Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Panimula

Di na bago ngayon sa karamihan partikyular na sa mga kababayan nating Pilipino ang paghumaling sa
ibat-ibang teleserye na pinalalabas sa ibat-ibang istasyon ng telebisyon. Di na rin iba na  ang buhay natin
ay maihahalintulad sa isang teleserye, may komedya, minsan aksyon, minsan din naman ay katatakutan
at kadalasan ay drama.
Ang teleserye ay isang tuluyang papanooring dramatiko sa telebisyon at maging sa radyo.Ito ay nagmula
sa original na dramatikong pang radyo na napapakinggan noon sa radyo mula lunes hanggang biyernes
sa umaga kung saan ay kababaihang may asawa ang pangunahing tagapakinig nito.Sa Pilipinas ang
modernong katawagan para sa soap opera ay telenobela o mas kilala pa sa tawag na teleserye .
Ang teleserye ay maaaring i-uri sa iba’t-ibang anyo at genre. Ang teleserye ay isang uri na napapanood
sa telebisyon na karaniwang hindi makatotohanan o walang pawang pruweba na masasabing ito ay
totoo. Nagmula ito sa dalawang salita na tele, pinaikling salita para sa telebisyon, at serye, salitang
Tagalog para sa series at drama para naman sa drama. Ang salitang Teleserye ay karaniwang ginagamit
bilang pangkalahatang katawagan para sa mga Filipino soap operas sa telebisyon, bagaman naging
opisiyal lamang ito noong taong 2000 nang unang inere ng ABS-CBN, isang Filipino network, ang
teleseryeng pinamagatang Pangako Sa ’Yo. Sa kabilang dako, tinatawag din namang “telenovelas” ang
mga Filipino soap operas. Ngunit, mula noong taong 2010, opisiyal nang ginagamit ng GMA Network ang
teledrama bilang pagkakakilanlan sa kanilang Philippine TV Series na may kinalaman sa drama ( Clake,
2008).
Masasabi nating may pagkakahambing ang Teleserye sa mga klasikong soap operas at telenovelas
pagdating sa katangian at pinagugatan. Gayun pa man, habang tumatagal ay nagbabago at nagkakaroon
ito ng sariling katangian na malimit na inilalarawan sa makatotohanang pakikipagkapwa ng mga Pilipino.
Ipinapalabas ang teleserye limang beses sa isang linggo, at madalas pang inuulit tuwing sabado at
linggo. Nakakaakit ito ng malawak na manonood kabilang na ang mga bata at matatanda pati narin ang
mga kababaihan at kalalakihan lalo na’t ito ang may pinakamataas na kinikita sa Philippine television.
Tumatagal ito ng tatlong buwan hanggang isang taon, o mas matagal pa, depende sa kagustuhan ng
madla (Waite, 2009). 
Dahil sa mga resulta na nasa itaas, naisipan ng mga mananaliksik na pag-aralan ang ibat-ibang
katangian ng isang teleserye na pinapanood ng mga mag-aaral ng Gensantos Foundation College, Inc. at
kung anu-ano ang mga epekto nito sa mga mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

       Hinahangad ng pag-aaral na ito na masuri at malaman kung anu-ano ang mga epekto ng mga
teleserye sa mga mag-aaral sa piling kurso ng GenSantos City Foundation College. 
       Sasagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan;
       Saang istasyon pinanonood ng mga mag-aaral ng GenSantos Foundation College, Inc. ang mga
ibat-ibang teleserye?
       Anu-ano ang mga ibat-ibang katangian ng isang teleserye na kinagigiliwan na panuurin ng mga mag-
aaral?
       Anu-anu ang mga ibat-ibang epekto ng panonood ng teleserye sa mga mag-aaral?

Saklaw ng Pag-aaral

Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang mga epekto ng panonood ng mga ibat-ibang teleserye sa mga mag-
aaral ng GenSantos City College, Inc., kung anu-anong ang mga ibat-ibang teleserye at saan nila ito
pinapanood. Layunin nito na kumuha ng mga impormasyon sa tatlumpu (30) na mga respondente
partikyular na sa ibang-ibang mag-aaral ng piling kurso ng Human Resource Development Mangement
(HRDM), BS Accountancy, Financial Management (FM), Marketing Management (MM) at Education
(BSED).

