Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Asignatura: Filipino 8

Paksa: Karunungang-bayan
Tagal: Isang Linggo | Agosto 16-20, 2021

Mga Layunin:
Pagkatapos ng aralin na ito, ang mag-aaral ay:
1. nabibigyang kahulugan ang mga talinghagang ginamit; at
2. naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga
pangyayari sa tunay na buhay;

Masayang panimula! Halina’t tuklasin ang karunungang kayaman ng ating bayan. Handa kana ba? Matututunan
mo sa modyul na ito ang mahahalagang kaisipan tungkol sa karanungang-bayan na lumaganap sa Panahon ng
Katutubo.
Maiiuugnay mo ang mga ito sa pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan. Sa modyul na ito ay inaasahang
ikaw ay makasusulat ng sariling bugtong, salawikain, sawikain at kasabihan na angkop sa ating kasalukuyang
kalagayan. Magagamit ang paghahambing sa pagbuo iba’t-ibang mga karunungang-bayan

TUKLASIN NATIN!

Tiyak kong marami nang tumatakbo sa iyong isipan ngayon. Ikinagagalak kong ikaw ay talagang nasasabik na
matutong pagyamanin ang sarili nating kasarinlan. Kaya naman narito ang mga tanong upang subukan ang iyong mga
natutunan noong ikaw ay nasa ikapitong baitang pa lamang.
Panuto: Tukuyin ang tamang uri ng karunungang-bayang ginamit sa pahayag. Hanapin sa kahon ang titik ng tamang
sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

A. Bugtong B. Salawikain C. Sawikain D. Kasabihan

_________ 1. Tag-ulan o tag-araw, hanggang tuhod ang salawal.


_________ 2. Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.
_________ 3. Sinakal ko muna, bago ko nilagari.
_________ 4. Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga.
_________ 5. Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan.
_________ 6. Hindi lahat ng mayaman ay asal hayop.
_________ 7.Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan pa rin ang tuloy.
_________ 8. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kainin.
_________ 9. Akala mo’y mabait ngunit bantay salakay naman pala.
_________ 10. Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.

ALAMIN NATIN!
Ang mga karunungang-bayan ay isang sangay ng panitikan na nagpapahayag ng mga kaisipan at
paniniwala, sumasalamin sa iba’t ibang karanasan ng mga tao na nasa iisang kultura.
Ginagamitan ito ng malalalim at matatalinhagang salita upang mapatalas ang isipan. Sadyang matalino an
gating mga ninuno kung saan naipamamalas nila ito sa amamagitan ng mga kaunungang-bayan na nakikita naman natin
hanggang sa kasalukuyan.
Ang karunungang –bayan ay hango rin sa karanasan ng mga matatanda at nagbibigay ng payo tungkol sa
kagandahang asal at mga paalala. Ito ay isang hudyat na ang mga Pilipino noon pa man ay may mataas na pagpapahalaga
sa paglinang sa kaugalian at paghasa sa kinagisnang kultura.
May iba’t ibang uri ang karunungang-bayan na makatutulong sa pagtukoy ng dangal ng ating lahing
pinagmulan gayundin sa pagwawasto ng sariling pag-uugali at kilos. Ang mga ito ay ang salawikain, sawikain, kasabihan,
at bugtong. Halina’t ating unawain ang mga uri ng karunungang-bayan samodyul na ito.

SALAWIKAIN
Ang salawikain ay mga pahayag na sinasabing pinag-ugatan ng panulaang Pilipino. Kadalasang nagtataglay ito
ng sukat at tugma. Ito ang mga butyl ng karunungan na nagsilbing batas o tuntunin ng mga kagandahang asal ng ating
mga ninuno. Karaniwang hango ito sa karanasan ng matatanda, patalinghaga, at nangangailangan ng malalim na
pagmumuni bago tuluyang maunawaan. Nagpapaalala ito sa mga kabataan tungkol sa angkop na pagkilos, wastong pag-
uugali, mabuting pakikitungo sa kapwa, at ng tahimik at masayang pamumuhay.

Halimbawa:
1. Kung walang tiyaga, walang nilaga.
2. Sa paghahangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
3. Kaya matibay ang walis, palibhasa’y nagbibigkis.
4. Aanhin ang bahay na bato kung ang nakatira ay kuwago, buti pa ang kubo na ang nakatira ay tao.
5. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim. Ang lumalakad nang mabagal kung matinik ay mababaw.
6. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa sa pahayag na dakila.

KASABIHAN o KAWIKAAN
Ang kasabihan o kawikaan ay kauri ng salawikain. Ang salawikain ay nagpapahiwatig ng malalim na kahulugan
samantalang ang kasabihan o kawikaan ay tahasan at payak ang pagpapakahulugan. Hindi ito gumagamit ng mga
talinghaga. Ang kilos, ugali, at gawi sa buhay ng isang tao ay masasalamin sa mga kawikaan o kasabihan. Nagtataglay rin
ito ng aral sa buhay.

Halimbawa:
1. Sa panahon ng kagipitan, nakikita ang kaibigan.
2. Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
3. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
4. Ang katamaran ay kapatid ng kagutuman.
5. Ang kapalaran hindi man hanapin, dudulog, lalapit kung talagang akin.

