FPL SPORTS - Q3 - W3 Pagsulat NG Balitang Pang Isports JENEFER TIONGAN - Benguet - Final

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Pagsulat ng Balitang

Pang-Isports

Modyul ng mga Mag-aaral


sa Filipino sa Piling Larang

Ikatlong Markahan - Modyul 3 - Linggo 3

JENEFER CAGAS-TIONGAN
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon ● Rehiyong Administratibo ng Cordillera


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng
Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Hanguan ng Pagkatuto
Rehiyong Administratibo ng Cordillera

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI


2021

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi maaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon
pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaaan o tanggapan kung saan
ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda.
Kabilang sa maaring gampanin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang patawan
ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng K-12 Kurikulum ng
Kagawaran ng Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang kopyahin kung
ito ay para sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito.
Aralin 2: Pagsulat ng Balitang
Pang- isports
MGA INAASAHANG MATUTUHAN:

Magandang araw sa iyo!

Malugod na pagbati sapagkat natapos mo na ang unang modyul. Ngayon ay


sisimulan mo na ang ikalawang modyul. Mahalagang magpatuloy ka pa rin sa iyong
pagpupursigeng matuto ng mga aralin sa Filipino Piling Larang-Isports.

Malilinawan ka sa modyul na ito tungkol sa mga angkop na wika sa pagsulat


ng iba’t ibang sulating pang-isports. Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang
nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika
at naisasaalang-alang ang etika sa binubuong sulating pang-isports.

SUBUKIN

Panimulang Pagtataya
I. : Panuto. Piliin ang tamang letra ng sagot na ipupuno sa patlang, upang mabuo ang
konsepto ng pangungusap.

1. Ang balitang pang-isports ay karaniwang sumasagot sa tanong na ______ sa


Filipino karaniwang sumasagot sa tanong na Ano, Sino,Saan, Kailan, Bakit,
at Paano.
A. Ano C. Saan
B. Bakit D. 5 W at 1 H
2. Naglalarawan ng kapana-panabik at ________ pangyayari sa loob ng
palaruan ang paksa ng laro-sa –larong balita.
A. kaaya-aya C. makulay
B. maaksiyon D. masaya
3. Ang balitang pang-isports ay ginagamitan ng makukulay na salita, pang-uri,
tayutay, _________ at mahabang pangungusap na hindi ginagamit sa
pagsulat ng tuwirang balita.
A. katutubong-kulay C. laro- sa-laro
B. kapana-panabik D. namumukod-tangi
4. Ginagamitan ng tanging talasalitaan o _______ ang balitang pang-isports.
A. katutubong-kulay C. sports lingo
B. kapana-panabik D. lahat ng nabanggit

5. Sa pagsulat ng balitang pang-isports sa labanan ng koponan na katulad ng


basketbol o balibol ay huwag kalimutang banggitin ang _______ sa laro.
A. koponan C. nagpanalo
B. manlalaro D. namumukod-tangi
6. Ano ang katangiang ito ng balitang pang-isport na naglalahad ng
impormasyong walang labis, walang kulang?
A. kaiklian C. katimbangan
B. kawastuan D. makatotohanan
7. Ano ang katangiang ito ng balitang pang-isport na naglalahad ng
impormasyong tunay, aktwal o hindi gawa-gawa?
A. kaiklian C. katimbangan
B. kawastuan D. makatotohanan

8. Ang __________ay katangiang ng balitang pang-isport na naglalahad ng


impormasyong walang kinikilingan sa alin mang panig na sangkot.
A. kaiklian C. katimbangan
B. kawastuan D. makatotohanan
9. Ang __________ay katangiang ng balitang pang-isport na naglalahad ng
impormasyong diretsahan at hindi maligoy.
A. kaiklian C. katimbangan
B. kawastuan D. makatotohanan
10. Ang __________ay istilo o pamamaraan ng balitang pang-isport .
A. baligtad na piramide C. parihaba
B. bilog D. parisukat
II. Panuto. Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay tama at Mali kung hindi wasto
ang pangungusap.
11. Ang manunulat ng balitang pang-isport ay dapat na may kaalaman sa palaro
na kaniyang tatalakayin.
12. HINDI na kailangan ang pagpaplano kung magsusulat ng balitang pang-
isport.
13. Kailangan ng isang manunulat ng balitang pang-isport ang kakayahang mag-
analisa ng mga talang nakuha sa laro.
14. Isa rin sa kinakailangan ng manunulat ng balitang pang-isport ang pagiging
mausisa at matalas ang pakiramdam sa galaw at ikinikilos ng mga manlalaro.
15. HINDI na kinakailangan ang matalas na mata sa maliit na detalye na
nangyayari sa laro.

