3rd Periodical Test Grade 3 2018 All

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Pangalan:_____________________________________ Petsa:__________________

Baitang:_____________________________

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 3

I. Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Bilugan ang letra ng napili mong
sagot.
Pag-aalaga ng mga Hayop
Modesta R. Jaurigue

Sabado ng umaga, nagmamadaling bumaba ng bahay si Mang Carlos upang pumunta sa likod-bahay. Doon,
makikita ang kaniyang inaalagaang iba’t ibang alagang hayop. May mga bibe, manok, kambing at mga
baboy. Ito ang nagsisilbi niyang libangan mula nang tumigil siya sa pagiging kawani ng gobyerno sa edad na
animnapu at lima. Dito lumalakas ang kaniyang katawan at nagsisilbing ehersisyo sa araw-araw. Bukod
dito, nagsisilbi pang hanapbuhay na may malaking kita.
1. Ano ang nagsisilbing libangan ni Mang Carlos?
a. Paghahalaman c. pagtitinda
b. Paghahayupan d. Pangingisda
2. Saan makikita ang mga alagang hayop ni Mang Carlos?
a. Sa harapan ng bahay c. sa likuran ng bahay
b. Sa may bakanteng lote d. Sa may tumana
3. Pag-aalaga ng hayop ang nagsilbing libangan ni __________.
a. Mang Oscar c. Mang Rey
b. Mang Carlos d. Mang Cesar
4. Bukod dito, nagsisilbi pang hanapbuhay na may malaking kita. Ang kahulugan ng salitang may
salungguhit ay _________.
a. Trabaho o pinagkakakitaan c. ehersisyo
b. Libangan d. Aralin
5. Ang paksa ng talata ay ____________.
a. Paghahanap buhay c. pangingisda
b. Pagtitinda ng mga produkto d. Pag-aalaga ng hayop
6. Anong ugali ang ipinakita ni Mang Carlos sa kuwento?
a. Pagkamatapat c. pagkamaalaga
b. Pagkamapagbigay d. Pagkamapagkatiwalaan
7. Paano kaya inaalagaan ni Mang Carlos ang kaniyang mga hayop?
a. Pinakakain nang mabuti c. nililinis nang mabuti ang tirahan nito
b. Pinaiinum nang tama d. Lahat ng nabanggit

Pagtupad sa Pangarap
Modesta R. Jaurigue

Bata pa lamang si Marlon ay pangarap na niyang makatapos ng kursong inhinyero. Bagamat ulila na siya sa
mga magulang ay hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy niya ang kankiyang pag-aaral. Nagtatrabaho
siya sa yelohan sa piyer simula dapithapon hanggang alas 8:00 ng gabi at babalik ng alas 4:00 ng madaling-
araw hanggang alas 6:00 ng umaga.
Hindi kaagad siya pinag-aral ng kaniyang mga magulang kaya sa gulang na labindalawa ay nasa ikatlong
baitang pa siya pero hindi niya ito ikinahihiya bagkus mas lalo pa siyang nagiging pursigido sa pag-aaral.
8. Anong uri ng mag-aaral si Marlon?
a. Masikap c. magalang
b. Matapat d. Maalalahanin
9. Bakit kaya hindi pinag-aral agad si Marlon ng kaniyang mga magulang?
a. Mag-aalaga sa mga kapatid c. kapos sa pera
b. Dahil hindi pa handang mag-aral d. Hindi sila bilib kay Marlon
10. Kung ikaw si Marlon, ano ang gagawin mo?
a. Magtatrabaho na lamang upang kumita ng pera
b. Ipagpapatuloy ang pag-aaral habang nagtatrabaho
c. Tumigil muna sa pag-aaral
d. Humanap ng taong susuporta sa pag-aaral
11. Ang talata ay tungkol sa _________.
a. Pagtatrabaho ni Marlon c. pagsisikap sa pag-aaral
b. Pagiging ulila sa magulang d. Pagsuko sa bahay
12. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral sa isang tao?
a. Nakatutulong ito sa pag-unlad ng tao.
b. Nabubuo nito ang tiwala sa sarili.
c. Nakapagbibigay ito ng magandang trabaho
d. Lahat ng nabanggit

Biyaya ng Maykapal
Modesta R. Jaurigue

Kay gandang pagmasdan, nitong kalikasan,


Lalo’t mga tao’y tulong-tulong sa kalinisan,
Nagbibigay-halaga sa kagandahang taglay,
At dulot nitong yaman sa bawat nilalang.

