Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

FILIPINO 10

GAWAING PAGKATUTO 1
Kwarter 3

1
Filipino – Baitang 10
Kwarter 3 – Gawaing Pagkatuto 1:

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksyon 176 na Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda ( kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark ,palabas sa telebisyon, pelikula , atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang –aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Tagapamanihala ng mga Paaralan: Nympha D. Guemo


Kawaksing Tagapamanihala ng mga Paaralan: Maria Flora T. Pandes

Manunulat: Aimee B. Gerona


Tagasuri ng Nilalaman: Elisa E. Rieza
Gumuhit ng Larawan: Anele E. Abanto

ARALIN 1

2
PANGALAN: ______________________________________________________
ASIGNATURA: __________________________ ANTAS: __________________
PETSA: ____________________

Panimulang Konsepto

Magandang buhay!

Mahilig ka bang magbasa ng mitolohiya? Anong mitolohiya ang paborito mo?


Sa Pilipinas, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwento tungkol sa mga anito,
diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang at iba pa subalit sa araling ito, hindi na
muna tayo magpopokus sa mitolohiya ng Pilipinas. Halina’t pumasok tayo sa mundo
ng mitolohiya sa Africa at Persia.

Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

Sa gawaing ito, inaasahan na naipaliliwanag mo ang pagkakaiba at


pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia.

Panimulang Gawain

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita at


subuking gamitin ito sa pangungusap.

1. Primebal -
2. Wasakin -
3. Binhi -
4. Patrilinear –
5. Matrilinear –

Panuto: Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mitolohiya ng Africa at Persia


(Iran).

Pagsusuri at Abstraksiyon

Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng


mga mito/myth at alamat. Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga
mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng
mga diyos-diyusan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi

3
ng mga sinaunang tao. Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos
at mula sa Greek na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw
pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig. Sa Klasikal na
Mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na pangarap at takot ng
mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang
misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao, ng mga katangian ng iba pang mga
nilalang. Ipinaliliwanag rin dito ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig
– tulad ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha, kamatayan, at apoy. Ito ay
naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa. Hindi man ito kapani-
paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa, at mga bayani, tinuturing itong sagrado
at pinaniniwalaang totoong naganap. Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya at
ritwal.

Mahalaga ang mitolohiya upang maipaliwanag ang pagkakalikha ng mundo at


mga natural na pangyayari. Sa mitolohiya rin mababasa ang mga sinaunang
paniniwalang panrelihiyon. Nagtuturo rin ito ng aral at nagpapaliwanag ng
kasaysayan. Mahalaga rin ito upang maipahayag ang takot at pag-asa ng
sangkatauhan.

Panuto: Basahin ang mitolohiya ng Persia na pinamagatang “Mashya at


Mashayana: Mito ng Pagkalikha” sa Filipino 10 Panitikang Pandaigdig Modyul ng
Mag-aaral sa pahina 244 at mitolohiya ng Kenya sa Africa na pinamagatang
“Liongo”, isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles, sa Filipino 10 Panitikang
Pandaigdig Modyul ng Mag-aaral sa pahina 245. Subuking ipaliwanag ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang mitolohiya sa pamamagitan ng
talahanayan sa ibaba.

Liongo Mashya at Mashayana


Ano ang masasabi
mo sa mga tauhan sa
mitolohiya?
Ano ang kadalasang
tagpuan ng
mitolohiyang binasa?
Saan nakatuon ang
banghay ng
mitolohiya?
Saan nakapokus ang
mitolohiyang
nabasa?

Paglalapat

4
Panuto: Basahin ang mitolohiya mula sa Nigeria na “Maaaring
Lumipad ang Tao”, isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles, sa
Filipino 10 Panitikang Pandaigdig Modyul ng Mag-aaral sa pahina 247-
249 at “The Zoroastrian Creation Story (Mashya at Mashaya) ni
Rebecca Cann na salin-buod sa Filipino ni Jay-r Diacamos
(https://tagaloglangsirdiacs.blogspot.com/2018/01/?m=1). Ibigay ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang mitolohiyang ito sa
pamamagitan ng venn diagram.

