Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mga Aralin mula sa Komiks Bilang 2: (Para sa Kindergarten at Unang Baitang)

Mga tagubilin: Isulat ang mga sagot sa mga sumusunod na aralin sa isang pirasong malinis
na papel. Huwag sulatan ang aktibity sheet. Pagkatapos masagutan ang mga tanong, ibalik
kay titser ang aktibity sheet kasama ang iyong sagot sa mga tanong.
Pambungad: Sa panahon ng pandemya, normal na makaranas tayo ng takot o
pagkalungkot lalo na at hindi natin alam ang mga susunod na mangyayari sa ating
kapaligiran.

Aralin 1: Sa ating kwento, anu-ano ang mga napanaginipan at kinatatakutan ni Nina


patungkol sa Covid virus? Ikaw ba ay may takot din sa Covid virus? Idrawing sa
isang malinis na papel kung ano ang mga nalalaman o kinatatakutan mo tungkol
sa virus na ito. Kulayan ang drawing.

Aralin 2: Sa parehong papel, idrawing din kung anu-ano ang mga ginagawa ng inyong
pamilya upang maalalayan at maprotektahan ang bawat isa sa pandemya na
dulot ng Covid virus.

Aralin 3: Ang Covid virus ay may hangganan. Ilarawan sa pamamagitan ng pagguhit o


drawing ang mga bagay na nais mong gawin pagkatapos ng pandemya.

Maraming salamat sa pagsagot mo sa mga araling ito mula sa komiks!


Laging tandaan:
Ang Covid virus, tulad ng lahat ng bagay dito sa mundo, ay may hangganan. Ipagdasal
natin sa Diyos na ito ay mawala na.
Ang ating pamilya ang siyang kaagapay natin sa anumang problema. Kung sama-sama
ang pamilya, kakayanin anumang problema!

You might also like