Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES )

MUNICIPALITY OF CARRANGLAN )
PROVINCE OF NUEVA ECIJA ) SS.

KONTRA-SALAYSAY

AKO, si __________, 47 taong gulang, Pilipino, may-asawa at nakatira sa may


__________ Nueva Ejica, pagkatapos manumpa na naaayon sa batas ay naghahayag at
nagpapatotoo ng mga sumusunod:

1. Mariin kong itinatanggi at pinabubulaan ang mga parata ni __________ na ako ang
malapit na dahilan (proximate cause) ng pagkasira ng kanyang sasakyan na Hyundai Starex van
na may plakang _____ noong _____ sa ganap ng 6:30 ng umaga sa Maharlika Highway, Brgy.
Capintalan, Carranglan, Nueva Ecija;

2. Habang inaamin ko na ako ang driver ng JAC Aluminum van na may plakang _____
na pagmamay-ari ni _____ nang mangyari ang nasabing incidente, mariin kong itinatanggi na
ako ay naging pabaya sa aking pagmamaneho noong araw na iyon nang mabangga ko ang
sasakyan ni ginoong Lubong;

3. Wala pong katotohanan na bumagal ang takbo ni ginoong Lubong upang maiwasan
ang kasalubong niyang sasakyan. Siya po ay biglaang bumagal ng pagmamaneho na halos siya
na po ay biglaang huminto sa kalagitnaan ng highway. Masdan niyo po na kaming dalawa ay
bumabaybay ng pababa ng Maharalika Highway kaya hindi ko po siya naiwasan;

4. Kung pong totoo na siya ay nag-slow down upang maiwasan ang isang pasalubong na
sasakyan na umokupa ng kanyang lane, ang natural na reaksyon ng isang driber upang maiwasan
ang kolisyon ay mapapakabig siya ng pakanan. Hindi po lohikal ang magso-slow down dahil
mababangga po siya ng kasalubong na sasakyan;

5. Dahil po sa pagka-reckless po ni ginoong Lubong, nagtamo ang sasakyan ng aking


amo ng danyos na humigit na P20,000.00. Kalakip po dito ang resibo sa pagpapa-ayos ng
sasakyan minamaneho ko nung panahon na iyon;

6. At dahil po sa pagka-reckless ni ginoong Lubong, napilitan po akong bayaran ang


aking amo sa pagpapa-ayos ng kanyang sasakyan na dapat ay panagutin ni ginoong Lubong;

7. Ginawa ko po ang kontra-salaysay na ito upang pabulaanan ang mga maling parata ni
Ginong _____ na Reckless Imprudence resulting to Damage to Property at upang siya rin po ay
aking ihahabla ng Reckless Imprudence resulting to Damage to Property;

BILANG PATOTOO sa lahat ng aking salaysay ay nilagdaan ko ngayong ika-_____ ng


August 2021 dito sa bayan ng Carranglan, Nueva Ecija.

Nagsasalaysay

SINUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika-_____ ng August 2021 dito


sa bayan ng Carranglan, Nueva Ecija.

ADMINISTERING OFFICER

You might also like