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magiging makabuluhan dahil maibabatid nito ang mga epekto ng mga ibat-ibang
teleserye sa mga mag-aaral.
Magiging makabuluhan ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:
Sa mga magulang. Makakatulong ang pag-aaral na ito upang magabayan ng mga magulang bilang
nakakatanda sa pamilya ang kanilang mga anak at malaman agad nila kung anu-ano ang mga posibleng
dulot at epekto nito sa kanilang mga anak.
Sa mga mag-aaral. Sa mga mag-aaral naman, ito ay may malaking maitutulong sapagkat dito nila
malalaman ang mga ibat-ibang epekto nito sa kanila bilang estudyante at paano makipaghalubilo sa mga
posibleng dulot nito sa kanilang pag-aaral.
Sa guro.Magagabayan nila ang kanilang mga setudyante partikyular na sa mga mahihilig manood ng
ibat-ibang teleserye. Makakatulong din ang pag-aaral na ito upang mas lalung maintindihan at maipaliwag
ang mga mabubuting dulot at magagandang resulta ng panoood ng teleserye.
Sa ibang mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaaring magiging basehan ng mga susunod ng mga
mananliksik at pwedeng gawing kaugnay na literatura sa kanilang mga susunod na pananaliksik.

Kahulugan ng mga Katawagan

       Binibigyang-katuturan ang mga sumusunod na mga katawagan ayon sa pagkagamit nito sa pag-
aaral at pananaliksik na ito para mas lalong maging malinaw at maintindihan.
Teleserye . Sa pag-aaral na ito, ang teleserye ay ginamit bilang mga pinanonod ng mga mag-aaral.
Maaaring ito ay nasa ibat-ibang istasayon ng telebisyon. Ito ay maaaring i-uri sa iba’t-ibang anyo at
genre. Ang teleserye/teledrama ay isang uri na napapanood sa telebisyon na karaniwang hindi
makatotohanan o walang pawang pruweba na masasabing ito ay totoo. Nagmula ito sa dalawang salita
na “tele”, pinaikling salita para sa “telebisyon”, at “serye”, salitang Tagalog para sa “series” at “drama”
para naman sa drama.
Alto Broadcasting System-Chronicle Broadcasting Network (ABS–CBN) Corporation. Ito ay isa sa mga
nangungunang network na pantelebisyon sa Pilipinas. Ito ay itinatag noong 23 Oktubre 1953, at naging
pinaka-unang pangkalakalan (commercial) na himpilan ng telebisyon sa Asya. Ito ay bahagi ng Lopez
Group of Companies.Ang kanilang punong tanggapan ay matatagpuan sa ABS-CBN Broadcast Center sa
Sargent Esguerra Ave, Diliman, Lungsod Quezon. Sa Kalakhang Maynila, ang kanilang mga himpilan ay
DWWX-TV Channel 2, at DWAC-TV Channel 23 (http://tl.wikipedia.org/wiki/ABS-CBN_Corporation).
Global Media Arts (GMA) Network, Incorporated. Ito ay isa sa mga nangungunang network na
pantelebisyon sa Pilipinas. Sila ay nagpapalabas ng mga programang pang-aliw at balitaan sa
pamamagitan ng kanilang apatnapu't pitong (47) relay stations, apat na himpilang ka-affiliate at tatlumpu't
apat (34) na himpilan ng radyo sa buong bansa. Ang network na ito mapapanood sa buong mundo sa
pamamagitan ng GMA Pinoy TV (http://tl.wikipedia.org/wiki/GMA_Network).
Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Heyman (2001), ang Philippine Drama o mas kilala bilang teleserye o teledrama, ay maaaring i-
uri sa iba’t-ibang anyo at genre. Ang teleserye/teledrama ay isang uri na napapanood sa telebisyon na
karaniwang hindi makatotohanan o walang pawang pruweba na masasabing ito ay totoo. Nagmula ito sa
dalawang salita na “tele”, pinaikling salita para sa “telebisyon”, at “serye”, salitang Tagalog para sa
“series” at “drama” para naman sa drama.
Ang salitang Teleserye ay karaniwang ginagamit bilang pangkalahatang katawagan para sa mga Filipino
