Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

School Name SAN JOSE PANLUMACAN INTEGRATED KWARTER UNA

SCHOOL
LINGGO 4
PANGALAN TAON AT ASSIGNATURA FILIPINO 10
ANTAS
GURO REA P. BINGCANG

BANGHAY ARALING SA FILIPINO


A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikan. (Panitikang Mediterranean)
B. Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang
critique tungkol sa alinmang akdang pampanitikang Mediterranean.

I. LAYUNIN : MGA KASANAYANG PAGKATUTO


1. Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga kinaharap na suliranin ng tauhan F10PB-Ie-f-65
2. Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggang epiko (Parabula) F10PN-Ie-f-65
3. Natutukoy ang mga bahaging napanood na tiyakang nagpapakita ng ugnayan ng mga tauhan sa puwersa ng
kalikasan F10PD-Ie-f-64

II.PAKSA:
A. Panitikan: Ang Tusong Katiwala - Parabula mula sa Syria
B. Gramatika at Retorika: Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay (Pagsisimula, Pagpapadaloy ng Pangyayari,
Pagwawakas)
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
a. Sanggunian:;Filipino Modyul para sa Mag-aaral pp 44-55
b.Kagamitang Instruksyunal: laptop, projector, manila paper, metacards

III.PAMAMARAAN:
A.PANIMULANG PAGGANYAK
Larawan ng Buhay
Suriin mo ang mga larawan. Marahil ay batid mo na ang kahalagahan ng mensahe o mahahalagang kaisipang
dapat mabatid naipakita sa larawan. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong sa iyong.

1. Ano ang ipinakikita ng bawat larawan?


2. Anong makabuluhang mensahe ang hatid ng bawat
larawan?
3. Paano makatutulong ang mensaheng nakapaloob sa
larawan sa ugali ng isang tao?
Pangatuwiranan ang sagot?

B.PAGHAHABI NG LAYUNIN NG ARALIN KASANAYANG PAMPANITIKAN: Paglalahad ng guro ukol sa kung ano
ang kahulugan ng kwentong bayan upang madaling maunawaan (pagbasa)

Puasa: Pag-aayunong Islam


Halaw sa Ingles na isinalin sa Filipino ni Elvira Estravo

Nag-aayuno ang mga Muslim. Tinatawag itong Puasa ng mga Muslim sa Pilipino at Saum sa Arabic. Ginagawa
ito upang tupdin ang turo ng Qur’an na nagsasaad ng ganito: “Kayo na naniniwala! Ang pag-aayuno ay iniuutos
sa inyo at inutos din sa mga nauna sa inyo, upang inyong matutuhan ang disiplina sa sarili.” Ang puasa ay isang
ganap na pag-aayuno sa pagkain, pag-inom, kasama na ang ano mang masasamang gawi laban sa kapwa mula
sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Hinihinging magayuno ang mga Muslim sa loob ng 29 hanggang
Page 1 of 10
30 araw ng Ramadam, ang ikasiyam na buwan sa kalendaryong Islam. Napili ang buwang ito dahil dito nangyari
ang unang paghahayag ng Qur’an kay Propeta Mohammad, sa kuweba ng Hira.
Kinahapunan ng unang araw ng Ramadan, mga bandang ikaanim ng hapon, sama-sama o grupo-grupong naliligo
ang mga Muslim bilang paglilinis at bilang paghahanda sa puasa. Ang araw na ito’y tinatawag na peggang ng
mga taga- Maguindanao. Naghahanda ng kanduli o pagkain ang bawat bahay. Kung minsan, ang mga pagkain sa
iba’t ibang bahay ay dinadala sa mosque at ipinakakain sa mga naroon. Ang kanduli at paliligo ang simula ng
gawaing Ramadan sa loob ng 29 hanggang 30 araw batay sa paglitaw ng bagong buwan.

Sa pagitan ng ikatlo at ikaapat ng umaga o bago sumikat ang araw, ang bawat Muslim na may kakayahang
magayuno ay kumakaing mabuti ng almusal na tinatawag na saul. Pagkakain ng saul o kaya’y bago sumikat ng
araw, lahat ng uri ng pagkain, maiinom o ano mang dadaan sa bibig ay ipinagbabawal. Pagkakain, maaaring
bumalik sa pagtulog o magbasa ng Qur’an.

Ipinagpapatuloy ang araw-araw na gawain sa panahong ito ng puasa. Ang ila’y umuuwi nang maaga sa bahay o
nagtitipon sa mosque kasama ang mga kaibigan, nagbabasa ng Qur’an o nag-uusap ukol sa relihiyon. Mahigpit
na ipinagbabawal ang pagtsitsimis.

