Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

School Name SAN JOSE PANLUMACAN INTEGRATED KWARTER UNA

SCHOOL
LINGGO 3
PANGALAN TAON AT ASSIGNATURA FILIPINO 7
ANTAS
GURO DORISA M. GARCIA

BANGHAY ARALING SA FILIPINO


A.Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga akdang pampanitikan ng
Mindanao.
B.Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismoI.
I. LAYUNIN : MGA KASANAYANG PAGKATUTO
1.Nasusuri ang isang dokyu-film batay sa ibinigay na mga pamantayan F7PD-Id-e-4
2. Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling karanasan F7PB-Ih-i-5
3. Nababatid ang pagkakaiba ng telebisyon at dokumentaryo

I. PAKSA: DOKYU-FILM: - I WITNESS “AKO SI PATIENT 2828” Dokumentaryo ni Howie Severino M.K.
LABINDALAWANG URI NG MAG-AARAL AYON KAY BOB ONG
a.Sanggunian: REX INTERACTIVE: THE ONLINE EDUCATIONAL PORTAL(SUPPLEMENTAL LESSONS) P6-10
b.Kagamitang Instruksyunal: laptop, projector, manila paper, metacards

II. PAMAMARAAN
A.PANIMULA PAGGANYAK

Pagpapanood sa DOKYU-FILM - I WITNESS “AKO SI PATIENT 2828”


Dokumentaryo ni Howie Severino (35 mins) Magkakaroon ng pagtatanong
hinggil sa paksa.
https://www.google.com/search?q=I+WITNESS+PATIENT+2828&tbm=isch&ved=2ahUKEwiRpfCs3enpAhWR HaYKHSKoAywQ2-
cCegQIABAA&oq=I+WITNESS+PATIENT+2828&gs_lcp Retrieved Hunyo 2,2020 https://www.youtube.com/watch?v=KdqgzZJbiCw
Hunyo 2,2020

1.Saan tungkol ang dokyu-film?


2.Ano ang alam ninyo sa sakit na ito?3.Paano ito napupunta sa tao?
4.Anong paghahanda ang iyong gagawin sa ganitong klase ng sakit

B. PAGHAHABI NG LAYUNIN NG ARALIN


KASANAYANG PAMPANITIKAN: Paglalahad ng guro ukol sa kung ano ang kahulugan ng telebisyon at
dokumentaryo upang madaling maunawaan (pagbasa) https://www.slideshare.net/robnyland/intro-to-film-documentary Retrieved Hunyo 2,2020
Maraming Pilipino ang mahilig manuod ng telebisyon para magpalipas ng oras at
kahit ikaw ay gumagamit ng telebisyon anoman ang iyong layunin ng paggamit nito.
Ngunit alam mo ba ang kahulugan ng telebisyon?

ANG TELEBISYON ANG MIDYUM NG TELEKOMUNIKASYON NA NAGHAHATID NG MGA GUMAGALAW NA


IMAHE NA MAAARING MONOCHROME O COLORED, MAYROON O
WALANG TUNOG.
Ngayon, telebisyon na ang pinakaimplumwensiyal na pinanggagalingan ng
entertainment sa Pilipinas. Ayon sa isang sarbey ng AGB Nielsen,
telebisyon ang pangunahing pinagkukunan ng mga balita. May higit 200
estasyon na rin ang umeere dito sa bansa na kasama sa Kapisanan ng mga
Brodkaster sa Pilipinas (KBP) na karamihang pagmamay-ari ng tatlong
pinakamalaking network sa Pilipinas, GMA, ABS-CBN at TV5.

COMMENT SECTION:
SAGOT :

Page 1 of 6
Ngayong nalaman na natin ang kahulugan ng telebisyon, alamin naman natin ang uko sa Dokyumentaryong
Pantelebisyon.
ANO NGA BA ANG DOKYUMENTARYO
Ang DOKYUMENTARYO ay isang programa sa telebisyon o pelikula na naglalahad ng mga katotohanan at
impormasyon tungkol sa isyu o problemang panlipunan, politikal o historikal. Nilalayon ng dokyumentaryo na
irekord ang ilang aspeto ng katotohanan para makapagbigay ng aral o makagawa ng isang pangrekord ng
kasaysayan.

