Introduksiyon (Week 1-2)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Western Mindanao State University

Naga Campus
Sta. Clara, Naga, Zamboanga Sibugay

AS2 FIL 104


INTRODUKSIYON SA PAG-AARAL
NG WIKA

Course Description:
Tatalakayin at ipakikita ang kaalaman sa
mga teorya (sikolohikal, sosyolohikal,
antropolohikal, linggwistik, atbp) at
impluwensya nito sa loob at sa kabuuan ng
kurikulum sa iba’t ibang disiplina ng pagtuturo
at pagkatuto.
Western Mindanao State University
Naga Campus
Sta. Clara, Naga, Zamboanga Sibugay

INTRODUKSIYON SA PAG-AARAL NG WIKA


AS2 FIL 104
Instructor: Almarie C. Fulgueras

Week 1-2
Paksa: ANG WIKANG FILIPINO
 Kahalagahan ng wika
 Katangian ng wika

Layunin:
a. Naipakikita ang kaalaman tungkol sa wika, kahalagahan ng wika at katangian ng wika.
b. Naipamamalas ang kasanayan sa positibong paggamit ng ICT na makatutulong sa proseso
ng pagtuturo at pagkatuto.

Subukin !
Panuto: Gumawa ng isang sariling slogan tungkol sa “Wikang Filipino.

______________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________.
Western Mindanao State University
Naga Campus
Sta. Clara, Naga, Zamboanga Sibugay

Tuklasin !

ANG WIKA AT ANG WIKANG FILIPINO

KAHULUGAN NG WIKA

Maraming magkakaugnay na kahulugan ng wuka ang maaaring mabasa sa


iba’t ibang aklat. Bawat isa ay naglalarawan at nabibigay-katuturan upang ganap na
mauunawaan ang kalikasang taglay nito. Nakabatay sa iba’t ibang pananaw ang
pagpapakahulugan ng wika.

Linggwistikong Pananaw
Ayon kina Block at Truger (1942), isang sistema ng mga sistema ng mga
arbitraryong simbolo ng mga tunog ang wika na ginagamit ng isang pangkat panlipunan sa
pakikipagtalastasan.
Ayon naman kina Hail( 1968),ang wika ay ang institusyon kung saan ang
mga tao ay nakikipagtalastasan sa pamamgitan ng arbotraryong simbolo.

Pananaw na Estruktural
Isang arbitraryong sistema ng mga anyonh linggwistik ang wika.
Pinagsasama ang mga sangkap o aytem nito sa mga karaniwang paraan upang lumikha ng
pangungusap (Resuma at Semorlan,2002)
Sa ganitong pananaw,binibigyang-diin sa pag-aaral ng alinmang wika ang
pagbuo ng mga linggwistik na anyo nito,ang mga ponema o pinakamaliit na makahulugang
yunit ng tunog, ang morpema o pinakamaliit na makahulugang yunit ng salita,gayon din ang
pagbuo at pagpapalawak ng mga salita at pangungusap. Humahangga lamang sa paglalarawan
o deskripsyon ng mga anyong linggwistik ang pag-aaral ng wika.
Western Mindanao State University
Naga Campus
Sta. Clara, Naga, Zamboanga Sibugay

Kognitivist
Inaakala ng mga kognitivist na isang prosesong mental ang wika. May
unibersal na gramatika, at sa mataas na abstrak na antas,may magkakatulad na katngiang
linggwistik ang lahat ng mga wika (Chomsky,1957).

Teoryang Sosyo-linggwistik
Ayon sa mga siyentistang panlipunan o social scientist,hindi lamang set ng
mga tuntunin ng pagbuo ng mga anyong linggwistik ang wika kundi set o kalipunan na rin ng
mga tuntunin ng paggamit nito (Hymes,1972). Nangangahulugan itong isang bukas at buhay na
sistema ang wika na nakikipag-interaksyon, binabago at/o bumabago sa kapaligiran bilang
bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito. samakatuwid, isa itong kasanayang panlipunan
at makatao.

Ang pagkakahawig at pagkakapareho ng mga wika sa Pilipinas ay bunga ng


pangyayaring nagmula sa pamilyang Malayo-Polynesian ang mga ito. Ayon kay Paz
(1977),may mga kogneyt ang mga wika ng Pilipinas na ang mga anyo at tunog ay magkahawig
hindi man parehong-pareho.

ANG WIKANG FILIPINO

ANO ANG WIKANG FILIPINO?

Mahalagang maunawaan sa puntong ito ang ilang batayang kaalaman tungkol sa


wikang Filipino. ano ang wikang Filipino at tungkulin nito bilang pambansang wika ng Pilipinas?

