang anumang midya at teksto ng media sa values free. Ang klase ng midya ang wika
at naratibong itinampok dito, ang estruktura at daloy ng kwento, ang mga tunog at imahen na
ginawang representasyon ng realidad at iba pang aspekto ng mediasyon ay hindi neutral—bagkus
may, sinasalamin at kinakatawan itong mga diskurso, ideolhiya, at kapangyarihanhgg sosyal ,
kultural, at ekonomik. Nakapaloob dito ang pagpapahalaga, interes, at adyenda ng mgfa prodyuser.
Ang ano mang napapanood, naririnig, at maging nababasa natin sa tradisyonal o
modernong midya man ay may kani-kaniyang layunin na bunsod ng tao o organisasyong nasa
likod nito. Sa kasalukuyan, hindi na maaaring iilang pandama ang ating gingamit sa paghalaw ng
meesahe mula sa mga nasasaksihan natin. Lalong nangangailngan na na magkaagapay ang ating
mga pandama at ang ating matalas na isip sa pagbibigay katuturan sa mga midyang abeylabol. Ito
ay para makasiguradong lubos at tama ang mga impormasyong makakarating sa atin at ang
maibabahagi natin sa iba. Kailngan na nating tanggapin na binubuo ng tinatawag na binary
12
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
opposition ang mundo sa kadahilanang walang neutral at ang mga bagay ay nasa pagitan lamang
ng positibo at negatibo, masama o mabuti, sang-ayon o hindi.
Ayon sa website na MindTools may anim na paraan upang malaman ang fake news. Ang
fake news ay tumutukoy sa mga sadyang hindi totoo, o mga kwento na naglalaman ng ilang
katotohanan ngunit hindi ganap na tumpak, sa pamamagitan ng aksidente o disenyo. Sinasbi rin
ng ilang tao na ang mga totoong kwento ay “fake news", dahil lamang sa hindi sila sangayon sa
kanila. Maaari itong humantong sa mapanganib na pagwawalang bahala na mahahalagang payo.
Ang mga fake news ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa pag-uugali sa lugar ng
trabaho. Halimbawa, sa pamamagitan ng pagsira sa kultura ng pag-aaral, at naging sanhi ng
pagkalat ng tsismis at kawalan ng katiyakan. Kaya mahalaga na malaman kung paano ihiwalay
ang tunay mula sa mga pekeng impormasyon. May ilang hakbang upang malaman kung ang
impormasyon ay lehitimo o hindi. Una ay ang pagbuo ng kritikal na pagtingin sa mga
impormasyon. Kailngan din na maging mapanuri sa pinamulan ng impormasyon. Mahalaga rin na
kilalanin kung sino ang pinagmulan ng impormasyon at suriin ang mga katibayan. Huwag
magpadala sa tinatawag na “face value” ng mga impormasyon. Hiindi kasiguraduhan ang
magandang presenstasyon ng tama at lehitimong batis ng impormasyon. Higit sa lahat suriin kung
“tunog tama” ba ang pahayag o impormasyon.
Bahagi pa rin ng pang-araw-araw na pamumuhay ang pakikinig ng awitin, panonood ng
mga palabas, o ang pag-alam ng mga makabagong kaganapan. Ang lahat ng ito ay sa maaring
magawa gamit ang telebisyon, radyo, o kaya ay kompyuter. Mass Media o pangmadlang midya
ang ginagamit ng karamihan na mapagkukunang ng impormasyon at balita. Ito ay
nangangahulugang teknolohiya na inilaan upang maabot ang ng impormasyon ang madla. Ito ay
pangunahing paraan ng komunikasyon na gingamit upang maabot ang karamihan sa
pangkalahatang publiko. Ang pinaka-karaniwang pangmadlang midya ay pahayagan, magasin,
radyo, telebisyon, at Internet. Ang pangkalahatang publiko ay karaniwang umaasa sa pangmadlang
midya upang magbigay ng impormasyon tungkol sa mga isyung pampulitika, lipunan, libangan,
at balita sa kulturang popular.
Ayon kina Maxwell McComb at Donald Shaw, ang pangmadlang midya ang nagtatakda
kung ano ang pag uusapan ng publiko kung si George Gerbner, ang midya, lalo na ang telebisyon,
ang tagapagsalsay ng lipunan na lumilinang sa kaisipan ng mga madalas manood na ang mudoy
magulo at nakakatakot kung si Marshall McLuhan, binabago ng midya ang simbolikong
kapaligiran ng mga tao at naiimpluwensiyahn nito ang kanilang pananaw, karanasan, ugali, at kilos
kung kaya’t masasabng “ang midyum ay ang mensahe”; at kung si Stuart Hall ang midya ang
nagpapanatili sa ideolohiya ng mga may hawak ng kapangyarihan sa lipunan (Griffin, 2012). Sa
makatuwid, kailangang maging mapanuri at kritikal sa mga impormasyong nakukuha sa midya
upang magamit ang mga ito sa kapakinabangan, sa halip na kapahamakan.
Dapat ding maging mapanuri sa mga impormasyong nakukuha sa harapang pakikipag
usap. Ang sinasabi ng ekperto, mahal sa buhay, matalik na kaibigan, sikat na artista, politiko, o
tinitingala sa lipunan ay hindi awtimatikong katotohanan. Mahalaga ang pagtatasa, pagtitimbang,
at pagtatahi ng mga impormasyon-–mula sa mg taong nkakaranas hanggang sa mga kinikilalang
dalubhasa sa paksa ng komunikasyon o penominang pinaguusapan.
Bukod sa batis ng impormasyon, dapat ding isaalang alang ang pamamaraan ng pagkuha
ng impormasyon, ang konteksto ng impormasyon, at ang konteksto ng pinagkunan o pingmulang
impormasyon. Ang maling pamamaraan ay humahantong sa palso at di angkop na datos. Ang
konteksto ang nagbibigay ng linaw sa tukoy na kahulugan ng impormasyon at nagsisilbing gabay
sa interpretasyon nito. Dagdag pa, konsiderasyon din kung anong pamamaraan ang gagmitin sa
13
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Mga Gawain
Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasan na magsaliksik ng sampung impormasyon mula sa mga
pang-madlang midyang abeylabol sa kani-kanilang tahanan. Kailangang ipahayag ng mga mag-
aaral kung lehitimo o fake news ang impormasyon at kung paano nila nasabi na ang impormasyon
ay lehitimo o nabibilang sa fake news batay sa napagtalakayan. Ang sagot ng mga mag-aaral
ilalagay sa isang matrix. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook Private
Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit
ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit
ang messenger. Gamitin ang batayan para sa matrix.
Gawain 2
Ang mga mag-aaral ay aatasan na gumawa ng isang infographics na manghihikayat sa mga
awdiyens na labanan ng pagkalat ng fake news. Ang infographics ay kinakailangan maging
mapanghikayat at nagbibigay kaalaman. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang
Facebook Private Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet
connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang
text messaging o chat gamit ang messenger. Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro
sa pagmamarka.
14
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Rubrik sa Infographics
Kategorya Napakahusay Mahusay Kulang sa Kasanayan Iskor
(5) (3) (1)
Nilalaman Komprehensibo ang ginawang Malinaw ang pagkakalahad ng Naging mahaba ang
paglalahad ng impormasyon, paksa, nagtataglay ng mga pagtalakay sa paksa at hindi
malinaw ang paksa, at akma importanteng detalye subalit kakikitaan ng mga
ang disenyong ginamit. hindi naging mapanghikayat mahahalagang impormasyon
Kumpleto ang mga detalye at ang infographics na nabuo ng at hindi rin naging
kakikitaan na dumaan sa mag-aaral. mapanghikayat ang
masusing pagiisip ang infographics na nabuo ng mag-
infographics. aaral.
Mekaniks Lubhang mahusay at lohikal Mahusay at lohikal ang Nagtataglay ng kompletong
ang pagkakahanay ng mga pagkakahanay ng impormasyon subalit hindi
impormasyon, naiorganisa ang impormasyon, naiorganisa ang naihanay ng lohikal ang mga
mga detalye, maayos ang mga detalye, nagamit ang mga detalye na magpapatibay sa
pagkakagamit ng mga pang- pang-ugnay para mailahad ideyang tinatalakay. May
ugnay para mailahad ng buong tindig. Ang paliwanag ay bahagi ng infographics na
husay ang tindig, may malinaw at makabuluhan nakapagdulot ng kalituhan sa
kaisahan ang mga ideya, at subalit kinakulangan ng mga mambabasa dahil sa ilang
naging malinaw, mahusay at salitang magpapaigting ng pahayag na hindi kaugnay ng
makabuluhan ang pagtalakay pagkaunawa ng mambabasa sa infographics.
sa infographics. infographics.
15
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Lunsaran
Nilalaman
16
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
pakay sa paglahok dito. Kung ang paksa naman ng talakayan ay desisyon ng pagsuporta o pagtutol
sa patakaran depende sa bentahe at disbentahe ng pagsasalita, ang isang tutol sa patakaran ay
malamang na may pakay na mangumbinsi ang mga kapwa kalahok na pumanig sa posisyong laban
sa patakaran. Konsiderasyo naman ang uri at kalakaran ng sitwasyong pangkomunikasyon sa
pagbuo ng pahayag ng kaalaman at pagpili ng plataporma ng pagpapahayag.
Mapapansin sa talakayan na nauna ang paglilinaw sa paksa, uri, at kalakaran ng
sitwasyong pangkomunikasyon bago ang pakay sa paglahok dito ang pagtukoy sa tiyak na paksa
at tiyak na layon ng pananaliksik. Maaari ring kabaligtaran ang mangyari, na mauna ang
pagsasaliksik hinggil sa isang napapanahon at mahalagang paksa bago magdesisyon ang
mananaliksik kung saang sitwasyong pangkomunikasyon niya ibabahagi ang kaalamang nahalaw
at kung ano ang pakay niya sa pagbabahgi nito. Anuman ang proseso, ang pag alam sa uri ng
sitwasyong pangkomunikasyon ay makatutulong din upang makilala ang kapwa kalahok.
(katalastasan) o audience (tagapakinig, mambabasa, o tagapanood) mapaghandaan ang posibleng
estraktura at daloy ng sitwasyon at makagawa ng estratihiya kung paano pupukawinang interes ng
mga kapuwa kalahok o audience
Si San Juan (2017) ay nagbigay ng limang hakbangin na dapat isakatuparan sa ikauulad
ng pananaliksik mula sa at para sa mga Pilipino bukod sa pagsipat sa iba’t ibang realidad at/o
suliraning panlipunan na maaaring pagmulan ng makbuluhang adyendang pananaliksik. Una,
“magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba. I-cite ang pananaliksik ng kapwa Pilipino
paano babasahin ng ibang bansa ang gawang Pilipino kung hindi rin ito binabasa ng mga Pilipino
mismo. Ikalawa, “magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik gaya ng narcis.nl ng
Netherlands at diva-portal.org ng Sweden. Ikatlo, “magdevelop ng katiwa-tiwalang translation
software na libreng magagamit para sa mga mass translation projects. Ikaapat, “bigyang
prayoridad ang Filipinisasyon ng lalong maitaas ang edukasyon at ang mga programamng
grdwado. Ikalima, “atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo ng Departamento ng Filipino
at/o Araling Pilipinas.”
Mainam din na ikonsidera ng mananaliksik ang ilan sa mga mungkahi nina Santiago at
Enriquez (1982) para sa maka-Pilipinong pananaliksik. Una, iugnay sa interes at buhay ng mga
kalahok ang pagpili ng tukoy na paksa. Pangalwa, gumamit ng mga pamamaraan ng pagsisiyasat
na nakagawian ng mga Pilipino, angkop sa kultura, at katanggap tanggap sa ating mga kababayan.
Pangatlo, humango ng mga konsepto at paliwanag mula sa mga kalahok, lalo na iyong
makabuluhan sa kanila.
Mga Gawain
Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasang maglista ng tatlong suliranin na kinahaharap nila, ng
kanilang pamilya, baranggay, rehiyon, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon. Ang mga ito ay
sasalamin sa mga paksang maaring pagsimulan nila ng pananaliksik. Ang bawat suliranin ay
gagawan nila ng posibleng titulo ng pananaliksik. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa
ginawang Facebook Private Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet
connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang
text messaging o chat gamit ang messenger.
17
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Gawain 2
Ang mga mag-aaral ay aatasan naman na maglista ng tatlong paksang kung saan sobrang
interesado sila. Maaari itong may kaugnayan sa kulturang popular, awit, grupo, o anumang
inakakukuha ng kanilang interes at kung ano ang gusto nilang malaman ukol dito. Ang mga ito ay
sasalamin sa mga paksang maaring din nilang pagsimulan ng pananaliksik. Ang bawat paksa ay
gagawan nila ng posibleng titulo ng pananaliksik. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa
ginawang Facebook Private Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet
connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang
text messaging o chat gamit ang messenger.
18
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Mulaan ng Impormasyon:
Mapanuring Pagpili mula sa Samo’t Saring Batis
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
Ang batis ng impormasyon ay ang pinanggagalingan ng mga katunayan (halimbawa. Facts, and
figures at datos (halimbawa. Obserbasyon , berbal, at biswal na teksto, artifact fossil) na kailangan para
makagawa ng mga pahayag ng kaalaman hinggil sa isang isyu, penomeno, o panlipunang realidad. Ang
mga ito ay maikakategorya sa dalwang pangunahing uri: primera at sekundarya.
Primary at sekundaryang batis. Ang primaryang batis ay mga orihinal na pahayag, obserbasyon at
teksto na direktang nagmula sa isang indibidwal, grupo o institusyon nanakaranas, nakaobserba, o
nakapagsiyasat ng isang paksa o phenomena. Halimbawa ng mga primaryang batis ng mga sumusunod:
Mula sa harapang ugnayan sa kapuwa tao:
1. pagtatanong tanong
2. pakikipagkuwentuhan
3. panayam o interbyu
4. pormal, inpormal, estrukturado, o semi estrukturado talakayan;
5. umpukan
6. pagbabahay bahay
19
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Alinman sa mga sekondaryang batis ay maaring maging primaryang batis kung ito ang mismong
paksa ng pananaliksik. Halimbawa ang nilalaman ng tsismis na pangshowbiz na nalalathala sa mga diyraryo
at katuturan nito sa buhay ngmga Pilipino ay maaring magoing paksa ng isang pag aaral ng diskurso. Sa
gayon, ang tsismis ay ituturing na primaryang batis dahil ito mismo ang susuriin.
Sa pangkalahatan, sa dalwang uri ng batis, binibigyang prayoridad ng isang mananaliksik ang
primary kes sekondaryang batis sapagkat ang una ay nanggaing sa aktuwal na karanasan, obserbasyon o
pagsisisyasat kaya itinuturing na mas katiwa tiwala kaysa pangalawa. Ngunit hindi dapat ipagbalewalang
bahala ang alinmang sekondaryang batis dahil maaaring maghain ito ng kaugnay o alternatibong
perspektiba at kabatiran na magpapapatatag sa kaaalamang binubuo ng manananaliksik lalo na kung ang
mga ito ay mula sa kinikilalang eksperto. Dagdag pa, daan ito tungo sa pagtukoy ng iba pang mahahalagang
batis ng impormasyon na posibleng magamit ng manananaliksik; gayunman, dapat na balikan, suriin, at
gamitin ng manananaliksik ang primaryang batis kung saan kinuha ang mga imporamsyong nagamit sa
sekondaryang batis (Hinampas 2016).
Sa pagsangguni ng sekondaryang batis, iwasan ang tahasang pagtitiwala sa mga sanggunian na ang
nialaman ay maaaring baguhin o dagdagan ng sinuman tulad na lamang ng Wikipedia.
20
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Kapuwa Tao bilang Batis ng Impormasyon. Sa pagpili ng mga kapuwa tao bilang batis
impormasyon, kailangan timbangin ang kalakasan, kahinaan kaangkupan ng harapan at mediadong
pakikipag ugnayan. Ang mga kapwa-tao ay karaniwang itinuturing na primaryang batis, maliban kung ang
nsagap sa kanila ay nakuha lang din sa sinasabi ng iba pang tao.
Sa harapang ugnayan ng kapwa tao, sinasadya, tinatanong at kinakausap ng mananaliksik ang
indibiwal o grupo na direktang nakakaranas ng penomenong sinasaliksik, ang mga apektado nito,
nakaobserba rito, dalubhasa rito o nakaugnay, nito sa ibat-ibang dahilan (halimbawa.lider ng komunidad
kung saan nagaganap ang penomeno, mananaliksik at nagsisisyasat din sa paksa). Sa mediadong ugnayan
naman, maaari tayong makakalap ng impormasyon mula sa kapwa-tao sa pamamagitang ng ICT
(halimbawa. Telepono, email, pribadong mensahe sa social media), lalo na kung may limitasyon sa panahon
at distansya sa pagitan ng mananaliksik at ng natukoy ng mga indibidwal. Ilan sa mga kalakasan ng
harapang ugnayan ang mga sumusunod:
1. maaring makakuha ng agarang sagot at paliwanag mula sa tagapagbatid;
2. makapagbigay ng angkop na angkop na kasunod na tanong ( follow-up question) sa kaniya;
3. malinaw niya agad ang sagot; at
4. maoobserbahan ang kanyang berbal at di-berbal na ekspresion.
Subalit nangangailangan ito ng mas malaking badyet at mas malaking oras para sa fieldwork lalo
na kung malalayo at magkakalayo ang kinaroroonan ng mga tagapagbatid. Bentahe naman sa mediadong
ugnayan ang:
1. pagkakataong makapagbatid ang mga nasa malalayong lugar sa anumang oras at pagkakataon
kung kalian nila maiisisingit ang pag responde
2. ang makatipid sa pamasahe at panahon dahil hindi na kailangang puntahan nang personal ng
manananaliksik ang mga tagapagbatid; at
3. ang mas medaling pag oorganisa ng mga datos lalo na kung may elektonikong sistema na
ginagamit ang manananaliksik sa pagkalap ng datos (halimbawa. Mga online survey tools,
digital transcriber, vedio analysis, software, computer, assisted qualitive data analysis. )
Midya bilang batis ng impormasyon. Kung pipiliin ang midya bilang batis ng impormasyon,
kelangan ding pag isipang mabuti ang kalakasan, kahinaan, at kaangkupan nito para sa binubuong pahayag
ng kaalaman. Dapat unahin sa prayoritisasyon ang mga primaryang batis, angkop na uri ng midya, at
kredibilidad ng tukoy na midya.
Mga Gawain
Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasang humanap ng mga lehitimong impormasyong gamit ang
kapwa tao bilang batis ng impormasyon gamit ang mediadong ugnayan. Pumili ng tatlo mula sa
anim na paksang binigay ng mag-aaral sa mga gawain ng naunang paksa. Pumili ng taong maaaring
makapagbigay ng tiyak na impormasyong ukol sa napiling paksa, gamitin ang midya upang
makakalap ng impormasyon. Ipaliwanag sa taong magiging batis ng impormasyon na ang inyong
pagpupulong ay gagamitin sa aktibidad sa klase. Gawan ng dokumentasyon ang ugnayan bilang
awtput sa gawaing ito. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook Private
Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit
ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit
ang messenger.
21
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Gawain 2
Mula sa anim na paksang ibinigay sa una at pangalawang gawain sa naunang paksa,
humanap ng tig limang impormasyong susuporta sa mga ito. Dahil sa kasalukuyang kalagayan,
ang maaari lamang gamitin ay ang mga batis ng impormasyong abeylabol sa inyong tahanan at
hindi na kakailanganing lumabas. Maaari ring gamitin ang mga midya bilang batis ng
impormasyon. Lagyan ng leybel ang mga impormasyon kung ito ay primarya o sekundaryang
batis. Ilagay din kung saang batis nagmula ang mga impormasyong nakalap. Ang awtput ng mga
mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook Private Group ng guro para sa klase. Para sa mga
mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type sa cellphone
at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger.
22
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Lunsaran
Nilalaman
23
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
lumahok , at isangguni sa kanila ang takdang lugar, araw at oras ng harapan o mediadong
interaksyon para sa pangangalap ng datos.
1. Eksperimento
Sa teksto ng agham panglipuanan, ang eksperemto ay isang kuwantitatibong disenyo ng
pananaliksik kung saan sinusukat ang epekto ng dependent variable, na tinatalaban ng
interbensiyon. Halimbawa, ano ang epekto ng paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa klase
(independent variable) sa antas ng kaaalaman ng mag aaaral hinggil sa isang paksa sa agham (
dependent variable). Madaas na gumagamit ng kontrol at eksperimental na mga pangkat ng
kalahok para mapagkumpara ang resulta sa pagitan ng pangkat na hindi finagamitanng
interbensiyon (kontrol) at sa pangkat na gimagamitan ng ( eksperimental). Limitado ang gamit ng
eksperomento sa agham panlipuanan at nahaharap ito sa maraming banta sa katumpakan ( baxter
& babbie 2004).
2. Interbyu
Ang interbyu o panayam ay isang interaksyon sa pagian ng mananaliksik bilang
tagapagtanong, at tagapoakinig, at ng tagapagbatid na siyang tagapagbahagi ng impormasyon
(baxter & babbie 2004). Sa estrukturadong interbyu, gumagamit ang mananaliksik ng gabayna
tanong, na ang pgkakasuynod ay mahalaga upang matiyak ang konsistensi sa lahat ng
tragapagbatid. Sa semi-estrukturadong interbyu, mayroon ding gabay na mga tanong ang
mananaliksik, subalit maari niyang baguhin ang pagkakaayos nito depende sa takbo ng interbyu
at maaari din niyang dagdagan kung mayroon siyang followup na tanong. Sa di estrukturadong
interbyu ay hindi kahingian ang mga gabay na tanong upang mas maging natural ang daloy ng
usapan, subalit makabubuti na kahit paanoy lagging tinatandaan ang manananaliksik sa layon at
paksa na kaniyang sinisiyasat habangnagiinterbyu para magabayan siya ng dapat itanong at
malaman. Mainam ang interbyu sa pagkalap ng mga datos na hini direktang naoobserbahan, sa
pagunawa sa ibat ibang kahulugan sa karanasan o penomeno batay sap unto de bista ng
tagapagbatid, sa pag aaral ng wika ng tagapagbatid, at sa malalimang paggalugad sa ibat ibang
aspekto ng isang paksa ( baxter & babbie 2004).
24
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
2. may nag aagam –agam na sumalungat sa kasama o itama ang impormasyong ibinibigay
ng iba;
3. may lihim o hayag na hidwaan ang mga kalahok; at
4. may ayaw magbahagi ng saloobin dahil nahihiyang magkamali, mapuna, o matsismis.
Sa mga ganitong pagkakataon, kailangang magaling at maparaan ang tagapagpadaloyt
upang maging organisado, mahinahon, masigla, at kawili-wili ang talakayan.
5. Pagtatanong-tanong
Marami ng mga mananaliksik ang gumagamit ng pagtatanong tanong sa pagkalap ng
katunayan at datos. Ang pagtatanong tanong ay mainam sa sumusunod na pagkakataon :
1. kung ang impormasyong sinisiyasat ay makukuha sa higit sa isang tagapag batid:
2. kung hindi tuwirang matanong ang mga taong may direkstang karanasan sa paksang
sinisiyasat;
3. kung di pa tiyak kung sino ang may kaalaman o karanasan hinggil sa paksa : at
4. kung nais marepika ang mga impormasyong nakuha mula sa ibang tagapagbatid (
Gonzales, 1982 ). Nagtatanong tanong din ang mananaliksik kung hindi nya
masyadong gamay o wala siyang gaanong alam pa sa paksang sinisiyasat. Impormal at
bernakular na wika ang ginagamit para medaling magkaintindihan ang nagtatanong at
ang tinatanong ( gonzale, 1982). Sa ganitong pamamaraan, may mga dapat isa alang
alang ang mga mananaliksik hingil sa katangian ng tagapag siyasat, pook nbg
pagtatanong tanong, at panahon ng pagsasagawa nito (Gonzales, 1982).
6. Pakikipag kwentuhan
Pakikipag kwuwentuhan naman ang ginagamitr ni de vera na (1982 ) upang pag aralan ang
pakiki apid sa isang baryo sa camarines norte . itoay isang di-estrukturadong at impormal na usapan
ng mananaliksik at mga tagapagbatid na hingil sa isa o higit pang mga paksa kung saan ang
mananliksik ay walang ginagami na tiyak na mga tanong at hindiniya pinipilit at igiya ang daloy
sa isang direksyon. Walang mahigpit na kalakaran sa ganitong pamamaraan , kundi ang pagiging
“Malaya” ng mga kalahok na “magapahayg ng anumang opinion o karanasan” at magbigay ng
verbal at di verbal na ekspresyon ng “walang takot” o pag aalinlangan na ang binitiwan nyang
salita aymagagamit laban sa kanya sa pag hihirap (de vera 1982, p. 189). Wala rin sa kahingian ng
pakikipagkwentuhan na ganapain ito sa isang tiyak na lufgar at oras. Madalas na nangyayari na
lamang ito ng walang ka aabog abog habang ang mananaliksik ay nasa fieldwork.
25
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
7. Pagdalaw-dalaw
Sa pag aaral ng kaiharapan ng mga namumulot ng basura sa isang tambakan sa malabon,
rizal ang isa sa mga metodo ng pangangalap ng datos na ginagamit nina Gepigon at Francisco
(1982) ay pagdalaw dalaw ayon sa kanya ang pagdalaw dalaw ay ang pagpunta punta at pakikipag
usap ng mananaliksik sa tagapagbatid upang sila ay makakilala; matapos magpakilala at makuha
ang loob ng iat isa,mas maluag na sa kalooban ng tagapagbatid a ilbas sa usapan “ang mga nais
niyang sabihin bagamt maaring may ilan pang pagpilpigil (1982, p. 194).ito ay maaroing kaakibat
din ng ibang mga pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng pakikipag kuwentuhan at pakikilao.
Maaaring magsilbing panimulang hakbang bago itopalalamin at palawigin ang mga imporamsyon
kinakalap mula sa mga tagapagbatid.
8. Pakikipanuluyan
Ginagamit naman ni nickdao Henson (1982) ang panuluyan sa pag aaral ng konsepto ng
panahon ngf mga tsiaong, guiguinto bulacan. Para makakuha ng datos sa pamamaraang ito
dumadalaw muna sila nbsa barangay habng sa naninirahan na siya ng talong buwan ditto para sa
kanyang pagaaral. Sa pkikipanuluyan siya ay nakisalamuha sa mga tao at nakisangkot sa ilan sa
kanyang mga aktibidad kagaya ng pag kukwenuhan sa umpukan, pangangapitbahay, at pagdalo sa
ibat ibang pagtritipon; pagmamasid sa mga nagaganapsa kapaligiran : at pagtatanong tanong hingil
sa paksang sinasaliksik. Sa gayon, nasasabing ang pakikipanuluyan ay pang pang matagalan at
masaklaw na pamamaraan dahil ginawa ito sa loob ng maraming araw sa kaakibat ng iba pang
mga espesipikng amamaraan ng pagkuha ng datos. Ang mananaliksik ay hindi lamg nakikitira sa
isang bahay at nakikisangkotsa buhay ng isang pamayanan , kundi siyarin ay nag mamasid nag
tatanong tanon, nakikipag kwuntuhan, at nakikilahok sa mga Gawain. Pakikipanuluyan
inaasahaang mas malalim at komprehensibo ang mga impormasyong malilikom ngmananaliksik.
Hindi to kataka taka dahil ang pakikipanuluyan “ ay isa sa pinakamabisang pamamaraan upanfg
mapaunlad ang pakikipag kapuwang isang tao” (san juan & soriaga, 1985,p.433).
9. Pagbabahay bahay
May pagka masaklaw rin ang pagbahay bahay sapagkat hindi lamang pumupunta sa bahay
ng taga pagbatid ang mananaliksik, nag mamasid, nagtatanong tanong, at nakikipag kuwentuhan
at nakikipag panayam din siya ginagamit ang pamamaraang ito sa pagsasasaggawa ng survey, pero
ituturing ding etnograpikong pamamaraan kung saan inaasahang nakakakuha ng hitik, kompleks,
at malallalim na impormasyon mula sa maraming tagapagbatid.
10. Pagmamasid
Ang pagmamasid naman ay maaaring gamitin hindi lamang sa paglikom ng datos mula
kapuwa tao kundi pati narin sa mga bagay, lugar, pangyayari, at iba pang penomeno. Sa medaling
salita, ito ay pag oobserba gamit ang mata, tainga, at pandama sa tao, lipunan, at kapaligiran. Kung
kaakibat ng pakikiramdam ang pagmamasid ay maaaring matantiya ng mananaliksik kung “maari
siyang magpatuloy o hindi sa mga susunod hakbangin” sa pananaliksik ( Gonzales 1982 p.175)
Ang pagmamasid ay kaakibat dinng iba pag may pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng
pakikilahok, pakikisangkot, pagbabahay bahay, at pakikipanulyan.
May apat na uri ng papel ng tagapagmasid ayon kay Gold (1958): complete observer
(ganap na tagamasid ), complete participant (ganap na kalahok), observer as participant (tagamasid
bilang kalahok), at participant observer (kalahok bilang taga masid) (salin sa Filipino ni Agcaoili
26
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
2016, p. 60). Ipinapakita sa pigura 1 ang buod ng topolohiya ni gold. Sa pagpili ng angkop ng
akopna papel sa pagmamasid, dapat pag aralang mabuti ang kalakasan at kahinaan ng bawat isa
at isaalang alang ang layon at disenyo ng pananaliksik. Halimbawa, ang mismong ng mananaliksik
at/o ang pagkaalam ng tagapagbatid na may ginagawang pasasaiksik hinggil s kanila ay maaaring
makaapekto sa kanilang kilos habang sila ay inoobserbahan; sa gayon, itoy makapagdulot ng
kuwestiyon sa pagiging katiwatiwala na datos na makakaya. May etikal naisyunaman ang papel
ng ganap na kalahok kaya kailangang timnbanging mabuti kung ang paglilihim sa mga tagapag
batid ay mabibigyang katuwaran ng mabuting intesnyon ng pananaliksik at kungito ay hindio
magdudulot sa kanila ng kapahamakan ( baxter & babbie, 2004, p. 307 – 309 )
27
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Mainam ding bisitahin ang mga sumusnod kung ang pananaliksik ay may kaugnayan sa
isyung pambansa.
• Website ng pamahalaan
• Website ng ahensiya ng pamahalaan
• Website ng mga samahang mapanuri at may adbokasiyang panlipunan
• Website na gumagawa ng fact check
Mga Gawain
Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasan na magtala ng tigtatatlong pananaliksik na may kaugnayan
sa anim na paksang binigay sa gawain 1 at 2 ng unang paksa sa Yunit 2. Mula sa mga pananaliksik
na iyon ay isa-isahin ang mga pamamaraan ng pagkalap ng impormasyon na ginamit. Maging
ispesipik sa paglalagay ng pamamaraan lalo na pangangalap ng impormasyon mula sa kapwa tao.
Maglagay ng patunay para sa inyong sagot. Gamitin ang matrix bilang gabay sa pagsasagot. Ang
awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook Private Group ng guro para sa klase.
Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type
sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger.
Paraan ng Pangangalap ng
Paksa Patunay
Impormasyon
1.
2.
3.
28
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Gawain 2
Ang mga mag-aaral ay aatasan na magtala ng paraan ng pangangalap ng impormasyon na
dapat gamitin sa anim na paksang binigay sa gawain 1 at 2 ng ikalawang paksa sa Yunit 2. Maging
ispesipik sa paglalagay ng pamamaraan lalo na pangangalap ng impormasyon mula sa kapwa tao..
Gamitin ang matrix bilang gabay sa pagsasagot. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa
ginawang Facebook Private Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet
connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang
text messaging o chat gamit ang messenger.
2.
3.
4.
5.
6.
29
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Pagsusuri ng Datos:
Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon
Hanggang sa Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
30
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
1. Sa paggawa ng buod sa pangkalahatan, basahin nang mabuti ang teksto bago tukuyin ang
mga suisng salita, ang paksang pangungusap, at ang pinakatema. Bago sulatin ang buod,
palitawin muna ang koneksiyon ng mga susing salita, ang paksang pangungusap, at/o ang
mga tema upang malaman ang sintesis o pinakapunto ng teksto. (Constantino et al., 2016)
2. Kahingian sa ilang uri ng materyal ang ankop na elemento at estruktura ng buod.
3. Sa pagbubuod ng teksto mula sa panayam, talakayan, at iba pang etnograpikong
pamamaraan ng pangangalap ng datos, ang coding ay isang mabisang paraan dahil ang
hinahantungan ng huling sikulo nito ay ang buod o ubod ng teksto.
4. Iwasan ang mapanlahat na pahayag kung kakaunti lang ang bilang ng kalahok o tinanong.
(Jimenez, 1982, p.27)
31
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
kapanssi paniwalang paglalahad . ang kapani paniwaola ay “nakasalig sa mga katayuan” (Almario,
2016, p.27)
Mga Gawain
Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasang lumikha ng informercial na maghihikayat sa mga
awdiyens na gumawa ng mga pananaliksik. Ang infomercial maaaring aktwal na video o
pinagsunod-sunod na larawan. Ito ay tatagal lamang ng 1 hanggang 2 minuto. Ipakita ang
magagandang dulot ng pananaliksik sa buhay ng bawat indibidwal upang tunay na makahikayat
ng madla. Ang awtput ng mga mag-aaral ay muling isusumite sa Facebook Private Group ng klase.
Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type
ang mga linyang gagamitin sana sa aktibidad sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text
messaging o chat gamit ang messenger. Mainam din kung matatawagan ng guro ang mga mag-
aaral para sa aktibidad na ito. Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.
Gawain 2
Batay sa mga magkakaugnay na gawain, suriin ang mga datos upang makabuo ng buod ng
impormasyon at pahayag ng kaalaman. Dahil sa kakulangan ng datos, ang buod at pahayag ay
magmumula lamang sa impormasyong nakalap sa mga aktidad at gawain. Kasama sa konsidersyon
ng pagbuo at pagmamarka ang lawak at lalim ng saklaw ng mga gawain. Ang awtput ng mga mag-
aaral ay muling isusumite sa Facebook Private Group ng klase. Para sa mga mag-aaral na walang
internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type ang mga aktibidad sa cellphone at
isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger. Ang rubrik sa ibaba ang
gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.
Rubrik sa Infomercial
Napakahusay Mahusay Kulang sa Kasanayan
Kategorya Iskor
(5) (3) (1)
Nilalaman Komprehensibo ang ginawang Malinaw ang infomercial at Naging malamlam ang punto
infomercial at panghihikayat, ang panghihikayat, nagtataglay at nakakaingganyo ang
malinaw na nailahad ang mga ng mga importanteng detalye infomercial at hindi kakikitaan
impormasyon, kompleto ang subalit hindi nito napatibay ng mga mahahalagang
mga detalye at kakikitaan na ang ang mga impormasyong impormasyon na
dumaan sa masusing pag-iisip nakalagay sa infomercial. magpapatibay sa infomercial.
ang infomercial.
Mekaniks Lubhang mahusay at lohikal Mahusay at lohikal ang Nagtataglay ng kompletong
ang pagkakahanay ng mga pagkakahanay ng impormasyon subalit hindi
impormasyon, naiorganisa ang impormasyon, naiorganisa ang naihanay ng lohikal ang mga
mga detalye. Sumunod sa mga detalye subalit detalye na magpapatibay sa
tinalagang anyo at nilalaman kinakulangan ng mga salitang ideyang tinatalakayLumabis o
ang infomercial. magpapaigting ng pagkaunawa kumulang sa tinalagang anyo
sa infomercial at nilalaman ang infomercial.
Pagkamalikhain Malikhain at mapanghikayat Malikhain ngunit hindi Hindi mlikhain at
ang presentasyon ng mapanghikayat ang mapanghikayat ang
impormasyon sa ginamit sa presentasyon ng impormasyon presentasyon ng impormasyon
infomercial. na ginamit sa infomercial na ginamit sa infomercial.
Orihinalidad Ang infomercial ay orihinal. Ang infomercial ay hindi
orihinal.
Kabuuang
Iskor
32
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
YUNIT III
MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO
Panimula
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
33
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
34
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
paano kung ang laman ng tsismisan ay tungkol sa pangungurakot ng mga opisyal sa isang bayan?
