Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Subject: FILIPINO Grade : 10 Level : Secondary Quarter: 2nd Quarter Week : 9 - 10

MELC:
(1) Nabibigyang - puna ang mga nababasa sa mga social media
(pahayagan,TV, internet tulad ng fb,e-mail,at iba pa) F10PB-IIi-j-79 ;
(2) Natutukoy at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang karaniwang nakikita sa
social media - F10PT-IIg-h-75 ;
(3) Natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang nakikita sa mga
social media - F10PD-IIg-h-73
K- naipahahayag ang mahalagang impormasyon sa nabasang teksto mula sa social media
S – nakabubuo ng isang konsepto o ideya mula sa mga popular na anyo ng panitikan
na karaniwang nakikita sa mga social media
A- nailalahad ang sariling pananaw mula sa impormasyong nabasa
V- nabibigyang- halaga ang gamit ng social media bilang kasangkapang sa pagpapalaganap ng
panitikang popular
Name __________________________ Section ________ Date ________

School __________________________ District _______________________

A. PAGTATALAKAY
Alam mo ba na…

Ang Panitikang Popular ay ukol sa makabago at napapanahong anyo ng panitikan na


nagpapakita ng kasalukuyang pamumuhay ng lipunan, sumusunod sa agos ng panahon at
pagkakaroon ng malayang sining? (brainly.ph).

Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa kulturang popular na ang mga
bagay ay pawang gumagamit ng mga bagong kasangkapan, imahe, diwa, at iba pang kaugnay
na paksa, upang maitanghal ang isang uri ng kulturang kakaiba sa dating nakagisnan ng mga
Pilipino.

       Ayon sa Encyclopedia, ang paghahatid ng mga impormasyon sa mamamayan sa


pamamagitan ng radyo at telebisyon ay maituturing na broadcast media. Mula noon hanggang
sa kasalukuyan, hindi maitatangging malaki ang papel na ginagampanan nito sa lipunang ating
ginagalawan.
(http://janahighfilipino8.blogspot.com/2015/01/panitikang-popular.html)

Katangian ng Panitkang Popular ayon kay:


Soledad S. Reyes
● ito ay napapanahon panandalian pangmasa lumilihis sa tradisyunal na kultura
nang-aaliw.

Roland Tolentino (2008)


● ito ay parang toxic na umiigpaw sa isipan at nanunuot sa kalamnan umiilanlang sa
kaisipan at tumatagos hanggang budhi parang imahinasyon na mahirap takasan dahil
nakikita, naaamoy, naririnig, nadarama, kumakapit, at lumalatay.

May babasahing popular na tumutukoy sa panitikang popular na nakasulat o nakalathala


sa alinmang midyum: papel o on-line media. Tulad ng sumusunod:
● Dagli o Kislap – ay kuwentong isang iglap. Binubuo ng tatlumpo hanggang isang daa`t
limampung salita - may simula, tunggalian, kasukdulan, at katapusan.
● Komiks – isang kuwentong isinalarawan ng mga dibuhista.
● Magasin – ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo na
nagbibigay ng impormasyon sa mga mambaasa.
● Leaflets at Brochures – naglalaman ng mga larawan at materyal o produkto na maaring
ibenta.

Mga palahad / pasalitang panitikang popular na madalas inilalahad o sinasalita upang


marinig at mabigyan ng pagpapakahulugan. Ito ang sumusunod:

● Hugot Lines - tinatawag din itong love lines o love quotes isa pang patunay na ang
wika nga ay malikhain.
Halimbawa: Ang crush ay parang Math problem, kung di mo makuha, titigan na lang.
● Pick-up Lines - may mga makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng
isang bagay na madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay.
Halimbawa: Barya ka ba? BAKIT? Kasi umaga pa lang kailangan na kita.
● Poetry – paglalahad ng kuwento sa pamamagitan ng isang tula.
● Informance – tumutukoy sa pinaghalong salita ng Information at Performance.

