Deskriptibo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

TEKSTONG DESKRIPTIBO

Alam Mo Ba?
Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring maging subhetibo. Masasabing subhetibo
ang paglalarawan kung ang manunulat ay napakalinaw at halos madama na ng mambabasa
subalit ang paglalarawan lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang
sa totoong buhay. Ito ay karaniwang nangyayari sa paglalarawan sa naratibo tulad halimbawa ng
mga tauhan sa maikling kuwento. Likhang-isip lamang ng manunulat ang mga tauhan kaya't ang
lahat ng mga katangiang taglay nila ay batay lamang sa kanyang imahinasyon. Ang ganitong uri
ng paglalarawan ay maituturing na subhetibo. Halimbawa'y maaari niyang ilarawan ang tauhan
sa ganiłong paraan: "Si Dante ay matipunong lalaki, may mapang-akit na ngiti, at mga matang
may taglay na halina sa sinumang makakita. Ang maaliwalas na mukhang agad sinisilayan ng
taospusong pagbati sa bawat makasalubong ay dagling nakakukuha ng atensiyon at tiwala ng
iba." Walang pinagbatayang totoong tao ang paglalarawang iło subalit sa pagnanais ng
manunulat na maikintal sa isipan ng mambabasa ang isang positibong tauhan sa kanyang akda ay
ginamit niya ang ganiłong paglalarawan sa kanyang pangunahing tauhan
Obhetibo naman ang paglalarawan kung ito'y may pinagbatayang katotohanan.
Halimbawa, kung ang lugar na inilalarawan ng isang manunulat ay isa sa magagandang lugar sa
bansa na kilalâ rin ng kanyang mga mambabasa, gagamit pa rin siya ng sarili niyang mga
salitang maglalarawan sa lugar subalit hindi siya maaaring maglagay ng mga detalyeng hindi
taglay ng kanyang paksa. Halimbawa'y hindi niya maaaring sabihing "nagłatagpo ang asul na
karagatang humahalik sa paaanan ng luntiang hagdan-hagdang palayan ng Banaue” sapagkat
wala namang kalapit na karagatan ang lugar na nabanggit. Sa halip, maaari niyang banggitin ang
malilinaw na ilog na dumadaloy sa ilang bahagi ng hagdan-hagdang palayan na pinagmumulan
din ng pałubig sa mga nakatanim na palay. Dito'y masasabing obhetibo ang paglalarawan
sapagkat nakabatay sa katotohanan.
Ang Tesktong Deskriptibo
Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung
saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.
Subalit, sa halip na pintura o pangkulay, mga salita ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa
isipan ng mambabasa ang paglal sa tekstong deskriptibo. Mga pang-uri at pang-abay ang
karaniwang ginagamit manunulat upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o
galaw, anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa. Mula
sa epektibong paglalarawan ay halos makikita, maaamoy, maririnig malalasahan, o
nvahahawakan na ng tuatnbabasa ang mga bagay na inilalarawan kahit pa sa isipan lamang niya
nabubuo ang mga imaheng ito.
Bagama’t mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit na rnga salita sa pagbuo
ng tekstong deskriptibo, madalas ding ginagamit ang iba pang paraan ng paglalarawan tulad ng
paggamit ng mga pangngalan at pandiwang ginagawa ng mga ito gayundin ng mga tayutay tulad
ng pagtutulad, pagwawangis, pagsasatao at iba pa.
Karaniwang Bahagi lang ng Ibang Teksto ang Tekstong Deskriptibo
Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong deskriptibo ay ang relasyon nito sa
iba pang uri ng teksto. Ang paglalarawan kasing ginagawa sa tekstong deskriptibo ay laging
kabahagi ng iba pang uri ng teksto partikular ang tekstong naratibo kung saan kinakailangang
ilarawan ang mga tauhan, ang tagpuan, ang damdamin, ang tono ng pagsasalaysay, at iba pa.
Nagagamit din ito sa paglalarawan sa panig na pinaniniwalaan at ipinaglalaban para sa tekstong
argumentatibo, gayundin sa mas epektibong pangungumbinsi para sa tekstong persuweysib, o
paglalahad kung paano mas magagawa o mabubuo nang maayos ang isang bagay para sa
tekstong prosidyural. Bibihirang magamit ang tekstong deskriptibo nang hindi kabahagi ng iba
pang uri ng teksto.
Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo
