Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 78

Noong 1983, para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang

tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na
kinabibilangan.

Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan.

Noong 2000, binigyang katangian ito ni Villafuerte bilang isang paglalanta ng mga katotohanang
panlipunan at ng mga kathang-isip.

Anyong Tuluyan/ Prosa


- Maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap.
Alamat – Ito ay mga salaysaying na lihis sa katotohanan. Tinutukoy rito ang pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa mundo.
Pabula – Mga kwento tungkol sa hayop na naglalarawan sa mga tao.
Kwentong Bayan – Mga salaysay na hingil sa mga likhang-isip ng mga tauhan na kumakatawan sa mga
uri ng mamayan na kapupulutan ng araw.
Anekdota – Kinapapalooban ng kakatwang pangyayari sa buhay ng tao na kapupulutan ng aral.
Parabula – Mga kwento na hango sa bibliya.
Nobela  o Kathambuhay – Isang mahabang kwento na nahahati sa kabanata na bunga ng malikhaing
pag-iisip.
Maikling Kwento – Maikling katha, mabilis and daloy ng pangyayari tumutukoy sa nangungunang
tauhan.
Talambuhay – ito ay nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na hango sa mga tunay na
pangyayari o impormasyon.
Balita – paglalahad ng totoong pangyayari sa loob at labas ng bansa.
Sanaysay – Maikling komposisyon na naglalaman ng sariling kuro-kuro ng may akda.
Talumpati – Isang buod ng kaisipan na sinasalaysay sa entablado.
Dula – Mga kwento na isinasabuhay at nahahati ang pangyayari sa yugto.

 Editoryal – Ito ay pangulong tudling na naglalaman ng kuro-kuro ng editor.


 Liham – Tumutukoy sa saloobin ng manunulat.
 Talambuhay – ito ay nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na hango sa mga tunay na
pangyayari o impormasyon.

Anyong Patula/Poetry
- Masining na pagsama-sama ng mga salita upang makabuo ng taludtod na may sukat at tugma.
Sukat – bilang ng mga pantig (8, 12, 16, 20) ma-gan-da
Taludtod – linya sa tula
Tugma - ang pagkakapareho ng hulihang tunog ng hulihang tuning ng hulihang pantig nag hulihang
salita sa bawat taludtod sa loob
Saknong - binubuo ng taludtod
Kariktan - kabuoang ganda ng tula/ malalim na talinhaga

 TITIK – salitang ugat ng panitikan kung saan ang tawag ay litera.


 PANITIKAN – ito ay paglalantad ng mga makukulay na damdaming Pilipino na may kinalaman sa
bagay-bagay.

PANG – a, e, i, o, u at iba pa (c, n, f, j, q, v, x, z)


PAN- d, l, r, s, t
PAM- b, p
Panunuring Pampanitikan/ Mga Teoryang Pampanitikan
- isang kaparaanan, malalim na paghimay at masusing proseso sa pag-aaral ng alinmang akdang
pampanitikan.

 Siko Analitiko – nakatuon sa personalidad ng isang tao na di dapat padalos-dalos.


 Humanismo – ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-
tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talent atbp.
 Naturalismo – mas detalyado ang mga kasuklamsuklam ng mga pangyayari sa buhay ng tao.
 Moralistiko – naglalahad ng iba’t-ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang
pamantayan ng tama at mali.
 Klasisismo – pinapahalagahan ang pagsasabuhay ng isang dakilang kaisipan sa isang akilang
katawan.
 Markismo – paglalaban ng malakas at mahina na kung saan nagtatagumpay ang mahina.
 Sosyolohikal – nagpapakita ng kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng
may akda.
 Sikolohikal – nagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali) sa
isang tauhan at pagpapakita sa pagkakaroong ng panibagong pag-uugali dahil sa may nag-udyok
na mabago ito o mabuo muli.
 Imahismo – gumagamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damain, kaisipan, ideya,
saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda.
 Queer – iniaangat at pinagpapantay sa paningin ng lipunan sa mga homosexual.
 Bayograpikal – ipinamamalas ang sariling karanasan o kasagsagan sa buhay ng may akda.
 Historikal – ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan ay
bahagi ng kanyang pagkahubog. Tinutuklas sa teoryang ito ang mga pagbabagong naganap,
nagaganap, at magaganap sa kasaysayan.
 Realismo – pagtatala ng iba’t-ibang mukha ng buhay/tumutukoy sa suliranin ng lipunan.
 Eksistensiyalismo – pinapakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang
sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo.
 Pilosopikal – prinsipyo at pagpapahalaga sa sarili
 Arkitaypal – pinapakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng paggamit ng
mga simbolo.
 Feminismo – tumutukoy sa kalaksan at sa kakayahan ng tauhang babae sa isang kwento o akda/
pagkakapantay ng babae at lalake
 Hermenyutiks – tuwirang paglalantad
 Romantisismo – ipamalas ang iba’t-ibang paraan ng tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig o
emosyon sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
 Absurdismo – lohikal at rational
 Ekspresyunismo – optimistiko
 Kultural – ipakilala ang kultura/pag uugali ng may akda sa mga hindi nakakaalam.
 Patriyarkal – mga kalalakihan lamang ang may lakas at kapangyarihan ang higit na lumutang sa
mga akda.
 Sosyo Ekonomiko – may kinalaman sa pamumuhay
 Pormalistiko – nakatuon sa nilalaman, kaanyuan, kaayusan at paraan ng pagkakasulat ng may
akda.
 Feminismo Marxismo – naglalantad ng iba’t-ibang kahinaan ng kababaihan at ang paraan nila sa
pagtugon sa suliraning kanilang kinakaharap.
 Dekonstruksyon – ipakita ang iba’t-ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
 Instrukturalismo – tinitignan kung ano ang wikang ginamit
 Istaylistiko – estilo at pamamaraan na ginamit ng may akda
 Matriyarka - mga kababahihan lamang ang may lakas at kapangyarihan ang higit na lumutang sa
mga akda.
Ang Paglilitis ni Mang Serapio

by: Paul Dumol

1. Sino ang sumulat ng kwentong Ang Paglilitis ni Mang Serapio?


a. Deogracia Rosario
b. Greg Bituin Jr.
c. Paul Dumol
d. Benedick Damaso
2. Pangalan ng pangunahing karakter sa kwento.
a. Ginoo
b. Serapio
c. Sol
d. Consolacion
3. Ano ang trabaho ng pangunahing karakter sa kwento?
a) Kargador
b) Tindero
c) Mangangalakal
d) Pulubi (nanghihingi ng limos)
4. Ano rimen na binibintang kay sa pangunahing karakter sa kwento?
a) Pagnanakaw
b) Pagsisinungaling
c) Pag-aaruga ng bata
d) Pagpatay
5. Anong nagging kaparusahan ang pinataw kay Serapio sa kasalanang binibintang sa kanya?
a. Pagbulag
b. Pagpipi
c. Pagpilay
d. Pag putol ng mga daliri
6. Tagpuan sa Kwento.
a) Palengke
b) Eskwelahan
c) Hukom
d) Parke
7. Para kay Mang Serapio, ano ang sumisimbolo sa alaala ng kanyang yumaong anak?
a) Baul
b) Papel
c) Damit
d) Manika
8. Ano ang klasipikasyon ni Serapio bilang pulubi?
a) Nagmamakaawa
b) Aliwan
c) Pakunwari
d) Karaniwan
9. Ilan ang anak ni Mang Serapio?
a) Isa
b) Dalawa
c) Tatlo
d) Apat
10. Pangalan ng asawa ni Serapio
a) Deogracia
b) Maria
c) Consuelo
d) Gracia
11. Sino ang mga taong gumigipit sa pagkakamali o kasalanan ni Mang Serapio?
a) Dalawang tagapag tanong
b) Hukom
c) Tatlong Saksi
d) Dalawang Pilay
12. Sino ang mga taong nag sisinungaling para lamang maparusahan si Mang Serapio?
a) Dalawang tagapag tanong
b) Hukom
c) Tatlong Saksi
d) Dalawang Pilay
13. Ano ang pinaka mataas sa lahat ng tao sa loob ng Federasyon at siya ang nag papsya kung sino ang may sala at wala sa loob
ng hukuman?
a) Dalawang tagapag tanong
b) Hukom
c) Tatlong Saksi
d) Dalawang Pilay
14. Sino ang nagdala ng baul ni Mang Serapio sa hukuman?
a) Dalawang tagapag tanong
b) Hukom
c) Tatlong Saksi
d) Dalawang Pilay
15. Magkano ang halagang dapat ibigay ng mga kasapi sa Federacion araw-araw?
a) Sampu
b) Bente
c) Trenta
d) Kuwarenta

TAMA O MALI:

TAMA 16. Ang kwentong paglilitis ni Mang Serapio ay isang dula.

MALI 17. Nilitis si Mang Serapio ng may sapat na ebidensiya sa hukuman.

MALI 18. Bente porsyento ang makukuha ng mga taga sumbong sa kita ng nasasakdal kung

mapatunayang nilang may nilabag ang nasasakdal.

TAMA 19. Hindi naging makatarungan ang paglilitis kay Mang Serapio.

TAMA 20. Ang pinaka namayaning teorya sa kwento ay Absurdismo dahil kinakitaan ng pagiging irasyunal at ilohikal ang mga
kasapi sa Federasyon sa paglilitis kay Mang Serapio ng walang sapat at konkretong ebidensiya.

Tatlong namayaning Teorya sa Kwento:

ARKETAYPAL

Ang manika para kay Mang Serapio ay sumisimbolo ito sa alaala ng kanyang yumaong anak.

EKSPRESYUNISMO

Lantaran na pinapahayag ang mga damdamin ng bawat karakter sa dula.

ABSURDISMO

Nililitis ang isang tao sa isang paglabag na walang basehan o konkretong ebidenya.

Pinaka Namayaning Teorya sa Kwento:

ABSURDISMO
Ang pinka namayaning teorya sa kwento ay ang Teoryang Absurdismo dahil ayon sa kwento nilitis si Mang Serapio sa isang
paglabag na walang basehan o konkretong ebidenya. Kinakitaan ng pagiging irasyunal at ilohikal ang mga kasapi ng Federasyon. Sa
dula, sa isang paglabag sa batas ng Federasyon ang pag-aalaga ng bata sa kadahilanang nawawalan sila ng kita sa tuwing may
inaalagaang bata ang mga kasapi.

SI INTOY SYOKOY NG KALYE MARINO ni Eros Atalia

1. Sino ang amo ni Intoy?

a. Mang Kanor

b. Mang Isko

c. Mang Amor

d. Mang Eros

2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?

a. Bintoy

b. Intoy

c. Sintoy

d. Kintoy

3. Ano ang ibinibenta ni Intoy?

a. Tilapia

b. Tahong

c. Bangus

d. Hito

4. Isang babae na handang ikalakal ang dangal at puri para lamang malamnan ang kumakalam na sikmura at may
maipangtustos sa pamilya.

a. Duday

b. Kikay

c. Tipay

d. Doray

5. Saan ang tagpuan ng kwento?

a. Kalye Marino

b. Kalye Marinduke

c. Kalye Mangingisda

d. Kalye ng Tahungan
6. Sino ang may akda ng kwentong Si Intoy Syokoy?

a. Eris Atali

b. Erik Atalio

c. Ermi Atalia

d. Eros Atalia

7. Paano natuto si Intoy lumangoy?

a. Nagpaturo sa amo

b. Nagpaturo sa mga kaibigan

c. Nag-aral mag-isa

d. Nagpaturo sa mga kasamahang nagbebenta

8. Anong lungsod ang Kalye Marino?

a. Cavite

b. Pasay

c. Pasig

d. Cebu

9. Bakit tinawag na “Intoy Syokoy” si Intoy?

a. Dahil may kaibigan na syokoy

b. Dahil anak siya ng syokoy

c. Dahil para nga raw syokoy na nakakatagal sa ilalim ng dagat

d. Dahil nakatira sa ilalim ng dagat

10. Sino ang hindi tumatawag ng “syokoy” kay Intoy?

a. Mang Amor

b. Yeyeng Tikol

c. Bertong Baka

d. Doray

11. Ano ang tawag ng mga magtatahong sa peste na pumapatay sa kanilang kabuhayan?

a. Alig

b. Salig

c. Aging

d. Alit
12. Magkano ang benta nina Mang Amor at Intoy sa isang galon na tahong kapag tingi?

a. Bente singko

b. Trenta’y singko

c. Trenta’y sais

d. Bente sais

13. Ilang taon nang matuto lumangoy si Intoy?

a. Anim

b. Pito

c. Walo

d. Lima

14. Sino ang nagtulak kay Intoy palabas ng pantalan?

a. Yeyeng Tikol

b. Doray

c. Bertong Baka

d. Boyet Bagol

15. Ano ang dating bansag kay Intoy bago tawaging “Intoy Syokoy”?

a. Aso

b. Kambing

c. Ibon

d. Kuting

16. Sino ang mahilig mambabae?

a. Bertong Baka

b. Yeyeng Tikol

c. Intoy

d. Boyet Bagol

17. Sino ang isa sa malalapit na kaibigan ni Intoy?

a. Yeyeng Tikol

b. Doray

c. Boyet Bagol

d. Bertong Baka
18. Ano ang ibinibenta ni Doray?

a. Tahong

b. Talaba

c. Hipon

d. Kanyang tilapia

19. Sino ang pinapantasya ni Intoy?

a. Buday

b. Doray

c. Suday

d. Suray

20. Bakit tinawag na Kalye Marino ang lugar?

a. Dahil simulang gawing Base Militar ng mga Amerikano ang dulo ng kanilang lugar na pinangalanang Sangley Point
Naval Base. dumadaan ang mga sundalong Amerikano para maglabas-masok sa base

b. Dahil maraming namamasyal na mga amerikanong marino at naghahanap ng aasawahin

c. Dahil maraming mga tumatambay na mga magkasintahang amerikano at pilipino

d. Dahil may naganap na barilan at bombahan noong kapanahunan ng mga matatanda

TATLONG TEORYANG NAMAYANI

Ang realismo, istaylistiko at romantisismo. Realismo siya dahil sa sobrang hirap ng buhay ay kahit anong trabaho ay kayang pasukin
ng tao hindi na iniisip kung ito ba ay nakakabuti o hindi , basta magkaroon lamang ng pera. Laganap ang kahirapan ngayon sa ating
bansa kaya laganap din ang prostitusyon o mga trabaho na hindi mabubuti. Maraming tao ang kumakapit na sa patalim dahil pera’y
kailangan kahit ito paman ang magdala sa kanila sa kapahamakan o panganib. Nagpapakita ng istaylistiko dahil sa mga ibang ginamit
na wika, at yung paraan ng paglalarawan ng tauhan at tagpuan at may mga salita na ginamitan ng tayutay. Naging romantisismo rin ito
dahil nagpakita ng pag-alalay ng pag-ibig o emosyon sa kapwa.