soap operas sa telebisyon, bagaman naging opisiyal lamang ito noong taong 2000 nang unang inere ng
ABS-CBN, isang Filipino network, ang teleseryeng pinamagatang “Pangako Sa ’Yo”. Sa kabilang dako,
tinatawag din namang “telenovelas” ang mga Filipino soap operas. Ngunit, mula noong taong 2010,
opisiyal nang ginagamit ng GMA Network ang teledrama bilang pagkakakilanlan sa kanilang Philippine
TV Series na may kinalaman sa drama (Heyman, 2001).
Dagdag ni Karney (2009), na may pagkakahambing ang Teleserye sa mga klasikong soap operas at
telenovelas pagdating sa katangian at pinagugatan. Gayun pa man, habang tumatagal ay nagbabago at
nagkakaroon ito ng sariling katangian na malimit na inilalarawan sa makatotohanang pakikipagkapwa ng
mga Pilipino. Ipinapalabas ang teleserye limang beses sa isang linggo, at madalas pang inuulit tuwing
sabado at linggo. Nakakaakit ito ng malawak na manonood kabilang na ang mga bata at matatanda pati
narin ang mga kababaihan at kalalakihan lalo na’t ito ang may pinakamataas na kinikita sa Philippine
television. Tumatagal ito ng tatlong buwan hanggang isang taon, o mas matagal pa, depende sa
kagustuhan ng madla.
Ang mga teleserye ay kasalukuyang ginagawa ng ABS-CBN, samantalang Dramaseryes naman para sa
TV5 Philippines at Teledramas naman para sa GMA Network. Ang mga ito ay karaniwang co-produced
ng TAPE Inc., at ng isang film studio, VIVA Entertainment.Mayroon ding ibang anyo ang Philippine
Drama. Kabilang na dito ang “serials” at “anthologies” na karaniwang ipinapalabas linggu-linggo. Ang
mga dramang ito ay ineere ng may hangganang bilang ng mga episodyo na karaniwang tumatagal ng
isang season depende sa kagustuhan ng madla ( Gottman, 2009).
Malaking palaisipan sa mga mananaliksik ang pagbilis ng paglitaw ng mga Soap Opera o kilala sa ating
bansa na "Telenobela". Ang telenobela ay isang melodramatic fiction na palabas na kadalasang ineere sa
Latino-Amerikano na mga bansa noong unang panahon. Ang mga palabas na ito ay ineere sa gabi, anim
na araw sa isang linggo at nakakaanyaya ng maraming manonood, iba't iba man ang edad at kasarian.
Ito ay tumatagal ng tatlo hanggang anim na buwan.
Gottman (2009), nagsimula ang pagpapalabas ng mga Soap Opera sa Pilipinas noong ang Gulong ng
Palad ay unang narinig sa radio noong taong 1949. Lalo pa itong lumawak pati na rin sa telebisyon noong
early 1960s. Ang kauna-unahang Philippine Soap Opera ay ang Hiwaga sa Bahay na Bato noong 1963,
na ipinalabas ng ABS-CBN. Liwanag ng Pag-ibig, Prinsipe Amante, at iba pang mga soap operas na
sumunod.
Ang mga “soaps” ay karaniwang ipinapalabas tuwing umaga, ngunit noong 1996, naurong ang
pagpapalabas ng mga soap opera sa gabi dahil sa popularidad na nakuha ng isang Mexican telenovela
na pinamagatang Marimar na inere ng RPN 9 dito sa Pilipinas. Ito ang naging simula ng pagkasikat ng
mga telenovelas sa Pilipinas. Ang mga malalaking TV networks ay sinunod din ito sa pamamagitan ng
pagpapalabas ng mga local at foreign telenovelas sa kani-kanilang mga napiling oras.
Noong taong 2000, gumawa ng marka ang ABS-CBN noong ipinalabas nila ang Pangako Sa ‘Yo, kilala
bilang kauna-unahang opisiyal na teleserya, at ang Kay Tagal Kang Hinintay. Ang mga teleseryeng ito
ang nagtakda ng pamatayan para sa mga kasalukuyang produksiyon ng teleserye sa Pilipinas. Itong
bagong genre ay naging sikat sa buong bansa, at ang popularidad nito ay kumalat pa maging sa ibang
bansa. At dahil dito, ang mga soap operas na ipinapalabas sa telebisyon ay karaniwan nang tinatawag na
habang ang GMA Network naman ay tinawag ang kanilang mga soap operas na teledrama.

