Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III
Division of City School
SAPANG PALAY NATIONAL HIGH SCHOOL
Fatima V, Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan

FILIPINO 8
IKALAWANG MARKAHAN

Pangalan:
Grade:
Seksiyon:
Petsa:

GAWAING PAGKATUTO

Panitikan: Yaman vs. Talino


( Balagtasan)

Panimula

Ang balagtasan ay uri ng tulang patnigan na may pagtatalo. Naging popular ang


balagtasan noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng pananakop ng mga
Amerikano. Ang balagtasan ay ayon sa isang masining na uri ng pagtatalo tulad ng
batutian, karagatan, at duplo. Ang balagtasan ay hango sa pangalan ng bayaning si
Francisco Baltazar bilang alaala ng kanyang kaarawan. Tinatawag din itong
makabagong duplo. Ito ay ginagamit ng mga manunulat upang maipahiwatig ang
kanilang palagay sa aspetong politika at napapanahong mga pangyayari at usapan.

Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, 1924. Tatlong pares ng


makata ang nagtalo na gumamit ng iskrip. Ang pinakamagaling sa mga nagbalagtasan
ay sina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes, kaya naisipan ng mga bumuo
na magkaroon ng isa pang Balagtasan para sa dalawang kagalang-galang na
makatang ito, na walang iskrip. Ginawa ito noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium
sa Maynila. Si Jose Corazon De Jesus ang nagwagi bilang unang Hari ng Balagtasan.
Nakilala si Jose Corazon de Jesus bilang si “Huseng Batute” dahilan sa kanyang
angking kahusayan sa Balagtasan noong 1920.

Mga Elemento ng Balagtasan:


 Ang tauhan ng balagtasan ay binubuo ng tatlong katao: dalawang makata at ang
tagapamagitan o lakandiwa.
 Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
 Ang tugma ay tumutukoy sa pagkakapareho ng tunog ng dulo ng bawat taludtod
sa panulaan.
 Ang indayog ay tumutukoy sa tono kung paano binigkas ang bawat taludtod na
maaring pababa o pataas.
 Ang mensahe ay tumutukoy sa damdamin at ideya na nais ipabatid sa kabuuan
ng bawat linyang binibigkas, teksto o akda na tulad ng balagtasan. Ito ay binubuo
ng mga simbolo na binibigyang pakahulugan at isinusulat upang lubos na
maunawaan ang mensaheng nilalaman upang maging mabisa ang paglalahad
nito.
 Ang manonood ay tumutukoy sa mga tagapakinig sa isang pagtatanghal ng
balagtasan.
 Ang paksa ay tumutukoy sa bagay na pinag – uusapan o tinatalakay upang
lubos na maunawaan at maipaliwanag ang konteksto nito.

Tandaan:

Ang Balagtasan ay masining din na paraan sa paglalahad ng katuwiran at


opinyon.

Opinyon- isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo o pwede ring
pasubalian lang. Ito rin ay isang paniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas
mahina sa positibong kaalaman na batay sa obserbasyon.
Mga pahayag na nagbibigay ng opinyon:

 Kumbinsido akong…
 Lubos kong pinaniniwalaan…
 Labis akong naninindigan na…
 Buong igting kong sinusuportahan na…
 Kung ako ang tatanungin…
 Kung hindi ako nagkakamali…
 Sa tingin ko…
 Sa totoo lang…
 Sa aking pananaw…

Katwiran- ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay


upang ang isang panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala. Layunin
nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ng pananalig o
paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag.

Mga pahayag na nagbibigay ng katwiran:

 Batay sa…
 Resulta ng…
 Pinatutunayan ni…
 Pinatutunayan ng…
 Sang-ayon sa…
 Mula kay…
 Tinutukoy na…
 Mababasa na…

Yaman vs. Talino


LAKANDIWA : 
Ako po ang inyong punong lankandiwa
Magpapakilala ng dalawang manunula
Isang nagsasabing yaman ang mas sasagana
At isang nagsasabing talino ang mas mahalaga

Ano nga ba ang totoo mga binibini't ginoo


Anong mas mahalaga, Yaman ba o Talino?
Kanilang pagtatalunan ang paksang binanggit ko
Masigabong palakpakan sakanila'y ihandog niyo

TALINO: 
Ako'y naniniwalang Talino ang mas mahalaga
Talino ang pamanang kahit kelan hindi mananakaw ng iba
Ang yaman ay makakamit kung matalino kang talaga
Ngunit hindi mo makukuha ang talino kahit marami kang pera

Marami dyan naghihirap na mayaman


Dahil saan? Sa kawalan ng karunungan
Ginagawang lahat, bawat ma-ibigan
Nilulustay ang pera sa walang kabuluhan