TEORYANG MAS NAMAYANI

Ang realismo, dahil layunin ng panitikang ito na ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may akda sa kanyang lipunan.
Masasalamin natin dito sa akda kung ano ang mga kahirapang naranasan ng mga tauhan at ang kanilang ginawa upang ang
problema  ay mabigyan ng solusyon.  Ang kwentong ito ay kasalukuyang  nangyayari sa totoong buhay na kung saan ay maraming
mahihirap na kumakapit na sa patalim dahil sa mga suliraning

Si Joy Piso ni Benedick N. Damaso

1. Sino ang nag sulat ng kuwentong Joy Piso?


a. Benedick P. Damaso
b. Benedick L. Damaso
c. Benedick N. Damaso
d. Benidick N. Damaso
2. Sino ang payat, maiksi ang buhok, may mga butlig-butlig as braso at paa, pagala-gala, kinaawaan ngunit kadalasa'y
pinandidirihan, nanlilimos?
a. Joy Limang Piso
b. Joy Piso
c. Joy Tatlong Piso
d. Joy Dalawang Piso
3. Sino ang tauhan na hindi kabilang sa kuwento?
a. Lola Elang
b. Joy Piso
c. Nanay ni Benedick
d. Lola Ielang
4. Sino ang nag bigay ng pisong nahulog ni Joy Piso na tumilapon at tumulong sa kalye na naging dahilan upang habulin nita ito
sa gitna ng mga rumaragasang sasakyang?
a. Benedick Damaso
b. Benidick N. Damaso
c. Benidick Damaso
d. Benedick N. Damaso
5. Saan hango ang kuwento ni Joy Piso.
a. Hango ito sa tulay na katawan ni Joy Piso
b. Hango ito sa kalaganyan ni Joy Piso
c. Hango ito sa haka haka
d. Hango ito sa batang pulubi
6. Sino ang matandang kapitbahay na nag sabo na matalino raw si Joy Piso subalit sahil dito ay nabaliw siya?
a. Lola Eilang
b. Lola Ilang
c. Lola Eelang
d. Lola Elang
7. Saan pumunta ang nag ampon kay Joy Piso.
a. Europa
b. America
c. Espanya
d. Italy
8. Ano ang mga tinanong ni Benedick N. Damaso kay Joy Piso maliban sa isa?
a. Totoo bang mayaman ka dati
b. Taga saan ka
c. Nalulungkot ka rin ba
d. Paano ka naghirap
9. Madami akong tinanong pero ang naisagot niya lang sakin ay _______
a. Hindi
b. Oo
c. Wala
d. Iling
10. Ano ang hinihingi ni Joy Piso sa kalye?
a. Pagkain
b. Damit
c. Piso
d. Tubig
11. Ano ang trabaho ng pangunahing karakter as kuwento?
a. Nanlilimos (humihingi ng piso)
b. Taga linis ng sasakyan
c. Nag bebenta ng damit
d. Katulong
12. Sabi ng iba, tungkol kay Joy Piso ay may anak na daw siya, nabuntis siya ng isang _______ na sinamahan niya dati.
a. Kasamang nanlilimos
b. Kaibigan
c. Drug addict
d. Isang mayanan
13. Pagkatapos niyang isilang ang bata, kinuha ito at bumalik siya rita sa ______.
a. Palengke
b. Castillejos
c. Kalsada
d. Tapat ng paraan na malapit sa kalye
14. Sino ang pangunahing karakter sa kuwento?
a. Lola Elang
b. Benedick N. Damaso
c. Joy Limang Piso
d. Joy Piso
15. Pag labas ko noon ng _______ nakita ko si Joy Piso.
a. Simbahan
b. Paaralan
c. Palengke
d. Bahay
16. Sino ang nag patuloy sa kanyang bahay at dito na tumitira si Joy Piso.
a. Kanila Lola Elang
b. Kanila Benedick
c. Sa silong ng tulay
d. Sa isang matandang nag iisa
17. Saan ang Tagpuan ng kuwento?
a. Sa tapat ng paaralan ng malapit sa kalye
b. Palengke
c. Simbahan
d. Sa tulay
18. Sino ang nagrereklamo as taas ng mga bilhin?
a. Lola Elang
b. Nanay ni Benedick
c. Joy Piso
d. Benedick N. Damaso
19. Si Joy Piso dati, ngayon ay Joy _______ na.
a. Dalawang Piso
b. Sampung Piso
c. Limang Piso
d. Tatlong Piso
20. Ano ang ibibigay dapat ni Benedic kay joy, na nasa bulza pa rin niya.
a. Piso
b. Limang Piso
c. Pagkain
d. Sampung Piso

Tatlong namamayaning teorya sa kuwento:

IMAHISMO

Dahil sa simula palang ay nabangit na ang piso kaya doon nag simula ang kuwento ni Joy Piso.

ARKETAYPAL

Kasi sa title na Joy Piso ay gumamit na ng symbol, dahil ang pangalan palangna Joy ay ang ibig sabihin ay ligaya. Pero
mukhang malayo sa katotohanan ang pangalan ni Joy sa nararanasan niya.

HERMENYUTIKS

Dahil sa simula palang ng kuwento ay may mga haka-haka na tungkol kay Joy na sabi ng iba inampon siya ng isang
mayaman na mag asawa nong siya ay bata pa. Sabi ng iba na may anak na daw siya and nabuntis ng isang drug addict na sinamahan
niya.
Pinaka namamayaning Teorya sa Kuwento:

HERMENYUTIKS

Ang pinaka namamayaning teorya at ang hermenyutiks dahil sa madaming tinanong ni Benedick N. Damaso kay Joy Piso
kung totoo bang mayaman dati at kung totoo bang nabuntis and nagkaanak siya, pero iling lang ang naisagot niya. Kaya yung mga
sinasabi nilang haka haka tungkol kay Joy ay hindi pa napatunayan dahil hindi nasagot ang mga katanongan ni Benedick dahil iling
lang ang naisagot ni Joy.

Si Pinkaw (Maikling Kuwentong Hiligaynon)

Isabelo S. Sobrevega

Naalimpungatan ako sa pagtulog nang hapong iyon sa sigawan at nanunuyang tawanan ng mga bata sa kalsada. Dali-dali
akong bumangon, nagpahid ng pawis at dumungaw sa bintana. Si Pinkaw pala na sinusundan ng mga bata. Gula-gulanit
ang kanyang damit na ilang ulit nang tinagpian at may medyas ang isang paa na ewan kung asul o berde. Malayo siya
kaya’t di ko makita nang mabuti. Sa kabilang binti, may nakataling pulang papel de Hapon na may kabit na lata sa dulo.
Sa kanyang ulo, may nakapatong na palara na kumikinang tuwing tinatamaan ng sinag ng araw.

“Hoy, Pinkaw,” sigaw ng isang bata na nakasundong abot sa tuhod at may itinatawing-tawing sa daga.

“Sige nga, kumanta ka ng blak is blak.”

“Ay, hiya ako,” nag-aatubiling sagot ng babae, sabay subo sa daliri.

“Kung ayaw mo, aagawin namin ang anak mo,” nakangising sabat ng pinakamalaki sa lahat, mahaba ang buhok at
nakakorto lamang. At umambang aagawin ang karga ni Pinkaw. Umatras ang babae at hinigpitan pa ang yapos sa
kanyang karga.

“Sige agawin natin ang kanyang anak,” sabi nilang pahalakhak habang pasayaw-sayaw na pinalilibutan si Pinkaw. Maya-
maya’y nakita kong lumuhod si Pinkaw sa lupa at nag-iiyak na parang bata.

“Huwag niyo namang kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa meyor.”

Patuloy pa rin ang panunudyo ng mga bata kahit na lumakas ang hagulhol ni Pinkaw. Nakadama ako ng pagkaawa kay
Pinkaw at pagkainis sa mga bata. Kaya’t sumigaw ako para takutin sila.

“Hoy mga bata, salbahe n’yo! Tigilan n’yo ang pagtukso sa kanya.”
Ewan kung sa lakas ng pagsigaw ko’y natakot ang mga batang isa-isang nag-aalisan. Pagkaalis nila, tumingala si Pinkaw sa
akin at nagsabi:

“Meyor, kukunin nila ang aking anak.”

Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti. May koronel, may sergeant, may senador siyang tawag sa akin. Ngayon meyor na
naman.

“O sige, hindi na nila kukunin yan. Huwag ka nang umiyak.”

Ngumiti siya sa akin. Inihele ang kanyang karga. Nahulog ang basahang ibinalot sa lata ng biskwit. Dali-dali niya itong
pinulot at muling ibinalot sa lata.

“Hele, hele tulog muna, wala dito ang iyong ina…” ang kayang kanta habang ang lata’y ipinaghele at siya’y patiyad na
nagsasayaw. Natigilan ako. At naalala ko ang Pinkaw na dati naming kapitbahay sa tambakan, nang hindi pa siya ganito.
Ang paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (sa amin ang tambakan ng syudad) at dito nagmumula ang
kanyang makakain, magagamit o maipagbili. Madalas siyang umawit dati-rati. Hindi naman kagandahan ang kanyang
tinig -basag at boses-lalaki. Subalit kung may ano itong gayuma na bumabalani sa pandinig. Ewan kung dahil sa tila
malungkot na tinig ng kanyang paghehele o kung dahil sa pagtataka sa kanyang kasiyahan gayong isa lamang siyang
naghahalukay ng basura.

Kadalasan, oras na ng pananghalian kung siya’y umuwi mula sa tambakan. Ang kariton niya’y puno ng kartong papel,
bote, mga sirang sapatos, at sa loob ng bag na buri na nakasabit sa gilid ng kanyang kariton, makikita mo ang kanyang
pananghalian. Ito’y mga tira-tirang sadinas, karne norte o kaya’y pork and beans , pandesal na kadalasa’y nakagatan na
at kung minsan, kung sinuswerte, may buto ng fried chicken na may lamang nakadikit. Sa kanyang yayat na katawan
masasabing tunay na mabigat ang kanyang tinutulak, ngunit magugulat ka, tila nagagaanan siya at nakakakanta pa ng
kundimang Bisaya.

Pagdating niya sa harap ng kanilang barung-barong, agad niyang tatawagin ang kanyang mga anak:

“Poray, Basing, Takoy, nandito na ako.” At ang mga ito’y dali-daling magtatakbuhan pasalubong sa kanya habang hindi
makaringgan sa pagtatanong kung may uwi ba raw siyang dyens na estretsibol; ano ang kanilang pananghalian, nakabili
ba raw siya ng bitsukoy?

Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit hindi ko man lamang nalaman ang kanyang tunay na pangalan. Pinkaw
ang tawag ng lahat sa kanya, b’yuda na s’ya. Namatay ang kanyang asawa sa sakit ng epilepsy habang dinadala niya sa
kanyang sinapupunan ang bunsong anak. Samantala, si Pisyang Tahur ay sumusumpa sa kanyang paboritong santo na
hindi raw kailanman nakasal si Pinkaw. Iba-iba raw ang ama ng kanyang tatlong anak. Ang kanyang panganay, si Poray,
ay labis na mataas para sa kanyang gulang na labintatlong taon at masyadong payat. Tuwing makikita mo itong nakasuot
ng estretsibol na dala ng ina mula sa tambakan, maaalala mo agad ang panakot-uwak sa maisan. Si Basing, ang
sumunod, sungi ngunit mahilig pang pumangos ng tubo gayong umaagos lamang ang katas sa biyak ng kayang labi. Ang
bunsong ewan kung tatlong taon pa lamang ay maputi at guwapung-gwapo. Ibang-iba sa kanyang mga kapatid kaya kung
minsa’y naisip mong totoo nga ang sinasabi ni Pisyang Tahur.

Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pinkaw ang mga laman ng kariton, ihihiwalay ang mga lata, mga bote, mga
kariton at iba pang nakalagay rito na napulot sa tambakan katulong ang kayang mga anak. Kinasanayan na ni Pinkaw na
umawit habang gumagawa. Kung minsan, sumasabay ang kanyang mga anak at ang sungi ang siyang may pinakamataas
na tinig,. Pagkatapos, itutulak na niya ang kariton patungo sa Tsino na tagabili.

Talagang mahal ni Pinkaw ang kanyang mga anak. Sa tambakan, karaniwang makikita mo na sinasaktan ng mga ina ang
kanilang mga anak, ngunit hindi mo man lamang makikita si Pinkaw na inaambahan ang kanyang mga anak.

“Ang mga bata,” nasabi niyang minsang bumili siya ng tuyo sa talipapa at nakitang pinapalo ng isang ina ang maliit na
anak na nahuli nitong tumitingin sa malalaswang larawan, “hindi kailangang paluin, sapat nang turuan sila nang
malumanay. Iba ang batang nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang mga bata, kung saktan,
susunod sa iyo subalit magrerebelde at magkimkim ng sama ng loob.”

Sa tunggalian ng pamumuhay sa tambakan , ang isang tao’y handang tumapak sa ilong ng kapwa tao upang mabuhay
lamang. Nakapagtataka ang katangian ni Pinkaw. Lubha siyang matulungin lalo na sa katulad niyang naghahalukay
lamang ng basura. Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba lalo na ng mga bata at matatanda.
Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing Linggo hindi kukulangin sa piseta (biente sentimos) ang kayang ipinamamahagi
sa mga nagpapalimos. Alam ng lahat sa tambakan ang pangyayaring ito. Minsan, nagkasakit ng El Tor ang sunging anak ni
Pinkaw. Nagtungo ang babae sa suking Tsino. Nakiusap na pautangin siya. Magpapahiram naman daw ang Tsino ngunit
sa isang kondisyon. Bukambibig na ang pagkagahaman sa babae ng Tsino na ito: pinagdugtung-dugtong ng mga taga-
tambakan kung ano ang kondisyong iyon sapagkat wala naman talagang nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Nalaman na
ng lahat ang mga naganap; ang pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pinkaw sa ulo ng Tsino.

Hindi rin nadala ni Pinkaw ang kanyang anak sa doktor. Pag-uwi niya, naglaga siya ng dahon ng bayabas at ipinainom sa
anak. Iyon na lamang ang nakapagpabuti sa bata.

“Nagpapakita rin na may awa ang Diyos. Kung ninais Niyang mamatay ang aking anak, sana’y namatay na. Ngunit dahil
naisip pa Niyang mabuhay ito, nabuhay rin kahit hindi naipadoktor,” ang sabi ni Pinkaw nang magpunta siya sa talipapa
bago pa man gumaling ang kanyang anak.

Minsang nag-uusap ang mga nagsisipagtipon sa talipapa tungkol sa bigas relip, at iba pang bagay na ipinamimigay ng
ahensya na nangangalaga sa mga mahihirap. Sumabat si Pinkaw na nagkataong naroroon, “Bakit iaasa ko pa sa ahensya
ang aking pamumuhay?
Malusog at masigla pa naman ako sa pagtutulak ng aking kariton upang tulungan. Marami pa riyang iba na higit na
nararapat tulungan. Ang hirap lang sa ating pamahalaan, kung sino ang dapat tulungan ay hindi tinutulungan. Ngunit ang
ibang mabuti naman ang pamumuhay, sila pa ang nakatatanggap ng tulong. Kabaliwan…”

Iyan si Pinkaw. Kontento na siya sa kanyang naabot sa buhay. Naganap ang sumunod na pangyayari kay Pinkaw nang
ako’y nasa bahay ng aking kapatid na may sakit. Isinalaysay ito ng aking mga kapitbahay pagbalik ko, at matinding galit
ang aking nadama.

Isang araw, matapos silang mag-agahan ng kaynang mga anak, bigla na lamang namilipit ang mga bata sa sakit sa tiyan.
Ewan kung dahil sa sardines o sa kung ano mang panis na kanilang nakain.