BALIKAN

Bago tayo magpatuloy, balikan muna natin ang kahulugan at katangian ng


balitang pang-isports na natalakay natin sa unang modyul.
Panuto. Punan ng tamang salita ang patlang. Piliin ang letra ng sagot sa angkop na
salitang ipupuno sa patlang na nasa loob ng kahon.

mahaba manunulat tuntunin jargon


kawastuhan kinikilingan simula makulay
natatanging katawagan mambabasa

Ang balitang pang-isports ay isang ___(1)___ uri ng balita na kinakailangan


ang kaalaman ng ___(2)___ sa isports. Hindi kinakailangang manlalaro ang
manunulat sa isports na kaniyang isinusulat ngunit dapat alam niya ang
mga___(3)___ at paraan ng larong iyon, pati na ang ginagamit na mga ___(4)___ dito.
Ito ay may ganap na___(5)___, pagiging makatotohanan, walang ___(6)___, at kawili-
wili. Kapana-panabik na ___(7)___ na naglalarawan ng kilos at paglalaban.
Gumagamit ng natatanging uri ng talasalitaan o ___(8)___ na hindi kaagad
nauunawaan ng karaniwang ____(9)____. Gumagamit ng ___(10)____ na salita,
maraming pang-uri, mahabang pangungusap na hindi makikita sa pagsulat ng
tuwirang balita.

TUKLASIN
Gawain 1. Basahin at Suriin Mo!

Panuto: Basahin ang balita at sagutin ang pamprosesong tanong.Itala ang iyong
sagot sa iyong sagutang papel.

2019 FIFA World Cup Finals


France, isinubsob ng Italy, 8-7

Higit pa ring mananaig ang koponang madiskarte at mayroong teamwork


kontra sa koponang hindi kayang kontrolin ang emosyon sa larangan ng
garambolahan sa soccer field.
Pinatunayan ito ng Italy matapos nilang isinubsob sa lupa ang France sa
makapigil –hiningang banggaan upang makopo ang korona sa 2019 FIFA World Cup
Finals na ginanap sa Berlin, Germany, Hulyo 9.
Parang bagyong nanalasa ang captain ball ng dalawang taong kampeong
koponang France na si Zinidine Zidane at tumipak agad ng tatlong goal gamit ang
panakaw na deadball sa panimula ng unang half upang iwanan ang Italy sa iskor na
3-1.
Hindi naman nagpadaig nang ganoon na lamang ang Italyano. Pinag-ibayo nila
ang kanilang pagbabantay sa panunguna ng midfielder na si Tihiery Henry upang hindi
makaiskor ang kalaban. Pinamunuan naman ng team captain ng Italy na si Fabio
Gavaso ang pagsalakay nang makitang lupaypay ang depensa ng mga Pranses na
ikinatabla ng dalawa sa iskor na 3-3.
Dahil sa nangyari, hindi nakontrol ng pambato ng France na si Zidane ang galit
at inulo ang katawan ng Italyanong si Del Peirro bago pa man natapos ang 2nd half na
ikinatalsik ng katawan nito sa laro.
Bahagyang nasira ang diskarte ng France sa pagkawala ng kanilang team
captain ngunit hindi ito nagging dahilan upang panghinaan sila ng loob. Naging ngipin-
sa- ngipin ang laro sa pasimula ng extra time. Walang nakapuntos sa dalawang
koponan, kaya magkakatalo sila sa free kick.
Parehong nakapuntos ang dalawa sa free kick subalit sa hindi inaasahang
pagkakataon, nadisgrasya ang pinakawalang sipa ni Trouquet ng France na
nagpalamang sa Italya ng isang puntos.
Sinelyuhan na ng Italya ang pagiging kampeon nang hindi nahuli ng goalkeeper
ng France na si Friedrich ang huling sipa ng Italyanong si Gavaso na tuluyang
nagpadapa sa kanila sa iskor na 5-4 sa free kick at 8-7 sa kabuuan.
Ulat ni Jenefer C. Tiongan

Pamprosesong Tanong:
1. Anong laro ang pinapaksa ng balita?
2. Ano-anong koponan ang naglaban sa palaro?
3. Ano-ano ang mga sport lingo na ginamit ng manunulat sa balita? Magtala ng 5.
4. Paano nakamit ng panalong koponan ang kanilang pwesto?

