Ap Scrpit Q4 M4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

DISCLAIMER

*Sama sama tayong Matuto kasama si Teacher Jezreel


Para sa asignaturang Araling Panlipunan 6
*Tayo ngayon ay nasa Ikatlong Markahan ng Modyul 2

Introduction :
1. Magandang araw mga bata, isang makabuluhang araw na naman ang tatalakayin natin
ngayon.
2. Ako ay nagagalak na maging bahagi sa inyong paglalakbay para tuklasin ang mga
panibagong aralin sa pamamgitan ng multi media platform. Ako ang inyong guro,
Teacher Jezreel ng Visayan Village Central Elementary School.
3. Layuning maipagpatuloy ang edukasyon sa kalagitnaan ng hamon sa panahon ng
pandemia.
4. Tara na! at sabay sabay tayong matoto, siyasatin at tuklasin ang mga aralin kahit tayo ay
nasa ating mga tahanan.
5. Ano pa ang hinihintay nyo? Simulan na natin ang panibagong aralin.
Transition

Ang paksa natin sa araw na ito ay Mga Suliranin at Hamon Kinaharap ng mga
Pilipino Mula 1986 Hanggang sa Kasalukuyan
6. Pagkatapos ng aralin na ito ikaw ay inaasahang:

 Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino


mula 1986 hanggang sa kasalukuyan (AP6TDKIVc-d-4/AP6TDK-IV-5)
 Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa mga suliranin, isyu at hamon.

Handa na ba kayo para sa ating gagawin ngayong umaga?


Mabuti naman.
Kung hand ana ay “Lets Play! Your Face is Familiar!

Kilalanin ang mga pangulo ng Pilipinas.


1. 2. 3.
_____________________ _____________________ _______________________

4. 5. 6.
_____________________ ______________________ _______________________

7. Natuwa ba kayo sa “Your Face Familiar”? ako rin ay natuwa sa inyong mga sagot,
palakpakan naton ang ating mga sarili!
8. Ngayon naman ay Ayusin ang mga letra upang mabuo ang tamang salita. Isulat ang
nabuong sagot sa sagutang papel.

1. C19OVID - _____________________
2. APSKORYON - _____________________
3. PHILIPPINE SEA WEST - _____________________
4. VALUE EXPANDED XAT - _____________________
5. DRUGS ILLEGAL - _____________________

9. Pag narinig nyo ang tunog na ito, (effect), ibig sabihin nasagot nyo na lahat ng
katanungan!
10. Handa na? let’s begin with the video. (first picture to be shown)
11. Oras na para simulant ang pagsagot…. (Blah…blahh VOICE OVER) time starts now…
12. OVERLAY TIMER, ONE MINUTE

13. CUT TO MEDIUM SHOT OF TEACHER


14. Tapos niyo na bang’ sagutin ang mga tanong? Mahusay! Palakpakan natin ang ating mga
sarili… Kilala mo ba ang mga Pangulo ng Ikaapat ika limang Republika ng Pilipinas?
15. Alam mo ba kung ano ang mga suliraning kinaharap ng ating bansa, noong sila ay
nanunungkulan?
16. Kung gayon ay making, manood at matoto sa ating panibagong aralin ngayon araw.
17. Handa na ba kayo?
18. Itinatag ang Rebolusyonaryong Pamahalaan ni Pangulong Aquino
matapos mapatalsik nito sa pwesto si Marcos. Pinawalang bisa niya ang
Saligang batas 1973, dahil ito ay nagbibigay at malawak na
kapangyarihan kay Marcos. Binuwag niya ang Batasang Pambansa para
makapagpatibay siya ng mga batas. Kaagad din niyang itinalaga ang
kanyang gabinete na tutulong sa kanya sa pagpapalakad ng
pamahalaaan.

Sa pag bukas ng Ikalimang Republika ay binuo ang Saligang Batas


1987 sa pamamagitan ng plebisito, ito ay pinagtibay ng sambayanan noong
ika 2 ng Pebrero, 1987. Ito ang nagbigay wakas sa rebolusyonaryong
pamahalaan ni Aquino. Ang Saligang Batas 1987 ay siyang saligan ng ating
pahalaan hanggang sa kasalukuyan.

