Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Jessah Mae E.

Begino BEED III MC FIL 102

GAWAIN 1:
1. Ibigay ang kahulugan at gamitin sa sariling pangungusap
a. Simulain
b. Pananalig
k. Mithiin
SIMULAIN
 Batayang katotohanan o proposisyon na nagsisilbing saligan o batayan ng isang sistema
ng paniniwala o pag-uugali o para sa isang serye ng pangangatuwiran.
 Tuntunin o paniniwalang gumagabay sa personal na pag-uugali.
Halimbawa:
 Ang mga kaugnayan sa mga kapuwa-tao ay dapat nakasalig sa makadiyos na mga
simulain.
PANANALIG
 Pananampalataya, paniniwala, relihiyon, tiwala, pagtitiwala.
Halimabawa:
 Ang pagsisi sa lahat ng kasalanan at matatag na pananalig kay Cristo ay kailangan upang
tayo’y maligtas.
MITHIIN
 Ang bagay o nais na pinapangarap o gustong makamit. Ito ay naaayon sa
pangangailangan ng isang tao. Ang mithiin ay makakamit kapag pinagsikapang matamo
sa abot ng makakaya.
Halimabawa :
 Ang pag-unlad ay dumarating mula sa pagtatakda ng matataas na mithiin at sa pag-abot
sa mga bituin.

2. Saan nakasalalay ang mga layunin ng pagtuturo? Sa paraang patalata ipaliwanag ito.
Ang layunin ng pagtuturo ay nakasalalay sa layunin ng edukasyon. Ang sistema at layunin ng
edukasyon ay binubuo ng simulain, pananalig at mithiin na sinasasalamin nito.
3. Itala ang bagong Konstitusyon tungkol sa layunin ng edukasyon.
Ang pinakapangunahing basihan ng mga nilalaman ng kurikulum at mga layunin ng
pagtuturo ay ang mga probisyong pang-edukasyon sa bagong Konstitusyon 1987 na
matatagpuan sa Artikulo XIV, seksyon 3, bilang 2. Sa mga tanging bahagi ay ganito ang
isinasaad :
Ang lahat ng institusyong edukasyon ay dapat na :
1. Ikintal ang patriotism at nasyunalismo.
2. Ihasik ang pag-ibig ng pangkatauhan, paggalang sa karapatang panatao, at
pagpapahalaga sa mga ginampanan ng mga pambansang bayani sa makasaysayang
pagbuo ng ating bansa.
3. Ituro ang mga karapatan at tungkuling pagkamamayan.
4. Patatagin ang mga pagpapahalagang etikal at ispiritwal.
5. Linangangin ang karakter na moral at disiplina sa sarili.
6. Pasiglahin ang mapanuri at malikhaing pag-iisip.
7. Palawakin ang pangkaalamang pansiyensya at panteknolohiya.
8. Itaguyod ang kakayahang bukasyunal.

You might also like