Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pambungad na Pananalita

Sa ating butihing direktor, Ginoong June P. Sotto. Sa mga guro, mga mag-aaral ng San Guillermo
Archdiocesan School Inc., at mga magulang. Isang mapagpalang araw po sa ating lahat! Ngayong araw ay
magkakaroon tayo ng pagdiriwang para sa Buwan ng Wika na may temang “Filipino at mga Wikang
Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”. Sa ating mga patimpalak ngayong araw na ito
ay matutunghayan natin ang angking kakayahan ng bawat mag-aaral sa kanilang pagtatanghal na may
kaugnayan sa pagmamahal sa mga wika ng Pilipinas. Masusukat ang kanilang kakayahan at
pagkamalikhain na magbibigay ngiti sa ating mga labi.

Ang tema ngayong taon na “Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng
mga Pilipino” ay sumasalamin sa halaga ng Filipino at mga katutubong wika sa bansa bilang mabisang
paraan ng dekolonisasyon ng kamalayan ng mga Pilipino, o pagiging ganap na malaya ng kaisipan sa
impluwensiya ng ibang bansa, lalo na ng mga dating kolonyal na mananakop. Nararapat na sumasalamin
sa Pilipinong pananaw at nagbabantayog sa pag-unawa at damdamin ng pagmamalaki sa ating mga
ninuno at mayamang pamanang kultural.

Sa pagdiriwang na ito ay hangad na maikintal sa bawat isa ang halaga at gampanin ng wikang
Filipino at mga katutubong wika tungo sa pagiging totoong malaya. Muli, isang mapagpalang umaga sa
ating lahat!

You might also like