A.
1. Mga Naging Suliranin ng Pamahalaang Corazon C. Aquino
(1986 – 1992)
Naging napakalaki
ng mga suliranin ni
Pangulong Corazon
lalo na noong
simula ng kanyang
panunungkulan.

 Problema sa mga
25, 000 komunista
na ibig buwagin ang
pamahalaang
demokratiko

 Pagkalugmok ng
ekonomiya

Corazon Aquino swears as President of the Philippines at Clup Filipino, San Juan on  Malawakang
February 25,1986 http:// malacnang.gov.ph.

paghihirap ng mga mamamayan

 Ang $27 bilyong pagkakautang sa mga dayuhang bansa

 Pagkalugi ng mga bangkong pag aari ng pamahalaaan

 Pagbagsak ng moralidad ng mga mamamayan

 Kawalan ng trabahong mapapasukan

 Malawakang katiwalian sa pamahalaan

 Kawalan ng tiwala ng mga local at dayuhang negosyante sa ekonomiya


ng Bansa

 Pagbawi sa mga nanakaw na pera ng


Pangulo at Gng. Marcos sa kaban ng
bayan, na ayon sa mg dayuhan at
Pilipinong imbestigador na
pinangunahan ni dating Senador
Jovito Salonga, ay umabot sa halagang
$5-10 bilyon. Jovito R. Salonga March 10, 2016 http:// malacnang.gov.ph.
1. Mga Suliraning Kinahaharap ni Pangulong Fidel V. Ramos (1992 –
1998)

Ang kahirapan sa pamumuhay ay


patuloy parin na naging suliranin ng
mga Pilipino sa panunungkulan ni
Pangulong Fidel V. Ramaos.

 Dahil sa pag alis ng control sa presyo


ng langis, tumaas ang presyo ng mga
bilihin.

 Nagkaroon ng malawakang
pangongolekta ng mas mataas na
buwis dahil sa pagpapairal ng
expanded value-added tax na
kinainisan ng maraming tao.

Fidel Valdez Ramos 12th President of the Philippines June 30, 1992 http://
 Marami ang katiwaliang naganap,
malacnang.gov.ph.

tulad ng nawawalang pondo ng


gobyerno, na tinawag na pork
barrel. Ito ay pinaghihinalaang napupunta sa bulsa ng mga kawani ng
gobyerno, sa halip na magamit sa proyekto para sa pangangailangan
ng mga mamayanan.

 Umangat ang kaunlaranng bansa ngunit ang dating mayaman


lamang ang alalaong yumaman at ang mahihirap ay hindi gaanong
natulungan.

 Maraming lupang pansakahan ang ginawang mga subdivision na


ntinayuan ng condominium o townhouses, golf courses, at resorts
para sa mayayaman. Ito ang nagging sanhi ng pagbaba ng agrikultura
sa bansa.

 Tumaas ang kriminalidad tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na


gamut at droga, carnapping, panggagahasa at pagpatay,
panghoholdap sa mga bangko, pagnanakaw at kidnap for ransom.
Pinaniniwalaang sangkot dito ang mga dating pulis at sundalo.
2. Mga Suliraning Kinahaharap ni Panguling Joseph Ejercito Estrada
(1998 – 2001)

Sa pamumuno ni Pangulong
Estrada, binigyan ng prayoridad ng
pamahalaan ang ekonomiya ng
bansa ngunit marami ang naging
hadlang sa kanyang mga
programang pangkabuhayan gaya
ng.

 Maraming pagkakautang ng
Pilipinas sa iba’t ibang bansa na
umabot sa $45 bilyon

 Mga kalamidad na naganap ng


bansa noong 1998 na sumira sa

Figure 1Joseph Ejercito Estrada the 13th President of The Philippines


may mahigit sa isang milyong ektarya
June 30, 19981992 http:// malacnang.gov.ph.
ng lupang sakahan. Ang mga
matitinding bagyong dala ng La Niña
ay kumitil sa buhay ng maraming tao at sumira sa bilyon-bilyong ari-
arian sa Mindanao.

 Ang Pagbagsak ng ekonomiya sa Asya ay nagdulot ng pagbaba sa halaga


ng piso. Ang halaga ng $1.00 ay humigit-kumulang na P40.00. Naging
mataas din ang interes ng mga pautang sa bangko.

