AP3 Q1 Modyul 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

3

Araling Panlipunan
Kwarter 1 – Modyul 1:
Mga Simbolo sa Mapa
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Unang Markahan – Modyul 1: Mga Simbolo sa Mapa

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: MIGUELITO A. CORRE

Editor: MARIBEN D. BERJA

Tagasuri: ANA N. CALISURA

Tagaguhit: EVAN LEE P. LEONEM

Tagalapat: EDDA M. BRONDIAL


Modyul 1: Mga Simbolo sa Mapa

Magandang araw! Kumusta ka? Nasasabik ka na ba sa


unang aralin natin? Halika at simulan na natin.

Ang paggamit ng mga simbolo sa mapa ay isang paraan


upang ilarawan o ipakita ang mga kalupaan, katubigan, at iba pa.

Sa modyul na ito, matututunan mo ang iba’t-ibang simbolo


na ginagamit sa mapa at ang mga kahulugan nito.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

▪ Naipapaliwanag ang kahulugan ng mga simbolo na


ginagamit sa mapa sa tulong ng panuntunan (hal.
katubigan, kalupaan, at iba pa) (AP3LAR-Ia-1)
▪ Natutukoy at naiguguhit ang mga simbolo na
kumakatawan sa mga kalupaan, katubigan at iba pa

1
Mapa – ito ay larawan ng isang pook o lugar sa patag na
representasyon ng mundo.

Simbolo – ito ay tumutukoy sa isang marka o bagay na


ginagamit upang kumatawan o ipakita ang isang bagay, kaisipan,
lugar at iba pa.

Halika at subukang sagutin ang sumusunod bago tayo


magsimula sa ating aralin. Basahing maigi ang bawat tanong. Piliin
at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa mga markang ginagamit sa mapa


upang kumatawan sa mga pisikal na anyo o katangian ng
isang lugar?

a. simbolo b. larawan c. guhit d. globo

2. Ano ang ibig sabihin ng simbolong ito?

a. burol b. kapatagan c. kabundukan d. ilog

3. Aling simbolo ang ginagamit upang kumatawan sa dagat


o karagatan?

a. b. c. d.

2
4. Ano ang kahulugan ng marka o simbolong ito?

a. burol b. lambak c. talampas d. talon

5. Alin sa mga simbolong ito ang kumakatawan sa


paaralan?

a. b. c. d.

Ano nga kaya ang mga simbolong ginagamit sa


mapa? Tara na at tuklasin na natin.

Basahin at unawain ang kahulugan ng mga simbolo


na ginagamit sa mapa.

Mga Simbolo ng Anyong Lupa

Simbolo Kahulugan Paglarawan

Ang bundok ay pinakamataas na


Bundok anyong lupa.
Ito ay binubuo ng mga bundok na
Kabundukan magkakarugtong o magkakadikit.

3
Ang bulkan ay isa ring mataas na
Bulkan anyong lupa na naglalabas ng lahar
o lava sa tuwing pagputok nito.
Ito ay anyong lupa na mas mababa
Burol kaysa sa bundok na may limitadong
sukat o laki.
Isa itong patag at malawak na
Kapatagan anyong lupa.

Ang lambak ay isang patag na lupa


Lambak sa pagitan ng dalawa o higit pang
bundok.

Ito ay anyong lupa na binubuo ng


Kagubatan malawak at mayamang uri ng mga
punongkahoy, hayop, ibon at iba pa.

Ang kweba ay isang anyo ng bato o


Kweba lupa na may lagusan o pasukan
papunta sa loob nito.

Mga Simbolo ng Anyong Tubig

Simbolo Kahulugan Paglarawan

Karagatan Ito ay pinakamalawak na anyong tubig.

Ang ilog ay anyong tubig na umaagos


Ilog mula sa kabundukan patungong dagat
o karagatan.
Ito ay daloy ng tubig mula sa mataas na
Talon lugar at bumabagsak sa ibaba.

Ito ay katipunan ng tubig na


Lawa napaliligiran ng lupain.

4
Mga Simbolo ng Istruktura sa Mapa

Simbolo Kahulugan Pagtalakay

Ito ay isang banal o sagradong lugar


Simbahan kung saan nagdarasal at nagninilay-
nilay ang mga tao.

Ipinapakita nito ang mga bahay sa


Kabahayan isang pook o pamayanan.

Ang paaralan ay isang lugar kung


Paaralan saan nag-aaral at natututo ang mga
bata.

Sa istrukturang ito ginagamot ang


Ospital mga naaksidente at may sakit.

Dito dumaraan ang mga sasakyang


Kalsada pang-lupa gaya ng kotse, dyip, bus,
at iba pa.

Subukan nating hanapin at iguhit ang mga simbolong ginamit


sa mapa ng ating lalawigan. At ibigay ang kahulugan nito. Gawin
mo ito sa loob ng kahon.