Ating laging isaisip, kapakanan ng kapaligiran,


Upang tayo’y makinabang, pagdating ng araw,
Iya’y adhikain ng Poong Maykapal,
Ang maibigay sa atin, biyaya ng kalikasan.

13. Bakit dapat pangalagaan ang kalikasan?


a. Ito ay nagbibigay ganda sa kapaligiran. c. ito may regalo ng Diyos
b. Ito ay nagdudulot ng yaman sa mga tao d. Lahat ng nabanggit
14. Gumuhit ng isang bilog at isulat sa gitna ang biyayang ating natatanggap sa kalikasan.

15. Guhitan ang katugma sa ikalawang linya ng salitang may salungguhit


Kay gandang pagmasdan, nitong kalikasan,
Lalo’t mga tao’y tulong-tulong sa kalinisan.
16. Iya’y adhikain ng Poong Maykapal. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay _______.
a. Layunin c. pangako
b. Dasal d. Sumpa
17. Bilang isang mag-aaral, ano ang maitutulong mo sa ating kalikasan?
a. Pagtatapon ng basura kahit saan
b. Pagsusunog ng mga plastik, styro, at iba pa
c. Pagtatanim ng puno at halaman
d. Paggamit ng plastik
18. Ano ang kay gandang pagmasdan ayon sa tula?
a. Nilalang c. kalinisan
b. Kalikasan d. Adhikain
19. Ano ang dapat lagi nating isaisip ayon sa tula?
a. Kapakanan ng kapaligiran c. biyaya ng kalikasan
b. Yaman sa bawat nilalang d. Kagandahang taglay
20. Kaninong adhikain ang nabanggit sa tula?
a. Poong Maykapal c. mga tao
b. Mayor d. Nilalang
21. Ano ang kailangan upang magkaroon ng malinis na kapaligiran?
a. Katamaran c. pag-aaral
b. Pagtutulungan d. Pagtatanim

II. Basahin ang mga sumusunod at piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

Sino Ano Kailan Saan

22. _____________ ang may pakana ng lahat ng ito?


23. _____________ ang kasama mo kahapon?
24. _____________ tayo pupwesto kapag tayo ay nangisda?
25. _____________ ang pangalan ng kaibigan mo?
26. _____________ mo balak mangisda? Sa bukas o sa makalawa?
27. _____________ ang nagmamay-ari ng mga aklat na ito?
28. _____________ ang pinagkakaabalahan ni Judy sa kanilang bahay?
29. _____________ matatagpuan ang Maria Cristina Falls?
30. _____________ ang nagligtas saiyo kahapon?
31. _____________ ang ibig sabihin ng “importante?

III. Pagsunud-sunurin ang mga ideya tungkol sa pagtatanim ng halaman gamit ang numero 1-4.
______ Itanim ang halaman sa parteng hapon upang hindi malanta.
______ Haluan ng pataba ang lupa bago ito tamnan.
______ Diligan kaagad ang halaman pagkatapos itanim at takpan ng saha ng saging kung araw.
______ Bungkalin ang pagtataniman ng lupa at pinuhin ito.
Pangalan:_____________________________________ Petsa:__________________
Baitang:_____________________________

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


MATHEMATICS 3

I. Ipakita sa pamamagitan ng repeated addition ang mga sumusunod.

1. 5 x 4 = ______________________
2. 4 x 7 = _______________________
3. 4 x 9 = _______________________
4. 8 x 7 = _______________________
5. 4 x 4 = _______________________
6. 8 x 8 = _______________________
7. 5 x 9 = _______________________
8. 2 x 7 = _______________________
9. 7 x 6 = _______________________
10. 6 x 4 = ___________________

II. Ipakita sa pamamagitan ng multiplication sentence ang mga


sumusunod.

11. 5 + 5 = __________________
12. 7 + 7 + 7 + 7 + 7 + 7 + 7 + 7 + 7 = ________________
13. 3 + 3 + 3 + 3 + 3 + 3 = _________________
14. 9 + 9 + 9 + 9 + 9 + 9 = __________________
15. 4 + 4 + 4 + 4 + 4 + 4 + 4 + 4 = _____________
16. 6 + 6 + 6 + 6 + 6 = _____________________
17. 5 + 5 + 5 + 5 + 5 + 5 + 5 = ________________
18. 7 + 7 + 7 = ________________
19. 8 + 8 + 8 + 8 + 8 + 8 = _____________
20. 3 + 3 + 3 + 3 = ________________

