Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

4

EPP-Edukasyong
Pantahanan
Module 6:
Nakatutulong sa Paghahanda ng
Masustansiyang Pagkain
EPP – Ika-apat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Modyul 6: Nakatutulong sa Paghahanda ng Masustansiyang Pagkain
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Randy S. Pabayos


Editor: Teresita Z. Olasiman at Jesusa D. Paladar
Tagasuri: Teresita Z. Olasiman
Typesetter: Cecille Marie T. Tenido
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V
Fay C. Luarez, Ph.D.,Ed.D.,TM
Nelita L. Ragay, Ph.D
Adolf P. Aguilar, Ph.D.,Ed.D.,TM
Antonio B. Bagiuo, Jr., Ed.D.
Rosela R. Abiera
Maricel S. Rasid
Elmar L. Cabrera

Department of Education Region VII – Division of Negros Oriental

Office Address: Capitol Area, Dumaguete City, Negros Oriental


Noted: ELISA L. BAGUIO,
Telefax: (035)Ed.D.
225 2376 / 225 2838
PSDS
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

Approved:

SENEN
PRISCILLO P. PAULIN, CESO V
Schools
Division Superintendent
4

EDUKASYONG
PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN

Modyul 6:
Nakatutulong sa
Paghahanda ng
Masustansiyang
Pagkain
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Nakatutulong sa Paghahanda ng Masustansiyang Pagkain.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Nakatutulong sa Paghahanda ng
Masustansiyang Pagkain .

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng


modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

Balikan upang matulungan kang maiugnay ang


kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad


ng isang gawain, pagpapalano o pambukas
na suliranin sa isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong


matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa

Pagyamanin mapatnubay at malayang pagsasanay upang


mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o

Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o


talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman


o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa


pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang

Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang


aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa

Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.


Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhanan sa paglikha o

paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na

papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari

ka rin humingi ng tulong skay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o

sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging

itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng

modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha

ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!


ALAMIN

Ang modyul sa EPP–HE para sa ikaapat na baitang ay


denisinyo para makamtam ang karagdagang kasanayan sa
pagtulong sa paghanda ng masustansiyang pagkain. Ito ay
nakaankla sa inihandang MELC na naangkop sa panahon
ngayong may COVID– 19.
Ang modyul na ito ay ginawa para tulungan ka sa iyong
pag-aaral, tinatalakay dito ang tungkol sa paghahanda ng
masustansiyang pagkain. Ang isang batang tulad mo ay
nangangailangan ng malusog na pangangatawan upang
magampanan ang mga pang-araw-araw na gawain. Ang
masustansiyang pagkain ang makapagbibigay lakas at sigla sa
iyo. Magiging masigla at malakas ang iyong katawan upang ikaw
ay makaiwas sa sakit. Mahalaga na matutunan mo ang
paghahanda ng masustansiyang pagkain upang ikaw at iyong
pamilya ay maging malakas at malusog.
Sa pamamagitan ng modyul na ito ,maari mong gamitin ang
iyong kakayahan at kahusayan sa pang-unawa at pagsagot sa
mga pagsasanay

1
LAYUNIN

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na:


1. Napapangkat ang mga pagkain ayon sa Go, Grow, at
Glow.
2. Nakatutulong sa paghahanda ng masustansiyang
pagkain.
3. Nasusunod ang mga alituntuning pangkaligtasan at
pangkalusugan sa paghahanda, pagluluto, at
paghahain ng pagkain.

SUBUKIN

Panuto: Basahin ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng


napiling sagot.

