Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa ating guro, mga kaklase, mga kamag-aral at ibang nanonood, magandang araw po sainyo.

Maraming salamat sa pagpapala na mabigyan ako ng pagkakataon upang maipahayag at ma


ipamahagi ang aking sarili at sariling karanasan at paksang kinawiwilihan na kahirapan,
partikular na dito sa ating bansa, ang Pilipinas.

Mga minamahal kong tagapakinig, Ang salitang kahirapan na ayon sa pag aaral ay tumutukoy sa
kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi.
Ang salitang kahirapan, marahil ay isang pangkaraniwang salita na madalas nating marinig dito
sa Pilipinas. Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa. Ngunit ano
nga ba ang sanhi ng kahirapan?

Maraming rason kung bakit naghihirap ang ating bansa tulad ng lamang ng kakulangan ng ating
pagkakaisa, korapsiyon, krisis, kakulangan sa disiplina at pagtutulungan ng bawat isa.

Ngayon, ating narinig ang salitang korapsyon at krisis. Ang mga pangunahing rason na tinuturo
ng karamihan ng ating mga kapwa Pilipino na sanhi umano ng pagiging salat. Sa salitang
korapsyon pa lamang, ay maliwan na ang gobyerno at pamahalaan ang siyang sinisisi ng ibang
mga Pilipino. Ang isyung korapsyon ay matagal nang usapin sa mga balita, paaralan, trabaho,
kalye, at maging sa mga chismis na sa paglipas ng panahon ay siya pa ring paksa sa sa diyaryo,
radyo at telebisyon. Ngunit sino nga ba talaga ng dapat sisihin sa kahirapan ng ating bansa?

Ang korapsyon ng isang opisyal ng gobyerno ay maaaring totoo dahil ito ay nasa media. Ngunit
ako ay naniniwala na kung totoo man ito, hindi lang korapsyon ang siyang sanhi ng kahirapan.
Isa sa ugali nating mga Pilipino ay ang pagiging liaks na masipag, ngunit bakit madaming
pamilyang Pilipno pa din ang nagugutom at nahihirapan? Nasabi ko din kanina na isa sa mga
rason ng kahirapan ay ang kakulangan sa disiplina maging ang kakulangan sa pagtutulungan.

Mga minamahal kong tagapakinig, ang Pilipinas ay isa sa mga mahihirap na bansa sa buong
mundo. Papayag ba tayong manatili na lamang sa ganitong posisyon? Sino nga ba ang
responsable sa pag ahon ng ating bayan? Ang gobyerno nga lang ba? Ang mga mamamayan nga
lang ba? Hindi ba't mas maganda kung lahat tayo ay magtutulungan at magkakaisa upang i
angat ang ating inang bayan? Sigurado akong magiging epektibo pagtutulungang ito upang ang
ating bansa ay muling makabangon. Sama sama nating ipahayag ang pag ibig at pagkakaisa
upang muli nating maipakita ang kinang ng perlas ng silanganan.

You might also like