1. Paksa– tumatalakay sa nilalaman ng dokyumentaryo kung saan nagpopokus ito sa pagkilos ng tao sa
lipunang kanyang ginagalawan at kung papaano siya kumilos sa buhay. Ang mga tao, lugar at pangyayari ay
totoong nagaganap at kadalasang napapanahon.Ito rin ay naglalahad ng katotohanan sa mga nagaganap sa
loob ng isang lipunan halimbawa ng paksang ukol sa kahirapan.
2. Layunin– ito ang gustong sabihin ng mga nasa likod paksa ng dokyumentaryo. Layunin nitong irekord ang
panlipunang kaganapan na itinuturing nila na mahalagang maipaalam sa lipunan. Sa pamamagitan nito,
layunin din nilang mapataas ang pagkaunawa sa mga isyu, mga tinatangkilik at marahil ang ating simpatya
sa isyung ito. At dahil din dito ay may kakayahan silang maipaalam sa atin ang nagaganap sa ating lipunan
upang magkaroon tayo ng aksyon ukol dito. Halimbawang layunin nito ay mamulat tayo sa iba pang buwis
buhay na hanapbuhay ng mga Pilipino dahil sa kahirapan.
3. Anyo- ang anyo ng dokyumentaryo ay nahuhugis habang nasa proseso na kung saan ang mga diskusiyon ay
orihinal at ang mga tunog at tanawin ay pinipili kung akma o karapat-dapat dito. May mga pagkakataon na
ang iskrip dito at ang mga aksyon ay mula sa mga umiiral na mga pangyayari.
4. Estilo at/o Teknik- tumutukoy ito sa tanawin ng bawat pagkuha ng kamera at sa panahon ng pageedit nito.
Ang isa sa mga mahalagang sangkap ay ang mga nonactors o ang mga ‘totoong tao’ sa paligid na walang
ginagampanang anomang karakter. Ang lugar din ay aktwal na hindi gaya ng mga nasa pelikula na nasa loob
ng studio. Maaaring tingnan ang iba’t-ibang Uri ng anggulo sa Dokyumentaryong Pampelikula.
5. Uri ng karanasan- Ang dalawang bahagi nito ay ang pang aestetiko at ang epekto nito sa tao na maaaring
magtulak sa kanya upang gumawa ng aksyon. Ninanais ng mga nasalikod ng dokyumentaryo sa mga
makakapanuod nito ay hindi magpokus sa mga artista kundi sa pinapaksa nito. Maaaring maiugnay ito sa
paksa kung saan ninanais ng mga nasa likod ng kamera na alamin ng manunuod ang kanilang layunin. Maaari
itong maging uri ng karanasang tumulong sa mga batang nasa lansangan, at iba pa.

B.1 PAGLINANG NG KABIHASNAN


PAGSASANAY 1: Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang. Ilagay ang tamang
sagot sa patlang bago ang bilang. Pumili ng tamang sagot mula sa telebisyon na
nasa gawing kanan.
_____________________1. May dalawang bahagi ito: aestetiko at ang epekto sa tao
na maaaring magtulak sa kanya para gumawa ng aksyon. Anong katangian
_____________________2. Anong anyo ng dokyumentaryo ang nahuhugis habang nasa proseso na
kung saan ang mga diskusiyon ay orihinal at ang mga tunog at tanawin ay pinipili kung akma o
karapat-dapat dito?
_____________________3. Ito ang gustong sabihin ng mga nasa likod ng paksa sa dokyumentaryong
pantelebisyon.
____________________4. Tumutukoy ito sa tanawin ng bawat pagkuha ng kamera at sa panahon ng pageedit
nito.
____________________5. Ito ang pokus ng dokyumentaryong pantelebisyon kung saan tinatalakay ito sa
kabuuan.
6.-10. Paghambingin ang telebisyon at dokyumentaryong pantelebisyon sa loob lamang ng 3 hanggang 5
pangungusap.
Telebisyon Dokyumentaryong pantelebisyon