 Ang pagtaas ng presyo ng gasolina at mga bilihin dahil sa pagbaba ng


halaga ng piso

 Ang Pagsasara ng maraming pabrika, bangko, at sari-saring kompanya


dahil sa kakulangan sa pondo

 Ang kaguluhan sa Mindanao na dulot ng Abu Sayyaf na kumidnap ng


mga inosenting mamamayan at dayuhan

 Ang patuloy na kriminalidad, kidnapping, at pagkalat ng ipinagbabawal


na gamut

 Ang mga malawakang katiwalian sa pamahalaan at malaking


kakulangan sa pondo nito

 Kawalan ng tiwala ng mga local at dayuhang negosyante sa ekonomiya


3. Mga Suliraning Kinahaharap ni Pangulong Gloria Macapagal-
Arroyo (2001-2004) nang itoy nanungkulan at pinagpatuloy ang
naiwang problema ng dating Pangulong Joseph E. Estrada ng
maharap ito sa Impeachment case.

Sa ilalim ng Pamahalaang Arroyo,


maraming suliranin ang kinahaharap
ng bansa:

 Pagtaas ng antas ng kriminalidad sa


buong bansa

 Pagbaba ng halaga ng piso laban sa


dolyar. Noong Enero 2002, ang halaga
ng $1.00 ay humigit-kumulong sa Php
56.00, at matass din ang interes ng
mga pautang sa Figure 2 Gloria Macapagal Arroyo sworn as president by Chief Justice
Hilario Davide, Jr. in January 2001 http:// malacnang.gov.ph.
mga
bangko

 Pagala ng pagpupuslit ng mga produkto mula sa ibang bansa


(smuggling)

 Pagtaas ng halaga ng langis, kuryente, at mga pangunahing bilihin

 Paglala ng katiwalian sa pamahalaan

 Paglubha ng paghihirap ng mga mamamayan. Ang unemployment rate


noong 2001 ay 9.8%; noong Abril 2002, ito ay naging 13.9%; noong Abril
2003, ito ay 12.2%; lumala uli ito at naging 13.7% noong Abril 2004.

 Paglobo nang husto ng kaulangan sa badyet ng pamahalaan at humigit


na sa Php 200 bilyon.

 Paglaki ng utang ng Pilipinas sa loob at labas ng bansa na umabot na sa


Php 5.16 trilyon noong Disyembre 2002. Ayon sa tala ng Department of
Finance, lalo itong laumaki sa pagsuma ng mga karagdagang gastusin
ng pamahalaan para sa 2003 hanggang Mayo 2004 dahil sa naganap na
halalan.

Si Pangulong Arroyo ang may pinakamaraming nautang sa unang mga


taon ng kanyang panunungkulan bilang president. Mula 2001 hanggang
2004, ang halaga ng nautang ni Pangulong Arroyo sa loob at labas ng bansa
ay umabot sa Php 3.812 trilyon. Ito ay higit sa Php 1.51 trilyon sa
pinagsamang nautang ng administrasyong Aquino, Ramos, at Estrada sa
loob ng labing-apat (14) na taon. Marami ang napabalitang malawakang
katiwalian sa pamahalaan at mababa ang tiwala ng mga mamamayan sa
pamahalaan.

Mga Suliraning Kinahaharap ni Pangulong Gloria Macapagal


Arroyo ng muli ito nahalal sa pagkapangulo noong (2004 – 2010)

Nang maupong muli sa panunungkulan si Pangulong Arroyo, maraming


suliranin ang kinaharap ng bansa:

 Mataas ang antas ng


kriminalidad sa buong
bansa.

 Patuloy ang giyera na


dulot ng pag-atake ng
Amerika sa Iraq na
nakapaglugmok sa
ekonomiya ng
maraming bansa sa
buong mundo, kasama na ang Pilipinas.

 Mabilis ang pagbaba ng halaga ng piso laban sa dolyar. Hunyo 16,


Arroyo taking her Oath of Office before Chief Justice Hilario Davide Jr. in Cebu City June

2004 nang ang halaga


30, 2004 http:// malacnang.gov.ph.

ng piso ay lubhang
bumaba at naging Php 56.43.

 Malawakan ang pagpuslit ng mga Produkto mula sa ibang bansa


(smuggling0

 Patuloy ang pagtaas ng halaga ng langis, koryente, at mga


pangunahing bilihin. Ang presyo ng langis sa New York, USA au
umabot sa $72/bbl.