1. Aling pagkain ang dapat kainin sa almusal?


A. pizza at soda C. itlog, gatas, kanin at saging
B. burger at kape D. pritong manok at fries

2. Aling inumin ang angkop sa mga bata?


A. soda B. gatas
C. kape D. juice

2
3. Alin ang dapat kainin sa hapunan?
A. gatas, kanin, sinigang na isda
B. kanin, adobo, cake at coke
C. kendi, kanin, isda at soda
D. kanin, pritong manok at fries

4. Upang matiyak na sapat at masustansiya ang pagkain.


Ano ang dapat sundin?
A. resipes C. talaan ng pagkain
B. huwarang pagkain D. listahan ng mga pagkain

5. Anong pagkain ang dapat kainin sa tanghalian?


A. fries, sorbetes at tsokolate
B. pritong tilapia, kanin at mangga
C. cake, tsokolate at sorbetes
D. kanin, isda at soda

6. Ito ay taglay sa mga pagkain na kinakailangan upang


mapanatiling malusog ang katawan.
A. gamot C. sustansiya
B. pagkain D. presko

7. Nagtataglay ito ng pagkaing mayaman sa sustansiya sa


tamang sukat.
A. balanseng pagkain C. junk food
B. instant na pagkain D. preserbatiba

8. Alin sa mga sumusunod na kombinayon ng pagkain ang


masustansiya?
A. hamburger at fries
B. lollipop at kendi
C. ice cream at keyk
D. lumpiang shanghai at kanin

3
9. Alin sa mga sumusunod na sustansiya ang pangunahing
pinanggagalingan ng lakas?
A. bitamina B. carbohydrates
C. mineral D. protina

10. Ito ay nakatutulong sa 3pamumuo ng dugo kapag


nasugatan at madaling nakapagpapagaling ng sugat.
A. iron B. calcium
C. sodium D. chloride

TUKLASIN

Paano ka nakatutulong sa paghahanda ng masustansiyang


pagkain? Ang isang batang tulad mo ay nangangailangan ng
malusog na pangangatawan, upang magampanan ang mga pang-
araw-araw na gawain. Ang mga masusustansiyang pagkain ang
makapagbibigay nito sa iyo.

Magiging masigla at malakas ang iyong katawan at ito ang


paraan upang ikaw ay makaiwas sa sakit. Kung ang bawat kasapi
ng pamilya ay malakas at malusog, madali nilang magagawa ang
kani-kanilang tungkulin nang masaya.

Ang mga dalubhasa sa pagkain na tumitingin sa sustansiya


nito ay gumawa ng simpleng patnubay na tutulong upang
makapamili ka ng tamang pagkain. Pinapangkat nila ang mga
pagkain ayon sa sustansiyang ibinibigay nito. Tinatawag natin
itong “tatlong pangkat ng mga pagkain” ito ang “Go”, “Grow”, at
“Glow” foods.

4
Tatlong Pangkat ng Pagkain
Pangkat I – Mga Pagkaing nagbibigay ng enerhiya, lakas, at sigla
o Go Foods

https://www.google.com/search?q=go+foods&source=lnms&tbm=isch&sa=X&sqi=2&ved=2ahUKEwj4hrO59trqAh
UHHHcKHTz2AekQ_AUoAXoECA4QAw&biw=1366&bih=657#imgrc=YFElIpSbL0f_rM

Ang mga pagkaing ito ang nagbibigay ng lakas sa katawan,


taba at langis. Kapag kumain ka ng mga ito, ikaw ay magiging
masigla at malakas upang makapaglaro, makapag-aral, at
makagawa ng iba’t ibang gawain.

Ang nasa unang pangkat ay mga pagkaing mayaman sa


carbohydrates: kanin, kakaning gawa sa bigas tulad ng puto,
suman, kalamay, kutsinta, lugaw, tsamporado, at ginataang

5
mais. Kasama sa pangkat ang mga pagkaing gawa sa arina tulad
ng keyk, tinapay, at biskwit. Ang mga bungang-ugat tulad ng
kamote, kamoteng-kahoy, gabi, taro, yakon, sugar beats, at ube
kasama din dito. Kabilang din ang mga matatamis na pagkain
gaya ng asukal, tubo at pulot o honey. Sa pangkat na ito kasama
ang mantikilya, mantika, at niyog.

Pangkat II – Mga Pagkaing tumutulong sa paglaki ng katawan o


Grow Foods

https://www.google.com/search?q=go+foods+pictures&tbm=isch&ved=2ahUKEwieoeXkroDrAhVITZQKHfSrAugQ
2-

Mayaman sa protina ang mga pagkaing ito. Ang protina ay


responsible sa pagpapalaki ng mga kalamnan at ng buong
katawan.