Kaugnay na Pag-aaral 

Isinaad ni Michael Richards (2000) sa aklat na ´ TV in Contemporary  Asia µnoong 1997, nagkaroon ng
matinding kompetisyon sa pagitan ng mga programang pambalita ng ABS-CBN at ng bagong- labas na
Mexicanovela na Marimar.Gayundin, ang nasabing programa ay ang dahilan kung bakit pansamantalang
naging una sa television ratings ang RPN9 , ang istasyong nagpalabas ng nasabing telenovela (Danny,
2010).
Hinding-hindi mawawala sa mga tahanan ng mga Pilipino ang mga telebisyon. Para kasing mababaliw ka
sa kalungkutan kung wala ang mga telebisyon para magbigay saya at aliw sa atin. A t isa na nga sa mga
kinaaaliwan natin ay ang pagsubaybay sa mga telenobela at mga koreanobela. Parangang kulang ang
ating mga araw kung hindi natin napanood ang paborito nating programa (Ediny, 2010)
May tamang timpla ang pagkakagawa ng kwento ng mga nobelang ito na napapanood natin. Dahilan
kaya naman patok na patok at talagang kinakagat natin ang mga ito. Gabi-gabi, araw-araw at hapon-
hapon ay nakatutok tayo sa ating mga telebiston para manood ng mga nobelang ito. Kadalasan pa nga
ay tinitigil natin ang anumang ginagawa natin para lang huwag mapalampas ang bawat eksenang
mangyayari sa ating paboritong programa (Ediny, 2010)
Ayon kay Gennetian 2009) na ang Mara Clara, Esperanza, Marimar, Full House, Cofee Prince, Meteor
Garden, Endless Love, Rosalinda, Annakarenina at iba pa ay siyang mga palabas na lubusan nating
sinuportahan at sinubaybayan. Nakiiyak, nakiramay at nakitawa tayo sa mga bida. Namuhi, nainis at
nagalit tayo sa mga kontrabida. Kinilig din tayo sa mga programang sadyang hatid naman talaga ay ang
mapa-ibig tayo at kiligin (Gennetian, 2009).
Bahagi na ng ating pangaraw-araw na pamumuhay ang panonood ng mga ito. Ang pagdating nila ay
tulad ng isang napakalakas na bagyo. Napakalakas ng dating at nakakagulat. At isa pa, sinasalamin ng
mga korea/telenobela ang tunay na drama at aksyon sa totoong buhay ng bawat isa sa atin.
Ang mga Soap Opera o Telenobela ay nagsimula sa radyo at hindi naglaon ay binuksan sa telebisyon
noong 1960's. Ang unang Filipino Soap Opera na pinalabas ay pinamagatang "Hiwaga sa Buhay na
Bata" noong 1963 na inihandog ng ABS-CBN. Ang mga telenobela noong unang panahon ay pinalalabas
sa araw. Ilan sa mga popular na telenobela noon ay ang Gulong ng Palad, Flor de Luna, Aguila at
Valiente. Ngunit noong 1996, ang mga programang ito ay nalipat sa gabi dahil sa pagdating ng dayuhang
palabas na "MariMar" sa RPN 9 at dito na nagsimula ang pagkahumaling nga mga Pilipino sa mga
telenobela (http://en.wikipedia.org/wiki/Teleserye).
Matapos ang mga taon ng pamamayagpag ng mga Soap Opera ng Pilipinas, sumunod naman ang pag-
eere ng mga dayuhang telenovela tulad ng mga palabas sa Mexico. Natatandaan n’yo pa ba si Fulgoso?
Si Sergio? Si Corazon? Eh si Marimar?! Oh ano? Naalala n’yo na ba?! haha.. Malamang tumatakbo na
sa utak nyo ngayon kung sinu-sino ang mga tauhan na nabanggit. Yan ay walang iba kundi si “Marimar”.
Sikat na sikat, bata man o matanda ay sinubaybayan ang pakikpagsapalaran niya sa tabing-dagat.
Nahumaling ang mga Pinoy sa kanyang alindog at husay sa pag-arte at pagsayaw. Ang karakter na
Marimar ay ginampanan ni Thalia, isang singer at aktres sa Mexico. Nagkaroon ng ugnayan sa pagitan
ng karakter ni Marimar at ng mga manonood. Mas lalong naging popular ang palabas at tinagkilik ng mga
Pilipino (Chinovela 101!Ü).
Matapos ang pamamayagpag ng mga Mexicanovela sa Pilipinas, nagkaroon naman ng panibagong
kinabaliwan ang mga Pilipino. Ito ay walang iba kundi ang mga Chinovela na pinasimulan ng ating
Kapamilya station. Meteor Garden ang unang Chinovela na naipalabas sa Pilipinas (sa pagkaka-alam ko!
Baka may iba pa?!) Lahat na curious sa pagdating ng astig na palabas na ito. (Kahit ako n0h!) Trailer pa
lang mukhang ayos na ayos talaga. Talagang minahal ng mga Pilipino ang mga karakter dito. Ang Flower
4 o mas kilala sa tawag na F4 ay sinubaybayan ng husto ng mga Pinoy. At isama pa ang babaeng bida
sa palabas na ito. Kakaiba talaga ang ang istroya ng palabas na Meteor Garden kaya naman kinagat ito
ng ating mga manonood.