SURIIN

Magagabayan ka naman ngayon kung paano sumulat ng balitang pang-sports


gamit ang mga angkop na wika o terminolohiya. Basahin at unawaing mabuti ang mga
paliwanag at mga halimbawa bago mo gawin ang mga gawain sa Pagyamanin.

KATANGIAN NG BALITANG PANG-ISPORTS

1. Karaniwang sumasagot sa tanong na 5W’s at 1 H , sa Filipino karaniwang


sumasagot sa tanong na Ano, Sino,Saan, Kailan, Bakit, at Paano.
2. Naglalarawan ng kapana-panabik at maaksiyong pangyayari sa loob ng
palaruan kung ang isinusulat ay laro-sa –larong balita
3. Ginagamitan ng makukulay na salita, pang-uri, tayutay, katutubong kulay at
mahabang pangungusap na hindi ginagamit sa pagsulat ng tuwirang balita
4. Ginagamitan ng tanging talasalitaan o isports lingo.
5. Kung ang laro sa labanan ng koponan na katulad ng basketbol o valibol ay
huwag kalimutang banggitin ang nagpanalo sa laro.

Ang laro-sa-larong balita ay naglalahad ng mga kaganapan sa aktwal na laro o


labanan. Itinatampok dito ang mahahalagang bahagi ng laro tulad ng; kinalabasan ng
laro, kahalagahan ng kinalabasan, natatanging bahagi ng laro, paghahambing ng
kalakasan at kahinaan ng mga manlalaro, mga namumukod-tanging manlalaro,
kalagayan ng panahon, at mga reaksiyon ng manonood.
HALIMBAWA SA PANIMULA NG LARO-SA-LARONG BALITANG PANG-ISPORTS

1. Karaniwang nagbibigay ng buod ng laro at sumasagot sa tanong na Ano, Sino,


Saan, Kailan, Bakit, at Paano.
Sino ang nagsasabing “iba na ang matangkad” sa basketbol?
Sinira ni Johnny Abarrientos ng Alaska ang konsetong ito nang buong gilas
niyang nalusutan ang tila kapit-tukong pagbabantay sa kanya ng may 6.6 talampakang
taas na si Strothers ng San Miguel Beer na ikinawagi ng Aces sa huling saglit ng Game
3 ng kampeonatong laro sa PBA Commissioner’s Cup, 91-90 , kagabi sa Cuneta
Astrodome.

2. Namumukod-tanging laro na ginagamit kung ang pagkapanalo ay nakamit mula


sa sama-samang pag-aambag ng lahat.

Inilampaso ng DepEd-Lunsod Heneral Santos ang mga balibolista ng


Saranggani Provincial Office sa kanilang kampeonatong laro sa balibol-
pambabae,2-0 sa Palarong Serbisyo Sibil kaugnay sa pagdiriwang ng ika-105
anibersaryo ng pagkatatag ba ginanap sa Paaralang Elementarya ng Dadiangas
noong Pebrero12.

3. Namumukod-tanging Manlalaro na ginagamit kung may isang manlalarong


nakagawa ng katangi-tanging ambag sa ikinapanalo ng koponan.

Isang nakamamatay na ispayk ni Arlene Septin , captain ball ng DepEd-


Lunsod Heneral Santos, ang nagpalusaw sa pagnanasa ng koponan ng
Saranggani Provincial Office na makopo ang kampeonatong laro sa balibol
pambabae, 2-0, sa palarong Serbisyo Sibil kaugnay sa pagdiriwang ng ika-150
anibersaryo ng pagkatatag ba ginanap sa Paaralang Elementarya ng Dadiangas
noong Pebrero 12.