 Malaki pa rin ang pagitan ng mga mayaman sa mahirap at


malubha na ang paghihirap ng mamamayan.

 May 4.9 milyong tao ang walang trabaho. Ayon sa National


Statistics Office (NSO) noong Abril 2004, ang mga taong walang
trabaho ay umabot na sa 13.7% ng mga taong nakapagtrabaho
(labor force) at ang underemployment o mga taong may trabaho
ngunit hindi katumbas ng kanilang pinag-aralan o kagalingan ay
18.5% ng kabuuan ng mga taong nakapagtrabaho.

 Lumobo nang husto ang kakulangan sa badyet ng pamahalaan na


humigit sa Php 200 bilyon.

 Malala ang katiwalian sa pamahalaan

 Mababa ang morale ng mga mamamayan.

 Walang tiwala ang mga lokal at dayuhang negosyante sa ekonomiya


ng ating bansa.

 Lumaki ang utang ng Pilipinas sa loob at labas ng bansa.

4. Mga Suliraning Kinahaharap ni Pangulong Benigno S. Aquino III


(2010 -2016)

Bagama’t maraming programa at


patakarang ipinatupad ang
administrasyon Pnoy, marami rin itong
kinahaharap na kontrobersiya at mga
suliranin.

 Binatikos siya sa paggamit ng


kaban ng bayan dahil sa korapsiyon kaugnay
sa pamamahagi at paggamit ng Priority
Development Assistance Fund (PDAF) o
Figure 3 Preisdent Benigno S. Aquino III delivers his last SONA
July 26, 2015 Presidencial Museum and Library espesyal na pondo ng mga mambabatas.

 Naging problema din ang tungkol sa Disbursement Acceleration Program


(DAP), na estratehiya upang mapabilis ang paglalabas ng pondo para sa
mga proyekto tulad ng impraestruktura. Sinabi ng Korte Suprema na
illegal ang PDAF at DAP at pinatigil ang paglabas ng pondo kaugnay dito.
Malaking bahagi nito ay napunta lamang sa pansariling kapakanan at
hindi sa mga mamamayan.

 Sa usaping pang ekonomiya ay hindi naramdaman ng mga karaniwang


tao ang paglago nito sapagkat nananatiling mataas ang presyo ng mga
pangunahing bilihin at serbisyo tulad ng pagkain, tubig, kuryente at
gamot. Samantalang nananatiling mababa ang sahod ng mga
manggagawa.
 Ang mga programa para sa kagalingang panlipunan tulad ng 4P’s at
health care insurance ay pinupukol ng kaliwat kananang batikos dahil
sa mga iregularidad at alegasyon ng katiwalian.

 Ang pinakamatinding kontrobersiya ng pamahalaang Pnoy ay ang


Mamasapano Massacre, kung saan ay 67 ang nasawing Filipino, 44 na
pulis, 18 miyembro ng MILF at 5 sibilyan. Dahil sa isinagawang
operasyon ng Philippine National Police Special Action Force upang dakpin
ang dalawang dayuhang terorista. Ayon sa pagsisiyasat ay may mga
paglabag sa mga prosesong dapt sanay ginawa kaugnay ng operasyon ng
mga pulis.

 Ang bagyong Pablo at Yolanda ay naging kontrobersiya din dahil sa


mabagal nitong tugunan ang mga pangangailangan ng mga biktima ng
nasabing kalamidad.

 Mabagal na paunlarin ang Sistema ng transportasyon particular ang

Rail Way System ng Metro Manila.

 Ang eskandalo ng laglag bala sa NAIA kung saan 12, 000 Pilipino ang
pumerma sa petisyon noong October 21, 2015.

5. Mga Suliraning Kinahaharap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa


kasalukuyan mula na siya’y nanaungkulan (2016 – Present)

Noong nahalal bilang Pangulo si


Duterte noong taong 2016, ay
nanumpa siya ng Pagbabago sa
mga mamayang Pilipino na tapusin
na ang Droga, Kriminalid at
Korapsyon sa gobyerno.