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

Susi sa Pagwawasto

5
Talasalitaan
1. Primebal - sinauna
2. Wasakin - sirain
3. Binhi - punla
4. Patrilinear – pamamahala ng kalalakihan
5. Matrilinear – pamamahala ng kababaihan

Panimulang Gawain
Naiiba ang mitolohiya ng Aprika at Persya sa iba’t ibang bagay. Ang kanilang pinaniniwalaang karakter ay
ang mga Orishas na bagamat hindi tulad ng mito ay nakatira rin ito sa lupa at walang kapangyarihan. Ang kanilang
kapangyarihan ay mula kay Orunmila natanggap lamang bilang isang Diyos. Ang mitolohiya ng Persya (Iran) ay puno
ng mga nakakatakot na halimaw tulad ng Hadhayosh. Ang mitolohiya ng Aprika ay may mga karakter na gumagawa ng
kabutihan para sa komunidad, gaya ng mga tao sa mga liblib ng lalawigan. May kanya-kanyang silbi upang makatulong
sa tao.Ang mitolohiya ng Persya ay nakabase naman sa parusa at digmaan.
Tulad ng iba pang uri ng mitolohiya, ang mito ng mga taga-Aprika at mga taga-Persya ay binubuo ng iba’t
ibang karakter na mala-Diyos at sumasalamin sa iba’t ibang kultura at paniniwala na nabuo sa mga bayan na ito.

Pagsusuri at Abstraksiyon
Liongo Mashya at Mashayana
Ano ang masasabi mo sa mga Isang karaniwang tao na mataas at Ang mga tauhan ay nagtataglay ng
tauhan sa mitolohiya? malakas na mandirigma. kapangyarihan at ito ay mga diyos
at diyosa.
Ano ang kadalasang tagpuan Mga kaharian Daigdig
ng mitolohiyang binasa?
Saan nakatuon ang banghay Sa pakikipaglaban ni Liongo Sa hidwaan ng dalawang diyos at
ng mitolohiya? pagkakalikha ng mundo
Saan nakapokus ang Sa pakikipaglaban Sa pagkakalikha ng mundo
mitolohiyang nabasa?

Paglalapat

Pagkakaiba
Ang mitolohiyang Maaaring Lumipad ang Tao ay tumatalakay sa lipunan at nararanasang diskriminasyon ng mga tao
lalo na sa mga alipin. Ang mitolohiya namang The Zoroastrian Creation Story ay tumatalakay sa pagkakalikha ng
mundo at kung paano lumaganap ang sangkatauhan.

Pagkakatulad
Ang mga ginamit na tauhan sa dalawang mito ay nagtataglay ng mga supernatural o di pangkaraniwan na
kapangyarihan.

ARALIN 2

PANGALAN: ______________________________________________________
ASIGNATURA: __________________________ ANTAS: __________________

6
PETSA: ____________________

Panimulang Konsepto

Magandang buhay!

Isa sa magandang katangian ng mitolohiya ang mga kaisipang nakapaloob


dito. Kadalasang pumapaksa ang mitolohiya sa kung anong tradisyon at kultura
mayroon ang isang bansa. Sa aralin nating ito, susuriin natin ang mga kaisipang ito
upang mas lalo nating maintindihan ang mensahe ng mitolohiya.

Halina’t pumasok muli sa mundo ng mitolohiya! Tara na!

Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

Sa gawaing ito, inaasahan na nasusuri mo ang mga kaisipang


nakapaloob sa mitolohiya batay sa: suliranin ng akda, kilos at gawi ng
tauhan at desisyon ng tauhan.