Ito ay nagpapalakas din ng mga buto at nakatutulong sa


pagpapalakas ng katawan, kung ang isang tao ay galing sa

6
pagkakasakit. Ang mga pagkaing nasa ikalawang pangkat ay
nagbibigay ng protina tulad ng karne ng baboy, baka at manok,
isda, itlog, at gatas. Pinagkukunan din ng protina ang mga
pagkaing galing sa butil, tulad ng monggo, mani, kadyos, sitaw,
bataw, at sitsaro. Mayaman din sa protina ang mga lamang dagat
gaya ng alimango, alimasag, hipon, dilis, halaan, tulya, tahong,
talaba, at talangka. Kasama din sa pangkat na ito ang hamon,
bacon, tocino, at longganisa.

Pangkat III – Mga pagkaing pananggalang sa sakit at impeksiyon


o Glow Foods

https://www.google.com/search?q=larawan%20tatlong%20pangkat%20ng%20pagkain&t

Ang mga pagkaing ito ay pinagkukunan ng bitamina at


mineral. Ang mga bitamina A, B-1, 6, 12, C at mga mineral tulad
ng iron, calcium, yodo (iodine), phosphorus, at potassium ang mga
sustansiyang nagsisilbing pananggalang sa sakit at impeksiyon.
Ang mga prutas at gulay na mayaman sa bitamina at mineral ay
nagsasaayos ng mga bahagi ng katawan. Makukuha ang bitamina
at mineral sa mga sumusunod na pagkain:

7
1. Madahong gulay, madilaw, at maberde tulad ng petsay,
malunggay, talbos ng kamote, talbos ng sayote at kalabasa. Ang
saluyot, ispinats, alugbati, celery, kintsay, carrot, at kangkong
ay mayaman sa bitamina A, calcium, at iron. Ang mga
sustansiyang nakatutulong sa pangangalaga at pagpapalusog ng
mga bata, ngipin, at buto. Kapag sapat ang taglay na iron, ang
katawan ay malakas at maganda. Ito rin ay nakatutulong sa
pamumuo ng dugo kapag nasugatan at madaling
nakapagpapagaling ng sugat.

2. Ang mga maaasim at makakatas na gulay at prutas tulad ng


dalanghita, suha, bayabas, kamyas, mangga, pipino, at kamatis
ay mayaman sa Bitamina C. Ito ay nagpapalakas ng katawan
laban sa impeksiyon at sipon. Nakabubuti rin ito sa ngipin at
galagid.

3. Ang mga prutas tulad ng tsiko, santol, duhat, pakwan, kaimito,


langka, saging at mga gulay na tulad ng okra, sitaw, talong, at
sigarilyas ay tumutulong sa pagtunaw ng kinakain at sa
pagbawas ng dumi. Nililinis nito ang mga bituka at tiyan upang
maging laging maayos at mahusay ang mga ito.