Page 2 of 6
C.PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN
PAGBASA NG MAKLING KWENTO

ISANG DOSENANG KLASE NG HIGH SCHOOL STUDENTS


Halaw mula saABNKKBSNPLAko? Mga Kuwentong Chalk ni BobOng
https://www.google.com/search?q=isang+dosenang+klase+ng+high+school+students&tbm=isch&ved=2ahUK EwiRpfCs3enpAhWRHaYKHSKoAywQ2-
cCegQIABAA&oq=isang+dosenang&gs Retrieved Hunyo 2,2020

Sa mata ng isang guro, may isang dosenang klase lang ng High School Students.

1. CLOWNS - Ang official kenkoy ng klase. May mga one-linerna gumigising sa lahat kapag nagkakaantukan na.
Sabi ng mga teacher, eto raw ‘yung mga KSP sa klasena dahil hindi naman matalino e idinadaan nalang sapatawa
ang pagpapapansin. Pero aaminin ko, walangklaseng walang ganito, at kung mayroon man, magiging matinding
sakripisyo ang pagpasok sa eskwela araw-araw.
2. GEEKS - Mga walang pakialam sa mundo, libro-teacher-blackboard lang ang iniintindi. Kahit na mainit ang ulo
at badtrip ang teacher,ang mga geeks ang walang takot nalumalapit sa kanila para lang itanong kung magiiba
ang resulta ng equation kung isa-substitute ‘yung value ng X sa Y.
3. HOLLOW MAN Ang type A - ay mga estudyanteng madalas invisible, bakante ang upuan, madalas absent.
HOLLOW MAN Type B - naman ang mga mag-aaral nabagama’t present e invisible naman madalas ang sagot sa
mga quiz, hollow ang utak.
4. SPICEGIRLS/ SG - Barkadahan ng mga kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late na
pumapasok ng room pagkatapos ng recess at lunch break. Madalas na may hawak na suklay,brush at songhits.
Pag pinagawa mo ng grupo ang isang klase, laging magkakasama sa iisang grupo ang SG.
5. DA GWAPINGS/ DG - Ang male counterpart ng SG, isinilang sa mundo para magpa-cute. Konti lang ang
miyembro nito, mga dalawa hanggang apat lang, para mas pansin ang bawat isa. Tulad ng SG, kadalasang puro
hair gel lang ang laman ng mga utak ng mgaDG.
6. CELEBRITIES Politicians - ang mga palaban namag-aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskwelahan at
kapwa estudyante kesa sa grades nila sa Algebra.
CELEBRITIES Athletes - ang ilang varsitirian na kung gaano kabilis tumakbo e ganoon din kabagal magbasa.
CELEBRITIES Performers - naman ang mga estudyanteng kaya lang yata pumapasok sa eskwela e para
makasayaw, makakanta, at makatula sa stage sa tuwing Linggo ng Wika. Sa pangkalahatan, ang mga celebreties
ay may matinding PR, pero mababang IQ.
7. GUINNESS - Mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ng kasipagan ang kakulangan ng
katalinuhan. Sila ang kadalasang nagtatagumpay sa buhay. Masinop sa projects,aktibo sa recitation. Paulitulit at
madalas magtaas ng kamay kahit na mali ang sagot.
8. LEATHER GOODS - Mga estudyanteng may maling uri ng determinasyon. Laging determinado ang mga ito sa
harapang pangongopya, bulgar ang pandaraya,at palagiang pagpapalapad ng papel sa teacher.Talo ang balat ng
buwaya sa pakapalan.
9.WEIRDOS - Mga problematic students, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na black sheep ng klase.
May kanya-kanya silang katangian. Konti ang kaibigan, madalas mapaaway, mababa ang grades, at teacher’s
enemy.
10. ANAK NI RIZAL - Ang endangered species sa eskwelahan. Straight ‘A’ students, pero well rounded at hindi
geeks. Teacher’s pet, pero hindi sipsip. Hari ng Math, Science, at English, pero may oras pa rin sa konting extra-
curricular activities at gimmicks.
11. BOB ONGS - Mga medyo matino na medyo may sayad. Eto ‘yung estudyanteng habang naglelecture‘yung
teacher e pinaplano na ‘yung librong ipa-publish nya tungkol sa mga classmates n’ya.
12. COMMONERS - Mga generic na miyembro ng klase. Kulang sa individuality at katangiang umuukit sa isipan.
Hindi sila kagad napapansin ng teacher pag absent, at sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong unang
nakakalimutan ng mga teachers at classmates nila.

