Buwan NG Wika-Alituntunin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MGA ALITUNTUNIN

Pagsulat ng Tula

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, hindi maaaring mawala ang


patimpalak na nagpapakita ng kahusayan ng mga mag-aaral sa mabulaklak na paggamit ng
wika. Isa na nga rito ang pagsulat ng tula na hindi maaaring mawala sa ating listahan.
Binibigyan nito ng kakakaibang kulay at ganda ang ating wika sa pamamagitan nang
paggamit ng mga talinghaga.

Layunin ng patimpalak na ito na muling buhayin at pasiklabin ang dugong makata ng


mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsulat ng tula na may kinalaman sa tema ng Buwan ng
Wika ngayong taon- “Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng
mga Pilipino.” Gayundin, nilalayon nitong ipamalas ang angking ganda ng ating Wikang
Pambansa sa pamamagitan ng paghabi ng mga nagagandahang salita.

Mga alituntunin:
1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng mga mag-aaral ng Pampahalaang Pamantasan ng
Mariano Marcos- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro.
2. Ang mga kalahok ay inaaasahang magsusulat ng isang tula na may kinalaman sa tema
ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayon taon - “Filipino at mga Katutubong Wika
sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”
3. Ang tula ay may apat na saknong, ang bawat saknong ay may apat na taludtod at ang
bawat taludtod ay may labindalawang pantig.
4. Ang ipapasang pyesa ay orihinal na gawa ng kalahok at hindi maaaring kakitaan ng
pagkakahalintulad sa mga nagawa ng tula buhat sa internet. Ang kalahok na
mapapatunayang nagpasa ng hindi orihinal na akda ay awtomatikong matatanggal sa
patimpalak.
5. Kailangang naka-word document ang ipapasang kopya na naka-Book Antiqua font at
12 font size. Ang spacing ay depende sa kagustuhan ng may akda at naka-justify left o
naka-center.
6. Ang ipapasang akda ay iaayos ng mga opisyal ng kapisanan at maipo-post sa opisyal
na Facebook page para sa botohan.
7. Ipapasa ang akda sa opisyal na gmail ng kapisanan-
kapisananginangwika@gmail.com o sa Facebook page nito- Kapisang Inang Wika.
8. Magsisimula ang pasahan ng mga akda sa pagbubukas ng pagdiriwang ng Buwan ng
Wikang Pambansa- Agosto 2, 2021 at magtatapos sa Agosto 20, 2021 sa oras na 5pm.
Samantalang ang botohan ay magsisimula sa ika-21 ng Agosto, 2021 hanggang ika-25
ng nasabing buwan at taon.
9. Iaanunsyo ang mga nanalo sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa. Ang mga mananalo ay makakatanggap ng sertipiko ng pagkilala at
premyo.
10. Narito ang batayan sa pagpili ng mga mananalo:

Pagkamalikhain 40%
Orihinalidad 15%
Paggamit ng Salita 25%
Kaugnayan sa Tema 10%
Online Vote 10%
Kabuoan 100%
Pagsulat ng Dagli
Hindi maikakaila na mayaman ang ating bansa pagdating sa masinop ngunit
malikhaing paggamit ng ating wika. Dumadaloy na sa ating dugo ang pagiging manunulat
kung kaya’t madali na para sa atin na maglakbay patungo sa mundo ng imahinasyon at
makagawa ng isang dagli na kakapulutan ng aral. Isa ang dagli sa pinakamasining na
paggawa ng mas maikling bersyon ng maikling kwento na talaga namang nakakawiling
gawin.

Layunin ng patimpalak na ito na bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na


maranasan ang kawili-wiling pagsulat ng dagli at maipakita ang kanilang husay sa masinop at
malikhaing paggamit ng wika. Nilalayon din nito na mapalutang anf natatagong talento ng
mga mag-aaral.