III. Sagutin ang mga sumusunod na multiplication sentence.

21. 9 x 6 = _______
22. 10 x 8 = ______
23. 18 x 4 = ________
24. 20 x 3 = ________
25. 14 x 9 = ________
26. 12 x 5 = _________
27. 15 x 7 = _________
28. 21 x 2 = _________
29. 10 x 9 = _________
30. 9 x 9 = __________
NAME: _________________________________ DATE: ___________
GRADE: ____________

THIRD PERIODICAL TEST


ENGLISH 3

I. Study the pictures. Match with the typhoon signal mumber.

A B

1. Typhoon Signal
Number 1

2. Typhoon Signal
Number 2

3. Typhoon Signal
Number 3

4. Typhoon Signal
Number 4

II. Match each picture in column a with the correct phrase in column B. Write the
letter on the space before the number.

A B

______ 5. a. Coy boy

______ 6. b. long and joyful voyage

______ 7. c. field of soybeans

______ 8. d. a new toilet

III. Read the story and encircle the letter of the correct answer in each question.
Roy and the Field of Soy
Mil Flores-Ponciano and Leo Go

Father works in the field. He toils in the field.


Two coy boys go with Father to dig the field of say.
Roy, with a yellow toy, joins the coy boys.
Father warns Roy and the coy boys.
“Don’t destroy the soy. Don’t play with your toy.”
But the boys and Roy still play and jump with joy.
They jump on the moist soil and the soy was destroyed.
Now Father has no soy to harvest. He is annoyed.

9. Who works in the field?


a. Roy b. the boys c. Father
10.Who help Father dig the field of soy?
a. Roy b. the boys c. Troy
11.What does Father plant in the field?
a. Coy b. soy c. toy
12.What is Father’s warning to the boys?
a. Don’t harvest the soy
b. Don’t destroy the soy
c. Don’t oil the soy
13.What do Roy and the boys do in the field?
a. Join b. jump c. point
14.What happened to the field of soy?
a. Annoyed b. destroyed c. coiled
15.How will you describe Roy and the boys?
a. Not obedient b. not honest c. not respectful

Troy and Roy


Mil Flores-Ponciano and Leo Go

Troy and Roy are friends. Troy enjoys cooking for Roy.
“What are you doing?” Roy asked.
“I am looking for the can of oil,” Troy said.
“What will you do with the oil?”
“I will cook oyster for you.”
“May I help you?” Roy asked.
“Yes. But don’t hold the pan.”
“Aw!” Roy said in a loud voice.
“I told you not to hold the pan,” said Troy.

16. Who are friends?


a. Roy and Floyd b. Troy and Moy c. Roy and Troy
17. What does Troy enjoy to do?
a. Toil with Roy b. look for Roy c. cook for Roy
18. What does Troy need to cook the oyster?
a. Oil b. soy c. toy
19. What did Troy tell Roy?
a. Don’t hold the pan.
b. Don’t coil the pan.
c. Don’t destroy the pan.
20. Did Roy follow Troy’s reminder?
a. No b. yes c. the story does not say
21. What happened to Roy?
a. Roy got hurt. B. Roy got angry c. Roy got sad.

The Mouse and the Sow


Mil Flores-Ponciano and Leo Go

The Mouse and the Sow walked on the ground.


The two friends found a pail of pig food.
The Mouse shouted, “It tastes good.
Come on, Sow, let us run on the ground.”
But there was a bog on the ground.
And now the Mouse and the Sow
Must hop to cross the bog on the ground.
But the Sow can’t hop on the ground.

“Hop with me, Sow,” Mouse said.


“I can’t hop,” The Sow said.
Now the Sow frowns with a pouting mouth.
As the Mouse eats a mouthful.

22. Where were the Mouse and the Sow?


a. House b. ground c. cloud
23. What did the Mouse and the Sow find?
a. A pail of pig food
b. A pail of pug food
c. A pail of peg food
24. What was on the ground?
a. Bag b. bug c. bog
25. What is another word for “bog”?
a. Sprout b. soap c. swamp
26. Why did the Sow frown?
a. She can’t hop.
b. She can’t pout.
c. She can’t sound.
27. Did the Sow taste the pig food?
a. No b. yes c. the story does not say.

IV. Complete each sentence with an appropriate adjective from the box below.

Fat important caring


Honest old
28. Tony keeps his __________________ things.
29. Pat shares her food with Tim the cat. Pat is _______________.
30. The boy has an ___________________ pet dog.
31. An ____________________ girl tells the truth.
32. John is _________________. The doctor tells him to exercise to lose some weight.