Mga alituntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa


paghahanda at pagluluto ng pagkain

1. Hugasang mabuti ang mga kamay bago at pagkatapos


maghanda ng pagkain.
2. Gumamit ng apron upang hindi marumihan ang damit at
maglagay ng hairnet o bandana sa ulo.
3. Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap at kasangkapan sa
pagluluto upang maiwasan ang abala.
4. Ihanda at lutuin lamang ang dami ng pagkaing kayang
ubusin o tama lang sa mag-anak.
5. Linising mabuti sa umaagos na tubig ang prutas, gulay, isda,
at karne bago balatan at hiwain. Iwasang ibabad ang mga ito
8
sa tubig upang hindi mawala ang sustansiya.
6. Mag-ingat sa paggamit ng mga matutulis at matatalas na
kutsilyo.
7. Maglaan ng hiwalay na basurahan para sa basa at tuyong
basura upang hindi magkalat sa lugar na paglulutuan.
8. Huwag iwanan ang niluluto upang maiwasan ang pag-
apaw, pagkatuyo, o pagkasunog nito.
9. Gumamit ng basahan para sa kamay at kagamitan pati na rin
ang pot holder para maiwasan ang pagkapaso.
10. Ilagay sa medyo mahinang apoy kung ang niluluto ay
kumukulo na, magpapatuloy pa rin ito sa pagkulo kahit
mahina na ang apoy.
11. Timplahan ng tama ang pagkain. Uminom na kaunting tubig
kung muli itong titikman. Iwasan ang sobrang patis, asin,
suka, o bitsin.
12. Ilagay ang gulay kung malapit na itong hanguin sa kalan
upang maiwasan ang pagkadurog o pagkalamog at di
mawala ang sustansiya.
13. Isara nang maayos ang gas cylinder matapos itong gamitin.
14. Ilagay sa tamang lalagyan ang pagkaing niluto at takpan ito.
15. Linisin at iligpit ang lahat ng gamit pagkatapos magluto, pati
ang lugar na pinaggawaan.

SURIIN

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang


tamang sagot sa inyong kwaderno.
1. Ano-ano ang tatlong pangkat ng pagkain?
2. Anong pagkain ang nagbibigay sa iyo ng protina?
3. Anong pagkain ang nagbibigay sa iyo ng carbohydrates?
4. Anong pagkain ang nagbibigay sa iyo ng bitamina at mineral?
5. Bakit mahalaga na malaman
9 mo ang wastong paghahanda ng
pagkain

9
9
PAGYAMANIN

Panuto: Tingnan ang dayagram sa ibaba. Piliin mula sa kahon


ang mga pagkaing nabibilang sa bawat pangkat. Isulat ang mga
ito sa dulo ng bawat guhit.

pakwan hipon kanin monggo itlog asukal


talong karne pipino tinapay lugaw hamon

Go

foods

Grow

foods

Glow

foods

10
ISAISIP

Ang tatlong pangkat ng pagkain “Go, Glow at Grow” ay


dapat gamiting patnubay sa pagplano ng inihandang pagkain ng
mag-anak sa araw-araw. Agahan, tanghalian at hapunan ay
dapat nagtataglay ng pagkain sa bawat pangkat.
Ang larawan ng food pyramid guide na makikita sa ibaba
ay magsisilbing gabay kung gaano karami ang pagkain na
manggagaling sa bawat pangkat. Ito ang patnubay tungo sa isang
Balanced Diet na nagtataglay ng tamang uri at sukat ng pagkain.

https://www.google.com/search?q=food+pyramid&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjuzdLy39vqAhU
Oa94KHRAoB7cQ_AUoAXoECBMQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=H-p1s3MC71b3DM

11
ISAGAWA

Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat pangungusap. Piliin


ang sagot mula sa loob ng kahon. Isulat ang tamang sagot inyong
kwaderno.

Bitamina C bungang-kahoy
protina go mineral

1. Ang _______________ ay responsible sa pagpapalaki ng mga

kalamnan at ng buong katawan.

2. Ang mga pagkaing nagbibigay ng lakas tulad ng tinapay at

lamang ugat ay _____________ foods.

3. Ang Carbohydrates ay maaaring makuha sa _________________.

4. Ang mga prutas at gulay na mayaman sa bitamina at


___________________ ay nagsasaayos ng mga bahagi ng katawan.

5. Ang mga maaasim at makakatas na gulay at prutas tulad ng

dalanghita, suha, bayabas, manga, pipino, at kamatis ay

mayaman sa ______________________.

12
TAYAHIN

I. Panuto: Basahin ang bawat tanong. Isulat sa inyong


kwaderno ang titik na may tamang sagot.