Panimulang Gawain

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita at


subuking gamitin ito sa pangungusap.
1. Nalugod -
2. Kalaban -
3. Naglubag -
4. Pagmamataas -
5. Ambrosia –

Panuto: Basahin ang mitolohiyang “Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan”,


isinalin ni Vilma C. Ambat, sa Filipino 10 Panitikang Pandaigdig Modyul ng Mag-
aaral sa pahina 23-24. Suriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa:
suliranin ng akda, kilos at gawi ng tauhan at desisyon ng tauhan.

1. Sino sina Wigan at Bugan batay sa mitong Ifugao?


2. Ano ang suliraning makikita sa akda?
3. Ano ang masasabi mo sa pag-uugali, kilos at gawi ng mga tauhan?
4. Ninais ba talaga ni Bugan na mamatay? Bakit?
5. Ano ang masasabi mo sa naging desisyon ng tauhan?

Pagsusuri at Abstraksiyon

7
 Malalaman ang suliranin ng akda sa pamamagitan ng pag-alam sa kung ano
ang naging malaking problemang kinakaharap ng tauhan. Sa pamamagitan
ng suliraning ito, mas magiging kapana-panabik ang susunod na mga
pangyayari at kung paano ito malalampasan ng tauhan batay sa kaniyang
mga desisyon at kilos na gagawin.

 Mabisang masusuri ang kilos at gawi ng tauhan batay sa kaniyang pag-


uugali, paraan ng pananalita at kung paano siya nakisalamuha sa iba pang
mga tauhan sa kuwento.

 Maaaring gawing batayan ang mga diyalogo ng mga tauhan upang malaman
at mapalabas ang damdamin ng mga tauhan at kung paano sila
nagdedesisyon sa oras ng problema o suliraning kinakaharap nila.

Panuto: Basahin ang mitolohiyang “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante” ni
Snorri Sturluson, isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina, sa Filipino 10 Panitikang
Pandaigdig Modyul ng Mag-aaral sa pahina 174-177. Suriin ang mga kaisipang
nakapaloob sa mitolohiya batay sa: suliranin ng akda, kilos at gawi ng tauhan at
desisyon ng tauhan.

Mga Tauhan Suliranin Kilos at Gawi Desisyon ng


Tauhan
Thor
Loki
Utgaro-Loki
Thjalfti at Rosvka

MAHUSAY! Nasusuri mo na ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya. Maaari


mo nang gawin ang sumusunod na mga pagsasanay.

Paglalapat

Panuto: Basahin ang mitolohiya “Cupid at Psyche”, isinalin sa Filipino


ni Vilma C. Ambat, sa Filipino 10 Panitikang Pandaigdig Modyul ng
Mag-aaral sa pahina 14-20. Suriin ang mga kaisipang nakapaloob sa
mitolohiya batay sa: suliranin ng akda, kilos at gawi ng tauhan at
desisyon ng tauhan.

Mga Tauhan Suliranin Kilos at Gawi Desisyon ng


Tauhan
Cupid
Psyche

8
Venus
Mga Kapatid ni
Psyche
Ama ni Psyche

Susi sa Pagwawasto

9
Talasalitaan
1. Nalugod - nahalina
2. Kalaban - Kaaway
3. Naglubag - kumalma
4. Pagmamataas - Mayabang
5. Ambrosia – pagkain ng mga diyos-diyosan

Panimulang Gawain
1. Sila ay mag-asawang hindi nagkakaroon ng anak.
2. Hindi sila magkaanak.
3. Bugan – Siya ay nawalan ng pag-asa na magkaroon pa ng anak kung kaya’t ninais na lamang niyang
mamatay
Wigan – Ayaw niyang masyadong isipin ang kawalan nila ng anak.
4. Oo sapagkat ang kaniyang dahilan ay hindi sila magkaroon ng anak.
5. Tama ang naging desisyon ni Bugan na lumapit sa mga diyos upang magkaroon sila ng anak ni Wigan.