Upang maging mas mahusay ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo bilang bahagi ng
iba pang uri ng teksto o kaya'y maging mas malinaw ang anumang uri ng tekstong susulatin,
kinakailangan ang paggamit ng mga cohesive device o kohesyong gramatikal. Ang mga ito kasi
ay mahalaga sa pagbibigay ng mas malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto.
Ang mga tekstO ay hindi lang basta binubuo ng magkakahiwalay na pangungusap, parirala' o
sugnay, bagkus ang mga ito ay binubuo ng magkakaugnay na mga kaisipan kaya't kinakailangan
ang mga salitang magbibigay ng kohesyon upang higit na lumitaW ang kabuluhan at kahulugan
ng bawat bahagi nito.
Ang limang pangunahing cohesive device o kohesyong gramatikal ay ang sumusunod:
reperensiya (reference), substitusyon (substitution), ellipsis, pangugnay, at leksikal.
1. Reperensiya (Reference)-—lto ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging
reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari itong maging anapora (kung
kailangang bumalik sa teksto upang malåman kung ano o sino ang tinutukoy) o kaya'y katapora
(kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag
ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto).
Halimbawa:
 Anapora
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan.
(Ang ito sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa aso na nåsa unang
pangungusap. Kailangang balikan ang unang pangungusap upang malåman ang tinutukoy
ng panghalip na ito.)
 Katapora
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa
gabi. Ang matatamis niyang ngaci at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat para makapawi
sa kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ng aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang
bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa låmang.
(Ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang bunsong kapatid.
Malalaman låmang kung sino ang tinutukoy ng siya o niya kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa.)
2. Substitusyon (Substitution)—Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin
ang salita
Halimbawa:
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kitå ng bago.
(Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng salitang bago sa ikalawang
pangungusap. Ang dalawang salita'y parehong tumutukoy sa iisang bagay, ang aklat.)
3. Ellipsis—May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o
magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang
pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
Halimbawa:
Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama'y tatlo.
(Nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit
naiintindihan pa rin ng mambabasa na tulad ni Gina, siya'y bumili rin ng tatlong aklat dahil
nakalahad na ito sa unang bahagi.)
4. Pang-ugnay—Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa
sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap.
Sa pamamagitannito ay higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa
pagitan ng mga pinag-ugnay.
Halimbawa:
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat
magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
5. Kohesyong Leksikal—Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng
kohesyon. Maaari itong mauri sa dalawa: ang reiterasyon at ang kolokasyon.
a. Reiterasyon—Kung ang ginagawao sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauri
sa tatlo: pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigay-kahulugan.
(1) Pag-uulit o repetisyon—Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga
batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.
(2) Pag-iisa-isa—Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong,
sitaw, kalabasa, at ampalaya.
(3) Pagbibigay-kahulugan—Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang
dukkha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral naisasantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila
para sa hapag-kainan.