Natuliro si Pinkaw. Nagsisigaw. Tumakbo siya sa mga kapitbahay upang humingi ng tulong. Ngunit wala silang maitulong
maliban sa pagsabihan siyang kailangan dalhin ang mga anak sa ospital.

Walang nagdaraang mga saasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni Pinkaw ang kanyang mga anak. Nagtungo
siya sa bahay ng isang doktor na malapit lamang, ngunit wala ang doktor at naglalaro ng golp, ayon sa katulong.

Itinulak niyang muli ang kariton at nagpunta sa bahay ng isa pang doktor. Matagal siyang tumimbre nakita niyang may
sumisilip-silip sa bintana.

Kaya naguguluhang itinulak na naman ni Pinkaw ang kanyang kariton papuntang bayan. May doktor doon ngunit wala
namang gamut para sa nalason.

Halos hindi makakilos sa pagod si Pinkaw, bukod pa sa kanyang lubhang pagkalumbay sa pagiging maramot ng
kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton.

Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan ang kanyang pinahinto upang isakay ang kanyang mga may
sakit na anak ngunit wala ni isa sa mga ito ang tumigil. Maya-maya napansin niyang hindi na kumikilos ang kanyang
panganay. Para siyang sinakluban ng langit nang mabatid niyang hindi na ito humihinga. Umiiyak siyang nagpatuloy sa
pagtulak ng kariton para iligtas ang buhay ng natitira pa niyang dalawang anak. Maraming tao ang may pagkamanghang
nagmasid sa kanya, subalit wala kahit isa mang lumapit upang tumulong. Tumalbug-talbog ang katawan ng kanyang mga
anak sa kariton habang nagdaraan ito sa mga lubak-lubak ng kalsada.

Pakiramdam niya’y isang daang taon na siya nang makarating sa pambansang ospital. Matapos ang pagtuturuan ng mga
doktor at narses na ang tinitingnan lamang ay mga pasyenteng mayayaman na wala namang sakit, binigyan din ng gamut
ang dalawang anak ni Pinkaw.
Nang gumabi’y namatay si Poray, ang pinakamatanda. Dalawang araw pa ang lumipas, sumunod namang namatay ang
bunso. Nakarinig na naman ako ng kaguluhan. Muli akong dumungaw.

Si Pinkaw na nagbalik, sinusundan na naman ng mga pilyong bata. “Hele-hele, tulog muna, wala dito ang iyong nanay…”
ang kanta niya, habang ipinaghehele ang binihisang lata

Di Masilip Ang Langit ni Benjamin P. Pascual (Maikling Kwento)

1981 Palanca Awards

– at pag-iinitan ka pa. Bago ka pa lang dito, pare. Yan ang unang matututuhan mo dito sa ob-lo pagtagal-tagal mo.

Umiiyak kanina ang waswas ko, pare. Isi ka lang, sabi ko. Ito ang kapalaran natin, e. Naawa siguro sa ‘kin. Matagal nang
ito ang haybol ko at bibilang pa ng maraming taon na ito ang haybol ko. Sabi ko naman, ayaw ka ba n’on, konkreto ang
bahay ko at ginugwardiyahan pa ng les-pu? Nagpapatawa lang ako, pare lungkot din ako. Sabik na ako sa laya, pare.
Naaawa na rin ako sa waswas ko na di ko alam kung paano nabubuhay ngayong narito ako sa ob-lo.

Pare, sindihan mo yan. Huwag mo lang ipapatanaw ang baga sa labas. Takpan mo ng lukong ng palad mo.

Anong kaso mo pare? Arson, pare. Ha-Ha-ha! Isang ospital ang sinunog ko – o pinagtangkaang sunugin. Dahil hindi
nasunog lahat, pare. Tersiya parte lang ng bilding ang kinain ng apoy.

Hindi ka siguro maniniwala, pare. Kami ang gumawa ng ospital na iyon. Sa Quezon City ‘yun, pare. Yong pribadong
ospital na ari ng magkapatid na mestisong instik, Lim ang apelyido. Ang ibig kong sabihin, pare. isa ako sa mga peon,
‘yung nagtayo n’on, kantero ‘ko pare — ‘yon bang tagahalo ng semento.

Nang magawa namin yon pare, para ‘kong pintor na nakagawa ng obra maestra. Gano’n pala ang mararamdaman mo
pag nakagawa ka, pag nakabuo ka ng isang magandang bagay. ‘Yon lang kasi ang magandang bagay na nagawa ko sa
buong buhay ko. Alam ko, ang arkitekto ang nagplano n’on, pero, isa ‘ko sa mga gumawa. Kung masasabi niyang siyang
gumawa n’on, masasabi ko rin na ako. paano mo matatayo ang isang bilding pare, kung wala kang tagahalo ng semento?
Di mo ‘yon maitatayo sa pamamagitan ng lapis at papel lang.

Nang mayari namin ‘yon pare, di ko pagsawaang tingnan. Paulit-ulit kong minasdan. Lalagay ako sa malayo, sa harapan,
at hahagurin ko ng tingin. Papa’no parang isang magandang babae, pare na maya’t maya’y gustong mong ukulan na
humahanga at nagmamalaking tingin dahil alam mong mga kamay mo ang katulong na gumawa at bumuo.

At ito ang pinagtangkaan kong sunugin, pare! Ha-Ha! Sasabihin ko sa ‘yo kung bakit. Uumpisahan ko sa simula.

Mahigit na ‘sang taon naming ginawa ang ospital na ‘yon pare. Nang mayari ang pundasyon, marami sa mga kasamahan
ko ang doon na natutulog. Alam mo na, para makatipid sa pasahe. Nang malaon, sinabi ko ke Luding — Luding ang
pangalan ng waswas ko, pare — na do’n na rin ako matutulog, kasi kahit na nasa Quezon City rin kami nakatira e malayo
sa amin ang ginagawang bilding, kailangan magdalawang sakay ka sa bus at dyip.
“Sige” sabi ng waswas ko.”Nang makatipid tayo ng kontisa gastos” Kasi pare, minimum lang ang pagana sa ‘kin sa
ginagawang ospital. Ang minimum no’n disiotso, hustong-husto lang sa pagkain at pangangailangan naming mag-asawa.

Sasabihin Ko muna sa ‘yo Kung saan kami nakatira no’n, pare. Ang haybol namin no’n e hindi talagang bahay kundi isang
maliit na kubo, mas tama sigurong tawaging barung-barung ‘yon, dahil mas marami ang yero – na unti-unti naming
naitayo sa isang bakanteng lote sa tabi ng isang bagong tayo ring subdibisyon. Pinsan ng waswas ko ang inhenyerong
nagtayo ng subdibisyon at napakiusap namin sa kanyang bakanteng ngang loteng ‘yon, na di na sakop ng lupa ng
subdibisyon, na kaibigan naman ng inhiyerong pinsan ng waswas ko. Ang ibig ko lang sabhin dito, pare, legal naman ang
pagkatira sa subdibisyon, hindi kami talagang iskwater na basta na lang nagtayo ng bahay, sa lupa ng me lupa. Sabihing
nakatira, pero hindi iskwater.

Ang hirap ng lagay namin do’n pare. Para kaming etat, sa tabi ng isang basong gatas. Bakit e medyo maaskad ang kara
ko. Kung tingnan ako ng mayayamang taga sabdibisyon e parang bang sa anumang sandali’y lolooban ko ang malaki at
magaganda nilang bahay. Ang talagang dahilan lang nama’y nakakapagpapangit ang aming barung-barong, sa tingin, sa
magaganda nilang bahay sa sabdibisyon at ibig nilang kami’y umalis.

Hirap kami no’n, pare. Ang layo ng iniigiban ko ng tubig. Wala pang ilaw. Ayaw kaming pakabitin ng koryente sa
sabdibisyon. Ang ibig nga nila’y Kami’y umalis.

Sa itinatayong bilding na nga ako natutulog at umuuwi lang kung Sabado ng hapon. Me kasama naman sa bahay ang
waswas ko, ang kanyang ina na nakapisan na sa amin mula pa nang kami’y ikasal. kung gabi, masaya kami sa ginagawang
bilding. Me magpa¬pabili ng kuwatro kantos at pararaanin namin ang mga oras sa kantahan at kwentuhan. O gagalain
namin ang buong bilding na kung baga sa tao e kalansay pa lang. Ang pasikot-sikot ng bilding e alam na alam namin,
pare, na parang guhit ng aming palad.

Nang matapos na ang bilding – nang matapos na, ang ibig kong sabihin at me doktor na at me tumatanggap na ng
pasyente – siya namang pagbubuntis ng waswas ko. ‘Yon ang una naming anak, pare. Wala pa kaming ‘sang taong kasal
nang umpisahan naming gawin ang ospital.

“Hanggang Maagay magplano tayo”, sabi ko sa waswas ko isang gabi, at sinabi ko sa kanya na mabuti siguro’y sa ospital
na itinayo namin siya manganak.

“Mahal roon,” sabi ng waswas ko. “Mayayaman lang ang nanganganak at nagpapagamot doon.”

“Me pri ward doon”, sabi ko naman.

“Hindi ko alam”,sabi niya.

“Alam ko”, sabi ko. kailangan ‘yon. kami ang gumagawa no’n, di ba? Gamot at pagkain lang ang babayaran mo sa pri
ward doon at konting donasyon na ibibigay.”

“Ikaw, kung gusto mong do’n ako manganak e di do’n” sabi ng waswas ko.

“Meron ka bang alam na ibang ospital na maari mong pangana¬kan?” , sabi ko.

Tumingin lang sa akin ang waswas ko at hindi sumagot. Alam na niya na ang pinakamalapit na ospital sa ‘min e ang
ginawa namin. Me ilang ospital naman na me pri ward din, pero iyo’y malayo na sa amin o nasa maynila na.
Wala pa ‘kong masasabi sa ‘yo tungkol sa waswas ko. Mabait siya, pare. Siya ‘yong kung sisigawan mo’y tatalungko na
lang sa isang sulok. Sunud-sunuran sa gusto ko, pare. Maganda pa. nakita mo naman sa bisitor rum kanina. Me mukha
naman, di ba?

Tayung-tayo pa ang suso, di ba? Pagkatapos naming mag-usap ng waswas ko kung saan siya manganganak, Isang araw
na napagawi ako sa ospital na ginawa namin e nagtuloy ako sa loob. Wala naman akong ipapagamot. Gusto ko lang mag-
usisa, mag-usyoso. Ginala ko ulit ang palibot, sinundan ng tinginang nagsasalimbayang mga nars at doktor. Pare, gusto
kong sabihin sa lahat ng tao ro’n na isa ‘ko sa mga gumawa no’n.

Sa madaling salita’y lumaki at lumaki ang tiyan ng waswas ko. Nang walong buwan na ang kanyang kabuntisan e ping-
uusapan uli namin ang kanyang panganganak. Para kaming nagdidril kung ano ang gagawin kung magkakasunog.
Sabagay, kailangan ‘yon. Malayo ang subdibisyong aming iniiskwat sa kalsada na daanaan ng mga sasakyan. kaya halos
lahat ng taga subdibisyon e me kotse.

“Pa’no kung dumating ang oras ng manganganak kang wala ako rito sa bahay?” tanong ko ke Luding. Mangyayari lang
‘yon, pare sa araw na nasa trabaho ako. Me ginagawa kaming bahay no’n sa Pasay.

“Lalakad ako hanggang sa abangan ng sasakyan at tatawag ng dyip o taksi at magpapahatid sa ospital,” sabi ng waswas
ko.

“Makaya mo kayang lumakad hanggang sa kalsada?” tanong ko.

“Kakayanin ko,” sabi niya.

“Pa’no kung di mo makaya?” sabi ko. “Pa’no kung mapanganak ka sa daan?”

“Bahala na,” sabi niya.

“Sana’y narito ‘ko pag nanganak ka na,” sabi ko.

Tumawa ang waswas ko at ang sabi, “Di ganon din ‘yon. Maglalakad din ako hanggang sa abangan ng sasakyan.” “iba
talaga ‘yung narito ‘ko,”sabi ko.

“Sabagay,”sabi niya.

“Sana’y sa gabi ka manganak,” sabi ko. “Narito ‘ko.

Huwag lang sa hating-gabi o madaling araw. Baka mahirapan tayong makakita ng taksing maghahatid sa ‘tin sa ospital.”

Naging problema sa ‘kin ang panganganak ng waswas ko. Unang anak ko ‘yon, pare, unang pagkakataon na magiging
tatay ako. Maiintindihan mo naman siguro kung bakit gano’n na lang ang paghahangad kong malagay sa ayos ang
panganganak niya, huwag malagay sa panganib ang aming magiging anak.
Pare,halos gabi-gabi’y pinag-uusapan namin kung ano ang ipapangalan sa aming magiging anak. Ang waswas ko’y
mahilig sa mga pangalang Amer’kano at gusto niya ang mga pangalang Michael at Leonard at Robert, kung lalaki ang
bata at kung babae nama’y gusto niya ang pangalang Elizabeth at Jocelyn at Roda. Ang gusto ko nama’y Lualhati, kung
babae ang bata, at Joselito kung lalaki. Me kapatid kasi akong namatay na Jose ang pangalan at ikinabit ko ang Lito dahil
‘yon ang gusto kung maging palayaw n’ya Paboritong ko kasing artista si Lito Lapid, pare, Gaya ng nasabi ko na, sunod-
sunuran sa ‘kin ang waswas ko at nagkasundo kami sa pangalang gusto ko.

Me isa pang dahilan kung bakit ayokong malagay sa panganib ang buhay ng aming magiging anak, pare. Gustong-gusto
ng waswas ko ang kanyang pagbubuntis. Ang ibig kong sabihin pare, gustong-gusto niyang maging ina.
Napapakiramdaman ko ‘yon sa ‘ming mga pag-uusap tungkol sa batang isisilang, kung nagsasabi siya ng mga pangalang
Amer-kano na ibig niya para sa bata, kung pinag-uusapan namin kung saan pag-aaralin ang bata. Likas lang siguro ‘yon sa
bawat babae. Bawat babae’y gustong maging ina. At ayokong maging sentimental, pare. Ang gusto ko sa waswas ko’y
natural din sa mga lalaki, di ba?

Nobyembre, manganganak ang waswas ko at alam ko kung papasok ang buwang ito. Matatapos pa lang ang Oktubre,
namumulaklak na ang talahib sa pagpasok ng Nobyembre at sa panganganak ng waswas ko.

Pumasok ang Nobyembre, nakaipon na ‘ko ng sandaang piso. Sa gaya kong nagkakantero lang, pare, hindi madaling
mag-ipon ng sandaang piso na ilalabas mo sa gastusan sa bahay. Kinakailan¬gang awasin ko yon, nang unti-unti, sa
gastos ko sa pagkain sa tanghali, sa paghinto muna sa paninigarilyo, sa hindi muna pagto¬ma. Pare, kung minsa,y
nagpupunta sa birhaws o sa putahan ang mga kasama ko pero nagtiis akong maiwan sa ginagawang bilding. Tinipid kong
talaga nang husto ang sarili ko, pare. Ang sandaang pisong ‘yon e inilaan ko sa biglaang pagkakagastusan, gaya ng
ibabayad sa taksi kung dadalhin na sa ospital si Luding, o bayad sa ospital kasi nga’y me pagbabayaran ka rin sa ospital
kahit pri ward.