Pagsusuri at Abstraksiyon
Mga Tauhan Suliranin Kilos at Gawi Desisyon ng Tauhan

Thor Nakipagpaligsahan siya kay Malakas subalit maiinitin Sa pagsali niya sa mga
Utgaro-Loki na kalaban nila. ang kaniyang ulo paligsahan ay napatunayan
niya ang kaniyang tunay na
lakas.
Loki Nakipagpaligsahan siya kay May kapilyuhan Dahil sa paghamon niya sa
Utgaro-Loki na kalaban nila. pabilisang kumain ay naibsan
din ang kaniyang gutom.
Utgaro-Loki Malaking problema niya si Siya’y mapaglinlang Kung hindi niya nilinlang si Thor
Thor dahil sa pambihirang gamit ang kaniyang ay siguradong mas
lakas nito. mahika. mapapahamak ang kanilang
kaharian.

Pagsusuri at Abstraksiyon
Mga Tauhan Suliranin Kilos at Gawi Desisyon ng Tauhan

Thjalfti at Rosvka Kinuha sila upang maging Hindi sumunod agad sa Dahil sa hindi pagsunod ay
alipin utos ni Thor. naging alipin sila ni Thor.
Paglalapat
Mga Tauhan Suliranin Kilos at Gawi Desisyon ng Tauhan
Cupid Hindi pagtitiwala sa Mapagmahal na asawa, Ang hindi pagpapakilala at
kaniya ni Psyche masunurin sa ina pagpapakita ng mukha ang naging
sukatan niya sa pagtitiwala ng
kaniyang asawa.
Psyche Labis na kagandahan Siya ay mapagmahal sa Tama ang naging desisyon ni
asawa at pamilya, gagawin Psyche lalo na ang di pagsuko sa
ang lahat upang mahalin mga hamon na ibinigay ni Venus
lamang muli ni Cupid upang mapatunayan ang kaniyang
pagmamahal sa kaniyang asawa.
Venus Hindi pagpansin at Dahil sa labis na inggit at Hindi naging tama ang desisyon
pagsamba sa kaniya ng selos ay nagawa niyang niyang ipaubaya sa anak ang
mga tao dahil sa labis na pahirapan si Psyche misyon na paibigin si Psyche sa
kagandahan ni Psyche halimaw.
Mga Kapatid ni Ang labis na pagkainggit Inggit ang nag-udyok sa Ang masamang balak at
Psyche sa mga material na kanila upang pagbalakan ng kasinungalingan nila ang nagtulak
bagay na mayroon si masama ang kanilang kay Pysche upang mawala ang
Psyche kapatid na si Psyche at ang asawa nito.
asawa nito.
Ama ni Psyche Hindi makapangasawa si Kahit hindi sang-ayon sa Tama ang naging desisyon ng ama
Psyche dahil sa kaniyang naging payo ni Apollo ay ni Psyche sapagkat dahil dito,
kagandahan sumunod pa rin ito. nakilala ni Psyche si Cupid.

Sanggunian:

10
ARALIN 3
PANGALAN: ______________________________________________________
ASIGNATURA: __________________________ ANTAS: __________________
PETSA: ____________________

11
Panimulang Konsepto

Mahilig ka bang manood ng mga palabas o video sa internet?


Napapansin mo ba na kapag nag-viral o naging sikat ang isang
palabas, marami ang nagbibigay ng review at pagsusuri sa naging
takbo nito? Naranasan mo na bang magbigay ng sariling pagsusuri at puna sa mga
video? Kung hindi pa, tiyak na mas kaaliwan mo ito sapagkat hindi ka lang
manonood kundi hihimay-himayin mo rin ang bawat detalye upang mas mabigyan
importansiya ang isang video.

Kaya ano pang hinihintay mo? Kunin na ang iyong papel at bolpen sapagkat
sa araw na ito, tayo muna’y magiging isang critic! Tara! Simulan na natin.

Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

Sa gawaing ito, inaasahan na nabibigyang puna mo ang napanood na


video clip.

