Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagsusulit sa Pagbasa at Pananaliksik ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

A. Piliin kung aling uri ng teksto ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat ang I kung Impormatibo at D kung
Deskriptibo ang tinutukoy sa bawat bilang.

1. Naglalayon itong bumuo ng malinaw na larawan sa isipan ng mga mambabasa.


2. Tinatawag itong paglalahad o Ekspositori sa maraming aklat sa Filipino.
3. Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang bawat tauhan,
tagpuan, mga kilos o galaw, o anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa.
4. Karaniwang makikita o mababasa sa pahayagan o balita, sa mga magasin, sa mga pangkalahatang sanggunian
tulad ng encyclopedia, gayundin sa iba’t ibang web site sa internet.
5. Pang-uri at Pang-abay ang mga salitang ginagamit sa paglalarawan sa tekstong ito.

B. Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M kung ang pahayag ay mali.
6. Ang paraan ng paglalahad na sanhi at bunga ay nagpapaliwanag ng pinanggagalingan ng isang bagay, bakit
nagkagayon, at ano ang kapakinabangan dito.
7. Ang problema at solusyon ay ang pagtalakay sa pangunahing paksa kasunod ay ang pagbabanggit nang isa-isa
ng mga kaugnay at mahahalagang kaisipan.
8. Ang pagsusunod-sunod o order ay maaaring prosidyural o sikwensyal na kaayusan o ang kaayusang
kronolohikal.
9. Ang pagsulat ng sanaysay ay ang pagpapahayag ng isang manunulat sa kanyang mga ideya, kaisipan, pananaw o
damdamin kaugnay sa isang paksa.
10. Pagbibigay kahulugan sa isang salita, parirala o kaisipan ang inilalahad ng paraan na paghahambing at
pagkokontrast.
C. Panuto: Basahin ang mga teksto. Isulat sa sagutang papel ang I kung ito ay informativ,
at HI kung hindi .
11. Nakakamit ang malusog na pangangatawan sa pamamagitan ng balanseng pagkain.
Kung hindi tayo kumakain nang tama, magiging sanhi ito ng mga problema. Magiging
sakitin tayo. Halimbawa, kung kulang tayo sa vitamin D, maaaring magbunga ito ng
pagkabulag. Maraming sakit sa balat at sa ngipin ay dulot ng kakulangan sa vitamin C.
Kaya, dapat lamang na kumain tayo nang tama upang maging malusog at mahaba ang
buhay.

12. Kung paano haharapin ang katotohanang ikaw ay nabigo sa isang gawaing pinag-ukulan
mo pa naman ng panahon ay isang malaking usapin. Naranasan mo na ba ang ganito?
Ano ang ginawa mo? Nagmukmok sa sulok? Hindi yata makatutulong ang ganito. Mas
mabuti kung haharapin mo ito at susubuking bigyang-solusyon.

13. May kaunting pagkakaiba ang mga helikopter kaysa sa mga jet. Mas maraming sakay
ang mga jet kaya mas mabigat at kumplikado ang paggawa nito. Dahil sa kaliitan ng
helikopter, natural na kaunting pasahero lamang ang kayang isakay nito. Ang mga jet ay
nakadesayn na maglakbay nang mas malayo, samantalang ang mga helikopter ay
pangmalapitan lang.

14. Ang pagsulat ay isang prosesong dapat na sundin nang maayos. Una, pagpasyahan mo
kung ibig mong magpadala ng nakasulat na mensahe. Ikalawa, planuhin ang iyong
mensahe. Isulat mo ang lahat ng ibig mong ilahad sa iyong dokumento. Organisahin ang
iyong mga ideya sa paraang pabalangkas. Pagkaraan, isulat ang iyong unang burador.
Pagkatapos, irevyu, irebisa at iedit ang sinulat mo. Sa huli, ibahagi ang iyong isinulat sa
taong pinagkakatiwalaan mo para makatulong siya sa pagsusuri.

15. Sa pagdaan ko sa Intaramuros ay hindi ko maiwasang maisip ang nagdaang kasaysayan


sa pook na ito. Marahil noon ay napakatahimik at napakaganda ang lugar na iyon. Hindi
ko tuloy maiwasang pangaraping sana ay nabuhay na ako noong panahon ng mga
Kastila. Mapanghamon siguro ang kalagayan ng lipunan noon. Sa kabilang dako, naisip
ko ring hindi bale na lang. Baka hindi ko makayanan ang istilo ng pamumuhay noon.

D. Uriin ang tayutay na ginamit sa sinalungguhitang bahagi ng mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

16. Halika panaginip at tulungan mo akong malimot ang mga pighati.


a. Metapora b. Onomatopiya c. Personipikasyon d. Simili
17. Sampung nanlilisik na mga mata ang nakatitig sa lalaking criminal.
a. Metapora b. Onomatopiya c. Personipikasyon d. Simili
18. Kawangis mo’y isang papel na inaanod sa agos ng buhay.
a. Metapora b. Onomatopiya c. Personipikasyon d. Simili
19. Si Rosa ang pinakamagandang tala sa kanilang barangay.
a. Metapora b. Onomatopiya c. Personipikasyon d. Simili
20. Karaniwan ang paglalarawan kung nagbibigay ng impormasyon
ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas
a. Tama b. Mali c. Wala sa nabanggit

You might also like