Nasa trabaho ‘ko pare, nang magdamdam ang waswas ko. Umaga no’n. Ang pangyayari’y hindi ko nakita. Ikinuwento na
lang sa ‘kin ng waswas ko kinagabihang puntahan ko siya sa ospital. Gan’to, pare. Isang oras pagkaalis ko ng bahay,
sumakit ang tiyan ng waswas ko – talagang oras na ng panganganak niya, naramdaman niya. Hindi niya ‘ko matawagan
sa telepono – siyempre walang telepono sa bahay na ginagawa namin. Hindi naman daw niya mautusan ang nanay niya
na puntahan ako at pasabihan. Medyo engot ang matanda, pare, aanga-anga at mahina pa ang tenga. Sinabi na lang niya
sa nanay niya na pumirme sa bahay at pupunta na siyang mag-isa sa ospital. Lalakad siya hanggang sa kalsada, gaya ng
usapan namin, at sasakay sa dyip o taksi at magpapahatid sa ospital. Me pantaksi siya. Lagi siyang may nakahandang
pantaksi na ibinigay ko sa kanya mula sa sandaang naipon ko.

Nang naglalakad na ang waswas ko sa mga kalye ng subdibisy¬on, pasiyorkat sa abangan ng sasakyan, bigla raw humilab
ang tiyan at hindi siya makalakad. Napilitan siyang lumapit sa isang malaking bahay do’n na ari ng isang taga-BIR na ang
pangla’y Mr. Cajucom, na me kotse, at kumatok siya nang kumatok at tumawag nang tumawag sa geyt. Ang lumabas,
pare, e ‘yong asawa ni Mr. Cajucom, na ito at tinanong siya kung bakit. Sabi ng waswas ko’y manganganak na siya at
kung maaari’y makikiangkas sa kotse at padadaan sa ospital.

“Kumakain pa, e”, sabi raw ni Miss Cajucom

Biruin mo ‘yon, pare? Kumakain pa raw! Pare, akong may kotse at me nagsasabi sa ‘kin na ang kapitbahay ko’y
manganganak, maski na ‘ko nasa ibabaw ng waswas ko’y, babangon ako at uunahin kong asikasuhin ‘yung
manganganak. Pero, pare, kumakain pa raw! Hindi man lang pumasok at sinabi ro’n sa asawa na ang waswas ko’y nasa
labas at parang asong naghahanap ng mapapanganakan!
‘Mapapanganak na ‘ata ‘ko , Misis”, sabi raw ng asawa ko. “Baka di na ko umabot sa ospital.”

Buti na lang at lumabas si Mr. Cajucom at nakita ang waswas ko. Naawa naman siguro – o baka nisip na kargo de
konsensiya niya kung mamamatay ang waswas ko sa labas ng kanyang geyt – iniwan ni Mr. Cajucom ang pagkain at agad
daw nagbihis, pinasakay sa kotse ang waswas ko at isinugod sa ospital. Ang totoo, pare, nag-oopisina ang Mr. Cojucom
na ito. Hindi naman niya kailangan ihatid sa ospital ang waswas ko, kailangan idaan lang niya sa ospital sa pagpasok niya
sa opisina.

Eto na ang masakit, pare. Kung sa iyo nangyari ‘to e baka nakapatay ka ng tao.

Sasabihin ko muna sa ‘yo kung anong kotse meron ang Mr. Cojucom na ‘to, pare. Mustang ‘yon, pare, erkondisyon at
bago. Malalaman mo naman kung bago ang kotse dahil sa plaka, di ba? Ang gara pare, kulay berde. Nakikita ko ang
kotseng ‘yon pag gumagala si Mr. Cajucom sa loob ng subdibisyon. Pare, kahit sa layong isang kilometro, masasabi mong
ang me are no’n e hindi basta-bastang tao. Maatik, ibig kong sabihin.

Eto na pare. Nang dumating na sila sa ospital, sabi ng waswas ko – sa ospital na ginawa namin, pare – salubungan daw sa
kanila ang mga nars at attendant. Akala siguro, pare, misis ni Mr. Cajucom ang waswas ko.

Bumaba raw ng kotse ang waswas ko, sapo ang parang babagsak niyang tiyan, at sabi raw ke Mr. Cajucom: “Salamat ho,
Mr. Cajucom”, at no’n siguro nalaman ng mga sumalubong na ang waswas ko’y nakiangkas lang sa kotse, “Sa pri ward
lang ako”.

Pare, isa-isa raw tumalikod ang mga nars at attendants. Me natira namang isang nars, na sabi raw sa waswas ko:
“Titingnan ko ho kung me bakante, maghihintay muna kayo ro’n”.

Maghintay muna raw, pare. Namimilipit na ang waswas ko sa sakit ng tiyan. maghintay raw muna.

Naupo ang waswas ko sa lobi at naghihintay. At nakalimutan na siya pare. Sinabi kong nakalimutan, pero ang dapat
‘atang sinabi ko’y hindi inintindi. Dahil beinte minutos pa ang naka¬raan, sabi ng waswas ko, e hindi pa rin sumisipot ang
nars na nagsabi sa kanya na maghintay siya ro’n.

Malungkot, pare. Do’n na napanganak ang waswas ko, at ang pagkaguluhan siya ng mga nars at doktor at isakay sa
estretser at isugod sa elebeytor para dalhin sa emerdiyensi rum. Eh huli na patay na ang bata. Bopol ako sa ingles pare,
mahina ‘ko riyan at wala ‘kong naiintindihan sa mga salitang ingles na sinabi nila na siyang dahilan raw ng pagkamatay
ng bata. Pero ang waswas ko pa rin ang pinaniniwalaan ko. Sabi ng waswas ko’y namatay ang aking anak dahil bumagsak
sa semento. Simpleng-simple. pare. Bumagsak sa semento.

Nakita ko ang bata, pare. Nang gabing iyon ng sumugod ako sa ospital pagkagaling sa bahay. Nakapagpapaalala, pare, sa
isang kuting na nabalian ng leeg. Kuting, pare. pusa. Napaiyak ako, pare.

Pare, mamamatay ba ang batang ‘yon kung halimbawang ang asawa ng waswas ko’y si Mr. Cajucom? Kung halimbawang
kame ang me are ng mustang?

At nangyari yon. Pare, sa ospital na ang mga kamay ko ang katulong na gumawa. Masakit, pare!
Nang gabing ‘yon, sa priward, pare – iyak nang iyak ang waswas ko. Gusto raw niyang maghabol. Hindi raw niya
mapapaya¬gang mamatay ng gano’n na lang ang aming anak. Sabi ko’y ano ang magagawa namin? Mapapalabas ba
naming kasalanan ng ospital kung nanganak siya sa paghihintay sa lobi? Pinaghintay naman siya. di ba? At ang ospital e
maraming pera sa husgado, kami’y wala. Inalo ko na lang waswas ko. Pare, nagtawa pa ‘ko. Sabi ko’y gagawa uli kami ng
beybi. Gagabigabihin namin, sabi ko. Pero ngitngit ako, pare. Iyak ng iyak ang misis ko. Kawawa naman daw ang aming
anak.

Babae ang bata, pare.

Eto pa ang isa na talaga namang nakakaasar, pare. Kinabukasan ng gabing youn sumugod ako sa ospital, kinuha ko ang
patay na bata at ibinurol sa aming bahay. Kinabukasa’y nagbalik ako para ilabas ang waswas ko. Ayaw ni Luding na
magtagal do’n, pare, at naiitindihan mo siguro kung bakit. Isa pa’y inaalala niya na baka lumaki ang babayaran. At gano’n
nga ang nangyari, pare. Nang pinaghahanda ko na ang waswas ko sa paglabas, sinabi sa ‘kin ng isang nars na pumunta
raw muna ako sa kahero at babayaran ko ang dapat bayaran. Nagpunta naman ako. Pare, ang pinababayaran sa ‘kin sa
ospital, sa gamot daw at sa pagkain at sa kuwarto e dos sientos beinte! Pare para ke pang naging pri- ward ‘to kung
magbabayad din ako ng ganitong kalaki? Halos naisigaw ko sa kahero. Hindi ngayo’t priward ang tinigilan ng asawa mo e
pri ward na lahat. Sabi naman ng kahero, pare. Gusto kong mandagok!

Ang dala kong pera’y sisenta pesos – ang beinte pesos ng sandaan ko’y ibinigay ko nga ke Luding at ang iba’y di ko alam
paano nagasta ibinayad ko yon sa kahero at nangako ako – pumirma ako promissori not ‘ata ang tawag don’n – na bukas
e babayaran ko ang kakulangan. Dahil namatay ang bata, pumayag na rin ang ospital. Saka ko pa lang nailabas ang
waswas ko.

Ayokong maawa sa sarili, pare. Hindi raw dapat sa tao yang maawa ka sa sarili dahil pag naawa ka sa sarili mo e maiingit
at mamumuhi ka naman sa iba, na hindi raw dapat. Pero nang gabing ‘yong nakaburol ang anak ko at patulo nang patulo
ng luha ang waswas ko e gano’n ang nararamdaman ko. Pare, ni walang umilaw sa patay ng sanggol kundi dalawang
kandila na inalagay namin ni Luding sa ulunan at paanan ng kabaong. Hindi namin magawang makikabit ng koryente sa
pinakamalapit na bahay sa subdibisyon, dahil baka kami tanggihan at pumayag man ang bahay na ‘yon e kailangang
bumili rin kami ng kordon at iba pang gamit, na baka hindi na kaya ng bulsa ko. Ang ibinayad namin sa ataul e inutang ko
lang sa me ari ng bahay na aming gingagawa, Me mga kasama ako sa trabaho at kaibigan na nag-abot sa ‘kin ng sampu,
lima, dalawa, pero iniukol ko ‘yon sa gagastusin sa libing at sa dapat ko pang bayaran sa ospital. Awang-awa ako sa sarili,
pare. Bale ba’y ni walang nagpunta sa bahay sa dalawang gabing pag-kakaburol sa bata. Sabagay, mabuti na rin ‘yon
dahil wala kang malaking iintindihing pakakapehin at aalukin ng biskuwit. Pero sa mga nakatira ro’n e hindi
makidalamhati sa ‘yo kung me patay ka, makakaramdam ka ng sakit ng loob. Maaawa ka sa sarili mo.

Kinabukasan namin inilibing ang bata. Pumalya uli ako sa trabaho. Dalawang araw na ‘kong pumapalaya sa trabaho at
ikatlo ang araw na ‘yon. Nang umuwi kami nang maggagabi na, pagkagaling sa libing, naupo ang waswas ko sa tabi ng
bintana at tumingin sa labas. Parang walang nakikita tumitingin lang sa labas. Ayaw magsalita, pare. Para ‘lang
mabubuwang, pare. Ang nanay niya’y ayaw ring magsalita at mahirap namang kausapin dahil medyo engot nga at
mahina ang tenga. Lumalabas ako, pare. Nagpunta ako sa daraanan ng sasakyan na me tindahang nagbibili ng alak at
pumasok at nagbuwal ng isang bilog.

No’n ko naisip na magpunta sa ospital. Hindi na malinaw sa isip ko kung bakit nagpunta ako ro’n sa ospital. Siguro’y no’n
ko naisip na magbayad ng kulang ko – ng utang ko. Siguro’y gusto ko ipakilala sa ospital na kahit na ‘ko mahirap, kahit
hirap na hirap sa buhay e me konti ako, ng tinatawag na dignidad at nakakakilala ako ng masama’t mabuti at marunong
akong magbayad ng utang ko – kahit sa kanila na pumatay ng sanggol ko. Ewan ko, anu’t anuman, pare, nagpunta ‘ko sa
ospital. Binayaran ko ang utang ko. Ipinakilala kong marunong akong magbayad ng utang at nasiyahan ako ng

konti at sinira ko ang promisori not sa harap ng kahero, nang ibigay niya ‘yon sa ‘kin nang magbabayad ‘ko.

Galing ako sa kahero, patungo na sa labasan ko, nang mapatingin ako sa palibot na gaya ng nakaugalian ko sa ospital na
‘yon. Pare, siguro nga’y senglot ako, ang tingin ko sa mga doktor at mga nars na nakikita ko’y nakatawang mga alamid na
pumatay sa batang inilibing ko at ang waswas kong nakatulala sa bahay at ang pangyayaring sa mga susunod na araw e
maaaring wala na kaming kakanin. Naramdaman kong gusto kong manira, pare. Gusto kong sirain, wasakin ang bilding
na ‘yon na lagi kong ipinagmamalaking isa ‘ko sa mga gumawa.

Pumanhik ako sa ikalawang palapag. Me isang silid do’n na no’ng ginagawa pa lang namin ang bilding e tinutulugan
namin ng mga kasama kong peon. Ngayo’y pahingahan ‘yon ng mga dalaw at ng nars at doktor na napapagod sa
trabaho. Pumasok ako ro’n at umihi sa sopa. Inihian ko rin ang telebisyon na para sa bisita. Ang gusto ko lang e Magdumi
at manira, pero nang wala na ‘kong maiihi, naisip ko namang magwasak. Nabuwang na nga ‘ko, pare. Ibinuwal ko ang
mga kurtina. Siniliban ko rin ang mga magasing naro’n at ang apoy e idinuldol ko sa lahat ng bagay maaring magdingas.

Naglagablab na ang silid nang lumabas ako. Isang attendant na lalaki and nakakita sa ‘kin. Nakita niya ang usok at apoy
na lumalabas sa ilalim ng nakasarang pinto at nahulaan ang ginawa ko. Tumakbo ako. Hinahabol niya ‘ko at sa ibaba
inabutan. Pero malaki na ang apoy, pare. Nagpalipat-lipat na ‘yon sa maraming silid.

Apat na atendant at guwardiya and gumulpe sa ‘kin pare, bago ako ibinigay sa les-pu. Pero tersiya parte nga ng ospital
ang nasunog ko.

Yosi pa, pare? Nadadalhan pa ‘ko ng yosi ng waswas ko, Ewan ko kung sa’n siya kumuha ng ibinigay nito. Naghahanap
buhay daw siya kahit pa’no pero di ako nagtatanong kung ano ang hanapbuhay ‘yon. Wala siyang alam na trabaho pare.
Paris ko rin siyang bopol. Baka masaktan lang ang loob ko kung malalaman ko kung anong hanapbuhay ‘yon kaya di ako
nagtatanong.

Sige, pare, matulog na tayo. Mag-aalas diyes na siguro. Dito sa ob-lo, pare, lalo na sa gabi, kailangan hulaan mo lang ang
oras. Kasi nga’y walang me relo dito. Ni hindi mo naman masilip ang langit sa labas mahulaan mo sa ayos ng mga bituin,
kung anong oras na nga. Wala kang masisilip dito kundi pader at rehas. Ewan ko naman kung me langit nga sa labas.
Hindi na ‘ko bilib sa langit, pare. Matagal na ‘kong kinalimutan ng Diyos.