Pinagkunan: AP3 LM Bikol 2015

5
Pagtambalin ang mga larawan sa angkop na mga simbolo
nito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

_____ 1. a.
Pinagkunan: www.pda.gov.ph

_____ 2. b.
Pinagkunan:
www.officialgazette.gov.ph/2015/
07/15/updates-on-selected-
volcanoes-july-15-2015/

6
_____ 3. c.
Pinagkunan:
http://riverbasin.denr.gov.ph/river/bicol

_____ 4. d.
Pinagkunan: http://iriga.gov.ph/facts-stats-
and-demography/

_____ 5. e.
Pinagkunan: www.pda.gov.ph

_____6. f.
Pinagkunan:
https://www.officialgazette.gov.ph/2016/03/0
3/rerouting-maharlika-highway-camsur/

7
_____7. g.
Pinagkunan:
http://sanjose.camarinessur.gov.ph/adiangao-cave

Tara! Magsanay pa tayo tungkol sa mga simbolo ng mapa.


Ibigay ang kahulugan at magsulat ng isang pangungusap na
naglalarawan sa bawat simbolo base sa iyong natutunan.

1. ________________

________________________________________________________

_________________________________________________________

2. ________________

_____________________________________________

_____________________________________________

8
3. _________________

_____________________________________________

_____________________________________________

4. ________________

________________________________________________

_________________________________________________

5. ________________

_______________________________________________

______________________________________________

Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong. Piliin


at isulat ang titik ng tamang sagot.

9
1. Anong simbolo ang ginagamit sa mapa para sa kapatagan?

a. b. c. d.
2. Aling simbolo ang ginagamit upang kumatawan sa ilog?

a. b. d. d.

3. Anong anyong lupa ang gumagamit ng simbolong ito?


a. bulkan b. burol c. lambak d. bundok

4. Anong likas yaman ang may panandang ganito?


a. kagubatan b. dagat c. talon d. lawa

5. Anong istruktura ang may simbolong katulad nito?


a. ospital b. simbahan c. parke d. kalsada
6. Aling marka o simbolo ang kumakatawan sa talampas?

a. b. c. d.

7. Ano ang kahulugan ng simbolong ito?


a. kabundukan b. kagubatan c. lambak d. burol

8. Alin ang tinutukoy ng simbolo na ito?


a. mga gusali b. simbahan c. palasyo d. kabahayan

10
9. Paano natutukoy o nalalaman ang kahulugan ng bawat
simbolo?

a. Sa pamamagitan ng mga larawan.


b. Sa tulong ng mga mga guhit.
c. Sa pamamagitan ng marka o guhit na nagpapakita ng
hawig, tanda o direktang anyo o katangian ng isang lugar.
d. Sa tulong ng mga kulay at guhit.

10. Bakit kaya kailangang gumamit ng mga simbolo sa mapa?

a. Para maging maganda ang paghahanap sa isang lugar.


b. Upang hindi maligaw sa isang pook.
c. Para mapuntahan ang gustong lugar.
d. Upang maging madali at maayos ang pagbabasa ng
mapa.

Magsaliksik sa mga aklat, mapa, at iba pang babasahin


ng sampung (10) simbolong ginagamit sa mapa na hindi
nabanggit sa aralin. Ibigay ang kahulugan ng mga ito.

Humahanga ako sa iyong kasipagan at binabati kita


sapagkat natapos mo nang matagumpay ang aralin na ito.
Maaari mo nang kunin at simulan ang susunod na modyul.

11
Panimulang Pagsubok 1. a, 2. C, 3. B, 4. A, 5. c

Pagsasanay 1

bundok talon lawa

karagatan o beach paaralan

Pagsasanay 2

1. c 2. f 3. e 4. A 5. B 6. G 7. d

Pagsasanay 3
1. karagatan – Ang karagatan ay pinakamalawak na
anyong tubig.

2. ilog – Ito ay anyong tubig na umaagos mula sa


kabundukan patungong dagat o karagatan.

3. ospital – Dito ginagamot ang mga naaksidente at may


sakit.

4. kagubatan – Isa itong anyong lupa na binubuo ng malawak at


mayamang uri ng mga punongkahoy, hayop, ibon at iba pa.

` 5. talon - Ito ay daloy ng tubig mula sa mataas na lugar at


bumabagsak sa ibaba.

Pangwakas na Pagsubok

1. c 2. b 3. d 4. c 5. a 6. a 7. b 8. d 9. c 10. d

12
Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag-aaral Bikol. Unang
Edisyon 2015. DepEd

Prototype and Contextualized Lesson Plans in Araling


Panlipunan 3 First Quarter. Camarines Sur. Region V DepEd

http://iriga.gov.ph/facts-stats-and-demography/

http://riverbasin.denr.gov.ph/river/bicol

http://sanjose.camarinessur.gov.ph/adiangao-cave

https://www.officialgazette.gov.ph/2016/03/03/rerouting-
maharlika-highway-camsur/

www.officialgazette.gov.ph/2015/07/15/updates-on-
selected-volcanoes-july-15-2015/

www.pda.gov.ph
taong 2017.

13
For inquiries or comments, please contact:

14

You might also like