Mga panitikang popular sa social media na madalas nakikita at nababanggit sa


makabagong midyum o platform tulad ng FB, Twitter, Instagram, Blogs at iba pa.
● Blog - Ito`y pinaikling salita na weblog, na tumutukoy sa mga akda o sulatin na
karaniwang makikita sa internet na naglalaman ng mga komentaryo o balita ukol sa
ilang mga paksa.
● Vlog – ito`y isa sa mga tanyag na pamamaraan ng pagbabahagi ng opinyon sa
pamamagitan ng pagkuha ng video ng sarili at pagpo-post nito online.

Mga panitikang popular sa broadcast media na sumasaklaw sa malaking bilang ng masa.


Isang paraan ng paghahatid ng impormasyon sa nakararami na maaaring audio o visual na
kinabibilangan ng telebisyon, radio at pelikula.

Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin – Levy, Koordineytor, ZUMIX


Radio; ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga
opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling
talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong
nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa
kaniya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong
panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na
naglalahad ng opinyon o pananaw.

B. PAGSASANAY

Pagsasanay 1 : Panuto: Basahin at unawaing maigi ang nilalaman ng halimbawang impormasyon


mula sa internet. Bigyang-puna ang nilalaman ng nababasang impormasyon. Buuhin ang
sinimulang pahayag sa ibaba.

Kung mayroon kang kompyuter at konesksyon sa internet, panoorin ang


dokumentaryong “PAGPAG FOR SALE” SineTotoo ni Howie Severino na matatagpuan sa
youtube. http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0&feature=related. Kung wala
nama’y basahin mo ang blog para sa isang dokumentaryong pantelebisyon.
“Sa Gitna ng Dilim”
ni MiL Adonis

       Kasalukuyan akong nasa high-school nang una kong mapanood ang maituturing kong isa
sa pinakamaimpluwensiyang bagay sa aking buhay. Ang dokumentaryo ni Kara David na
“Gamu- gamo sa dilim” ang nagbukas sa mura kong pag-iisip sa kahalagahan ng edukasyon at
sa kung paanong dapat ito’y pinahahalagahan. Humanga ako sa dedikasyon ng mga guro at
higit sa lahat sa mga kabataan ng mga taga Little Baguio dahil bagama’t kulong sila sa rehas
ng kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga landas ay patuloy silang nagsusumikap,
nangangarap at lumalaban upang maging mas maliwanag ang kanilang kinabukasan.

      Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, nabago ang aking
naunang mga pangarap sa buhay.

     Una kong hinangad na maging isang mahusay na inhenyero upang tuparin ang
naunsiyaming pangarap ng aking ama para sa kanyang sarili subalit, napalitan ito ng higit na
mataas na pangarap, pangarap na makatulong sa ibang tao at maging boses at mata ng mga
taong dapat pakinggan at dapat paglaanan ng higit na atensyon.

     Nang tumuntong ako sa kolehiyo, kinuha ko ang kursong hindi inasahan ng lahat na aking
kukunin. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong
“Gamu-gamo sa dilim”, kinuha ko ang kursong AB Mass Communication.

       Gusto kong sumilip sa lente ng camera, baka sakali, makita ko ang mga bagay na hindi
nakikita ng iba. Baka sakali, ang lipunang aking ginagalawan ay higit kong makilala. Nais
kong humawak ng panulat, baka sakali, sa mga letrang iguguhit ko sa papel at mga kuwentong
aking isusulat ay higit na maunawaan at makikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili gayun
din ang mga tao sa kanilang paligid. Gusto ko, dumami ang mga katulad ni Myra, na sa gitna
ng kahirapan, sa gitna ng walang kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay
pilit niyang nilampasan ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at liwanag.

Panuto: Mula sa binasang impormasyon ilahad ang inyong puna dito.