Oo nga’t hindi agad dapat paniwalaan, ito’y dapat usisain. Kung mapatunayang totoo ang tsismis,
kailangan ng aksyon mula sa taumbayan at makikinabang dito ang bayan. Kung hindi, ang
napatunayan nito’y malinis ang budhi ng mga opisyal na natsismis at malamang na may naninira
sa kanila na silang maitim ang budhi. Samakatuwid, ang implikasyon nito’y kailangan ng
matinding paghimok sa mga Pilipino na idirekta ang tsismis sa layong ito’y mapatotohanan o
mapasubalian-ang transpormasyon ng tsismis na walang kasiguraduhan ang katotohanan tungo sa
pagiging balita na batay sa empirikal at kritikal na pagsusuri.
Sa mga mapaglaro ang isipan na sangkot sa social marketing, puwede ring magamit ang tsismis
para takamin ang mga tao hinggil sa isang bagong teknolohiyang panlipunang maaaring ilako para
mapakinabangan ng marami. Madaling maintriga ang maraming Pinoy at mabilis kumalat ang
tsismis. Halimbawa, kung may magsisimula ng tsismis hinggil sa bago at murang pamamaraan ng
paggamot sa isang sakit, malaki ang posibilidad na may mga mag-uusisa tungkol dito pagkatapos
makipagtsismisan. Sa politikal na pananaw, sinasabing ginagamit ng mga naghaharing uri ang
tsismis bilang “instrumento ng kapangyarihan” para linlangin ang taumbayan (Dela Cruz, 2014, p.
2). Halimbawa, ginamit ng mga Espanyol ang tsismis laban sa mga babaylan, si Jose Rizal, at ang
Katipunan upang manatili at mapalakas ang dominasyon ng dayuhang kapangyarihan sa bansa
(Dela Cruz, 2014, pp. 9-10). Sa kabilang dako, nagbibigay ng panandaliang katuwaan at
kaluwagan sa damdamin ng mga mahirap na manggagawa ang tsismisan dahil dito nila naibubuhos
ang sama ng loob nila sa kanilang mahirap na kalagayang panlipunan. (Dela Cruz, 2014, pp. 11-
12; Tan, 2016, p. 12). Halimbawa, noong lumabas ang Noli Me Tangere, sa tsismis nakuha ang
karamihan ang tungkol sa laman nito, sapagkat pilit pinigilan ng mga Espanyol ang pagkalat nito
(Dela Cruz, 2014), Noong panahon naman ng Batas Militar ni Ferdinand Marcos, ang mga tao ay
kumukuha ng bali-balita mula sa tsismisan dahil sa midya noon ay kontrolado ng pamahalaan at
puro pabor kay Marcos ang ipinapahayag (Tan, 2016).
Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismosa, pero marami rin ang mahilig
makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na maintriga ang mga tao sa sikreto at baho ng iba.
Ang mali sa pagiging tsismosa ng mga Pinoy ay ang pangtsitsismis hango sa inggit, na maaaring
nagmumula sa kakitidan ng utak natin. Ang pangtsitsismis ay nagiging simpleng paraan upang
makapanakit sa kapwa at mga kaaway. Ang tsismis ay karaniwang ginagamit para makasakit at
makapanira ng reputasyon ng ibang tao, o kaya naman o kaya naman ay husgahan ang kanilang
katauhan, kamalian at kasalanan. Ang madals na pinag-uusapan ng tsismis sa kumonidad ay mga
sensitibong bagay tulad ng sex, pagbubuntis ng mga hindi kasal o disgrasyada, pagiging
homosexual at pambababae, ngunit pinagtsitsismisan din ang iba’t-ibang bagay tulad ng estado sa
buhay o kaya naman ay pag-aaral.
Malungkot man sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipino ang mga tsismis kaysa
katotohanan. Kahit na may mga mangilan ngilan na hindi naniniwala sa mga tsismis na narinig
nila, marami pa rin ang naniniwala sa alternative facts. Kakaunti lamang ang mga taong
nagtatanong ng totoong nangyari sa taong pinag-uusapan, at mas kakaunti pa ang mga tao na
sumusubok na tingnan kung tama ang impormasyon na kanilang nasasagap.
35
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Mga Gawain
Gawain 1
Ang mga magaaral ay aatasan na maghanap ng tatlong meme na tungkol sa tsismisan.
Matapos na makapaghanap ng meme, bibigyang kahalugan ng mga mag-aaral ang naturang meme.
Kasama sa pagpapakahulugan ng mag-aaral maaring mabuti at masamang dulot nito sa mga
mambabasa. Ang awtput ng mga mag-aaral ay muling isusumite sa Facebook Private Group ng
klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring
i-type ang mga aktibidad sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit
ang messenger. Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.
36
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Gawain 2
37
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
Ang umpukan ay impormal paglalapit ng tatlo o higit pang tao na magkakakilala para mag-
usap na magkakaharap. Sa pangkalahatan, ay hindi planado o nagaganap na lang sa bugso ng
pagkakataon. Ang mga nagiging kalahok sa umpukan ay iyong mga kusang lumapit para
makiumpok, mga di-sadyang nagkalapit-lapit, o mga biyayang lumapit. Sa pagkakataong hindi
kakilala ang lumapit, siya ay masasabing isang usisero na ang tanging magagawa’y amnood at
making sa mga nag-uumpukan; kung siya ay sasabat, posibleng magtaas ng kilay ang mga nag-
uumpukan at isiping siya ay intrimitida, atribida o pabida. Kagaya sa tsismisan, walang tiyak o
planadong daloy ang pag-uusap sa umpukan. Subalit di kagaya sa una, ang umpukan ay puwedeng
dumako rin sa seryosong talakayan, mainit na pagtatalo, masayang biruan, malokong kantiyawan,
at maging sa laro at kantahan. Sa umpukan ng mga Pilipino’y madalas talagang maisingit ang
biruan, na minsa’y nauuwi sa pikunan. Naniniwala si Enriquez (1976) na taal na sa maraming
Pilipino ang pagkapikon dahil sa “isang kulturang buhay na buhay at masigla dahil sa
pagbibiruan”(p. 13). Ang paksa ng usapan sa umpukan ay hindi rin planado o pinag-isipang mabuti
maaaring tungkol sa buhay-buhay ng mga tao sa komunidad, magkakaparehong interes ng mga
nag-uumpukan, o mga bagong mukha at pangyayari sa paligid. Minsan, kung sino ang dumaan
malapit sa umpukan ay siyang napag-uusapan. Nangyayari ang umpukan hindi lamang sa kalye
38
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
dahil madalas sa paaralan (mga mag-aaral at guro), opisina (mga empleyado), korte (hurado at
mga manananggol), at botante (mga kongresista o senador). Sa senado halimbawa, nag-uumpukan
ang mga mambabatas bago ang simula o pagkatapos ng isang sesyon, at kapag break. Madalas
matampok sa telebisyon at sa diyaryo ang umpukan ng mga magkakaalyadong senador at
kongresista. Minsan, sa umpukan din humihingi ng pasensiya ang mga mambabatas na nagkainitan
habang matinding nagbabalitaktakan dahil sa magkakaibang pananaw sa mga isyu at prosesong
may kinalaman sa paggawa ng batas.
Sa isang komunidad at maging sa iba’t ibang lugar sa loob nito kagaya ng paaralan at
tambayan sa kanto, ang umpukan ay isang masasabing isang ritwal ng mga Pilipino para mapanatili
at mapalakas ang ugnayan sa kapuwa. Dito umuusbong at napapayabong ang diwa ng ating paki
sa kapuwa. Kumbaga, ang magkakaumpukan ay sinusubukang umugnay sa isa’t isa, may pakialam
sa isa’t isa, at nagbabahagi at sumasagap ng mga impormasyon mula sa usapan ng mga
magkakaumpukan bilang tanda ng kanyang pagiging kasapi ng pamayanang kinabibilangan at
kaniyang pakialam dito. Dito rin naisasalin at napapalaganap ang mga kuwento ng bayan, ang mga
lokal na pananaw, ang pagkaunawa sa mga katutubong kaugalian, at iba pang salik na panlipunan
at kultural na reyalidad. Ang salamyaan ay isang halimbawa ng tradisyon kung saan tampok ang
umpukan. Pinag-aralan ni Petras (2010) ang salamyaan sa Marikina bilang pagpopook sa siyudad
sa kamalayang- bayan ng mga mamamayan nito. Bukod sa kainan, kantahan at paglalaro ng Bingo,
isa rin sa itinatampok sa salamyaan ang umpukan na may kalahok na ring tsismisin, talakayan,
balitaktakan, biruan at iba pa na nagaganap sa isang silungan o tambayan (Petras, 2010, p. 95-96).
Binigyang pansin ni Petras (2010) ang kahalagahan ng salamyaan bilang talastasang bayan kung
saan nabubuo at napapalaganap ang mga salaysay mula sa loob, namamayani ang diwa ng
pagkakapantay-pantay sa mga kalahok, at napapasigla at napapatibay ang ugnayan at samahan ng
mga Marikenyong magakakatulad ang “interes at hanapbuhay” (p. 102).
Marami pang ibang katuturan ang umpukan. Sa karanasan ng mga boluntir sa Ugnayan ng
Pahinungod/Oblation Corps (UP/OC), ang programang pamboluntaryong serbisyo ng Unibersidad
ng Pilipinas Los Banos (UPLB), mahalagang paraan ng pakikibagay sa mga tao sa isang
komunidad ang pakikiumpok. Sa umpukan, nakikilala at nakakapalagayang-loob ng mga boluntir
ang mga taong katuwang nila sa mga gawaing pangkaunlaran sa pamamagitan ng pakikinig at
pakikipagkwentuhan sa kanila. Nagkaroon din minsan ng kantahan, talakayan, at tawanan habang
nag-uumpukan (Pigura 1). Estratehiya naman ng ilang boluntir ng UP/OC na eksperto sa
agrikultura ang makipag-umpukan sa mga magsasaka ng isang komunidad. Dahil sa impormal na
lapit at malayang daloy ng talakayan, mas nakapagtatanong at nakapagbabahagi ng ideya ang mga
magsasaka sa umpukan kaysa sesyon mismo ng pagsasanay o seminar na karaniwang
nakaistruktura sa di-pormal na edukasyon na nakakatakot sa mga kalahok. Isa pang halimbwa ng
komunikasyong pangkumunidad kung saan tampok din ang umpukan at iba pang kagawiang
pangkomunikasyon ay ang ub-ufon ng mga tubong Kadaclan sa Barlig, Bontoc, Mt. Province na
naninirahan sa Siyudad ng Baguio sa dahilang pang-ekonomik.
Sa paglipas ng panahon, tumaas ang bilang ng mga taga-Kadaclan na lumipat sa siyudad
at karamiha’y ilang komunidad na room (Potectan, 2012 p. 29). Madalas na ginagawa ang ub-
ufon sa isang itinakdang ator o dap-ayan (lugar), ng pagsasama-sama ng mga umuli
(magkabahayan) para magpakilala, mag-usap hinggil sa iba’t ibang isyu, magbigayan ng payo,
magresolba ng mga alitan, magturo ng tugtukon (customs/traditions) sa nakababata, mag-imbita
39
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Mga Gawain
40
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
41
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
bahagina at deliberasyon sa pagitan ng mga kalahok. Sa mga pormal na talakayan, karaniwan nang
may itinalaganag tagapagdaloy (facilitator) na tiyak sa kaayusan ng daloy ng diskusyon. Sa
pareho, inaasahan na magkakaroon ng pagpapalitan at pagbabanggaan ng magkakaibang pananaw,
pagkritik sa mga ibinahaging ideya at impormasyon, at maging ang marubdob na pagtatalo-talo
lalo na kapag kontrobersiyal o sensitibo ang paksa. May mga pagkakataong nagkakainitan kung
kaya mahalaga rin ang papel ng mga kalmadong kalahok na magsisilbing taga-awat o
tagapagpalamig (neutralizer) kapag may nagtataas nan g boses, nagmumukha nang inis o galit, at
may nauubusan nang pasensiya. Maaaring mas tuwiran ang sagutan kapag palagay na ang loob sa
mga katalakayan. Sa mga mainit na pagtatalo, balitaktakan o tuligsaan, kadalasang maingat ang
mga Pilipino sa pagbibitaw ng salita at sa binibitawang mga salita (Maggay, 2002, p.29).
Sa lipunang Pilipino, mas madalas mangyari ang harapan kaysa mediated na talakayan, na
maaaring iangkla ang pagiging makalipunan nating mga Pilipino at sa “personal” na pakikipag-
ugnyan natin sa kapuwa ( San Juan & Soriaga, 1985, p. 435). Halimbawa, sa pag-aaral ni Bawas
(2008). Ang pangkatang talakayan ay isa sa mga pamamaraan ng harapang komunikasyon na
madalas gamitin ng mga barangay health worker sa Bakun, Benguet dahil mas personal ang dulog
at mas nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang mga magkakausap. Talamak din ang paggamit ng
talakayan sa mga pananaliksik sa agham panlipunan na kadalasa’y ginagamitan ng mga gabay na
katanungan (Pigura 3.2). Subalit may mga bentahe ang mediated na talakayan na wala sa harapang
porma nito. Una, naiigpawan nito ang hadlang sa distansiya kung ang mga kalahok ay
magkakalayo. Halimbawa, maaaring gamitin ang teleconferencing o Facebook chat group para
makapagsagawa ng talakayan ang mga taong nasa iba’t ibang pamayanan. Pangalawa, maraming
tagapakinig o manonood ang naaabot ng talakayang isinasahimpapawid sa pangmadlang midya
kagaya ng radio o telebisyon. Halimbawa, ang talakayan sa telebisyon sa pagitan ng mga piling
eksperto, opisyal ng gobyerno at mamamayan hinggil sa isang problemang panlipunan ay
maaaring mapanood ng maraming Pilipino sa iba’t ibang panig ng bansa at makapagbigay sa kanila
ng kapaki-pakinabang na ideya upang harapin ang problema. Pangatlo, ang midyang
pangkomunidad ay mainam gamitin sa mga talakayan hinggil sa mga gawaing pangkaunlaran na
nakatuon sa mga tukoy na pamayanan at may dulog na partisipatori (Quebral, 1988, p.81). Ang
radyong Tambuli ay isang magandang halimbawa ng midyang pangkomunidad sa Pilipinas kung
saan nagaganap ang demokratikong talakayang na mediado sa pagitan ng mga opisyal ng lokal na
pamahalan at ng mga mamayan (Gumucio-Dagron, 2001, pp. 110-111). Masigla ang talakayang
pagkomunidad sa radyong Tambuli dahil ang estasyon ay pinamamahalaan ng isang multisektoral
na konseho, ang mga brodkaster ay mga lokal na boluntir, at ang mga programa ay nakalapat saa
sosyo-ekonomik, kultural, politikal at pangkaligirang konstekto ng mga tao sa mga komunidad na
pinaglilingkuran nito.
Sa kabilang dako, ang tagumpay sa talakayan katulad ng anumang sining ay mahirap biyan
ng tiyak na pagkakahulugan, bagama’t may mga mangilan-ngilang katangian ng mabuing
pagtalakay ang isinasaad sa www. Speaking.pitt.edu/instructor/classdisscussions.html katulad ng
mga sumusunod:
1. Aksesibilidad. Pagiging komportable ng mga mag-aaral sa kanilang partisipasyon sa
talkayan sap unto ng walng pangamba na nagingibabaw sa kanilang pagpapahayag.
42
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
2. Hindi palaban. May mga pagkakataong nagiging mainit ang talakayan subalit hindi
dapat dumating sap unto na nawawalan ng magalang na tono, paraan ng pagpapahayag
ng bawat kasali sa talakayan; mainit ang pagtalakay subalit nananatili ang paggalang.
3. Baryasyon ng ideya. Mahalaga ang baryasyon o ang pagkakaiba-iba ng pananaw ng
mga pahayag upang matamo ang higit na malalim na pagtalakay.
4. Kaisahan at pokus. Mahalaga ang pael ng dalubguro o ng tagapamagitan upang hindi
mawala sa punto ng usapin sa kabilang mga mga baryasyon ng ideyang ipinapahayag
sa malayong pagtalakay.
Ang hindi pagkakaunawaan ng mga tao sa kanilang pananampalataya, teyoriya, salita at
gawa aysadyang di na maiwasan sa buhay ng tao simula pa sa unang panahon hanggang sa
katapusan ng mundo, kaya kinakailangan ang patnubay at gabay upang maiwasan ang di pagka-
kaunawaan kadalasan ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng hidwaan sa isa’t-isa. Samakatuwid
ang talakayan ay isang paraan upang ang katotohanan ay mapatunayan at mapanatili sa
pamamagitan ng mga katanggap-tanggap na basehan at katibayan kung saan ito ay nararapat na
ibahagi ng buong katapatan at katapangan ng bawat panig at katunggali.
Mga Gawain
Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasang makipagtalakayan gamit Facebook (FB) chat group. Ang
mga mag-aaral ay pipili ng isang tiyak na paksang pagtatalakayan nila ng kanyang mga mapipiling
kapalitan ng kaalaman. Ang mga isasangkot sa talakayan ay hindi kaklase, maaring ito ay
kapamilya, kaibigan o kakilala. Ipababatid sa mga kalahok na ang talakayan ay gagmitin bilang
aktibidad sa klase at hihingin ang pirmiso na mai-screenshot ang kanilang palitan. Ang FB chat
group ay ii-screenshot ng mga mag-aaral ay muling isusumite sa Facebook Private Group ng klase.
Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type
ang mga aktibidad sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang
messenger. Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.
Gawain 2
Ang mga mag-aaral ay aatasang bumuo ng mga tanong kung sakaling sila ay mabibigyan
ng pagkakataong makipagtalakayan kasama ang tatlong personalidad ukol sa isang tiyak na isyu.
Ang kanilang awtput ay sa pormang tulad ng iskrip kung saan nakalagay kung sino ang nais nilang
sumagot ng kanilang tanong. Inaasahang isasaalang alang ng mga mag-aaral ang katuturan ng
talakayan sa kanilang mapipiling personalidad at paksa ng talakayan. Ang awtput ng mga mag-
aaral ay muling isusumite sa Facebook Private Group ng klase. Para sa mga mag-aaral na walang
internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type ang mga aktibidad sa cellphone at
isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger. Ang rubrik sa ibaba ang
gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.
43
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
44
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
pormal nag awing pangkomunikasyon kagaya ng pulong, seminar at pampublikong forum. Kung
nais malaman ang iniisip at saloobin ng mga tao sa isyung ito at para makapagsakatuparan ng mga
angkop na dulog sa mga programang tutugon sa mga isyung ito, ang pagbabahay-bahay ay isa sa
mga mainam na estratehiyang pangkomunikasyon na maaaring isagawa ng pamahalaan, non
government organization, at iba pang samahan o institusyon na may mga proyekto hinggil dito.
Kung tutuusin, ang pagbabahay-bahay ay hindi nalalayo sa kaugalian ng pangangapitbahay na
matagal nang ginagawa ng mga Pilipino, lalo na sa mga lugar na rural. Sa mga pamilyang
magkakalapit ang bahay, ang pangangapitbahay ay nakapagpapatatag ng samahan sa mga
mamamayan ng isang komunidad. Dito nagaganap ang kamustahan o usisaan sa buhay ng bawat
isa, bahagian ng iniisip at saloobin, hingian p palitan ng mga material na bagay, lalo nang mga
sangkap sa pagluluto at iba pang gawain sa bahay, at maging tsismisan at umpukan. Ang laman at
layon ng interaksyon ay madalas na hinggil sa karaniwang intindihin at gawain sa araw-araw.
Minsan, ang pangangapitbahay ay nauuwi rin sa pakikikain, pakikipag-inuman, at pakikitulog. Sa
kabilang banda, ang pagbabahay-bahay ay madalas isinasagawa ng mga kinatawan ng ahensiya ng
pamahalaan, pribadong institusyon, o nongovernment organization na may tiyak na layong
panlipunan na nangangailangan ng kontribsyon, pakikiisa, at pakikipagtulungan ng mga residente
ng isang komunidad. Ang estratehikong estilo sa pagbabahay-bahay ay kahilantulad din ng
pangingitbahay: mas personal at impormal, may pagkamusta sa buhay ng pamilyang dinalaw, at
lapat sa araw-araw na alalahanin ng pamilya ang takbo ng usapan. Subalit sa una, kadalasang ang
mga nagbabahay-bahay ay mga tagalaas ng isang kapitbahayan at ang saklaw ng layon nila sa
pagdalaw ay nakasentro sa mga isyu, alalahanin, at programang panlipunan na saklaw ng isang
buong komunidad.
Ang Pasko ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng mga Kristiyano sa pagsilang kay
Hesukristo. Karaniwan na nagbabahay-bahay ang bawat pamilya upang magmano at magbigay ng
pagpapahalaga sa mga nakatatanda at mga kamag-anak sa kahit na naumang paraan. Mayroon ding
nagaganap na pamamahagi at pagtanggap ng munting aginaldo para sa mga bata. Ito ay kaugaliang
kinagisnan minana natin sa ating mga ninuno at patuloy na nagpasalin-salin sa mga susunod na
henerasyon bagama’t may mga modipikasyon sa paraan ng selebrasyon batay sa pagbabago at
pangangailangan ng panahon. Isa pang halimbawa ng pagbabahay-bahay ay ang pangangaluluwa
na ginagawa sa bisperas ng Araw ng mga Patay. Itoy isinasagawa sa pamamagitan ng pag-awit ng
mga awiting bayan kapalit ang konting donasyon at dasal para sa mga namayapa. Pero halos
tuluyan na at nagbago ang konseptong ito sapagkat ngayon ay hindi na umaawit sa tapat ng bahay
sa halip sila ay nakasuot ngayon ng kasuotang pang trick or treat ang naumang kapalit na kahit na
naong bagay o halaga na manggagaling sa mga may-ari ng bahay.
Karaniwang mabilis ang daloy ng komunikasyon sa pagbabahay-bahay dahil na rin sa
layunin ng makarami ng bahay na mapupuntahan sa araw na iyon, subalit ang prinsipyong ito ay
hindi totoo sa iba na higit na pinahahalagahan ang kalidad ng pakikipag-usap sa mga taong
kanilang pinupuntahan.
45
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Mga Gawain
Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasang ipahayag ang kanilang sagot sa tanong na kung sila ay
mabibigyan ng pagkakataong magbahay-bahay ngayong panahon ng pandemya, ano ang kanilang
magiging layon at bakit. Ang awtput ng mga mag-aaral ay muling isusumite sa Facebook Private
Group ng klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data,
maaaring i-type ang mga aktibidad sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat
gamit ang messenger. Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.
Gawain 2
Ang mga mag-aaral ay aatasang gumawa ng pamphlet na kanilang maaaring iwan sa mga
tahanang pupuntahan nila sa Gawain 1. Ang nilalaman ng pamphlet at ang paksang kanilang napili
para sa Gawain 1. Ang awtput ay maaaring gawin sa word o Powerpoint at i-save bilang larawan.
Ang awtput ng mga mag-aaral ay muling isusumite sa Facebook Private Group ng klase. Para sa
mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type ang mga
aktibidad sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger.
Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.
46
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
Ang isa pang mahalagang gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay ang Pulong
bayan. Karaniwan itong isinasagawa bilang isang anyo ng konsultasyon sa mga mamayan o
particular na pangkat upang tugunan o paghandaan ang isang napakahalagang usapin.
Pinangungunahan ng lider ang pagtalkay sa isang usapin na may kaakibat ng pagpapahalaga sa
opinion at mga mungkahi ng mga taong kabahagi sap ag-uusap. May pahkapormal ang mga
pagtalakay na nakapokus lamang sa paksa na inihanda para sa espisipikong gawain na ito- ang
pulong bayan.
Ang pulong bayan ay pagtitipon ng isang grupo ng mga mamayan sa itinakdang oras at
lunan upang pag-usapan nang masinsinan, kabahalaan, problema, programa at iba pang usaping
pangpamayanan. Madalas itong isinasagawa kapag may programang pinaplano o isasakatuparan,
may mga problemang kailangang lutasin at may mga batas na ipatutupad sa isang komunidad.
Depende sa layon, maaring ang mga kalahok sa pulong-bayan ay mga kinatawan ng iba’t-ibang
sector sa isang pamayanan, mga ulo o kinatawan ng mga pamilya o sinomang residenteng apektado
ng paksang pag-uusapan o interesadong makisangkot sa usapin.
47
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang pag-usapan ang mga
suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang pagbabago. Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino
upang mapag-usapan nang maayos ang mga bagay-bagay. Dito maaaring sabihin ng mga kalahok
ang kanilang saloobin. Lahat ay binibigyan ng pagkakataon na makapagsalita. Ito ay
pangkomunikasyon na pamamaraan ng mga Pilipino.
Sa isla ng Calauit sa Busuanga, Palawan ang tradisyunal na “saragpunan” o tipunan ng mga
tagbanua ay nagaganap sa isang malilim na lugar kung saan may malalaking batong nakaayos nang
pabilog na nagsisilbing upuan ng mga kalahok sa pulong.
Mga Gawain
48
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
Marahil ay sasabihin nating labis naman ang pagpapahalagang ibinibigay ng pormulang ito sa mga
senyas na di-berbal tulad ng tinig at mukha. Marahil nga, ngunit kung iisipin natin kung gaano
kalimit nating ginagamit ang ating mga mata kaysa ating mga tainga, mauunawaan natin kung
bakit ganito na lamang ang pagpapahalaga ni Mehrabian sa mga senyas na di-berbal.
49
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
2. Ang mga senyas na di-berbal ay maaaring gamitin sa halip na wika. Sa ating kultura, ang
pagtango ng ulo ay ginagamit na panghalili sa salitang “oo”, ang pag-iling ng ulo ay ginagamit na
panghalili sa salitang “hindi”. Matapos ang isang laro ng basketball, halimbawa, hindi na
kailangang gumamit ng wika ang mga manlalaro upang ipahayag kung nanalo sila o natalo.
Naipapahiwatig ang kanilang kasiyahan sa pagkapanalo o kaya nama'y kalungkutan sa pagkatalo
sa pamamagitan ng galaw ng kanilang katawan.
3. Maaaring pabulaanan ng mga senyas na di-berbal ang isinasad ng wika. Alam na nating higit
na ginagamit ng tao ang kanyang paningin kaysa pandinig. Sa mga senyas na di-berbal at ng wika,
higit na pinaniniwalaan ng tagapakinig ang ipinahihiwatig ng una. Halimbawa, kung ang kasabay
ng pangungusap na “Masaya naman ako” ay malamlam na mga mata at pilit na ngiti, dalwang
mensaheng magkasalungat ang ikinukumunika. Nagiging suliranin ng tagapakinig kung alin sa
dalawang mensahe ang dapat bigyan ng reaksiyon.
4. Upang ayusin ang daloy ng komunikasyon. Halimbawa nito ay ang paghipo sa braso upang
itulak ang isang kalahok sa talakayan na magsalita. Ayon sa pananaliksik ni Patricio, nakatutulong
ang ganitong senyas sa daloy ng talakayan.
Maraming kahulugan ang maaaring ibigay sa mga senyas na di-berbal. Upang maging higit na
mabisang kaugnay ang mga senyas na ito ng mensaheng berbal, kailangang palagi nating isa-isip
ang ilang katangian nito.
2. Komunikasyon sa pamamagitan ng espasyo – Ayon kay Edward Hall, ang uri ng ugnayang
namamagitan sa mga tao ay maaaring ipahiwatig sa pamamagitan ng apat na uri ng distansiya: a)
sa distansyang pampubliko, ang mga kalahok ay magkakalayo ng mga labindalawang talampakan
o higit pa. Ang ugnayan ay pormal tulad ng namamagitan sa isang komunikasyong pampubliko;
50
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
b) sa distansyang sosyal, ang mga kalahok ay magkakalyo ng mga apat hanggang pitong
talampakan. Ito ay angkop sa mga talakayan ng mga mangangalakal at kombersasyon sa mga
pagtitipon. Ang layong ito hanggang labindalawang talampakan naman ay angkop para sa mga
pulong. Ang mga taongnasa loob ng silid na pinagdarausan ng pulong ngunit wala sa loob ng
distansiyang ito ay hindi dapat maghinanakit kung hindi sila kabilang sa interaksiyon; c) sa
distansyang personal, ang mga kalahok ay magkakalayo ng isa't kalahati hanggang apat na
talampakan. Ang distansiyang ito ay para sa magkakaibigan o higit pang malapi na pakikipag-
ugnayan; d) sa distansyang pangtapatan ng loob ang mga kalahok ay magkakalayo ng hindi hihigit
sa labindalawang dali. Ang paksang tinatalakay ng mga kalahok ay kalimitang lihim. Ang tinig ay
mahina at higit ang gamit ng mga senyas na di-berbal.
Isa pang aspeto ng komunikasyong ito ay ang paraan ng pag-aayos ng isang silid. Halimbawa, ang
posisyon at kapangyarihan ng isang tao sa organisasyon ay maaring ikomunika sa pamamagitan
ng ayos ng silid. Ang pinakabago sa mga empleyado ay maaaring idestino sa pinakamalapit sa
pinto.
Ang mga nabanggit ay halimbawa ng komunikasyong di-berbal. Ngunit higit na malinaw at tiyak
ang kaugnayan sa komunikasyon ng mga halimbawang ibinigay nina Reusch at Kees na:
2. Komunikasyon sa pamamagitan ng aksiyon – Kabilang dito ang lahat ng uri ng paggalaw tulad
ng paglakad o kaya'y pagkain. Ang paraan ng paggalaw ay maaaring bigyan ng kahulugan ng mga
nakakakita. Halimbawa, mayroon tayong tinatawag na mahinhing lakad o nagmamadaling lakad
o tamad na lakd. Ganoon din, ang pagmamadali sa pagkain ay maaaring iugnay sa laki ng gutom
o sa paraan ng paggalaw sa hapag-kainan na itinuro sa atin.
3. Komunikasyon sa pamamagitan ng mga obheto – Kabilang dito ang lahat ng sadya at hindi
51
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
sadyang pagpapakita ng mga obheto tulad ng mga alahas, damit, aklat, disenyo ng bahay, atbp.
Halimbawa, ang singsing sa palasingsingan ng kaliwang kamay ay nagpapahiwatig na ang may
suot ay may nobyo na; ang salamin sa mata ay nagbibigay daw ng impresyong matalino ang
gumagamit nito bagama't ang angkop na kahulugan ay ang ikinukumunikang kalabuan ng mata ng
nagsuuot ng salamin.
Ang tatlong ito, ang senyas, aksiyon at obheto, ay may higit pang angkop na gamit sa
komunikasyong pasalita na nagsisilbing mensahe tulad ng ekspresyon ng mukha, pisikal na
kaanyuan, paraan ng pagdadala sa sarili, paraan ng pagtingin sa tagapakinig, kumpas at paggalaw.
Mga Gawain
Gawain 1: I-drowing ang iba’t ibang simbolo o icons na makikita mo sa iyong paligid (hindi
kukulangin sa sampu)..
Gawain 2: Tukuyin at ipaliwanag ang kahulugan ng bawat isa. Ipost ito sa FB closed group ng
klase.
52
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa
lohikal at iba pang uri ng pilosopiya. Ito ay mga parirala at pangungusap na ginagamit ng mga tao
sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay hindi literal na kahulugan
ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe. Ito rin ang
nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika.
Halimbawa:
Manigas ka!
Bahala na si Batman. (Bahala na.)
Malay ko.
53
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Ano ga!
Sayang.
Hay naku.
Susmaryosep
Anak ng ______!
Naku po!
Dyusko!
Anla naman.
“Ala eh! ano ga naman yaan.”
Ang mga Batangueño ay kilala sa pagsasalita ng Tagalog na mayroong punto. Kilala rin
sila sa pagdadagdag ng salitang “eh” sa kanilang pananalita at sa paggamit ng “ga”. Isa rin sa
kilalang katangian ng mga Batangueño ay ang tinatawag na “Matanda sa Dugo”, kung saan
nagbibigay respeto ang isang kamag-anak hindi dahil sa edad kundi dahil sa konsangginidad. Ang
mga Batangueño ay kilala sa pagiging malapit sa isa’t isa. Halimbawa sa isang pagtitipon,
mapapansin na ang mga Batangueño ay magkakasama hanggang sa matapos ang nasabing
pagdiriwang. Ang mga pangunahing hanapbuhay ng mga Batangueño ay ang pagsasaka at
pangingisda, dahil na rin sa lokasyon ng lalawigan. Kilala rin ang mga ito bilang malakas sa pag-
inom ng alak at pagkain ng matatamis. Isa sa mga itinuturong dahilan nito ang Central Azucarera
Don Pedro, na itinuturing na pinakamalaking tagagawa ng asukal sa buong bansa. Isa naman sa
pinakakilalang produkto ng lalawigan ang kapeng barako, gayon din ang balisong.
Ang Ala eh ay nagaling sa salitang tagalog na “wala eh” ibig sabihin ay ” wala pong
problema , easy easy lang ” Ito ay isa sa mga dialekto na ginagamit mas lalo na sa lalawigan ng
Batangas at sa mga bahagi ng Quezon, at lalawigan ng Laguna at isla ng Mindoro. Ito ay
nailalarawan sa pamamagitan ng isang malakas accent at isang bokabularyo at grammar malapit
na nauugnay sa mga sinaunang Tagalog . Ito ay hindi kaugalian ng ibang batangeño , kadalasan
mga taga taal ang gumagamit nito.May ibait iba mga salita ang sa batangeño na ginagamit tulad
mg mga halibawang ito:
Kadlo: \kahd-loh\
• Ibig sabihin: Upang kumuha ng tubig.
• Ibang tawag :igib.
• Halimbawa: “Utoy , wala na tayong tubig pwede gang magkadlo ka ng tubig sa timba.”
Kagaykay: \kah-gai-kai\
• Ibig sabihin: Isang insekto na maingay tuwing gabi.
• Ibang tawag : kuliglig.
• Halimbawa: “Ang ingay ng mga kagaykay sa gabi.”
Kalamunding: \kah-lah-moon-ding\
• Ibig sabihin: Isang maliit na kulay berde na prutas at asa pamilya ng sitrus.
• Ibang tawag :kalamansî.
• Halimbawa: “Naku isda ang ulam , masarap ito sa isawsaw sa toyo at kalamunding.”
Kalasti: \kah-lahs-tih\
• Ibig sabihin: Isang mayabang na tao at kasuklam suklam.
• Ibang tawag: mayabang.
• Halimbawa: “Alam mo ba si ganun nakupo ay sobrang kalasti ng tao yun , ngalingali
kong sumbiin.”
Pagaw: \pah-gao\
54
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
• Ibig sabihin: Tungkol sa ang kawalan ng kakayahan upang makipag-usap sa isa sa natural
na boses dahil sa isang sigaw o dahil sa pagkakroon ng sakit.
• Ibang tawag: paos.
• Halimbawa: “Yan kasi, sabinang wag mag kokonsert sa banyo kya ka napagaw eh.”
Palakat: \pah-lah-kaht\
• Ibig sabihin: Pag tawag sa isang tao na ginagamit ay isang malakas na bosses.
• Ibang tawag: sigaw.
• Halimbawa: “Ano ganaman yaan palakatan kyo diyan eh magkatabi naman kayong
dalawa.”
Sagimis: \sah-gih-mihs\
• Ibig sabihin: Ito ay isa sa mga paburitong merenda ng pilipino, gawa sa rapper na may
banana slice sa poob at asukal , at ito ay piniritos hangang mag brown ang kulay.
• Ibang tawag: Turon.
• Halimbawa: “Hala favorite ko ga yang sagimis , kahit yan lang kainin ko sa buong araw
, masaya na ako .”
Sakol: \sah-kol\
• Ibig sabihin: Kakain na ang gamit ay ang kanyang kamay.
• Ibang tawag: kamay o magkakamay.
• Halimbawa: “Masarap ang ulam ngayon nilabong itlog tapos may toyo , maslalo nang
sasarap pag magsasakol.”
Tabig: \tah-big\
• Ibig sabihin : Hinding sinasadyang masangi ang isang tao.
• Ibang tawag: sagî, tama, dali(e).
• Halimbawa : “Hala , pasensya na po di ko po nakita yung vase ninyo , sorry po talaga di
ko sinasadyang matabig ung vase.”
Tagaktak: \tah-gahk-tahk\
• Ibig sahihin : Tuloy tuloy na pagpatak, katulad ng pawis pag sobrang init.
• Ibang tawag: daloy.
• Halimbawa : “Kainit naman dito sa pinas , tuwing lumalabas ako ng bahay eh tagaktak
na pawis ko eh.”
Balisong
Balisong ang isang uri ng patalim na naititiklop ang puluhan na nagsisilbi ring kaluban ng talim.