Panimulang Gawain

Panuto: Panoorin ang mitolohiyang “Medusa ang Babaeng Ahas”, sa


https://youtu.be/9iD4IftsiwM at bigyang puna ito sa pamamagitan ng
pagsagot ng mga katanungan sa ibaba.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa mitolohiyang napanood? Bigyang puna ang
naging kalakasan at kahinaan ng tauhan na nakaapekto sa kaniyang suliranin
sa kuwento.
2. Bigyang puna ang kasiningan ng paglalarawan sa tagpuan.
3. Bigyang puna kung paano sinimulan at winakasan ang mitolohiya.
4. Bigyang puna ang naging tema ng mitolohiya.
5. Bilang isang manonood, naging epektibo ba ang mitolohiyang ito?

Pagsusuri at Abstraksiyon

Ang pagbibigay ng puna ay ang pagbibigay ng feedback, opinyon,


reaksiyon o kritisismo patungkol sa isang paksa.

Sa pagsasagawa nito, kinakailangan na malaman at makita ng manonood na


tulad mo ang naging kalakasan at kahinaan ng isang kuwento kung kaya’t
makatutulong din ang pagkakaroon ng kaalaman sa iba’t ibang elemento ng
mitolohiya.

Ano-ano ang elemento ng mitolohiya?

12
1. Tauhan
 Ang mga tauhan sa mitolohiya ay mga diyos o diyosa na may taglay na
kakaibang kapangyarihan.
2. Tagpuan
 May kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinauna
ang panahon.
3. Banghay
 Maaaring ang banghay o mga pangyayari ay tumatalakay sa
sumusunod:
a. maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian
b. maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na mga
pangyayari
c. nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas
d. ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa
e. tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at interaksiyong
nagaganap sa araw, buwan at daigdig
4. Tema
Maaaring ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa sumusunod:
a. magpaliwanag sa natural na pangyayari
b. pinagmulan ng buhay sa daigdig
c. pag-uugali ng tao
d. mga paniniwalang panrelihiyon
e. katangian at kahinaan ng tauhan
f. mga aral sa buhay

- Mula sa Elements of Literature, (Anderson et. al ,1993) at Enjoying Literature,


(Ferrara et. al, 1991)

Panuto: Panoorin ang mitolohiyang “Si Pele, ang Diyosa ng Apoy at Bulkan”, sa
https://youtu.be/DlB7pzVe1AY at bigyang puna ito.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa mitolohiyang napanood? Bigyang puna ang
naging kalakasan at kahinaan ng tauhan na nakaapekto sa kaniyang suliranin
sa kuwento.
2. Bigyang puna ang kasiningan ng paglalarawan sa tagpuan.
3. Bigyang puna kung paano sinimulan at winakasan ang mitolohiya.
4. Bigyang puna ang naging tema ng mitolohiya.
5. Bilang isang manonood, naging epektibo ba ang mitolohiyang ito?

Paglalapat

13
Panuto: Panoorin ang mitolohiyang “Arachne”, sa
https://youtu.be/OQ0LwElsbKw at bigyang puna ito.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa mitolohiyang napanood? Bigyang puna ang
naging kalakasan at kahinaan ng tauhan na nakaapekto sa kaniyang suliranin
sa kuwento.
2. Bigyang puna ang kasiningan ng paglalarawan sa tagpuan.
3. Bigyang puna kung paano sinimulan at winakasan ang mitolohiya.
4. Bigyang puna ang naging tema ng mitolohiya.
5. Bilang isang manonood, naging epektibo ba ang mitolohiyang ito?