Mga alituntunin:
1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng mga mag-aaral ng Pampamahalaang Pamantasan
ng Mariano Marcos- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro.
2. Ang tema ng patimpalak ay naayon sa tema ng Buwan ng Wikang Pambansa-
“Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga
Pilipino.”
3. Ang ipapasang akda ay dapat naka-word document na naka-Book Antiqua font, 12
font size, no spacing at justify.
4. Ang ipapasang dagli ay hindi dapat lalagpasa ng 100-200 salita.
5. Nararapat na orihinal na akda ito at hindi kinuha mula sa internet. Ang matutuklasang
akda na mula sa internet ay awtomatikong tatanggalin sa patimpalak.
6. Ipapasa ang akda sa opisyal na gmail ng kapisanan-
kapisananginangwika@gmail.com o sa facebook page na Kapisanang Inang Wika.
7. Isasaayos ang mga dagli at ipo-post sa facebook page ng kapisanan para sa botohan.
8. Magsisimula ang pasahan ng mga akda sa pagbubukas ng programa ng Kapisanang
Inang Wika sa ika-1 ng Agosto, 2021 at magtatapos sa ika-20 ng Agosto, 2021 sa oras
na 5pm. Samantala, magsisimula ang botohan sa ika-21 ng Agosto at magtatapos sa
ika-25 ng nasabing buwan at taon.
9. Iaanunsyo ang mga nanalo sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa. Ang mga mananalo ay makakakuha ng sertipiko ng pagkilala at premyo.
10. Pipiliin ang mga nanalo sa pamamagitan ng mga panukatan sa ibaba:

Pagkamalikhain 30%
Gramar at estruktura 20%
Kaayusan ng Akda 15%
Kaugnayan sa tema 15%
Orihinalidad 10%
Online Vote 10%
Kabuoan 100%
Pagsulat ng Sanaysay

Malayo ang nararating ng ating kaalaman pagdating sa paggamit ng ating Wikang


Pambansa. Bukod sa pagsusulat ng mga maikling kwento, nobela, tula at dagli, isa ang
pagsulat ng sanaysay sa mga hilig nating gawin sapagkat naipapakita natin dito ang ating
kahusayan at kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay.

Layunin ng patimpalak na ito na mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na


ipamalas ang kanilang kaalaman tungkol sa Buwan ng Wikang Pambansa partikular na sa
tema ngayong taon. Sa pamamagitan nito maisasakatuparan ang pagbibigay pugay sa
paggamit ng wikang Filipino at nang mas maramdaman natin ang diwa ng Buwan ng Wikang
Pambansa.

Mga Alituntunin:
1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng mag-aaral ng Pampamahalaang Pamantasan ng
Mariano marcos- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro.
2. Ang nilalaman ng sanaysay ay may kaugnayan sa tema ng Buwan ng Wikang
Pambansa ngayong taon- “Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon
ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”
3. Ang ipapasang akda ay nasa word document, Book Antiqua na font, na may sukat na
12, no spacing at naka-justify.
4. Ang ipapasang sanaysay ay dapat orihinal na isinulat ng may-akda at hindi kumuha o
sumipi mula sa mga akda na nailimbag na o sa mga akdang buhat sa internet. Ang
kalahok na mapapatunayang kumopya mula sa internet ay awtomatikong tatanggalin
sa patimpalak.
5. Ipapasa ang akda sa opisyal na gmail ng kapisanan-
kapisananginangwika@gmail.com o sa opisyal na Facebook page nito- Kapisanang
Inang Wika.
6. Magsisimula ang pasahan ng mga akda sa pagbubukas ng programa ng Kapisanang
Inang Wika sa ika-2 ng Agosto, 2021 at magtatapos sa ika-20 ng Agosto, 2021 sa oras
na 5pm.
7. Iaanunsyo ang mga nanalo sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa. Ang mga mananalo ay makakatanggap ng sertipiko at ng premyo.
8. Pipiliin ang mga nanalo batay sa sumusunod na panukatan:

Nilalaman 30%
Kaangkupan sa Tema 25%
Gramar at estruktura 20%
Kaayusan ng ideya 15%
Orihinalidad 10%
Kabuoan 100%

You might also like