4. Paanalisang Panimula ay gunagamit kung ang pinakamabisang anggulo ng


paglalarawan ng laro ay sa pamamagitan ng namumukod-tanging
pamamaraan na ginamit ng koponan upang maipanalo ang laban.

Sa pamamagitan ng mahigpit na depensa, nakatutulig na mga ispayk at


nakagugulat na panakaw na sundot ng bola, naipahiya ng DepEd Sablan ang
koponan ng DepEd La Trinidad sa kanilang kampeonatong laro sa lalaki sa
naganap na Provicial Meet sa Paaralang Elementarya ng Buyagan noong Enero
20.

O hindi ba’t kapansin-pansing kakaiba ang pamamaraan ng pagsulat ng


balitang pang-isports dahil sa mga kakaibang salita rin na ginagamit? Dagdagan mo
pa ang iyong kaalaman sa pagsulat ng balitang pang-isports.

KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG MANUNULAT


1. may kaalaman siya sa isport na kaniyang tatalakayin
2. marunong siyang magplano kung paano susulatin ang larong napanood
3. marunong siyang gumamit ng lengguwahe ng isport
4. marunong siyang magplano kung paano susulatin ang larong napanood
5. kritikal siya sa larong napanood at marunong mag-analisa ng mga talang
nakuha sa laro
6. mausisa at matalas ang pakiramdam na galaw at ikinikilos ng mga manlalaro
7. kailangang matalas ang mata sa maliit na detalye na nangyayari sa laro
MGA KATANGIAN NG BALITA

1. Kawastuhan-ang mga datos ay inilahad nang walanglabis, walang kulang


2. Katimbangan-inilahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang panig
na sangkot.
3. Makatotohanan- ang mga impormasyon ay tunay , aktuwal, at hindi gawa-gawa
lamang.
4. Kaiklian- ang mga datos ay inilahad nang diretsahan, hindi maligoy.

PARAAN SA PAGSULAT NG BALITA

1. isinusulat ito katulad ng pasusulat ng pangkaraniwang balita


2. sinusunod nito ang baligtad na piramide
3. gumagamit ng mga salitang makukulay at salitang maaksiyon.
4. Laging nasa pamatnubay ang resulta ng laro o tunggalian na siyang
pumupukaw o umaakit sa mambabasa.
5. Kung ang laro ay labanan ng koponan na katulad ng basketbol/softball ay
huwag kalimutang banggiting ang nagpanalo sa laro
6. Sa pagsulat ng balitang isport ay ipinapakita kung bakit hindi nananalo ang
isang koponan.
7. Hindi nawawala sa pamatnubay ang 5 W at 1 H o ASSKaBa at higit sa lahat
papaanong nanalo
8. Isinusulat sa paraang madaling mauunawaan ng mambabasa

ISTRUKTURA NG BALITANG PANG-ISPORTS

PAMATNUBAY

KATAWAN

WAKAS

Mga Halimbawa ng pamatnubay


Natudla ng La Salle, defending champion, ang ikaanim na panalo sa
pamamagitan ng 74-67 tagumpay sa Adamson kahapon sa 65th University
Athletic Association of the Philippines (UAAP) Varsity basketball tournament sa
Makati Coliseum.

Magkasangga ang mga nagbabagang ispayk ng mga Green Archers upang


ibandera sa kahihiyan ang Blue Marlins, 3-0 sa ginanap na Volleyball
Championship game sa Rizal Memorial Stadium, kagabi.
Muling pinatunayan ni Abarrientos ng Alaska Acers na ang maliit ay
nakapupuwing pag-katapos maipasok ang 3-point shot upang masungkit ang
korona mula sa Ginebra, 103-101.