Susi sa Pagwawasto

14
Panimulang Gawain
Tauhan Kalakasan Kahinaan
Medusa Kagandahan, pagiging masunurin at Dahil sa sumpa at pilit na pagpatay
tapat sa paglilingkod kay Athena sa kaniya ng mgatao kung kaya’t
nagagawa niyang saktan at patayin
ang mga ito.
Athena Makapangyarihan, isang diyos Inggit o selos
Poseidon Makapangyarihan, isang diyos Naging mapagsamantala kay
Medusa
2. Ang paglalarawan sa tagpuan (Athens) ay simple lamang ang ginamit na mga salita at limitado.
3. Sinimulan ang mitolohiya sa pamamagitan ng paglalarawan kay Medusa noong hindi pa ito sinusumpa at winakasan
ito sa pamamagitan sa kung paano naman ito namatay at ang naging kapakinabangan niya sa iba dahil sa kakayahan
niyang gawing bato ang sinumang titingin sa mga mata nito.
4. Ang naging tema ng mitolohiya ay patungkol sa kung paano sinumpa si Medusa ni Athena.
5. Naging epektibo ang mitolohiyang ito sapagkat mas naliwanagan ang mga manonood sa kung paano nagsimula si
Medusa bilang isang mortal at kung bakit ito kinatatakutan na ng mga tao noon.

Pagsusuri at Abstraksiyon
Tauhan Kalakasan Kahinaan
Pele Makapangyarihan Selosa at maiinitin ang ulo
Namaka Makapangyarihan Mapaghiganti
2. Simple lamang ang mga ginamit na mga salita sa pamamagitan ng paglalarawan sa kung paano nabuo ang isla
(Hawaii)
3. Sinimulan ang mitolohiya sa pamamagitan ng paglalarawan sa mag-anak at ang alitan ng magkapatid na Pele at
Namaka at winakasan naman ito sa pamamagitan ng kung ano ang nangyari sa kanilang bunsong kapatid at ang
pagsisisi ni Pele sa mga nagawa dito.
4. Ang naging tema ng mitolohiya ay patungkol sa alitan ng magkakapatid.
5. Naging epektibo ang mitolohiyang ito sapagkat maraming mabubuting aral na makukuha rito tulad na lamang ng
pagkakasundo ng magkakapatid, iwasan ang labis na selos o inggit at ang pagpapatawad at pagsisisi sa nagawang
kasalanan.

Paglalapat

Tauhan Kalakasan Kahinaan


Arachne Mahusay na manghahabi Naging mayabang o lumaki ang
kaniyang ulo
Athena Makapangyarihan, isang diyos Mas nahigitan ni Arachne ang
kaniyang galing sa panghahabi
2. Ang paglalarawan sa tagpuan ay simple lamang ang ginamit na mga salita o limitado.
3. Sinimulan ang mitolohiya sa pamamagitan ng paglalarawan kay Arachne at ang kagalingan nito sa paghahabi at
winakasan ito sa pamamagitan ng pagsasalaysay sa naging kapalaran nito matapos na hamunin at isumpa siya ni
Athena.
4. Ang naging tema ng mitolohiya ay patungkol sa kayabangan ni Arachne at ang panghahamak nito sa mga diyos.
5. Naging epektibo ang mitolohiyang ito sapagkat marami itong mabubuting aral na ibinigay tulad na lamang na huwag
maging mayabang.

ARALIN 4
PANGALAN: ______________________________________________________
ASIGNATURA: __________________________ ANTAS: __________________
PETSA: ____________________

15
Panimulang Konsepto

Sa talakayan natin ngayong araw, susubukin dito ang iyong kaalaman


sa kung paano mo bibigyan ng pangangatuwiran ang sarili mong
reaksiyon o opinyon sa pamamagitan ng debate o pagtatalo. Handa ka
na ba? Simulan na natin!

Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

Sa gawaing ito, inaasahan na napangangatuwiranan mo ang sariling


reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa pamamagitan ng
debate/pagtatalo.

Panimulang Gawain

Panuto: Basahin ang akdang “Puting Usa”, sa


https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-mythologies-mga-
mitolohiya-puting-usa_1155.html at magbigay ng sariling reaksiyon ukol dito
sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na “Kung ikaw si Tingal, ano ang
pipiliin mo? Ang labis na kagutuman ng iyong pamilya o ang pagmamakaawa
ng puting usa sa kaniyang buhay? Ilahad ang iyong mga dahilan kung bakit
ito ang iyong napili sa paraang nakikipagdebate o pagtatalo.