V. Study the pictures on the left. Encircle the word that names each picture.

33. boy soy toy

34. oil boil soil

35. soil boil coil


Pangalan:_____________________________________ Petsa:__________________
Baitang:_____________________________

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATO 3

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito’y kailangan upang bayan ay sumulong sa kaunlaran.


a. Disiplina b. talino c. kapayapaan
2. Dito inilalagay ang mga basura.
a. Timba c. supot c. basurahan
3. Ang mga halaman ay dapat _____________ upang di mamatay.
a. Tapakan b. alagaan c. pagyamanin
4. Lugar kung saan kabilang/ kasama ang kapitan.
a. Barangay b. sentro c. karatig pook
5. Tumutukoy sa maayos at ___________na pamumuhay.
a. Payapa b. ligtas c. maganda
6. Ito ay ang malakas na pagyanig ng lupa.
a. Baha b. lindol c. landslide
7. Labis na pag-apaw ng tubig o paglawak ng tubig na natatakpan ang lupa.
a. Baha b. bagyo c. landslide
8. Namumuong sama ng panahon na nagdudulot ng kalamidad sa ating bansa.
a. Baha b. bagyo c. tsunami
9. Mabilis na pagkalat ng apoy.
a. Tsunami b. sunog c. baha
10. Pagguho ng lupa dulot ng labis na pag-ulan at kawalan ng ugat ng puno na kinakapitan ng lupa.
a. Landslide b. baha c. tsunami

II. Isulat ang TAMA kung ikaw ay sumasang-ayon sa sinasabi at HINDI naman kung hindi ka
sumasang-ayon.
________ 11. Ang malinis na kapaligiran ay nagdudulot ng kalinisan ng kaisipan at kalooban.
________ 12. Mapapanatiling maayos at ligtas ang pamayanan sa pamamagitan ng hindi pakikilahok sa
mga proyekto ng pamayanan para sa pangangalaga sa kalikasan.
________ 13. Gumamit ng dinamita sa pangingisda upang di mapinsala ang maliliit na isda.
________ 14. Ang pagmamano ay isang kaugaliang Pilipino.
________ 15. Ang paggamit ng po at opo ay tanda ng paggalang sa mga nakatatanda sa atin.
________ 16. Mahalaga sa ating mga Pilipino ang paggalang sa kapuwa.
________ 17. Bawat tao ay di dapat igalang anuman ang katayuan niya sa buhay.
________ 18. Piliin lamang ang dapat igalang lalo na sa mga nakatatanda.
________ 19. Hindi dapat natin panatilihin ang mga kaugaliang Pilipino na ating minana.
________ 20. Ang pagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino ay nagpapakita ng respeto sa bawat isa.
________ 21. Bumibili ka sa tindahan. Nakita mo ang iyong Tiyo na bumibili rin. Binati mo siya at ikaw ay
nagmano.
________ 22. Biglang dumating ang matalik na kaibigan ng iyong nanay. Ikaw lang ang nadatnan sa bahay.
nagmano ka at siya ay iyong pinatuloy.
________ 23. Inutusan ka ng iyong tatay na pumunta sa iyong lolo para maghatid ng ulam. Kumakatok ka
sa kaniyang pintuan, at sinabing “Magandang tanghali po lolo. Narito po ang ulam na
ipinabibigay ni tatay.”
________ 24. Isang gabi, nakadungaw si lisa sa kanilang bintana. Dumaan sa tapat ng kanilang bahay si
Aling Susan, ang nanay ng kaniyang kaibigan. Binati niya si Aling Susan nang pasigaw na
parang galit.
________ 25. Si linda ay isang batang matalino. Pagdating sa bahay galing sa paaralan, magalang siyang
nagsabi sa kaniyang nanayna gusto na niyang kumain dahil mag-aaral pa siya ng kaniyang
mga aralin.

III. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. ( 2 puntos bawat numero )

Ano ang dapat mong gawin kung.........