TALAMBUHAY NG MAY-AKDASi Benjamin M. Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag,Ilocos Norte. Unang nakilala
bilang matinik na kuwentista si Pascualbago niya sineryoso ang pagiging isang nobelista. Nagsimula siyangsumulat noong
dekada 1950, sumubok mag-ambag sa komiks,hanggang hiranging maging staffer ng Liwayway. Nagwagi saDonCarlos
Palanca Memorial Awards for Literature ang kaniyang kwentong “Landas sa Bahaghari” (1965) at “Di Ko Masilip
AngLangit” (1981). Nagtamo naman ng Grand Prize sa Cultural Center of the Philippines ang nobelang “Utos ng Hari”
noong 1975.Unang nailathalasa Liwayway ang „Lalaki sa Dilimsapamagat na „Shhhh…Ako ang ‟Lalaki sa
Dilim(1976).‟May-akda rin siyang may pamagat na “Sapalaran, WalangTanungan” (1997), isang komedya ng pag-iibigan
at lingguhangisineserye nagyon ng Liwayway. Tinatayang nakatapos ng 13 nanobela si Pascual, na pinakarurok marahil
ang Halik sa Apoy” (1985). Pwedeng sipating autobiograpiko ang naturangakda naumiinog sa buhay at
pakikipagsapalaran ng isang lalakingmanunulat. Naging Filipino seksiyon editor si Pascual saPeople’s Journal Tonight
noong 1981, at ngayon ay editor sa popular na Valentine Romances.Makalipas ang ilang dekadang dibdibang pagsusulat
niPascual, kinilala ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL)noong 1994 ang natatanging ambag niya sa
pagsusulat ng maiklingkwento, dula, at nobela.Saedad na 69 ay hindi pa rin ito humihinto sa pagsusulat

Si P. Pascual' ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte. Isa siyang kuwentista at nobelista. Marami na siyang
naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa
wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Magkasama sila ni Jose Bragado na nag-edit ng Pamulinawen, isang
antolohiya ng mga tula ng 36 na makatang Ilokano. Siya ang Tagapayong Legal ng GUMIL, Metro Manila.

Mula sa kanyang panulat ang maikling kuwentong Ang Mga Lawin na isinalin ni Reynaldo Duque sa Tagalog.

Balita ni Chuckberry J. Pascual • First published in 2015 by the UST Publishing House

Nagtitiris ako ng blackheads sa ilong nang makita ko kung paanong

sinalya, pagkuwa’y dinampot, binatukan, hinawakan ang baba, saka

sinapak, at nang malugmok ay pinagtatadyakan ng isang pulis ang lalaking

nanlalagkit ang buhok, nanlilimahid ang balat, at nanggigitata ang damit.

Narinig ko ang bilog na boses ni Korina Sanchez: “...Lalaki, diumano’y

nahuling nagtanim ng bomba sa Luneta. Lahat ng iyan, sa pagbabalik ng

TV Patrol.” Pinahid ko muna ng palad ang mga puting kanin na lumabas

sa mga mumunting balon sa ibabaw ng aking naglalangis at namumulang

ilong bago ako nagpatuloy sa pagtiris at panonood.

Commercial: Si Ate Glo, nagsasayaw kasama ng mga Ifugao; Cory

Aquino, nakikipagkamay sa iba’t ibang world leaders; di-kilalang babae,

nagsasalita nang nakatayo sa isang board meeting kung saan puro lalaki ang

nasa mesa (nasa kabisera ang babae); mga babaeng atleta: may tumatakbo,

lumalangoy, nakasakay sa kabayo, umiiyak habang tangan ang medalyang

napanalunan; sunod-sunod na imahen ng mga maybahay, merong

nagpapasuso ng bata, may naghahain ng pagkain, may naghahatid sa mga

anak sa schoolbus. Voice-over ng lalaki (malaki at malalim ang boses):

Let us celebrate Women’s Month. Pink ang kulay ng chargen. Teaser:

voice-over ni Mark Logan: “Mga kagandahan, may gustong patunayan!

Hindi lamang sila pangrampa, pangkusina pa! Halina’t tikman ang

Lengua Estofado ni Charlene Gonzales, Frog Legs ni Assunta de Rossi,

at Pata Tim ni Ruffa Gutierrez-Bektas! Huwag kayong tatakas, mi amigos,

mi amigas! Kita-kita bukas, sa Morning Girls with Kris and Korina!”

Commercial ulit: Kuya Germs (nakamakintab at kumukutikutitap na


coat at bowtie), napaliligiran ng mga babaeng dancers (nakamakintab na

bathing suit, may mala-peacock na buntot, at naka-high heels), sumasayaw

sa saliw ng “Dazz, dazz, and all that dazz/ Dazz, dazz, it’s gotta be/ it’s gotta

be/ Dazz.” Isa pang commercial: Parke. May matandang babaeng pulubi.

Lumapit siya sa isang lalaking nakaupo sa isang bench. Hahatiin ng lalaki

ang biskuwit na hawak niya at iaabot sa matandang babaeng pulubi...

No part of this file may be reproduced or redistributed for sale.

“Hoy, yung mga pinapabili ko sa iyo,” sabi ng babaeng naka-duster.

“Nakalapag na diyan yung pera.” May hawak siyang siyanse sa kanang

kamay, nasa hawakan ng kawali naman ang kaliwa.

“Oo, ‘Nay. Tatapusin ko lang tong balita.” Muli akong nagpahid ng

ilong. Tumayo ako at pumunta sa kusina.

Lumapit ako sa lababo at naghugas ng kamay. Bumalik ang Nanay sa

harap ng kawali. Nagpiprito siya ng manok. “Bumili ka na rin ng palaman.

Alangan namang yung tinapay lang ang kainin nyo bukas. Paubos na yung

Lady’s Choice dito.”

Tatango-tango akong bumalik sa sala. “Tatapusin ko lang nga tong balita.”

Nasa TV na ulit si Korina: “Isang di-makilalang lalaki ang diumano’y

nahuli sa aktong nagtatanim ng bomba sa Luneta Park. Agad itong

inaresto ng mga rumespondeng pulis pero huli na nang malaman nilang

nakatakas na pala ang mga kasamahan nito. Pinaghihinalaang miyembro

ng isang international terrorist group ang lalaki. May follow-up report si

Alvin Elchico, Patrol ng Bayan.”

Pasok ang VTR: patuloy pa ring nagwawala ang marusing na lalaki kaya

pinosasan ito at puwersahang binitbit papunta sa van. Nakakaladkad ang

lalaki; sa posas lamang siya hinahawakan ng mukhang nandidiring pulis.

Lumapit si Alvin Elchico sa lalaking diumano’y nagtanim ng bomba.

Extreme close up ng lalaki (naglalaban ang kulay ng dugo, grasa, semento,

pawis, at laway sa mukha) habang tinatanong ng reporter ang pulis na

rumesponde: Saan nyo na po siya dadalhin, ser? Diretso na po sa Crame

na to, ser, sagot ng nandidiring pulis na hindi pa rin tumitigil sa paglalakad

at pangangaladkad sa lalaking marusing. Mukhang wala nang balak pang


makipag-usap ang pulis kaya ang kinakaladkad ang binalingan ng field

reporter: Alam mo ba kung saan ka nila dadalhin? Biglang sumingit sa

frame ang pulis at inagaw ang mikropono: sa Crame na nga po ang tuloy

nito, ser. SOP po namin yan sa mga teroristang tulad nito.

“Mamaya na sinabi yan. Bumili ka na at malapit na tayong

maghapunan.” Boses ni Nanay mula sa kusina.

Kung bakit kasi hindi makakain nang walang ketchup ang manok,

bulong ko bago pinatay ang TV, dinampot ang perang nasa ibabaw ng

lamesita sa gilid nito, at lumabas ng bahay.

Isang kalye lang ang layo sa amin ng “Home Sweet Home.” Nasa

bandang gitna ito ng kabilang kalye kaya dumadaan ako sa eskinita para

hindi na umikot pa sa kanto. Dito ako parati pinabibili ng Nanay ng kung

ano-ano dahil mas mura ang presyo kaysa 7-Eleven o sa Mercury Drug.

Pagpasok, sumenyas ang guwardiya ng pagkapkap. Pagkaraang

magpahipo, dumiretso ako sa eskaparateng may signboard na Condiments.

Kinuha ko ang tatak na paborito ng Nanay ko: UFC Banana Ketchup.

Pagkuwa’y lumipat ako sa eskaparateng may signboard na Peanut Butter,

Mayonnaise, Spread. Kinuha ang Miracle Whip, Chicken Spread. Papunta

na ako sa kinalalagyan ng mga tinapay nang may marinig akong pagtatalo.

Pumunta ako sa cash register, malapit sa pinto. Nakikipagtalo ang

guwardiyang nanghipo sa akin sa isang lalaking may bitbit na lata ng

Bonna. May kasamang babae ang lalaki, may bitbit naman itong sanggol.

Sa hitsura at kilos ng babae, mukhang natatakot ito na magising ang

batang nasa mga bisig niya.

“Ser, kailangan nyong bayaran yan, e.” Nakikiusap ang tono ng

guwardiya.

“Binayaran ko na nga! Itanong mo pa sa kanya!” sumisigaw na ang

lalaki.

Tiningnan ko ang mukha ng babaeng nasa harap ng cash register:

panay ang iling nito. Nagsimula nang humikbi ang sanggol.

“Ano gusto mong palabasin? Magnanakaw ako?”

“Bayaran na lang po natin, ser.”


“Ipinapahiya mo ba kami ng asawa ko?” nandidilat na ang lalaki.

Kasabay naman ng sanggol, humihikbi na rin ang babae.

Nang lumingon ako, nakita ko ang mga mukha ng mga kapwa

mamimili. May siyam siguro kaming nakakumpol sa tabi ng cashier.

Pamilyar sa akin ang mga mukhang nakita ko: may natatakot, may naaawa,

may nag-aalinlangan, may nagagalit (isang mamang panay ang kalabit sa

di-namamansing cashier para i-punch na ang mga pinamili niya). Pero

nasisiguro kong naging isa ang mga pagmumukha namin nang biglang

bumunot ng balisong at lumapit sa cashier ang lalaking may hawak kanina

ng Bonna na nasa sahig na ngayon, sa paanan ng babae at sanggol na

sabay na umaatungal.

20 © Chuckberry J. Pascual • First published in 2015 by the UST Publishing House

No part of this file may be reproduced or redistributed for sale.

Napaurong ako, sampu ng mga mamimili, sa likod ng eskaparateng

nasa gilid ng cash register. Nakita kong nagyakapan ang dalawang

matandang babae. Tinapik ng isang mama ang sariling noo. Humigpit

naman ang hawak ko sa Miracle Whip. Ang UFC Banana Ketchup,

pulang mantsa at bubog na lamang, kasama ng ilang napisak na ponkan,

lasog-lasog na tetrapak ng Chocolait at Hi-C, at pumutok na plastik ng

Lucky Me Instant Pancit Canton at Hi-ro. Parang may nagtapon ng kaning

baboy sa sahig ng grocery.

Nakatutok ang balisong sa kanang sentido ng nanginginig na cashier;

nakapulupot sa leeg niya ang braso ng lalaki. “Sige, tutuluyan ko to!”

Walang umiimik. Tanging ang mga pasimulang hikbi ng cashier at

patuloy na pag-atungal ng babae at ng sanggol na hawak niya ang maririnig

sa “Home Sweet Home.” Ang guwardiya ang unang nagsalita: “Ser, pagusapan natin to.”

“Pag-usapan? Nakikiusap na nga ako sa iyo kanina, pare! Ipinahiya mo

pa kami ng misis ko!”

“Sige, ser. Ito na yung—” dinampot ng guwardiya ang Bonna.

Pero hindi na siya nakatapos ng sasabihin.

“Dapa! Dumapa kayong lahat! Kapag may nakita akong nakatayo,

papatayin ko tong babaeng to!” Inilayo ng lalaki ang cashier sa cash


register at inilapit sa may pinto. Sinenyasan naman niya ang guwardiya na

tumabi sa amin. Dali-dali naman itong sumunod.

“Dapa! Sinabi nang dumapa!”

Ang dalawang matandang babae ang nagpatiunang dumapa.

Sumunod na rin kaming lahat. Ang guwardiya ang pinakahuling dumapa

dahil ipinahagis pa ng lalaki ang baril niya palayo. “Damputin mo. Dali,”

utos ng lalaki sa babae. Mabilis na tumalima naman ang babae sa utos

ng asawa. Tumigil na siya sa pag-iyak ngayon. Inaalo niya ang sanggol,

hinahaplos ang puwitan, gamit ang kamay na may hawak na baril. Untiunti, tumahimik rin ang kaninang nagwawalang
sanggol.

Iniisip ko kung ano ang sasabihin sa akin ng Nanay pag-uwi nang

bigla kaming kausapin ng lalaki. “Wala ho kaming gustong saktan sa

inyo. Nangangailangan lang talaga kami ng asawa ko. Hindi ho ito ang

kabuhayan namin. Kukuha lang ho kami ng gatas at saka diaper.” Nang

tingnan ko ang lalaki, namumula ang mga mata nito. May namumuo nang

© Chuckberry J. Pascual • First published in 2015 by the UST Publishing House 21

No part of this file may be reproduced or redistributed for sale.

mga luha. Gamit ang kamay na may hawak na patalim, kinusot niya ang

mga mata. Nakakita ng pagkakataon ang guwardiya. Bigla itong tumayo at

gamit ang balikat, sinalya ang lalaki, at saka pumulas.

Napaupo ang lalaki, umiiyak na siya ngayon. Ang cashier naman,

nang maramdamang nakawala na siya sa bisig ng lalaki, lumapit sa amin

at tumalungko sa gilid ko. Maliban sa cashier, walang tumitinag sa amin

mula sa pagkakadapa. Tanging mga mukha lang namin ang nakaangat

mula sa sahig.

Habang bitbit pa rin niya ang bata, pinanood namin kung paanong

biglang nabuhayan ng loob ang babae at iniabot ang baril sa asawa,

lumapit sa cash register, kumuha ng plastik, pumunta sa kinalalagyan ng

mga gatas, kumuha ng dalawang lata, isinilid ang mga ito sa plastik, at

pagkuwa’y nagpalinga-linga.

“Sa likod, sa kaliwa,” sabi ng isang matandang babae.

Ngumiti ang babae bilang pasasalamat at pumunta sa direksyong


sinabi ng matandang babae. Nawala siya sa paningin namin; nang lumabas

siya ulit, pumuputok na ang plastik na bitbit niya mula sa dalawang lata

ng gatas at tatlong maliliit na packs ng diaper.

Palapit na ang babae sa asawang nakalugmok nang biglang pumasok

ang isang pulis, nakatutok sa hangin sa sariling harapan ang tangang baril.

Nagtawag pala ang guwardiya.

“Walang kikilos!”

Natigilan ang babae. Nagsimula na namang umiyak ang sanggol.

Dahan-dahan namang tumayo ang lalaki, handa nang sumuko. Itinaas

niya ang magkabilang kamay, hawak ang balisong sa isa at baril sa kabila.

“Ibaba mo yang mga hawak mo!” Nakakatulig ang pagsigaw ng pulis.

Unang ibinaba ng lalaki ang baril.

“Pati yang balisong! Bitawan mo!” Panay pa rin ang sigaw ng pulis,

kahit nasa harapan niya lang ang lalaki. Nang hindi agad bitawan ng lalaki

ang balisong, biglang nagpaputok ang pulis. Tumama ang bala sa kisame

ng grocery. Basag ang dalawang flourescent.