YAMAN:
Tila yata hindi mo naiintindihan
Ang may pera ang siyang laging pinapanigan
Lahat ng kanyang sabihin pinaniniwalaan
At pagdating sa kaibigan ay hindi siya nawawalan

Pag marami kang pera o ikaw ay mayaman


Marami ring sarap ang iyong matitikman
Mabibiling lahat, bawat magustuhan
Bahay ,  kotse at iba pang karangyaan

TALINO:
Ang lahat ng iyong sinabi puro materyal lamang
Ang kaibigang iyong binanggit nais sayo'y pera lang
Ang iyong pinagmalaki puro karangyaan
Pinalinaw mo lang sa lahat na ang utak mo'y walang laman
YAMAN:
Bakit ba ang tao, nais maging matalino?
Hindi ba dahil nais makahanap ng magandang trabaho?
Nais nilang makaahon sa buhay at yumaman, hindi ba totoo?
Kaya mas mahalaga ang yaman, dahil ito ang nais ng lahat ng tao

LAKANDIWA:
Muli pong nagbabalik inyong lakandiwa
Upang itigil sandali ang kanilang pagsasalita
Nais ko kayong tanungin mga binibini't ginoo
Saang panig na ba kayo? Sa Yaman o Talino?

Sa kanilang salita'y tunay akong namamangha


Ngunit ang pagdedesisyon ay hindi ko pa magawa
Alam kong nais niyo ng marinig silang dalawa
Kaya ang pagtutunggalian ating ituloy na

TALINO:
Hindi lahat ng tao, nais na yumaman
Mayroon parin namang mas gusto ang buhay na katamtaman
Ngunit ang pagiging matalino, lahat ng tao gusto yan
Kaya nga nagpatayo ng eskwelahan ang mga mayayaman

Hindi ka kayang patalinuhin ng yaman , tandaan mo


Ngunit wag mong kalimutan na kaya kang payamanin ng talino
Ang kayamanan ay nawawala sa kahit anong aspeto
Ngunit ang talino'y mananatali hanggang mamatay ang isang tao

YAMAN:
Hindi ka kayang buhayin ng talino
Kapag nagkasakit ka saan ka kukuha ng pampagamot?
Magnanakaw ka gamit ang utak mo?
O makikipagdebate ka sa doktor?
Sa panahon ngayon hindi pwedeng matalino ka lang
Pero pwede kapag mayaman ka, dahil hindi ka pwedeng 'i-lang' 
Pagmayaman ka , Hari ka, at ang matatalino alagad mo lamang
Kayaman ang mas mahalaga, tanggapin man o hindi ng mga taong matalino Lang

TALINO:
Hindi rin pwedeng i-lang, ang mga matatalino
Kapag nagkakasakit di nila kailangan ng doctor
Matalino ang doctor, matalino rin sila
Kaya nilang gamutin ang sarili ng walang hirap

YAMAN: 
Ang ganyang pagkakataon, gagana lang sa magagaan na sitwasyon
Pano pag ang sakit ay malala? Sino ang gagawa ng operasyon?
Pera at kayamanan mas mahalaga sa mundong ito
Magpakapraktikal tayo , wag kang hipokrito!

LAKANDIWA:
Sandali muna akong sa labanan ay papagitna
Ang sagutan ng dalawa'y tila nagiging mainit na
Magpalamig muna ng ulo ang payo ko sainyong dalawa
Ako munang lakandiwa ang magsasalita

Sa paghaharap na ito'y tunay akong nabibigla


Aking nauunawa ang panig ng dalawa
Sa paghihidwaang ito ako'y nangangamba
Pagka't ang paghatol ng mananalo sa isip ko ay wala pa

Ang aking hiling sa dalawang manunula


Sana ang hinahon niyo ay wag mawala
Muli ay tumindig at kayo'y pumagitna
Hidwaang natigil ipagpatuloy niyo na

TALINO:
Mas mahalaga ang pagiging matalino
Sa dayuhang mananakop nakalaya ang mga Pilipino
Dahil sa utak ng isang pantas at matalino
Si Gat Jose Rizal na nagmulat ng mata ng mga tao

YAMAN:
Mas mahalaga ang pagiging mayaman 
Kahit ubod ng galing at nuno ng katalinuhan
Yagit ka pa rin sa paningin ng sanlibutan
Pagka't ang taginting ng salapi ay musika sa sambayanan

TALINO:
Mas mahalaga ang katalinuhan at marami ang nakakaalam
Daig ng matalinong tao ang mayamang walang alam
Mayamang puro kamangmangan madaling maloko ng iba
Ngunit di mo kayang lokohin matalinong may pinag-aralan

YAMAN:
Kapag ang kayamanan sumobra marami ang namamangha
Pampatatag ng lipunan, masagana ang bansa
Ngunit pag ang katalinuhan ang siyang sumobra
Yumayabang ang tao , nababaliw pa yung iba

TALINO:
Mas mahalaga ang talino pagka't ito'y hindi nabibili
Ito'y hindi matutumbasan ng anumang salapi!