26. Nakita mong hindi nkahanay ang iyong kaklase sa pagbili sa kantina?
______________________________________________________________________
27. Ang iyong kaibigan ay gumagamit ng radyo sa loob ng silid-aklatan?
_______________________________________________________________________
28. Pinipitas ng isang mag-aaral ang bulaklak sa hardin ng paaralan?
_______________________________________________________________________
29. Nagtapon ng tissue paper ang iyong kapatid sa toilet bowl ng palikuran?
_______________________________________________________________________
30.Umaakyat ang isang bata sa bakod ng paaralan upang makapasok?
_______________________________________________________________________
Pangalan:_____________________________________ Petsa:__________________
Baitang:_____________________________

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 3

I. Isulat ang titik ng kaugnay na mga salita sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa linya bago
ang numero.
Hanay A Hanay B
_______ 1. Ang mga sinaunang Pilipino ay gumamit a. Edukasyon
ng mga palaso, pana, at sibat sa pangangaso.
_______ 2. Baro’t saya ang kasuotan ng mga b. Kasangkapan
kababaihan noong panahon ng mga Espanyol.
_______ 3. Ang mga magulang ang nagtuturo sa kanilang c. Kasuotan
mga anak ng mga gawaing bahay, pangangaso,
pangingisda, at pagsasaka.
_______ 4. Karamihan sa mga ninunong Pilipino ay palipat- d. kaugalian
lipat ng tirahan.
_______ 5. Naniniwala ang ating mga ninuno sa iba’t ibang e. Pagkain
ispiritwal na tagabantay tulad ng Diyos, diwata,
at anito.
_______ 6. May walong Pangunahing wika o diyalekto f. Pamahalaan
ang ginagamit sa bansa.
_______ 7. Ang namamahala sa buong komunidad ng g. Paniniwala
sinaunang Pilipino ay isang datu.
_______ 8. May mga taong taga-salaysay ng mga kabutihang h. Pananampalataya
nagawa ng namatay sa burol nito.
________ 9. Nakakamay kung kumain ang mga sinaunang i. Sining
Pilipino.
_______ 10. Makikita sa mga haligi ng bahay ang mga nakaukit j. Tahanan
at nakalilok na mga disenyo. K. Wika

II. Tukuyin kung ang mga pangungusap ay naglalarawan sa materyal na kultura at di-materyal na
kultura.

__________ 11. Tinuturuan ng mga kalalakihan ang kanilang mga anak sa pangangaso at pangingisda.
__________ 12. Ang kangan, bahag, at putong ay ang mga kasuotan ng mga sinaunang Pilipino.
__________ 13. Ang mga sinaunang Pilipino ay nagpapalipat-lipat ng tirahan.
__________ 14. Ang mga lalaki ay naninilbihan sa bahay ng pamilya ng babae na nais niyang pakasalan.
__________ 15. Naniniwala ang ating mga ninuno kay Bathala at iba pang mga ispirituwal na tagabantay.
__________ 16. Ang datu ang pinuno ng isang balangay.
__________ 17. Ang ating mga ninuno ay gumawa ng mga iba’t ibang uri ng kagamitan.
__________ 18. Niluluto ang mga pagkain sa mga palayok at bumbong ng kawayan.
__________ 19. Makikita ang mga nakaukit at nakalilok sa mga haligi at iba pang bahagi ng mga bahay.
__________ 20. May walong pangunahing wika na ginagamit sa ating bansa.

III. Unawain ang mga pangungusap. Iguhit ang kung ikaw ay sang-ayon at kung hindi.

_________ 21. Naaayon sa klima at lokasyon ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.
_________ 22. Ang hanapbuhay pati na tirahan, kasuotan, at gawain ay nakaiimpluwwensiya sa
pamumuhay ng mga tao.
_________ 23. Magkakatulad ang uri ng pamumuhay sa lahat ng lugar.
_________ 24. Karaniwang yari sa kogon at atip ang mga bahay sa bulubunduking lugar.
_________ 25. Mababa at yari sa bato ang mga bahay sa mabagyong lugar.
_________ 26. Sa mga lugar na maaraw at mainit, maninipis at maluluwang ang kanilang mga damit.
_________ 27. Ang pag-aalaga ng hayop ang maaaring pagkakakitaan ng mga taong nasa matubig na lugar.
_________ 28. Makapal ang kasuotan ng mga tao sa Baguio dahil malamig sa kanilang lugar.
_________ 29. Karamihan ng mga awit sa mga lugar sa tabing dagat ay ukol sa pagsasaka.
_________ 30. Mabilis ang kilos ng mga tao sa siyudad dahil nagmamadali silang pumasok sa kanilang mga
trabaho.