Ang pag-aayuno ay natitigil paglubog ng araw. Sa ilang pagkakataon, ang pagtigil ng pag-aayuno ay ginagawa sa
bahay ng datu o sinuman sa komunidad na boluntaryong maghahanda ng pagkain. Tinatawag na pembuka ang
paghahandang ito.
Mula sa Hiyas ng Lahi 9, Vibal Publishing House, 2013
Tuklasin
Alam mo ba na…. https://www.slideshare.net/dexterwasin/relihiyong-islam Retrieved Hunyo 5,2020
ISLAM
- isa sa pinakabatang relihiyon sa mundo.
- nakabatay sa mga katuruan ni Mohammed tungkol sa pagsamba at pagsunod sa iisang diyos na si Allah.
- umusbong ang relihiyong ito sa Saudi Arabia partikular sa Mecca. • sinisimbolo ito ng crescent moon at bituin.
- sa kasalukuyan, ang islam ang pangalawang relihiyon na may pinakamaraming tagasunod at pinakamabilis
na bahagdan ng paglaki ng populasyon. MOHAMMED (571 ce – 632 ce)
- dakilang propeta ng mga Muslim at tagapagtatag ng relihiyong Islam.
- ipinanganak sa Mecca na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Saudi Arabia. noong 610 CE • sinabi niya na
nakatanggap siya ng mensahe mula sa Diyos at sa kanyang anghel na si Gabriel.
- ipinahayag niya na walang dapat na sambahin kundi si Allah at ang kanyang mga utos lamang ang dapat na
sundin. Hindi tinanggap ng mga matataas na tao ang mga aral ni Mohammed at nais siyang ipahamak nito.
Dahil dito, nagtungo siya sa Medina at ipinagpatuloy ang kanyang pangangaral dito.
- Muli siya nagbalik sa Mecca at nagtagumpay na maging isang pamayanang Muslim ang lugar.
- Tinanggap ng mga tao ang monoteismong paniniwala ni Mohammed at nagpatayo ng gusali kung saan
nakalagay ngayon ang Ka‘bah. Ito ang pinakabanal na lugar para sa mga Muslim. Hindi inaasahan ang
pagkamatay ni Mohammed noong 632 CE ngunit ang kanyang mga katuruan ay may malawak na impluwensiya
sa pandaigdigang relihiyon. Lumaganap ang Islam sa kanlurang Asya at Africa noong ikapito at ikawalong siglo.
Pagkaraan ng 100 na taon ng pagkamatay ni Mohammed, maraming pamayanang Muslim ang naitatag mula
India hanggang sa Spain sa Europe.

Aral at katuruan ng islam


• ang Islam ay karugtong ng relihiyong Judaism at Kristiyanismo.
• paniniwala na si Abraham, Moses, at Hesus ay pawang mga propeta lamang na sugo ni Allah upang ihatid ang
kanyang mensahe sa mga tao.
• ang lahat ng tao ay daraan sa huling paghuhukom. Paniniwala na may langit at impiyerno.

Qur’an (koran)
• pinakabanal na aklat ng mga Muslim.
• nangangahulugan ito na recitation.
• naniniwala ang mga Muslim na ang bawat salita na nakasulat sa Qur’an ay nagmula sa salita ni Allah.
• dahil dito, hindi pinayagan ng mga Muslim na maisalin ang mga salita ng Qur’an sa ibang wika.
Page 2 of 10
• binubuo ito ng 114 na surah o kabanata kung saan nakatala ang rebelasyon ni Allah sa lahat ng tao.

Apat na pangunahing paniniwala sa qur’an


1) Nilikha ni Allah ang lahat ng bagay sa mundo.
2) Nasa pangangalaga ni Allah ang lahat ng tao.
3) Nararapat lamang na sundin ng tao ang nais ni Allah.
4) Gagantimpalaan ni Allah ang mga mabubuti at parurusahan ang mga masasama.