Rubriks
Pamantayan Bahagdan
Paglalatag at Pag-aanalisa ng Katibayan 4 puntos
Pangangatuwiran at Panunuligsa 4 puntos
Pagpapahayag 2 puntos
Kabuuan 10 puntos

Pagsusuri at Abstraksiyon

Ang pagtatalo (Arrogante, 2000) ay isang sining ng gantihang


katuwiran o matuwid ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig
tungkol sa isang kontrobersiyal na paksa. Isinasagawa ito pamamagitan ng
pagpapahayag ng mga katuwiran at naaayon sa itinatakdang alituntunin at
pamantayan. Ang gawaing ito ay nakasalalay sa masining at maingat na pagbibitiw
ng mga salita, gayundin kung pasulat. Mayroon itong dalawang uri, ang pormal na
pagtatalo na kung saan ang paksa sa uring ito ay masining na pinag-uusapan at
masusing pinagtatalunan. Ito ay may takdang panahon, araw, at oras kung kailan

16
gaganapin. Kailangan dito ang paghahanda. Mayroon itong tatlong hakbang: (1)
Pangangalap ng datos; (2) Paggawa ng dagli o balangkas (3) Pagpapatunay ng
katuwiran. Sa pagtutuligsa naman ay tukuyin ang sumusunod: (1) maling katuwiran,
(2) mga pahayag na walang batayan, (3) kahinaan ng katibayan, at (4) mga pahayag
na labas sa buod ng napagkasunduan. May tatlong uri ng pormal na pagtatalo- ang
Debateng Oxford, Debateng Oregon at Debateng Oxford-Oregon. Samantalang ang
di-pormal na pagtatalo ay hindi maayos na pagpapalitang-kuro at palagay matapos
ihayag ng tagapangulo ang paksang pagtatalunan.

Panuto: Basahin ang mitolohiyang “Ang Kahon ni Pandora” sa


https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-mythologies-mga-
mitolohiya-ang-kahon-ni-pandora_1170.html at magbigay ng sariling reaksiyon ukol
dito sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na “Sang-ayon ka ba sa naging
desisyon ni Jupiter na ibigay ang pangangalaga sa munting kahon sa isang mortal
na tulad ni Pandora? Oo o Hindi?” Ilahad ang iyong mga dahilan kung bakit ito ang
iyong napili sa paraang nakikipagdebate o pagtatalo.

Rubriks
Pamantayan Bahagdan
Paglalatag at Pag-aanalisa ng Katibayan 4 puntos
Pangangatuwiran at Panunuligsa 4 puntos
Pagpapahayag 2 puntos
Kabuuan 10 puntos

MAHUSAY! Nakapagbibigay ka na ng iyong sariling reaksiyon sa paraang


nagdedebate. Maaari mo nang gawin ang sumusunod na mga pagsasanay.

Paglalapat

Panuto: Basahin ang mitolohiyang “Si Atlas” sa


https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-mythologies-
mga-mitolohiya-si-atlas_1172.html at magbigay ng sariling reaksiyon
ukol dito sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na “Kung ikaw si
Andromeda, papayag ka ba na ikaw ang maging sakripisyo upang
umalis lamang ang dragon sa inyong lugar? Oo o Hindi?” Ilahad ang
iyong mga dahilan kung bakit ito ang iyong napili sa paraang
nakikipagdebate o pagtatalo.

Rubriks
Pamantayan Bahagdan
Paglalatag at Pag-aanalisa ng Katibayan 4 puntos
Pangangatuwiran at Panunuligsa 4 puntos
Pagpapahayag 2 puntos

17
Kabuuan 10 puntos

18
Para sa iba pang katanungan at katugunan, mangyaring sumulat o
tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Schools Division Office, Daet, Camarines Norte 4600

Landline: (054)440-1772, (054)440-4464

Email Address: camarines.norte@dep.ed.gov.p

19

You might also like