Kabanata III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pag-aaral

Sa kabanatang ito maipapakita ang mga halimbawa ng teknik, mga instrument ng pananliksik at statistical
treatment na ginamit bilang interpretasyon sa mga nalikom na datos.
Ang pag-aaral na ito ay naisagawa sa pamamagitan ng paglikom ng mga datos sa ibat-ibang respondent
sa ibat-ibang piling kurso ng GenSantos Foundation College, Inc.
Ang mga datos nanakalap ay mula sa mga sarbey-kwestyoneyr na sinagutan ngtatlumpu (30) na
respondentsa ibat-ibang piling kusro. Lima (5)sa Human Resource Development Mangement (HRDM),
Lima (5)sa BS Accountancy, Lima (5)sa Financial Management (FM), Lima (5)sa Marketing Management
(MM) at sampu (10) sa Education (BSED).

Metodolohiya

Nagbigay ng (30) tatlumpung talatanungan ang mga mananaliksik sa mga mag-aaral ibat-ibang piling
kurso ng GenSantos Foundation College, Inc. Ang talatanungan ay nagpokus sa katangian ng mag-aaral
tungkol sa teleserye o soap opera at kung anu-ano ang mga nagging epekto nito sa kanila bilang mag-
aaral
Una,nagtanong itokung saang istasyon ba nila pinapanood at kung ano ang kadahilanan kung bakit sila
nanonood nito. Huli, nagtanong ito kung ano ang epekto sa mag-aaral ng panonood ng teleserye araw-
araw.

Teknik sa Pagkuha ng Sampol o Kalahok sa Pag-aaral

 Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Purposive Sampling Technique. AngPurposive Sampling


Technique ay paraan ng pangungulektang datos mula sa mga grupo ng taong may mga katangiang
maaaring tumugon otumutugon sa mga istandards na hinihingi ng pag-aaral.
 AngPurposive Sample ay pinili ng mga mananaliksik bilangasignatura. Ang mga mananaliksik ay
sumubok na magkaroon ng sampol namagpapakita sa kanila ng representasyon ng populasyong saklaw
ng pag-aaral.
Pormula sa Pagkalkula ng mga Porsyento
Ginamit ng mga mananaliksik angpercentage technique upang makitaang kinalabasan ng ginawang
pagsusuri batay sa mga sagot ng mgarespondente. Ginamit din ito upang makuha ang kalahatang
bahagdan ng bilangng pare-parehong mga sagot sa isang partikular na tanong. Ang ginamit napormula
ay:
(dami ng respondente na sumagot sa katanungan)/(kabuuang dami ng respondente)x 100=%

Kabanata IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

 Ang kabanatang ito ay naglalahad at nagpapaliwanag nang maayos sa mga datos na nakalap at nalikom
ng mga mananaliksik mula sa mga talatanungantungkol sa epekto ng panonood ng teleserye, istasyong
pinapanood nila at mga dahilan kung bakit nila ito pinapanood.

Talahanayan 1

Istasyon ng Telebisyong Pinapanood ng mga Mag-aaral ng mga Teleserye


Istasyon        Nanonood        Hindi Nanonood
ABS-CBN        27        3
GMA        22        8
TV 5        1        29
News TV        0        30
Kabarkada Channel 36        0        30
Brigada News        0        30