Limang haligi ng mga Muslim


1. Shahadah - paghayag ng pananampalataya na walang ibang kinikilalang diyos maliban kay Allah, at si
Mohammed ang kanilang propeta.
2. Salat - pagdarasal ng mga Muslim ng limang beses sa isang araw. Karaniwang nagdarasal sila na nakaluhod sa
lupa at nakaharap sa direksiyon ng Mecca.
3. Sawn - isang buwan ng pag-aayuno sa isinasagawa sa pamamagitan ng Ramadan. Ito ay tuwing ikasiyam na
buwan sa kalendaryong Muslim. Ipinagbabawal ang pagkain, inumin, at mga kasiyahan.
4. Zakat - pag-aabuloy sa mga mahihirap at nangangailangan. Pagkaloob bawat taon ng 1/40 ng lahat ng pagaari
ng isang Muslim para sa mga mahihirap.
5. Hajj - pilgrimage o paglalakbay sa Mecca. Inaanyayahan ang lahat ng Muslim na may kakayahang maglakbay
sa Mecca minsan sa kanilang buhay. Isinasagawa ito tuwing ika-12 buwan sa kalendaryong Muslim.

Tuklasin
Alam mo ba na rin ….
Ang Syria ay isang bansa sa Timog Kanlurang Asya. Nasa hangganan ng Lebanon, Israel, Jordan, Iraq at Turkey.
Sa Ingles, ang pangalan “Syria” ay dating magkasingkahulugan sa Levant (kilala sa Arabic bilang al-sham)
habang sumasaklaw sa mga modernong estado ang katatagpuan ng ilang mga sinaunang kaharian

Ang isang maikling Kasaysayan ng Syria, opisyal na kilala bilang Al Jumhuriyah al Arabiyah bilang Suriyah,o
ang Syrian Arab Republic. Ang unang konsepto ng Syria bilang isang bansa ay maaaring traced bumalik sa mga
paligid ng 1800 BC kapag ang King Shamshi-Adad sa Asiria itinatag ng isang bagong at hiwalay na capital sa
isang bagong lugar sa Shubat Enlil (ngayon Sabihin Lilan na mula sa hilagang-silangan Siria).

B. PAGLINANG NG KABIHASNAN
PAGSASANAY B1: Punan ang patlang ng tamang sagot:
______________1.tawag sap ag-aayuno ng mga Muslim
______________2 . Ilang araw ang Hinihinging pag-aayuno ang mga Muslim sa araw ng Ramadan
______________3.propeta ng mga Muslim
______________4. bandang ikaanim ng hapon, sama-sama o grupo-grupong naliligo ang mga Muslim bilang
paglilinis at bilang paghahanda sa puasa. Ang araw na ito’y tinatawag na _______________ng mga taga-
Maguindanao
______________5. Sa pagitan ng ikatlo at ikaapat ng umaga o bago sumikat ang araw, ang bawat Muslim na
may kakayahang mag-ayuno ay kumakaing mabuti ng almusal na tinatawag na ________. _______________6.
paghayag ng pananampalataya na walang ibang kinikilalang diyos maliban kay Allah, at si Mohammed ang
kanilang propeta.
_______________7. pagdarasal ng mga Muslim ng limang beses sa isang araw. Karaniwang nagdarasal sila na
nakaluhod sa lupa at nakaharap sa direksiyon ng Mecca. 8-11 Apat na pangunahing paniniwala ng
Koran
8.
9.
10.
11.

Page 3 of 10
______________12. isang bansa sa Timog Kanlurang Asya. Nasa hangganan ng Lebanon, Israel, Jordan, Iraq at
Turkey
______________13 .pilgrimage o paglalakbay sa Mecca. Inaanyayahan ang lahat ng Muslim na may kakayahang
maglakbay sa Mecca minsan sa kanilang buhay. Isinasagawa ito tuwing ika-12 buwan sa kalendaryong Muslim.
_____________14. Kilala bilang Suriyah,o ang Syrian Arab Republic. _____________15.
banal na aklat ng mga Muslim
C. PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN
PAGBASA NG MAKLING KWENTO
Linangin https://www.youtube.com/watch?v=DSyrVjcl2To Retrieved Hunyo 2,2020

Sa bahaging ito, basahin mo ang isa pang halimbawa ng parabula. Nais kong bigyan mo ng pansin ang
pagkakahabi ng mga pangyayari upang masagot mo ang pokus na tanong na: Bakit mahalagang maunawaan at
mapahalagahan ang parabula bilang akdang pampanitikan?
Ang Tusong Katiwala
(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society
1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong
sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. 2) Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba
itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa
iyong tungkulin.’ 3) Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa
pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. 4) Alam ko na ang
aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan. 5) Isa-
isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang mo sa
aking amo?’ 6) Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali!
Maupo ka’t palitan mo, gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala. 7) At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano
ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ sabi
niya. ‘Isulat mo, walumpu.’
8) Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga
makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng
mundong ito.
9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng
mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman
kayo sa tahanang walang hanggan. 10) Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din
sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11) Kaya kung hindi
kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na
kayamanan? 12) At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng
talagang para sa inyo? 13) “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat
kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa.
Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.” 14) Nang marinig ito ng mga Pariseo,
kinutya nila si Jesus sapagkat sakim sila sa salapi. 15) Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong
matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing
na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.