Isang mapanlinlang na bunt ang pinakawalan ni Andy Petit upang magtala


ang New York Yankees ng 3 runs at lasapin kampeonato laban sa Detroit
Tigers sa ginanap na World Baseball Tournament sa Lost Angeles, California,
kahapon.
Halimbawa ng Balitang Pang-isports
Dual Meet ’10- Sepak Takraw Boys

SRC Warriors tinodas ang Main Tigers, 2-0; hinablot ang titulo pamagat
ni Mark Ian Tagami

“In this world, there’s no one thats


unbeatable”.
Ito ang nag-aalab na katagang minarkahan ng
SRC Warriors sa pagmumukha ng defending champion
Main Tigers matapos nilang ibaon at ipahalik sa putik ng PAMATNUBAY
kahihiyan, 2-0 sa naganap na Dual Meet- Sepak Takraw
Boys na rumagasa sa SNHS Main Sepak Takraw Court,
Oktubre 22.
Ipinalasap ng Warriors ang kanilang mababagsik
at mababangis na atake sa mga Tigers sa kanilang
sagupaan.
Bumubulusok at umaapoy ang unang rego ng laro.
Sa unang set pa lang nito ay nagpakita na ng
maaanghang at mahahapding mga bicycles at headings
ang Warriors sa pamamagitan ni Tekong Paz. Peron agad
namang bumawi ang mga Tigers mula sa kanilang
pagkakalugmok sa pagsusumite ng umuusok na toppings
at kicks ngunit inasahan na ng Warriors ang ganitong
klase ng atake kaya mas lalong linakasan pa ang opensa-
KATAWAN
depansang chemistry ng Warriors. Nagsara ito sa 1-0,
card.
Nagbabaga at dumadagundong ang ikalawang
rego ng laro. Dahil sa uhaw ng pagkakuha ng
kampeonato ng Warriors, ibinandila na nila kaagad ang
kanilang malakidlat at simbilis ng balang bicycles at
headings sa pangunguna ni Tekong Laguardia pero
gumanti naman ang Tigers subalit hindi nasindak ang
Warriors sa ginawa nilang paghihiganti at lalong mas
pinalakas ang kanilang mga atake at hindi nakaporma
ang Tigers, 2-0 hinablot ng Warriors ang titulo.
“We play where our heart’s content so we win
easily”, ito ang pinagmamalaking sabi ng SRC Warriors. WAKAS
PAGYAMANIN
Nabasa at naunawaan mo bang mabuti ang inilahad tungkol sa mga pagsulat
ng balitang pang-isports? Kung hindi, ulitin mo ang pagbasa sa mga naunang modyul
upang ganap mong maunawaan ang paksa. Kung naintindihan mo na ang teksto,
gawin mo ang mga susunod na gawain upang malinang pa ang iyong pag-unawa sa
pagsulat ng sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika
at naisasaalang-alang mo ang etika sa pagsulat ng balitang pang-isports.
Ang mga sumusunod na gawain ay magsisilbing daan sa iyo upang
mapagyaman at madagdagan pa ang iyong kaalaman at pag-unawa sa paksa.

Gawain 2. Tukuyin Mo!


Panuto: Isulat sa inyong sagutang papel ang mga sports lingo o terminolohiya ng
isports na ginamit sa balita.

Sophomore Catchers dinikdik ng Senior Batters


ni MARK IAN TAGAMI

Binasag ng Senior Batters ang pangarap ng Sophomore Catchers


matapos nilang durugin ito, 10-1 sa kanilang makapaluwang matang Baseball
Championship ng 2010 Intramural Meet na bumalot sa Sarrat National High School-
Sta. Rosa Campus Diamond.
Crucial At bumubulusok ang unang inning. Maganda ang ipinapakitang
performance ng Catchers sa pangunguna ni Jalos pero hindi pumayag ang mga
Batters na maungusan sila sa pamamagitan nina Ramos, Lauricio at Lagua kaya
humantong ang laro sa 3-1.
Nagbabaga ang ikalawang inning. Para makabawi mula sa
pagkakalugmok sa unang inning, gumawa ang mga catchers ng isang matibay na
depensa subalit nasira pa rin ito ng isang tila bagyong opensa ginawa nina Manuel
at Laguardia, sa pangyayaring ito walang nagawa ang mga Catchers,2-0.
Nakagugulantang ang ikatlong inning. Mula sa pagkakasira ng depensa
ng mga Catchers sa ikalawang inning ay mas naging determinado at desparado
sila kaya binuo nila muli ang kanilang depensa pero mas pinalakas na ngayon
subalit napaghandaan na ng mga Batters ang gagawin ng mga Catchers kaya
naglunsad sila ng isang tila ipo-ipo na punong puno ng mga atake mula kina
Ramos, Lauricio, lagua, Bueno at Gagala, sa pangyayaring ito nagtapos kaagad
ang laban,10-1 bentahe.