SAWIKAIN
Ang sawikain ay ang mga salitang eupimistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda
ang paraan ng pagpapahayag. Karaniwang binubuo ito ng salita o parirala na nagbibigay ng malalim na kahulugan.
Patalinghaga at nangangailangan ng matayog na pag-iisip upang lubusang maunawaan. Ito rin ay nagpapahayag ng
kaisipan o magandang mensahe. Ang kaibahan lang nito, ito ay tiyak at madaling matukoy ang mensaheng nais nitong
tukuyin.

Halimbawa:
Positibo: Sawikain o Idyoma Kahulugan
1. Kapilas ng buhay asawa
2. Ilaw ng tahanan ina
3. Busilak ang puso malinis na kalooban
4. Bukal sa loob taos puso/tapat
5. Naniningalang-pugad nanliligaw
6. Makapal ang palad masipag
7. Matalas ang ulo matalino
8. Malawak ang isip madaling umunuwa
9. Parang kidlat napakabilis
10. Maaliwalas ang mukha masayahin
11. Ikurus sa noo tandaan
12. Amoy pinipig mabango
13. Nagsusunog ng kilay masipag mag-aral
14. Pag-iisang dibdib kasal
15. Abot tanaw aabot ng tingin

Negatibo: Sawikain o Idyoma Kahulugan


1. Ibaon sa hukay kalimutan
2. Basag ang pula luko-luko
3. Nagbibilang ng poste walang trabaho, tambay
4. Bahag ang buntot duwag
5. Alimuom mabaho
6. Anak-dalita mahirap
7. Bantay-salakay taong nagbabait-baitan
8. Buwaya sa katihan nagpapautang na malaki ang tubo
9. Hampas-lupa/sampay-bakod lagalag, walang trabaho
10. Balik-hirap mabuti sa harap, taksil sa likod
11. Basa ang papel bistado na
12. Mahina ang loob duwag
13. Kapit-tuko mahigpit ang hawak
14. Ahas taksil, traydor
15. Itim na tupa masamang anak

BUGTONG
Ang bugtong ay isang uri ng palaisipang nasa anyong patila. Ang mga bugtong ay kadalasang kaisipang
patungkol sa pag-uugali, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.

Halimbawa: Sagot
1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. kandila
2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako. langka
3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. ampalaya
4. Isang butil ng palay, sakop ang buong bahay. ilaw
5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. anino
6. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakaupo. aso
7. Balong malalim, puno ng patalim. baba
8. Maliit pa si kumpare, nakaakyat na sa tore. langgam
9. Kung gusto mong tumagal ang aking buhay, kailangan ako ay mamatay. kandila
10. Isang bundok, hindi makita ang tuktok. noo

TYRON MARC S. COLIS


Inihanda ni: Subject Teacher Iniwasto ni: Checking Committee
Pangalan: _____________________________________ Baitang at Seksyon: ________________________

PAG-ISIPAN NATIN!
Gawain 1. Karunungang - Buhay
Panuto: Basahin ang salawikain at kahulugan ng mga ito. Pagkatapos ay pumili ng isa na maaari mong maiugnay sa iyong
sariling buhay. Ipaliwang ang iyong sagot.

Salawikain Kahulugan
1. Nagmamatandang kulit, nagmumurang kalumpit. Pagiging makunwari o nagpapanggap lamang.
2. Kung ang tubig ay magalaw, ang ilog ay mababaw. Kakulangan sa pang-unawa sa mga gawaing
mabuti at nararapat.
3. Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga. Pagwawaldas na hindi iniisip ang kinabukasan.

Tanong: Alin sa tatlong salawikain ang kakikitaan mo ng repleksyon sa iyong sarili? Ipaliwanag kung paano ka naging
ganito.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________.

Gawain 2. Salungguhitan
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang matatalinghagang pahayag/salita na ginamit sa
pangungusap. Isulat ang kahulugan nito sa bawat patlang na nakalaan sa dulo ng bawat pangungusap.

1. Si Anna ay maagang umuwi upang magsunog ng kilay dahil nalalapit na ang kanilang na ang kanilang pagsusulit.
_____________
2. Dahil sa aking pagbabalat-sibuyas, ako ay labis na umiiyak tuwing napapagalitan ako ng aking ina.
____________
3. Kahit bunyag na ang katotohanan pilit pa ring naglulubid ng buhangin si Jay. _______________________
4. Tila ba suntok sa buwan ang pangarap ng ilang Pilipino na makaahon sa hirap dahil sa pandemya.
_____________
5. Halos tatlong buwan na ring nagbibilang ng poste ang karamihan sa mga Pilipino mula nang magkaroon ng
pandemya sa bansa. _________________.

PAGYAMANIN NATIN!
Panuto: Bumuo ng sariling bugtong, salawikain o sawikain sa mga sumusunod na bagay o sitwasyon na may kaugnayan
sa kasalukuyang kalagayan. Gumamit ng karagdagang papel kung kinakailangan.
BUGTONG SAWIKAIN SALAWIKAIN
(Facemask) (COVID-19) (Quarantine)
Sagot: Sagot: Sagot:

_____________________________
Lagda ng Magulang

You might also like