1. Ano ang taglay ng pagkain na kailangan upang mapanatiling


malakas at malusog ang katawan?
A. sustansiya C. gamot
B. preserbatiba D. magic

2. Ano ang nilalaman ng balanseng pagkain?


A. pagkain na may preserbatiba
B. pagkaing mayaman sa carbohydrates
C. tamang sukat sa pagkain mula sa tatlong pangkat ng
pakain
D. pagkaing fat-free, lalo na ang gulay at prutas

3. Alin sa mga ito ang mga halimbawa ng Glow foods?


A. kanin at cereal C. manok at isda
B. prutas at gulay D. tinapay at mantikilya

4. Ano ang mga Glow foods?


A. pagkain na nagsasaayos ng mga bahagi ng katawan
B. pagkain na nagbibigay ng lakas
C. pagkaing nagpapalaki ng laman
D. pagkaing nagpapalaki ng katawan

5. Ito ang patnubay tungo sa isang Balanced Diet na


nagtataglay ng tamang uri at sukat ng pagkain.
A. junk foods C. listahan
B. budget food D. food pyramid guide

13
II. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Lagyan
ng maligayang mukha kung ito ay nagpapakita ng mga
alituntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahanda at
pagluluto ng pagkain at malungkot na mukha kung hindi.
Isulat sa kwaderno ang tamang sagot.

____1. Iwanan ang niluluto upang aapaw, tutuyo at masusunog


ang mga ito.
____2. Hugasang mabuti ang mga kamay bago at pagkatapos
maghanda ng pagkain.
____3. Ihanda ang lahat na gagamiting sangkap at kasangkapan
sa pagluluto upang maiwasan ang abala.
____4. Maghanda ng maraming pagkaing para sa mag-anak.
____5. Timplahan ng tama ang pagkain. Uminom na kaunting
tubig kung muli itong titikman. Iwasan ang sobrang
patis, asin, suka, o bitsin.

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat sa kwaderno


ang titik na may tamang sagot.

1. Si Ram ay isang aktibong bata. Sa umaga siya ay tumatakbo


sa kanyang paligid. Mahilig din siyang maglaro ng basketbol
tuwing hapon o pagkagaling sa paaralan kasama ang kanyang
mga kaibigan. Tiniyak din niya na ginagawa niya ang takdang
aralin tuwing gabi. Anong pangkat ng pagkain ang kailangan
ni Ram?
A. Go foods C. Junk foods
B. Glow foods D. Grow foods

14
2. Kapapanganak pa lamang ng kapatid kong babae. Ang
sanggol ay napakaliit at kailangang uminom ng maraming gatas.
Ang gatas ay nagbibigay ng sustansiya upang siya ay lumaking
malusog at malakas. Anong pagkat ng pagkain ang
pinakakailangan ng sanggol ng kapatid ko.
A. Go foods C. Junk foods
B. Grow foods D. Glow foods

3. Si Cres ay may ubo at sipon. Nagsimula siyang makaramdam


ng panghihina noong siya ay magkaroon nito. Binibigyan siya
ng kaniyang ina ng katas ng kalamansi na mayaman sa
bitamina C. Sa anong pangkat ng pagkain nabibilang ang
bitamina C?
A. Junk foods C. Go foods
B. Grow foods D. Glow foods

4. Si Jose ay isang manlalaro. Siya ay naglalaro ng basketbol at


futbol. Anong sustansiya ang pinakakailangan niya?
A. protina C. carbohydrates
B. bitamina D. mineral

5. Si Karen ay apat na taong gulang. Bakit kailangan niya ng


protina sa kanyang pagkain?
A. sapagkat kailangan niya ng lakas upang makapaglaro
B. upang maging makinis ang kanyang balat
C. upang tulungan siya na makapagbawas ng dumi ng
katawan
D. sapagkat si Karen ay nasa mahalagang taon ng paglaki
at pag-unlad.