Malimit gamitin ito ng mga Batangueño na nagpatanyag din dito. Ipinangalan ito sa Baryo
Balisong na isang nayon sa bayan ng Taal sa Batangas dahil doon ginagawa at ibinebenta ang sari-
saring uri ng balisong. Sinasabing ito ang bersiyon ng Swiss knife ng Pilipinas, dahil sa dami nang
maaaring gamit dito—panghiwa, pantilad, pambukas ng de-lata, pantanggal ng tansan sa bote,
pangkayas ng kawayan, pang-ahit, at iba pa. Kahit maraming gamit o silbi ang balisong,
ipinagbabawal pa rin ng awtoridad ang pagdadala nito dahil maaari itong makapanakit o
makamatay, gaya ng ginagawa ng masasamang loob. Ngunit sa kamay ng matwid na tao, ang
balisong ay nagiging sining kapag ginamit nang kapaki-pakinabang sa anumang bagay.
55
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Kapeng Barako
Ang kapeng barako o barako ay isang uri ng kape na tumutubo sa Pilipinas, lalu na sa mga
lalawigan ng Batangas at Cavite. Mula ito sa uring Coffea liberica, subalit ginagamit din ang
pangalang ito sa lahat ng kapeng galing sa mga lalawigang nabanggit. Nagmula ang salitang
“barako” mula sa salitang ginagamit para sa lalaking hayop.
Mga Gawain
Gawain 1: Maglista ng tigsasampung (10) ekspresyong lokal na naririnig sa inyong lugar. Gumawa
ng talahanayan na may tatlong kolum. Sa unang kolum, isulat ang ekspresyon; sa
pangalawa, ilagay ang paliwanag sa kahulugan nito; at sa pangatlo, ilarawan ang isa o
higit pang sitwasyon kung saan ito ginagamit.
Gawain 2: Bigkasin at iparinig ito sa klase nang may tamang tono at punto. Ipost sa FB closed
group ng klase.
56
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
YUNIT IV
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
(UNANG BAHAGI)
Panimula
Ipapakita ng bahaging ito ng pag-aaral ang paggamit ng wikang Filipino sa konteksto ng
mga napapanahong usapin sa loob at labas ng bansa katulad ng sistemang ekonomiko ng Pilipinas
sa kasalukuyan, kahirapan, unemployment, climate change, pulosyon, pagmimina, deforestation,
basura, baha at iba pa. Sa ganitong paraan, ang aklat na ito ay magsisilbing daluyan ng kaalaman
at malayang kaisipan na mahalaga sa pagbuo ng isang magandang lipunan at bansa.
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
57
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
58
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
unemployment rate sa mauunlad na bansa ay mataas o kayaý tumataas pa, nagiging limitado ang
oportunudad para sa mga gusting magtrabaho sa ibang bansa, mas humigpit ang mga awtoridad sa
mga patakaran sa migrasyon, at sa ilang bansa gaya ng Greece, Great Britain, at France may ilang
grupong racist ang nananwagan sa pagpapahinto ng migrasyon. Ang mga suliraning dati atiý tila
local lamang ay malinaw na may global nang saklaw, dahil na rin sa mahigpit na integrasyong
ekonomiko at sosyo-kultural ng maraming bansa sa proseso ng globalisasyon.
Isa sa mga suliraning global na nangangailangan ng pagtugon ang pagbabago ng kilma. Idinulot
ito ng daan taong industriyalisasyon sa mauunlad na bansa na nagbunga ng napakalaking quantity
ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gas na naglimita sa kakayaha n ng atmospera na
pasingawin ang init sa daigdig. Bunsod ng climate change, lalong naging mapaminsala ang mga
bagyo at tagtuyot sa iba’t ibang panig ng mundo, maging sa mga lugar na dati ratiý hindi binabagyo
at hindi rin nakakaranas ng tagtuyot.
Sa gitna ng ganitong kalunos-lunos na kalagayan ng daigdig, naghahanap ng kasagutan sa mga
tanong at solusyon sa mga problema ang mga mamamayang naghahangad ng magandang bukas.
Sa asignaturang Kontemporaryong Isyu, hindi man maibigay lahat ng sagot at solusyon ay tiyak
na mabubuksan ang iyong mga isipan upang malinang ang iyong interes sa patuloy na paghahanap
ng mas magandang kinabukasan para sa bansa at para sa daigdig ang iyong henerasyon at mga
susunod pang henerasyon.
Ang pagtalakay sa mga kontemporaryong isyu at suliranin ay makatutulong din sa paglinang
sa mga praktikal na kasanayan sa paglutas ng mga problema, pagsusuri ng datos, paggamit ng
estadistika, pananaliksik, paghahambing at iba pa. Saan mang larangan mapdpad, babaunin moa
ng isang malawak na perspektiba ng pag-unawa sa iyong lipunan at daigdig, isang perspertibang
inaasahang makatutulong sa iyo upang maging mas kapaki-pakinabang ba mamamayan ng bansa
at responsableng tagapagpangalaga ng kaisa-isang planetang tahanan ng mga tao.
Isa sa mga pinakamalubhang suliranin ng mga Pilipino ang mga usaping pang-ekonomiya.
Saklaw nito ang mga suliraning gaya ng kahirapan, agwat ng mayaman at mahirap, migrasyon, at
disempleyo. Ang maraming suliranin ng ating lipunan sa kasalukuyan ay pawing mga mauugat sa
anyo ng ating sistemang ekonomiko. Samakatuwid, makabuluhan ang pagtatalakay sa mga isyung
pang-ekonomiya sa paghahanp ng mga solusyon sa mga nagnanaknak na kanser ng lipunan. Ayon
sa ibang ekonomista, bawat pasya ng mga mamamayan at ng mga pamahalaan ay ginagabayan ng
kanilang pag-unawa sa mga usaping pang-ekonomiya.
Tatalakayin natin ang mga isyung pang-ekonomiya at pangkapaligiran upang bigyang diin ang
pagkawasak ng kalikasan, ang mga suliraning pangkapaligiran, ay pawing mga isyung ekonomiko
rin. Nakasalalay sa pag-iral ng isang makatarungang Sistemang ekonomiko ang pagpapanatili ng
pamumuhay ng mga mamamayan at ng planeta para sa patuloy na pagsulong ng sangkatauhan.
Gayundin, nakabatay sa pagpapanatili ng masiglang daigdig ang masilang ekonomiko na
magbibigay buhay sa mga susunod pang henerasyon.
59
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Pilipinas, sa halip na maging suplayer ng mga produktong para sa domestikong gamit. Bukod
dito, ineeksport din ng bansa ang mga tubo ng mga dayuhang korporasyon dito sa Pilipinas,
gayundin ang bahagi ng mga tubo ng mga local na korporasyon na may mga kamay-ari
(stockholder) o kasosyong dayuhan. Tumatanggap naman ng puhunan, utang, at
makinarya/teknolohiya ang Pilipinas mulasa ibang bansa. Kung susuriing mabuti, lugi ang
Pilipinas sa ganitong kalakaran dahil sa pangkalahatan, mas malaki ang halaga ng iniimport ng
bansa-lalo na ang makinarya/teknolohiya, bukod pa sa mataas na interes sa pautang-kaysa halaga
ng inilulunsad nito. Dapat tandaan na kahit ang bilyon-bilyong dolyar na ipinapasok ng mga
migranteng Pilipino sa kaban ng Pilipinas ay tila nakakansela naman ng mga suliraning panlipunan
na idinudulot nito gaya ng pagkakawata-watak ng pamilya at iba pang social costs.
Sa mga nakalipas na taon, mas marami pa ring iniimport kaysa ineeksport ang bansa, at
kapansin pansin na ang mga pangunahing eksport ng bansa ay pawang mga hilaw na materyales o
kaya’y semi-processed goods sa halip na mgakumpletong produkto tulad ng mga kompyuter at
kotse. Sa kasalukuyan, ganito pa rin ang kalakaran. Kung papansinin, Malaya ring
nakapagnenegosyo ang mga dayuhan sa bansa, gaya ng pinatutunayan ng kanilang pagmamay-ari
sa napakaraming minahan sa bansa na pinayagan ng Mining act of 1995. Sa medaling sabi,
ekonomiyang kolonyal noon – at neokolonyal o malakolonyal naman ngayon – ang namayani sa
Pilipinas sa pangkalahatan. Ito’y isang sistemang ekonomikong nakadepende sa mga dayuhang
namumuhunan at kanilang mga local na kasosyo, isang sistemang ekonomiko na pinakikinabangan
lamang ng iilan at nabigong maghatid ng malawakang kaunlaran sa buhay ng mga mamamayan.
Sa ganitong kalakaran, tila kolonya pa rin ng mas mauunlad na bansa ng Pilipinas. Sa sektor ng
agrikultura naririyan rin ang sistemang hacienda. Sa kabila ng programa sa reporma sa lupa ng
gobyerno, malaking porsyento ng lupain sa bansa ang pag-aari g iilang pamilya lamang. Maging
ang mga lugar na urban na pinagsulputan ng napakaraming mga condominium ay monopolisado
na ng iilang pamilya na may kontrol sa industriyang real estate.
Sa ilalim ng kasalukuyang sistema, ang paglago ng ekonomiya sa makroekonomikong
antas ay hindi nararamdaman ng napakaraming mamamayan. Ang pinakamayayamang pamilya
lamang na may kontrol sa malalaking negosyo at malalaking parsela ng lupa ang higit na
nakikinabang sa paglago ng ekonomiya. Katunayan, hindi nagbago ang income share ng
pinakamayayaman at pinakamahihirap sa bansa sa mga nakalipas na dekada. Kung gagamitin
naman ang terminolohiya ni Papa Francisco, maituturing na isang “ekonomiya ng eksklusyon´ang
sistemang ekonomiko ng bansa, sapagkat, hindi kasali, hindi saklaw ng kaunlaran at paglago ng
ekonomiyang ito ang malaking porsiyento ng mahihirap na mamamayan. Sa pananaw naman ng
ekonomistang si Alejandro Lichauco na nagtapos sa Harvard University, umiiral ang “economic
underdevelopment” sa bansa (1998). Aniya, ito’y tumutukoy sa kawalang-kakayahan sa isang
bansa na”… lilikhain ang mga kasangkapan sa produksyon: ang mga kagamitan na
makapagbubunsod upang sila’y makalikha ng iba pang produkto…mga kasangkapan na
magagamit sa paggawa ng karayom at gunting…makina…tela…typewriters at xerox
(photocopying) machines.” Sa pangkalahatan, ito ang pangunahing kaibahan ng Pilipinas sa mga
industriyalisadong bansa sa Asya gaya ng Japan, South Korea, Taiwan, at China. Ganito ang
umiiral na hindi makatuwirang kalakaran sa globalisasyon na isa sa mga dahilan kung bakit
hanggang ngayon ay hindi pa rin ganap na umuunlad ang bansa, marami pa rin ang mahihirap sa
arkipelago, at mataas pa rin ang antas ng disempleyo sa Pilipinas.
60
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
61
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
ang mga materyales para sa imprastruktura at konstruksyon, subalit kasama rin ang mga makinarya
man o hilaw na materyales, pagkain man o produktong konsumo. Inabot ang pinakamalalang
depisito sa kalakalan sa ilalim ng gobyernong Duterte.
Sa kawalan ng pag-unlad ng agrikultura at industriya, hindi lumilikha ng sapat na trabaho
ang ekonomiya para sa milyong pwersa sa paggawa. Kung may trabaho man ay hindi sapat ang
kinikita ng isang karaniwang manggagawa para buhayin nang marangal ang kanyang pamilya.
Lalong nagiging dayukdok sa kahirapan ang karamihan ng mga Pilipino, samantalang may
napakakitid na bahagi ng populasyon na nagkakamal ng labis-labis na tubo. Sa paghina ng
agrikultura at lokal na manupaktura, nakararanas ngayon ang bansa ng walang kapantay na krisis
sa trabaho. Historikal ang rekord ng administrasyong ito sa tunay na bilang ng mga walang trabaho.
Isang indikasyon din ng kapalpakan ng ekonomiya na makalikha ng sapat na trabaho ang patuloy
na pagtaas ng bilang ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nadagdagan ng 1.3 milyon ang may trabaho
sa bansa patungong 42.4 milyon noong 2019. Dahil dito nabawasan naman ng 40,000 ang bilang
ng walang trabaho patungong 2.3 milyon na lamang – 5.1% ang tantos ng walang trabaho ibig
sabihin. Ngunit pambawi lamang ito sa malakihang bilang ng nawalang trabaho sa simula ng
termino ni Durterte. Sa katunayan, nakakalikha lamang taon-taon sa ilalim ni Duterte ng abereyds
na 477,000 trabaho – ikalawang pinakamalala ito sa mga administrasyon pagkatapos ni Marcos.
Mas mataas ito nang bahagya kaysa sa panahon ni Estrada na nagmula sa katatapos na krisis
pampinansya sa Asya.
Patuloy ang tumitinding krisis sa agrikultura na muling nawalan ng 300,000 trabaho sa
ikatlong sunod na taon noong 2019. Sa pangkabuuan, mula nang maupo si Duterte sa pwesto, 1.4
milyong trabaho na ang nawala sa sektor at umabot na lamang sa 9.7 milyon ang may trabaho. Ito
ang pinakamababang bilang ng may trabaho sa agrikultura mula noong 1989 o sa nakalipas na
tatlong dekada.
Mga Gawain
Gawain 1: Ang mga mag-aaral ay bubuo ng vlog na ilalagay sa FB Closed Group ng klase. Ang
vlog ay iikot sa kanilang mga reyalisasyon sa panahong ito na may krisis na
kinakaharap ang mundo. Ang nasabing vlog ay tatagal lamang ng 1 hanggang 3 minuto.
Inaasahang ang vlog na ito ay gagawin lamang sa kani-kanilang tahanan bilang
pagtugon sa mandato ng General Community Quarantine.
Gawain 2: Gagawa ang mga mag-aaral ng FB post sa FB Closed Group ng klase na may larawan
at paliwanag (caption) na sumasalamin o nag-uulat ng kanilang kalagayan sa gitna ng
sitwasyong ito. Isasaalang-alang sa paggawa ng FB post ang paglalagay ng mga tiyak
na impormasyon at ang pag-iwas sa mga fake news. Ang mga larawan na gagamitin ay
inaasahang kuha sa sariling tahanan bilang pagtugon sa mandato ng General
Community Quarantine.
62
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Kahirapan sa Pilipinas
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
alang ang ina pang mahahalagang pangangailangan ng mga mamamayan. Higit na mararamdaman
ang suliraning kahirapan kung pag-uusapan ang kuwento ng mga maralita na nagsisikap makaahon
sa hirap gaya ng tinalay ni Espiritu (2017) sa lathalaing “Buhay at Pagpupunyagi sa Plastikan” o
salaysay ng mga maralitang naghahangad na magkaroon ng sariling bahay tulad ng inilarawan ni
Malubay (2017) sa lathalaing “Pira-pirasong pangarap sa Pandi” kapuwa para sa pahayagang
Pinoy Weekly.
Kung ihahambing naman ang pag-unlad ng Pilipinas sa pag-unlad ng ibang bansa, lalong
makikita ang underdevelopment ng bansa. Inihayag ng United Nations (UN) sa 2017 Human
Development Report (HDR) na nasa ika-116 na puwesto ang Republika ng Pilipinas sa talaan ng
188 na bansa sa buing daigdig na iniraranggo ng pandaigdigang institusyon sa pamamagitan ng
Human Development Index (HDI). Sinusukat ng HDI ang pangkalahatang kaunlaran o holistic
development batay sa antas ng edukasyon, kalusugan, at kita ng mga mamamayan sa bawat bansa.
Sa simpleng pagpapahayag, mahigit kalahati ng daigdig ang nakalalamang sa Pilipinas sa aspekto
ng edukasyon, kalusugan, at kita. Ang Pilipinas ay ika-99 sa HDI noong 2010, ika-77 oong 2000
at ika-66 naman noong 1990. Nangangahulugan ito na dumadausdos ang kalagayan o kaya’y
mabagal ang pag-unlad ng Pilipinas, kumpara sa kalagayan at pag-unlad ng ibang bansa.
Bukod sa mga nabanggit na datos hinggil sa kahirapan, ang mga estadistika hinggil sa
malnutrisyon, disempleyo, at iba pa ay maaari ding gamitin upang masuri ang antas ng kahirapan
sa bansa. Sa isang pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) noong 2017, 26%
ng mga batang Pilipino ang malnourished. Kahirapan ang pangunahing dahilan ng malnutrisyon
sa Pilipinas dahil ito ang humahadlang sa mga pamilya na makabili ng masustansyang pagkain. Sa
pagtataya naman ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) may 30,000,000
Pilipino ang maitutring na maralitang tagalungsod o urban poor. Malaking porsiyento sa kanila
ang walang sariling bahay at lupa, at wala ring trabaho. Ayon sa PSA noong enero 2018, 5.3% o
2.33 milyong Pilipino ang walang trabaho at 18% naman o halos 8 milyon ang underemployed.
Hindi kataka-takang sa kawalan ng sapat na oportunidad na makapaghanapbuhay sa sariling bansa,
halos 6,000 Pilipino ang umaalis sa lupang tinubuan araw-araw para magtrabaho sa ibang bansa
ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), batay sa development ng
OFWs noong 2016. Sa aktuwal, mas mataas pa rito ang pigura kug isasama ang mga Pilipinong
hindi dokumentado ang pag-alis para magtrabaho sa ibang bansa.
Higit na kagimbal-gimbal ang datos sa mga di-karaniwang sukatan ng kahirapan. Halimbawa,
may mga residente sa mga komunidad ng mga maralita sa Maynila na nagbebenta ng isang bato
nila sa mga dayuhan. Marami ring Pilipino ang nagbebenta ng dugo, ngipin, at iba pang bahagi ng
katawan dahil sa matinding kahirapan. Bagama’t ilegal ang prostitusyon sa bansa, daan-daang libo
ang nasa gawaing ito dahil na rin sa kahirapan. Kung pagtatagni-tagniin ang mga kalat-kalat na
estadistikang ito, mahihinuhang habang mabilis na umuumnlad ang ibang bansa sa iba’t ibang
aspekto (sa antas makroekonomiko man lamang, sapagkat ibang usapan pa kung nakarating o nag-
trickle down bas a mga ordinaryong mamamayan ang progresong ito), nananatiling mabagal kundi
man hindi umuusad ang pag-unlad ng Pilipinas.
64
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
65
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
66
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Mga Gawain
Gawain 1: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa sanhi at bunga ng kahirapan sa bansa? Paano
malulutas ang matinding kahirapan, batay sa iyong opinyon?
Pamantaya ng pagmamarka sa Pagsulat ng Sanaysay
Nilalaman : 10 puntos
Organisasyon : 5 puntos
Mekaniks : 5 puntos
Orihinalidad : 5 puntos
Kabuuang puntos : 25 puntos
Gawain 2: Sa pamamagitan ng isang di- pinaghandaang talumpati. Bakit sinasabing konektado ang
problema ng kahirapan, disempleyos at migrasyon? Bigkasin ito at ipost sa
FB closed group ng klase.
Pamantayan ng pagmamarka sa Talumpati
Nilalaman : 10 puntos
Kaakmaan sa paksa : 10 puntos
Kasanayan sa pagsasalita : 5 puntos
Orihinalidad : 5 puntos
Kabuuang puntos : 30 puntos
67
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Layunin
Lunsaran
Panoorin ang bidyo na ito at pagkatapos ay magbigay ng mga suhestiyon tungkol dito.
https://www.youtube.com/watch?v=A8s1tAOqi9U.
Nilalaman
68
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
69
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Mga Gawain
Gawain 1: Sumulat ng isang tula (spoken poetry) na binubuo ng apat (4) na taludtod tungkol sa
Unemployment: May solusyon ba?
Gawain 2: Sauluhin at bigkasin ang nabuong tula. Ipost ito sa FB closed group ng klase.
Pamantayan ng pagmamarka sa Pagsulat ng Tula
Nilalaman - 10
Simbolismo at Tayutay - 5
Sukat at Tugma - 5
Orihinalidad - 5
Kabuuang puntos - 25
70
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
71
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
72
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
mga fastfood chain na lagging nang-aakit sa mga tao na kumain nang kumain, lagpas sa kailangan
ng kanilang katawan. Bunsod ng konsumerismo, mas maraming likas na yaman ang kailangang
gamitin upang makalikha ng mga produkto, habang may mga produkto naman na nasasayang
lamang. Kaugnay ng konsumerismo sa gadget, isang suliranin din ang pagkakaroon ng
sustentableng enerhiya ng daigdig ay nanggagaling sa mga plantang pinatatakbo ng uling,
petrolyo, at iba pang fossil fuel na nakasisira sa kalikasan kapag sinunog. Samakatuwid, ang
konsumerismo sa gadget at iba pang mga appliance na hindi naman talaga gaanong kailangan ay
nakadaragdag pa sa problema dahil nangangahulugan ito ng mas mataas na pangangailangan sa
kuryente o enerhiya.
Sapagkat bahagi ng kalikasan ang sangkatauhan, ang pag-iral ng inequality sa kalusugan ay isa
ring suliranin para sa pagkamit sa sustentableng kaunlaran. Batay sa estaditika, relatibong mas
malulusog at mahahaba ang buhay ng mga nasa mauunlad na bansa kaysa sa mga mahihirap na
bansa. Bunsod nito, mas nakahantad o exposed sa iba’t ibang sakit ang mga nasa mahihirap na
bansa. Sila rin ang pinakanaapektuhan ng malulubhang epidemya sa mga nakaraang dekada dahil
ang kanilang sistemang pangkalusugan ay mahina at maliit lamang ang pondo. Dahil dito, hindi
lubos na napakikinabangan ng mahihirap na bansa ang human resources nito. Sa konteksto naman
ng mga indibiduwal na mamamayan, hindi nila nagagawang mag-ambag nang malaki sa
pagkakaroon ng sustentableng ekonomiya dahil wala sila sa wastong pangangatawan at hindi
maayos ang kanilang kalusugan.
Ang patuloy na pag-unlad ng ekonomiya (economic sustainability) ay maaaring
kasangkutan ng pagpapaunlad ng kalidad ng buhay ng nakararami subalit nangangailangan ng
pagbabawas ng konsumo ng kalikasan (Brown 2011). Sinabi ni Dyllic (2002), na ang mga usaping
patuloy na pagpapaunlad (sustainable development) ay nakabatay sa mga pagpapalagay na
kailangan ng lipunan na mapangalagaan ang talong uri ng pamumuhunan (ekonomiya, lipunan, at
likas na yaman) na maaaring walang katumbas o hindi kayang palitan at ang paggamit dito ay
hindi kayang iwasan.
Mga Gawain
Gawain 1: Gumupit ng mga larawan hinggil sa mga napapanahong isyu o usapin para sa
sustenableng kaunlaran at pagkatapos ay gawin itong isang collage. Bigyan ng
masining na paglalarawan ang nabuong collage.
Gawain 2: Basahin at ipaliwanag ang nabuong collage. Ipost ito sa FB closed group ng klase.
Pamantayan ng pagmamaraka sa Collage
Pagkamalikhain – 10
Kaakmaan sa Paksa – 10
Kasanayan sa Pagsasalita – 10
Orihinalidad – 5
Kabuuang puntos - 35
73
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
74
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
nangyayari iyon. Tumataas na ang lebel ng tubig sa dagat (sea level) dahil sa pagkalusaw ng yelo
sa rehiyong Artiko.
Malawak at masaklaw ang epekto ng climate change sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay
ng mga mamamayan sa buing daigdig. Higit na ramdam at tuwiran ang epekto ng climate change
sa aspektong pang-ekonomiya. Bunsod ng climate change, naging mas mahirap na ang pagtantiya
sa tamang panahon ng pagtatanim. Sa tindi ng pagtaas ng temperatura sa iba’t ibang lugar, naging
normal na ang tagtuyot at desertipikasyon sa maraming panig ng mundo. Bunsod naman ng
paglakas ng mga bagyo at poagtaas ng sea level, naging madalas din ang insidente ng pagkawasak
ng mga pananim. Sa pangkalahatan, ang climate change ay may negatibong epekto sa seguridad
sa pagkain ng daigdig. Nagdulot ito ng global na pagtaas sa presyo ng mga karaniwang pagkain o
staple ng mga mamamayan sa daigdig gaya ng bigas, mais, at iba pang pagkaing butyl.
Isa pang aspektong ekonomiko ng climate change ang mataas na gastusin sa disaster risk
response at mitigation. Halimabwa, bilyon-bilyong dolyar bawat taon ang ginagasta ng buing
daigdig para sa relokasyon at pagpapakain sa mga biktima ng matitinding baha, bukod pa sa
aktuwal na pinsala ng bagyo sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan. Halimbawa, batay sa
pagtatay ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III, $8.9 bilyon ang kailangan para sa
rehabilitasyon ng mga lalawigang apektado ng bagyong Yolanda (Haiyan) noong 2013. Ayon
naman sa AIR Worldwide, isang kompanyang eksperto sa “catastrophe risk modeling software
and consulting services,” tinatayang $14.5 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyong Yolanda sa
mga ari-ariang residensyal, komersyal, at agricultural. Samakatuwid, nakabawas sa pondo para sa
iba pang serbisyong panlipunan ang paglalaan ng pondo para sa disaster risk response at
mitigation.
Bukod dito, isa pang suliraning ekonomiko na dulot ng climate change ay ang posibleng
pagbagal ng paglago ng ekonomiya ng mundo kapag ganap nang ipinatupad ang mga kasunduan
sa paglimita sa greenhouse gas emission ng mga bansa. Ang mga industriya ng daigdig ay pawang
nakakapgdudulot ng pagtaas ng greenhouse gas emission kaya anumang paglimita sa gayon ay
tiyak na makaaapekto sa paglago ng ekonomiya ng mundo. Kailangang balansehin ang
pangangalaga sa kalikasan at ang paglago ng ekonomiya, isang bagay na napakhirap ipatupad.
Dahil sa likas na kahirapan ng pagpapatupad ng mga kasunduang pandaigdig hinggil sa
climate change gaya ng paglimita sa greenhouse gas amission, may aspektong politikal din ang
climate change. Halimbawa, ang Kyoto Protocol na isa sam mga kasunduan naglilimita sa
greenhouse gas emission, ay hindi pa niraratipikahan ng U.S, ang bansang sa kasalukuyan ay may
pinakamalaking GDP. Bunsod nito, bantulot din sa pagpapatupad ng Kyoto Protocol ang iba pang
bansang industriyalisado. Maraming bansa rin ang hindi pa ganap na umaayon sa implementasyon
ng Kyoto Protocol dahil sa napakalaking halagang kailangan sa paglimita sa greenhouse gas
emissions. Halimbawa, ayon sa isang ulat ng International Energy Agency (IEA), ang paggamit
ng energy resources na mababa sa carbon sa halip na fossil fuels ay kailangang gastusan ng $44
trilyon mula 2014 hanggang 2050.
Isang pang politikal na usaping kaugnay ng climate change ang paggigiit ng mahihirap na
bansang pinakaapektado nito na piliting magbayad-pinsala sa kanila ang mayayamang
industriyalisadong bansa. Sa kanilang opinion, ang climate change ay direktang bunga ng ilang
dekadang industriyalisasyon ng mauunalad na bansa sa Kanluran na hindi lamang sila ang may
pananagutan sa climate change dahil nga ang mga bansa sa Silangan ay may sarili na ring mga
75
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
76
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Mga Gawain
Pagkamalikhain – 10
Kaakmaan sa Paksa – 10
Kasanayan sa Pagsasalita – 10
Orihinalidad – 5
Kabuuang puntos - 35
77
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Layunin
Lunsaran
Panoorin ang bidyo pagkatapos ay magbigay ng mga sanhi at bunga ng mga kaganapan
sa ating kapaligiran. https://www.youtube.com/watch?v=wINpYbATXjM
Nilalaman
Simula pa lang, maganda na talaga ang ating kapaligiran, sariwa ang hangin, malinis ang
katubigan, tahimik ang mamamayan, walang basura na nakakalat kung saan saan at higit sa lahat,
walang mga punong pinuputol. Polusyon, isang uri ng gawain na pinadudumi at sinisira ang lupa,
tubig, hangin, bayan, at atmosphere gamit ang mga dilikado at nakasisirang sangkap o maling
pamamaraan. Mayroong tatlong uri ng polusyon, hangin, tubig at lupa.
Ang polusyon sa hangin ay ang mga usok na nag mumula sa mga pabrika at mga iba't-
ibang bagay na sinusunog na sumasama sa hangin at nagiging resulta sa pagka sira ng ating ozone
layer. Ang polusyon naman sa lupa ay ang mga dumi at kalat ng mga basura galing sa mga
mamamayang iresponsable at walang disiplina. Ito rin ang mga pagputol ng mga puno sa ating
mga kapaligiran. Ang polusyon sa tubig ay ang mga dumi na nangagaling sa pabrika, mga basurang
itinatapon sa tubig, at mga dumi galing sa kanal.
78
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Dapat nating mapigilan ang lahat ng ito dahil nakakadulot ito ng kasamaan hindi lang sa
ating bansa kundi sa buong mundo. Maraming mga paraan para mapigilan ito. Isa na dito ay ang
pagtapon ng mga basura sa tamang paraan, pagtitipid ng enerhiya, obserbahan ang mga
nakakasama sa kapaligiran, maging isang responsableng mamamayan at marami pang iba. Bilang
isang estudyante makakatulong ako sa ating bansa na panatilihin nating malinis ang kapaligiran sa
paraan ng pagturo sa aking sarili at sa aking mga kapwa na pangalagaan ang mga nasa paligid
natin.
Karaniwang bunga ng industriyal na aktibidad ang polusyon sa tubig sa bansa. Marami sa
mga pabrika sa bansa ang walang liquid waste treatment facilities kaya karaniwang ang mga ilog
ang nagiging taounan ng mga duming nagmumula sa mga ito. Ang sitwasyon ng Ilog Pasig ay isa
sa magpapatunay sa ugnayan ng industriyal na aktibidad at polusyon sa tubig. Kapansin-pansin na
ang kahabaan ng Ilog Pasig na bumabaybay sa iba’t ibang lungsod ng Metro Manila gaya ng Pasig,
Maynila, Taguig, Makati, Marikina, at Quezon ay punong-puno ng mga pabrika, lalo na noong
dekada ’90. Bukod sa mga pabrikang naglalabas ng duming likido na hindi isinasailalim sa
treatment, pinalalala rin ng paglobo ng populasyon ng mga naninirahan sa gilid ng Ilog Pasig ang
polusyon nito. Bagama’t karaniwang isinisisi sa mga informal settler o squatter ang ganitong
penomenon, dapat bigyang-diin na sa kahabaan ng Ilog Pasig ay napakarami na ring matataas na
gusaling residensyal na ang mayayaman at nasa panggitnan uri lamang ang nakakabili. Ang mga
gusaling residensyal na ito ay nagdudulot din ng polusyin sa tubig sapagkat ang mga sewage
system ng mga ito ay karaniwang direkta o kaya tumatagas tunging Ilog Pasig. Ang kawalan ng
sentralisadong pagpaplano sa Metro Manila ang isa sa mga salarin sa walang rending paglobo ng
populasyon sa gilid ng Ilog Pasig.
Sa ibang lugar gaya sa Marinduque, ang pagmimina ay isa ring sanhi ng polusyon sa tubig.
Noong 1996, nagkaroon ng aksidente sa pagmimina ng kompanyang Marcopper. Nasira ang isang
bahagi ng waste treatment facilities ng Marcopper kaya bigkang umagos ang nakalalasong dumi
sa Ilog Baoc mula roon. Bunsod sa trahedyang ito, ang Barangay Hinapulan ay nailibing sa putik,
at nakontamina ang tubig sa mga karatig-lugar. Nagkamatay rin ang mga isda at iba pang nasa Ilog
Baoc. Mula noo’y itinuring nang patay na ilog ang 26 na kilometrong Ilog Baoc. Dahil sa tindi ng
polusyon mula sa Marcopper, hindi na kayang mabuhay ng anumang organism sa nasabing ilog.
Noong 2005, nagsampa ng kaso sa U.S laban sa may-ari ng Marcopper ang pamahalaang lokal ng
Marinduque uoang papanagutin ang kompanya sa polusyong dulot nito na sumira sa buhay at
kabuhayan ng mga mamamayan doon.
Kung ang polusyon sa tubig ay nagdudulot ng kontaminasyon ng mga pinagkukunan ng
tubig ng mga mamamayan, bukod pa sa kontaminasyon ng mga anyo ng tubig na pinagkukunan
ng kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino. Ang polusyon naman sa hangin ay sanhi ng
pagdami ng insidente ng pagkakasakit sa baga at sa puso ng mga Pilipino. Ang polusyon sa hangin
ay inaakalang karaniwang dulot din ng mga industriyal na aktibidad. Gayunpaman, ayon sa 2006
National Emission Inventory ng DENR, 65% ng polusyon sa hangin sa bansa ay mula sa mga
sasakyan at 21% lamang ang magmumula sa mga di-natitinag o stationary sources gaya ng mga
pabrika at mga planta ng koryente na gumagamit ng mga fossil fuel gaya ng coal at petrolyo. Ayon
sa datos ng World Bank, may 29 at 30 sasakyan para sa bawat 1000 tao sa bansa noong 1999-2003
at 2004-2008. Batay naman sa ulat ng Chamber of Automotive Manufacuturers of the Philippines
Inc. (Campi) at ng Truck Manufacturers Association (TMA), patuloy na tumataas ang kabuuang
benta ng mga kotse sa Pilipinas sa mga nakalipas na taon.
79
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Matinding suliranin din ang polusyon sa lupa. Ang polusyon sa lupa ay tumutukoy sa
kontaminasyon ng lupa sa pamamagitan ng pagtatambak ng mga basura sa ibabaw ng lupa at
pagtagas ng mga dumoo o kemikal sa ilalim ng lupa. Nagbubunsod ng pagbaba ng produktibidad
ng lupa para sa agrikultura ang polusyon sa lupa. Samakatuwid, malaki ang epekto nito sa
pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain sa bansa. Ang mga dumi na sanhi ng polusyon sa lupa
ay karaniwang nagmumula sa mga industriyang illegal na nagtatambak ng basura sa iba’t ibang
lugar, mga dumi ng hayop, pagtagas ng nakalalasong likido mula sa mga tambakang walang
pasilidad ng treatment, at paggamit ng mga pestisidyo na may nakalalasong kemikal. Bukod sa
negaibong epekto nito sa sapat na suplay ng pagkain, ang polusyon ng lupa ay sanhi rin ng mga
depekto sa mga sanggol na isinisilang sa mga lugar na kontaminado ang lupa. Marami ring kaso
ng pagkakasakit ng mga tao-tulad ng kanser-na naitatala dahil sa polusyon ng lupa na nagdudulot
din ng kontaminasyon sa mga pinagkukunan ng tubig at ng mga pananim.
Mga Gawain
Pagkamalikhain – 10
Kaakmaan sa Paksa – 10
Kasanayan sa Pagsasalita – 10
Orihinalidad – 5
Kabuuang puntos - 35
80
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
Ang tanging sanhi kung bakit mayroong pagmimina ay isa sa ating kailangan ang pagkuha
ng mga mineral na batong ito upang magamit ng ating mga kababayan para sa ating kabuhayan.
Dumarami ang mga nagmiminahan dahil malaking pera ang naibibigay sa kanila nito at ginagamit
nila ito upang sila'y lalong yumaman.
Problemang pangkalikasan din ang mapangwasak na pagmimina sa ilang bahagi ng bansa.
Bagama’t nakapag-aambag nang kaunti sa ekonomiya ng bansa ang pagmimina, dapay bigyang-
din na nagdudulot din ito ng maraming suliraning panlipunan at pangkalikasan, gaya ng
dislokasyon ng mga katutubong mamamayan na karaniwang pinalalayas sa kanilang lupang
ninuno o ancestral domain at mga aksidente sa pagmimina. Ang mga epekto ng malawakang
pagmimina ay itinala ng isang aklat ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) na
inilathala noong 2005. Ayon sa PRRM, ang pagmimina ay nagdudulot ng pagkawasak ng natural
na habitat o tirahan ng mga hayop; pagkalason ng mga ilog at kontaminasyon ng lupa na dulot ng
mga tumagas na kemikal sa minahan; pagkawala ng natural na taba ng lupa; peligrong bunga ng
81
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
mga estrukturang tulad ng dam na maaaring magdulot ng biglaang pagbaha; polusyon dahil sa
pagtagas ng kemikal sa mga drainage ng minahan, pagtagas ng petrolyo mula sa mga makinarya
at iba pang aparato, pagtagas ng mga kemikal sa waste treatment facilities, pagbuga ng usok ng
mga makinarya sa pagmimina, pagbuga ng alikabok na dulot ng pagdurog sa lupa at mga bato, at
paglabas ng methane mula sa mga minahan.