Binitawan ng babae ang mga ninakaw na bilihin at tumakbo papunta

sa asawa. Naghiyawan ang mga tao. Pati ako.

22 © Chuckberry J. Pascual • First published in 2015 by the UST Publishing House

No part of this file may be reproduced or redistributed for sale.

Lalong lumakas ang hiyaw naming lahat nang biglang lumapit ang

cashier sa lalaki at itinutok ang balisong sa sariling leeg. “Balikan mo

yung gatas!” pasigaw na utos ng cashier sa babae. Sandali lang nagulat

ang babae; nagmamadali siyang binalikan ang mga ninakaw na bilihin.

Napilitan naman ang lalaking panindigan ang pangho-hostage sa cashier.

Nandilat ang pulis. Mukhang hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

Sumigaw na naman siya. “Bitawan mo ang hawak mo! Isa! Dalawa!”

Inasinta ulit ang kisame.

Nagulat ang lalaki at ang cashier sa putok; pareho silang napaiktad.

Nagurlisan ang leeg ng cashier. Kasabay ng batang bitbit, naghihiyaw ang

babae nang makita ang dugong umaagas sa leeg ng cashier. Nahindik

naman ang lalaki sa nagawa at naisalya ang duguang babae. Nakasilip ng


oportunidad ang pulis at binaril ang lalaki sa dibdib.

Pumapalahaw na ng iyak ang babae at ang sanggol. Nakahiga ang

lalaki sa sahig, tutop ang dibdib na binubukalan ng dugo. Tumayo ang

mamang tumapik sa sariling noo at binitbit palabas ang cashier na nawalan

ng malay. Lumapit ang dalawang matandang babae sa mag-ina; inalo ang

dalawa. Lumapit ako sa pulis at hinampas ito ng Miracle Whip sa ulo.

Nasugatan ang kamay ko sa pagkakabasag ng bote ng Miracle

Whip sa ulo ng pulis. Mabilis itong bumulagta; nahilo. Tinadyakan ko

nang tinadyakan sa dibdib, sa mukha, sa bayag, nang makita ko siyang

nakabulagta. Hindi nagtagal, nadagdagan ang mga paang nakita kong

nagpapahirap sa kumikiwal na katawan ng nag-umpisa nang maging

duguang pulis.

Nang marinig namin ang sirena, halos sabay-sabay kaming lumayo

sa nakatimbuwang at duguan na ngayong pulis. Nakita kong isa-isang

nagtakbuhan ang mga kapwa mamimili kanina, kapwa mambubugbog na

ngayon.

Bago ako umalis, bumalik ako sa eskaparate ng Condiments at

kumuha ng UFC Banana Ketchup at Miracle Whip. Bahala na yung

tinapay bukas.

Hinanap ko rin ang dalawang matandang babae at yung babaeng may

dalang sanggol. Wala na sila.

Kaning baboy, bubog ng basag na fluorescent, butas na kisame, at

dalawang nakabulagtang lalaki ang matatagpuan ng mga rerespondeng pulis.

© Chuckberry J. Pascual • First published in 2015 by the UST Publishing House 23

No part of this file may be reproduced or redistributed for sale.

Tumakbo ako papunta sa eskinita; nakahinga nang maluwag nang

makita kong dumaan sa kalsada namin ang kotse ng mga pulis. Iikot

pa sila sa kanto. Bumuntong-hininga ako, nag-ayos ng sarili, at saka

nagsimulang lumakad nang mabagal papunta sa bahay namin. May iilan

nang mga taong humahangos papunta sa kanto at eskinita, nag-uunahang

makarating sa “Home Sweet Home.”

===
Nagpapalit ako ng benda sa kamay nang makita ko kung paanong

inilagay sa stretcher ang lamog na katawan ng lalaking naka-unipormeng

asul. Panay ang iling ng dalawang medics na may bitbit ng stretcher. Narinig

ko ang bilog na boses ni Korina Sanchez: “Isa na namang operasyon ng

tinaguriang Misteryo Gang ang diumano’y naganap. Sa pagkakataong ito,

nag-iwan sila ng bangkay ng isang sibilyan at isang pulis sa isang grocery

sa Malabon. Hindi pa rin malaman ng mga awtoridad kung sino ang

huhulihin. May follow-up report si Alvin Elchico, Patrol ng Bayan.”

Pasok ang VTR: ECU ng pulis (namamaga ang kaliwang mata,

nakanganga ang anit sa kanang bahagi ng ulo, may nakabaon na mga

bubog sa kaliwang pisngi, namamalirong ang mga labi, nakatabingi ang

ilong) habang tinatanong ni Alvin ang isa sa mga medics: Ser, ano po ba

ang kalagayan niya?

“Kakain na,” yaya ng Nanay mula sa kusina.

Tumayo ako at pinatay ang TV. “Andiyan na.”

Nang umupo ako sa lamesa, nag-umpisa na naman akong tanungin

ng Nanay sa nangyari sa grocery kahapon. Mabuti na lang daw at hindi

ako inabutan ng gulo roon. Kung hindi, hindi raw niya mapapatawad ang

sarili.

“Nay, mas hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hindi kita

sinunod kahapon,” sinabi ko bago sinubo ang mainit na kanin.

_____________
Si Chuckberry J. Pascual ay isang Pilipinong manunulat ng mga maikling kuwento at dula. Siya ay pinanganak at lumaki sa
Malabon, laki sa lola dahil sa parehong OFW ang kanyang mga magulang. Sa kanyang paglaki, nakasanayan niya ang
bahaan, mga palengkeng parating may murang seafood, at saka ang amoy ng Malabon na malansa (na siyang sabi
naman ng mga hindi tagaroon). Siya ay kasalukuyang nakatira pa rin sa Malabon pero tinuturing niya din ang sarili bilang
taga-Santa Rosa, Laguna.

Siya ay nagtapos ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman (UP) bilang cum laude sa kursong BA Malikhaing
Pagsulat noong 2003, nagkamit ng MA sa Araling Pilipino (Kasaysayan at Panitikan) noong 2008, at kasalukuyang
kumukuha ng PhD sa Malikhaing Pagsulat simula Abril 2009. Ilan sa mga parangal at pagkilalang kanyang natanggap ay
ang pagiging fellow sa Unibersidad ng Santo Tomas, Ateneo, at UP National Writers' Workshops, at siya rin ay kasapi ng
KULITI, isang lipon ng mga kabataang manunulat. Katatapos niya lang magturo ng Filipino sa klaseng regular at
pandangal sa Ateneo de Manila High School.
Bata pa lang ay mahilig ng magbasa si Chuckberry J. Pascual. Nagdo-drowing siya dati ng mga sarili niyang bersyon ng
komik novels sa isang buong intermediate pad. Sa kanyang paglaki ay napunta siya sa pagsusulat ng mga maikling
kuwento dahil napagtanto niyang hindi siya marunong tumula. Walang partikular na estilo sa pagsulat si Chuckberry J.
Pascual. Basta ang sigurado, karamihan sa kanyang mga naisulat, at iyong mga nalimbag - halos lahat sila ang
protagonista ay bakla. Sinusubukan niyang tingnan ang mundo mula sa perspektibo ng mga bakla, partikular ang
Pilipinong bakla na taga-Maynila at Malabon, kadalasan ay middle class.

Si Joy Piso

Filed under: MAIKLING KWENTO, MAIKLING KWENTONG PAMBATA — 31 CommentsJune 27, 2010

Sinulat ni Benedick N. Damaso

(Ang kwentong ito ay hango sa tunay na katauhan ni Joy Piso. Bagamat hindi na natin nakikita si Joy Piso, marami pa ring
tulad niya ang ating nakasasalamuha sa araw-araw. Ikaw? May nagawa ka na ba para matulungan ang mga katulad
niya?)

Payat, maiksi ang buhok, may mga butlig butlig sa braso at paa, pagala-gala, kinaaawaan ngunit kadalasa’y
pinandidirihan, nanlilimos, humihingi ng piso.

Siya si Joy Piso kung tagurian ng mga tao. Akala ko noong una, piso talaga ang apelyido nya, yun pala, halaw lang pala ito
sa madalas mamutawi sa kanyang bibig tuwing ilalatag niya ang kanyang mga kamay.

“Piso mo nga!”

Ito ang bukambibig niya sa kahit sinong makasalubong. Noong una, hindi ko masyadong pinagtutuunan ng pansin at isip
si Joy Piso. Katwiran ko, sino ba siya para pag-aksayahan ko ng aking panahon. Hindi naman ako taga-DSWD, lalong hindi
kami mayaman na kayang magtatag ng foundation.

Pero isang pangyayari ang nagbunsod sa akin na magkainteres sa kanya. Palabas ako noon ng paaralan ng makita ko si
Joy Piso. Bigla na lang niya akong hiningan ng piso. Ewan ko ba pero bigla ko na ang dinukot ang natitirang piso sa aking
bulsa at ibinigay sa kanya. Tuwang tuwa siya, bakas ko sa kanyang mukha ang kasiyahan sa pisong ibinigay ko.May
mabibili na naman siya ng kanyang makakain, naisip ko. Pero bigla akong natigilan ng mahulog niya ang pisong ibinigay
ko sa kanya, tumilapon ito at gumulong sa kalye na naging dahilan upang habulin niya ito sa gitna ng mga rumaragasang
sasakyan. Muntik na siyang masagasaan kundi lang nakapagpreno ang mamang driver.

Tigagal ako sa aking nasaksihan. Hindi ko lubos maiisip na ganun pala kahalaga sa kanya ang pisong iyon, na kahit pati
buhay nya ay handa nyang isugal.
Nagsimulang umusbong ang aking interes sa kanya. Tinatanong ko ang aking sarili kung bakit sya nagkaganun, ano ang
mga pangyayari sa kabila ng kanyang buhay pagala-gala? May pamilya pa ba siya? May pangarap pa ba sya? Masaya
kaya sya? Nalulungkot din ba siya?

Sabi ng matandang kapitbahay namin, matalino raw si Joy Piso subalit dahil dito ay nabaliw siya. Hindi ko naman lubos
na mapaniwalaan ang mga sinabing ito ni Lola Elang kasi pakiwari ko ay hindi naman talaga baliw si Joy. Sabi ng iba,
inampon raw siya ng isang mayamang mag-asawa noong siya ay bata pa. Mayaman daw ang mga ito, naranasan daw ni
Joy ang magbuhay mayaman, nung umalis papuntang Amerika ang mga nag-ampon sa kanya, may binilinan daw na
tagapagalaga kay Joy, maganda pa rin naman daw ang buhay niya noon, pero mula ng mamatay ang nag-aalaga sa
kanya, naging palaboy-laboy na siya, wala na ang mga dating kaibigan niya noong siya ay may pera pa.

Ngayon, mag-isa na lang siyang bumubuhay sa kanyang sarili, kung saan saan natutulog, kung kani-kanino humihingi ng
piso at pagkain para lang mabuhay. Hanggang sa makahanap siya ng tirahan sa isang matandang nag-iisa, pinatuloy sya
sa kanyang bahay at dito na sya tumitira.

Marami pang kwento ang naririnig ko tungkol sa kanya. Sabi ng iba, may anak daw sya. Nabuntis daw sya ng isang drug
addict na sinamaham niya. Isinilang nya ang bata pero pagkatapos non ay kinuha ito sa kanya at bumalik sya rito sa
Castillejos.

Hindi ko alam kung totoo ang mg kwento-kwentong ito tungkol sa kanya, kaya nga naging isang hamon sa akin ang
alamin mismo kay Joy kung tooto nga ba ito.

Dumating ang aking pagkakataon, minsan nakasabay ko sa paglalakad si Joy. Gaya ng dati, hinihingan na naman ako ng
piso. Sabi ko sa kanya, hindi lang piso ang ibibigay ko sa kanya kung sasagutin nya ang mga tanong ko. Pumayag naman
sya.

Pinaulanan ko sya ng aking mga tanong. Tinanong ko kung totoo ang mga nababalitaan ko.

Ano ang pangalan mo? Ilang taon ka na? Totoo bang mayaman ka dati? Paano ka naghirap? Anong pakiramdam ng isang
katulad mo? Nalulungkot ka rin ba? Masaya ka ba kung minsan? Tooo bang nagbuntis ka raw at nagkaanak?

Madami akong tinanong sa kanya pero iling lang ang naisagot nya sa akin. Naramdaman ko na lang na parang may
bumara sa lalamunan ng dating madaldal na si Joy. Hindi ko matukoy pero alam ko at ramdam kong may nasaling ako sa
kanyang damdamin. Iniba ko ang aking tanong.

May pangarap ka pa ba? Matagal bago niya ako sinagot.

“Dapat pa bang mangarap ang isang katulad ko?”


Balik tanong niyang sagot sa akin sabay lakad palayo. Mabilis siyang lumayo sa akin sabay sabing sinungaling daw ako
dahil ang dami ko raw tanong hindi ko naman daw sya bibigyan ng piso.

Nakalayo na siya pero sisusundan ko pa rin sya ng tingin. Dinukot ko ang limang piso sa aking bulsa. Talagang ibibigay ko
naman sa kanya ito pero nakalayo na siya. Gusto ko sanang habulin siya para ibigay ang limampisong hawak ko pero
napakalayo na niya.

Kaninang umaga, naririnig ko si nanay. Nagrereklamo siya sa taas ng mga bilihin. Kagagaling niya sa palengke, nabanggit
niya si Joy Piso, sabi ni inay, hindi na raw nanghihingi ng piso si Joy dahil ang hinihingi na niya ay limampiso na.

Muli kong naalala ang pag-uusap namin ni Joy, naisip ko, hindi lang pala kami ang apektado ng krisis, ng pagtaas ng
bilihin, ng kahirapan. Pati pala si Joy ramdam rin ang kahirapan.

Joy Piso dati, ngayon ay Joy Limang Piso na. Joy, ibig sabihin ay ligaya. Pero mukhang malayo sa katotohanan ang
pangalan ni Joy sa nararanasan niya.

Muli kong hinawakan ang limang pisong nasa bulsa ko pa rin. Bukas, kapag nakita ko siya, ibibigay ko ang limang pisong
ito sa kanya nang maramdaman naman niyang maging maligaya kahit sandali lang kapag ibinigay ko ang aking limang
pisong pinakaaasam-asam niya.

Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino (Eros Atalia)

Intoy! Intoy! Bangon, alig! May alig! bumalinghat sa kanya ang tawag na iyon. Tinig iyon ni Mang Amor. Halos magiba
ang kanyang pintong yari sa pinagtagpi-tagping lawanit, plywood at palapa ng nyog. Pagbukas nya ng pinto ay bumulaga
si Mang Amor na hawak ang sagwan habang may supa pang sigarilyo. Gaya ng dati, nakamaong lang itong shorts at
hubad. Nakahambad ang sunog-sa-araw at tubig-alat na katawan. Ngunit ang nag-aagaw na itim at uban na buhok ay
hindi nagpapahalatang anak-dagat si Mang Amor.

Ay! Digrasyaw bo! Bilis, baka may masagip pa tayo, pabateng itinapon ang paubos nang sigarilyo sa tulay na kawayan.
Tinapakan. Isiniksik sa pagitan ng mga kawayan. Dumura. Sumunod ka na, ibababa ko na ang lunday.