Pambansang Linggwa Frangka

Filipino ang wikang ginagamit ng dalawa o higit pang tao na magkaiba ang katutubong
wika at kabilang sa magkaibang etnolinggwistikong grupo. Sa Pilipinas, sinasabing
pambansang linggwa frangka ang Filipino dahil ito ang ginagamit ng mga tao mula sa iba’t
ibang grupong etnolinggwistiko upang magkaunawaan at makipag-ugnayan. Halimbawa, ito ang
ginagamit ng isang Sebuano kapag makikipag-usap siya sa isang Maranao.

Konstitusyonal na pambansang wika sa Pilipinas

Nakasaad sa 1987 Konstitusyon ang tatlong bahagi ang pambansang patakaran tungkol
sa wikang pambansa.
Una, kinikilala ng Konstitusyon ang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Ayon
sa Art.XIV, Sek.6, “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.”
Western Mindanao State University
Naga Campus
Sta. Clara, Naga, Zamboanga Sibugay

Ikalawa, itinadhana ang Filipino bilang opisyal na wika ng komunikasyon at ng


pagtuturo. Batay sa Art. XIV, Sek 7, “Para sa komunikasyon at pagtuturo ,ang mga opisyal na
wika sa Piliponas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinakda ang batas Ingles.”
Ikatlo, inaatasan ng Konstitusyon ang gobyerno na gumawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad nito.

Samakatuwid, Filipino ang wikang ginagamit at gagamitin sa mga usaping pambansa at


pangangailangang pambansa ng sambayanang Pilipino.

Wika sa Opisyal na Komunikasyon

Dahil pambansang wika ang Filipino, ginagamit ito at nararapat gamitin ng mga sangay
at hensiya ng gobyerno sa lahat ng opisyal na komunikasyon sa-
-deliberasyon sa lehislatura at pagsulat ng mga batas;
-pag-isyu ng mga dekrito a kautusang ehekutibo;
-pormulasyon ng mga pambansang patakaran;
-paghahanda ng mmga impormasyon pampubliko kaugnay ng mga opisyal na programa ng
gobyerno;
-pagdaraos ng mga paglilitis at pagpapasiya ng hukuman;
-pagsult ng memorandum at iba pang komunikasyon;
-mga opisyal na porma at/o dokumento (lisensya,sertipiko,pasaporte, at iba pa); at
-mga tungkulin at Gawain ng estado

Sa paggamit ng Filipino sa mga opisyal na komunikasyon ng gobyerno, nabibigyan ng


kaalaman ang karaniwang mamamayan tungo sa pagkakamit ng kapangyarihan para lumahok
at magpasiya sa mga pambansang usapin.
Opisyal na Wikang Panturo

Kinikilala ang Filipino bilang mabisang wika ng pagtuturo at pagkatuto. Bilang opisyal na
wikang panturo, ginagamit na ang Filipino sa pagtuturo at pag-aaral sa iba’t ibang disiplina ng
kaalaman at sa lahat ng antas ng edukasyon. Layunin nitong mapabilis ang pagkatuto ng mga
estudyante, maiangat ang antas ng literasi ng taong bayan, at malinang ang kaisipang
siyentipiko at pagpapahalagang Pilipino.

Kahalagahan ng Wika
Napakahalaga ng wika sa sangkatauhan. Kung walang wika, maaaring
matagl nang pumanaw ang sangkatuhan at ang sibilisasyong ating tinatamasa sa ngayon. Sa
kabanatang ito, tinukoy at ipinaliwanag ang apat na pangunahing halag ng wika sa tao.

1.INSTRUMENTO NG KOMUNIKASYON-
ang wika, pasalita man o pasulat ay pangunahing kasangkapan ng tao sa
pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Sa micro level, ang dalawang ito ay nagkakaunawaan
Western Mindanao State University
Naga Campus
Sta. Clara, Naga, Zamboanga Sibugay

sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng wika. Ang magkasintahan, halimbawa ay


nakapagpanatili ng relasyon dahil may wikang nagiging instrumento nila ng komunikasyon.
Samantala, may mga nagkakagalait o nag-aaway bunga ng
miskomunikasyon o di-epektibong paggamit ng wika. Samakatuwid, ang mabisang paggamit ng
wika ay mahalaga sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa dahil tayong mga tao ay
nilikhang panlipunan. Kung gayon, ang wika ay pangunahin nating kasangkapan upang tayo’y
makaganap sa ating tungkuling panlipunan. Gayon din sa macro-level. Ang mga bansa ay
nakakapag-ugnayan dahil sa wika. Iba-iba man ang wika ng mga bansa, nakahahanap pa rin
sila ng komong wikang kanilang kinakasangkapan upang magkaroon ng unawaan. Ano na kaya
ang mangyayari sa ating daigdig kung walang wika o kung hindi epektibo ang paggamit ng mga
bansa sa wika?