Maraming pangyayari sa bansa ang nagpapatunay na hidni sapat ang proteksiyong
pangkalikasan na ipinatutupad ng malalaking korporasyong nagmimina. Noong 2005, tumagas sa
mga karatig-katubigan ang mine tailings mula sa ore processing mill ng Rapu-rapu Pollymetaliic
Project (RRP) Regis , Emelina, 2007. “The Tradegy of Mining in Rapu-rapu Island Ecosystem,
Albay Province.” Malalaking quantity ng nakalalasong of Mining in Rapu-rapu Island Ecosystem,
Albay Province.” Malalaking quantity ng nakalalasong cyanide ang tumagas sa mga katubiagn ng
nagdulot ng pinsala sa isda at iba pang organism roon. Noong 2012 naman, inatasan ng gobyerno
ang Philex, isa sa mga pinakamalaking korporasyong nagmimina sa bansa, na magbayad ng P1.034
bilyong mullta pagkatapos na masira ang tailings pond sa Benguet. Humigit-kumulang 20 milyong
metrikong tonelado ng duming mula sa minahan ang tumagas sa mga katubigan sa paligid ng
minahan ng Philex. Noong 2011, nagsampa naman ng kaso sa Korte Suprema ang taga-Surigao
upang ipahinto ang mapaminsalang operasyon ng limang korporasyong nagmimina na pag-aari ng
mga Tsino, na nagdulot ng polusyon sa katubiagn bunsod ng open-pit na pagmimina.
Ang matinding pinsala sa kalikasan na dulot ng pagmimina ay maaari sanang maibsan kung
ang mga korporasyong nagmimina ay nagbabayad ng sapat na buwis na maaaring magamit sa
rehabilitasyon ng mga lugar na napinsala. Sa kasamaang-palad, hindi gaanong malaki ang ambag
ng mga korporasyong nagmimina sa GDP ng bansa, at maliliit na porsiyento lamang din ito ng
kita sa buwis ng gobyerno.
Bunga nito, matapos mahalukay ang yamang natatangi sa lugar ay iniiwan na lamang
nilang nakatiwangwang. Kalimitan pa ang sistema ng pagproproseso sa pagmimina ay isang
maskarang mapanlinlang, na kung saan ang likido at kemikal na ginagamit ng ilang ganid na
dambuhalang korporasyon ay pimupinsala sa balanse ng isang ekosistema na unti-unting
pumapatay sa kahinaan ng mga may buhay sa isang kapaligiran na kung saan nagaganap ang 'di
makatuwirang aktibidades. Hindi lamang iyon, ito rin ay may malaking dulot sa pang-kabuhayang
sakahan at pangisdaan ng ating mga maralitang kababayan at lalot higit sa ating mga kapamilyang
katutubo... Damay din dito ang kalusugan ng ilan nating mga kababayan, na kung saan
naapektuhan ng nasabing pagmimina.
Mga Gawain
Nilalaman : 10
Balarila : 5
Kaugnayan : 5
Kabuuang puntos : 20
82
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Gawain 2: Bumuo ng isang kanta na naglalarawan ng sanhi at bunga ng pagmimina pagkatapo ito
ay awitin ang ipost sa FB closed group ng klase.
Nilalaman - 10
Timbre/tono - 10
Simbolismo at Tayutay - 5
Orihinalidad - 5
Pagkamalikhain - 5
Kabuuang puntos – 35
83
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Layunin
Lunsaran
Panoorin ang bidyo at pagkatapos ay suriin kung paano inilantad ekonimikong problemang
kinakaharap ng mga Pilipino https://www.youtube.com/watch?v=em1eRDsXD4U.
Nilalaman
84
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Mga Gawain
Gawain 1: Gumawa ng isang editoryal tungkol sa deforestation. Ipost ito sa FB closed group ng
klase.
Gawain 2: Ipaliwanag ang ang posibleng mangyari kapag nagpatuloy ang deforestation dito sa
bansang Pilipinas.
Pagkamalikhain – 10
Kaakmaan sa Paksa – 10
Kasanayan sa Pagsasalita – 10
Orihinalidad – 5
Kabuuang puntos - 35
85
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Layunin
Lunsaran
Panoorin ang bidyo at pagkatapos ay tanungin ang sarili ano ang magagawa mongsolusyon
dito bilang tao. https://news.abs-cbn.com/news/06/06/18/tamang-pangangasiwa-ng-basura-dapat-
magsimula-sa-mga-bahay-denr.
Nilalaman
Hindi na bago sa mga Pilipino ang ideya na ang kaunlaran ay nagdudulot ng pagkasira ng
kapaligiran. Ayon sa popular na kanta ng Asin, hindi masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira
ng kalikasan. Ngunit kung ikaw na ordinaryong tao ang tatanungin, gaano ba kalaki ang
kontribusyon mo sa pagkasirang ito? Karaniwan na sa kanayunan ang pagsusunog ng basura sa
paligid ng bahay pagkatapos silang walisin at ipunin sa isang tabi. Imbes na sunugin, ano naman
ang maaari nilang gawin dito? Ibaon sa likod ng bahay para maging pataba? Paano naman ang
mga basurang hindi nabubulok kaagad sa ilalim ng lupa? Saan sila itatambak? Ang suliranin sa
pagtatapon ng basura ay isa lamang sa maraming usaping pangkalikasan, at ito ang totoong
kaakibat ng pag-unlad ng lipunan.
Sa pag-unlad ng lipunan, dumarami ang mga produktong nalilikha ng tao: mga produktong
nakakatulong sa pagpapagaan sa proseso ng pagtatanim ng palay at iba pang pinagkukunan ng
86
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
87
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
walang rending paglikha ng basura ay tiyak na makapipinsala sa kalikasan. Limitado lamang ang
kapasidad ng mundo sa paglikha ng mga bagong sanitary landfill para sa mga basurang hindi ma
maaaring mai-recycle.
Mga Gawain
Gawain : Sumulat ng isang sanaysay na binubuo ng tatlong (3) talata lamang. Sa iyong palagay,
ano sa mga tinalakay na suliranin ang pinakamalalang problema na dapat unahing
lutasin?Ipaliwanag. Ipost ito sa FB closed group ng klase.
Pamantaya ng pagmamarka sa Pagsulat ng Sanaysay
Nilalaman - 10
Organisasyon - 5
Mekaniks - 5
Orihinalidad - 5
Kabuuang puntos - 25
88
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
YUNIT V
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
(IKALAWANG BAHAGI)
Layunin
Lunsaran
Kung bibigyan ka ng pagkakataon, mayroon ka bang lugar o bansa na nais mong marating?
Bakit gusto mo doon? Suriin ang larawan sa kaliwa. Anong konsepto ang binibigyang-larawan
nito? Paano nakaapekto ang globalisasyon sa lokal na kultura ng mga bansa lalo na sa mga bansang
papaunlad pa lamang tulad ng Pilipinas? Paano nakakamit ang isang matatag at nakikipagsabayang
maunlad na bansa sa gitna ng mga isyu at hamon ng migrasyon na dulot ng globalisasyon?
89
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Nilalaman
90
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Kasaysayan ng Globalisasyon
Kung kailan nagsimula ang proseso ng globalisasyon ay hindi tiyak. Katunayan, may mga
manunulat ng kasaysayan na nagsasabing ang globalisasyon ay mauugat sa sinaunang panahon ng
malalaking imperyo (Imperyong Romano, Persian, Griyego, at Tsino). Anila, sa pamamagitan ng
napakalawak na saklaw ng mga nasabing imperyo ay naging pangkaraniwan na ang pagpapalitan
ng produkto mula sa iba’t ibang imperyo (Makikita sa mapa ng Silk Road ang mga ruta ng mga
mangangalakal na nagdadala ng mga produkto mula Silangan tungong Kanluran at vice-versa.).
Gayunpaman, naging pormal lamang ang modernong porma ng globalisasyon ng kalakalan
ng lagdaan ng maraming bansa ang General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) na mas kilala
ngayon sa tawag na World Trade Organization (WTO) mula pa noong 2014. Sa pamamagitan ng
GATT, ang restriksyon at limitasyon sa malayang kalakalan ay sinimulan ng maraming bansa.
Isang halimbawa nito ay mula noong dekada ‘90, unti-unti nang inalis ang mga taripa o buwis sa
maraming angkat na produkto. Naging dahilan ito ng mabilis na pagpapalitan ng mga produkto,
bagay na nagpalago sa ekonomiya ng maraming bansa. Bagama’t tila lugi naman ang mga bansang
hindi industriyalisado o mga bansang agrikultural, sapagkat ang halaga ng kanilang karaniwang
eksport (hilaw na materyales at semi-manupaktura) ay mas mababa kaysa halaga ng kanilang
karaniwang import (makinarya) sa mga bansang indistriyalisado sa ganitong kalakaran.
Mahalaga rin ang papel ng mga internasyonal na institusyong pinansyal gaya ng World
Bank at International Monetary Fund sa globalisasyong ekonomiko. Ang mga institusyong ito ang
nagpapautang ng salapi sa mahihirap na bansang kasapi ng mga Nagkakaisang Bansa (UN) para
sa proyektong pangkaunlaran (patubig o irigasyon, imprastraktura, at iba pa) na may kondisyon
91
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
tulad ng pagpapataw ng mataas na interes, paniningil ng bago o mas mataas na buwis (para matiyak
ang pagbabayad sa utang), at pagtitipid sa mga serbisyong panlipunan. Ang mga gayong
kondisyon, sa pangmatagalan, ay nagiging tanikalang nagtitiyak na hindi na makababangon sa
utang ang mahihirap na bansa at sa halip ay paulit-ulit silang mangungutang. Isang halimbawa ang
Pilipinas. Sa mga nakalipas na dekada, napakalaking bahagdan ng pambansang badyet ay inilalaan
sa pagbabayad ng utang na patuloy pa ring luamalaki habang tumatagal.
Sa aspektong politikal ng globalisasyon, ang pagtatatag ng UN pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ay maituturing na panandang bato o milestone. Naitatag ang UN bilang
tanda ng kanilang pangako sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa ng daigdig, pagkatapos
ng mapaminsalang digmaang kumitil ng milyon-milyong buhay at nagwasak ng bilyon-bilyong
dolyar na halaga ng ari-arian. Samakatuwid, isinilang ang UN bilang bahagi ng paghahangad ng
mga bansa na maiwasan ang muling pagkakaroon ng digmaang pandaigdig at maitaguyod ang
kooperasyon ng mga bansa tungo sa paglutas ng mga global na suliranin tulad ng kahirapan,
kagutuman, at epidemya.
Sa pamamagitan din ng UN, nagkaroon ng istruktura ang isang entidad na may limitadong
kapangyarihang sumasaklaw sa halos lahat ng mga bansa sa daigdig. Kumikilos ang UN sa
pamamagitan ng isang General Assembly na binubuo ng isang kinatawan mula sa bawat bansang
kasapi ng UN, at ng Security Council na binubuo ng kinatawan mula sa limang
pinakamakapangyarihang bansa (China, U.S., U.K., France, at Russia)pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at ng ilan pang mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansang inihahalal at
nagsasalitan. Ang UN General Assembly (UNGA) ay taunang nagpupulong tuwing Setyembre
upang talakayin ang pinakamahahalagang usaping nakaaapekto sa kapakanang ng nakararaming
mamamayan ng daigdig. May kapangyarihan ang UNGA na maglabas ng mga resolusyon o mga
dokumentong naghahayag ng pagkakaisa para sa o laban sa isang partikular na usapin, entidad, o
gobyerno. Samantala, ang UN Security Council (UNSC) naman ay may kapangyarihang patawan
ng parusa ang mga bansang lumalabag sa mga tuntunin ng UN. May kapangyarihan din itong
atasan ang mga bansa ng UN na magpadala ng tropa sa mga bansang nangangailangan ng tulong
para mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng mga mamamayan nito, lalo na sa panahon ng
digmaan. Marami pang mahahalagang ahensyang pandaigdig ang nasa ilalim ng UN tulad ng
United Nations Educational, Scientific and Cultural Organisation (UNESCO), International Labor
Organization (ILO), Food and Agricultural Organization (FAO), at ang World Health Organization
(WHO).Sa pamamagitan ng mga ahensyang ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga bansa na
magtulungan para sa pagpapabuti ng antas ng edukasyon, pamumuhay, at kalusugan ng mga
mamamayan.
Maaari namang ugatin ang aspektong sosyo-kultural ng globalisasyon sa panahon ng
kolonyalismo at imperyalismo na lalong nagpatibay sa ugnayan ng mga bansa sa Kanluran at
Silangan. Mapait at marahas mang panahon sa kasaysayan ang panahon ng kolonyalismo at
imperyalismo, nagbigay naman ito ng pagkakataon na magkapalitan ng kultura ang Kanluran at
Silangan. May mga pagkakataong sapilitang ipinataw ng mga bansang mananakop sa mga bansang
sinakop ang kanilang kultura. May mga pagkakataon ding kabaligtaran ang nangyayari. Makikita
sa pagkain, pananamit, wika, at iba pang larangan ang resulta ng pagpapalitan ng kultura mula pa
noong panahon ng kolonyalismo. Ang ganitong pagpapalitan ay nagpatuloy hanggang sa
kasalukuyang panahon.
Ang globalisasyong sosyo-kultural sa kasalukuyan ay lalong pinasigla ng mabilis na takbo
ng teknolohiya sa komunikasyon at transportasyon. Sa pagkaimbento ng Internet noong dekada
‘90, unti-unting bumilis ang paglaganap ng mga awit, pelikula, at iba pang naging popular sa buong
92
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
mundo at maituturing na bahagi ng global na kultura. Naging mabilis din ang pagpapalitan ng
impormasyon sa pagitan ng bawat bansa at ng mga mamamayan sa buong daigdig. Hindi na
kailangang pumunta sa U.S. ang mga estudyanteng Tsino para mag-aral ng wikang Ingles dahil
maaari nang mag-enrol sa mga online English language courses na inaalok ng mga gurong Pilipino
sa Pilipinas. Tumitibay ang pagsasamahan at mabuting ugnayan ng mga bansa sa pamamagitan ng
globalisasyong sosyo-kultural. Pinag-aaralan at pinahahalagahan ng mga mamamayan ang kultura
ng ibang bansa. Isang tiyak na halimbawa nito ang epekto ng ASEAN integration na nagpabilis
ng mobilisasyon na may malaking naiambag sa turismo sa Timog-Silangang Asya.
Sa kabila ng maraming mabubuting bunga ng globalisasyon sa aspektong sosyo-kultural,
partikular sa mga umuunlad na bansa, hindi rin mapasisinungalingan ang mga negatibong epekto
nito sa pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao. Sa tala ng The Endangered Language Project,
40% ng 7,000 wikang umiiral sa bansa ang nasa peligro ng pagkawala bunsod ng patuloy na pag-
igting ng globalisasyon na ang pangunahing wikang isinusulong ay Ingles. Sinundan ito ng mga
patakaran sa wika na pawang nakatuon sa paghubog ng mga mag-aaral na matuto ng Ingles gaya
ng nagyayari sa pagpaplanong pangwika ng Departamento ng Edukasyon, na nananatiling
naksandig sa bilingual education mantra nito, lalo na sa antas sekundarya. Maging ang relihiyon
ay nalalagay sa peigro bunsod ng homogenisasyon ng mga paniniwala. Sa pag-aaral ni Jaime
Bulatao S.J., isiniwalat niya ang katayuan ng pananampalataya sa Pilipinas at tinawag itong split-
level Christianity dahil sa pagkakahalo ng ilang Tsino at indigenized na paniniwala at sa mga gawi
at ritwal ng mga Kristiyano, gaya ng sayaw sa Obando at paniniwala sa feng shui sa kabila ng
pagiging kabilang sa Simbahang Katolika. Patuloy rin ang paglabnaw ng sistema ng
pagpapahalaga (values system) ng mga Pilipino dahil sa palagiang exposure sa kulturang
Kanluranin. Kapansin-pansin ngayon ang pagiging indibidwalista ng mga kabataan hinggil sa
maraming isyung panlipunan, gaya ng mantrang “Pera ko ito, gagastusin ko ito sa paraang gusto
ko,” na maituturing na imoral kung isasaalang-alang ang sitwasyon ng nakararaming Pilipino, at
taliwas sa dating masinop na paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ang epekto ng labis na pagtalima
sa kulturang Kanluranin na nagbubunsod ng malalim na kagustuhan ng mga Pilipino na pumuti,
upang makasunod sa pamantayan ng kagandahan sa konteksto ng mga Kanluraning bansa ay
nakababahala rin. Maging ang patuloy na militarisasyon sa mga pambansang minorya gaya ng
mga Lumad at iba pa na pilit na pinaaalis sa kanilang mga ansestral na lupain ng mga kumpanya
ng pagmimina sa mga bansa ay nakaaalarma rin. Ang nakalulungkot dito, mas pinoproteksyonan
pa ng gobyerno ang mga nasabing kumpanya kaysa mga grupong ito.
Sa madaling salita, kung nakabubuti man ang globalisasyon sa iba’t ibang aspekto, higit na
malaki naman ang negatibong epekto nito. Naririto ang iba pang epekto ng globalisasyon.
Epekto ng Globalisasyon
May mga positibong epekto ang globalisasyon. Sa pamahalaan, nagkakaroon ng
pagkakaisa ang mga bansa. Nagkakaroon din ng demokrasya sa mga komunistang bansa. Sa
ekonomiya, nagkakaroon ng malayang kalakalan, mas napabibilis ang kalakalan o ang
pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo, paglaki ng bilang ng export at import sa isang bansa,
pakikipagsundo ng mga bansa tungkol sa isyu sa kalikasan, paglaki ng oportunidad para
makapagtrabaho, malayang nakapaghahanap ng trabaho ang mga tao, maiiwasan din ang
monopolyo, at tataas ng pamumuhunan (investment). Sa kultura, mas naiintindihan natin ang
mundo, at pagtanggap ng kultura ng iba.
May mga negatibong epekto rin ang globalisasyon.Sa pamahalaan, maaaring
panghimasukan ng ibang bansa sa mga isyu at desisyon ng pamahalaan at lumaganap ng terorismo.
93
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
94
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
95
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
96
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
I-click ang mga website sa ibaba upang malinang ang iyong kaalaman sa dami ng Pilipino
na nandarayuhan sa loob at labas ng bansa.
a. http://www.adbi.org/files/2013.01.23.cpp.sess1.5.capones.labor.migration.philippi
nes.pdf pdf ukol sa labor migration sa Pilipinas
b. http://www.nscb.gov.ph/ncs/10thNCS/papers/contributed%20papers/cps03/cps03-04.pdf
naglalaman ng datos ng migrasyon sa Pilipinas
c. http://www.census.gov.ph/content/domestic-and-international-migrantsphilippines-
results-2010-census Domestic and International Migrants in the Philippines (Results from
the 2010 Census)
d. http://www.migrationpolicy.org/programs/data-hub/charts/international-
migrantpopulation-country-origin-and-destination interactive website sa datos ng
immigrant
Ngayon ay i-click at suriin mo ang video sa ibaba upang malaman mo ang mga
pangyayaring nagaganap sa mga mandarayuhan tulad ng mga kabataan at ang dahilan ng kanilang
pandarayuhan pati na ang hakbang kung paano sila natutulungan. Pagkatapos ay sagutin ang
sumusunod na tanong: 1.) Anong nakita mo sa video? 2.) Ano ang epekto ng pandarayuhan sa
naiwang bansa? Ipaliwanag. 3.) Ano ang epekto ng pandarayuhan sa pinuntahang bansa?
Ipaliwanag. 4.) Ano-ano ang mga maling pananaw sa pandarayuhan at sa globalisasyon?
Ipaliwanag. 5.) Bakit umaalis ang mga kabataan sa kanilang lugar? 6.) Paano sila tinutulungan
upang mapabuti ang kanilang mga kalagayan? 7.) Paano nakakamit ang isang matatag at
nakikipagsabayang maunlad na bansa sa gitna ng mga isyu at hamon ng migrasyon na dulot ng
globalisasyon?
a. https://www.youtube.com/watch?v=qUHZqWGTkjw youtube video in "Youth Migration
and Development: Towards Sustainable Solutions" Hangout, 6 March 2013
b. https://www.youtube.com/watch?v=xg5JVK42xVk video sa Migration and Development:
Melissa Siegel
Kapag sinipat ang mga panlipunan epekto sa bansa, lalong mapatutunayan ang pinsala ng
migrasyon sa Pilipinas. Inisa-isa ni Alcid (c. 2005, sa isang pananaliksik na pinondohan ni
Friedrich Ebert Stiftung (FES), ang napakaraming panlipunang epekto ng migrasyon (tulad ng
exodus ng mga nars, kasama na ang mga dating doktor), bagay na inaasahang “hahantong sa
matinding krisis sa sistemang pangkalusugan... ng bansa, “...de-skilling ng mga propesyonal…” at
ang “negatibong impact ng migrasyon sa mga pamilyang Pilipino, lalo na sa mga bata.
97
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Dapat ding bigyang-diin, bilang panghuli, na mayorya sa mga OFW ay nasa kasibulan ng
buhay, sa kanilang mga prime year. Ito’y nangangahulugang sa halip na makapag-ambag sa pag-
unlad ng Pilipinas sa panahong pinakaproduktibo sila, ang mga migrante’y pinagsasamantalahan
ng mauunlad na bansa na nakikinabang nang husto sa kanilang kabataan at kahusayan. Mismong
sa isang ulat ay nagtanong ang National Statistical Coordination Board (NSCB) kung kailan
mabibigyan ng oportunidad sa trabaho ang pangkat na ito ng mga kabataan na ang karamiha’y
katatapos pa lamang sa kolehiyo upang direkta silang makatulong sa paglago ng ekonomiya ng
bansa sa halip na sa ekonomiya ng ibang bansa. (Kailan maiibsan ang social cost ng Pinoy
diaspora. Ayon sa nasabing ulat, may halos kalahating bahagdan (50%) ng mga OFW ang nasa
edad 25-29 at 30-34.
Ang politika ay makikita natin saan mang dako. Lahat ng gawaing pantao ay likas na may
politika. Ngunit ano nga ba ang politika? Bakit marami ang interesado sa mga isyung politikal?
98
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Maraming suliranin sa ating bansa gaya ng katiwalian at ang mga dinastiyang politikal ay
malinaw na mga suliraning politikal. Ang mga rebelyon, bagama’t isang suliraning ekonomiko, ay
maituturing na kaugnay rin ng mga isyung politikal dahil malinaw na may ugnayan din ang
sistemang ekonomiko at sistemang politikal ng bansa (Halimbawa: Ang mga dinastiyang politikal
na may kontrol sa mga institusyon ng pamahalaan ay may koneksyon din sa mga pamilyang elite
na may kontrol naman sa estrukturang ekonomiko ng bansa.). Samakatuwid, maaaring may
pinagmulan ding politikal na suliranin ang anumang rebelyon.
99
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
100
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Ipinakita ng pag-aaral noong 2012 ng Asian Institute of Management Policy na ang mga
pampulitikal na dinastiya ay bumubuo ng 70 porsyento ng mga mambabatas na may sariling
hurisdiksyon sa ika-15 Kongreso ng Pilipinas. Isiniwalat nito ang mga palatandaan na kailangan
pag-isipan mabuti: ang mga dinastiyang pampulitika ay kadalasang nauuwi sa pangingibabaw ng
mga pangunahing partidong pampulitika at, karaniwan, nasa mga lugar na may mababang
pamantayan ng pamumuhay, mas mabagal na pag-unlad ng tao, at mas mataas na antas ng kawalan
sa buhay. Ang mga miyembro ng dinastiyang pampulitika ay kadalasang mas mayayaman kaysa
sa mga hindi miyembro.
Sa kanyang huling State of the Nation Address noong 2015, sinabi ni Pangulong Benigno
Aquino III na panahon na para sa isang batas laban sa pampulitikang dinastiya na maglilimita sa
dalawang miyembro lang ng isang pamilya na maaaring manungkulan (sa halal na posisyon) nang
sabay.
Mahalaga ang kapangyarihan upang ganap na magampanan ng isang lider ang tungkulin
na inaasahan sa kaniya ng mga tao sa kaniyang kapaligiran. Kung wala ito, walang puwersang
makapagbibig ay ng pangil para sa mabuting pagtanggap ng lipunan sa maayos na implementasyon
ng isang tungkulin. Ang kapangyarihan ay maaaring ipatupad sa dalawang kaparaanan: ministeryal
at diskresyunal. Sinasabing ministeryal kung ang isang namumuno ay walang ibang nararapat
101
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
gawin kundi ipatupad ang isang polisiya. Ilan sa mga halimbawa nito ang pagtupad sa tungkuling
pambatas trapiko para sa maayos na transportasyon ng bawat mamamayang Pilipino; ang
mekanikong pagpoproseso ng income tax return; pagpoproseso ng ligal na titulo ng lupa mula sa
orihinal na may-ari tungo sa bumili nito; at pagtanggap ng pamahalaan sa buwis na ibinabayad ng
mamamayan.
102
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Ang karapatan ng bawat Pilipino na makilahok sa halalan bilang mga botante ay kinikilala
ng ating Saligang Batas ng 1987 (sa ilalim ng Artikulo V, Seksyon 1-2).
Kung lilingunin ang nakaraan, makikita na naging malaking katanungan ang pagkakahalal
kay Heneral Emilio Aguinaldo bilang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Bukod sa
diktadurya ng rehimeng Marcos, pumaimbabaw rin ang usapin ng pandaraya sa halalan na
nagbunga ng People Power. Inakusahan din ni dating Senador Miriam Defensor-Santiago ng
pandaraya sa halalan ang kaniyang katunggali na si dating Pangulong Fidel V. Ramos. Naging
mainit na usapin sa Pilipinas at sa buong mundo ang iskandalong kinaharap ni dating Pangulong
Gloria Macapagal-Arroyo - ang Hello Garci scandal. Habang isinusulat ang aklat na ito, may
nakabinbin namang protesta sa Korte Suprema si Senador Bongbong Marcos laban sa Bise
Presidente na si Leni Robredo.
Narito ang ilang mahahalagang konsepto na may kaugnayan sa pandaraya sa eleksyon: (1)
Electoral fraud o ang ilegal na panghihimasok sa proseso ng eleksyon sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng boto sa pinapaborang politiko, pagbabawas ng boto sa kalabang kandidato, o
pareho. Anumang akto na makaaapekto sa bilang ng boto na magdudulot ng kaibahan ng boto sa
nararapat na resulta ay maituturing ding pandaraya sa eleksyon, bagama’t ang bawat bansa ay may
kani-kaniyang konsepto nito. Pumapasok din sa konsepto ng pandaraya ang mga karahasang
katulad ng pagsupil at pagpaslang sa mga katunggali sa halalan, ang pananabotahe ng mga balota,
at ang pagbili o panunuhol sa mga botante kapalit ng isang boto; (2) Election manipulation na
103
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
isang uri ng pandaraya na makikita bago maganap ang halalan kung ang komposisyon ng mga
manghahalal ay nabago. Ang lantarang manipulasyon ay itinuturing na paglabag sa prinsipyo ng
demokrasya; (3) Disenfranchisement o ang pagtatanggal sa karapatan ng isang tao na bumoto na
isinasagawa kung ang kandidato ay naniniwala na ang isang botante o grupo ay sumusuporta sa
kalabang panig o partido. Maaari itong makita sa anyo ng pagpapahina ng loob ng iba na
magrehistro, o kung sakali man na nakapagrehistro na, ay tanggalin sila sa talaan ng mga botante
sa pamamagitan ng animo ba ay legal na pagtanggal sa proseso ng korte; (4) Manipulasyon ng
demograpiya kung saan, maraming pagkakataon na kayang kontrolin ng mga kinauukulan ang
komposisyon ng mga manghahalal upang makatiyak ng isang resultang pumapabor sa
sinusupotahang politiko. Kabilang dito ang (a) Intimidasyon na tumutukoy sa lakas o puwersang
ibinibgay sa mga botante upang sila’y bumoto pabor sa isang partikular na kandidato o kaya’y
pigilan silang makibahagi o makiisa sa pagboto; (b) Karahasan o Pananakot na Paghahasik ng
Karahasan na nagpapakitang ang mga botante sa isang partikular na demograpiko o mga kilalang
tagasuporta sa isang partikular na kandidato ay direktang tinatakot ng mga tagasuporta ng kalabang
partido upang ibasura ang pagsuporta na hindi makabubuti sa sinusuportahang kandidato.
Inilalarawan ito ng mga krimeng tulad ng pagpatay, pananakit, mga pagpapasabog, at iba pa; (c)
Pag-atake sa Lugar ng Halalan kung saan ang madalas na nagiging target ay ang mga lugar na
aktuwal na pinagdarausan ng lokal o pambansang halalan. Inilalarawan ito ng bandalismo, paninira
ng mga kagamitan o ari-arian, mga pananakot na nagbubunga ng pangamba sa mga botante na
tumutungo sa lugar na pagdarausan ng halalan; (d) Mga Pagbabantang Legal kung saan, may
pagkakataong sinasamantala ng mga politiko ang ng kaalaman ng isang indibidwal sa kaniyang
karapatan na makiisa sa lokal at pambansang halalan sa pamamagitan ng pagboto. Sa
pagkakataong ito, ang mga botante ay pinaniniwalaang walang legal na karapatang bumoto o
kaya’y may obligasyong bumoto gamit ang partikular na pamamaraan. Ginagamit ng mga taong
mapagsamantala ang kahinaan ng isang indibidwal na ito ay matakot sa magiging resulta ng isang
partikular na aksyon; (e) Pamimilit na nagpapakitang ang demograpiko na may kontrol sa balota
ay sinusubukang hikayatin ang iba na sumunod sa kanila. Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga
lumalaban sa higit na nakararami, ang mga ito ay naiimpluwensiyahan na palitan ang kanilang
mga naunang desisyon sa kung sino ang kanilang iboboto; at (f) Pamimili ng Boto na isang akto
ng kung saan ang isang partido politikal o kandidato ay nanghihingi ng boto sa mga botante kapalit
ng salapi, mga kinakailangang kagamitan o kaya ay mga serbisyo. Ang kasanayang ito ay
karaniwang ginagamit upang hikayatin ang mga botante na bigyan sila ng pabor sa araw ng halalan.
Hindi lamang sa Pilipinas talamak ang ganitong usapin ng pandaraya sa eleksyon. Maging sa
Amerika, Argentina, Mexico, Kenya, at Nigeria ay talamak din ang pamimili ng boto para sa
eleksyon.
104
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
105
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Sa ilalim ng Artikulo 210 ng Kodigo Penal ng Pilipinas, ang direktang panunuhol (direct
bribery) ay maaaring isampa sa kahit na sinong opisyal ng gobyerno na sasang-ayon sa paggawa
ng isang akto na maituturing na krimen, kaugnay ng kaniyang opisyal na tungkulin, bilang
konsiderasyon sa kahit na anong hain, pangako, regalo o bigay na tinanggap ng naturang opisyal,
personal man o sa pamamagitan ng iba. Ang krimen sa ilalim ng probisyong ito ay maaari ding
ipukol sa opisyal na tatanggap ng regalo bilang konsiderasyon sa isang akto na hindi maituturing
na krimen, bagama’t higit na mababang parusa ang katumbas nito. Mayroon ding krimen ng
katulad na uri kung ang isang opisyal ng gobyerno ay tatanggap ng regalo o ng pangako bilang
kondisyon na hindi siya gagawa na isang akto batay sa kaniyang opisyal na tungkulin. Kung ang
bagay na kung saan ang regalo ay tinanggap o ipinangako ay ginawa sa kondisyon na iiwasan ng
opisyal ng gobyerno na gumawa ng isang akto na kaniyang opisyal na tungkulin.
Sa kabilang dako, isinasaad naman sa Artikulo 220 ang ilegal na gamit ng pondo at ari-
arian ng publiko. Tahasang sinasabi rito na may karampatang parusa ang kahit sinong opisyal ng
gobyerno na gagamit ng pondo at ari-arian ng kaniyang administrasyon sa pampublikong gamit
bukod sa totoong pinaglalaanan nito batay sa batas at mga ordinansa. Tinatawag din itong technical
malversation. Korapsyon din ang paggasta para sa pagbili ng mga substandard na materyales na
regular ang presyo, o kaya’y pagbubulsa ng pera ng gobyerno sa pamamagitan ng pekeng proyekto
( gaya ng modus operandi ng mga nagtayo ng pekeng NGOs sa pangunguna ng kasalukuyang
nasasakdal sa kasong si Janet Napoles at tatlong senador na sina Bong Revilla, Jinggoy Estrada,
at Juan Ponce Enrile).
106
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Ang mga sumusunod ay mga espisipikong akto na may kaugnayan sa pandarambong: (1)
Paglustay, paglilipat, hindi angkop na paggamit, maling pag-aasal sa mga pondong pampubliko o
mga pagsalakay sa kabang-yaman ng bayan; (2) Pagtanggap nang direkta o hindi direkta, anumang
paggawa, regalo, bahagi, bahagdan, mga kickback o anumang anyo ng pansalaping pakinabang
mula sa sinumang tao at/o anumang entidad na may kaugnayan sa anumang kontrata o proyekto
ng pamahalaan o sa dahilan ng opisina o posisyon ng pinatutungkulang opisyal ng bayan; (3) Ilegal
na pagpapadala o pagbibigay ng mga ari-arian ng pambansang pamahalaan o anumang
subdibisyon nito, mga ahensya o instrumentalidad o mga pag-aari ng gobyerno o kinokontrol ng
gobyerno na mga korporasyon at mga subsidyaryo nito; (4) Pagkakamit, pagtanggap nang tuwiran
o hindi tuwiran ng anumang mga bahagi ng stock, ekwidad o anupamang anyo ng interes o
pakikilahok kabilang ang pangako ng panghinaharap na trabaho sa anumang negosyo; (5) Paglikha
ng agrikultural, industriyal o pangkalakalan na mga monopolyo o iba pang kombinasyon at/o
pagpapatupad ng mga atas at kautusan na ang layunin ay makinabang ang mga partikular na tao o
mga espesyal na interes; o (6) Higit sa nararapat na kalamangan ng opisyal na posisyon,
kapangyarihan, ugnayan, koneksyon o impluwensiya upang hindi makatarungang payamanin ang
sarili nito na may pagsasawalang-bahala sa panganib o pinsalang maidudulot nito sa mamamayang
Pilipino at Republika ng Pilipinas. Ilang halimbawa ng pandarambong ang overpricing gaya ng
mga lampposts na nagkakahalaga ng P224,000 bawat isa sa Mandaue at Lapu-Lapu sa Cebu o
kaya’y ang mga proyektong pinondohan ng malaki ngunit hindi natapos (gaya ng Bataan Nuclear
Power Plant na nagkakahalaga ng $2.3 bilyon, at ang North Rail Project na nagkakahalaga naman
ng $500 milyon) o kaya’y hindi talaga naitayo.
Ang konsepto ng graft and corruption ay mga usaping nagpapasakit sa bawat Pilipino. Ang
usaping ito’y matagal nang hinahanapan ng solusyon subalit hanggang sa kasalukuyan, bigo pa
ring mapaglabanan. Dalawang magkaibang konsepto ng pagkuha ng personal na benepisyo mula
sa transaksyong pampamahalaan ang graft and corruption. Tumutukoy ang korapsyon sa maling
gamit ng mga pinagkukunan ng pamahalaan para sa personal na benepisyo. Ang graft sa kabilang
banda ay tumutukoy naman sa maling gamit ng impluwensiya para sa personal na benepisyo.
Makikita sa RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang enumerasyon ng mga
espisipikong akto ng paggawa ng krimen sa ilalim ng batas na ito.