YAMAN:
Pera ang nagpapatakbo sa mundo ito
Walang kwenta kung ituring ang walang perang tao!

TALINO: 
Ang pagkakaroon ng halaga ng isang tao
Hindi nasusukat sa perang hawak nito!

YAMAN:
Ang pagkain, damit, bahay, at iba pa
Hindi mabibili ng talino at puro salita!
TALINO:
Ang mayamang mangmang walang kwenta sa lipunan!

YAMAN:
Mas walang halaga ang pulubing matalino sa bansa!

LAKANDIWA:
Akin na pong pahihintuin ang dalawang manghihidwa
Ako ng lakandiwa ang muling magsasalita
Ang aking hiling sa dalawang manunula
Kayo'y magkamay na at hatol ko'y heto na

Mahirap mang magpasya , ay aking gagawin


Ano man ang resulta'y parehas kayong magaling
Walang nagpatalo hanggang sa huli
Kayong dalawa'y binabati kong muli

Sa panig ng Talino, kanyang ipinaunawa


Kahit mahirap ka ,ngunit sa talino ay sagana
Daig mo ang mayaman na maraming pera
Pagka't ang talino'y syang pamanang hindi mananakaw ng iba

Habang sa panig ng Yaman, kanyang ipinabatid


Na ang pera'y mas mahalaga at mas dapat itangkilik
Pagka't matalinong walang pera, wala ring silbi
Sa lipunan ay mas kailangan ang kayamanang naipambibili

Kung ang talino'y magamit sa tamang paraan


Tiyak na mapapakinabangan ito ng lipunan
Ngunit kailangan din ng perang pampuhunan
Upang ang ating bansa'y di maghirap ng tuluyan

Ang yaman at talino pag pinagsama'y perpekto


Kaya ang aking hatol ngayon pakinggan niyo
Pagka't matalinong mayaman ang siyang hanap ko
Idinideklara kong parehas silang panalo!
Bigyan sila ng isang palakpakang masigabo!!

Kasanayang Pampagkatuto at Koda: Naibibigay ang opinion at katwiran tungkol sa


paksa ng balagtasan. (F8PB-11c-d-25)

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na gawain. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
Pamaraan:
Gawain 1
A. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Sino ang Ama ng Balagtasan?
a. Francisco Baltazar c. Jose Rizal
b. Jose Corazon Dela Cruz d. Andres Bonifacio
2. Siya ay itinanghal na unang hari ng balagtasan?
a. Francisco Baltazar c. Jose Rizal
b. Huseng Batute d. Apolinario Mabini
3. Sa balagtasan, sino ang nagsisilbing tagapagdaloy?
a. panig ng sang-ayon c. lakandiwa
b. panig ng di-sang ayon d. wala sa nabanggit
4. Ito ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng tula?
a. Epiko c. Balagtasan
b. Dulaan d. Sarswela
5. Ito ay element ng balagtasan na tumutukoy sa bagay na pinag – uusapan o
tinatalakay upang lubos na maunawaan at maipaliwanag ang konteksto nito.
a. Sukat c. Paksa
b. Tugma d. Mensahe

B. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. “Sa palagay ko, uulan ng malakas mamaya.” Sa anong uri ng pahayag


napapabilang ito?
a. Opinion c. Katwiran
b. Katotohanan d. Pagtatanong
2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng opinion?
a. Hindi natin dapat ipagwalang bahala ang mga nagaganap sa daigdig,
dapat lamang na magkaroon tayo ng pananaw na maunawaan kung bakit
nangyayari ang mga ito.
b. Ang husay at galling ng mga PIlipino ay nakikilala sa buong mundo. Dahil
dito ay dapat nating bigyang pugay ang kanilang nagawa.
c. Nagmila raw ang CoVid-a9 sa bansang China dahil sa kanilang kinakain
katulad ng buhay na hayop, pagkain ng fetus na bata at iba pa.
d. Wala sa nabanggit
3. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na positibong pahayag?
a. Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas, bibigyan ng Kalayaan ang
publiko na ipasa ang batas tungkol sa Bill.
b. Malamang magkumahog pa ang mga pulitiko para ipasa ang panukalang
batas.

c. Isyu dito, isyu doon. Demanda rito, demanda roon.