b. Kolokasyon—Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa


isa’t isa kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari ding
magkasalungat.
Halimbawa:
 nanay -tatay, guro – mag-aaral, hilaga – timog, doctor – pasyente
 puti – itim, maliit – malaki, mayaman – mahirap
llang Tekstong Deskriptibong Bahagi ng Iba Pang Teksto
Paglalarawan sa Tauhan
Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga detalye
patungkol sa tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din ang pagkakalarawan dito.
Hindi sapat na sabihing "Ang aking kaibigan ay maliit, maikli at unat ang buhok, at mahilig
magsuot ng pantalong maong at puting kamiseta."
Ang ganitong paglalarawan bagama't tama ang mga detalye ay hindi magmamarka sa
isipan at pandama ng mambabasa. Katunayan, kung sakali't isang suspek na pinaghahanap ng
mga pulis ang inilalarawan ay mahihirapan silang maghanap siya gamit lang ang naunang
paglalarawan. Kulang na kulang ito sa mga tiyak at magmamarkang katangian. Ang mga
halimbawang salitang maliit, matangkad, bata, at iba pa ay pangkalahatang paglalarawan lamang
at hindi nakapagdadala ng mabisang imahe sa isipan ng mambabasa. Samakatuwid, mahalagang
maging mabisa ang pagkakalarawan sa tauham lyon bang halos nabubuo sa isipan ang
mambabasa ang anyo, gayak, amoy, kulay, at iba pang katangian ng tauhan gatnit ang
pinakaangkop na mga pang-uri. Mahalaga ring pakilusin ang tauhan para nyas magmarka ang
mga katangiang taglay niya tulad halimbawa ng kung paano siya ngumiti, maglakad,
humalakhak, magsalita, at iba pa.
Sinasabing ang pinakamahuhusay na tauhan ay yaong nabubuhay hindi lang sa pahina ng
akda kundi sa puso at isipan ng mambabasa kaya naman kahit sila'y produkto lang ng nłayamang
imahinasyon ng manunulat, hindi sila basta nakalilimutan.

Noo'y nasa katamtamang gulang na si Ineng na wika nga sa mga nayon ay


”pinamimitakan na ng araw.” Ang gulang na iyan ay Ialong kilală sa tawag na ”dalaginding” ng
ating matatanda. Bagama't hindi gaanong kagandahan, si Ineng ay kinagigiliwan namang lubos,
palibhasa'y nakatatawag ng loob sa Iahat ang pungay ng kaniyang mata, ang kulay na
kayumangging kaligatan, ang magandang tabas ng mukha, na sa bilugang pisngi 'y may biloy na
sa kanyang pagngiti'y binubukalan mandin ng pag-ibig, ang malagong buhok na sa karaniwang
pusod na pahulog sa batok, na sa kinis ay nakikipag-agawan sa nagmamanibalang na mangga,
saka ang mga labi 't ngiping nagkakatugunan sa pag-aalay ng luwalhati't pangarap.
Mula sa “Ang Dalaginding” ni Inigo Ed. Regalado

Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang
putok sa noo, Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas
ang damit niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay, Ang kutod niyang yari sa
matibayna sópot ng asin ay may bahid ng natuyong putik, Nasa harap niya at kausaP ang isang
magbubukid, ang kanyang kahangga na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumawata sa
nagkakagulong tao.
Mula sa “Țatą Selo” ni Rogelio R. Sicat

Namumutla, nangangatog ang buong katawan, at nanginginig ang boses, si Pak Idjo ay
walang iniwan sa isang taong inaatake ng malaria. Ang totoo'y may sakit nga siyang talagas
Parang nakasabit na •lang ang tagpi-tagpi at maruming damit sa napakanipis niyang katawant at
nakalubog sa humpak niyang mga pisngi ang kanyang namumula at nagluluhang mata.
Mula sa "Takipsilim sa Dyakarta" ni Mochtar Lubis (salin ni Aurora Batnag)

Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon


Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng paglalarawan sa tauhan subalit sa
halip na sa kanyang panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang binibigyang diin dito 'y ang
kanyang damdamin o emosyong taglay. Napakahalagang mailarawan nang mabisa ang
damdamin ng tauhan sapagkat ito ang nabibigay dahilan kung bakit nagagawa ng tauhan ang
kanyang ginawa. Makatutulong makakonekta ang mambabasa sa tauhan kung sa halip na
ilarawan lang ng manunulat ang damdamin ng tauhan mula sa malayo ay mismong ang tauhan
ang magsaad ng emosyong nararamdaman niya.
 Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng tauhan. Maaaninag ng mambabasa nulla sa
aktwal na nararanasan ng tauhan ang damdamin o emosyong taglay nito.