107
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Ang isa pang walang kamatayang isyu o usapin sa larangan ng pamamahala ay ang
sistemang padrino o ang palakasan. Ang mga nakaluklok sa kapangyarihan ay karaniwang
nagiging bulag at binging saksi sa hustisyang dapat ibigay sa taumbayan mapagbigyan lamang ang
mga taong pinagkakautangan nila ng loob. May mga pagkakataong ang isang indibidwal ay
nabibigyan ng magandang katungkulan sa gobyerno at maging sa mga pribadong kumpanya dahil
sa basbas ng mga makapangyarihan, ito’y sa kabila ng kawalan ng sapat na karanasan at
kwalipikasyon sa posisyong ipinagkaloob sa kaniya ng nasabing makapangyarihan. Ang tanging
pinanghahawakan lamang niya ay ang proteksyong nanggagaling sa pinunong minsan ay
sinuportahan niya sa panahong kailangan nito. Ang suliraning ito’t talamak sa mga posisyong
nakabatay lamang sa tiwala at kumpiyansa ng taong nasa puwesto, bagama’t ang mga posisyong
nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Civil Service Commission ay hindi rin ganap na ligtas sa usaping
ito.
Masasabi na ang nepotismo at kroniyismo ay kasama ay kasama rin sa mga ugat ng padrino
o palakasan. Sa ilalim ng ating Saligang Batas at iba pang umiiral na batas, ang nepotismo o ang
pagbibigay ng pabor sa mga kamag-anak ay lantarang ipinagbabawal samantalang walang tiyak
na batas na makapagpaparusa sa kroniyismo o pagbibigay ng pabor sa mga kaibigan, bagama’t
matindi itong kinukundina. Ang nepotismo at kroniyismo ay hindi pinapaboran upang maiwasan
ang mga sabwatan sa mga transaksyong kinasasangkutan ng dalawang panig na kasangkot.
108
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
pagpapahirap sa isang indibidwal na aminin ang isang krimen na maaaring kaniyang ginawa o
kaya ay hindi ginawa; (5) pagmamalabis sa kapangyarihan gamit ang dahas o pananakot upang
mapagtagumpayan ang nais na makuha - kinikilala bilang isang anyo ng pangingikil na lumalabag
sa mga umiiral na batas at polisiya sa Pilipinas; at (6) paglahok ng kapulisan sa mga organisadong
krimen tulad ng pagnanakaw, terorismo, kidnapping, at iba pa.
Kaakibat ng mga maling gawi o akto ng hukom sa paglabag sa kanilang Koda ng Etika ay
ang pagharap sa mga kasong administratibo o maaari ding pagtanggal sa kanilang lisensya bilang
abogado. Isa sa mga naging mainit na usapin ang kasong ipinukol kay dating SC Justice Renato
Corona dahil sa maling deklarasyon ng kaniyang mga pagmamay-ari at pagkakautang batay sa
deklarasyon ng kaniyang SALN na sinasabing lumalabag sa RA 6713. Naging daan ito sa
pagpapatalsik sa kaniya sa puwesto, ang kauna-unahang SC Justice sa kasaysayan ng Pilipinas,
sa pamamagitan ng proseso ng impeachment noong Mayo 29, 2012. Hindi rin nalalayo ang
kapalaran ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno - ang kauna-unahang babaeng Chief Justice - kay
dating SC Justice Renato Corona. Na-impeach din siya sa pamamagitan ni Atty Larry Gadon na
siyang naghain ng impeachment case laban sa babaeng Chief Justice. Sinuportahan pa ito ni
Solicitor General Calida sa pagsasabing walang bisa ang pagkakapagtalaga dito bilang Chief
Justice ni dating Pangulong Aquino dahil hindi nito naibigay ang basikong kahingian na paghahain
ng SALN.
109
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
office) kung saan pinagbabawalan ang mga mambabatas na humawak ng tanggapan o posisyon sa
anumang ahensya ng gobyerno kasama ang GOCC o Government Owned and Controlled
Corporations liban na lamang kung iiwanan niya ang kaniyang posisyon bilang mambabatas
(TANDAAN: Hindi lahat ng tungkulin sa gobyerno ay maituturing na incompatible office
sapagkay mayroong mga tungkuling maaaring tanggapin ng isang mambabatas batay sa pagkilala
ng Saligang Batas. Halimbawa ang pagiging kasapi ng Electoral tribunal at Judicial and bar
Council of the Philippines); (2) ipinagbabawal na tanggapan (forbidden office) kung saan
pinagbabawalan ang pagtatalaga ng mga kasapi ng Kongreso sa mga tanggapan ng gobyerno na
nilikha o ang suweldo para dito ay nilikha sa panahon na siya’y nanunungkulan pa bilang
kongresista. Ang layunin nito’y upang iwasan ang anomalya na ang isang kongresista ay
makinabang sa batas na siya mismo ang nagbigay ng inisyatibo.
Ang iba pang korapsyon na palasak sa Pilipinas ay ang: (1) pagtakas sa pagbabayad ng
buwis; (2) ghost projects at payroll; (3) pagtakas o pag-iwas sa subasta sa publiko ng pagkakaloob
ng mga kontrata; (4) pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor tungo sa iba pa o
subcontracting; (5) pangingikil; at (6) panunuhol.
Sa paghahari ng mga Espanyol, sumulpot ang lokal na elite o principlia mula sa mga dating
datu, rajah, at maharlika. Para mapatahimik ang mga dating pinuno at di na sila mag-isip na mag-
aklas laban sa mga Espanyol, ibinigay sa kanila ang mababang posisyon gaya ng pagiging cabeza
de barangay at gobernadorcillo. Pinaboran din sila ng mga Espanyol sa pagbibigay ng karapatang
110
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
mamahala sa lupa at maningil ng buwis. Samakatuwid, kunga ang mga ordinaryong indio ay
walang sariling lupa at wala ring pera, ang mga pricipalia at ilustrado ay mayroon sapagkat
pinaboran sila ng mga Espanyol para maging maamong tagasunod na maglilingkod sa Espanya at
wala ng iba pa. Katunayan, sa maraming taon ay naging matapat sila sa mga Espanyol dahil
nakikinabang nga sila nang malaki sa paghahari ng mga ito. Marami sa mga pamilyang asenderong
ito’y nanatiling bahagi ng alta sociedad sa kasalukuyan, sapagkat mayaman pa rin sila sa salapi at
lupain.
Hindi naging mabisa ang reporma sa lupa ng mga Amerikano sa panahon ng kanilang
pananakop, at hanggang ngayon, ang programa sa reporma sa lupa ng pamahalaan - ang CARP na
pinalawig pa at naging CARPER - ay napatunayan na ring hindi mabisa. Samakatuwid, napanatili
ng iilang pamilya mula pa noong panahon ng Espanyol ang kanilang kontrol sa malalaking lote ng
lupa, at ang kanilang kayamanan. Sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang kayamanan ay
napanatili rin nila ang kontrol sa kapangyarihang politikal. May natural na kalamangan o edge sila
sa mayorya ng mga ordinaryong Pilipino, sapagkat ang kanilang kayamanan ay nangangahulugan
din na may kakayahan silang mag-aral hanggang kolehiyo, at bumuo ng mga koneksyon sa iba
pang makapangyarihan sa lipunan. Sa mga unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano, ang
karapatang maghalal at mahalal ay maaari lamang tamasahin ng mga mamamayang may
edukasyon at ari-arian. Samakatuwid, lalong tumibay ang monopolyo ng mayayaman sa
kapangyarihang politikal sa panahong iyon, bagay na nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan.
Sa pag-aaral naman ng Asian Institute of Management Policy Center noong 2011, mahigit
100 o 68% ng mga kinatawan sa ika-15 Kongreso na nahalal noong 2010, ang may mga kamag-
anak sa ika-12, 13, 14, at 15 Kongreso, o kaya mga lokal na opisyal na nahalal noong 2001, 2004,
111
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
2007, at 2010. Karamihan sa kanila ay mga multi-milyonaryo na ang average na kabuuang yaman
ay P52 milyon. Ayon pa rin sa nasabing pananaliksik, kontrolado rin ng mga dinastiya ang mga
partido politikal batay na rin sa komposisyon ng kasapian o membership ng mga nangungunang
partido: 76% ng Lakas-Kampi; 57% ng Partido Liberal; 74% ng Natinalist People’s Coalition; at
81% ng Partido Nacionalista. Batay naman sa isang ulat ng GMA News Online, marami pa ring
dinastiya ang nananatili sa kapangyarihan sa eleksyon noong 2013. (Matatagpuan sa link na ito
ang nasabing ulat: http://www.gmanetwork.com/news/story/308899/news/nation/phl-political-
dynasties-winners-losers-in-may-13-elections). Sa isa database naman ng Philippine Center for
Investigative Journalism (PCIJ) ay masisipat ang detalyadong datos hinggil sa mga dinastiya na
sumasaklaw sa sangay ehekutibo, lehislatibo, at hudisyal. Saklaw din ng nasabing database ang
mga negosyong hinahawakan ng mga kasapi ng mga dinastiyang politikal. Sa pamamagitan ng
nasabing database, mahihinuhang maraming dinastiya sa bansa ang mahigit apat na dekada nang
may kapangyarihang politikal, gaya ng dinastiyang Abad, Aquino, Cojuangco, Marcos,
Macapagal, Magsaysay, Ortega, at marami pang iba. (Matatagpuan ang nasabing database sa:
http://i-site.ph/).
Ayon naman sa aklat na “The Rulemakers, How the Wealthy and Well-born Dominate
Congress” (2004) nina Shiela Coronel et al., halos isang siglo nang kontrolado ng mga dinastiya
ang sistemang politikal ng bansa. Anila, bagama’t hindi na puro asendero ang mga dinastiyang
nakapuwesto, lahat ng mga angkang ito’y pawang mayayaman at maituturing na bahagi ng noveau
rich. Samakatuwid, malinaw na ang kayamanan at kapangyarihang politikal ay magkaugnay pa
rin hanggang sa kasalukuyan.
Mga Bunga ng Korapsyon
Isa sa mga pangunahing bunga ng korapsyon ang kawalan ng oportunidad ng mga
ordinaryong mamamayan na magkaroon ng espasyo sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.
Halimbawa, kahit may mga kinatawan ang mga grupong marginalized sa pamamagitan ng mga
partylist, kontrolado pa rin ng mga dinastiyang elite ang Kongreso dahil mayorya sa mga
kongresista ay mula sa mga mayayamang dinastiya. Samakatuwid, hadlang din sa mga repormang
sosyo-ekonomiko na isinusulong ng mga grupong marginalized ang mga dinastiya.
Pangalawang bunga ang pagliit ng pondo na maaaring magamit ng gobyerno para sa mga
serbisyong panlipunan (gaya ng pabahay, edukasyon, transportasyon , at kalusugan). Malaking
halaga ng badyet ng gobyerno ang napupunta sa korapsyon, na tinatayang umaabot sa 200 bilyong
piso kada taon (ayon sa World Bank). Ang ganitong kalaking halaga ay maaari sanang magamit
sa paglutas ng kahirapan at iba pang kaugnay na suliranin. Samakatuwid, ang kabiguan ng
pamahalaan na lutasin ang kahirapan ay isa sa mga epekto ng katiwalian sa gobyerno.
Bunga rin ng korapsyon ang kawalan ng tunay na mga partido politikal sa bansa. Sa halip
na mga propesyonal at ideolohikal na partidong may magkakaibang paninindigan sa iba’t ibang
mahahalagang isyu, mga personalistikong partido ang nangingibabaw sa bansa, mga partidong
kontrolado at pinopondohan ng mayayamang dinastiya.
112
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Bukod sa mga institusyonal na pagsisikhay na maisabatas ang isang Anti-Dynast Bill, ang
pagsuporta sa mga grupo ng mga ordinaryong mamamayan na lumalahok sa politika, gaya ng mga
partylist, ay epektibong paraan din ng pagpapahina sa mga dinastiyang politikal. Ang pagsasagawa
ng mga voter’s education forum, sa panahon ng eleksyon at pagkatapos nito, ay makatutulong din
sa pagpapalakas ng partisipasyon ng mga mamamayan sa politika, na makapagpapahina naman sa
kapangyarihan ng mga dinastiya.
113
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Bago pa man dumating ang unang mananakop, ang mga mangangalakal galing Malaysia,
India, Hapon, Indonesia, at Tsina ay mayroon ding malaking kontribusyon sa kultura ng Pilipinas.
Ang Hinduismo at Budismo ay impluwensiya rin sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino
bago dumating ang mga Espanyol at ang mga mangangalakal na Muslim sa atin. Ang wikang
Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Marami sa mga
pamahiin, hiniram na salita at pagkain ay minana pa sa mga mangangalakal na Intsik. Ibig sabihin,
ang kultura ay paraan ng pamumuhay ng mga tao na nagpapakita ng mga kaugalian, tradisyon,
mga sining, sistema ng edukasyon, musika, at pamahalaan.
Namamatay na ang kultura ng ating bansa. Ang kabataan sa kasalukuyang panahon ay wala
ng pagpapahalaga para sa mga produkto at gawaing Pilipino. Ang sinasabi nilang “colonial
mentality’’, o ang kaugaliang pumapabor sa paggamit ng mga bagay na gawa ng mga dayuhan, ay
nagiging kanser na sa ating lipunan. Pero, bago natin suriin at sagutin ang problemang ito,
kailangan natin bumalik sa pinagmulan ng kaisipan na ito.
Sa tatlong daang taon na nakatira dito ang mga Kastila, maraming bahagi ng kanilang
kultura ay isinama sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino, katulad ng Katolisismo
o rehilyon Katoliko, mga Kastilang pangalan, wika, at pagkain. Hindi lang ito, ngunit ang mga
ginagawa ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon katulad ng pagbebeso, pagsasali sa mga pista
at pagsisiesta ay galing din sa mga Kastila. Sa panahon ng mga Kastila, naniniwala sila na mas
mabuti ang kanilang kultura kaysa sa kultura ng Pilipinas, at ang kaisipan na ito ay pumasok sa
utak ng mga Pilipino, lalong lalo na sa mga mas mayaman na tao.
Noong naging kolonya ng Estados Unidos ang bansang ito, pinakilala ng mga Amerikano
ang iba’t ibang uri ng kanilang kultura sa mga Pilipino. Ang panonood ng mga pelikula, ang mga
popular na “fast food” katulad ng hamburger at french fries, ang mga pangalang Amerikano, at
ang pagsuot ng pantalong maong ay mga halimbawa nito. Tinanggap ng malugod ng Pilipino ang
mga impluwensiyang ito, at dahil dito, naniwala sila na napakabuti ang mga natunan nila sa mga
dayuhan.
Kamakailan lamang ay nag-survey ang Pulse Asia tungkol sa kawalan ng pag-asa ng mga
Pilipino sa ating bansa. Ayon sa survey, wala pa sa kalahati ng mga Pilipino ang naniniwalang
114
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
“may pag-asa pa ang bansang ito.” Dama ng karamihan ang pangangailangan para sa pundamental
na pagbabago sa ating lipunan ngayon. Kailangan ng pagbabago sa ating ekonomya kung saan ang
karamihan ay nananatiling hikahos, hindi nakikinabang sa kanilang pinagpapawisan. Kailangan
ng pagbabago sa ating pulitika, kung saan ang gobyerno ay gobyerno ng iilan, at hindi ng
karamihan. Pero batid din natin na ang pagbabago sa lipunan ay hindi magiging ganap kapag
walang kasabay na pagbabago sa kultura ng bayan. Pagbabago sa dominanteng kaisipan,
kaugalian, pagpapahalaga, panlasa, sining at panitikan. Pero ano nga ba ang kailangan baguhin sa
kultura sa bansa ngayon? Hayaan ninyo akong magbahagi ng aming pagsusuri hinggil sa
kasalukuyang kalagayan ng sining at kultura sa Pilipinas, mga patakaran at programa sa kultura
ng pamahalaan at pribadong sektor, at ugnayan ng mga ito sa ekonomya at pulitika ng bansa sa
panahon ng globalisasyon. Kung ito ay makakatulong sa paglilinaw at paggigiit sa tungkulin ng
artistang Pilipino sa pagsusulong ng pagbabago sa ating lipunan, nakamit na rin namin ang aming
layunin sa pagkakataong ito.
Ang dominanteng kultura sa Pilipinas ay nananatiling kolonyal, burges at pyudal sa
kasalukuyang panahon. Itinatakda ito ng mga dominanteng pwersa sa ekonomya at politika ng
bansa – ang U.S. at ang mga elite sa ating lipunan, ang malalaking kapitalista at asenderong
Pilipino.
Ang pamantayan ng U.S., hindi lamang sa pulitika at ekonomya, kundi maging sa kulturang
kolonyal ang nagiging sukatan kung ano ang mahusay at hindi para sa mga Pilipino. Sa kulturang
burges, ang sining ay kalakal at ang mga tao ay palengke na pwedeng manipulahin para higit na
pagtubuan. Pinapanatiling mangmang, kimi at palaasa sa “swerte” at sa kawanggawa ang masang
bihag ng kulturang pyudal. Sa tulong ng dominanteng kulturang ito, nagiging mas madali ang
patuloy na pagkontrol at pagsasamantala ng mga dayuhan at iilan sa sambayanang Pilipino.
Dahil sa patakaran ng import liberalization mas malaya nang nakapapasok pati mga
dayuhang produktong pangkultura sa Pilipinas katulad ng pelikula, aklat, musika at software. Sa
ilalim ng Trade-Related Aspects of Intellectual Property Rights o TRIPS ng WTO, nagiging mas
madali para sa mga higanteng korporasyon mula sa ibang bansa ang pamumuhunan, pagbili, pag-
agaw, pagkontrol at pagmomonopolyo sa mga sumusunod:1) likhang sining at distribusyon nito
(sa pamamagitan ng karapatang-ari at mga kaakibat nito), 2) tatak (trademark) at pagtukoy sa
pinagmulan ng produkto (geographical indications),3) imbensyon (sa pamamagitan ng patente),
industrial design at trade secrets. Sa pamamagitan ng General Agreement on Trade in Service o
GATS ng WTO, pinadali rin ang dominasyon ng mga imperyalistang bansa sa mga serbisyo sa
Pilipinas. Kabilang dito ang mga serbisyong tumutugon sa pagpapalaganap at preserbasyon ng
mga produktong pangkultura, gaya ng distribusyon at pagpapalabas ng pelikula. Sa buong mundo,
115
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
ang US ang pinakamalaking exporter ng mga produktong pangkultura ngayon. Kasabay ng halos
monopolyado ng US ang produksyon at distribusyon ng produktong pangkultura, hinuhulma nito
ang panlasa ng mga tao upang lumikha ng pangangailan (demand) para sa kaniyang mga produkto.
Ang panlasang Pinoy ay matagal ng nabababad sa pamantayang Amerikano kaya madaling
tanggapin ito ng marami. Ngunit nagreresulta ito sa pagkalugi o paglamon sa lokal na industriyang
pangkultura. Dahil sa matinding kumpetisyon lumalaban ang mga ito sa pabababaan ng sahod,
kontraktwalisasyon, at pagbabawas ng mga manggagawa na nagaganap sa mga estasyon ng
telebisyon at mga produksyong pampelikula. Ibinubunsod din ng kumpetisyon na ito ang lalong
pagkasadlak ng mga likhang sining sa pamantayang komersyal at kolonyal para makapatas sa mga
imported na likhang sining at pamantayan ng kahusayan. Naging laganap din ang pamimirata ng
mga nais kumita ng malaki sa mababang kapital. Habang sa isang banda, ang panggagaya ay
kinukunsinti ng mga dayuhang korporasyon dahil pinalalaganap pa nito ang dayuhan o anila’y
“global” na panlasa, ang pamimirata nama’y malupit nilang nilalabanan sa larangan ng intellectual
property rights dahil umuuk-ok ito sa kanilang tubo. Nagkakaroon din ng impluwensya o kontrol
ang pribadong korporasyon sa mga likhang sining sa pamamagitan ng pagpondo nito sa mga
ahensyang pangkultura at mga grupo o indibidwal na artistang hindi nakatatanggap ng suporta
mula sa gobyerno. Ang ganitong kalagayan ay lalong pang dadausdos kapag naisulong ang
mungkahing charter change ng administrasyong Arroyo kung saan kabilang ang pag-alis ng mga
restriksyong pang-ekonomya sa dayuhang pagmamay-ari.
Sa hanay ng kultura, itinuturing na world-class ang mga nagkamit ng parangal mula sa mga
dayuhang institusyon. Hindi masamang makilala ang kakayanan ng Pinoy sa ibayong-dagat.
Ngunit kung ang gagamiting pamantayan ng pag-unlad at kahusayan ay nakabatay sa kulturang
maka-dayuhan gaya ng laganap sa ating mga palabas, musika, atbp. mas malaki ang pinsala nito.
Anti-nasyunal na kaisipan ang kabilang mukha ng “world class culture”na nagmamaliit at
nagbabansot sa halip na nagpapayabong sa kulturang Pilipino. Maging ang sistema ng edukasyon
ay hinuhubog ding maging world-class. Kinakailangan daw ito para maging competitive o
makipagtapatan sa pandaigdigang kumpetisyon. Sa mga paaralan, pilit inaayon ang mga kurso at
aralin na maghuhubog ng mga susunod na manggagawang skilled at english speaking para sa mga
multinasyunal na kumpanya na nagdidikta ng kung ano ang kailangan nilang trabaho. Sa
kasalukuyan laganap ang call centers, kung saan maraming kabataan ang namamasukan bilang
kontrakwal. Inihahanda rin ng ganitong mga patakaran sa paaralan ang mga susunod na OFWs na
pinagkakakitaan ng pamahalaan.
Ang cultural diversity o ang pagkakaiba-iba ng mga kultura sa daigdig ay ang pagtingin na
may esensyal na kaibahan ang mga kultura at nararapat lamang na igalang, protektahan at
paunlarin ang mga pagkakaibang ito. Subalit ang pakahulugan sa cultural diversity – na
itinataguyod ng globalisasyon at tinatangkilik ng gobyerno – ay ang paglikha ng napakaraming
produkto at serbisyo mula sa iba’t ibang kultura. Binibigyan ng halaga na parang sa palengke ang
mga “kakaiba,” ispesipiko, “walang katulad,” at exotic na kultura. May pagromantisa pa sa samu’t-
saring tribo at komunidad na nagsisilbing materyal para saimahinasyon at pantasya ng “mas
maunlad” na sibilisasyon.Hungkag ang ganitong konsepto ng ”cultural diversity”
sapagkathinihiwalay ang kultura sa kinaiiralan nitong panlipunangkonteksto. Mapananatili ba ng
mga katutubo ang kanilang kultura kung sila ay sapilitang inaalis sa kanilang lupain? Sa anong
116
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
antas makikipagturingan nang matino sa mga Muslim kung patuloy silang itinatakwil at
binabansagang terorista?
Laganap ang samu’t saring festival sa buong kapuluan ngayon sa layunin ng mga lokalidad
at ng pambansang pamahalaan na pasiglahin ang turismo sa bansa . Sa isang banda nakabubuti ang
turismo, kung bahagi ito ng edukasyon ng mga Pilipino at ng mga dayuhan na makilala ang
mayamang kultura sa ating bayan .Ngunit kung ang pangunahing layunin ay kumita ng pera,
nagiging kapital ang turismo sa komersiyalisasyon ng kultura. Bukod pa sa pinagkakakitaan ang
kultura, mas masahol ang usapin ngpanghihimasok sa isang kultura at ang artipisyal na
pagpoprosesodito upang maging mabenta sa pinakamaraming tao. Madalas kaysa hindi, nababago
sa kalaunan ang isang kultura kundi man ito tuluyang nasisira. Sa praktika ng gobyerno, ginagamit
nito ang turismo bilang tugon sa kahirapan. Sa isang banda, sinusuportahan nito ang produksyon
ng mga tradisyunal na kagamitan. Ngunit ang pagpayag at paghihikayat ng gobyerno sa pagpasok
ng mining companies at sa laganap na militarisasyon na nagtataboy sa mga kababayang tumutugon
sa tradisyunal na kagamitan ay siya ring pumapatay sa tradisyunal na produksyon.
Patuloy ang paglipas ng panahon ngunit tila ba isang iglap lang ay natapos ito na waring
walang naganap na tuwirang pagbabago sa lipunan. Maraming Pilipino ang nangarap ng
katiwasayan sa pamumuhay ngunit bigo pa rin ang karamihan. Ano ba naman ang simpleng buhay
na dapat makamit ni Juan dela Cruz? Maayos na trabaho, masarap na pagkain sa lamesa, magarang
damit na maisusuot, maipagamot ang iniindang sakit sa katawan, at iba pa. Marahil ang mga
pangarap na ito ay patuloy na sumasalamin sa sakit ng lipunan, na umuugat sa bulok na sistemang
politikal na siyang patuloy na nagpapahirap sa ating mamamayan. Ito marahil ang dahilan kung
117
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
bakit marami sa ating mga kababayan ang patuloy na nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang
matugunan ang pangangailangan at makamit ang minimithing katiwasayan ng pamumuhay. Isang
halimbawa ng pangyayaring ito ay ang pag-uwi sa Pilipinas ng marami sa ating mga kababayan
mula sa Taiwan dahil sa pagkalugi ng mga pagawaan at pabrika na nakadepende sa ekonomya ng
Amerika. Alam naman natin kung gaano kalaki ang lawak ng impluwensya ng bansang Amerika
sa kanilang pangangalakal sa iba’t ibang bansa sa buong mundo. Dahil sa hinaharap na krisis pang-
ekonomiya, ang Estados Unidos ay nasasadlak sa matinding problemang pinansyal. Dahil dito,
marami ang patuloy na nawawalan ng trabaho ‘di lamang sa Amerika kundi sa buong mundo.
Tiyak na marami ang tuwirang maghihirap lalo pa’t wala namang programa ng pamahalaan na
tutugon sa krisis na ito. Marami sa ating mga kababayan ang umaalis na buo ang pangarap at
matayog ang mithiin na makamit ang matiwasay na pamumuhay, nangutang ng “placement fee”
subalit umuwing bigo at sawimpalad. Sa totoo lang, masaklap ang hinaharap nating lahat ngayon
dahil sa patuloy na krisis pinansyal na humahagapit sa buong mundo. Sang-ayon sa isang
ekonomista sa Pilipinas hindi pa raw tuluyang nararanasan ang krisis na ito sa Pilipinas. At ‘pag
tinamaan daw nang husto ang ating bansa, marami ang mawawalan ng trabaho, at patuloy na
pagkalulong sa kahirapan ng ating mamamayan. Sa mga kagalang-galang na mga politiko natin na
maayos ang pamumuhay dahil sa karangyahan at katanyagan, ‘di nila alintana ang kalunos-lunos
na sinasapit ng ating mga kababayan sa kabila ng mapagkutyang kahirapan. Patuloy pa rin ang
kanilang kahangalan at kahibangan sa pagkalasing sa kapangyarihan. Ano ba ang kailangan para
magising sila sa katotohanan na sa serbisyo publiko ay inuuna muna ang kapakanan ng
mamamayan bago ang sarili? Kung buhay lang siguro si Gat Jose Rizal, baka lalo siyang masuklam
sa nakaririmarim na kalakalan sa politika sa ating bansa. At dahil dito, baka makapaglimbag pa
nga siya ng bagong serye sa kanyang librong Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ilan sa mga
iniwang pamana ni Rizal sa mga Pilipino ang: “di-makasariling pamumuhay, pagmamahal sa
kapwa higit pa sa sarili, pagkakakawang-gawa, pagsasakripisyo, pagkamatulungin, mainam na
pakikipag-kapwa tao at pagmamahal sa sariling bansa." Lahat ng ito’y waring nauugat sa kulturang
Pilipino pero unti-unting naglalaho na parang bula sa pag-ikot ng kaunlaran. Sadyang mahirap na
buwagin ang ‘di-magandang sistemang nakaukit na sa ating kultura. Maihahalintulad ito sa dugo
na nanalantay sa ating katawan na siyang nagbibigay ng buhay sa atin; “ang sistemang kultural na
siyang bumubuo sa ating kamalayang Pilipino ay kumakatawan ng ating pagkakilanlan sa mundo.
Masasabing ang Pilipino ay malikhain pero mapanira; mapagmahal pero mapag-imbot;
matulungin sa kapwa ngunit nakikitaan ng ‘utak talangka’; mapagpakumbaba datatpwa’t
nagpapayabangan sa isang banda; at matalino subalit ‘di mapanuri sa mga isyung sosyal sa
lipunan." Ang mas nakasusuklam ay ang ating ugaling pagwawalang-bahala sa mga kritikal na
isyung sosyal sa ating bansa. ‘Di kagaya noong nakaraang dekada kung saan ang mga Pilipino ay
mapanuri sa mapang-aping pamahalaan at nagkaisang gumawa ng makasaysayang “People
Power". Ano ba ang nangyari magmula noon? Tila ba napagod na ang mamamayan sa kanilang
pakikibaka sa mapang-aping gobyerno. Mas kuntento na lang ang karamihan na punan ang
kumakalam na sikmura kaysa ipaglaban at ituwid ang baluktot na sistemang politikal. Ang iba
naman ay talagang hindi na umaasa sa posibleng magbabago ng ating lipunan. Sadyang ito ang
pinakamasaklap sa lahat – kung ang bawa’t isa sa atin tuluyang mawalan ng pag-asa na makamit
ang pagbabago, saan kaya tayo dadalhin ng tadhana? Mas pipiliin pa ng iba na mag-shopping na
lang kaysa makibahagi sa politikal na proseso. Halimbawa, marami ang nakilahok sa protesta laban
sa gobyerno sa Maynila. Pero mas marami naman ang ipinagwalang-bahala ito. Pinapatunayan
lamang na wala na sa atin ang makabayang kamalayan, dahil napagod na rin marahil ang
mamamayan sa paulit-ulit na mala-sarsuwelang pangangalakal ng ating pamahalaan. Mas
118
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
nakatutok pa nga ang karamihan sa pamimili sa mga shopping malls! Kung tutuusin, tayo’y mga
Pilipino ay lubusan ang ating pagkahumaling sa mga bagay-bagay na kumpuni o ginawa sa ibang
bansa. Tahasan nating iniiwasan ang mga lokal na produkto kasi sa ating kamalayan ito’y madaling
masira at ‘di maganda. Kaya hayun naglipana ang mga “imported goods" na kumukumpitensya sa
ating mga lokal na produkto. Lingid sa kaalaman ng karamihan, ito ang siyang pangunahing
dahilan kung bakit unti-unting nawawalan tayo ng kumpiyansa ng sariling atin. Kahit anong bagay
na gawa sa atin ay ‘di gaanong pinahahalagahan. Pero kung tutuusin, marami sa mga produkto na
ibinebenta sa Amerika ay gawa sa Pilipinas. Nagpapatunay lang na mataas ang kalidad ng ating
teknolohiya. Nararapat na siguro nating baguhin ang maka-dayuhang pag-iisip at iwaksi ang ating
mapanirang “colonial mentality." Dahil dito, hindi tayo makausad sa ating pagkakasadlak sa
banyagang kultura. Ito marahil ang dahilan kung bakit wala tayong tuwirang pagkakakilanlan sa
buong mundo. Kumbaga, gaya-gaya na lang tayo sa kung ano ang uso sa Amerika, o sa ibang
bansa. Kalunos-lunos ika nga ang ating sitwasyon. Sana’y lubusan nating isabuhay ang magandang
asal ng Pilipino na magpapatibay sa ating pagkakakilanlan – ang pagpapahalaga sa yaman ng ating
kultura.
Marami sa atin ay nagsasalita sa Ingles dahil ito ay ang pangunahing wikang itinuturo sa
mga eskwelahan. Ayon nga kay Kate Mcgeon ng BBC News: “The Philippines is fast becoming
the world’s low-cost English language teacher – with rapid increases in overseas students coming
to learn English or study in English-speaking universities. The main reasons that attract them are,
119
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
again, the cost – and the fact that, in the country’s top universities, all classes are held in English.”
Dahil sobrang laki ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa wikang Ingles, ang wikang Tagalog ay
nawawalan na ng kahalagahan. Kailangan natin gamitin ang sariling wika para maipagmamalaki
natin ang pagiging Pilipino. Hindi naman sinasabi na ang paggamit ng wikang Ingles ay masama
o dapat tigilan ang pagturo ng Ingles sa eskwelahan, ngunit dapat mas madalas tayong gumamit
ng sarili nating wika sa pagsasalita. Ipinagmamalaki natin ang ating wika sa mga panahon na
nagsasalita tayo sa Tagalog.
Para sa karagdagan kaalaman tungkol sa wikang Filipino, maaaring panoorin ang isang
dokumentaryo sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=KH-UFAt--To
Ang kalusugan ay ang pagkawala ng sakit o karamdaman. Ang isang taong walang sakit
ay mayroong mabuting kalusugan. Ngunit hindi ito sapat na kahulugan ng kalusugan dahil ayon
sa World Health Organization o WHO, ang kalusugan ay ang isang estado ng pagiging masigla
ang isip, katawan, at pakikitungo sa iba. Hindi ito simpleng kawalan lamang ng sakit,
kapansanan, o iba pang karamdaman. Ang kalusugan ay karapatan ng lahat ng tao sa mundo,
maging mayaman man o mahirap. Walang pinipiling edad, kasarian, paniniwala o relihiyon ang
pagkakaroon ng karapatan sa kalusugan. Ito ay isa ring responsibilidad sa ating sarili at sa ating
120
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
kapwa – tao. Sa madaling salita, ang kalusugan ay para sa lahat at ito ay isa sa
pinakamahalagang bagay na dapat nating tinatamasa sapagkat ito ay isang kayamanan.
Masasabing ang kalagayan ng kalusugan sa ating bansa ay hindi maganda sapagkat
maraming mamamayan pa rin ang hindi nakakatanggap ng mataas na kalidad ng tulong
pangkalusugan. Sa resulta ng isang pakikipanayam sa isang Provincial DOH Officer napag-alaman
ang totoong kalagayan ng isang pampublikong ospital sa bansa.
Hallway ng Ospital
“X’
Kuwarto ng Ospital
“X’
Kapag maraming
pasyente sa Ospital
“X’
Ayon sa Provincial Department of Health (DOH) Officer na ito, ang isang problema sa
sangay ng kalusugan ay nagdudulot ng mas maraming problema. Ang halimbawa nito ay ang
sobrang dami ng pagpasok ng pasyente. Dahil nga hindi mura ang magpagamot sa mga
pribadong pagamutan, lagpas kalahati ng ating populasyon ang pinipiling magpagamot sa mga
pampublikong ospital. Kung saa'y nagreresulta sa kakulangan ng pasilidad at kagamitan gaya
ng gamot at kakulangan sa mga tauhan. Bunga ng mga kakulangang ito, mas malaking
problema ang dumarating gaya ng paglalabas ng pera mula sa sariling bulsa ng pasyente kahit
na libre naman ang pagpapagamot sa mga pampublikong pagamutan. Ayon sa DOH officer,
hindi maiiwasan ang pagkaubos ng gamot sapagkat hindi sapat ang dumarating na pondo para
sa gamot dahil sa sobrang dami ng pasyente. Binanggit din niya ang kakulangan sa pasilidad
gaya ng mga kwarto at mga hospital bed kung kaya’t napipilitan ang mga namamahala sa
pagamutan na ipuwesto ang mga pasyente sa mga pasilyo at pahigain sa mga folding bed.
Ipinaliwanag din niya na dahil nga sa sobrang dami ng pasyente, nagkukulang ang mga
pagamutan sa tauhan. Kung kaya’t ang kalidad ng serbisyo at pag-aalaga sa mga pasyente ay
naapektuhan na siya ring magreresulta sa pagiging masungit ng mga tauhan ng pagamutan.
121
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Ayon sa resulta ng ginawang survey ng Pulse Asia, 63% ng mga Pilipino ang itinuturing
na pangunahing pangangailangan ang kanilang kalusugan. Gayunpaman, ang sistemang
pangkalusugan sa Pilipinas ay hindi gaanong nabibigyang importansiya. Ayon sa Department of
Health, noong 2009 ay may kabuuang 94,199 hospital beds ang Pilipinas; ito ay 1.04 na kama sa
bawat isang libong Pilipino. Ito ay mababa kung ikukumpara sa rekomendasyon ng World Health
Organization (WHO) na 20 hospital beds sa bawat 10,000 ng populasyon. Mula sa mga datos na
ito, makikita agad na talagang kulang ang isa sa pinakamahalagang aspeto ng isang ospital at iyon
ang hospital beds.
Hindi lang sa mga health center ang may kakulangan sa tauhan ngunit katulad sa mga
nakuhang sagot mula sa panayam, ang mga doktor, nars, at iba pang nasa medikal na propesyon
ay kulang ayon rin kay Sen. Sonny Angara. Base sa tala ng Philippine College of Physicians,
dalawa hanggang tatlong doktor, nars, at midwives ang nagsisilbi para sa bawat 10,000 katao.