Ang talahanayang ito ay nagpapakitasa bilang ng mga respondente na nanonood ng mga teleserye at
saang istasyon nila ito pinapanood.
Sa istasyon ng ABS-CBN, ito ay pinapanuudan ng 27 na mag-aaral at may 3 naman ang hindi nanonood
sa istasyong ito. Sa GMA, nakakuha naman ito ng 22 bilang na nanonod sa mga teleserye na
ipinalalabas ditto ay may 8 naman ang mga hindi nanonood sa istasyong ito.
Sa kabilang daku, ang TV5 naman ay mayroon lamang isa na nanonood ng mga teleserye na
ipinalalabas sa istasyong ito at mahigit 29 anmg mga hindi sumasabay sa panonood nito. Sa NEWS TV
naman, nakakuha ito ng 0 na ang ibig sabihin ay walang nanonood sa istasyong ito sa mga teleseryeng
pinapalabas nila. 
Sa KABARKADA CHANNEL 36 naman, ay nakukuha ito ng 0 bilang ng mga nanonod ng mga teleseryer
at may 30 bilang ng mga mag-aaral ang mga hindi nanonood sa istasyon at ang panghuli ay ang
BRIGADA NEWS na nakakuha naman ng 0 bilang ng mga tagapanonood na mga mag-aaral at 30 ang
mga hindi nanonood sa istastong ito.
Talahanayan 2

Pagbabahagdan sa mga mag-aaral ng mga nanonood at di-nanood ng teleserye sa nasabing istasyon


Istasyon        Nanonood        Bahagdan(%)        Hindi Nanonood        Bahagdan(%)
ABS-CBN        27        90        3        10
GMA        22        73.3        8        26.7
TV 5        1        3.3        29        96.6
News TV        0        0        30        100
Kabarkada Channel 36        0        0        30        100
Brigada News        0        0        30        100

Ang talahananyang ito ay nagpapakita ng pagbabahagdan ng mga mag-aaral na nanonood ng mga


teleserye sa nasabing istasyon. 
Kung ating makikita, ang ABS-CBN ay may 27 na nanonood na may kabuuang bahagdan na 90 at 3 sa
mga ito ang hindi nanonood na may kabuuang bahagdan na 10. Ang GMAnaman ay may 22 na
nanonood at ito ay may kabuuang bahagdan na 73.3 at may kabuuang bilang na 8 para sa mga hindi
nanonood at ito ay may kabuuang bahagdan na 26.7.
Sa kabilang banda, ang istasyon naman ng TV 5 ay mayroon lamang ito 1 na nanonood na may 3.3
kabuuang bahagdan at may 29 kabuuang mag-aaral na di-nanonood na may kabuuang bahagdan na
96.6. sa NEWS TV naman, ito ay may 0 na nanonood nay may kabuuang bahagdan na 0 at may 30 na
kabuuang di nanonood na may bahagdan na 100.
Ang sunod ay ang istasyon Kabarkada Channel 36 na may 0 nanonood at may 100 kabuuang bahagdan
at 30 sa mga di-nanonood na may kabuuang 100 bahagdan at ang huli ay ang Brigada News may 0
nanonood at may 100 kabuuang bahagdan.

Talahanayan 3

Katangian ng isang teleserye o soap opera na kinagigiliwan ng mga mag-aaral


Katangian ng isang teleserye         Bilang ng Sumagot        Kabuuan bahagdan (%)
       Nakakapulot ng magandang aral (moral lesson)        29        96.7
       Nakakapagbigay kasiyahan        27        90
       Nakakalibang        26        86.7
       Nakakaaliw        29        96.7
       Pagiging mabait na indibidwal        24        80
       Pagiging mapagmahal          24        80
       Pagkakaroon ng pananalig sa Diyos        29        96.7
       Pagiging matapat        22        73.33
       Pagiging matulungin        24        80
   10. Pagiging masayahin        28        93.33

Sa talahanayang ito, ipinapakita angmga bilang ng sumagot at ang mga karampatang bahagdan nito.
Sa talahanayang ito, kung ating makikita, ang Nakakapulot ng magandang aral (moral lesson) ay may
kabuuang bilang na 29 na sumagot at may kabuuang bahagdan na 97. Sa Nakakapagbigay kasiyahan
naman, ito ay may kabuuang bilang na sumagot na 27 at ito ay may 90 kabuuang bilang ng bahagdan.

Sa kabilang daku, ang nakakalibang naman ay nakakuha ng kabuuang bilang ng tagasagot na 26 na may
kabuuang bahagdan na 86.7, sa nakakaaliw naman, ito ay umabot sa 29 na mga sumagot na respondent
na may karampatang kabuuang bahagdan na 96.7. Sa Pagiging mabait naindibidwal, ito ay nakakuha ng
kabuuang bilang na 24 at may kabuuang bahagdan na 80.
Sa Pagiging mapagmahal, ito ay nakakuha ng 24 na may 80 kabuuang bahagdan at sa Pagkakaroon ng
pananalig sa Diyos ay nakakuha ng 29 at ito ay may kabuuang bahagdan na 96.7. Sa Pagiging matapat
ay may 22 na tagasagot na may kabuuang bahgadan na 73.33. angPagiging matulungin ay nakakuha
naman ng 24 kabuuang bilang na may kabuuang bahagdan na 80 at angh panghuli Pagiging masayahin
na nakakuha ng 28 at umabot ito sa kabuuang bahagdan na 93.33