C.1 PAGPAPALAWAK NG SALITA


TALASALITAAN
PALAWAKIN ANG MGA SALITA : HANAPIN SA KAHON ANG MGA SALITANG MAY KAUGNAYAN SA MGA
MAG-AARAL: BILUGAN ANG MGA SALITA( 10 PUNTOS ) ISULAT SA SA PAPEL ANG SAGOT:

Page 3 of 6
W E T T E A C H E R B Y U U I O U A
H P H H U I O P K M V G P Y I G H K
A I A A A A F M L F F F U Y U I K L
E S K W E L A H A N M M A M J J L A
Y A T H T I K U P T M N N N B N M T
T R G J U U M L I T H W E R T Y U I
B A L L P E N G S N N N M C V H Y E
H J K W E Y U R E P A P A L I N A M
F G J K A D C L A S S R E C O R D N
D E T E R M I N A S Y O N O N D F G

D. PAGTALAKAY SA BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN #1


PAGSASANAY 2 : SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA KATANUNGAN BATAY SA PAKSANG NABASA. ISA
ISANG DOSENANG KLASE NG HIGH SCHOOL STUDENTS: MAGLAGAY NG EMOTICON SA UNANG KAHON KUNG
ITO’Y NAKITA NA SA LOOB NG IYONG KLASE AT ILAHAD NAMAN SA IKALAWANG KAHON KUNG ANONG KLASE
KA NA HIGH SCHOOL STUDENTS ILAHAD ANG INYONG KARANASAN.

EMOTICON PALIWANAG
1. CLOWNS
2. GEEKS
3. HOLLOW MAN Ang type A
HOLLOW MAN Type B
4. SPICEGIRLS/ SG
5. DA GWAPINGS/ DG
6. CELEBRITIES Politicians
CELEBRITIES Athletes
CELEBRITIES Performers
7. GUINNESS
8. LEATHER GOODS
9.WEIRDOS
10.ANAK NI RIZAL

11. BOB ONGS

12. COMMONERS

E.PAG-UUGNAY NG GRAMATIKA SA PAKSA ( KASANAYANG PANGGRAMATIKA )


https://www.google.com/search?q=pangangalan+ppt&tbm-=pangangalan+ppt&gs_lcp= Retrieved Hunyo 2,2020
PANGNGALAN - Ito ay mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop at mga pangyayari.
URI NG PANGNGALAN AYON SA KATANGIAN

1. PANTANGI - tumutukoy sa tiyakat tanging ngalan ng tao, bagay, lugar,hayop, gawainat pangyayari.
Karaniwang nagsisimula sa malaking titik.
• Halimbawa: Kristiyanismo, Edward,Pilipino, Penshoppe
2. PAMBALANA - tumutukoy sa pangkaraniwangngalanng bagay, tao, pook, hayop at pangyayari. Ito ay
pangkalahatan,walangtinutukoy na tiyak o tangi.
• Halimbawa: bansa, relihiyon, aso, kendi
URI NG PANGNGALAN AYON SA TUNGKULIN
1.TAHAS - Mga pangkaraniwang pangngalang nakikita at nahahawakan
- Halimbawa: Asin, Kamatis, Manok
2.BASAL - Mga pangngalang pangkaraniwang di nakikita o nahahawakan pero nadarama,naiisip,nagugunita o
napapangarap.
- Halimbawa: kaligayahan, karangalan, pag-ibig
3. LANSAKAN – Pangkaraniwang pangngalan na nagsasaad ng kaisihan sa kabilang dami o bilang.
• Halimbawa: grupo, komite. Organisasyon
F. PAGLINANG NG KABIHASNAN

Page 4 of 6
A. Lagyan ngekis (X) ang pangngalang hindi kabilang sa pangkat.