15
16 KARAGDAGANG GAWAIN
1. A
2. B
3. D
4. C
5. D
TAYAHIN PAGYAMANIN
I.
1. A GO FOODS: kanin, asukal, tinapay, lugaw
2. C
GROW FOODS: hipon, itlog, karne, hamon
3. B
4. A GLOW FOODS: pakwan, monggo, talong, pipino
5. D
II. ISAGAWA
1. protina
1. 2. 3. 4. 5.
2. go
3. bungang-kahoy
4. mineral
5. Bitamina C
17
SUBUKIN
SURIIN 1. C
1. Ang tatlong pangkat ng pagkain ay mga pagkaing nagbibigay ng enerhiya, lakas, at sigla o “Go Foods”, mga pagkaing 2. B
tumutulong sa paglaki ng katawan o “Grow Foods” at mga pagkaing pananggalang sa sakit at impeksiyon o ‘Glow 3. A
Foods” 4. C
2. Mga pagkaing tumutulong sa paglaki ng katawan o “Grow Foods” 5. B
3. Mga pagkaing nagbibigay ng enerhiya, lakas, at sigla o “Go Foods” 6. C
4. Mga pagkaing pananggalangsa sakit at impeksiyon o ‘Glow Foods” 7. A
5.Mahalagang malaman ko ang wastong paghahanda ng pagkain upang magiging masigla at malakas ang aking 8. D
katawan at ng aking pamilya. 9. B
*Answers may vary. 10. A
SUSI SA PAGWAWASTO
Pyramid.
Pyramid – an object, shape, or arrangement in the form of a
sa katawan.
Mineral – ang organikong sustansiya na may iba’t ibang gamit
Bitamina – ang kailangan upang lumaki at maging malusog.
Protina - ang pampalaki ng katawan.
katawan.
Carbohydrates - ang pangunahing pinangagalingan ng lakas ng
TALAHULUGAN
MGA SANGGUNIAN

1. Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan Eden I. Sanadan,


etal; Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4, Meralco
Avenue, Pasig City: Department of Education Instructional
Materials Council Secretariat (DepEd IMCS), 2015, pp. 301 –
307.
2. Most Essential Learning Competencies Matrix

https://www.google.com/search?q=go+foods+pictures&tbm=is
ch&ved=2ahUKEwieoeXkroDrAhVITZQKHfSrAugQ2-
cCegQIABAA&oq=go+foods&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgcIABC
xAxBDMgQIABBDMgIIADICCAAyBAgAEEMyAggAMgIIADICCA
AyAggAMgIIADoFCAAQsQM6CAgAELEDEIMBUNbsBFiDzgVgr
eAFaANwAHgAgAG7AYgB9SqSAQQwLjQwmAEAoAEBqgELZ3d
zLXdpei1pbWewAQDAAQE&sclient=img&ei=krUoX56QOcia0Q
T014rADg&bih=657&biw=1349&hl=en&hl=en#imgrc=i3kL-
D5nHXSikM&imgdii=RdUMMfSWl2krGM
https://www.ericksonliving.com/tribune/articles/2019/05/w
hat-s-your-plate

https://www.google.com/search?q=go+foods+pictures&tbm=is
ch&ved=2ahUKEwieoeXkroDrAhVITZQKHfSrAugQ2-
cCegQIABAA&oq=go+foods&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgcIABC
xAxBDMgQIABBDMgIIADICCAAyBAgAEEMyAggAMgIIADICCA
AyAggAMgIIADoFCAAQsQM6CAgAELEDEIMBUNbsBFiDzgVgr
eAFaANwAHgAgAG7AYgB9SqSAQQwLjQwmAEAoAEBqgELZ3d
zLXdpei1pbWewAQDAAQE&sclient=img&ei=krUoX56QOcia0Q
T014rADg&bih=657&biw=1349&hl=en&hl=en#imgrc=i3kL-
D5nHXSikM&imgdii=RdUMMfSWl2krGM

17
https://www.google.com/search?q=larawan%20tatlong%20pa
ngkat%20ng%20pagkain&tbm=isch&hl=en&hl=en&tbs=rimg%
3ACU8s5aiArJe4YS4AXQudNEdl&sa=X&ved=0CBsQuIIBahcK
EwjA95ParoDrAhUAAAAAHQAAAAAQBg&biw=1349&bih=657
#imgrc=FKW8DNOHupPAvM&imgdii=zX7T5UL2RIAZ7M

https://www.google.com/search?q=wastong+paraan+ng+pagh
ahanda+ng+pagkain&oq=wast&aqs=chrome.0.69i59j0j46j69i5
7j0j46j0.4228j1j8&sourceid=chrome&ie=UTF-8

18
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

19

You might also like