Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Layunin sa pag-aaral:

1. Masuri ang kasalukuyang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa pamahiing umusbong noon.
2. Makalap ang mga sanhi sa pagkalimot sa mga pamahiing ito at naging epekto sa pamumuhay ng
tao sa kasalukuyang panahon.
3. Mula sa mga nakalap na impormasyon mula sa mga mag-aaral at masusing pag-aaral dito,
makabubuo ng konklusyon sa nasabing suliranin.
4. Makapaglahad ng mga paraan upang mapagtagumpayan ang nasabing suliranin at patuloy na
mapalago at maisabuhay ang mga pamahiing umusbong noon.
Malaki ang naging ambag ng pamahiin sa kultura at pagkakakilanlan nating mga Pilipino. Ang
mga paniniwalang ito ay nakaimpluwensiya ng malaki sa pananaw at araw-araw na pamumuhay ng tao
magmula pa noon. Subalit, kasabay ng patuloy na paglipas ng panahon, nakalulungkot isipin na maging
ang mga ito ay lumilipas, napapawi at nakalilimutan na rin.

Sa pag-aaral na ito, nilalayon ng mga mananaliksik na masuri ang kaalaman ng mga mag-aaral sa
kasalukuyang panahon patungkol sa mga pamahiing umusbong noon. Bukod pa rito, ang pag-aaral na ito
ay naglalayon ring maimbestigahan ang mga sanhi sa pagkalimot sa mga ito at matukoy ang mga
makabagong paniniwalang patuloy na umuusbong sa kasalukuyan at pumapalit sa mga sinaunang
paniniwala. Mula sa mga nakalap na impormasyon mula sa mga mag-aaral, layon rin ng mga
mananaliksik na pag-aralang mabuti ang mga datos, mabigyang-kahulugan ang mga ito at makabuo ng
konklusyon mula sa nasabing suliranin. Panghuli, nilalayon rin ng pag-aaral na ito na makapaglahad ng
mga paraan upang mapagtagumpayan ang nasabing suliranin at patuloy na mapalago at maisabuhay ang
mga pamahiin na umusbong noon.

Ang nakaraan ang dahilan ng ating kasalukuyan at magiging pundasyon ng ating hinaharap.
Nararapat lamang na sa ating pag-usad, ang mga bagay na ito na naging malaking bahagi ng ating
nakalipas ay hindi hahayaang mabaon na lamang sa limot. Ang mga layuning nailahad ay inaasahang
makamit sa pagtatapos ng pag-aaral na ito.

You might also like