Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang kuwentong-bayan ay bahaging pasalaysay ng kaalamang-

bayan.
Karaniwan ang layon ng ating mga kuwentong-bayan ay makaaliw at magtala
ng pinagmulan ng mga bagay-bagay, subalit ang lalong mahala’y ang
pagtatala ng mga nagawa ng mga tao, ang kanilang mga simulain sa buhay
at ang pagpapahalaga sa kanilang kultura.

Sa kultura nakikita ang pagkakaiba ng isang lipi ng mga tao sa ibang tao at
ang kaisahan ng mga taong ito. Ang kaisahan ay lumilinang ng damdaming
makabayan.

Ang isang kuwentong-bayang nagpapalipat-lipat sa salin ng lahi ay maikli.


Ngunit sa kanyang kaiklian ay batbat naman ng karunungan, kalatas at
karanasan ng bansa.

MGA URI NG KUWENTONG BAYAN

Maaaring pag-áyaw-áyawin ang mga kuwentong-bayan ayon sa lunang


pinangyarihan. Ang pagkakatulad at ang pagkakaiba ng kultura sa iba’t
ibang lugar ay tinatawag na Pambalat-lupa (Geographical).

Ang mga kuwentong-bayang naglalarawan ng iba’t-ibang buhay sa iba’t-


ibang hakbang ng ating kasaysayan ay Pangkasaysayan (Historical).

Nahahati ang pangkasaysayan sa:

1. Kauna-unahang Panahon (Early Pre-Historic Period)


2. Period of Pre-Historic Migration
3. Bago Dumating ang mga Kastila
4. Panahon ng Kastila
5. Panahon ng Himagsikan
6. Panahon ng Pananakop ng mga Hapones

Pinagmulan ng Mga Bagay-Bagay (Natural Phenomenon)


Pangmoralidad (Morality)
Tungkol sa mga Bayani (Heroes)
Tanging Pang-aliw (Pure Entertainment)
Alangang Pangkasaysayan at Alangang Likha ng Guniguni

MGA HALIMBAWA NG KUWENTONG BAYAN

 “Si Mariang Mapangarapin”


 “Ang Punong Kawayan”
 “Kung Bakit Umuulan”
 “Nakalbo ang Datu”

You might also like