Halimbawa: Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Tonyo. Nagdidilím na ang kanyang paningin
at nanlalambot na ang mga tuhod sa matinding gutom na nadarama. Dalawang araw na pala nang
huling masayaran ng pagkain ang nanunuyo niyang mga labi.
 Paggamit ng diyalogo o iniisip. Maipakikita sa sinasabi o iniisip ng tauhan ang emosyon
o damdaming taglay niya.
Halimbawa: sa halip na sabihing naiinis siya sa ginawang pagsingitsa pila ng babae ay maaari
itong gamitan ng sumusunod na diyalogo: "Ale, sa likod po ang pila. Isang oras na kaming
nakapila rito kaya dapt lang na sa hulihan kayo pumila!"
 Pagsasaad sa ginawa ng tauhan. Sa pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa ng tauhan
minsa'y higit pang nauunawaan ng mambabasa ang damdamin o emosyong naghahari sa
kanyang puso at isipan.
Halimbawa: "Umalis ka na!" ang mariing sabi ni Aling Lena sa asawa habang tiim bagang na
nakatingin sa malayo upang mapigil ang luhang kanina pa nagpupumilit bumalong mula sa
kanyang mga mata.
 Paggamit ng tayutay o matatalinghagang pananalita. Ang mga tayutay at
matatalinhagang pananalita ay hindi lang nagagagamit sa pagblbigay ng rikit at indayog
sa tula kundi gayundin sa prosa.
Halimbawa: Ito na marahil ang pinakamadilim na sandali sa kanyang buhay Maging ang langit
ay lumuha sa kalungkutang dulot ng pagyao ng pinakamamahal niyang si Berta.
Mababasa ang ilang halimbawa ng paglalarawan sa damdamin o emosyon ng mga tauhan mula
sa ilang kilalang akdang pampanitikan•
"Ang now, Miss Kinder '83, ladies and gentlemen. . . because of her simplicity, her
freshness, poise and total personality. . .” pause. Birada ng tugtog. Mga nakabiting hininga.
"Maria Natalia Gascon!"
Napalundag si Ding, At sa kabila ng damdatnin niya, napalundag din si Lea. Pati puso
yata niya ay tumalon at nawala sa lugar, Pero siyempre, di dapat malimutan ang kamera lalo na
sa pagkakataong ito, Klik! Teka, ang likot ng kamera! Nanginginig ba ang kamay niya? Klik!
Habang sa tabi .niya'y hindi makontrol ni Ding ang buhos ng kaligayahan.
Klik! Anak ko 'yon! Hahahaha! Mga kaibigan, si Maya ko 'yon! klikl Narinig n'yo ba?
-Anak ko "yon!
Mula sa Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? ni Lualhati Bautista

May kumurot sa aking laman, Pilit kong nilunok ang panunuyo ng aking bibig. Saka ako
napabuntunghininga. Nararamdaman kong may nagpupumilit bumalong sa aking mata. Ngayon
ko lamang nadamang kilala ko ang silid ng aking ama; dati-rati ko nang napapasok ang
kapirasong pook na ito.
Mula sa "Dayuhan" ni Buenaventura S. Medina
Kumikinig ang kanyang katawan sa Sa naglalatang na pootv At nang makita niyang
muling aangat ang kanang paa ni Ogor upang sipain niyang muli, ay tila nauulol na asong
sinunggaban niya iyon. Niyakap, Kinagat. Mariin Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si
Ogor, Nagyakap sila. Pagulong-gulong, Hindi siya bumibitiw Nang siya'y mapaibabaw, sinunod-
sunod niya—dagok, dagok, dagok,dagok, Pahalipaw, Papaluka. Papatay.
Mula sa Impeng Negro" ni Rogelio R. Sicat