Tulad sa isyu ukol sa hospital beds, malayo ito sa rekomendasyon ng WHO na dapat ay hindi
bababa sa 23 na medikal na propesyonal ang nakalaan para sa sampung libo na ito. Nakababahala
rin na ang Pilipinas ay mayroong 1:50,000 na ratio ng psychiatrist at populasyon. Dahil dito, ang
panukala na Senate Bill 1157 o ang panukalang medical scholarship program ay kinakailangan ng
agarang pagpasa ayon kay Angara. Hindi lamang ito makatutulong sa mga mahihirap na nais na
makapag-aral ngunit maaari din itong solusyon sa kakulangan sa tauhan.
Kung susuriing mabuti, hindi nabibigyan ng mataas na kalidad ng serbisyo ang bawat
pasyente maging sa mga pampublikong ospital o sa mga institusyong pangkalusugan dulot ng
kakulangan sa pasilidad. Gaya na lamang sa "Hospital X", na ayon sa provincial DOH officer
nito'y ang ospital ay may kakulangan sa pasilidad (gaya ng gamot, tauhan, kagamitan gaya ng mga
hospital beds at kwarto) at kakulangan sa pondo, pangkalap ng mga medisina at pangpaayos sa
istraktura ng ospital dahil ito ay binabaha tuwing may malakas na bagyo na siyang nakapagdudulot
ng mababang kalidad na serbisyo lalo't para sa mga pasyenteng kailangan ang mabilis na pagtugon
sa karamdaman. Ngunit, hindi lang dito ang pangunahing pinagmumulan ng problema, maaari rin
122
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
ito'y magmula sa istatus sa lipunan kung saa'y hirap makatugon ng sapat na kalusugan ang
mahihirap kung ikukumpara sa mayayaman.
Kung iisipin, nang dahil sa kakulangan ng pasilidad, pondo at hindi maayos na istruktura
ng ating takbuhan para sa kalusugan, na imbis tayo'y maibsan ng problema'y tila naragdagan pa
ito at hindi nalang din nakatutulong sa atin. Ngunit, saan nga ba nagmumula ang mga problemang
ito ng mga mamamayang may pangangailangang pangkalusugan? Hindi ba't bilang isang
mamamayan ng bansang Pilipinas ay prayoridad dapat ng bawat isa ang pagkakaroon ng maayos
at mabisang serbisyo ng kalusugan, hindi lamang ang may mga pera ang dapat makinabang sa
benepisyong ito dito dahil tayong lahat ay may karapatang mabuhay na nararapat lamang
masubaybayan ang estado ng kalusugan.
Maraming mga paniniwala kung bakit ang mga tao ay may mga problema sa kalusugan ng
kaisipan. Ayon sa mga siyentipikong pagsusuri, maraming malubhang problema sa kalusugan ng
kaisipan na dulot ng biochemical disturbances sa utak. Naniniwala din ang mga propesyonal na
ang iba't ibang mga sanhi na may kaugnay sa sikolohiya, lipunan, at kapaligiran ay nakaaaapekto
rin sa kaniyang kapakanan. Ang kalusugan ng kaisipan ay naaapektuhan din ng pangkatawan,
pangkaisipan, pandamdamin at pang-espiritwal na mga bahagi ng buhay. Ang stress ay
nakaaaapekto sa kakayahan sa kahit anong bahagi o sa lahat ng mga bahaging ito at maaaring
pahirapan nito ang pangangasiwa ng tao sa pang-araw-araw na niyang gawain. Maaari siyang
mahirapan dahil wala siyang mga bagong kasanayan at impormasyon na maaaring makatulong sa
kaniya.
123
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
May iba’t ibang uri ng mga problema sa kalusugan ng kaisipan Kadalasan ay iba-iba ang
hugis at klase ng mga problemang ito sa iba't ibang panahon. May mga taong nalulumbay nang
malubha (depressed). May iba namang nababalisa at natatakot. Maaaring magpakita ang isang bata
sa klase ng asal na di-pangkaraniwan o umiwas sa iba. May mga di-gaanong kumakain. At may
mga sumosobra naman ang pagkain. Ang ilan ay umiinom ng alak o umaasa sa ibang mga droga
bilang pampamanhid sa mga masakit na damdamin. At ang ilan naman ay nawawala ang
panghawak sa katotohanan. Halimbawa, maaari silang makarinig ng mga boses, makakita ng mga
bagay na wala doon, o maniwala sa mga bagay na hindi totoo. Ang iba ay nag-iisip magpakamatay
— at ang iba ay talagang nagpapakamatay. May mga nagiging magagalitin at agresibo. At may
ilan din namang nagkakaroon ng trauma dahil sa isang pangyayari, gaya ng grabeng aksidente sa
sasakyan o dahil sa isang problema na pinagtiisan nang mahabang panahon, gaya ng abuso nang
ilang taon habang bata pa sila. Maraming tao ang mayroong higit pa sa isa sa mga problemang ito.
Ang mga problema sa kalusugan ng kaisipan ay babalik lagi o hindi kailanman mawawala. Marami
nang mga taong nakapanunumbalik sa mga hamong ito. Maraming taong may mga problema sa
kalusugan ng kaisipan na gumagaling sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang sariling lakas at
kakayahan (resilience), suporta ng pamilya at mga kaibigan, psychotherapy, mga paraan upang
bawasan ang kanilang stress, at gamot, kung kinakailangan. May mga taong lumuluwag ang
kalooban kapag nalaman nila kung paano kinikilala ng mga doktor ang kanilang mga problema.
Maaaring magalak silang makakuha ng pagsusuri na nagbibigay ng palagay kung ano ang
diperensiya at nagbibigay ng mga mungkahi kung paano maaaring bigyang lunas ang kanilang
mga problema. Ngunit may iba naman na maaaring hindi makatagpo ng tulong kung malaman ang
resulta ng pagsusuri. Maaaring ituring nila ito bilang isang marka o kategoriya na hindi
124
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
125
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Ang pamahalaan ay patuloy na nagsasagawa ng mga inisyatibo upang mapataas ang antas
ng kaalaman ng tao sa tamang nutrisyon. Nagsasagawa rin ng tinatawag na feeding program ang
pamahalaan upang makatulong sa pagpapababa ng kaso ng malnutrisyon.
Nakukuha ang HIV sa alinman sa mga sumusunod na gawain: (1) pakikipagtalik na walang
proteksyon ( anal at oral); (2) kontaminadong paraan ng pagsasalin ng dugo; (3) hypodermic na
karayom; (4) mula sa ina tungo sa anak sa panahon ng pagbubuntis ng ina; at (5) pagpapasuso.
Ang laway at luha naman na nanggagaling sa katawan ng tao ay hindi makatutulong sa pagsasalin
ng HIV tungo sa ibang indibidwal.
Maiiwasan ang HIV sa pamamagitan ng (10 ligtas na pakikipagtali; (2) programa para sa
pagpapalitan ng karayom; (3) paggagamot; at (4) pagbibigay ng antiretroviral medication sa bata
sa panahon na ito ay ipinagbubuntis. Tandaan na ang antiretroviral na gamutan ay makatutulong
lamang sa pagbagal ng pagkalat ng sakit upang magkaroon ng inaasahang normal na pamumuhay
ang bata.
126
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Malaking usapin sa lipunan ang sakit na ito na naging ugat ng maraming diskriminasyon
at epektong pang-ekonomiya. Bunga ng maling edukasyon o kakulangan ng kaalaman hinggil sa
sakit na ito ay ang paniwala ng taong maaaring mahawa kahit sa ordinaryong pakikipag-usap
lamang. Kontrobersiya din ang sakit na ito sa posisyon ng simbahan na tutulan ang paggamit ng
condom bilang proteksyon sa pakikipagtalik.
Ang sakit ng Dengue ay nanggaling sa virus na dengue na dala ng kagat ng lamok, sa isang
tropikong bansa na katulad ng Pilipinas. Ang sintomas nito na karaniwang makikita simula tatlo
hanggang labing-apat na araw matapos ang impeksyon ay ang (1) mataas na lagnat; (2) pananakit
ng ulo; (3) pagsusuka; at (4) pananakit ng laman at mga kasu-kasuan.
127
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
128
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
maaaring magresulta sa pagbabawas ng panahanan ng mga lamok at ang paglilimita sa kagat buhat
dito.
Ang adhikain ng administrasyong Benigno Aquino III na bawasan ang kaso ng pagkamatay
buhat sa dengue ay nabalot ng kontrobersiya nang ang kaniyang pamahalaan ay pumasok ng
kasunduan o kontrata sa Sanofi, ang nagmamanupaktura ng gamot laban sa dengue.
Ano ang pagkakaiba ng COVID-19 at SARS-CoV-2? Ang COVID-19 ay ang sakit na dulot
ng bagong coronavirus. Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus 2 (SARS-CoV-2) ay
tumutukoy sa virus, habang ang Coronavirus Disease-19 (COVID-19) ay tumutukoy sa sakit sanhi
ng virus.
129
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Dapat gamitin ang Acetaminophen upang mabawasan ang lagnat at pananakit at sakit. Para
sa mga malubhang kaso, ang pangangalagang medikal ay maaaring kailanganin upang mapawi
ang mga sintomas at suportahan ang mga mahahalagang pag-andar ng organo hanggang sa
gumaling ang pasyente.
Sa panahon ngayon, marami ang umiiwas sa mga taong bumabahing dahil sa pangamba na
makakuha ng virus, partikular ang bagong coronavirus. Maaaring isa sa mga sanhi ng pagbahing
ng isang tao ay dahil sa allergic rhinitis, na nararanasan ng 2 sa bawat 10 Pilipino.
Ang allergic rhinitis ay ang pamamaga ng ilong dahil sa pagkalantad sa mga allergen o
iyong mga bagay na maaaring magdulot ng allergic reaction, sabi ng pulmonologist na si Marvin
Hilaro. Ilan sa mga karaniwang sintomas ng allergic rhinitis ay ang madalas na pagbahing at
pagsinghot, at pagkati ng ilong. Isa sa mga karaniwang allergen sa labas ng bahay ay ang pollen
na nakukuha sa mga halaman, sabi ng doktor. Kabilang naman umano sa mga allergen sa loob ng
bahay ay dust mites na nakukuha sa alikabok at mga insekto. Maaari din umanong magdulot ng
allergic rhinitis ang molds o amag na nasa bahay.
Para malaman kung saan allergic ang isang tao, puwede umano siyang kumonsulta sa isang
allergologist. Maaaring sumailalim ang isang tao sa skin test, kung saan tinitingnan kung may
reaksiyon ang balat niya sa mga allergen na ilalagay sa braso niya. Kung ayaw naman magpa-skin
test, puwede ring matukoy ang allergen sa pamamagitan ng blood test. Ayon kay Hilario, may
gamot naman sa allergic rhinitis tulad ng mga antihistamine.
Nagpaalala naman ang isang social enterprise group na maging listo laban sa sintomas ng
hepatitis B sa harap ng pandemya sa COVID-19. Sa harap ito ng paggunita sa World Hepatitis
Day noong Martes, Hulyo 28. Sa isang pahayag, sinabi ng grupong HepaHealth na mas mahirap
130
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
na makakuha ng healthcare services ngayong may pandemya at naka-quarantine ang ilang lugar.
Para sa HepaHealth, dapat paigtingin ang kaalaman ng publiko sa Hepatitis B. Binigyang-diin ng
mga eksperto na mahalagang malaman ng isang pasyente na may hepatitis B ito lalo’t lumalabas
sa mga pag-aaral na may mga hepatitis B patients na walang nararanasan na sintomas.
Ayon sa grupo, aabot sa 90 porsiyentong tao na may Hepatitis B Virus (HBV) ay walang
nararanasang sintomas. Posibleng makuha ang Hepatitis B sa palitan ng body fluids at isa sa
pinakapangkaraniwang paraan ng paglipat ng virus ay ang mother-to-child transmission na
kadalasang nangyayari sa panganganak ng ina. Kaya giit ng grupo na dapat bigyan din ng atensiyon
pagtugon laban sa naturang sakit, lalo’t maaaring mangyari anila ito sa kahit sino.
Umakyat naman sa 16 ang bilang ng mga kaso ng polio sa bansa mula nang magdeklara
ng outbreak noong Setyembre ng nakaraang taon, sabi ngayong Huwebes ng Department of Health
(DOH). Kabilang sa mga bagong kasong naitala ang pinakaunang pasyente ng polio sa Metro
Manila, na isang 3 taong gulang na lalaki mula Quezon City. Bukod sa bata sa Quezon City,
kasama rin sa mga bagong kasong iniulat ng Research Institute for Tropical Medicine sa DOH ang
2 lalaki mula Mindanao na may mga edad 2 at 3, at isang 2 taong gulang na lalaki mula Sultan
Kudarat.Hinimok naman ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga magulang na pabakunahan laban sa
polio ang kanilang mga anak, lalo iyong mga may edad 5 pababa.
Maituturing ang polio na isa sa mga suliraing pangkalusugan sa bansa. Ang poliomyelitis
o polio ay isang nakahahawang sakit dulot ng poliovirus. Ito ay maaaring maging sanhi ng
pagkalumpo, hirap sa paghinga, at kamatayan.
Tumaas ang bilang ng mga kaso ng polio sa bansa sa kabila ng pinatinding kampanya ng
gobyerno para bakunahan ang mga bata laban sa nasabing sakit. Nagtakda ang DOH ng
malawakang pagbabakuna kontra polio sa Mindanao mula Enero 20 hanggang Pebrero 2 at Metro
Manila mula Enero 27 hanggang Pebrero 7. Inatasan din ni Duque ang mga health facility na
paigtingin ang kanilang pagbabantay sa acute flaccid paralysis, na nagpapahiwatig ng pagkakaroon
ng polio. Noong Setyembre ng nakaraang taon, kinumpirma ng DOH ang pagbabalik ng polio sa
Pilipinas, 19 taon mula nang ideklara ng World Health Organization na "polio free" ang bansa.
Bagama’t ang puso ay isang napakatibay na organ, hindi nangangahulugan na hindi ito
tinatamaan ng sakit. Kung ang mga bahagi ng puso ay may problema o pagkasira, maaaring
magkaroon ng sakit sa puso o heart disease ang isang tao. Bukod sa puso, maaari ring magkaroon
ng problema sa ibang bahagi ng cardiovascular o circulatory system gaya ng mga daluyan ng
dugo. Sa Pilipinas lamang, isa ang sakit sa puso sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga
tao. Kung may sakit sa puso ang isang tao, maaari siyang makaramdam ng iba’t ibang sintomas
gaya ng pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga, iregular na pagtibok ng puso, pagkahilo, pananakit
ng ulo, pamumutla, pangangasul ng balat, pamamanas ng tiyan, binti, at paa, madaling
pagkapagod, at marami pang iba. Depende sa uri ng sakit sa puso, ilan sa mga sintomas na
nabanggit ay maaaring hindi maranasan gaya ng pangangasul ng balat at pamamanas.
Ang sinuman ay maaaring magkaroon ng sakit sa puso at wala itong pinipiling kasarian o
edad. Kahit ang isang sanggol ay maaaring maapektuhan ng sakit na ito kung siya ay isinilang na
may problema sa puso o congenital heart defect. Maaari ring magkasakit sa puso dahil hindi
malusog ang pamumuhay ng isang tao. Ang kadalasang sanhi ng sakit sa puso ay ang pagkain ng
maaalat at matatabang pagkain, kakulangan sa pag-eehersisyo, labis na timbang, paninigarilyo,
131
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
labis na pag-inom ng alak, at iba pa. Kung minsan naman, nagkakaroon din ng sakit sa puso dahil
komplikasyon na ito ng ibang karamdaman. Ang pagkakaroon ng sakit sa puso ay maaaring
magdulot ng panganib sa buhay ng isang tao lalo na kung hindi ito maaagapan. Kung ito naman
ay maaagapan, maaari pang makontrol o maibsan ang mga sintomas upang gumaan ang
pakiramdam ng pasyente. Ang ibang uri ng sakit sa puso ay maaari pang malunasan sa
pamamagitan ng pag-inom ng mga gamot, samantalang ang iba naman ay nangangailangan na ng
operasyon.
Ang sakit sa puso ay karaniwang isang lifestyle disease o mga sakit na nakukuha lamang
dahil hindi malusog ang paraan ng pamumuhay. Ang mga karaniwang sanhi nito ay: (1) Labis na
pagkain ng maaalat at matatabang pagkain; (2) Hindi nag-eehersisyo; (3) Labis ang timbang; (4)
Paninigarilyo; (5) Labis na pag-inom ng alak
Ang sakit sa puso ay nakaaapekto sa kahit sinuman subalit mas mataas ang posibilidad na
magkaroon nito kung nabibilang alinman sa mga sumusunod na grupo: (1) Pagiging matanda; (2)
Kasarian; (3) Namamana sa pamilya; (4) Altapresyon; (5) Hindi malusog na pamumuhay.
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso, gawin ang mga sumusunod: Kumain
ng balanse at masusustansiyang pagkain; Mag-ehersisyo araw-araw; Panatilihin ang tamang
timbang; Itigil ang paninigarilyo; Bawasan ang pag-inom ng alak; Regular na magpatingin sa
doktor.
132
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
ng boses sa publiko. Ayon pa kay Duque, “To ensure that 106 million Filipinos benefit from the
UHC reform the soonest, we need to make sure that first, Filipinos know what to expect, and
second, the implementers (health care providers, managers, and stewards) have a clear idea of how
to implement this task.” Ang buong implementasyon ng batas ay mangangailangan ng P270 bilyon
kada taon. Dagdag pa nito, para mapondohan ang UHC, kukuha ito ng parte mula sa taunang pondo
ng DOH, subsidiya ng PhilHealth sa mahihirap na pamilya, alokasyon na mula sa Philippine
Gaming and Amusement Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office, kontribusyon
mula sa mga miyembro ng PhilHealth, at sin tax na nakukuha mula sa alcohol at tabako.
Isa sa mga layunin ng 4Ps ang social development sa pamamagitan ng pagsira sa siklo ng
kahirapang naipapasa sa bawat henerasyon sa pamamagitan ng pamumuhunan sa kalusugan at
edukasyon ng mahihirap na kabataan. Sasailalim sila sa mga programa tulad ng: (1) check-up para
sa mga buntis at batang may edad 0 hanggang 5 taong gulang; (2) pagpupurga ng bulate ng mga
mag-aaral edad 6 hanggang 14; (3) pag-eenrol ng mga bata sa daycare, elementarya, at hayskul; at
(4) mga sesyon na tutulong sa pagpapabuti ng samahan ng pamilya.
Tinutulungan din ng 4Ps ang pamahalaan ng Pilipinas na matupad ang pangako nito sa
Millenium Development Goals (MDGs)—ispesipiko sa pag-alis ng labis na kahirapan at gutom,
sa pagkamit ng unibersal na edukasyong primarya, sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay sa
kasarian, sa pagpapababa ng bilang ng mga batang namamatay, at sa pagpapabuti ng pag-aalaga
sa mga buntis.
May dalawang uri ng tulong-pinansiyal o cash grant ang 4Ps na ibinibigay sa mga
benepisyaryong pamilya: (1) pinansiyang pangkalusugan: P500 bawat pamilya buwan-buwan,
o kabuuang P6,000 taon-taon; at (2) pinansiyang pang-edukasyon: P300 bawat bata buwan-
buwan, sa loob ng sampung buwan, o kabuuang P3,000 taon-taon (maaaring magrehistro ang isang
pamilya ng hanggang tatlong bata para sa programa). Ipinaaabot sa mga pamilyang benepisyaryo
ang tulong-pinansiyal na ito sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines o, kung di
kakayanin, sa pamamagitan ng mga alternatibo tulad ng Globe G-Cash remittance at mga
transaksiyon sa mga bangkong pamprobinsiya.
133
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Kinakailangan ding isang propesyonal na kumadrona o doktor ang magpaanak sa kanila; (2)
Kailangang pumunta ang mga magulang o tagapangalaga sa mga family development session, o
kung saan tutulungan sila kung paano maging responsableng magulang, alagaan ang kalusugan at
nutrisyon; (3) Kailangang regular na magpa-check up at magpabakuna ang mga batang may edad
0 hanggang 5 taong gulang para maiwasan ang pagkakasakit; (4) Kailangang uminom ng
pampurga ng bulate sa tiyan ang kabataang may edad 6 hanggang 14 taong gulang dalawang beses
sa isang taon; at (5) Kailangang mag-enrol sa eskuwelahan ang mga benepisyaryong kabataan na
may edad 3 hanggang 18 taong gulang, at pumasok sa klase nang di-bababa sa 85% ng kabuuang
bilang ng klase kada buwan. Sa pakikipagtulungan ng PhilHealth, 4.4 milyong benepisyaryo na
ang naipasok ng 4Ps sa ilalim ng National Health Insurance Program.
134
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
seguridad sa transport; at (d) di-sapat na pasilidad pangtransport lalo na sa mga lugar na apektado
ng sigalot at kawalan ng kaunlaran.”
Mahalaga ang panghuling punto (d) ng National Transport Policy, dahil ito, sa esensiya
ang polisiya ng kasalukuyang rehimen: Mag-akit ng malalaking dayuhang kapital para
mamuhunan sa imprasktraktura ng transportasyon sa bansa. Siyempre, nangangahulugan ito na
aasahan din ng malalaking dayuhan at lokal na negosyanteng sangkot dito na kikita ang kanilang
puhunan.
Isang halimbawa lang nito ang pagbibigay ng rehimeng Duterte ng malalaking kontrata sa
malalaking negosyanteng Tsino sa pagmamantine sa MRT at LRT (Light Rail Transit).
Samantala, gusto ng rehimeng Duterte na amyendahan ang Commonwealth Act No. 146
o Public Service Law, lalo na kaugnay ng mga nagnenegosyo sa pampublikong mga serbisyo
tulad ng transportasyon. Sa panukala ng rehimen, maaaring mag-ari na ang mga dayuhan ng 100
porsiyento ng mga kompanya sa transportasyon.
Halata sa mga programa ng rehimeng Duterte na target talaga nitong isapribado ang sa
ngayo’y pampublikong mga transportasyon na inoopereyt ng maliliit o kaya’y independiyenteng
mga operator – mga moda ng transportasyon na inaasahan ng mayorya ng mga komyuter.
Maliban sa MC 2017-011, kasama rin dito ang planong Provincial Bus Ban ng MMDA o
pagbabawal sa mga provincial buses na dumaan sa EDSA. Batay ito sa Regulation No. 19-002 ng
MMDA na naglalayong ipasara ang lahat ng 47 terminals ng provincial buses sa naturang kalsada.
Ang sinasabi ng rehimeng Duterte na dahilan: para maibsan daw ang trapiko sa EDSA.
Pero batay mismo sa datos ng MMDA, umaabot lang sa tatlong porsiyento ng lahat ng
sasakyan sa EDSA ang mga bus. Samantala, umaabot na sa 67 porsiyento ng mga sasakyan sa
EDSA ay pribadong mga sasakyan tulad ng pribadong mga kotse, van, SUV, at iba pa. Mula sa
datos na ito, mahihinuhang hindi bus ang problema ng trapiko sa EDSA – at nakita ito sa pagtindi
135
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
ng trapiko sa EDSA sa kabila ng pangalawang dry run ng provincial bus ban na isinagawa ng
MMDA rito noong Agosto 7. (Isinagawa ng MMDA ang naturang dry run sa kabila ng temporary
restraining order ng Korte Suprema sa naturang ban.)
Nakatanggap ang MMDA ng matinding batikos sa naturang plano nila. “Talagang di-
siyentipiko at di-demokratiko ang hakbang (provincial bus ban),” sabi ni Ariel Casilao,
pangalawang tagapangulo at dating kinatawan sa Kamara ng Anakpawis Party-list. Sa
maraming pag-aaral, ayon kay Casilao, malinaw na mas marami ang naisasakay ng isang bus
kumpara sa dalawa hanggang tatlong kotse na sumasakop sa parehong espasyo ng bus.
Ayon naman kay Sen. Grace Poe, tagapangulo ng committee on public services sa
Senado, mistulang “science project na puno ng eksperimento” ang ginagawa ng MMDA at DOTr
na lalong nagpapalala umano sa sitwasyon. Pinaiimbestigahan ni Poe sa Senado ang naturang mga
iskema ng gobyerno.
Pero ano ang itinutulak ng rehimeng Duterte sa ilalim ng National Transport Policy nito?
Dito, nakabalangkas na sa pribadong pamumuhunan at negosyo ang polisiya sa transportasypon
ng rehimeng Duterte, at hindi sa prinsipyong dapat na serbisyong panlipunan ang transportasyon.
136
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Taong 2017 nang matagumpay na naipahayag ng Piston at iba pang grupo ng mga tsuper
at operator ang pagtutol nila sa jeepney modernization sa pamamagitan ng mga protesta at welga.
Noong panahong iyon, napabuladas si Duterte na ipapabaril niya ng “rubber bullets” at “hihilahin”
niya ang mga jeep ng mga miyembro ng Piston na nagpoprotesta at hindi sumusunod umano sa
“modernisasyon.” Sa kabila ng mga protesta, bahagyang napaatras ang DOTr sa implementasyon
ng programa. Gayunman, pansin ng Piston na tila ipinatutupad naman ito ng naturang ahensiya sa
pamamagitan ng lalong paghihigpit sa mga jeepney drayber at operator at pagpataw ng matataas
na mga singil sa kanila.
Ayon sa Agham, grupo ng makabayang mga siyentipiko, ang dapat sanang ginagawa ng
gobyerno sa kagyat ay bigyan ng ayuda ang impormal na mga moda ng transportasyon katulad ng
jeepney. Sa position paper nito hinggil sa jeepney modernization noong 2017 ay nabanggit na sa
kalagayang walang malinaw na plano sa pagtugon sa mass transport sa sentrong lungsod at
kanayunan, dapat sana’y sinusuportahan at sinusubsidyuhan ng gobyerno ang impormal na public
transport alternatives tulad ng jeepney. Sa kongkreto, maaari sanang suportahan ng rehimeng
Duterte ang panukalang “palit-jeep” (o libre o murang pagpalit sa mga lumang jeep). Sinabi pa rin
ng Agham na mas mapabibilis nito ang rehabilitasyon at paggamit ng bagong mga teknoloniya sa
halip na ipataw ang tungkulin (ng modernisasyon) sa naghihirap na ngang jeepney drivers.
Binatikos din ng Agham ang plano ng gobyerno na itulak ang mga jeep na pumaloob sa
malalaking korporasyon o consortium, dahil mapapasailalim lalo ang sistema ng transport sa
malalaking pribadong pagnenegosyo. Samantala, kahit ang mga drayber o operator ng mga
prangkisa ng TNVS, ipinortesta noong Hulyo ang paghihigpit ng Land Transportation,
Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga rekisito—katulad ng pagbabawal sa ilang
klase ng kotse, mataas na bayad sa prangkisa at iba pa.
Malinaw mula sa mga pag-aaral kung ano ang pangmatagalang solusyon sa problema ng
trapiko sa bansa - ang pagpapalakas sa sistema ng pampubliko o mass transport. Nangangahulugan
ito ng direktang pagtuon ng gobyerno ng mga rekurso nito sa mass transport. Kung kagyat na
solusyon lang ang pagsuporta sa impormal na mga moda ng transport (tulad ng jeep atbp.), ang
pangmatagalan ay ang pamumuhunan ng gobyerno sa mga moda ng mass transport na episyente
at malinis na magsasakay sa dumaraming bilang ng mga komyuter sa Kamaynilaan, ayon sa
Agham.
137
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
negosyante para kumita. Kakatwang hindi man lang nagagamit sa National Transport Policy ng
rehimeng Duterte ang terminong “mass transport. Sabi pa ng Agham na mahalaga ang sistema ng
pangmasang transportasyon sa pagkakaroon ng dinamiko at industriyal na ekonomiya sa
pamamagitan ng paglilingkod sa iba-ibang ugnayan (linkages) sa ekonomiya. Bilang
pampublikong yutilidad (utility), may obligasyon ang gobyerno na magbigay ng episyente at abot-
kayang serbisyo sa transport ng mga mamamayan…”. Sinabi pa ng grupo na kailangang tingnan
ng gobyerno ang sarili nito bilang pangunahing tagabigay ng serbisyo sa transportasyon. Habang
hindi ganito pagtingin ng rehimeng Duterte, mananatili ang pagdurusa ng milyun-milyong
komyuter.
Disiplina sa lansangan ang lunas sa trapik. Tumataginting na P3.5 bilyon kada araw ang
nawawalang kita ng Pilipinas dahil sa malubhang problema sa trapiko, ayon sa pinakabagong pag-
aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA). Nakapanlulumo ngunit ito ang
katotohanan. Resulta ito ng labis na bilang ng mga sasakyan, mga kolorum, illegal parking, illegal
terminal, sidewalk vendors, jaywalkers, pedicab at tricycle sa mga highway, kamoteng mga
motorcycle riders at aroganteng mga tsuper. Samakatwid, kawalan ng disiplina ang pangunahing
problema ng bansa sa mga lansangan.
Kaya naman noong Agosto 2016, itinatag ang Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT)
sa pangunguna ni Department of Transportation Secretary Arturo Tugade upang pagsanibin ang
lahat ng ‘law enforcement agencies’ na may kaugnayan sa pagmamando sa trapiko. Kabilang dito
ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), PNP-Highway Patrol Group, Land
Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Binuo
ang i-ACT upang mas mabisang makatugon sa problema ng trapiko sa bansa habang hinihintay
ang hinihiling na ‘special power’ sa trapiko ni Pangulong Rodrigo Duterte buhat sa Senado.
Tututok ito sa limang “E” ng traffic management: ang enforcement, education, environment,
engineering at economics.
Nitong Setyembre 2017, muling inilunsad ang i-ACT at isinama na sa grupo ang Armed
Forces of the Philippines (AFP), mga lokal na pamahalaan sa pama-magitan ng Metro Manila
Council at ang Liga ng mga Barangay. Nakikita kasi ng pamahalaan na mas magiging epektibo
ang paglaban sa mga pasaway kung may kooperasyon ng mga lokal na opisyal lalo na ang mga
barangay chairman na siyang nakakakita sa sitwasyon sa kanilang nasasakupan.
Inilunsad din ang Task Force Alamid, ang ‘operating arm’ ng i-ACT na lumibot hindi lang
sa Metro Manila ngunit maging sa mga kanugnog na mga lalawigan ng Rizal, Cavite, Bulacan at
Laguna. Sa magkakasunod na operasyon, dito lumantad ang mapait na katotohanan sa umiiral na
bulok na sistema na mismong mga opisyal ng barangay ang kumukun-sinti sa mga iligal na
terminal, sidewalk vendors, mga establisyimentong kumain na sa bangketa at kalsada at illegal
parking. Tunay na nanuot na sa kalamnan ng lipunan ang problema sa lansangan.
138
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Mula nang ilunsad ang Tanggal Usok, Tanggal Bulok campaign, nasa 1,904 na ang
nahuhuli ng TF Alamid sa mga lansangan. Nasa 1,499 ang natikitan dahil sa mga depektibong
parte ng sasakyan, 107 sasakyan ang na-impound dahil sa pagiging kolorum, illegal parking at iba
pa; habang 297 ang naisyuhan ng ‘subpoena’ dahil sa pagiging bulok ng mga behikulo.
Masakit sa bulsa ang multa kapag nahuli sa mga bayolasyon. Ipinatutupad ng i-ACT ang
Joint Administrative Order ng DOTr sa multa sa batas trapiko. Ang isang jeep na kolorum ay
pinagmumulta ng P50,000; P200,000 sa mga van at napakataas na P1 milyon sa bus. Ginawa ito
upang madala ang sinuman na mahuhuli na namamasada nang walang kaukulang prangkisa buhat
sa LTFRB. Masakit pa rito, ilan sa mga nahuhuli na na-ngongolorum ay tauhan ng pulisya, ng
pamahalaan, o kaanak na nais laktawan ang batas para sa sinasabi nilang “paghahanapbuhay.”
139
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
dahil sa hindi awtorisadong pag-angkas. Pinagmumulta ng P1,500 hanggang P2,000 ang mga sinita
sa unang paglabag. Muli ring kinontra ng motorcycle expert ang pagkakaroon ng mandatory
barrier. Ayon kay Atoy Cruz ng Motorcycle Philippines Federation, hindi ligtas ang barrior at
maaari pang pagmulan ng aksidente. Ilang beses na raw sumulat ang grupo sa mga ahensiya ng
pamahalaan pero hindi sila pinapakinggan. Pero nanindigan ang Department of Transportation na
paraan ang barrier para maiwasan ang road crashes dahil malilimitahan nito ang bilis ng takbo ng
motorsiklo.
Sa tala ng Global Homeless Statistics, nasa apanapu’t apat na porsyento (44%) ng mga
Pilipino ang nananatiling walang maayos at permanenteng tirahan na matatagpuan sa Metro
Manila.Batay naman sa tala ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC)
nasa 5.5-milyong kabahayan pa ang kinakailangang ipatayo para sa mga mahihirap na Filipino at
higit 1.4 na milyong kabahayan para sa mga biktima ng kalamidad sa bansa.
Bagama’t may inisyatibo ang pamahalaan na magbigay ng mga libreng pabahay sa mga
walang masisilungan, ang mga inisyatibong ito ay hindi nagiging ligtas sa kontrobersiya. Ang
paliwanag ng nakararami, hindi sapat ang pagbibigay ng pamahalaan ng masisilungan ng mga
maralita. Ang kanilang kailangan ay disenteng tahanan na may angkop na mapagkukunan ng
kanilang mga pangunahing pangangailangan para mabuhay nang marangal katulad ng malinis na
tubig, kuryente, at ang distansya o lapit sa lugar kunga saan sila naghahanapbuhay.
140
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Sa panahon ngayon, marami nang kabataan ang hindi nakapagtatapos ng pag-aaral at ang
pangunahing dahilan nito ay kahirapan na isa pang malaking problemang kinakaharap ng bansang
Pilipinas Ang pagkakaroon ng korupt na gobyerno ay isang dahilan kung bakit naghihirap ang
141
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
ating bansa. Isa pang dahilan kung bakit may mga kabataang hindi nakapagtatapos ay dahil
nagiging rebelde ito. Maraming nakaiimpluwensiya sa mga kabataan ngayon. Mga problemang
pampamilya, pampinansiyal, at ang iba’y napapabarkada.
Isa pang problemang pang-edukasyon ang mababang kalidad ng pagtuturo. Dahil nga sa
mga maling metodolohiya na naituturo sa mga kabataan, inaakala nito na ito’y tama. Ang isang
epektibo at magandang kalidad ng pagtuturo ay hindi napagtatagumpayan ng isang guro dahil nga
kulang pa ito sa kaalaman tungkol sa kaniyang napiling asignatura. Ang kakulangan sa pondo ay
isa pang problema sa ating edukasyon, kahit na sapat ang badyet ng ating gobyerno kung hindi
maayos ang paggamit nito, hindi uunlad ang edukasyon sa ating bansa.
Nakita rin suliranin ang kakulangan ng mga guro.Sa panahon ngayon kulang na
kulang pa rin ang mga guro sa paaralan, lalo na sa mga liblib na lugar. May mga guro na
pinagsasamang turuan ang mga batang nasa baitang 1 hanggang- 4, hinahati na lamang ang
kaniyang oras para maturuan ang ibang bata. Isa pang suliranin ang kakulangan ng sweldo
ng mga guro Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi ganun kalaki ang suweldo
ng isang guro, kulang pa ito sa kanilang mga gastusin, kaya naman ang ginagawa ng iba ay
nagtitinda ng kung anu-ano sa loob ng klasrum para maragdagan ang kanilang pera, na
nagiging dahilan daw naman ng hindi pagpopokus ng isang guro na maturuan ng maayos
ang mga bata. Ang mataas na matrikula sa mga pamantasan ay isa rinsa mga dahilan kung
bakit kakaunti lamang ang mga batang nakapapasok lalo na sa kolehiyo. Gayundin ang
kakulangan ng mga libro. Hanggang ngayon kulang parin ang mga libro kahit sabihing nasa
makabago na tayong panahon uso na ang internet at computer at madali ng mag search sa
internet ng mga kaalaman, isipin naman natin ang mga batang nasa malalayong lugar na di
pa masyadong abot ng kabihasnan,saka iba parin talaga ang may aklat sapagkat
nadidisiplina ang bata na magbasa at magtiyagang magbasa ng aklat.