ISA-ISIP

Gawain 3. Suriin Mo!


Panuto: Basahin at suriin ang pamatnubay. Isulat ang inyong sagot sa sagutang
papel.
Natudla ng La Salle, defending champion, ang ikaanim na panalo sa
pamamagitan ng 74-67 tagumpay sa Adamson kahapon sa 65th University
Athletic Association of the Philippines (UAAP) Varsity basketball tournament sa
Makati Coliseum.
1. ANO ang palaro?
2. SAAN ginanap ang laro
3. KAILAN ginanap ang laro?
4. SINO-SINO ang naglaro?
5. BAKIT nagkakaroon ng laro?
6. PAANO naipanalo ng isang koponan ang pwesto?

ISAGAWA
Panuto: Suriin mo ang mga talata at isaayos ito upang mabuo ang balitang pang-
isports-boksing. Isulat ang pagkasunod-sunod na bilang.

1. Nagbigay ng 114-113 ang isang judge para kay Thurman habang 115-112
naman ang 2 judge pabor kay Pacquiao.Unang round pa lang ay agresibo agad
si Pacquiao na nagpakawala ng body shot at hook combo. Bumagsak ang
Amerikanong boksingero pero na-survive ang round. Nagpatuloy ang aggressive
punching ni Pacquiao sa ikalawang round at ipinakita ang mabilis na footwork.Sa
huling 2 round ay humina si Thurman pero lumaban hanggang sa closing bell.

2. Sa ikalimang round, nakapasok ang mga right straight ni Thurman at


natamaan din si Pacquiao.Umarangkada pa si Thurman sa iba't ibang klaseng
suntok sa ikaanim at ikapitong round.Malaking round para kay Pacquiao ang ika-
10 round nang magbitiw siya ng left hook sa tagiliran ni Thurman. Muntik
bumagsak si Thurman pero nanatiling nakatindig bagaman nasaktan.

3. Pinuri rin ni Pacquiao si Thurman sa press conference dahil sa tibay, bigat


ng suntok at tapang nito. "This guy, he can fight," aniya.Ito ang ika-62 panalo ni
Pacquiao. Unang beses naman itong matalo ni Thurman sa kaniyang karera.

4. Sa huling 2 round ay humina si Thurman pero lumaban hanggang sa closing


bell. Ayon sa 40 anyos na si Pacquiao, hindi madaling makalaban si Thurman,
na 10 taon ang bata sa kaniya.
"He did his best, and I did my best, so the people are happy... he's not an easy
opponent. He's a good boxer, he's strong," sabi ni Pacquiao.

5. Nanaig ang kamao ni Manny Pacquiao sa laban nila ni Keith Thurman nitong
Linggo (Manila time) sa Las Vegas, Nevada sa Amerika. Panalo ang
binansagang "Pambansang Kamao" sa pamamagitan ng split decision at nakuha
ang World Boxing Association (WBA) welterweight championship.
KARAGDAGANG GAWAIN
Pagsaliksik: Magsaliksik ng anumang balitang pang-isports. Isulat sa sagutang
papel, at sagutan ang sumusunod:

1. Ano ang kaganapan?


2. Sino-sino ang mga naglalabang koponan?
3. Saan ginanap ang labanan?
4. Kailan ginanap ang labanan?
5. Paano naipanalo ng isang koponan ang laro?
6. Bakit nanalo ang koponan?