Paglalarawan sa Tagpuan
Sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang mailarawan nang tama ang lugar 0 panahon
kung kailan at saan naganap ang akda sa paraang makagaganyak sa mga mambabasa. Sa
pamamagitan nang mahusay na pagkakalarawan sa tagpuan madarama ng mambabasa ang diwa
ng akda.
Maaaring ilarawan ang tagpuan sa pamamagitan ng pagkilos ng tauhan sa kapaligirang
ito. Kung ang tagpuan halimbawa ay isang munting barungbarong sa tambakan maaaring itanong
ang sumusunod para sa isang mabisang paglalarawan:
 Ano ang itsura ng barong-barong at kapaligiran nito? Marumi, luma, kinakalawang,
gumigiray, nakaririmarim na basura, naglipanang langaw, mga mangangalkal ng
basurang nakasuot ng tagpi-tagping halos basahan, nakapanlulumong kahirapan at
kapangitan.
 Ano-anong tunog ang ntaririnig sa paligid? Sigaw ng mga inang hindi magkamayaw sa
mga gawain, iyakan ng mga batang gutom at di pa nakapag-almusal, ingay ng mga trak
na nagdadala ng basura, hugos ng basurang ibinabagsak sa tanibakan, busina ng mga
sasakyan sa di kalayuang kalsada, tawanan ng Inga nnirong nag-iinuman sa kalapit na
tindahan.
 Anong amov ang naynanmyani? Masangsang na amoy ng nabubulok na basura, ani0Y ng
usok na nagmunnula sa bunton ng mga basura, amoy pawis ng mga basurerong bilad sa
araw, maasim na amoy ng mga batang hindi pa napapaliguan ng ilang araw, amoy ng
tuyong iniihaw sa kalan.
 Ano ang pakiramdam sa lugar na ito? Maiinit o maalinsangan, gutom, nakapanlalagkit na
pawis at alikabok, hindi komportable, nakaririmarim o nakadidiring bagay sa paligid,
kawalan ng pag-asa.
 Ano ang lasa ng mga pagkain dito? Pagpag na manok na nagsisimula nang mapanis
kaya't maasim na, masebo at matabang na karne mula sa karinderyang nilalangaw.
Mula sa sagot sa mga tanong na ito ay maaari nang bumuo ang manunulat ng isang paglalarawan
sa tagpuang makapagdadala sa mga mambabasa sa lugar, sitwasyon o kalagayang ginagalawan
ng mga tauhan para sa ganap na pang-unawa at pagpapahalaga sa akda.
Damhin ang sumusunod na tagpuan mula sa paglalarawan ng ilang batikang manunulat ng
panitikang Pilipino.

At sa kaniyang diwa ay naguhit ang larawang binubuo ng mga pagsasalaysay ng social


worker. Walang dakong may lupang tuyo na maaaring maayos na malakaran. Walang
madaraanan kundi ang andamyong kahoy, Ang tawirang bato. Walang makikita sa paligid kundi
putik. Burak. Mamasa-masang lupang natatambakan ng basura. Ang karaniwang barung-barong,
tulad ng tinitirhan ni Paz Cruz ay walang iniwan sa isang malaking kahon, na ang pintuan ay siya
ring bintana. .Matigas na karton ang tabiki, O kahoy mula sa mga kahon ng mansanas at kahel.
Yerong butás-butás na nabibili sa magbubulok, Ang sahig ay silat-silat na kahoy na halos
nakadikit sa pusali, Sa kapirasong paligid niyon ay nagaganap ang lahat ng dula ng báhay, pati
ang pasaglit-saglit na paglasap ng luwalhati ng pag-ibig.
Mula sa Canal dela Reina ni Liwayway A, Arceo

Sa isang maliit na dampang nakatayo sa may tabi ng munting ilog na tinatakbuhan ng


malinis at malinaw na tubig nakatirå Sina Irene. Ang maliit na dampang yaon ay nalilibiran ng
isang bakurang sa loob ay may m.-a sari Sarine pananim na sa isang maayos na panulukan ay
may malalacong sampaguita na dahil sa kagaanan di umano ng kamay ng nag-aalaza
avkinapipitasan ng masaganang bulaklak.
Mula sa "Ang Dalaginding" ni lnigo Ed. Regalado

Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit na


Iansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal sa paghanap ng lunas sa mga suliranin sa
araw-araw. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula
sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol låmang sa dilim sa
kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-
dagitab.
Mula sa "Mabangis na Lungsod" ni Efren R. Abueg

Paglalarawan sa Isang Mahalagang Bagay


Sa maraming pagkakataon, sa isang mahalagang bagay umiikot ang mga pangyayari sa
akda at ito rin ang nagbibigay nang mas malalim na kahulugan dito. Hindi sapat na maglagay
lamang ng larawan ng nasabing bagay sa pahina ng akda upang mabigyang diin ang kahalagahan
nito. Dapat mailahad kung saan nagmula ang bagay na ito. Kailangan ding mailarawan itong
mabuti upang halos madama na ng mambabasa ang itsura, amoy, bigat, lasa, tunog, at iba pang
katangian nito. Mula dito'y ihayag na ang kuwento sa likod ng bagay at kung paano ito naging
makabuluhan o mahalaga sa tauhan o manunulat at sa kabuoan ng akda.
Mababasa sa ibaba ang ilang halimbawa ng paglalarawan sa mahahalagang bagay kung saan
umikot ang mga pangyayari sa akda.