C.1 PAGPAPALAWAK NG SALITA TALASALITAAN


PANUTO: Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresiyong ginamit sa pamamagitan ng
pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng parabula. Hanapin sa loob ng kahon ang damdaming angkop
sa pahayag.
Lungkot galit panghihinayang pagtataka pagkaawa pag-aalinlangan
1.“May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito
ang kaniyang ari-arian.” _________________________
2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na
kita sa iyong tungkulin.” _____________________________

Page 4 of 10
3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa;
nahihiya naman akong magpalimos.” _____________________________
4. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong
mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.”
___________________________________
5. “At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa
inyo?” _______________________________

. .

B. Pagsusuri sa akda Ang Tusong Katiwala Parabula


Panuto: Limiin ang bawat salitang isusulat bilang tugon sa katanungan.

1. Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng katiwala.

2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang ng mga taong may obligasyon sa kaniyang
amo?

3.Kung ikaw ang may-ari ng negosyo, kukunin mo ba ang ganitong uri ng katiwala para sa iyong negosyo?

4.Paano mo maiuugnay ang pangyayari sa parabula sa mga pangyayari sa kasalukuyan? Patunayan ang sagot.

5.Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin kung mabalitaan mong nalulugi ang iyong negosyo dahil sa
paglustay ng iyong katiwala?

D. PAGTALAKAY SA BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN #1


Mensahe ng Butil ng Kape
“The Story of a Carrot, Egg and a Coffee Bean”
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrico

Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang nagmamaktol ang kaniyang anak na
lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang anak ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at
pagbubungkal ng bukirin. Ayon pa sa anak , nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhay
dahil sa hirap na nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama ang anak at tinawag niya papunta
sa kusina.
Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy. Walang narinig na ano mang salitaan sa
mga oras na yaon. Hinayaan lamang nila ang nakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa
unang palayok , inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang
inilahok.
“Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na aking inilahok?” tanong ng ama.
“Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng anak.
Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit ang anak sa mga palayok. “Damhin
mo ang mga ito,” hikayat ng ama.
“Ano ang iyong napuna?” bulong ng ama.
Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog at hatiin ito.
Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga.
“Higupin mo ang kape,” utos ng ama.
“Bakit po?” nagugulumihanang tanong ng anak.
Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot, itlog, at butil ng kape.
Parepareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging reaksiyon.
Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos mailahok sa kumukulong tubig ay
naging malambot na kumakatawan sa kahinaan. Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa

Page 5 of 10
likidong nasa loob nito, ay naging matigas matapos mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape nang ito ay
mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito.
“Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak.
“Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay katumbas ng suliranin sa buhay.
Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka tutugon? Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o butil ng kape?” usal
ng ama. “Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina?
O kaya naman ay magiging tulad ng itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit
nabago ng init ng kumukulong tubig? Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa una ay may
mabuting puso subalit kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa pamilya o mga kaibigan, sila ay
nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa nagkasala. O maging tulad ka kaya
ng butil ng kape na nakapagpabago sa kumukulong tubig? Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape,
nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig,” paliwanag ng ama.

“Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo
ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo,” dagdag na paliwanag ng ama. “Paano mo ngayon
hinaharap ang mga suliranin sa iyong buhay?” Ikaw ba ay sumusunod lamang sa kung ano ang idinidikta ng
sitwasyon o nagsusumikap kang maging matatag sa harap ng mga pagsubok. Gayundin, patuloy ka rin bang
lumilikha ng positibong pagbabago na dulot ng di magagandang pangyayari?
“Kaya anak, ikaw ba ay carrot , itlog, o butil ng kape?” tanong muli ng ama. Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon
– “ako ay magiging butil ng kape…” katulad mo mahal na ama.

- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

PAG-UNAWA SA NILALAMAN: SA PARAANG MALAWAKANG PAG-IISIP, BIGYAN NG ANGKOP NA KATUGUNAN


ANG MGA KATANUNGANG NAKA-UGNAY SA KWENTONG NABASA.
PAGSASANAY D1 : Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa paksang nabasa sa itaas.