2.NAG-IINGAT AT NAGPAPALAGANAP NG KAALAMAN-


Maraming kaalaman ang naisasalin sa ibang saling-lahi at napakikinabangan
ng iabng lahi dahil sa wika. Ang mga nobela ni Rizal, ay naisulat ilang daang taon na ang
lumipas ngunit patuloy itong napapakinabangan sa ating panahon dahil may wikang nagkanlong
ditto at nag-iingat hanggang sa kasalukuyan. Ang mga mahahalagang imbensyong kanluran ay
napapakinabangan din sa ating bansa dahil may wikang nagkanlong sa mga iyon at naging
sanhi uoang iyon ay mapalaganap sa iba’t ibang sulok ng daigdig. Dahil may wika, hindi
kasamang naililibing ang mga mahahalagang kaalaman sa pagyao ng lumikha o tumuklas ng
mga iyon. Paano lang kaya kung hindi man lang naisulat o naipagsabi ni Benjamin Franklin ang
pagkakatuklas niya sa kuryente bago siya namatay? Marahil ay baka wala pa rin tayong
kuryente hanggang sa ngayon.

3.NAGBUBUKLOD NG BANSA-
nang makihamok ang mga Indones sa kanilang mga mananakop na Olandes
, naging battle cry nila ang Satu Bangsa! Satu Bahasa! Satu Tuna-ir! Maagang nakilala ang ng
mga Indones ang tungkulin ng wika upang sila’y magbuklod sa kanilang pakikipaglaban nang
magkakaroon ng kalayaan. Pinag-isa naman an gating mga ninunong Katipunero ng wikang
Tagalog, ang kanilang opisyal na wika , sa kanilang pakikipalaban sa mga Kastila;
samantalangang mga propagandista naman ay bg wikang Kastila, na naging wika nila sa
pagpapahayaag ng mga makabayang diwa sa La Solidaridad. Ano mang wika, kung gayon,ay
maaaring maging wika ng pang-aalipin, ngunit maaari rin itong gamitin upang pagbuklurin ang
isang bansa sa layuning pagpapalaya.

4.LUMILINANG NG MALIKHAING PAG-IISIP-


Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kuwento o nobela o di kaya’y kapag
tayo’y nanonood ng pelikula, parang nagiging totoo sa ating harapan ang mga tagpo ninyo.
Maaaaring tayo’y napahahalakhak o napangingiti , natatakot o kinikilabutan, nagagalit o naiinis
Western Mindanao State University
Naga Campus
Sta. Clara, Naga, Zamboanga Sibugay

naaawa o naninibuhgo. Bakit kaya? Sapagkat pinagagana niyon ang ating imahinasyon. Sa
ating isipan, nalilikha natin ang bawat larawan ng mga tagpo sa kuwento o nobelang nalilikha
natin sa bawat larawan ng mga tagpo sa kuwento o nobelang ating binabasa o pelikulang ating
pinapanood. Ang wikang nakasulat na ating nababasa o wikang sinasalita ng mga tauhan sa
pelikula na ating naririnig ang nagdididkta sa ating isipan upang gumana at lumikha ng
imahinasyon, at kung gayo’y nalilinang ang ating malikhaing pag-iisip. Iadagdag pa, dahil sa
imahinasyong ito, kayraming nabubuo, nalilikha o naiimbentong pinakikinabangan ng
sangkatuhan.

KATANGIAN NG WIKA

1. Ang wika ay masistemang balangkas-


Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos sa isang tiyak na
balangkas. Walang wika ang hindi nakaayon sa balangkas na ito. Lahat ng wika ay
nakabatay sa tunog. Ponema ng tawag sa makahulugang tunog ng isang wika
samantalang Ponlohiya naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga ito.
Kapag ang mga ponemang ito ay pinagsama, maaring makabuo ng maliit na yunit ng
salita na tinatawag na Morpema. Ang Morpemang ponema katulad ng ponemang /a/ na
sa wika natin ay maaaring magpahiwatig ng kasariang pambabae. Morpolohiya naman
ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga morpema. Samantala, kapag ang mga
salita ay ating pinag-uugnay , maaari naman tayong makabuo ng mga pangungusap.
Sintaksis naman ang tawag sa sa makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap.
Kapag magkaroon nan g makahuluang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit
pang tao ay nagkakaroon na ng tinatawag na Diskurso.

2. Ang wika ay sinasalitang tunog-


Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan.
Samakatuwid, ito ang mga tunog na nalilikha n gating aparato sa pagsasalita na
nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga o ang pinanggagaling lakas o
enerhiya,nagdaraan sa pumapalag na bagay na lumilikha ng tunog o artikulador at mino-
modify ng resonador.