d. Naku! Delikado na naman ang panukalang batas na maipasa.
4. Ano ang ipinahihiwatig na opinyon sa pahayag na ito:
Sang-ayon sa Sek. 6 ng Panukalang Batas na ito, bibigyan ng
kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na
transaksiyon ng ahensya.
a. May mga politikong tiwali sa pamahalaan.
b. Marami ang makikinabang sa pagpasa ng batas.
c. Nakararami ang hindi sang-ayon sa pagpasa ng batas.
d. Hindi nararapat na maipasa ang panukalang batas.
5. Madalas ay ubod ng taas ang ating lipad at nalilimutan nating tayo’y
nakayapak sa lupa. Anong opinyon ang angkop sa pahayag na ito?
a. Iwasang maging mapagmataas sa pagsasalita, tingnan muna ang sarili.
b. Mahilig makipagkwentuhan sa ilan.
c. Gustong lumipad paitaas.
d. Upang lumubog at lumakas, matutong lumipad.
Gawain 2
A. Panuto: Basahin at tukuyin kung ang pangungusap ay OPINYON o
nagpapahayag ng KATWIRAN. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
_____1. Dapat lamang na pag-aralan ng mga mag-aaral ang Baybayin bilang
wikang pasulat ng mga Pilipino.
_____2. Sa tingin ko, hindi patas ang pagbibigay ng hustisya sa ating lipunan.
_____3. Totoong nakasaad sa Bibliya na masama ang pagsisinungaling kung
kaya’t habang bata pa ay dapat gabayan na ng mga magulang ang
kanilang mga anak.
_____4. Makatwiran lamang na ang mga taong nagkasala sa batas ay
pagbayarin
sa kanilang kasalanan.
_____5. Kung ako ang tatanungin, kaya naman natinh hindi umutang ng pondo
sa
ibang bansa.

B. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag mula sa


balagtasan. Isulat ang iyong opinyon o katwiran sa loob ng mga kahon.

1. Tila yata hindi mo naiintindihan


Ang may pera ang siyang laging pinapanigan
Lahat ng kanyang sabihin pinaniniwalaan
At pagdating sa kaibigan ay hindi siya nawawalan

2. Hindi lahat ng tao, nais na yumaman


Mayroon parin namang mas gusto ang buhay na katamtaman
Ngunit ang pagiging matalino, lahat ng tao gusto yan
Kaya nga nagpatayo ng eskwelahan ang mga mayayaman

3. Mas mahalaga ang pagiging mayaman 


Kahit ubod ng galing at nuno ng katalinuhan
Yagit ka pa rin sa paningin ng sanlibutan
Pagka't ang taginting ng salapi ay musika sa sambayanan

4. Ang pagkakaroon ng halaga ng isang tao


Hindi nasusukat sa perang hawak nito!
5. Pera ang nagpapatakbo sa mundo ito
Walang kwenta kung ituring ang walang perang tao!

Gawain 3
Kilala ang mga Pilipino sa angking husay sa larangan ng panitikan lalo na sa
mga tulang patnigan.Sa patuloy na pagbabago ng panahon kaalinsabay nito ang
pagbabago ng genre ng panitikan na mas kilala bilang panitikang popular. Isa na rito
ang flip top na sikat sa mga kabataan ngayon.
Narito ang link ng isang flip top. Panoorin o pakinggan upang magkaroon ng
ideya sa pagbuo ng gawain.
Panuto: Lumikha ng isang flip top na nagpapakita ng iyong PAGSANG-AYON o DI-
PAGSANGAYON mula sa paksang “ Ano ang mas madali sa pag-aaral ngayong
panaahon ng pandemya? MODULAR o ONLINE CLASS? ”
Isulat ang sagot sa sagutang papel.Gayahin ang dayagram sa dakong ibaba.
Paksa: “ Ano ang mas madali sa pag-aaral ngayong panaahon ng pandemya?
MODULAR o ONLINE CLASS? ”

Modular Tagapamagitan Online Class

Upang maisagawa mo nang maayos ang fliptop ay maari mong gamitin ang
pamantayan sa pagmamarka ng gawain sa dakong ibaba.
Pamantayan
1.Pili at masinop ang mga salitang 5 puntos
ginamit
sa pagpapalitan ng opinion at katwiran
ng magkabilang panig.
2.May tugma sa huling bahagi ng mga 5 puntos
taludturan at may indayog o aliw-iw sa
mga pahayag na binabanggit.
3.May mga batayan na nagpapatibay ng 5 puntos
posisyon ng magkabilang panig tungo
sa kapanipabiwalang paglalahad ng
mga konsepto.
4. May hikayat sa madla o sa babasa ng 5 puntos
fliptop
Kabuuan 20 puntos

Pangwakas

Mga Sanggunian
Đọc Balagtasan: Yaman vs. Talino - Truyện Tula (truyen4u.net)

Susi sa Pagwawasto

You might also like