Pagsasanay 2: Panuto: Basahin at unawaing maigi ang nilalaman ng halimbawang impormasyon mula
sa radyo. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM


OF INFORMATION BILL (FOI)

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang


inyong  pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky Francia at ito ang
Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na
hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom Of Income eh
malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit !
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang
publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at
pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman talaga na
walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan sa mahahalagang
desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan. Masasabi mo bang malaki ang naging bahagi ng
kasalukuyang anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap ng panitikang
popular? Ipaliwanag.
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat sila sa
pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal.
Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative LorenzoTañada III, ‘pag
hindi pa naipasa ang FOI bago mag- Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.
Roel: Naku! Naloko na!
Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay
at Maricar Francia mula sa:
http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/
(http://janahighfilipino8.blogspot.com/2015/01/panitikang-popular.html)
Sagutin ang mga tanong:

1. Anong impormasyon ang inilalahad sa binasang teksto?


2. Sang-ayon ka ba sa naging saloobin ng mga mamamahayag ? Pangatwiran ang iyong sagot.
3. Anong paraan ang ginamit sa paghahatid ng impormasyon?Nakatutulong ba ito?Ipaliwanag.
C. PAGTATAYA/PAGLALAPAT/AWTPUT

Nauunawaan mo na ba?

Panuto: Dugtungan. Buuhin ang konsepto o ideya mula sa natutuhang mga popular na anyo
ng panitikan na karaniwang nakikita sa mga social media.

Ang blog ay… Nakatutulong ang broadcast media…

D. KARAGDAGANG GAWAIN

Bumuo ng dalawang Tag-line na nabibigay-halaga sa gamit ng Social Media bilang


kasangkapan sa pagpapalaganap ng Panitikang Popular.

Maraming Salamat! Sa wakas nasungkit mo rin ang bagong kaalaman. Tandaan palagi,
maging responsable sa anumang ibabahagi sa alinmang midyum: papel o on-line media. Nakasalalay sa
iyong mga kamay ang pananagutan mo sa iyong kapwa. Hindi masamang tumangkilik sa anumang
pagbabago ang mahalaga`y masaya ka sa ginawa mo ngunit iwasang manakit ng kapwa mo.
Sanggunian:

Aklat

Dayag, Alma M. at Mary Grace G. del Rosario.Pinagyamang Pluma.


Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino.
Phoenix Publishing House, Inc., Quezon Avenue,
Quezon City 2016, pp. 122-131.

Internet
brainly.ph

https://www.google.com/search?q=i+can+do+it+bitmoji&tbm=isch&ved=2ahUKEwi8sOWe8IbsAhUwzosBHUcLDCMQ2-
cCegQIABAA&oq=i+can+do+ihttps://www.google.com/search?
q=pluma+at+papel&tbm=isch&ved=2ahUKEwiaypih0YbsAhWWAKYKHU3JAWUQ2-cCegQIABAA http://haraya-
richard.blogspot.com/

http://janahighfilipino8.blogspot.com/2015/01/panitikang-popular.html

https://www.google.com/search?q=student+thinking+image+kartun28

internetatsocialmedia.wordpress.com

internet.tl.m.wikipedia.org

Iba pang sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon.PAGSUSURI NG PANITIKANG POPULAR. Pambansang Pagsasanay ng mga Tagapagsanay sa Kritikal


na Nilalaman ng Kurikulum sa Filipino sa Baitang 7

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC)

Ipinasa ni : GENALIN M. OPORTO


Editor : EUGENIA M. SOLON, Ed.D.
Taga-rebyu: MR. PABLEO M. TULING

GABAY PARA SA :

GURO: Bilang tagapagdaloy, inaaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang kagamitang pampagkatutong ito (SLHT).Kinakailangan ding subaybayan sila at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

MAG-AARAL: Sadyang ginawa ang kagamitang ito bilang tugon sa iyong pangangailangang matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Kung may mga katanungan o paglilinaw kaugnay sa
mga gawaing nakapaloob dito huwag mag-aatubiling makipag-ugnay sa iyong guro maaaring sa text, chat, o
tumawag sa numerong ibinigay ng inyong gurong-tagapayo.

MAGULANG/TUTOR: Ang tulong-aral na ito ay pinagaan at umaasang makauugnay ang mga mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto sa pamamagitan din ng wastong paggabay ninyo habang kanilang
pinagtatagumpayan ang pansarili, panlipunan, at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Kung may mga
katanungan o paglilinaw kaugnay sa mga gawaing nakapaloob dito agad makipag-ugnay sa guro maaaring sa
text, chat, o tumawag.

You might also like