1. Paghambingin ang butil ng kape sa carrot at itlog nang ang mga ito ay inilahok sa kumukulong tubig. SAGOT:
2. “Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging reaksiyon.” Paano mo maiuugnay
ang pahayag na ito sa buhay ng tao? SAGOT:
3.Mabisa ba ang naging representasyon ng ama upang magkaroon ang anak ng maliwanag na pananaw sa
kahirapang kanilang kinakaharap? Patunayan. SAGOT:
4.Kung ikaw ang anak, paano mo haharapin ang hirap ng buhay? SAGOT:
5. Bigyang-kahulugan ang sinisimbolo ng butil ng kape sa kuwento. SAGOT:

E. PAGTALAKAY SA BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN #2 PAG-UUGNAY


NG GRAMATIKA SA PAKSA ( KASANAYANG PANGGRAMATIKA)
Alam mo ba na... https://www.slideshare.net/KasandraCasuyon/sining-ng-pagsasalaysay Retrieved Hunyo 5,2020

PAGSASALAYSAY - ay pagpapahayag na may layuning magkuwento ng mga pangyayari.


May dalawang uri ng pagsasalysay: pasalita at pasulat.
- Ang karanasan at nakikita sa kapaligiran ay maaring pagmulan ng pagsasalaysay ng isang tao.
- Ito ay palasak at madalas gamitin.
- Ang salitang ugat nito ay Salaysay o Kuwento.
- Layunin ng ganitong pamamaraan ang ipabatid ang mga pangyayaring may kaugnayan mula sa pananaw ng
nagsasalaysay. -
Pagpili ng Paksa - Isa sa mahalagang katangiang dapat taglayin ng isang magandang salaysay ay ang pagkakaroon
ng magandang pamagat.
-Ito ang unang bagay na nakapupukaw sa interes ng mga mambabasa.
Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa:
1. Kawilihan ng Paksa - Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang damdaming pantao, may
kapanapanabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga
tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan - mga datos na pagkukunan ng impormasyon.
Page 6 of 10
3. Kakayahang Pansarili - ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan at hilig ng manunulat
4. Tiyak na Panahon o Pook - ang kagandahan ng isang kwento ay nakasalalay sa malinaw at masining na
paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa
panahong sakop ng salaysay at pagbangggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang mambabasa - sumusulat ang tao hindi para lamang sa kanya pansariling kasiyahan at
kapakinabangan kundi para sa kanyang mga mambabasa.
ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA
1. Sariling karanasan - pinakamadali at pinakadetalyadong paraan na pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay
hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay o magasasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba - maaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga balita
sa radyo at telibisyon at iba pa. Subalit, tandaan na hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan.
mahalagnag tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
3. Nabasa o Napanood - mga palabas sa sine, televisyon, dualng panteatro at iba pa.
4. Likhang - isip - mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalikha ng isang salaysay.
ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA
Panaginip o Pangarap - Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maari ring maging batayan ng pagbuo ng
salaysay.
KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG SALAYSAY
1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana- panabik at napapanahon. 2. Mahalaga ang paksa o diwa 3. Maayos
at di - maligoy ang pagkakasunud- sunod ng mga pangyayari 4. Kaakit-akit na simula.
5. Kasiya-siyang wakas
MGA BAHAGI NG SALAYSAY O KWENTO
1. Simula 2. Tunggalian
a. Tauhan laban sa ibang tauhan sa kwento b. Tauhan laban sa sarili
c. Tauhan laban sa kapaligiran o kalikasan
MGA BAHAGI NG SALAYSAY O KWENTO
1. Kasukdulan - ito ang kapanapanabik ng bahagi ng isang kwento.
2. kakalasan - ito ang nagbibigay linayw sa mga tanong na nagpanabik sa mambabasa sa bahaging kasukdulan.
dahan - dahang bumababa ang pananabik ng mambabasa.
3. Wakas - kahihinatnan ng mga tunggalian sa kwento. Dito rin ipinapahayag ang mahalagang kaisipan o
mensahe sa kwento. MGA URI NG SALAYSAY
1. Kwento ng Tauhan - Binibigyang - halaga sa kwento ang kilos, galaw, pananalita at kaisipan ng isang tauhan.
2. Kwento ng Tagpuan - Binibigyang - diin ang lugar na pinangyarihan sa kwento.
3. Kwento ng Banghay - Higit na pinahahalagahan sa kwento ang makabuluhang pangyayari at kalagayang
ginagalawan ng mga tauhan. MGA ANYO NG SALAYSAY
1. Maikling Kwento - nagdudlot ng isang kakintal sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng
mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
2. Tulang Pasalaysay - patulong pasalaysay ng mga pangyayari na gumagamit ng pananalitang matalinhaga.
3. Dulang Pandulaan - binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang kanilang panlabas na kaanyuan
kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan.
Ang kwentong ito ay isulat upang itanghal.
4. Nobela - nahahati sa mga kabanata; punung - puno ng mga masalimuot na pangyayari.
5. Anekdota - pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari
6. Alamat - tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
7. Talambuhay "Talaan ng Buhay" - pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao mula simula hanggang
kamatayan.
8. Kasaysayan - pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao, pook o bansa. 9. Tala ng
Paglalakbay (Travelogue) - pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang
lugar.
Alam mo ba na... ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o panandang
pandiskurso? Narito ang mahahalagang gamit nito:

