Games

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

GUESS THAT GIBBERISH

How to play:
Ang game master ay may nakahandang mga gibberish word na
ipapahula. Ito ay nakapresent sa screen para makita lahat ng members
o ng mga maglalaro. Kung sino ang may pinakamataas mataas na
puntos pagkatapos ng laro ay siya ang mananalo.

Rules:
1. Kapag gustong sumagot sabihin ang apelyido ng loud and clear.
2. Hintayin ang game master na matawag ang pangalan at saka pa
lamang pwedeng sumagot.
3. Mayroon lamang na 5 segundo para sumagot.

LAST LETTER GAME

How to play:
Magbibigay ang game master ng mga set of categories, halimbawa ang
category ay prutas. Ang unang taong sasagot ay magbibigay ng
pangalan ng prutas (ex: mansanas) at magtatawag siya ng pangalan ng
kung sinong gusto niyang susunod na sasagot. Kung mansanas ang
sagot ng nauna dapat ang ibigay ng pangalawang sasagot ay nag
uumpisa sa letter “S” ex: saging, dahil ito ang huling letra sa mansanas.
Sa larong ito ay ubusan ng lahi o matatanggal na ang hindi makasagot
at kung sino ang matitira ay siya ang panalo.
Rules:
1. May limang segundo lamang para sumagot.
2. Bawal maulit ang sagot.

GUESS THE BIBLE CHARACTER


How to play:
Ang game master ay may ipepresent pictures na nagdedescribe sa isang
bible character. May 10 segundo ang bawat isa para ilagay sa chat box
ang sagot. May roleta rin na nakahanda para sa pagpili kung sino ang
mananalo. Halimbawa, ang lahat ay nakapag send na ng kanilang sagot
kaya papaikutin na ang roleta at kung anong numero ang lumabas siya
ang panalo. Ngunit kung ang sagot ay mali, ipapakutin uli ang roleta.
Rules:
1. Sa chat box lamang ilalagay ang sagot.
CHARADES
How to play:
Kada barangay ay isang representative. Isesend ng game master ang
word na representative na napili, na siyang magpapahula sa kanyang
kagrupo/kabarangay. Ang grupong may pinaka mabilis na nakahula ay
siyang panalo.

Rules:
1. Naka mute ang magpapahula o para maka sigurado imumute ng
game master ang mic ng magpapahula.

BRING ME
How to play:
Magbabanggit ng bagay, gamit o kahit ano ang game master at
paunahan itong maipakita sa screen. Ang twist ay magkakaroon lamang
siya ng puntos kung nasagot niya ang tanong ng game master tungkol
sa bagay na pinahanap.
Halimbawa:
Bring me, Cellphone.
Tanong: Magbigay ng 5 brand ng cellphone.
gunting
Tupperware
towel
sandok
chair
wallet
charger
pabango
picture frame
tabo
chopping board
bible
tambo
unan
plantsa
suklay

You might also like