3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos-


Sa lahat ng pagkakataon , pinipili natin ang wikang ating gagamitin. Madalas,
ang pagpili at nagaganap sa ating subconscious at magkaminsan ay sa ating conscious
na pag-iisip. Bakit lagi nating pinipili ang wikang ating gagamitin? Sagot: upang tayo’y
mauunawaan ng ating kausap. Hindi maaaring ipagpilitan nating gamitin ang isang
wikang hindi nauunawaan ng ating kausap. Gayundin ang ating kausap , hindi niya
maaaring ipagpilitan ang wikang hindi natin batid. Tayo, an gating kausap o ang pareho
ay kailangang pumili ng komong wika kung saan tayo magkakaunawaan. Samantala,
upang maging epektibo naman ang komunikasyon, kailangang isaayos natin ang
paggamit ng wika. Sa paggamit nito, kailangang isaalang-alang natin ang ilang mga
konsiderasyon.
Western Mindanao State University
Naga Campus
Sta. Clara, Naga, Zamboanga Sibugay

4. Ang wika arbitraryo-


Kung ipinapalagay na ang wika ay arbitraryo, ano ang paliwanag sa pahayag na
ito? Ayon kay Archibald A. Hill(2000), just the sounds of speech and their connection
with entities of experience are passed on to all members of any community byolder
members of that community. Kung gayon, ang isang taong walang ugnayan sa isang
komunidad ay hindi matututong magsalita kung paanong ang mga naninirahan sa
komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan. Ngunit
samantalang ang bawat komunidad ay nakabubuo ng mga sariling pagkakakilanlan sa
paggamit ng wika na ikinaiiba nila sa iba pang kmunidad, bawat indibiduwal ay
nakadedebelop din ng sariling pagkakakilalan sa pagsasalita na ikinaiiba niya sa iba pa,
sapagkat bawat indibiduwal ay may sariling katangian, kakayahan at kaalamang hindi
maaaring katulad ng sa iba.

5. Ang wika ay ginagamit-


Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan
, kailangang patuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi na ginagamit ay
nawawalan na ng saysay, hindi ba? Gayundin ang wika. Idagdag pa na kapag ang wika
ay hindi na ginagamit, ito ay uti-unting mawawala at tluyang mamamatay.

6. Ang wika ay nakabatay sa kultura-


Paanong nagkaiba-iba ang mga wika sa daigdig?Sagot: Dahil sa pagkakaiba-iba
ng mga kultura ng mga bansa at mga pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit may mga
kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa kultura ng
ibang wika ang kaisipang iyon ng isnag wika. Pansinin natin ang pagkakaiba ng Ingles at
Filipino. Ano-ano ang iba’t ibang anyo ng ice formation sa Ingles? Ano ang katumbas ng
mga iyon sa Filipino? Maaaring yelo at nyebe lamang. Ngunit ano ang katumbas natin
sa iba pa? wala, sapagkat hindi naman bahagi ng ating kultura ang
glacier,icebergs,frost,hailstorm at iba pa. samantala, ano naman ang katumbas sa Ingles
n gating palay,bigas, at kanin?Rice lamang hindi ba? Bakit limitado ang bokabularyong
Ingles sa pagtutumbas ng mga salitang kargado ng kulturang agricultural? Ang sagot,
hindi ion bahagi ng kanilang kultura.

7. Ang wika ay nagbabago-


Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang isang wika
stagnant ay maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon. Paano nagbabago ang
wika? Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong bukabularyo. Ang
pinakamahusay na halimbawa nito ay ang mga salitang balbal at pangkabataan. Bunga
nito, ang ating wika ay nadaragdagan ng mga bagong salita na hindi na umiiral noon.
May mga salita namang nagkakaroon ng bagong kahulugan.
Western Mindanao State University
Naga Campus
Sta. Clara, Naga, Zamboanga Sibugay

Tayahin!

Gawain 1

Pangalan:_________________________________________________Petsa:______________
Kurso/seksyon: ________________________________________________ Nakuha:________

Panuto: Makikipanayam ng isa o dalawang tao tungkol sa Kahalagahan ng tao. (Sa


pakikipanayam, depende na sa inyo kung ano ang inyong itatanong sa taong
pakikinayaman ninyo. Isusulat o irerecord ang mga nakuhang impormasyon. Pagkatapos
makuha ang impormasyon ay gagawan ninyo ito ng video clips).

Gawain 2

Panuto: Isulat ang iyong nalalaman,nais malaman at natutunan tungkol sa


paksag natalakay gamit ang K-W-L TECHNIQUE.

PAKSA:__________________

KNOW(K) WANT (W) LEARN(L)

(IPAPASA SA ITINAKDANG ARAW, AGOSTO 27,2021)

You might also like