Talahanayan 4
Pagbabahagdan sa mga Epekto ng Panonood ng Teleserye sa mga Mag-aaral
Mga Epekto        Bilang ng Sumagot        Kabuuan bahagdan (%)
       Nagiging mas malapit sa taong minamahal          25        83.33
       Nagiging mas mabait at nakakaunawa        27        90
       Nagiging mas malapit sa Diyos        29        96.7
       Nadadagdagan ang pagmamahal sa pamilya 
       22        73.33
       Nagiging mainisin        9        30
       Nagiging madrama        4        13.33
Sa talahanayang ito, naipapakita ang mga sumagot sa mga ibat-ibang epekto ng panonood ng mga ibat-
ibang teleserye sa mga mag-aaral.
Kung ating makikita, ang Nagiging mas malapit sa taong minamahal  ay nakakuha ng 25 kabuuang bilang
ng sumagot at ito ay may karapatang kabuuang bahagdan na 83.33. Ang nagiging mas mabait at
nakakaunawa naman ay nakakuha ng kabuuang bilang na 27 at ito may kabuuang bahagdan na 90 at sa
Nagiging mas malapit sa Diyos ay nakakuha naman ng 29 kabuuang sumagot na may karampatang
kabuuang bahgdan na 96.7.
Sa kabilang daku, ang Nadadagdagan ang pagmamahal sa pamilya ay may kabuuang bilang na 22 at ito
ay may kabuuang bahgdan na 73.93. Sa Nagiging mainisin naman ay may kabuuang bilang na 9 na
sumagot at may kabuuang bahagdan na 30 at ang panghuli ay ang Nagiging madrama ay may kabuuang
bilang na 4 at may karampatang kabuuang bahagdan na 13.33.

Kabanata V

BUOD, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Buod

       Ang layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy kung anu-anu ang mga epekto ng panonood ng mga
ibat-ibang teleserye sa mga piling mag-aaral sa ibat-ibang kurso ng GenSantos Foundation College.
Naglalayon din ito sagutan kung anu-ano ang nagpapahikayat sa mga mag-aaral na ito upang panuurin
ang mga nasabing teleserye.
       Sa talahanayan 1, naipakita doon na halos kinuha ng istasyon ng ABS-CBN ang lahat ng
respondente sa panonood ng mga nasabing teleserye. Nakakuha ito ng kabuuang bilang na 27 nay may
karampatang kabuuang bahAgdan Na 3 at nasa panghuli naman ang tatlong istasyon na nakakuha ng
pawing mga 0 na tagapanood. Ang News TV, Kabarkada Channel 36 at Brigada News.
       Sa talahanayan 3 naman, makikita ang mga katangian ng isang teleserye o soap opera na
kinagigiliwan ng mga mag-aaral. Ang Nakakapulot ng magandang aral (moral lesson), Nakakaaliw at
Pagkakaroon ng pananalig sa Diyos ay parehong nakuha ng pinakamataas na bahagdan sa mga
katangian ng isang teleserye. Ngunit nakuha naman pagiging matapat ang pinakababa na kung saan
nakakuha ito ng 73.33 kabuuang bahagdan.
Ang talahanayan 4 naman ang Pagbabahagdan sa mga Epekto ng Panonood ng Teleserye sa mga Mag-
aaral ay nagpapakita ng mga epekto ng panonood ng mga ibat-ibang teleserye ng mga mag-aaral. Ang
Nagiging mas malapit sa Diyos ang siyang nanguna sa mga epekto nito na may kabuuang bilang na 29
na sumagot sa mga respondente at ang panghuli naman ay ang Nagiging madrama an kung saan
nakakuha ito ng kabuuang bilang na 9 na may kabuuang bahagdan na 13.33.

