Ang kwento ay nagsimula sa isang lugar na kung tawaging Verde Island
Passage. Simple lamang ang kanilang pamumuhay na ang tanging kanilang ikinabubuhay ay pangingisda lamang na kung tawagin ay biyaya o yaman ng karagatan,ngunit nang dumating ang negosyante ay ipinakilala nila ang bagong pagkakakitaan na ornamental fishing. Ang Ornamental Fishing ay ang pangunguha nang mga maliliit at makukulay na isda upang ilagay sa aquarium o maging palamuti sa tahanan. Ito ay nangyari sa payak na lugar na ang pangunahing pamumuhay ay kung tawagin ay Isla Verde sa Probinsya ng Batangas.Ito ay nasa pagitan nang Mindoro at Batangas.
Si Lolo Pedro, 75 taong gulang ay dating mangingisda na walang ibang
hinangad kundi mapagtapos at magkaroon ng maayos na trabaho ang kanayang anak na si Boyten. Sapat lang sa pangangailangan ang hinuhuli nilang isda noon bago paman dumating ag mga negosyante noong dekada sisenta na siyang nagturo sa kanila sa paggamit ng kompresor. Sodium selenide, lason na kemikal upang mahilo ang mga isda at mas madaling hulihin . Subalit sa taong 1994 ay ipinagbawal ang paggamit ng soduim selenide dahil nasisira ang mga coral reefs. Sa kabila nito ay hindi tumigil ang Negosyo ng aquarium fishing gamit ang lambat. Ngunit naparalisa si Lolo Pedro at walang magawang iba si Boynet kundi tumigil sa pag-aaral sa edad na labing dalawa at magsapalaran sa karagatan. Ang kapalaran na iniiwasan ni Lolo Pedro ay sasapitin din pala ng kanyang anak. Nung nakaraang taon, naaksidente sa dagat ang anak ni Lolo Pedro na si Boyten, sandaling naparalisa ang kanyang katawan. Piligroso talaga ang trabaho nilang mga tao na malapit sa dagat at pangingisda lamang ang kanilang pangkabuhayan. Sa isang lugar kung saan nakakulong sa utang at kahirapan ang mga tao, maagang namumulat ang mga bata sa pakikkipagsapalaran. Sumisisid sila mga halos isang araw upang meron pagkakitaan, pero hindi pa din sigurado kung ang mga maliliit na isda ay mabuhay sa loob ng plastik na merong oxygen sa isang linggo. Kailangan pa nitong masanay sa kanilang lalagyan upang maka pagbyahe na ito. Sa kasamaang palad meron pa din mga isda ang hindi nabubuhay dahil sa tagal ng byahe. Hindi talaga sapat ang kanilang kinikita sa pang araw araw, naka depende pa ang kanilang kita sa mga isdang buhay. Masakit man makita na binabyahe ng ilang oras ang mga isda at ang iba ay namamatay dahil sa katagalan ng byahe ngunit mas nakakapanlumo makita na nababawasan ang kita ng mga mangingisda na hindi gaanong kalakihan. Kung sino man ang nagpakahirap kumuha, sila din ang may pinakamaliit na kita.
Ang istoryang ito ay napakasakit sa puso. Kung sino pa yung naghihirap,
sila pa yung maliit ang kinikita. Hindi biro ang sumisid sa dagat ng halos ilang oras at meron pang possibilidad nna magkasakit ka dito. Talagang may reyalidad sa totoong buhay. Sana lahat ng tao na ganoon ang hanap buhay, ay makaahon sa kahirapan. Maliit man ang kita, bumabangon pa rin at tuloy sa buhay.