Fil 207 Gawain Sa Aralin 2.8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PANGALAN: DENVER T.

ARANDA ORAS/ARAW:

BLK/TAON: BSED-FILIPINO 2D ROOM:

GAWAIN SA ARALIN 2.8

GAWAIN 2.8 (A)

Tukuyin kung anong aspekto ng kultura ang sumusunod.

1. Tradisyon
2. Tradisyon
3. Tradisyon
4. Tradisyon
5. Tradisyon
6. Tradisyon
7. Kaugalian
8. Kaugalian
9. Kaugalian
10. Tradisyon
11. Pagpapahalaga

GAWAIN 2.8 (B)

1. Ano-ano ang mga salik sa paghubog ng pagpapahalaga ng isang tao?

Ang mga salik sa paghubog sa pagpapahalaga ng isang tao ay upang


magkaroon ng maayos na relasyon sa kapwa, at pagkakaroon ng kapayapaan
ang lahat. Ang pagpapahalaga ng isang tao ay nagdudulot ng magandang
resulta at napapag-isipan ang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin.

2. Kailangan ba lagi Ang pakikisama o pakikipagkapwa tao? Ihanay ang


makabubuti at hindi makabubuting dulot nito.

MABUTING DULOT HINDI MABUTING DULOT


1. Maiiwasan ang away 1. ang sobrang pakikipagkapwa
tao ay inaabuso
2. Pagkakaroon ng magandang 2.hindi pagkakaintindihan na
relasyon sa kapwa. magdudulot ng hidwaan.
3. Magkakaroon ng maraming 3.maaaring magdala sa hindi
kaibigan. mabuting gawain
4. Respeto, at tiwala 4.bisyo
3. Sa pangkalahatang pagpapahalaga, alin sa mga ito ang makatotohanan at
tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga? Pangatuwiranan ang iyong
sagot.

Sa pangkalahatang pagpapahalaga na makatotohanan at tinatanggap ng tao


bilang mabuti at mahalaga ay unang-una dapat ang bawat isa ay may respeto.
Matuto tayong respetuhin ang iba upang respetuhin din tayo. Pangalawa , ay ang
disiplina. Mahalaga na ang bawat isa ay mayroong disiplina, ito ang magdadala
sa mabuting gawa. At ang pang huli ay katarungan. Ano man ang iyong
ginagawa nangangailangan na ito ay makaturangan. Lahat ng iyong gagawin ay
dapat na pinag-iisipan upang maiwasan ang hindi mabuting resulta.

GAWAIN 2.8 (C)

Ipaliwanag ang sumusunod na pagpapahalagang moral at magbigay ng


mga halimbawa tungkol dito.

1. PAG-IBIG- karaniwang pinapakahulugan ng iba rito na ito ay tumutukoy sa


puppy love o interpersonal na pagmamahal. Ang pag-ibig ay maraming
kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay ng konting ligaya (hal. Naibigan
ang isang pelikula) . maaaring isang masidhing damdamin ng pagtingin ang
kahulugan nito, isang emosyon o nasa estado ng emosyon. (halimbawa, ay
iniibig mo ang iyong kasintahan sapagkat naibigan mo rin ang kanyang ugali.)

2. PAGGALANG SA DIGNIDAD NG MGA TAO- Nilikha ng Diyos ang tao ayon sa


kanyang wangis. Ang DIGNIDAD ng tao ay mula sa Diyos kaya ito ay likas sa
tao. Hindi ito nilikha ng lipunan at ito ay pangkalahatan. Lahat ng tao ay
mayroong dignidad at nangangailangan nating igalang ang dignidad ng bawat isa
sapagkat dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa
paraang hindi makasakit o makakasama sa ibang tao. (halimbawa ay irespeto at
huwag manghusga ayon sa itsura at estado ng buhay). Ayon sa Golden rule,
“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.”

3. PAGMAMAHAL SA KATOTOHANAN- Ito ay ang paggiging totoo at tunay na


dapat maisabuhay at mapagsikapang mapairal sa lahat ng pagkakataon. Sabi
nga, “ang paggiging mapagmahal sa katotohanan ay kinagigiliwan ng sinuman”
mula dito nakabubuo tayo ng isang magandang komunidad at pagkatao.
(halimbawa ay pagsasabi ng katotohanan ayon sa nasaksihan at ayon sa iyong
ginawa at ito ay panindigan ng buong puso).
4. KATARUNGAN- ang katarungan o hustisya ay tumutukoy sa katuwiran at
pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harap ng batas o ng hukuman. Higit sa
lahat, ito ay pagbibigay ng karampatang gawad o trato o kaya ng karampatang
pagkilala. ( halimbawa nito ay ang pagbabayad ng tamang buwis, aminin sa
sarili ang totoo, tumawid sa tamang tawiran at pagsunod sa batas.)

5. KAPAYAPAAN- ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng katahimikan at


katiwasayan. Nangangahulugang walang gulo, away, alitan, o digmaan na
nangyayari sa pagitan ng mga bansa o estado sa mundo. (halimbawa ay ang
pagkakasundo ng gobyerno at mga rebelde).

6. PAGGALANG SA ANUMANG PAG-AARI- Ito ay nagpapakita ng integridad at


disiplina. Ito ay kailangan upang mapagkatiwalaan ka ng ibang tao. (halimbawa
ay ang pag-iingat sa mga gamit mo tulad ng cellphone, bag, pera at iba pa.)

7. PAGKAKABUKLOD NG PAMILYA- Ay ang pagsasama-sama at pagtutulungan


ng pamilya. (halimbawa ay ang sama-sama sa paggawa ng mga gawaing bahay,
sama-samang pagkain at sama-samang nananalangin.)

8. PAGGALANG SA BUHAY- ito ay nangangahulugan ng respeto at pagmamahal


sa sarili. Kung minamahal mo ang iyong sarili laging tama ang gagawin mo .
kung may paggalang ka sa iyong sarili di malayong igagalang at rerespetuhin ka
rin ng nakararami. (halimbawa nito ay pag-iwas sa mga masasamang bisyo tulad
ng paninigarilyo at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot tulad ng shabu.)

9. KALAYAAN- Ito ay hinahangad ng bawat isa para sa isang buong kapayapaan.


Ang kalayaan ang nagbubunsod sa isang damdamin na walang pumipigil at
humahadlang sa mga bagay na nais mong gawin upang magawa ang layunin sa
buhay. (halimbawa ay kalayaan na maisakatuparan ang Gawain na nais ng kilos
loob tulad ng political, propesyonal o akademikong kalayaan.)

10. PAGGAWA- ang paggawa ay maaaring pagtatrabaho o ang simpleng pagkilos


upang gawin ang isang Gawain. Ito rin ay isang uri ng aksyon na kung saan
lumilikha ng isang bagay o gamit. ( halimbawa , Si tatay ay may trabaho at
pumapasok siya palagi kaya siya ay may paggawa.)

You might also like