1. ama ate bahay ina


2. Ilocos Cebu tribo Davao
3. Sarah pinsan Sally Benny
4. Ospital ng Marikina aso agila kabayo
5. PHS SJPIS SNHS DHVSU

B. ISULAT SA PATLANG KUNG ANONG URI NG PANGNGALAN ANG MGA SUMUSUNOD BATAY SA TUNGKULIN:
(TAHAS,BASAL AT LANSAKAN)
_________________1. Langkay _________________6.Oto
_________________2. Guniguni _________________7.Panaginip
_________________3. Lapis _________________8.Nahabag
_________________4. Aklat _________________9. Isa-isa
_________________5. Isang pangkat ________________10.Prutas

C.Panuto: Isulat ang WOW kung ang larawan ay nagpapakita ng isang halimbawang dokyumentaryong
pantelebisyon at PANES naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.
https://www.slideshare.net/robnyland/intro-to-film-documentary Retrieved Hunyo 2,2020

1. _________________ 2. _________________ 3. ________________

4._________________________ 5. _________________________

G.PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY


GAMIT NG PARAANG THINK-THINK: ILALAPAT NG MGA MAG-AARAL ANG KANILANG NATUTUNAN GAMIT
ANG MGA LARAWAN: ISUSULAT SA KAHON ANG KANILANG MAGIGING PAHAYAG.
https://www.google.com/search?q=isang+dosenang+klase+ng+high+school+students&tbm=isch&ved=2ahUK EwiRpfCs3enpAhWRHaYKHSKoAywQ2-cCegQIABAA&oq=isang+dosenang&gs Hunyo 2,2020

BILANG MAG-AARAL AKO AY

H.PAGLALAHAT NG ARALIN:

DAPAT TANDAAN: Ang DOKYUMENTARYO ay isang programa sa telebisyon o pelikula na naglalahad ng mga
katotohanan at impormasyon tungkol sa isyu o problemang panlipunan, politikal o historikal. Nilalayon ng
dokyumentaryo na irekord ang ilang aspeto ng katotohanan para makapagbigay ng aral o makagawa ng isang
pangrekord ng kasaysayan. Si Bob Ong o Roberto Ong, ay ang sagisag panulat ng isang kontemporaryong
Pilipinong manunulat na kilala sa paggamit ng impormal na Filipino sa paggawa ng nakakatawa at
sumasalaming paglalarawan sa buhay bilang isang Pilipino. PANGNGALAN-Ito ay mga salitang tumutukoy sa
ngalan ng tao, bagay, pook, hayop at mga pangyayari.

Page 5 of 6
I.PAGTATAYA NG ARALIN
A.Panuto: Gamit ang larawan: anong pelikula ang tumatak sa inyo ilahad ito.

https://www.google.com/search?q=pelikula&hl=fil&sxsrf=ALeKk01yh7RiZKwW2G1vc2Wll7mRs
GYx2A:1591331107908&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwibkaCr6unpAhUkGKYK
HbHDBRQQ_AUoAXoECAoQAw&biw Hunyo 2,2020

J. KARAGDAGANG GAWAIN PARA SA TAKDANG ARALIN AT REMEDIATION:


SURIIN ANG MGA NAGANAP SA INYO SA PANAHON NG PANDEMYA. ILAHAD ANG MGA NAGING
KARANASAN TUNGKOL SA COVID-19 O ECQ.

Page 6 of 6

You might also like