Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MUKHA NG KABATAAN NGAYON

Iba-iba ang mga mukha ng kabataan noon kaysa ngayon


Alak, sugal, sigarilyo at druga ang nasa kanilang katawan
Masisisi mo ba siya kung laman siya ng iba’t-ibang pahayagan?
Babago mo ba ang dalagang ang alam ay ibenta ang katawan?

Umiikot ang mundo ng bawat isa na puno ng karupukan


Ang dating walang malay na musmos nabubuhay na sa kasarinlan
Nag-iba sana ang buhay na kanilang nakita, naging makulay
Kung namulat sila kung ano ang tuwid na daan, ang tamang daan

Ikaw, ako, lahat tayo ay may dapat gampananan sa ating buhay


Maimulat at maiwaksi silang mga kabataan sa baluktot nilang daan
Maniwala tayo sa kasabihan na tayong mga kabataan,
Ay ang liwanag para umunlad ang ating mahal na Inang Bayan.

Sukat- Labing dalawang pantig


Tugma- Karupukan- Kasarinlan
Kabataan- Inang bayan
Pagmamalabis- Umiikot ang mundo ng bawat isa na puno ng karupukan.
Larawang-diwa- Alak, sugal, sigarilyo at druga ang nasa kanilang katawan.
Simbolismo- liwanag, Inang bayan

You might also like