Sa tuwing itatayo ko ang krismas tri kapag nalalapit na ang kapaskuhan ay parang Iaging
may kulang, pilit kong dinadagdagan ng mga palamuti. At hindi basta-basta palamuti, yung
mamahalin. Pagkatapos ng mamahaling bola, nang sumunod na taon ay magagandang bulaklak
naman ang binili ko. Maraming pulang poinsettia na nakapaligid sa krismas tri. "Ang ganda!"
Ang may pagkamanghang sabi .ng bawat nakakikita. Malalaki at makikintab na pulang bola,
malalaki at magagandang pulang poinsettia.. , ah! pero baklt ba tila may kulang pa rin?
Mula sa "Ang Aking Krismas Tri" ni Mary Grace Del Rosario

Sapul nang pag-ukulan niya ng pansin ang unang lantsa ni Don Cesar ay nakadama siya
_ng kakaibang pintig sa kanyang dibdib: Ibig niyang magkaroon ng lantsa balang araw. Pag
nagkaroon siya ng lantsa'y hindi na siya gagamit ng maliit na motor; hindi na siya sasagihan ng
munti mang pangamba, magngitngit man ang habagat, magngalit man ang sigwa sa laot. Hindi
na pansumandaling lalabas siya sa karagatan, Maaari na niyang marating ang inaabot ng mga
'lantsa ni Don Cesar, Makalalabas na siya nang lingguhan, At pagbabalik niya'y daan-daang tiklis
ng isda ang kanyang iaahon, Hindi na rin mangangamba ang kanyang ina kapag hindi siya
nakababayad ng gasolina at Matititigan na niya ang naniningkit na mga mata ni Fides,
Makapagpapakarga na siya ng kung ilang litrong gasolina sa kanyang barko, Kung makakatabi
ng kanyang ang kay Don Cesar ay magkakaabutan na lamang sila ng mga mangingisda ni Don
Cesat ”11ang araw kayo sa laot, ha?'' Itatanong niya. Siya'y sasagutin ko. At, "ako'y tatlumpong
araw,” sasabihin niya pagkatapos.
Mula sa ”Ang Mangingisda” ni Ponciano B.P. Pineda

Nang matapos ang bahay-bahayan, ang ganda-gandang tingnan, May pitong talampakan
ang taas, may disenyo ng alambre at makikitid na piraso ng kawayang tinakpan ng manipis na
papel na puno ng iba't ibang kulay. Nagmukhang may karnabal dahil sa mga bulaklak na pilak na
nakakalat sa buong bahay. May papel na swimming pool (bilog, dahil hindi naiintindihan ng tao
ang hugis kidney) na inilagay sa 100b ng bahay; may apat na alila para makapagsilbi sa amo nila,
na nakapuwesto sa pagitan ng dalawang isang malinaw na chevrolet at isang Mercedes.
Nang oras na, dinala ang bahay na papel sa libingan ni Tay .Soon at sinilaban doon.
Nagliwanag nang mabuti, at pagkatapos ng tatlong minuto, naging bunton ng abo ang libingan.
Mula sa Maikling Kuwentong Singaporean na ''Papel” ni Catherine Lim

Ang puno ng ginto ay dinumog. Hawak ang matatalim na bakal, tinaga, tinapyas, binali-
bali. Pinagtutuklap ang puno. At sila'y nagagawan, nagtutulakan, nagsasakitan na, nagsisipaan,
nagkakabalian ng Patuloy sa pagtaas sa pagyabong ang puno; patuloy rin ang pagkaubos ng
katawan ng puno. Bumibigat na ang yumayabong at patuloy na
Mula sa "lsang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao” ni Simplicio P. Bisa

You might also like