Putang ama, alig. Nakow po! Patay tayo nyan. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa? ang rapido ng tanong ni Intoy sa sarili
habang minamadali ang paghahanda sa gagamitin. Salaming panisid, gwantes, kutsilyo, boya, pamadyak, plehe at straw.
Isinuot ang shortpants na panlusong. Wala ng panahon para magkape. Sa ganitong panahon, oras ang kalaban.
Dalawang basong tubig ang almusal. Nagpahabol pa ng isang lagok ngunit di nya nilunok. Ibinabad sa bibig. Habang
lumalabas ng bahay ay minumog ang tubig. Sinulyapan ang relos sa dingding. Menos dyes para mag alas sais. Ibinuga ang
minumog sa tulay na kawayang kadikit ng pinto ng kanyang bahay.
Kadugsong ng kanyang bahay ang pantalan. Doon binabara ni Mang Amor ang lunday nito para matignan-tignan at
magamit agad kung kinakailangan. Nakababa na ang lunday. Akmang gagaod na si Mang Amor. Pandalas sya ng baba.
Dahil kung hindi, madali itong tumaob. Di tulad ng mga bangkang de katig, matatag sa tauban. Yun nga lang, di maipasok
ang mga de katig sa gitna ng mga baklad.

Pano nyo nalaman?

Kay Enoc. Mag-aahon sana sya. May order ng limang sako ang Baclaran. Naunahan sya ng alig. Lalos daw pati pabitin at
palutang.

Kakaputok pa lang ang araw. Malamig pa ang hanging labi ng nagdaang gabi sa palabas na Nobyembre at papasok na
Disyembre. Maliban sa plastik, goma, sako at kung anu-anong basura ay may mangilan-ngilan pa ring patay na water lily
na sumasabit sa kanilang sagwan. Water lily na tangay mula pa sa look ng Maynila, galing sa tubig-tabang. Pagkaraan ng
ilang araw na animo kusang pagpapatianod mula Maynila patungo sa dalampasigan ng Cavite, maninilaw hanggang sa
maging kulay bulok na kahoy ang lulutang-lutang na dating matingkad na berdeng halaman na kinilala na sa tawag na
water lily. Ngunit ang lamig ng umagang iyon ay hindi nakapigil sa ilang magtatahong na maisasalba pa ang kanilang
tanging kabuhayan mula sa pesteng alig na dumadalas na ang dalaw nitong nakaraang mga taon. Nakita nilang marami
na ring pumalaot para sagipin ang pwede upang sagipin.

Kitang kita nila ang animo’y natapong hugas-bigas sa dagat. Kalat-kalat. Mainit-init. Sumasabay sa agos at galaw ng
dagat. Malas na lang at siguradong ubos ang madadaanan tahong, talaba o halaan ng pesteng hugas-bigas na ito.
Swerte ang naiwasan, sa ngayon, pero bukas-makalawa ay para itong nakakalokong bumabalik. Iyan ang alig.

Ano, Amor… ano balita sa ‘yo? Intoy Syokoy, tapos mo dyan, daanan mo ang pwesto ko. Magpapalinis ako sa ‘yo. Sabi ng
isa.

Si Kapitan nga raw, lalos ang trentang bila. Ako rin Koy! Pahabol ng isa pa.

Tango lang sagot ni Intoy. Tuloy ang kanyang gaod. Ayaw nyang ipahalata kay Mang Amor na umooo agad sya sa iba
gayong hindi pa tapos ang obligasyon nya sa matandang amo. Magkahalong tuwa at lungkot ang dala ng alig sa araw na
iyon. Tuwa, dahil kung maraming tinamaan ng alig, tiyak bukas at hanggat sa mga susunod na araw ay maraming may
tahungang magpapalinis sa kanya. Kikita sya ng malaki. Lungkot dahil, bukas o sa mga susunod na araw pa sya kikita.
Ngayon nya kailangan ng pera. Ngayon nya sana aanihin ang sarili nyang tanim na tahong. Ang mapagbebentahan ng
sarili nyang maliit na tahungan sana ang tatapos ngayon sa mahaba nyang paghihintay. Pero paano nya pupuntahan ang
sarili nyang tahungan? Magkasama sila ngayon ng amo nya upang silipin at sagipin ang tahungan nito. Hindi rin alam ni
Mang Amor na mayroon syang sariling baklad. Baka isipin na ninanakaw nya ang binhi, kawayan, straw, plehe at boya
nito at inililalagay nya sa kanyang pwesto. Wala syang sariling bangka. Tanging bangka-bangkaang gawa lang sa
pinagdugtong-dugtong na sako ng bigas na nilagyan ng Styrofoam ang nagsisilbi nyang balsa. Hindi iyon uubra na
pagpatungan ng mabibigat. Kung sya nga na bihasa na sa pagbabalanse sa lunday ay tumataob pa sa kanyang balsa, ano
pa kaya ang ikakarga ditong tahong?
Di hamak na mas malaki ang kikitain nya sa pagpapalinis ng mga baklad sa mga susunod na araw. Sapat na para
makapagsimula syang muling magtanim sa kapiraso nyang pwesto. Sobra pa ng kaunti. Ngunit ngayon nya kailangan ang
pera.

Sa unang pwesto ni Mang Amor sila pumunta. Itinali ng matanda ang lunday sa isa sa mga nakausling tulos ng kawayan.
Dalawa ang pwesto rito ni Mang Amor. Bawat isa ay may tiglimang bila. Ang bawat bila ay may di kukulanging trentay
sais na kawayan. Kung sisilipin mula sa itaas, maitutulad sa isang malaking agaw-bitin. Yun nga lang, may mga paang
nakatulos sa dagat.

Marahan silang bumaba. Ramdam nya agad ang init ng alig. Malinaw-linaw pa rin naman sa ilalim kahit na namumuti ang
ibabaw ng dagat. Inisa-isa nya ang haligi ng bila. Nandoon at nakakulumpon ang mga tahong na halos pambenta na ang
laki. Nilapitan nya ang mga ito. Sa kaway ng kanyang mga kamay at sikad nya sa ilalim ng dagat, lumikha ito ng
bahagyang pagkilos ng tubig. At iyun na. Lumuwa ang laman ng tahong. Naiwan ang mga balat na nakakapit sa kawayan.
Naglabusaw ang tubig. Lumansa lalo ang dagat. Pinuntahan nya ang pabitin at palutang. Ang pabitin ay ang mga tahong
na nakabitin sa pagitan ng mga tulos samantalang ang palutang ay tahong na nakabalot sa lambat na pinalulutang ng
Styrofoam na nakatali sa pagitan ng mga poste. Sinenyasan nya si Mang Amor. Ginilitan nya ang kanyang leeg sa
pamamagitan ng hintuturo. Tila nagsasabing “Nasintesnyahan na ang tahong”. Umiling si Mang Amor. Isinenyas ng
matanda ang mas malalim na parte ng kawayan. Kahit parehas nilang alam na mas madaling mamatay ang tahong sa
mas malalim, nagbakasakali pa rin sila. Umahon muna sya para kumuha ng hangin. Pinuno ang baga. At saka sumisid.
Umahon na si Mang Amor. May edad na ito at hindi na kaya ang mas malalim.

Si Intoy ang bihasa sa lahat ng magtatahong sa Kalye Marino. Kaya nga sya tinawag na ‘Intoy Syokoy’ dahil para nga raw
itong syokoy na nakatatagal sa ilalim ng dagat. Para bang may hasang ito tulad sa isda. Bagamat maipagkakamali na rin si
Intoy sa syokoy. Sunog ang balat sa araw at asin. Maligasgas. Makapal. At kahit bagong ligo pa sya ng tabang, wag lang di
pagpawisan ng kaunti ay amoy dagat agad sya. Kulay kalawang ang buhok. Di nya na kailangang magpa-highlights pa ng
chestnuts o blond. Bilugan ang mga mata na pirming mapula dahil sa hapdi ng tubig-alat. Malalapad ang mga palad at
mahahaba ang daliri. Payat na mahahaba ang mga brasot kamay, hita’t binti. Madaling lumubog, madaling lumutang sa
dagat. Mahahabang malalapad ang kanyang mga paa na kapag kanyang ipinagdikit sa pagsikad ay aakalain mong buntot
nga ng isda. Wala pang tumatalo sa kanya sa bilisan ng paglangoy, palaliman at patagalan ng pagsisid. Mapamatanda o
mapabata panis lahat sila kay Intoy Syokoy. Sa edad nitong disisais, mukha na syang beynte singko pero parang katawan
ng trese anyos.Unat ang kanyang mga kalamnan, balat, buto’t litid sa paglangoy at pagsisid. Ngunit walang makaing
matinong sustansya ang mga bahaging ito kung kayat sila-sila na lang ang nagkakainan. Di tulad ng mga swimmer na
atleta, bato-bato’t malalapad ang katawan na umbok ang masel. Si Intoy, bato nga. Pero parang isang buhay na posteng
kongkreto.

Sisid si Intoy. Nangabay sa mga tulos ng kawayan. Hinihila ang sarili pababa sa pamamagitan ng pabaligtad na pag-akyat
sa palasebo. Inuga nya ang mga pahalang na kawayan. Kinuskos ang mga nakakapit na tahong. Umalsa ang mga laman,
lumabusaw lalo ang tubig. Wala syang gaanong maaninag. Pinasya nyang umahon na. Isang sikad paitaas.

Sisinghap-singhap syang umahon. Tinanggal ang salamin pandagat.

Ano?
Walwal! Kisay tayo, Mang Amor.

Ay! Digrasyaw bo.

Nagpasya silang tignan ang natitirang tatlong bila ni Mang Amor sa laot. Madalas napapatawad ng alig ang laot. Di na
nito kayang malason ang malayo sa pampang. Malakas na ang alon doon at nadadala ng ragasa ng tubig ang peste. May
kalayuan nga lang ang pwesto ni Mang Amor. Mangangalay sila sa kakasagwan at baka hindi nila mailigtas ang pwede
pang mailigtas. Binilinan ng matanda si Intoy na maghintay na lang sa lunday at babalikan sya ng amo gamit ang
bangkang de motor at saka hihilahin ang lunday sa laot. Nakisabay na lang pauwi ang matanda sa isang kinawayang
kapwa mangingisda para maidaan sa kanyang pantalan. Mailigtas pa ang tahong kung maiaahon agad ito. Ang
palatandaan, kapag sa pagsisid ay nakabuka ang mga ito ngunit kapag ginalaw ay kusang magsasara. Maibebenta pa
kahit sambot-puhunan man lang.

Sinamantala iyun ni Intoy. Pandalas syang gumaod papunta sa kanyang pwesto. Mga dalawandaang metro ang layo
noon sa pwesto ng kanyang amo. Wala syang palatandaan sa kanyang baklad di tulad ng iba na may mga bandila o
boyang malalaki. Basta’t kinabisa nya na lang kung san iyon . Di halatang may tahungan sa kanyang piniling pwesto, kasi
nga, di nakausli ang mga kawayan. Malilit na kawayan lang ang kanyang ginamit. Di pansinin kumbaga. Sobra lang ang
mga iyon sa kanyang mga pinagtrabahuhan. Sinabi nya na lang na gagawa sya ng balsa-balsang kawayan. Isang bila lang
iyun. Iilang tumpok ng semilya ang kanyang nilagay doon buhat na rin sa isang nagpatanim. Sobra ang semilya, kapos sa
kawayan. Wala nang pabitin at palutang. Magastos sa straw, Styrofoam at plehe ang mga iyon. Puro tali na lang sa bila
ang ginawa nya. Sya lang ang gumawa ng lahat ng iyon. Natutunan nya yun simula noong sya’y nwebe anyos pa lang. Sa
pamamagitan ng pagsama-sama sa mga nagtatali, naglilinis, nagbabaon, nag-aahon at kung anu-ano pang trabahong
may kinalaman sa pagtatahong. Masasabing isa na sya sa batikan sa larangan ng pagtatahungan. Wala nga lang sapat na
kapital para makapagtanim ng malakihan.

Sa gulang na lima natuto na syang lumangoy nang itulak sya ni Bertong Baka palabas ng pantalan. Tawanan ang mga
kalaro nya. Sina Yeyeng Tikol, Boyet Bagol at Doray Langaw. Narinig nya ang tawanan ng lahat kahit pa na sisinghap-
singhap sya.

Yaaah! Si Intoy Kuting, di makalangoy. Kantyaw ni Bertong Baka.

Kuting! Kuting! Kuting! ang sigaw nina Boyet Bagol at Yeyeng Tikol.

Kuting pa noon ang bansag kay Intoy. Tatay nya kasi si Landong Pusa. Mahilig manghuli ng pusa para gawing pulutan.
Namatay ito nang tumalon mula sa pantalan dahil sa sobrang kalasingan.Tuhog ang leeg at tagos sa balakang ang tolos
na kawayan ang eksenang tumambad isang umaga sa pantalan. Pagkalibing ng tatay nya ay nawala ang ina. Balita’y
sumama na sa isang drayber ng bus at iniuwi ng probinsya.

Tumigil sa pagtawa si Doray nang mapansing hindi na yata makakawag ang kalaro. Baka nalulunod na si Intoy.
Uy, ang langaw, nag-aalala sa kuting. Alaska ni Yeyeng Tikol.

Pagnamatay ang kuting, lalangawin naman. Hirit ni Boyet.

Sinagip din sya ng mga kalaro. Bagamat umiiyak si Intoy at nagtatawanan ang kalaro, nakuha pa rin nilang magbiruan.

Tang na ka, Kuting ka kasi kaya takot ka sa tubig, si Boyet uli.

Sa dami ng nainom mong dagat, mamaya, pati utot mo at dighay, amoy dagat. Alaska ni Yeyeng Tikol.

Simula noon, palihim na nag-aral lumangoy si Intoy. Sa una ay pakuya-kuyapit pa sya sa mga poste sa silong ng mga
bahay. Hanggang sa poste ng pantalan. Hanggang sa magpalipat-lipat na sya ng poste ng mga pantalan. Hanggang sa
kaya nya na talagang lumangoy. Hanggang sa kaya nya nang makipaghagaran-taya sa mga kalaro. Sya ang laging panalo
sa karera sa paglangoy. Sya ang pinakamatagal sumisid. Di baling makainom sya ng tubig at magkasugat-sugat sa mga
nakausling kawayan o poste, basta’t doon man lang ay ituring syang magaling, sa paglangoy at pagsisid.

Sa kanilang magkakaibigan, si Berto ang pinakamalakas. Punggok na malaki ang katawan. Bato-bato. Tagaigib ba naman
ng tubig-tabang sa buong isikinita nila kung hindi lumaki ang katawan at mapunggok. Tinawag itong baka dahil atungal
baka si Berto pag pinapalo ng kanyang nanay. Gala, malakas ang loob at may kakulitan. Kasama nya ngayon ito sa
inuupahang maliit na bahay-bahayan sa tabing dagat. Kasalukuyang tagahugas ng bus. Madaling araw ang pasok, bago
magtanghali ang uwi.

Si Boyet ay binansagang bagol kasi nahuli itong nangungupit ng bagol sa tindahan. Bata pa lang daw kumakana na. Ewan
kung likas na malikot ang kamay. Naging batikang manananggal (ng sinampay, gamit, bisekleta) sa kanilang baranggay at
pinagkakaisahan ng gulpihin ng taong bayan. Hanggang sa hindi na makita. Ang huling balita ay nakakulong daw ito
ngayon sa Maynila.