Konklusyon

Sa pag-aaral na ito, kung ating mapapansin, karamihan sa mga mag-aaral ayng GenSantos Foundation
College, Inc. ay nanonood ng teleserye sa istasyong ng ABS-CBN at sinundan ng GMA at iilan lamang sa
ibang istasyon.
Ibat Iba ang mga naging dahilan ng mga mag-aaral kung bakit nanonood sila ng teleserye. Isa sa mga
dahilan nila ng panonood ng teleserye ay nakapagbibigay ito ng magandang aral sa bawat isa, may
nagsabi din na kasiyahan at aliw ang dulot nito kung kayat hindi maitatangi na ang teleserye ay naging
isang instrumento upang magkasama-sama ang bawat miyembro ng pamilya.
Sa kabilang banda, ang panonood ng teleserye ay may epekto sa mga mag-aaral na bilang respondente.
Isa sa positibong epekto ng panonood ng teleserye sa mga mag-aaral ay natututo silang pagyabungin
ang kanilang emosyon at damdamin sa positibong aspeto. Naging masmalinaw din sa ilang mag- aaral
na gumawa ng kabutihan kaysa sa masama. Ngunit sa kabilang banda ay nagkaroon din ng negatibong
epekto ang panonood ng teleserye sa mga mag-aaral at ang isang nakitang negatibong epekto nito sa
mag-aaral  ay nagkaroon ng ugaling pagkainis ang mag-aaral .Karamihan sa atin ay nanonood ng
teleserye na kung saan ang bawat isay may dahilan kung bakit nanonood nito. Ngunit sa kabilang banda
ang panonood natin ng teleserye ay mayroong positibo at negatibong epekto kung kayat maging
mapanuri ang lahat sa pinapanood nilang teleserye.

REKOMENDASYON

Sa pag-aaral na ito ay binigyang puna ng aming pamanahunang papel ang mga dahilan at ibat-ibang
epekto ng panonood ng teleserye ng mga piling kurso ng mga mag-aaral ng GenSantos Foundation
College, Inc. Para sa mga mag-aaral maging mapanuri sa mga teleserye o soap opera na kanilang
pinapanood dahil sa may maaaring maging epekto sa kanila ang panonood  nito. Para naman sa
magulang ng mga mag-aaral ay gabayan nila kanilang mga anak sa panonood, dahil sa may mga ilang
teleserye o soap opera ang maaring hindi angkop sa gulang ng mga batang mag-aaral.
 Ang Pamanahunang papel na ito ay maaring pagyamanin pa.Para sa mga susunod na mananaliksik,
maaring gumawa ng isang case study ng mga piling mag-aaral. sa ganitong paraan, maaring
masubaybayan ang buhay ng mag-aaral sa maaring maging epekto sa kanila ng panonood ng teleserye
o soap opera. Magiging mas detalyado at eksakto ang pag-aaral sapagkat makikita ng mananaliksik
mismo ang kilos at epekto nito sa mag-aaral.
Bibliyograpi

Clake, Matthew. (2008). "teleserye".Tagalog English Dictionary-English  TagalogDictionary.Bansa.org.


Ediny, K. (2010). Patotoo Bago sa Estados Unidos Senado Committee sa teleserye. Mga sanggunian
nit0. Volume 5. 
Danny, F. P. (2010), "Ang Mga epekto Ng teleserye sa mga mag-aaral", Washington , DC: Ang Heritage
Foundation.
Gaboy, Luciano L (2010).. "Break up". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni
Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
Gennetian, L. at V. Knox. . (2009) Pagkuha at paglagi ng telserye: Ang Effects ng isang Minnesota
Welfare Reporma Programa sa mga mag-aaral .Katatagan. New York: MDRC.
Gottman, JM (2009). Tungkol sa ksoap opera ng Pakikipag-ugnayan: Eksperimental Pagsisiyasat.
Oxford, England: Elsevier.
Heyman, muling (2001). "Observation ng ilang mga salungatan:. Klinikal Mga Application Assessment,
soap opera, melodrama at teleserye" sikolohikal Assessment 13: 5-35.
Karney, BR, L. Story, at T. Bradbury. (2009). " Konteksto:. Pakikipag-ugnayan sa Pagitan ng soap opera
at teleserye" Oktubre 12-14, 2002, sa Boston College, kulay-kastanyas Hill, MA.
Wallerstein, J., at J. Kelly. (2000). Surviving ang pagkalansag: Paano Ang mga bata at mga magulang sa
panonood ng mga palabas. New York: Basic Books.
Waite , Linda J. , (2009),  Ang mga epekto ng mga teleserye sa mga mag-aaral. Bago pa noon hanggang
sa ngayon. Kapupunan Foundation ng mga soap opera (New York:

You might also like