 Ngunit patuloy parin ang droga


sa kasalukuyan

 Patuloy parin ang korapsyon sa


gobyerno at maraming mga
President Rodrigo Roa Duterte after the inauguration day June 30,
2016 Malacanang Palace PresidentialMuseum and Library kalihim na galing sa kanyang
gabinete ang nakasuhan at
napatanggal sa pwesto, tila ba isang sumpa na talaga sa mga
nakaupong Presidente ang Bureau of Customs, DPWH, LTFRB, at iba
pa.
 Patuloy parin ang kriminalidad lalong lalo na sa hanay ng mga
kapulisan at sundalo.

 Naging marahas ang kampanya laban sa droga kung saan ang mga
maralita ang laging biktima.

 Patuloy parin ang balakid natin sa West Philippine Sea kung saan
ilang mga isla na ang inangkin ng mga Tsino na sako ng ating
exclusive economic zone.

 Ang paglaganap ng pandemiyang COVID 19 kung saan buong mundo


ang apektado, na lalong nagpalala ng kalagayan ng ating ekonomiy.

 Lumubo ang utang ng Pilipinas sa World Bank kung saan umabot ito
ng $9.8 Trillion dahil sa pandemia.

B. Mga Kontimporaryong suliranin at isyung kinahaharap ng mga


Pilipino sa kasalukuyan

Ang mga Pilipino ay nabunuhay sa bansang nahaharap sa patuloy ng


pagbabago. Kabilang sa mga pagbabagong ito ang pag usbong ng
panibagong suliraning panlipunan, pampolitika, pangkabuhayan at
pangkapaligiran.

1. Suliraning Panlipunan
Nanatiling mainit ang usapin tungkol Gender Equality,
hanggang ngayon marami parin ang mga kababaehan na
naabuso sa ating bansa maging sa mga Overseas Filipino
Workers (OFW) na nagtatarabho sa ibang bansa. Ang
kawalan ng disiplina sa karamihan ng mga Pilipino ang
isang dahilan kung bakit isa tayo sa may mataas ang kaso
ng COVID 19 sa buong mundo

2. Suliraning Pampolitika

Sangkot hindi lamang ang mga Pilipino kundi ang maging


ibang mga bansa sa sa usaping pampolitika na kinahaharap
ng Pilipinas sa kasalukuyan. Dalawa rito ang katiwalian sa
pamahalaaan at agawan sa teritoryo.

 Ang Katiwalian sa pamahalaan ay tila sumpa na walang


lunas sa larangan ng polotika sa ating bansa. Naging
parte na ng ating kultura at systema na sa panahon ng
Eleksyon o Halalan ay namimili na ng mga boto ang
mga tumatakbong politiko. Sa huli tayo paring mga
Pilipino ang kawawa.
 Agawan sa teritoryo ng West Philippine Sea kung saan
ilang mga isla na ang inangkin ng mga Tsino at ibang
karatig bansang asyano ang umankin ng ating
exclusive economic zone.
May ilang mga politiko sa panunungkulan din ang
nakikinabang sa pagpasok ng kasunduan, dialogo at
kontrata sa mga ito, kung kayat hindi ito madaling
resulbahin.

3. Suliraning Pangkabuhayan
Nangunguna sa mga usaping pangkabuhayan ngayon ang
tungkol sa Globalisasyon. Tinutukoy dito ang pagiging
konektado ng mundo na makikita sa malaya at malawakang
paggalaw ng tao, produkto, salapi at kaalaman sa pagitan ng
mga bansa. Isa din tayo sa mga bansang naghihirap dahil sa
pandemyang dulot ng COVID 19, kung saan marami ang
nawalan ng trabaho at maraming mga establisimiento ang
hindi pwede magbukas para sa mga serbisyo.

4. Suliraning Pangkapaligiran
Maging sa pangagalaga ng kalikasan ay nahaharap din ang
Pilipinas sa matinding suliranin. Pangunahin dito ang
Climate Change na isang pandaigdigang suliraning
pangkapaligiran. Isa sa mga hakbang ng pamahalaan ang
buo ng programa sa maagap nap ag responde sa mga
sakuna. Nagkaroon tayo ng Disaster Risk Reduction
Management upang matugunanan at mabawasan ang
panganib dulot ng kalamidad.

Answers may vary blah blah

Ilang tamang sagot ba ang nakuha mo?


Magaling!

