Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Ikalawang Modyul
Unang wika ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang
tao. Tinatawag din itong katutubong wika o mother tongue. Sa wikang ito pinakamataas o pinakamahusay
na naipapahayag ng tao ang kanyang ideya, kaisipan, at damdamin.

Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE). Ipinatupad ng Deped ang


K to 12 Curriculum ang paggamit ng unang wika bilang panturo partikular sa kindergarten at
Grades 1,2, at 3.
Mas epektibo ang pagkatuto ng bata kung ang unang wika ang gagamitin sa kanilang
pag-aaral. Base sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977), napatunayan nila ang bisa ng
unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon sa pag-aaral. Mahalaga ang unang wika
sa panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng paksang aralin, at bilang matibay na
pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika. Walong (8) Wikang Panturo sa unang taon ng
MTE_MLE - Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Ilokano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, at
Waray. Wikang Panturo MTE-MLE -Tausug, Maguindanaoan, Meranao at Waray. Wikang
Panturo MTE-MLE pagkalipas ng isang taon may labing siyam na ang wikang ginagamit ng
MTB-MLE -Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon ,Kinaray-a ,Yakan ,Surigaonon.
Samantalang Filipino at Ingles ang gagamiting wikang panturo sa mas mataas na antas
ng elementarya, gayundin sa sekundarya at sa kolehiyo. Sabi nga ni Pangulong Benigno
Aquino III “We should become tri-lingual as a country. Learn English well and connect to the
world. Learn Filipino well and connect to our country. Retain your dialect and connect to your
heritage.”

Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon na siya ng exposure sa ibang pang wika sa kanyang
paligid. Mula sa salitang paulit-ulit niyang naririnig ay unti-unti niyang natutunan ag wikang ito
hanggang sa magkaroon siya ng sapat na kasanayan at husay rito at magamit niya rin sa pagpapahayag at
sa pakikipag-usap sa ibang tao. Ito na ngayon ang kanyang pangalawang wika.

Sa pagdaan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata. •Dito ay may iba’t ibang wika
pa syang naririnig o nakikilala na kalaunan’y natututunan nya at nagagamit sa pakikipagtalastasan sa mga
tao sa paligid nyang nagsasalita din ng wikang ito. Nagagamit nya ang wikang ito sa pakikiangkop niya
sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan. Ang wikang ito ang kanyang magiging ikatlong
wika.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Gawain 1 Pagbabalik- Tanaw!


Unang Wika
1. Ano ang iyong unang wika?__________________________________________________
2. Paano nakatulong sa iyo ang iyong unang wika?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Ikalawang Wika
1. Ano ang iyong ikalawang wika?_____________________________________________
2. Paano mo ito natutunan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Paano nakatulong sa iyo ang iyong ikalawang wika?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Ikatlong Wika
1. Mayroon ka bang ikatlong wika? Ano ang wikang ito?
_______________________________________________________________________
2. Paano mo ito natutunan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Alin sa mga wikang iyong nalalaman ang pinakagusto mong gamitin at bakit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

“Konseptong Monolingguwalismo, Multilingguwalismo at Bilingguwalismo”

Monolingguwalismo
Konseptong Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng paggamit ng iisang wika sa
isang bansa tulad ng mga bansang England, Pransya, South Korea at Hapon. Iisang wika ang ginagamit
na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura, wika ng edukasyon, wika ng komersyo, wika ng
negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang araw-araw na buhay. Ito ang kanilang paraan ung
mapagbuklod ang kanilang mamamaya tungo sa pangkalahatang kaunlaraan. Monolingguwal naman ang
tawag sa mga taong may iisang wika lamang.

Multilingguwalismo
Ang konseptong Multilingguwalismo patungkol sa paggamit ng tatlo o higit pang wika ng may
kahusayan. Ang Pilipinas ay isang bansang napapabilang sa konseptong Multilingguwalismo dahil sa
pagkakaroon natin ng mahigit 150 wika. Multilingguwal naman ang tawag sa mga Pilipinong may
kakayahang gumamit ng tatlo o higit pang wika. Karamihan sa ating mga Pilipino ay nakakapagsalita at
nakakaunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang katutubo o wikang kinagisnan.

Bilingguwalismo

Binibigyan ng pagpapakahulugan ni Leonard Bloomfield (1935) – isang Amerikanong


lingguwista. Ang bilingguwalismo ay ang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang
dalawang ito ang kanyang katutubong wika.
Pahayag naman ni John Macnamara (1967) – isa pa ring lingguwista “Ang bilingguwal ay isang
taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na markong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng
pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika”.
Tulad kay Uriel Weinreich (1953) – isang lingguwistang Polish-American, sinasabing ang
paggamit ng dalawang wika nang magkasalitaan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit
ng mga wikang ito ay bilingguwal.
Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika nang matatas
sa lahat ng pagkakataon. Nagagamit ng mga bilingguwal ang dalawang wika ng halos hindi na matukoy
kung alin sa dalawa ang una at ang pangalawang wika
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Konseptong Bilingguwalismo sa Pilipinas


Ang Pilipinas ay napapabilang sa konseptong Multilingguwal dahil naparaming wika ang umiiral
sa buong kapuluan. Ngunit pagdating sa wikang panturo at sa wikang opisyal sinusunod natin sa Artikulo
15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 ang konseptong bilingguwalismo. Dahil tanging dalawang
wika lang ang maaaring gamitin pangturo sa elementarya (maliban sa una, ikalawa, at ikatlong baitang) ,
sekundarya at kolehiyo, gayundin sa lahat ng mga pormal na transaksiyon sa pamahalan man o sa
kalakalan.

Gawain 2: Tukuyin ang mga salitang naaangkop sa bawat pangungusap.


_______________________1. Ito ang wikang iyong natutunan matapos ang wikang kinagisnan.

_______________________2. Ito ang konsepto ng paggamit ng tatlo o higit pang wika nang may
kahusayan.

_______________________3. Ito ang tawag sa mga taong may iisang wika lamang.

_______________________4. Ito ang konseptong paggamit ng dalawang wika.

_______________________5. Ito ang tawag sa mga taong mahusay sa paggamit ng maraming wika.

_______________________6. Ito ay maaari ring tawaging wikang kinagisnan.

_______________________7. Ito ang konseptong pangwika na tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang wika


lamang sa isang bansa.

_______________________8. Ito ang tawag natin sa mga taong mayroon dalawang wikang nalalaman
gamitin sa pakikipagtalastasan.

_______________________9. Ito ang probisyong nagtakda na konseptong bilingguwalismo ang dapat


nating gamitin bilang wikang opisyal at wikang panturo.

_______________________10. Sa pagpapatupad ng kurikulum na K-12, ano ang asignaturang naidagdag


sa mga mag-aaral sa una hanggang ikatlong baitang?

Gawain 3 : Pakikipagpanayam

Panuto:
1. Kapanayamin ang dalawa sa nakatatanda sa inyong tahanan at itanong sa kanila ang
mga katanungang makikita sa “Gawain 1 : Pagbabalik- tanaw”.

2. Ilahad ang mga kaganapan sa nangyaring panayam sa pamamagitan ng isang sanaysay.

You might also like