Upang matugunan ang mga nabanggit na suliranin, mahalagang bigyan ng malaking badyet
ang pagpapagawa ng mga silid aralan at huwag kurakutin ng mga nasa katungkulan ang budget na
nakalaan dito, isipin ninyo na ang mga mga batang iyan ang magiging pag-asa natin para sa
magandang kinabukasan ng ating bansa pagtuunan natin sila ng pansin. Taasan ang sahod ng mga
guro, at bawasan ang trabahong iniaatang sa kanila tulad ng pagagawa ng reports at kung ano-ano
142
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
pa, sapagkat marami ang ayaw kumuha ng kursong edukasyon sa kolehiyo sapagkat hindi lingid
sa kanilang kaalaman na hindi sapat ang sahod ng isang guro sa hirap ng trabaho na ginagawa nila.
Itaas ang sahod ng mga guro, huwag ipagkait sa kanila ang dagdag na sahod, sapagkat ang mga
guro ang dahilan kung bakit may isang pulis, may mga duktor, may mga abogado at iba pa. Hindi
rin naman biro ang kanilang sakripisyo para matuto ang mga bata lalo na ang mga gurong
nadidistino sa malalayo at liblib na lugar. Ibaba ang matrikula sa mga pamantasan, magtayo ng
mas maraming pampublikong paaralan para sa mga mahihirap, magtayo ng mga programang
tutulong sa mga bata upang makapag-aral hanggang kolehiyo. Nararapat ding maglaan ang
pamahalaan ng badyet para sa mga aklat. Isipin ang mga batang nasa liblib na lugar na di pa abot
ng sibilisasyon na tanging aklat lang ang aasahan upang matuto sila. Turuan din ang mga bata
kung papaanong mag-ingat ng mga aklat, upang hindi ito masira at mapakinabangan pa ng mas
maraming kabataan.
Isang malaking usapin ngayon ang panukala ni Quezon City 5th District Rep. Alfred
Vargas ang “no homework policy.”
143
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Isa rin sa napag-alaman ng PISA ay ito: tanging 31% lamang ng Pinoy na estudyante
na edad kinse anyos ang may growth mindset – o may paniniwalang uunlad sila sa pag-aaral
at pagsusumikap. (Bilang reference, ang growth mindset sa bansang nasa ilalim ng
Organisation for Economic Cooperation and Development o OECD ay 63%.) Habang
bukambibig ang "sipag at tiyaga" at "magsumikap ka," hungkag na ito para sa maraming
nagsikap at walang pinatunguhan dahil na rin sa ampaw ang kanilang edukasyon. Idagdag
pa diyan ang bias ng mga kumpanya sa pag-eempleyo ng mga gradweyt ng mga premyadong
institusyon tulad ng Ateneo, La Salle , UP, UST atbp.
144
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Samantala, taong 2011 naipatupad na rin ang matagal nang pinaplanong pagbabago sa
programang pang-edukasyon ng Department of Education (DepEd) sa Pilipinas na tinatawag na K
to 12 Program.
Gamit ang modelo ng mga Kanluraning bansa bilang modelo, ang bagong learning scheme
na ito ay ang K to 12 basic education program. Maraming miyembro ng Akademiya, mga
estudyante, at mga magulang ang unang tumanggi sa pagbabagong ito kahit noon pa lamang
iminumungkhai ito. Para sa mga magulang at mga estudyante, dagdag gatos ito dahil tatagal ang
ilalagi ng isang bata sa eskwelahan. Para sa mg administrador ng mga paaralan, napakalaki at
napakalalim ng kakailanganing reporma sa pagsasaliksik para matugunan ang requirements ng K
to 12 program. Sa kabila ng mga pagtutuol at pag-aagam-agam, naituloy rin ang mahalagang
pagbabagong ito sa Philippine education.
Ang DepEd ang nagpatupad at namahala sa edukasyong K to 12 simula nang pormal itong
italaga noong 2013. Sila ang may eksklusibong pamamahala sa mga pampublikong paaralan at
regulasyon para sa pribadong paaralan. Mula 10 taon ng basikong edukasyon mula 1945 hanggang
2011, ang implementasyon ng programang K to 12 ng DepEd at kasunod na retipikasyon ng
Kindergarten Education Act of 2012 at Enhanced Basic Education Act of 2013, naging
labintatlong taon na ang basikong edukasyon ngayon. Isang taon ang para sa kindergarten, 6 na
taon para sa elementarya, 4 na taon para sa junior high school, at 2 taon para sa senior high school,
para sa mga mag-aaral mula edad 5 hanggang 17. Nitong 2017 lamang naipatupad ang
implementasyon ng grade 12.
Ayon sa DepEd, ang Pilipinas ang huli sa mga bansa sa Asya na nagpapatupad pa ng 10
taong basikong edukasyon. Ang 13 taong programa ay sinasabing pinakamabisang haba ng
panahon para lalong mapaigting ang pagkatuto ng mga bata. Ganito na rin kasi ang programa sa
mga bansang mauunlad sa mundo.
Ano nga ba ang kabutihang dulot ng bagong sistemang ito? Una, pinatitibay at
pinahahalagahan ang Early Childhood Education sa Kindergarten. Ang unang 6 na taon ng isang
bata ay ang mga kritikal na taon para sa brain development. Ikalawa, idinagdag sa kurikulum ang
makabuluhang life lessons tulad ng pagbubukas ng diskusyon at pag-aaral tungkol sa Disaster Risk
Reduction, Climate Change Adaptation, at Information and Communication Technology, na
145
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
sadyang mahalaga sa mga mag-aaral na Pilipino. Ikatlo, may integrasyon at Seamless Learning o
Spiral Progression - ang pag-uulit ng pag-aaral ng mga kosepto at aralin mula pinakasimple
hanggang sa pinakakomplikado, sa bawat grado o baitang. Inaayon ito sa edad ng mga mag-aaral,
kaya’t higit na naiintindihan at naaalala ang bawat aralin. Ikaapat, itinuturo ang aralin gamit ang
sariling wika, o tinatawag na Mother Tongue-Based Multilingual Education sa unang 3 baitang,
bago ituro ang ikalawang wika tulad ng English. May 12 mother tongue languages na sinimulan
nang gamitin sa pagtuturo noong 2012 - 2013: Bicolano, Cebuano, Chavacano, Hiligaynon,
Ilokano, Kapampangan, Maguindanaoan, Maranao, Pangasinense, Tagalog, Tausug, Waray.
Idinagdag din ang Aklanon, Ibanag, Ivatan, Kiniray-a, Sambal, Surigaonon, at Yakan nang
sumunod na taon. Ikalima, may 7 learning areas at 3 ispesyalisasyon na maaaring pagpilian ang
mga mag-aaral para sa Senior High School, ang 2 taon ng specialized upper secondary education.
Ang core curriculum learning areas ay languages, literature, communication, mathematics,
philosophy, natural sciences, at social sciences. Ikaanim, itinuturo ang information, media at
technology skills, learning at innovation skills, communication skills, at life career skills, para
lumaking handa sa lahat ng pagsubok lalo na bilang isang adult.
Halos 6 na taon na mula nang ipatupad ang bagong sistemang ito sa mga pampubliko at
pampribadong paaralan sa buong Pilipinas. Maraming sumalungat noon pa laman, ngunit sa
ngayon, may karamihan na rin ang may nakikitang kabutihan at positibong resulta ang programang
ito.
146
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Para sa matatagal nang nagtuturo, sinasabi nilang hindi sapat ang panahon ng paghahanda
para maipatupad ang programang ito. Pakiramdam rin ng mga guro na napakarami pang problema
at balakid para makamit ang primary goal ng DepEd para sa K to 12 program. Hindi raw kompleto
ang mga materyal, wala pang textbooks at hindi pa makasabay sa requirement na programa lalo
na sa public school dahil wala namang internet, computer, at telebisyon. Kaya ang resulta, hindi
pa nila tuluyang nararamdaman ang pagbabago, kahit na 6 na taon na itong ipinatutupad.
147
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Mga Gawain
Migrasyon
1. Teksto-suri (POW +Tree): Basahin at unawain ang mga epekto ng migrasyon sa iba’t ibang
aspekto. Pagkatapos ay sagutan ang talahanayan sa ibaba. Iclick ang mga link na:
a. http://www.migrationpolicy.org/article/migration-factor-development-andpoverty-
reduction artikulo ukol sa “Migration as a Factor in Development and Poverty Reduction”
b. http://www.un.org/esa/population/migration/turin/Symposium_Turin_files/P11_ Katseli.
pdf ukol sa epektong panlipunan ng migrasyon
d. https://ph.video.search.yahoo.com/video/play?p=video+on+human+migration&vid=db62
2b73b333a9924125ffa37c6b01ff&l=5%3A17&turl=http%3A%2F%2Fts3.mm.bing.net%
2Fth%3Fid%3DVN.608029750049243294%26pid%3D15.1&rurl=http%3A%2F%2Fww
w.youtube.com%2Fwatch%3Fv%3DWXQd21to6xg&tit=Human+Migration%3A+Push+
and+Pull+Factors&c=2&sigr=11ae065ua&sigt=1167o8kqq&ct=p&age=0&fr=yfp-t-
711&tt=b video ukol sa sanhi at epekto ng migrasyon
e. http://www.powershow.com/view/4a44-
MGZhY/Causes_and_Consequences_of_Migration_powerpoint_ppt_presentation
powerpoint ukol sa Causes and Consequences of Migration
148
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Pangunahing Ideya
Opinyon
2. Pagsulat ng Repleksyong Papel (Isahan): Panoorin ang video tungkol sa epekto ng migrasyon
sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=fBdDEAV5rF8. Pagkatapos ay sumulat ng
repleksyong papel (na hindi kukulangin sa 150 salita) kaugnay nito. Ang repleksyong papel ay
dapat buuin ng sumusunod na bahagi: introduksyon, repleksyon, at kongklusyon.
Globalisasyon
1. Sa iyong palagay, makabubuti ba sa isang bansang papaunlad pa lamang katulad ng
Pilipinas ang sumabay sa globalisasyon? Ipaliwanag?
149
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Politikal
1. Gumawa ng graphic organizer na na naglalagom sa isinusulong na sistemang pederalismo.
Bigyan ng paliwanag ang graphic organizer.
2. Sumulat ng isang sanaysay na hindi kukulangin sa 100 salita tungkol sa sitwasyong ito:
Sinasabi sa ating Saligang Batas na ipinagbabawal ang dinastiyang politikal. Ano ang
masasabi mo tungkol dito kung titingnan ang sitwasyon sa ating bansa?
Edukasyon
1. Gumawa ng reaksyong papel tungkol sa iyong mga puna sa pagpapatupad ng sistemang K
to 12 sa edukasyon ng Pilipinas
Transportasyon
1. Gumawa ng ilustrasyon ng plano para sa pagpapabuti ng sistema ng transportasyon na
maaari mong maimungkahi para mabawasan ang suliranin sa transportasyon sa bansa.
Ipaliwanag ito.
Kultural at Linggwistiko
1. Gumawa ng talahanayan na nahahati sa tatlong kolum na naglalaman ng mga sumusonod:
Bansa na Nagkaroon ng Ugnayan sa Pilipinas; Impluwensiya sa Kulturang Pilipino; Epekto
ng Impluwensiya sa Pagkataong Pilipino.
2. Sumulat ng isang sanaysay na hindi kukulangin sa 100 salita tungkol sa iyong pagsuporta
o di-pagsuporta sa pagsasama ng Filipino sa kurikulum pangkolehiyo.
Pangkalusugan
1. Sumulat ng reaksyong papel tungkol sa pandemya ng Covid-19 na nararanasan ng buong
mundo sa kasalukuyan. Ito ay dapat buuin ng tatlong bahagi: Introduksyon,
Pagtalakay/reaksyon, at Kongklusyon.
150
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Pabahay
1. Basahin ang artikulo sa link na: https://journal.com.ph/editorial/opinion/problema-sa-
pabahay. Gawan ng reaksyong papel.
Pagsulat ng Sanaysay: Pumili ng dalawa sa mga sumusunod na larawan sa ibaba. Gawan ng isang
sanaysay na binubuo ng hindi kukulangin sa limampung salita bawat isa ang mapipiling larawan.
151
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
YUNIT VI
MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON
Lunsaran
152
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Sa unang larawan, ano ang nais ipagawa ng traffic enforcer sa motorista? Paano niya
ipinahatid ang mensaheng ito? Sa ikalawang larawan, ano naman ang nais ipagawa ng traffic
enforcer sa motorista? Paano niya ipinahatid ang mensaheng ito? Sa aling larawan may
nangyayaring komunikasyon? Ipaliwanag ang sagot.
Larawan 1 Larawan 2
May dalawang uri ng komunikasyon; ang berbal at di-berbal. Berbal ang komunikasyong
ginagamitan ng wika o salita at mga titik na sumisimblo sa kahulugan ng mga mensahe. Di-berbal
naman kapag ginagamitan ng mga kilos o galaw ng katawan upang maiparating ang mensahe at
hindi sa pamamagitan ng salita o wika. Sa pag-aaral ni Albert Mehrabian, propesor sa Clarl
Univeristy, na lumabas sa kaniyang aklat na Silent Messages: Implicit Communication of Emotions
and Attitudes, isang aklat hinggil sa komunikasyong di-berbal, 7% raw ng komunikasyon ay nang
gagaling sa mga salitang ating binibigkas, 38% ay nanggaling sa tono ng ating pagsasalita, at 55%
ay nanggaling sa galaw ng ating katawan. Sa madaling salita, 7% lang ng nais nating iparating
ang nanggaling sa ating mga salita. Ang resulta ng kaniyang pag-aaral ay ginagamit at itinuturo
rin sa ilang judicial institutes sa Amerika, bagama’t marami ang hindi sumasang-ayon sa kaniyang
natuklasan. Ayon sa ilang eksperto, kadalasan ang pag-aaral ni Mehrabian ay hindi nauunawaan.
May katotohanan man o hindi, isang aral ang iniiwan nito sa atin na kung anuman ang mensahing
nais nating ipahatid ay hindi masasabi lahat ng salita. Ang ilang maseselang bagay, kung minsan,
na maaaring magkaroon ng ibang interpretasyon ay mas mabuting sabihin nang personal.
Sapagkat inilalantad nito ang emosyon ng nagsasalita at kinakausap, mahalaga ang di-
berbal na komunikasyon sapagkat nililinaw nito ang kahulugan ng mensahe at pinananatili ang
resiprokal na interaksyon ng tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe.
Samantala, may iba’t ibang pag-aaral sa mga anyo ng di-berbal na komunikasyon: (1)
Kinesiks (Kinesics) o ang pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. Hindi man tayo bumigkas ng
salita, sa pamamagitan ng pagkilos ay maipararating natin ang mensaheng nais nating ipaghatid.
Halimbawa, sa ikalawang larawan ay nakita mo na nang sumenyas ang traffic enforcer sa motorista
na alam niyang ang ibig sabihin nito ay hinto. Kapag ang isang tao ay idinikit nang patayo ang
kaniyang hintuturong daliri sa kaniyang labi, alam nating ang ibig sabihin nito ay kailangang
tumahimik. Kadalasan ginagamit din natin ang mga kumpas; (2) Ekspresyon ng mukha (Pictics)
o ang pag-aaral ng ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid. Sa
153
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
154
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
paggamit ng wika. Kung ang isang tao ay may kakayahang pangkomunikatibo, naiaangkop niya
ang kaniyang wika sa sitwasyon, sa lugar ng pinangyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.
155
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
puwesto, malaking porsyento pa rin ng boto ang nakamal ng dating senador - patunay na malaki
ang tungkulin na ginampanan ng mga dokumentaryo at propagandang nabanggit.
Komunikasyon Bilang Panlinang Ugnayan
Gaya ng nabanggit na sa yunit na ito, isang tungkulin din ng komunikasyon ang luminang
sa ugnayan at relasyon. Nagsisimula ang pagkakaibigan sa interaksyon sa pagitan ng dalawang
nilalang na may pinagkasunduang bagay. Nagiging mas matibay ang samahang ito sa
pamamagitan ng palagiang pakikipag-usap sa isa’t isa. Komunikasyon din ang nagpapatibay sa
ugnayan ng mga miyembro ng isang komunidad. Sa pamamagitan ng patuloy na pag-uusap sa
kung paano pamamahalaan ang mga mamamayan, lugar at mga pinagkukunan, lalong
napagbubuklod ang isang lipunan.
Sa mas malaking konteksto, pinagtitibay ng komunikasyon ang ugnayan ng mga bansa
gaya ng patuloy na nagaganap sa pagitan ng mga miyembro ng ASEAN Community. Dahil sa
tuloy-tuloy na diyalogo sa pagitan ng mga lider ng bansa, naging posible ang mas mabilis na
pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo. Naging mas madali na rin ang paglilipat-lipat ng kapital
at puhunan sa pagitan ng mga bansang bahagi nito. Isa pa sa mga naging epekto ng ASEAN
Integration ay ang mas maluwag na foreign policy na nag-alis sa ilang restriksyon sa pagbisita at
pagtatrabaho sa mga miyembrong bansa.
156
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
(1967), maaaring baguhin - pagbutihin o hulawin - ng daluyan ang mensaheng nais iparating.
Halimbawa, mas sinsero ang paghingi ng tawad kung ito ay personal na ipararating kaysa
ipadadala sa pamamagitan ng text o email. Mahalagang isa-isahin ang mga uri ng komunikasyon
at himayin ang mga kalakasan at kahinaan nito sa pamamagitan din ng pagbibigay ng mga
halimbawa, upang mapahusay ang pakikipag-ugnay sa kapuwa.
Intrapersonal na Komunikasyon
Bagama’t madalas na bigyang-kahulugan ang komunikasyon bilang pagpapalitan ng
mensahe sa pagitan ng dalawang tao, itinuturing ding halimbawa ng komunikasyon ang
intrapersonal na komunikasyon o pakikipag-ugnayan sa sarili sa pamamagitan ng replektibong
pag-iisip o internal vocalization (Dance & Larson, 1972). Ito’y isang kognitibong proseso sa loob
ng ating sarili - isang diyalogo o kumbersasyon na patuloy na nagaganap sa ating sarili. Ito ang uri
ng komunikasyon na nagaganap sa loob lamang ng isipan ng isang tao, na nagdidkta ng kaniyang
magiging tugon sa mga pangyayari sa paligid. Pansarili ang ating
komunikasyon dahil may mga ideya at damdamin tayong
pinagninilay-nilayan. Isang halimbawa ng intrapersonal na
komunikasyon ay ang pagpapasiya kung anong reaksyon ang
ipakikita ng isang tagapagsalita - maiinis at mananatiling walang
tinag - matapos kuwestiyunin ng mga kalahok ang kaniyang datos
na ipinahayag sa isang plenaryong pagpupulong. Sa mas personal
na antas, ginagamit ginagamit din ang intrapersonal na
komunikasyon upang kumbisihin ang sarili na mas pagtuunan ng
pansin ang mas magagandang pangyayari sa buhay nang sa gayo’y
lalong ganahan na magpatuloy. Mahalagang matutuhan ang
intrapersonal na komunikasyon upang lalong maging malalim at
epektibo ang pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
Interpersonal na Komunikasyon
Nagaganap naman ang interpersonal na komunikasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang
tao o pangkat. Ginagamit ang ganitong uri ng komunikasyon upang bumuo, magpanatili, at maging
tumapos ng ng ugnayan. Upang matamo ang mataas na kalidad
sa pagtatrabaho at pagtatagumpay sa operasyon ng isang
tanggapan, ang interpersonal na komunikasyon ay isang
napakahalagang kasangkapan. Madalas makikita ang ganitong
uri ng komunikasyon sa pagitan ng mag-asawa, dalawang
miyembro ng pamilya, magkaibigan, amo at empleyado, at iba
pa. Ilan pa sa mga halimbawa ang interaksyon sa pagitan ng
fitness coach at trainee, duktot at kaniyang pasyente, at
consultant at isang opisyal ng gobyerno. At dahil ito ang
pundasyon sa matagumpay na miting, paglutas ng suliranin,
resolusyon ng mga isyu, paghawak ng mga tunggalian o di-
pagkakaunawaan, interaksyon ng suplayer at kustomer, at ang pang-araw-araw na ugnayan sa loob
ng kumpanya o pangkat, kritikal ang epektibong komunikasyon. Upang maging lubusang
epektibo, nangangailangan din ito ng mataas na antas ng kakayahan sa pakikinig at conflict
management (Jones, 2008).
157
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Pangkatang Komunikasyon
Itinuturing namang pangkatang komunikasyon ang
ugnayan sa pagitan tatlo o mahigit pang tao na nagkakatipon-
tipon sa isang layunin. Maaaring maganap ang ganitong uri
ng komunikasyon sa personal at maging sa iba pang platform
(gaya ng group chat sa social media at video conferencing)
katulad din ng iba pang uri ng komunikasyon. Madalas na
nagaganap ang pangkatang komunikasyon sa mga mag-aaral
bilang bahagi ng pagtupad sa mga kahingian ng asignatura
gaya ng kolaboratibong pananaliksik na nangangailangan ng
pagtalakay at pagpapasiya. Kabilang din dito ang
pagpupulong sa barangay o sa munisipyo na naglalayong
lutasin ang isang suliranin (gaya ng trapiko), na sinisimulan
sa pagbibigay ng mungkahi at pagtatalaga ng mga taong
gaganap sa mga tiyak na gawain.
Pampublikong Komunikasyon
Pinakakinatatakutang uri naman ang pampublikong komunikasyon. Mas nakapokus ito sa
mensahero o sa tagapagdala ng mensahe kaysa tagatanggap (na malilit at mahigit sa apat). Ito rin
ang pinakamalayunin sa lahat ng.uri ng komunikasyon at madalas itong pormal. Sapagkat
ginagamit ito sa akademiya, sa trabaho, maging sa sibika, mahirap iwasan ang paraang ito ng
pakikipag-ugnay. Ilan sa mga halimbawa para sa
ganitong uri ng komunikasyon ang pagbigkas ng
talumpati sa harap ng klase bilang performance task o
kaya naman ay sa isang patimpalak, pangangampanya
para sa isang bagong proyekto sa inyong barangay, at
marami pang iba. Dahil sa bilang ng ng mga kalahok
nito, mainam itong paraan ng pagpapalaganap ng
kaalaman at impormasyon. Mas marami ang hindi
sanay makipag-ugnayan gamit ang modang ito
sapagkat nangangailangan ng masusing paghahanda
at tiyak na antas ng kahusayan upang magtagumpay
at hindi laitin ng mga tagapakinig.
158
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Pangmadlang Komunikasyon
Tinatawag namang pangmadlang
komunikasyon ang paghahatid ng mensahe sa mas
malawak na awdyens sa lalong madaling pamamaran at
gumagamit ng mass media (telebisyon, radyo, magasin,
limbagan, rekording, pelikula, adbertaysing, public
relations, at iba pang teknolohiya. Dito, ang publiko ay
may pagkakataong maglimi sa mga napakikinggang
balita, komentaryo, pananaw ng nagbabalita o
brodkaster. Kinukuro ng tagapakinig kung may
katotohanan ang binanggit o ibinalita ng
tagapagpahayag. Nalalantad at nabubuksan ang mga
bagay na maaaring makonsumo, mapakinabangan o
mabatid ito may ay sabjek ng batikos, puna, kritisismo
ng tagapakinig o publiko na maaaring tanggapin o hindi
ng tagapakinig.
Layon din ng pangmadlang komunikasyon na
makipag-ugnayan at maghatid ng mensahe sa madla.
Naiiba ito sa pampublikong komunikasyon kung ang
mensahe ay ipinadadala nang palathala sa pamamagitan ng diyaryo at magasin o sa pamamagitan
ng electronic media gaya ng telebisyon at radyo. Kakaiba rin ito sa paraang mistulang bumubuo
ng personal na koneksiyon ang tagapagdala ng mensahe, bagama’t ang layunin nito ay maipakalat
ang nasabing nilalaman sa mas malaking tagsubaybay. Ilan sa mga halimawa ng pangmadlang
komunikasyon ang pagbabahagi ng rebyu ng isang pelikula o album ng isang musikero; suri sa
isang bagong panukalang batas; at ulat sa kaganapang pangkalikasan, pampolitika o kultural. Ang
kawalan ng agarang mekanismo para sa tugon o feedback - dahilan kung bakit madaling
magpakalat ng mensahe nang walang oposisyon, ang pangunahing hamon ng ganitong uri ng
komunikasyon.
Sa pag-usbong ng social media gaya ng Facebook, Twitter, blogs, at iba pa, naging bukas
sa lahat ang publikong komunikasyon sapagkat binibigyan nito ng kakayahan at oportunidad ang
mga tumatanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagkokomento, pagre-repost ng isang content
na may kasamang komentaryong maaaring sumasang-ayon o sumasalungat, at direktang pagtugon
sa nagbahagi ng mensahe sa pamamagitan ng paggamit ng @. Kapansin-pansin din na bagama’t
mistulang mabisang pamamaraan ang pangmadlang komunikasyon upang mabilis na maibahagi
ang isang mensahe (halimbawa: pag-oorganisa ng isang malaking rally para kondenahin ang ilegal
na pagpapatalsik sa punong mahistrado), maaari nitong ikompromiso ang kahulugan ng mensahe.
Dahil bagama’t tiyak ang layunin ng tagapagdala, hindi naman tiyak ang konteksto ng
tumatanggap ng mensahe - dahilan upang magkaroon ng pagkakaiba-iba ng interpretasyon at
tugon.
Multikultural na Komunikasyon
159
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
kultural na adaptasyon, lokalisasyon, marketing research (sa bisnes), at iba pang bagay na
kailangang tingnan (gamit ng wika, pagpili at kahulugan ng salita, mga idyoma, jargon, balbal na
salitang gagamitin, grapiks at icon na isasama
halimbawa, sa komersyal, balita, propaganda,
report/ulat o anumang komunikasyo. Kapag maingat
na nagamit ang komunikasyon sa iba’t ibang kultura,
ang tagumpay ng komunikasyon ay iaasahang
mangyayari. Maari nang magkaroon ng gulo kahit sa
pagpili pa lang ng ibibigay na nagalan sa produkto at
maaari na ang isang salita na piniling gamitin ay may
iba o masamang kahulugan.
Pangkatang Komunikasyon
Roundtable at Small Group Discussion
Ang talakayang roundtable ay maliit na grupo, madalas na sarado, mga pamamaraang
sinadya kung saan ang mga kalahok ay may pantay na pagpapalitan ng mga ideya tungkol sa isang
ibinigay na paksa. Ang mga talakayang roundtable ay mga maliit na talakayan ng grupo kung saan
ang lahat ay may pantay na karapatang lumahok. Ang pamamaraang ito ay maaaring sa
katotohanan ay sumasaklaw sa dami ng iba't ibang mga pormat; isa itong porma ng talakayang
pang-akademiko, na ginagamit bilang isang pamamaraan para sa pakikipag-ugnayan sa
pamayanan at pampubliko at maging sa mga organisasyon at negosyo. Ang mga roundtable ay
karaniwang hindi bukas sa mas malawak na publiko, ngunit nagsasangkot ng medyo maliit na
bilang ng mga kalahok na tumatalakay sa isang paksa na karaniwang kinilala nang una. Ang
pangunahing prinsipyo na sumasailalim sa isang roundtable ay ang lahat ng mga kalahok ay nasa
pantay na kalagayan.
Ang mga talakayan ng roundtableay naiiba mula sa Magic Roundtable, na isang tiyak na
pamamaraan ng sinasadya. Ang entry na ito ay tumutukoy sa mga roundtable sa isang
pangkalahatang kahulugan, ang pagpapatupad na kung saan ay magkakaiba sa kasanayan. Ang
pangkalahatang layunin ng isang roundtable ay upang magsagawa ng isang malapitang talakayan
at paggalugad sa isang tukoy na paksa. Ang isang roundtable, na humahawak sa lahat ng mga
kalahok sa pantay na kalagayan, ay naglalayong harapin ang mga isyu sa halip na ang mga tao.
Ang indibidwal na layunin ng isang talakayang bilog ay magkakaiba sa kasanayan. Ang mga
roundtable ay ginagamit bilang isang off-event, bilang serye, bilang isang kagamitan sa loob ng
mas malawak na mga proseso ng pakikiisa, at bilang itinatag na tuloy-tuloy na mga pagpupulong.
Habang ang termino ay pinahusay mula sa maalamat na mesa ni Round Arthur kung saan
nagtipon ang mga kabalyero, ang roundtable bilang isang pakikipag-ugnay ay medyo kamakailan
lamang, na nagmula noong 1980 at lumitaw "sa isang pangangailangan para sa pagbuo ng
160
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
kasunduan upang makilala ang mga problema at maghanap ng mga solusyon sa relasyon sa pagitan
ng pormal na gumagawa ng desisyon (tulad ng mga pamahalaan at hudikatura) at iba pang mga
sektor ng lipunan (tulad ng mga pangkat sa kapaligiran, grupo ng komunidad at iba pang mga
grupo ng interes)." Gayunpaman, ang mga maalamat na pinagmulan ng roundtable ay may
kaugnayan pa rin, dahil ang bilog na hugis ng mesa ay nangangahulugang walang sinuman ang
nakatataas, at ang lahat ay nakaupo nang may pantay na katayuan.
Karaniwan ang bilang ng mga kalahok sa isang roundtable ay medyo maliit - 10-12 mga
tao lamang. Gayunpaman, ang mas malaking na bilang ay mapamamahalaan kung ang mga
kalahok ay nahahati sa mas maliliit na grupo, tulad ng nakikita sa Halton Citizens' Reference Panel
na nagsasangkot ng mahigit sa 50 mga miyembro ng publiko, nahati sa mga grupo ng pito o walo.
Ang isang paksa para sa isang roundtable ay karaniwang natutukoy nang maaga. Ang
pagpili ng paksa at saklaw ay maaaring nakalilito kaya dapat itong matukoy nang malinaw, subalit
pahintulutan ang pagkakataon para sa bukas at likas na talakayan - kung hindi man ang pag-uusap
ay maaaring matuyo sa panahon ng talakayan. Iminumungkahi ng ilang mga alituntunin ang
maagang pagbuo ng isang agenda, ang paghahati ng paksa sa mas maliit na mga lugar para sa
isang mas istrukturadong talakayan, o nakatuon sa mga tiyak na layunin tulad ng sa San Francisco
Urban-Rural Roundtable.
Ang oras na inilaan para sa isang roundtable na talakayan ay maaari ding makaapekto kung
paano eksaktong umikot ang talakayan. Dahil sa isang limitadong oras, ang mga kalahok ay
maaaring pumili upang magtrabaho patungo sa isang tiyak na layunin o kinalabasan, o gumugol
ng talakayan sa mas malawakang pagmuni-muni nang walang umpisa upang makamit ang isang
tiyak na awtput. Gayunpaman, depende rin ito sa saklaw ng paksa at layunin ng mga nag-aayos.
Mahalaga isinasaisip ng tagapagturo ang oras upang maiwasan ang pagkabigo ng mga kalahok
kung maikli lamang ang talakayan - lalo na kung ito ay isang pulong na one-off.
161
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Ang roundtable na talakayan ay isang mahusay na paraan upang mapagsama ang mga tao
sa network, makipagtulungan, at lumikha ng mga makabuluhang koneksyon sa pagitan ng mga
propesyonal. Ngunit ang pag-host ng isang kaganapang roundtable ay maaaring parang isang
napakalaking gawain. Bilang tagaplano ng kaganapan, dapat mong tiyaking ang iyong mga dadalo
ay may mga kapaki-pakinabang na pakikipag-uusapt. Ang pag-alam kung paano mapadali ang
isang roundtable na talakayan ay susi sa paglikha ng isang nakaaaliw at matagumpay na sesyon.
Upang maging maayos ang pangangasiwa ng nasabing gawain, iminumungkahi ang mga
sumusunod na mga padron: (1) paglalahad ng layunin ng talakayan; (2) pagpapakilala ng mga
kalahok (pangalan at organisasyon); (3) pagtalakay sa paksa; (4) pagbibigay ng opinyon, puna, at
mungkahi ng mga kalahok; (5) paglalagom ng mga napag-usapan at napagkasunduan; at (6)
pagtukoy ng mga susunod na hakbang.
Dapat ding gabayan ng paggalang at respeto sa ideya ng mga kasama ang pagsasagawa ng
ganitong mga uri ng pagpupulong, upang maging mas epektibo ang pagdaos nito. Mahalagang
maunawaan na sa gawaing ito, pantay-pantay ang pagpapahalaga sa input ng mga kalahok.
Upang mapanindigan ang mga napag-usapan ng grupo, mahalagang magtakda rin ng isang
tagadokumento na magtatala ng lahat ng napagkasunduan. Maaaring sundin ang pormat sa ibaba
para sa pagsulat ng dokumentasyon o katitikan ng pagpupulong: (1) paksa ng pagpupulong; (2)
oras at lugar kung saan ginanap ang pagpupulong; (3) mga kalahok; (4) mga mungkahi at komento
ng mga kalahok; (5) mga napagkasunduan; at (6) mga susunod na hakbang ng grupo.
Maaari ding gamiting istratehiya sa pagdaos ng roundtable at small group discussion ang
brainstorming. Nilalayon ng istratehiyang ito na mangalap ng iba’t ibang tugon at mungkahi sa
mga kalahok, na malimit ay may iba’t ibang perspektibo hinggil sa paksang pinag-uusapan.
Epektibong istratehiya rin ang pagpaskil ng mga katanungan na isa-isang sasagutin ng mga
kalahok, gaya ng ginagawa sa isang Focus Group Discussion (FGD).
Sa isang probe, ang Six Thinking Hats ni De Bono (1985), ang maliit na pagpupulong na
naglalayong magbigay ng solusyon ay maaaring gamitin. Ang istratehiyang ito ay nagtatakda ng
tiyak na tungkulin sa mga kabahagi ng gawain depende sa smbrerong kanilang isinusuot upang
mas maging maayos ang talakayan. Ang bawat sombrero ay tumutukoy sa tungkulin ng may suot:
puti ang nagbabahagi ng mga impormasyon (facts) tungkol sa paksang tinatalakay; dilaw
angnakapokus sa positibong epekto ng mungkahi; itim ang nakapokus sa pagpapalutang ng mga
panganib na dulot ng mungkahi; pula ang nagpapahiwatig ng pakiramdam, bagama’t walang
lohikal na paliwanag tungkol sa mungkahi; berde ang nakapokus sa pagbibigay ng alternatibo at
bagong ideya; at asul ang tagapagdaloy ng pagpupulong. Mainam itong istratehiya upang maging
mas targeted ang mga tugon na nais makalap mula sa mga kalahok.
Pampublikong Komunikasyon
Lektyur at Seminar
Ang lektyur at seminar ay dalawa sa pinakagamit na termino ng mga tagapag-ayos ng
pagsasanay. Nakatuon ang mga ito sa maliliit na pagtitipon ng mga kalahok, kadalasang 20
hanggang 70, na naglalayong masinsinang matutuhan ang isang tiyak na paksa. Malimit itong
inoorganisa upang pagtibayin ang propesyonalismo ng mga nakikibahagi, at nagtatagal mula isang
buong maghapon hanggang pitong araw, depende sa layunin ng pagsasanay. Ang mga pagsasanay
sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo sa silid-aralan, mga mandatory seminars sa mga bagong
luklok na opisyal ng barangay, pagsasanay sa mga bagong pamamaraan ng birth control na
isinasagawa sa mga barangay, at iba pa, ay ilan sa mga halimbawa ng lektyur at seminar.
162
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Ang lektyur at seminar ay mabibisang platform para ipakilala ang mga bagong kaalaman,
paraan upang i-update ang dati nang nalalaman ng mga prospektibong kalahok. Iminumungkahi
na magkaroon ng pagtataya sa pagtatapos ng gawain upang matiyak kung natamo ang layunin ng
lektyur at seminar. Hindi naman iminumungkahi ang balangkas na ito kung may inaasahang
bagong output mula sa mga dadalo.
Sa aklat ni Maranan (2018) magkahiwalay na tinalakay ang lektyur at seminar. Ayon sa
aklat, ang lektyur ay oral na presentasyon ng mga impormasyon o karunungan na kailangan ng tao
para sa isang partikular na paksa o asignatura. Kasama rito ang pagbabahagi ng mga kritikal na
impormasyon, kasaysayan, mga teorya, at iba pa. Naniniwala si Bligh (1972) na ang lektyur ay
isang paraan ng pagtalakay na ginagawa sa pamamagitan ng walang tigil na pagsasalita ng
dalubguro. Higit naman naging detalyado ang depinisyong ibinigay nina Percival at Ellington
(1988) sa pagsasabing isa itong pamamaraan ng pagtuturo (didactic instructional method) na
kinasasangkutan ng linyar na komunikasyon mula sa aktibong tagapagsalita tungo sa mga
pasibong tagatanggap ng impormasyon.