Page 7 of 10
a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o
pagiisa-isa ng mga impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang, sumunod na
araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.
b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at layunin, paraan at
resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang
dahil sa, sapagkat at kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na

F. PAGLINANG NG KABIHASNAN
Pagsasanay 1: Pumili ng paksa na gagamitin sa pagsulat ng isang kuwento o pangyayari. Salungguhitan ang mga
pangatnig na ginamit sa pagsulat.

EDUKASYON PAMILYA

PAG-IBIG PROPESYON

Narito ang mga iba pang uri ng pangatnig: https://tl.wikipedia.org/wiki/Pangatnig Retrieved Hunyo 2,2020
Hunyo 6,2020
ni- pang ugnay sa pangalang ng tao ,kaya, man, saka , pati, dili kaya, gayun din, kung alin bagkus
samantala, habang, maliban, bagaman, kung sa bagay, kundi, kapag, sakali, sana, sapagkat, kasi, kung kaya,
palibhasa, dahil sa, sanhi ng, samakatuwid, sa madaling salita
_______________________________
PAMAGAT
PAGSASANAY 2 : Sumulat nang maayos na paliwanag tungkol sa alinman sa mga paksa. Gumamit ng mga
pang-ugnay sa puntong pinag-uusapan o paksa. Pumili lamang ng isa.

1. Child Labor tumaas ang bilang 3.Programang K to 12 Inilunsad 5.Epekto ng Pagbabago ng Klima

2.Bullying Act sa Paaralan Pinatupad 4.Teenage Marriage 6.Paggamit ng Social Media sa komunikasyon

PAKSA:_____________________________

G.PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY

GAMIT NG PARAANG PAGSUSURI: Magsalaysay ng pangyayari sa buhay mo na may kaugnayan


sa naging kalagayan ng mga tauhan sa binasang kuwento. Magtala ng
natutuhang mensahe sa pangyayari sa buhay. Gamitin ang kasunod na grapikong presentasyon sa pagsasalaysay
ng mga pangyayari.

Page 8 of 10
AKO BILANG

PANGYAYARI

H.PAGLALAHAT NG ARALIN:

PANUTO: Magbigay ng reaksiyon sa ideya ng bawat pahayag ukol sa PABULA. “ANG TUSONG KATIWA” A.
KATOTGOHANAN B. KABUTIHAH
C. KAGANDAHANG ASAL

DAPAT TANDAAN : Alam mo ba na...


ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng
mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan? Realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabula
ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo. - Mula sa Elements of Literature nina
Holt et. al. 2008. Texas, USA
PAGSASALAYSAY - ay pagpapahayag na may layuning magkuwento ng mga pangyayari.
May dalawang uri ng pagsasalysay: pasalita at pasulat. a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o pag-
iisa-isa ng mga impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa
dakong huli, pati, isa pa, at gayon din. b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal

Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at layunin, paraan at
resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan.

I.PAGTATAYA NG ARALIN
A.Panuto: GAMIT ANG MALIKHAING PAG-IISIP, SURIIN ANG MGA SUMUSUNOD:

A. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing mensahe ng parabula? Ang Tusong Katiwala.
B. Paano nakatutulong sa buhay ng tao ang mga mensaheng ibig ipahatid ng binasang parabula?

Page 9 of 10
J. KARAGDAGANG GAWAIN PARA SA TAKDANG ARALIN AT REMEDIATION:

Paano nakatulong ang bawat bahagi ng parabula sa pagpapalutang ng mensahe nito? Patunayan.

PAMAGAT NG PABULANG TINUKOY_______________________________________


PAHAYAG:

Page 10 of 10

You might also like