TAYAHIN
Panghuling Pagtataya
I. Panuto. Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay tama at Mali kung hindi wasto
ang pangungusap.
1. Ang manunulat ng balitang pang-isport ay dapat na may kaalaman sa palaro na
kaniyang tatalakayin.
2. HINDI na kailangan ang pagpaplano kung magsusulat ng balitang pang-isport.
3. Kailangan ng isang manunulat ng balitang pang-isport ang kakayahang mag-
analisa ng mga talang nakuha sa laro.
4. Isa rin sa kinakailangan ng manunulat ng balitang pang-isport ang pagiging
mausisa at matalas ang pakiramdam sa galaw at ikinikilos ng mga manlalaro.
5. HINDI na kinakailangan ang matalas na mata sa maliit na detalye na nangyayari
sa laro.
II: Panuto. Piliin ang tamang letra ng sagot na ipupuno sa patlang, upang mabuo ang
konsepto ng pangungusap.
1. Ang balitang pang-isports ay karaniwang sumasagot sa tanong na ______ sa
Filipino karaniwang sumasagot sa tanong na Ano, Sino,Saan, Kailan, Bakit,
at Paano.
A. Ano C. Saan
B. Bakit D. 5 W at 1 H
2. Naglalarawan ng kapana-panabik at ________ pangyayari sa loob ng
palaruan ang paksa ng laro-sa –larong balita.
A. kaaya-aya C. makulay
B. maaksiyon D. masaya
3. Ang balitang pang-isports ay ginagamitan ng makukulay na salita, pang-uri,
tayutay, _________ at mahabang pangungusap na hindi ginagamit sa
pagsulat ng tuwirang balita.
A. katutubong-kulay C. laro- sa-laro
B. kapana-panabik D. namumukod-tangi
4. Ginagamitan ng tanging talasalitaan o _______ ang balitang pang-isports.
A. katutubong-kulay C. sports lingo
B. kapana-panabik D. lahat ng nabanggit
5. Sa pagsulat ng balitang pang-isports sa labanan ng koponan na katulad ng
basketbol o balibol ay huwag kalimutang banggitin ang _______ sa laro.
A. koponan C. nagpanalo
B. manlalaro D. namumukod-tangi

6. Ano ang katangiang ito ng balitang pang-isport na naglalahad ng


impormasyong walang labis, walang kulang?
A. kaiklian C. katimbangan
B. kawastuan D. makatotohanan
7. Ano ang katangiang ito ng balitang pang-isport na naglalahad ng
impormasyong tunay, aktwal o hindi gawa-gawa?
A. kaiklian C. katimbangan
B. kawastuan D. makatotohanan

8. Ang __________ay katangiang ng balitang pang-isport na naglalahad ng


impormasyong walang kinikilingan sa alin mang panig na sangkot.
A. kaiklian C. katimbangan
B. kawastuan D. makatotohanan
9. Ang __________ay katangiang ng balitang pang-isport na naglalahad ng
impormasyong diretsahan at hindi maligoy.
A. kaiklian C. katimbangan
B. kawastuan D. makatotohanan
10. Ang __________ay istilo o pamamaraan ng balitang pang-isport .
A. baligtad na piramide C. parihaba
B. bilog D. parisukat
TAYAHIN Subukin
1. Tama 1. D
2. Mali 2. B
3. Tama Balikan 3. B
4. Tama 1. Natatanging 4. C
5. Mali 2. Manunulat
3. Tuntunin 5. C
1. D
2. B 4. Katawagan 6. B
3. B 5. Kawastuhan 7. D
6. Kinikilingan 8. C
4. C 7. Simula
5. C 9. A
Isagawa 8. Jargon
6. B 5 9. Mambabasa 10. A
7. D 1 10. makulay 11.Tama
8. C 2 12.Mali
9. A 4 13.Tama
10. A 3 3 14. Tama
15.Mali
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

Acuzar,Vilma. Sports Writing Handout https://www.academia.


edu/34523898/SPORTS_WRITING_handout_english

Badayos, P. et.al., Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Malabon City,


Mutya Publishing House ,2010.

Jocson, M. et. .Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Quezon


City, Lorimar Pub. Co., 2005.

Santos, C. et.al., Filipino Piling Larang-Isports Patnubay ng Guro, Kagawaran


ng Edukasyon-Republika ng Pilipinas, unang limbag,2016.

Wikang Pang-isports, https://wikangsports619618895.


wordpress.com/2018/10/02/wika-ng-isports-ang-epekto-ng-wika-sa-larangan-ng-
larong-basketbol/
Para sa mga katanungan, puna o fidbak, sumulat o tumawag:

Jenefer Cagas-Tiongan
J-A 114 , Km. 3 , La Trinidad, Benguet
09490480827

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Administratibo ng Cordillera


Pampaaralan Sangay ng Benguet, Wangal, La Trinidad, Benguet,
2601
Fax No.: (074)-422-4074
Email Address: car@deped.gov.ph

You might also like