Wala pang nahahanap na alternatibong pamamaraan sa metodong lektyur sa mga kolehiyo,
pamantasan o unibersidad bagama’t marami ang pumupuna sa pamamaraang ito ng pagtuturo dahil
isa lamang ang daluyan nito (one-way) bilang proseso ng komunikasyon na kung saan ang
pagkatuto ay matatamo sa isang pasibong pamamaraan. Tumataliwas sa aktibong pamamaraan
(active learning) ang paggamit ng lektyur.
Ang konsepto ng lektyur ay hindi dapat ikahon sa apat na sulok lamang ng silid-aralan.
Maaari din itong gamitin sa mga kumperensiya, sermon, at iba pa. May mga adbentahe ang
pagsasagawa ng lektyur: (1) madaling pagkakalantad sa mga bagong kagamitan; (2) mataas na
antas ng kontrol ng dalubguro sa klase; (3) kahali-halinang pormat na tugma upang pangasiwaan
ang isang napakalaking pangkat ng mga tagapakinig o manunuod. Ngunit maaari din namang
magdulot ng hindi magandang bentahe katulad ng: (1) paglalagay nito sa mga mag-aaral sa
sitwasyon na pasibo ang pamamaraan ng kanilang magiging partisipasyon sa proseso ng
komunikasyon; (2) isa lamang ang daluyan ng komunikasyon; at (3) ang pagtalakay ay nakasalalay
sa kasanayan o kahusayan ng tagapanayam sa kaniyang isasagawang pagtalakay.
Sa pagbuo ng lektyur, mahalagang isaalang-alang ang layunin, nilalaman at istruktura, at
mahahalagang kakanyahan ng isasagawang panayam. Ang pagkakaroon ng layunin sa bagay na
nais isagawa ang siyang nagbibigay ng maayos na direksyon sa landas na tatahakin ng isasagawang
lektyur. Kung walang layunin, asahang wala ring tiyak na awput o magandang resulta ang
isasagawang lektyur. Asahan ding hindi makukuha ng mga kalahok ang mahahalagang bagay na
kailangan nilang malaman, hindi mapupukaw ang interes ng mga mag-aaral sa paksa ng mga
pagtalakay, walang malalim na pag-unawa at pagtingin sa mga usapin na kailangan sanang
matutunan ng mga kalahok.
Katulad din ng layunin, mahalaga ring isaalang-alang ang nilalaman at istruktura sa pagbuo
ng isang lektyur. Binibigyan nito ng katiyakan na ang isang lektyur ay maglalaman lamang ng
mahahalagang kaalamang dapat matutunan ng mga kalahok sa loob ng limitadong oras ng
pagtalakay. Madalas, sa pagnanais ng isang lektyurer na talakayin ang lahat ng nais niyang ibigay
sa mga kalahok ay sumasabog ito at nawawala sa pokus, dahilan kung bakit nauubos ang oras na
hindi naman natatalakay ang higit na mahalagang nilalaman ng kaniyang lektyur. Ang pagbibigay
naman ng istruktura, sa kabilang dako, ay makatutulong nang malaki sa tamang pagsasagawa o
implementasyon ng plano sa isasagawang pagtalakay. Ang istruktura ng pagtalakay na nagbibigay
ng baryasyon sa implementasyon ng panayam ay makatutulong upang mapanatili ang atensyon ng
163
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
mga kalahok sa gawaing ito. Kailangang maglaan ng oras para sa partisipasyon ng mga kasali sa
lektyur upang masiguro ang mataas na bahagdan ng pakikinig para sa pag-unawa ng mga kalahok.
Ang bawat lektyur ay dapat magkaroon ng kakanyahang makatutulong sa kakintalan para
sa mga kalahok. Mahalagang pagtuunan ng pansin ng lektyurer ang panimula at ang wakas na
bahagi ng kaniyang lektyur. Ang panimula ang magtatalaga ng mood na maaaring madala
hanggang sa pinaadulong bahagi ng lektyur. Simulan ang lektyur sa pamamagitan ng pagtalakay
na may mataas na enerhiya. Sa bahaging ito maipaaalala sa mga kalahok ang layunin, nilalaman,
at istruktura ng isasagawang lektyur. Ang paggamit ng angkop na biswal na pantulong ay mahalaga
rin upang magkaroon ng kalinawan ang isasagawang pagtalakay na mahalaga para sa maayos na
komprehensyon o pag-unawa ng mga kalahok sa lektyur. Siguraduhing maayos ang biswal na
pantulong. Sa puntong ito, malinaw, simple, at nababasa ng mga kalahok kahit na sila ang nasa
pinakamalayong puwesto sa isinasagawang lektyur. Isaalang-alang na ang biswal na pantulong
tulad ng powerpoint presentation ay mga biswal na pantulong lamang at hindi nangangailangang
magtaglay ng lahat ng impormasyong bibigkasin din naman ng magsasagawa ng lektyur.
Mahalagang matutunan ng nagsasagawa ng lektyur na makapagbalik-tanaw sa mga unang
pagtalakay upang makasigurado na higit na maunawaan ng kaniyang mga kalahok ang
isasagawang pagtalakay. Bagama’t ang lektyur ay may kakanyahan na ang mga kalahok ay
ginagawang pasibo o tagapakinig lamang, marami ang mga pag-aaral na makapagpapatunay na
maaari namang gawing aktibo ang mga kalahok sa ganitong uri ng talakay. Sinasabi pa nga na
higit na makasisisgurado sa pagkatuto kung ang mga kalahok ay aktibo kumpara sa kung ang mga
ito ay pasibo. Kailangan ding ang magsasagawa ng lektyur ay magkaroon ng inobasyon para sa
aktibong partisipasyon ng kaniyang mga kalahok. Maaari siyang gumamit ng alinman subalit hindi
limitado sa video clips, powerpoint presentation, pakukuwento, paggamit ng sipi, at pagbibigay
ng katanungan.
Upang maging epektibo ang lektyur dapat magkaroon ng kahandaan, ng pokus, ng
pakikilahok ng mga tagapanood o tagapakinig, at makakuha ng komento o feedback.
Isa sa mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng lektyur ay ang pagkakaroon ng layunin ng
isasagawang pagtalakay. Bahagi ito na siyang magbibigay ng direksyon sa gawain at magdidikta
sa mga bagay na dapat matutunan ng mga kalahok sa lektyur at kung bakit ito dapat matutunan.
Ang magsagawa ng lektyur ay nangangailangan ng pagbuo ng balangkas at mga biswal na
pantulong na may pagsasaalang-alang sa interes ng mga inaasahang tagapakinig o tagapanood
upang makuha ang kanilang atensyon sa isasagawang lektyur. Kung sakali mang ang magsasagawa
ng lektyur ay madalas kabahan sa tuwing humaharap sa maraming tao, makatutulong ang ibayong
paghahanda upang mapaglabana ang kaba o takot. Maaaring isulat ang inyong panimula at
magsasanay dito bago ang itinakdang araw ng lektyur.
Makatutulong din ang pagkakaroon ng pokus upang maayos na maisakatuparan ang
gagawing lektyur. Mapagtatagumpayan ang layuning ito kung magbibigay ng lima o mababa pang
puntos ng pagtalakay sa lektyur; magsasagawa ng masining na biswal na gabay at mga halimbawa
upang bigyan ng diin ang mga puntos na tinatalakay; mamamahagi ng balangkas sa mga mag-aaral
o kalahok sa lektyur na makatutulong sa makabuluhang pagtalakay; at magbibigay-diin sa layunin
at mahahalagang puntos sa panimula ng pagtalakay at maging sa pagbubuod nito.
Ang pagpapahalaga sa mga tagapakinig, manunuod, at sa lahat ng kalahok upang maging
makabuluhan ang anumang gagawing pagtalakay ay tungkuling isagawa ng lektyurer. Hindi
mapagtatagumpayan ang tungkuling ito kung karamihan sa mga kalahok ay uuwing hindi
nakuntento sa lektyur. Upang mapagtagumpayan ito, dapat kilalanin kung sino ang mga kalahok
upang maiangkop ang kahandaan ng lektyurer sa interes ng mga kalahok; maaaring lagyan ng
164
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
drama ang pagtalakay katulad ng paggamit ng sipi, biswal, anekdota, at iba pang mga materyal na
may kaugnayan sa paksa; maaari ding gumamit ng iba’t ibang istratehiya upang mapukaw ang
atensyon ng bawat kalahok sa pakikiisa sa lektyur katulad ng paggamit ng multimedia,
pakikipagbalitaktakan, maliit na pagpapangkat, at marami pang iba; iugnay rin ang pagtalakay sa
mga bagay na makatotohanan para sa mga kalahok batay sa kani-kanilang mga karanasan; at
gawing aktibong kalahok ang mga kalahok sa pamamagitan ng manaka-nakang pagtawag sa
kanilang atensyon o kaya ay pagtatanong.
Ang pagkuha naman ng komento o tugon buhat sa mga naging kalahok ay napakahalagang
bahagi ng isang lektyur sapagkat maaari itong maging sanligan ng lektyurer sa implementasyon
ng kaniyang mga isasagawang lektyur sa mga darating na panahon. Kung positibo ang pagtugon,
nangangahulugang naging matagumpay sa kaniyang tungkulin ang lektyurer. Kung kabaligtaran
ang resulta, nararapat lamang na tingnan ang aspektong ito bilang hamon upang higit pang
mapaunlad ang kaniyang tungkulin na magsagawa ng lektyur.
Isang pormal na akademikong instruksyon naman ang seminar na maaaring ibigay ng
unibersidad o pamantasan, mga komersyal o propesyonal na organisasyon. Tungkulin nitong
lipunin ang isang maliit na pangkat para sa mahalagang pag-uusap sa isang paksa na kung saan
ang bawat kalahok ay inaasahang makilahok sa anumang paraan. Ang magsasagawa ng pagtalakay
ay karaniwang naghahanda upang epektibong talakayin ang pakas na iniatas o ibinigay sa kaniya.
Ang seminar na marahil ang pinakakaraniwang gawaing inoorganisa ng isang indibidwal
na maaaring isakatuparan sa loob ng isa o kahit na kalahating araw lamang. Upang matagumpay
na maisakatuparan ang gawaing ito, mahalagang maging pamilyar sa mga sangkap nito na
kinabibilangan ng layunin, ang lugar na pagdarausan, paksa, tagapagsalita, at ang mga manonood
o dadalo.
Worksyap
Ang worksyap ay kinabibilangan ng mga elementong taglay ng isang pantas-aral o seminar,
bagama’t ang malaking bahagi nito ay nakapokus sa “hand-on-practice.” Idinisenyo ito upang
aktwal na magabayan ng mga tagapagsalita o tagapangasiwa ang mga kalahok sa pagbuo ng
inaasahang awput na bahagi ng pagtalakay. Isa itong uri ng interaktibong pagsasanay na kung saan
ang mga kalahok ay sumasailalim sa mga gawaing huhubog sa kanilang kasanayan sa halip na ang
maging pasibong tagapakinig lamang. Ayon kay Jolles (2005) ang training workshop ay may
dalawang anyo: (1) general workshop na kung saan ang gawain ay ibinibigay sa magkaibang
kalahok; at ang (2) closed workshop na kung saan ang training ay inihanda batay sa
pangangailangan ng ispesipikong pangkat ng tao.
Kadalasang nagtatagal ng anim hanggang walong oras sa maghapon o hanggang pitong
araw, inoorganisa ang worksyap o palihan nang may tiyak na produkto o awtput na inaasahan mula
sa mga kalahok. Iminumungkahi na upang maging produktibo ang worksyap, kailangang limitahan
ang dami ng mga kalahok upang humukin ang kolaboratibong paggawa, ngunit kung malaki ang
bilang, maaari din namang magkaroon ng mga concurrent break-out sessions upang mas mapadali
ang pamamahala sa mga kalahok. Ang pagtuturo ng paggawa ng handicrafts sa isang komunidad
upang pasiglahin ang turismo, pagsulat ng ortograpiya ng isang wikang rehiyonal, pagbuo ng
manwal sa pagtugon sa mga suliraning kaugnay ng Gender and Development, o maging ng Disater
Risk Reduction and Management, at iba pa ay ilan sa mga halimbawa nito.
Ang worksyap ay isang maikling programang pang-akademik na idinisenyo upang turuan
ang mga kalahok ng praktikal na kasanayan, pamamaraan, o ideya na maaari nilang gamitin sa
kanilang trabaho o pang-araw-araw na pamumuhay. Binubuo ito ng maliit na bilang ng mga
165
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
166
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Pagtukoy sa paksa ang unang dapat isaalang-alang sapagkat ito ang magiging daloy ng
talakayan. Tungkulin ng tagapagsalita na pag-aralang mabuti ang paksa at siguraduhing alam niya
kung ano-ano ang kaniyang tatalakayin. Higit na magiging mataas ang antas nga pakikilahok sa
talakayang bahagi ng worksyap kung matutugunan nang mabuti ng tagapangasiwa o tagapagsalita
ang lahat ng katanungan na ipupukol sa kaniya na may kaugnayan sa paksa ng pagtalakay. Ang
karunungan sa paksa ng pagtalakay ay makatutulong nang malaki para sa kumpiyansa ng
tagapagsalita sa lahat ng kaniyang sasabihin sa ituturo sa pangkat.
Mahalagang tingnan ng tagapagsalita o tagapangasiwa sa kaniyang paghahanda ang
propayl ng mga kalahok upang kaniyang maiakma ang detalye ng pagtalakay sa pangangailangan
ng mga nasabing kalahok. Maaaring isaalang-alang ang kasarian, edad, relihiyon, propesyon,
kapasidad na umunawa, karanasan, at kasanayan.
Ang pagtukoy naman sa aktwal na bilang ng kalahok ay salik na mahalaga sa pagpapasyang
kahandaan ng tagapagsalita. Maaari itong maging pamatayan sa tamang pagpupuwesto o
pagpapangkat sa kanila sa loob ng silid na pagdarausan ng worksyap. Ang tanggap na bilang ng
kalahok sa isang worksyap ay walo hanggang labindalawa. Maaari itong hatiin sa maliit pang
pangkat para sa higit na sistematikong pasilitasyon ng worksyap.
Mahalaga rin na matukoy ng tagapagsalita o tagapangasiwa sa bahaging pagpaplano ang
oras na inilalaan para sa kaniyang worksyap nang sa gayon ay magkaroon siya ng tamang
pagpapasya kung paano hahatiin ang oras na ito para nmga gawain na kabilang sa kaniyang layunin
para sa worksyap. Ang maikling worksyap ay karaniwang nagtatagal ng apatnapu’t lima (45)
hanggang siyamnapung (90) minuto, samantalang ang kainaman o medium length ay karaniwang
nagtatagal ng siyamnapung minuto hanggang tatlong oras.
Mainam na sangkap ng epektibong wotksyap ang baryasyon ng mga gawain na inihanda
para sa mga kalahok. Ang monopolya sa pagtalakay sa loob ng napakahabang oras ay maaaring
magdulot ng pagkabagot sa mga kalahok kaya nararapat lamang na bumuo ng angkop na gawain
ang tagapangasiwa o tagapagsalita para sa higit na aktibong partisipasyon sa worksyap. Nararapat
na isaalang-alang sa pagbuo ng gawain ang interes ng kalahok at oras na laan para sa kaniyang
buong pagtalakay.
Ang biswal na pantulong at iba pang mga kagamitan sa pagtalakay ay nararapat ding isama
sa paghahanda ng worksyap. Maaaring makapukaw ng higit na interes sa mga kalahok kung
kanilang makikita na ang tagapangasiwa o tagapagsalita ay labis na pinaghandaan ang mahalagang
aspektong ito ng kaniyang pagtalakay.
Kasama rin sa proseso ng pagbuo ng worksayap ang plano kung paano ang
implementasyon ng buong paghahanda. May mga pagkakataong naiiba ang aktwal na
implementasyon ng plano kung ihahambing sa orihinal na plano dahil sa mga pangyayaring hindi
inaasahan. Ang personalidad at karanasan ng tagapagsalita ay mga salik na mahalaga upang
solusyunan ang isyu na maaaring lumabas o lumutang sa partikular na sitwasyon. May ilang gabay
na maaaring makatulong sa implementasyon ng plano katulad ng maayos na pangangasiwa o
facilitation ng worksyap. Ang pangangasiwa ay higit na makabubuting gamitin sa worksyap sa
halip na magturo. Tinatawag na worksyap ang worksyap sapagkat ang bawat kalahok ay bibigyan
ng pagkakataong gumawa ng awtput sa ilalim ng pangangasiwa ng tagapagsalita. Pagkakaroon ng
konsistensi ng presentasyon at paksa ng worksyap. Hindi dapat lumayo ang dalawang
mahahalagang salik na ito sa isa’t isa. Direktang pagsangkot sa mga kalahok. Tungkulin ng
tagapangasiwa na gawing aktibo ang mga kalahok sa gawaing ito sa pamamagitan ng maayos na
167
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
disenyo ng worksyap at implementasyon nito. Ang huli ay ang paglalagay ng baryasyon sa mga
nakahanay na gawain para sa worksyap.
Tinutukoy ng buong proseso ng pagpaplano kung paano isasagawa ang worksyap
samantalang ang paghahanda naman ay tumutukoy sa logistics o pagsisiguro na ang lahat ng
kailangan at koordinasyon ng isasagawang worksyap ay nasa ayos at mapagtatagumpayan.
Kasama sa paghahanda ang lugar na pagdarausan ng worksyap (upuan, mesa, suplay ng kuryente,
multimedia); kagamitang kailangan sa aktwal na worksyap (papel, panulat, kopya ng handouts);
pagkain para sa mga kalahok at inanyayahang tagapagsalita o tagapangasiwa; dokumentasyon; at
ebalwasyon.
Matapos ang isinagawang pagpaplano at paghahanda, kailangan namang harapin ang
aktwal na implementasyon ng worksyap. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang
sa panimula, nilalaman, at wakas. Kasama sa panimula ang oras kung saan ang mga kalahok ay
unang humakbang sa bulwagang pagdarausan ng worksyap hanggang sa pagtalakay sa unang
paksa. Mahalaga ang bahaging ito sapagkat nagbibigay ng tono sa maaaring maganap sa kabuuan
ng worksyap. Upang matamo ang isang magandang panimula, kinakailangang tama ang espasyo
para sa worksyap, mainam na maglagay ng musika sa mga panahong hindi pa nabubuo ang bilang
ng mga kalahok na inaasahang dumalo sa worksyap, batiin ang mga panauhin, personal na
introduksyon, pagbibigay ng agenda at plano para sa worksyap.
Ang eksekyusyon ng nilalaman ng worksyap ay nakabatay sa paraan ng paghahanda na
ginawa para dito. May ilang mungkahu upang mapagtagumpayan ng tagapangasiwa o
tagapagsalita ang kaniyang nais na pamamaraan upang maging maayos ang eksekyusyon ng
kaniyang worksyap katulad subalit hindi limitado sa: (1) Panatilihin ang pagsubaybay sa oras
upang makaagapay sa mahahalagang pagtalakay na kailangan sa kabuuan ng worksyap. Tandaang
may nakalaang oras para sa worksyap kaya mahalaga na nasusubaybayan kung naisasagawa ang
bawat detalye ng gawain alinsunod sa oras na itinakda para dito. Sa ganitong paraan, mabibigyang-
hustisya ng tagapangasiwa o tagapasalita ang pagtalakay sa mahahalagang isyu o nilalaman ng
worksyap; (2) Iakma ang presentasyon sa nilalaman at pilosopiya ng worksyap. Nararapat na
maipakita ng tagapangasiwa o tagapagsalita ang kaniyang paniniwla sa prinsipyo ng kaniyang
pagtalakay sa pamamagitan ng aktwal na paggamit dito. Ang ibig sabihin, mahirap magsagawa ng
worksyap kung ang tagapangasiwa nito ay walang kakayahang gamitin ang kaniyang pagtalakay
sa kaniyang aktwal na buhay; (3) Magkaroon ng baryasyon sa presentasyon ng nilalaman ng
worksyap upang mapanatili ang partisipasyon ng mga kalahok at maipakita ang iba’t ibang istilo
na kung saan ang tao ay maaaring matuto; (4) Gawing kaiga-igaya o masaya ang mga gawainna
isasama sa worksyap. Sa kabila nito, hindi dapat mabalewala ang mahalagang nilalaman ng
talakayan kapalit ng humor o pagpapatawa habang binibigyan ng implementasyon ang plano; (5)
Hikayatin ang mga kalahok na iugnay ang nilalaman ng worksyap sa katotohanan ng buhay; at (6)
Maglaan ng ilang oras o sandali para magkaroon ng pagmumuni-muni at talakayan sa lahat ng
gawaing kasama sa worksyap.
Mahalagang bahagi ng worksyap ang wakas sapagkat nabibgyan ng pagkakataon ang
tagapangasiwa o tagapagsalita na tuldukan kung anuman ang kaniyang nasimulan. Sa bahaging
ito, maaaring bigyan ng pagkakataon ng tagapangasiwa o tagapagsalita ang kaniyang mga kalahok
na magbigay ng pahabol na katanungan at mga mungkahi at puna sa naging kabuuan ng worksyap.
Maaaring gawin ang paglalahat, rebyu ng agenda o layunin ng worksyap, muling pagbalik sa mga
inaasahan ng mga kalahok, bigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na magbigay ng kanilang
paglalahat sa naganap na worksyap, at humingi ng feedback o reaksyon hinggil sa ideya,
pamamaraan, at metodo na ginaamit sa presentasyon.
168
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Malaking pagtitipon naman ang isang kongreso na dinadaluhan ng 300 hanggang 2,000
kalahok at madalas na isinasagawa sa loob ng dalawa hanggang apat na araw. Binubuo ito ng mga
plenaryong sesyon at magkakasabay na pulong (concurrent sessions). Gaya ng kumbensyon, may
tiyak na grupo ng mga kalahok na tinutudla ang isang kongreso. Layong talakayin at pag-aralan sa
kongreso ang isang malaking paksa sa mga plenaryong sesyon na siyang hinihimay sa mga
magkakasabay na pulong.
Bagama’t bahagyang mas maliit ang bilang ng mga inaasahang kalahok, napapabilang pa
rin sa hanay ng kumbensyon at kongreso ang kumperensya. Isa itong pormal na pagpupulong na
kung saan ang mga kalahok ay binibigyan ng pagkakataong makapagbigay ng kani-kanilang
pagtalakay sa iba’t ibang paksa. Layunin nitong talakayin ang overview ng isang disiplina o paksa
at pag-usapan ang mga problema at suliranin hinggil dito. Hindi naman kailangang palaging
nakasentro ito sa larangan ng akademya. Malimit itong isinasagawa sa loob ng dalawa hanggang
tatlong araw. Ang pagtitipon ng mga eksperto sa panitikan na maaaring simulan ng plenaryong
sesyon na susundan ng serye ng palihan ay isang halimbawa nito.
169
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
170
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Pangmadlang Komunikasyon
Programa sa Radyo at Telebisyon
Bagama’t dahan-dahan nang pinapalitan ng social media platforms, itinuturing pa ring mas
mapagkakatiwalaang batis ng impormasyon ang radyo at telebisyon. Pinatutunayan ito ng
nananatiling pagpapataasan ng ratings ng dalawang nangungunang networks - ang ABS-CBN at
GMA7. Mayaman ang kasaysayan ng radyo, telebisyon, at maging mga diyaryo ang ilan sa mga
nangungunang kumondena sa diktaturyang Marcos noong 1972. Isa-isang ipinasara at inatake ang
mga istasyon ng radyo at telebisyon upang supilin ang mga naghahayag ng katotohanan hinggil sa
Batas Militar. Naging malaki ang naiambag ng radyo at telebisyon sa paghubog ng kaisipan ng
madla patungkol sa maraming bagay. Nakapag-amabag din ito sa pagtataguyod ng kultura sa
pamamagitan ng musika at pagpapalitan ng mga kuro-kuro sa pagitan ng tagapanayam at mga
eksperto na iniimbitahan sa kanilang palatuntunan.
Marahil ang radyo at telebisyon, kumpara sa ibang daluyan, ang may pinakamalaking
ambag o hamon sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino, dahil na rin sa laki ng
bilang ng mga tumatanggap ng mensahe mula sa mga plaform na ito. Ngunit gaya ng ibang
daluyan, may kahinaan din ang radyo at telebisyon. Ilan sa mga limitasyon ay ang pagiging one-
sided o hindi pagiging demoratisado, dahilan upang hindi mabigyan ng pagkakataon sa tagapakinig
o tagapanood upang malaya at agarang makapagbigay ng puna at haka sa mga inilalahad na
impormasyon ng tagapanayam o host. Isa pa sa sa mga puna sa telebisyon at radyo ay ang pagiging
171
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
corporate-driven ng mga ito. Dahil may mga pinangangalagaang interes ang mga istasyon, malimit
na nakakiling ang opinyon ng mga tagapanayam.
Video Conferencing
Naging mas progresibo ang teknolohiya, dahil sa globalisasyon, na nagbunga ng iba’t ibang
paraan upang makipag-ugnayan. Isa na rito ang video conferencing o interaksyon sa pagitan ng
dalawa o mahigit pang tao na nasa magkaibang lokasyon, sa pamamagitan ng pagtatawagan na
may kasamang video. Nangangailangan ito ng Internet connection at computer, o di kaya’y tablet
o smartphone. Epektibong midyum ito lalo na para sa mga kumpanyang may mga satellite sa ibang
bansa o rehiyon. Ginagamit ito ng mga kumpanya o maging ng mga kinatawan ng mga bansa
upang magdaos ng mga pagpupulong para makatipid sa pamasahe, oras, at iba pang pinagkukunan.
Naging daluyan na rin ng mga pagsasanay ang modang ito ng komunikasyon, partikular sa mga
open universities. Pinadadali nito ang dating mas mahirap na proseso ng pagkamit ng digri o
sertipiko sa mga programa. Malimit din itong ginagamit ng mga pamilyang may kamag-anak sa
ibang bansa, lalo na ng mga pamilyang may OFW na tinatayang nasa 2.3 milyon na noong 2017
(Philippines Statistics Authority).
Ngunit ilan sa mga maaaring maging hamon sa paggamit ng video conferencing ay ang
limitadong Internet connection sa Pilipinas at mababang antas ng karunungan sa nabanggit na
pamamaraang pangkomunikasyon. Bagama’t mainam na pamamaraan ang video conferencing
upang mapanatili ang komunikasyon sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya o magkakaibigan,
isa sa mga puna ng mga eksperto ay ang limitasyon nito sa pagpapakita ng tunay na tugon ng mga
kalahok.
172
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
173
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
ginagawang pagtuturo ng literasi sa midya sa mga paaralan at unibersidad sa Pilipinas bilang tugon
sa hamon ng nagbabagong panahon. Sa katunayan, bahagi ng kurikulum sa Senior Hig School ang
Media and Information Literacy.
174
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Maiigi ring aral ang tagapanayam sa mga batayang kakayahan ng isang mahusay na tagapagsalita
- gaya ng tamang gamit ng kamay at kilos, eye contact, mahusay na paggamit ng wika, epektibong
paggamit ng hinto at intonasyon, at iba pa.
Ang Conclave ay karaniwang iniuugnay sa eleksyon ng bagong Santo Papa, subalit, hindi
nangangahulugang ito ay para lamang sa okasyong ito. Maaari ding gamitin ang conclave sa mga
sikretong pag-uusap o closed door meeting na kinasasangkutan ng mga indibidwal na
makapangyarihan at maimpluwensiya.
Ang Bangkete (Banquets) ay katulad din ng gala sa antas ng pananamit ng mga kalahok at
lugar na pagdarausan nito. Ito ay piging na karaniwang inihahanda ng malalaking kumpanya para
iangat ang moralidad ng kanilang mga manggagawa.
Ang Press Conference ay inoorganisa o binubuo ng isang taong laman ng mga balita upang
linawin ang usapin hinggil sa kaniya, magbigay ng tiyak na impormasyon, at bigyan ng
pagkakataon ang media na makapagbigay ng mga kaugnay na katanungan sa usapin hinggil sa
kaniya.
175
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Ang Panayam ay pormal na pakikipag-usap ng isang tao sa iba pang tao upang makakuha
ng mga kinakilangang impormasyon para sa ispesipikong layunin katulad ng pangangalap ng balita
at paghahanap ng posibleng empleyado sa isang kumpanya. Mainam na gumamit ng interview
protocol o talaan ng mga tanong na maaaring ipukol sa isang indibidwal upang makakuha ng
kinakailangan impormasyon.
Ang mga katanungan ay maaari ding bukas na malawak ang sakop sa punto na higit nitong
binibigyan ng kalayaan ang bawat isa na tumugon sa tiyak na impormasyon, opinyon, at
nararamdaman, at sarado kung ang dapat tumugon ay walang opsyon liban sa oo o hindi na mga
kasagutan.
Mga Gawain
176
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
6. Gumawa ng isang facebook post tungkol sa kahit na anong paksa. Alamin sa loob ng
itatakdang araw kung paano tumugon ang iyong mga kaibigan dito. Picturan ang bilang ng
kanilang reaction/comment kasama ng iyong post.
10. Gumawa ng video ng pag-uulat tungkol sa isang napapanahong isyu. Ipasa ang video sa
google classroom.
177
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
SANGGUNIAN
Almario, Virgilio S. 2014. “Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa.” Komisyon sa Wikang
Filipino. San Miguel, Maynila.
Austero, Cecilio S., et al. 2012.Komunikasyong sa akademikong Filipino. Sta. Mesa Manila:
Rajah Publishing House.
Bartle Dr. Phil (n.d.) na isinalin ni Vitan III. Dionisio. Mga Sangkap ng Kahirapan, Ang
Limang Malalaki. Community Empowerment Collective.
http://cec.vcn.bc.ca/mpfc/modules/emp-pvtt.htm
Brown, L. R. (2011). World on the Edge. Earth Policy Institute. Norton. ISBN 978-0-393-080292.
Croucher, S.L. Globalization and Belonging: The Politics of Identity a Changing World.Rowman
& Littlefield. (2004). P.10
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace G. 2016. Komunikasyon at pananaliksik tungo sa
wika sa kulturang Pilipino. Lungsod ng Quezon: Phoenix Publishing House, Inc.
178
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
updinfo/jun14/articles/pahayag%20ng%20dfpp%20laban%20sa%20ched%20ge%20curri
culum.pdf.
Dyllick, T, Hockerts K. (2002). “Beyond the business case for corporate sustainability”. Business
Strategy and the Envirinment. 11(2): 130-141.
Maranan, Mario H. 2018. Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. Intramuros, Manila: Mindshapers Co.
Inc.
Philippine Constitution. 1987. The 1987 Constitution of the Republic of the Philippines – Article
XIV. https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/the-1987-constitution-of-the-
republic-of-the-philippines/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-philippines-
article-xiv/
San Juan, David Michael M. 2014. “12 Reasons to Save the National Language”. Rappler. August
11, 2014. https://rappler.com/voices/ispeak/san-juan-save-national-language
San Juan, David Michael M. et al. 2018. Piglas Diwa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa
Filipino. Mutya Publishinh House. Malabon City.
San Juan, David Michael M. et al., (2019). Saliksik: Filipino sa iba’t ibang disiplina. Lungsod
Malabon: Mutya Publishing House Inc.
179
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
TESIS
HANGUANG ELEKTRONIKO
"About mental health and mental health problems ... - CAMH." https://www.camh.ca/-
/media/files/mi-index-other-languages/tagalog-about-mental-
health.pdf?la=en&hash=471B98D227170BD526B7A7B1CB01DFE8B8DA194B.
“Ang Pilipinas sa Kasalukuyan”https://www.scribd.com/doc/268110203/
"Ang Totoong Estado ng Sistemang Pangkalusugan sa Pilipinas."
http://suliraningpangkalusugan.blogspot.com/.
Bridgeman, P.A. (2010) Round Table Discussion: An Effective Public Engagement Strategy.
Paper presented at North American Association of Christians in Social Work Convention, Raleigh-
Durham, NC, November 2010.
http://www.nacsw.org/Publications/Proceedings2010/BridgemanPRoundTable.pdf
Cocoate (2011) How to plan, organize, perform, evaluate and document roundtables.
Cocoate.com. Available at: https://cocoate.com/sites/cocoate.com/files/guide.pdf
"(DOC) ASEAN Integration sa pagpapaunlad ng wikang ...." 12 Jul. 2019,
https://www.academia.edu/39810675/ASEAN_Integration_sa_pagpapaunlad_ng_wikang_Filipin
o_at_ang_epekto_nito20190712_69391_th4ks.
"DepEd, bukas sa panukalang i-review ang K to 12 program ...." 21 Oct. 2019, https://news.abs-
cbn.com/news/10/21/19/deped-bukas-sa-panukalang-i-review-ang-k-to-12-program.
"DOST, DOH nilagdaan mga pangunahing ... - DOST-STII." 1 Apr. 2011,
http://www.stii.dost.gov.ph/images/jdownloads/pdf_files/rapidost/2011/rapidost_april2011issueo
nlinefinal.pdf.
Felt, U. & Fochler, M. (2010) Machineries for making publics: Inscribing and describing publics
in public engagement. Department of Social Studies of Science, University of Vienna.
https://www.jstor.org/stable/41821524?seq=1#metadata_info_tab_contents
"Globalisasyon, Kultura, at Kamalayang ... - Philippine EJournals."
https://ejournals.ph/article.php?id=7900.
How to facilitate roundtable discussions 5 tips to create meaningful conversations
https://medium.com/@shannonkelly_80469/
Kolar, C. (2016) Useful Roundtable Discussion Guidelines. The Membership Management Report.
12(7), p. 7. DOI: 10.1002/mmr.30434
“KALAGAYAN NG SINING AT KULTURA SA PANAHON NG GLOBALISASYON”
https://www.academia.edu/34419633/
"Kawalan ng angkop na pabahay sa mamamayan, malalang ...." 14 Mar. 2018,
https://www.veritas846.ph/kawalan-ng-angkop-na-pabahay-sa-mamamayan-malalang-problema-
sa-bansa/.
“Kulturang Pilipino ang Daanan ng Pag-unlad” https://dlimm16.wordpress.com/2014/12/08/
180
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
181
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
https://tl.wikipedia.org/wiki/Politika
https://www.doh.gov.ph/sites/default/files/news_clips/072319-0002.pdf
https://www.officialgazette.gov.ph/programs/ang-pantawid-pamilyang-pilipino-program/
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2018/03/17/1797676/disiplina-sa-
lansangan-lunas-sa-trapik
https://www.pinoyweekly.org/2019/08/krisis-sa-transportasyon/
https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx
https://www.youtube.com/watch?v=Ea73LOvbMdAm
https://www.youtube.com/watch?v=KH-UFAt--To
www.sccgov.org
www.cdc.gov/ncov
www.IbonPraymer.com
www.Pollution.blogspot.com
www.Sites.google.com
www.Tl.wikipedia.org
www.Pinoyweekly.org
https://www.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM
https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ
https://www.youtube.com/watch?v=Jq82Kvl39vo
https://www.youtube.com/watch?v=EYiNkGBB8Q8
https://www.youtube.com/watch?v=Cy19L31XCfk
https://www.youtube.com/watch?v=4xMUnKIAG5k
https://www.youtube.com/watch?v=p5IRKbYDCy0
https://www.youtube.com/watch?v=LrxTuj1SsEw
https://www.youtube.com/watch?v=YTMR8fgUQw4
https://www.youtube.com/watch?v=NSii-kt0Psw
https://www.youtube.com/watch?v=A8s1tAOqi9U
https://www.youtube.com/watch?v=4bN9yimMXro
https://www.youtube.com/watch?v=iOjyCHA_PeA
https://www.youtube.com/watch?v=wINpYbATXjM
https://www.youtube.com/watch?v=kAL7yeP4qh0
https://www.youtube.com/watch?v=em1eRDsXD4U
http://Academia.edu
https://www.youtube.com/watch?v=7OMeMq7qZ2I
https://www.youtube.com/watch?v=grQk7PbSCmA
https://www.youtube.com/watch?v=xxQoL6HvK0E
https://www.youtube.com/watch?v=3x28eG3OTws
https://www.youtube.com/watch?v=_dp5Grxs00w
https://www.youtube.com/watch?v=rEMpwyJ4rk8
https://www.youtube.com/watch?v=e3HjbF0mBmw
https://news.abs-cbn.com/news/06/06/18/tamang-pangangasiwa-ng-basura-dapat-magsimula-sa-
mga-bahay-denr
182