(Children Clapping)

19. Alam kung marami na kayong natutunan, subukin nating sagutin ang mga
katanongan.

20. Handa na ba kayo sa ating pagsusulit, kung gayon ay kumuha ng isang prirasong
papel at ballpen.
21.

22. Basahin at unawaing mabuti ang sumsusunod na tanong. Isulat ang titik lamang.
23. Sagutin ito sa loob ng 5 minuto _____

Panuto:
A. PANUTO: Basahing mong mabuti ang mga sumusunod na katanungan
at isulat ang letra ng iyong tamang sagot sa sagutang papel.

1. Siya ang dating senador na nangunang imbestigahan ang pagbawi sa


mga nanakaw na pera ng Pangulo at Gng. Marcos sa kaban ng bayan na
umabot sa halagang $5-10 bilyon.
A. Jovit Salonga
B. Jovie Salonga
C. Asyong Salonga
D. Jovito R. Salonga

2. Ilang bilyong dolyar ang naging pagkakautang ng bansa sa pagharap sa


mga suliranin ng administrasyong Corazon C. Aquino?
A. $24 bilyong
B. $25 bilyong
C. $26 bilyong
D. $27 bilyong

3. Ito ang kinaisan ng maraming tao sa panahon ng administrasyong Fedil


V. Ramos sa dahilan ng pagkakaroon ng malawakang pangogolekta ng
mas mataas ng buwis.
A. expired value-added tax
B. exposed value-added tax
C. extended value-added tax
D. expanded value-added tax

4. Sa panahon ng administrasyong Joseph Ejercito Estrada, ang pagbagsak


ng ekonomiya sa Aysa ay nagdulot ng pagbaba sa halaga na piso sa
dolyar na umamabot sa humigit-kumulang na?
A. Php 10.00
B. Php 20.00
C. Php 30.00
D. Php 40.00

5. Noong Hunyo 16, 2004 sa panahon ng panonungkulan ni Pangulong


Gloria Macapagal-Arroyo bumaba ang halaga ng piso sa dolyar nang ang
ahalga ng piso ay lubhang bumaba at naging?

A. Php 43.56
B. Php 46.53
C. Php 53.46
D. Php 56.43

6. Binitikos ang administrasyong Benigno S. Aquino III sa paggamit ng


kaban ng bayan dahil sa korapsiyon kaugnay sa pamamahagi at
paggamit ng espesyal na pondo ng mga mambabatas o kilala sa tawag
na?
A. 4Ps
B. PNP
C. PDEA
D. PDAF

7. Ilang bilang ng Philippine National Police Special Action Force o mas kilala
sa tawag na SAF ang nawalan ng buhay upang dakpin ang dalawang
dayuhang terorista sa panahon ng adiministrasyon Benigno S. Aquino III
ginawa kaugnay ng operasyon ng mga pulis?

A. 41
B. 42
C. 43
D. 44

8. Anong partikular na sistemang ng transportasyon ang kontrubersyal na


mabagal paunlarin sa Metro Manila sa panahon ni Pangulong Benigno S.
Aquino III?
A. Daungan
B. Grab Taxi
C. Paliparan
D. Rail Way System

9. Ang pandemia na lumaganap sa buong mundo sa administrasyong


Rodrigo Roa Duterte na siyang lalo pang nagpalala sa kalagayan ng
ekonomiya ng ating bansa.
A. COVID 16
B. COVID 17
C. COVID 18
D. COVID 19
10. Ilang Trilyong dolyar ang naging utang ng Pilipinas sa World Bank
dahil sa paglaban ng administrasyong Rodrigo Roa Duterte sa pandemia
na COVID 19?

A. $ 8.8
B. $ 8.9
C. $ 9.7
D. $ 9.8

57. Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili para sa mahusay na pagsagot sa mga aralin natin
ngayon..

58. Naway ang mga natutunan ninyo sa araw na ito ay makapagdulot ng magandang
katangian bilang isang Pilipinong Mag aaral. Na laging handa para harapin ang mga hamon
sa buhay. Ika nga ni pangulong Ferdinand Marcos “This nation cannot grow and prosper
unless we learn to live as brothers”.
59. At dito nagtatapos ang aralin natin sa araw na ito, ito ang inyong guro on air, Teacher
Arvin, na laging handa para samahan kayo para pahalagahan ang ating kasaysayan.
60.Magkitakita tayon Muli, sa susunod na Aral Time….Paalam!

You might also like