IV. Gumuhit ng larawan ng tao na ang pangkat-etniko ay Tagalog at ilagay ang mga katangian ng
iyong iginuhit sa palibot nito. ( 5 puntos )
Pangalan:_____________________________________ Petsa:__________________
Baitang:_____________________________

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


MOTHER TONGUE 3

I. Ilagay ang P kung natapos o naganap na ang kilos at DP kung ang kilos ay kasalukuyan pang
nagaganap. Salungguhitan ang pandiwa sa bawat pangungusap. ( 2 puntos bawat numero)

_________ 1. Kahapon, nagtaas ng kamay ang aking kapatid na si Lester.


_________ 2. Pumalakpak ang mga guri at mag-aaral pagkatapos ng palabas.
_________ 3. Nagtatakip ng tainga si Tina dahil sa malakas na tunog.
_________ 4. Noong isang linggo naglakbay ang aming koro.
_________ 5. Nagluto kami ng aming pagkain kaninang umaga.

II. Bilugan ang pandiwa sa bawat pangungusap.

6.Si Mario at kaniyang mga kaibigan ay naglaro ng basketball.


7. Buong maghapon na nanatili sa loob ng silid-aralan ang mga bata.
8. Hinakot ng mga guro ang kanilang gamit mula sa opisina.
9. Nagmasid ang punong guro ng mga bagong computer sa silid ng ICT.
10. Bumati si Tina ng “Maligayang Kaarawan” sa kaniyang kaibigan.

III. Basahin ang mga pangungusap. Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit at
bilugan ang titik ng tamang sagot.
11. Sina Beethoven at Mozart ang nagbigay kulay at katanyagan sa klasikal na musika.
a. Makabago b. makaluma c. tradisyunal at pormal
12. Ang mga awiting “Leron, Leron Sinta,” “Bahay Kubo,” at “Dandansoy” ay mga Katutubong awitin na
magpahanggang ngayon ay tinatangkilik parin.
a. Mga awitin na nagpapakita ng kultura, tradisyon, at paniniwala
b. Mga awitin na maaaring lamang sa paaralan
c. Mga awitin na sinulat para sa mga bata.
13. Ang pamahalaan ay naglunsad ng mga proyekto upang maihanda ang bagong henerasyon sa
magandang pagkakakitaan.
a. Matatanda b. sanggol c. kabataan
14. Ang ating barangay ay naglunsad ng kampanya ukol sa pagtatanim ng puno.
a. Nagpasimula b. nagsilbi c. gumawa
15. Ang mga palatuntunan sa paaralan ay nagsisilbing daan upang mapaunlad ang talino at interes ng
mga mag-aaral.
a. Balakid b. paraan c. kalye
IV. Bilugan ang angkop na pandiwa upang mabuo ang pangungusap.

16. ( Nag-eensayo, Nag-ensayo ) ng sayaw ang mga bata tuwing hapon.


17. Tingnan mo, si Dora ang pinakamahusay sa lahat ng ( nagsayaw, nagsasayaw ) ng “Singkil.”
18. ( Nag-ayos, Nag-aayos ) ng entablado ang mga bata tuwing may paligsahan.
19. ( Nagtuturo, Magtuturo ) ng sayaw si Gng. Tan tuwing umaga.
20. Araw-araw na ( sumasali, sumali ) si Willy sa ensayo ng sayaw.
21. ( Nag-igib, Mag-iigib ) kahapon ng halaman si Lino.
22. ( Nagtakbuhan, Nagtatakbuhan ) ang mga bata ng tumunog ang bell ng kanilang paaralan.
23. ( Nagdadala, Nagdala ) siya ng regalo para sa lahat taon-taon.
24. ( Nagsasayaw, Nagsayaw ) si Perla ng “Carinosa” sa tuwing dadalaw ang kaniyang lola.
25. Ang lahat ng kasapi ng grupo ay ( nagsasayaw, nagsayaw ) tuwing may pista.
26. Palaging ( tumutulong, tumulong ) ang mga Pilipino sa isa’t isa tuwing may kalamidad.
27. ( Tinuturuan, Tinuruan ) ng guro ang mag-aaral ng sayaw tuwing umaga.
28. Ang mga katutubong sayaw ay ( itinuturo, nagtuturo ) upang mapalaganap ang kultura at tradisyon.
29. Maraming tao ang ( natuwa, natutuwa ) sa pamahalaang lokal dahil sa pagtatanghal ng mga
katutubong sayaw taon-taon.
30. ( Natututunan, Matutunan ) natin ang mga katutubong sayaw mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa
dahil sa paligsahan.
Pangalan:_____________________________________ Petsa:__________________
Baitang:_____________________________

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


SCIENCE 3
I. Isulat ang tamang salitang naglalarawan sa posisyon ng bagay, hayop, o tao sa bawat larawan.
Pumili ng salita sa loob ng kahon.

You might also like