Si Yeyeng Tikol sana ang matalino sa kanilang lahat. Ito lang ang nakatuntong ng mataas-taas na pinag-aralan kung hindi
lang nagkaletse-letse. Matapos ng limang taon sa Saudi ang kanyang ama, umuwi itong una ang ulo at isinunod na lang
ang katawan. Noong malilit pa sila, pirming nakapasok ang kamay ni Yeye sa loob ng shorts. Nagtitikol daw. Nang
magbinata, di na sya tinawag na Yeye Tikol, Ariel na (ito ang tunay nyang pangalan), di na raw pwede ang tikol. Malaki na
kasi kayat Ariel Burat na sya ngayon. Nahilig mag-aral kahit walang laman ang bulsa at tyan, natutong mag-shabu. Kaya’t
si Yeyeng Tikol o Ariel Burat ay madalas nasa kanto ng Kalye Marino, nagtatawag ng mga dalagitang naglalakad habang
ipinakikita ang pagbuburat.

Si Doray Langaw… ano ba ang kadalasang kwento ng lumaki sa iskwater na walang pinag-aralan, na iniwan ng mga
magulang at tumayong ina’t ama sa dalawang nakababatang kapatid, na may itsura naman kahit papaano basta’t
maliligo lang at magsisipilyo, magpulbos ng kaunti at lipstik? E, di puta. Di naman. Di naman puta si Doray Langaw.
Pakangkang lang daw ito sa mga mambabasnig. Ang basnig ay malaking bangka na tumatagal ng ilang linggo sa dagat.
Sari-saring isda ang huli ng mga ito. Pagkadaong sa katihan o barahan, magbebenta ng isda ang mga mambabasnig sa
namamakyaw sa pandawan. At dadayo doon si Doray. Tilapya naman nya ang kanyang ibebenta. Huhugasan sa hapon
para maagang mabenta. Mabilis kasi itong mabilasa sa gabi. Kasi naman, kahit disisyete pa lang ang kanyang tilapya,
para na itong kwarentay singko anyos na galunggong. Kung malakas ang benta, maagang gagarahe si Doray. May pambili
na ng pagkain at bigas. Kung mamalasin at babaratin ang kanyang tilapya, palit-isda na lang. Okay pa rin. Ibebenta na
lang nya kinaumagahan ang isdang ipinambayad sa kanyang inilakong tilapya noong nakaraang gabi.

Gaya ng inaasahan ni Intoy, lalos din ang kanyang tahong. Sa kalkula nya, maibebenta nya sa pakyawan ng tatlong daan
ang laman ng kanyang tahungan. Sya at ang mga tulad nya na naghintay ng anim hanggang pitong buwan na namuhunan
ng sipag mula sa pagtatanim, pagbisita kada ilang araw, paghigigpit sa mga taling maluluwag, pagtatanggal ng mga
kumapit na basura, pagluluwag ng mga sobrang sikip na pagkakatali. Malamang, mga kinseng galon sa bente pesos
bawat isa. Matatapos na sana ang kanyang paghihintay. Nagkaayos na sana sila ni Doray.

Agad syang bumalik sa lugar na pinag-iwanan sa kanya ni Mang Amor. Maya-maya pa ay dumating na ang amo. Hila-hila
ng bangkang de motor ang kinasasakyan nyang lunday. Tumataas na ang araw. Sumisilaw na sa kanyang mata ang
repleksyon nito sa dagat. Wala sa loob nya ang paglimas ng tubig sa lunday. Saan sya kukuha ng pera? Paano na ang
usapan nila ni Doray? Pwede kayang bumale na agad sa kanyang mga lilinisan?

Toy, kung talagang kursunada mo ang tilapya ni Inday, dapat bayaran mo rin ‘yun. Kahit pa magkakaibigan tayo, abay
bisnis is bisnis, sabi nga ng titser natin sa H.E., si Bertong Baka.

Ulol! Tang ‘nang ‘to, sama ng isip. Wala pa sa isip ko yung iniisip mo. ‘Yan ang napapala mo sa pakikiusyoso sa
kwentuhan ng mga drayber at konduktor.

Eh, kung kuskusin din kaya kita tulad ng pagkuskos ko sa bus? Di ka pa kasi nakakatotkans kaya ka ganyan magsalita.
Totoy ka pa! Tagal na nating tule, totoy ka pa rin!

At ikaw… matanda na? Buwan lang ang tinanda mo sa akin ‘no? Row por ka talaga!

Palkups ka talaga! Apat na ang natotkans ko. Si Jenny Kikay, nilibre ko lang ng Mc Do at ibinili ng t-shirt sa ukay ukay,
nakalaykay ko na ang kiki ni Kikay. Kaya lang amoy ukay-ukay din ang puday ni Kikay. Maluwag na rin. Si Che-che Tatse,
niyari ko ng patuwad sa pantalan ni Mang Amor. Ah, yun, syinota ko talaga muna. Ako nakauna dun. Si Neneng Bayag,
syinota ko rin. Pero pakiramdam ko, ako ang syinota. Dito ko sa ‘tin kinana ‘yun. At ang di ko makakalimutan… si Selyang
Kuto. ‘Yun ang dumunselya sa akin.
Napatigil si Intoy sa paghihimay ng straw na pagbabalutan ng similya. Inusisa ang sinabi ng kaibigan. Kilala kasi si Selyang
dating star ng beerhouse. Halos nagbibinata’t nagdadalaga na ang mga anak nito at napabalitang kinukuto. Di nya alam
kung inaabatan lang sya ng reaksyon ng kasama sa bahay na washer na bus. Baka nga nagbibiro ang kaibigan.

O, lalong lumalaki ang mata mo, Lalo kang nagmumukhang lasing na syokoy. Wala ng kuto ‘yun. Magaling na nung
kinana nya ako. At por yur inpurmesyun, di ko binayaran ‘yun. Sya pa ang nagpainom. Kursunada siguro ako. Pabertdey
nya raw sa akin. Sya ang nakaberdyin sa akin sa edad kinse.

Kursunada nga ni Intoy si Doray. Matagal na. Kahit na noong mga bata pa sila. Di nya alam. Di naman maganda si Doray.
Busangot ang nguso at bahagyang nakatikwas ang ilong. May katabaan at tulad nyang pwde ring makaliskisan ang balat.
Siguro ay ang malamlam nitong mga mata. Siguro ang kulot nitong buhok. Siguro ang kabaitan nito sa kanya. Siguro dahil
parehas silang wala ng mga magulang. Siguro dahil sa maagang bumalikat ng mga kapatid. Siguro ay maagang namulat
sa pagtatrabahong tulad nya. O dahil palakaibigan ito di tulad nyang tahimik. Kaya nga raw ito tinawag na Doray Langaw
dahil laging nakadapo sa tumpukan ng tao. Bata, matanda, kapwa babae o mapalalake, kakilala o hindi. Alam na nya at
ng buong Kalye Marino ang trabahong paglalako ng tilapya ni Doray. Sa gabi, pupunta ito sa barahan ng basnig malapit
sa Philippine Navy, sa likod ng City Hall. Makikipagtawaran sa mga mambabasnig. Sa kwento ni Berto at ng mga
kakilalang mangingisda, pwede na raw sa dalawandaan. Syempre, doon sa batuhan o sa mismong bangka, o kaya sa
basnig, o kaya sa mga pantalan pinupusta ang tilapya ni Doray. Kapag bilog ang buwan, walang gaanong kita ang mga
mambabasnig, isda ang bayad sa tilapya nito. Payag na rin si Doray. Kinabukasan, ilalako nya naman ang mga ito. O kaya
dadalhin sa palengke, sa isang plangganita kadalasang asubi, kanglay, samaral, banak, bangus-alat o tamban, sa isang
sulok, o sa daanan ng tao… ibinebenta ni Doray ang mga isda. Minsan, sa awa nya kay Doray, binibili nya agad ang lako
nito kahit pang may huli rin syang isda o binibigyan sya ng parte ni Mang Amor sa pangingilaw sa gabi o pamamandaw
sa hapon.

Mabait sa kanya si Doray dahil maliban kay Berto, ito lang ang nagtityagang makinig sa kanyang mga kwento at
pantasya. Si Doray lang ang nagpapaalala sa kanya na mas maswerte sya kaysa dito. Na sya ang pinakamagaling na
maninisid, magtatali, mag-aani at maglilinis ng tahong. Sya ang pinakamabilis sa languyan. Sya ang pinakatumatagal sa
sisiran. At si Doray lang sa buong Kalye Marino ang tumatawag sa kanyang pangalan nang di kakabit ang “syokoy”. Di nya
alam kung may gusto rin sa kanya si Doray. Baka kasi nagpapasalamat lang ito sa madalas nyang pag-aabot ng bungkos
ng tahong dito. Baka naman, pinaglalakuan na rin sya ng tilapya nito kapalit ng maraming bungkos ng tahong.

Marami ang umaasa sa tahungan. Ang Kalye Marino ay hindi na Kalye Marino kung wala ang mga magtatahong. Sinasabi
ng mga matatanda na tinawag ang kanilang lugar na Kalye Marino simulang gawing Base Militar ng mga Amerikano ang
dulo ng kanilang lugar na pinangalanang Sangley Point Naval Base. Ang tumbok daw ng kanilang Kalye ang unang gate ng
Sangley Point. Kayat sa kanilang kalye dumadaan ang mga sundalong Amerikano para maglabas-masok sa base. Marines
o marino ang kadalasang sundalong dinadala sa Sangley. Nilipat lang ang gate sa tumbok ng pangunahing lansangan
dahil may napatay na puti nang makasaga ito ng batang naglalaro sa Kalye Marino. Balita’y sa sobrang kalasingan,
nakaladkad ang bata hanggang sa gate.

Maraming dumayo sa kanilang lugar dahil sa trabaho. Shoe shine, sastre, driver, bugaw, puta, tindero at kung anu-ano
pa. Dumami ang dumayo sa lunsod ng Cavite para makipagsapalaran sa pangakong kaunlarang dala ng bawat barkong
nag-aangkla sa baybayin ng Kalye Marino. Sumigla ang transportasyon. Dumami ang tao. Lumaki ang palengke.
Nagkaroon ng sinehan. Libangan. Putahan. Sugalan. Dumami ang simbahan. Kayat ang pampang ng Kalye Marino ang
sinumulang tayuan ng barung-barong. Sa simula’y mga dalawampung bahay lang daw ang kulang sa isang kilometrong
kalsadang sumasanga mula sa pangunahing lansangan patungo sa base. Nang maglaon, ang dalawampu’y nanganak
nang nanganak. At ngayon nga ay ilang metro na ang sinakop ng mga bahay mula sa pampang papuntang dagat. Di daw
pinapansin ang tahong noong panahon ng mga Amerikano. Ginagawa lang daw itong pain sa isda. Ang mga tahong ay
kusang tumutubo sa mga batuhan o breakwater, barkong lubog, mga poste ng bahay sa pampang. Maraming
mangingisda sa Kalye Marino noong panahon ng mga Amerikano. Suki ng mga ito ang mga puti lalong lalo na sa
malalaking isda, hipon, alimasag, pusit, pating, talaba at iba’t ibang lamang dagat. Dumami ang tao sa pampang ng Kalye
Marino. Dumami ang tao sa mga pampang ng Lunsod ng Cavite. Dumami ang tao sa pusod, dibdib at bituka ng lunsod.
Dumumi ang dagat. Pinalitan ng burak ang dating buhangin. Sa paglisan ng mga Amerikano at lumipat ang base sa
Olongapo, marami ang naglupasay sa lungkot at pagkalugi. Nagsara ang maraming beerhouse, kainan, patahian,
pasadyaan ng sapatos at iba pa. Nawalan ng trabaho. Nawalan ng pag-asang makapag-asawa ng Amerikano ang mga
puta. Nabaling ang pansin ng iba sa dagat. Marami ang pumapalaot. Ngunit katagalan, mas marami pang plastik at
basurang nalalambat kesa sa isda. Sumasabit ang mga kawil sa tela, sako at lata. Pinalitan ng burak ang dating puting
buhangin ng pampang. Kayat tahong ang pinagdiskitahan ng ibang dating mangingisda.

Trenta’y singko pesos kada galon ang benta nina Mang Amor at Intoy sa tahong kapag tingi. Sa mga walang-wala, ulam
na ito maghapon. Sabawan lang, tiyak na may mahihigop at mailalaman sa kumakalam na tyan at pang-ulam sa
maghapon ang isang pamilya. Ibang usapan at presyuhan kapag pakyawan. Ibig sabihin, lahat ng laman ng tahungan,
aanihin . Libo ang turingan dito. Naging popular ang Cavite dahil sa tahong. Partikular ang Lunsod ng Cavite. Partikular
ang Kalye Marino. Manamis-namis daw ang tahong hango sa baybayin ng Kalye Marino. Haka ng matatanda, dahil daw
sa agos mula sa Maynila-Bataan. Hula naman ng ibang lasenggero ay dahil sa ebak ng tao. Kunsabagay, lahat naman ng
idinidiposito sa banyo sa lahat ng pampang ng Lunsod ng Cavite ay sa dagat ang diretso. Maging ang tambakan ng
basurahan ng lunsod na ito, sa pampang din sa likod ng sementeryo matatagpuan.

Isinoot ni Intoy ang salaming panisid at pamadyak. Mapapalaban sya ng sisiran. May kalaliman ang pwesto ni Mang
Amor. Nagdoble sya ng gwantes. Mas makapal ang taliptip sa kawayan sa laot. Higit ng hininga. Sisid. Sikad at padyak
habang kagat-kagat nya ang kutsilyo. Binaybay nya ang mga bila. Niluluwa na ng mga tahong ang sarili nitong laman.
Lumabusaw ang tubig. Binisita nya ang mga pabitin. Gamit ang kutsilyo, pinutol nya ang isa sa mga ito. Dumiretso sa isa
sa mga palutang. Pinutol nya rin. Umahon. Ipinakita sa amo. Nakanganga ang balat. Wala na ang laman. Nadale ng alig.

Sabi ng ibang beteranong magtatahong, kelan lang daw nagkaroon ng alig. Nagsimula lang daw ito nitong huling
dalawang dekada. Ang paniniwala, dahil sa labis na dumi na ng dagat. Ang paniniwala ng iba, ang alig daw ay ang dumi,
kemikal at lasong nakaimbak sa mga pusali, imburnal at kanal ng lunsod na nabasa’t natuyo sa loob ng ilang buwan. At
kapag bumuhos ang malakas na ulan, iaagos ang ragasa ng tubig patungong pampang, lilikha ito ng kawalan ng balanse
ng lamig, init, alat at iba pang kemikal at mikrobyo sa dagat. Kung tuba ang ikinamamatay ng isda, at red tide sa tao, alig
naman ang sa tahong at mga lamang dagat.

Paano ba nya sasabihin kay Doray ang lahat? Na gusto nya ito. Kung mahal, hindi nya, di nya alam. Basta’t kung may
magagawa lamang sana sya, ayaw nya na itong makikita sa barahan ng basnig. Kung pwede lang sana, sabihin nya na kay
Doray na tutulungan nya na lang ito sa pagbuhay sa dalawa nitong kapatid. Kaso, alam nyang di sapat ang pagsesrbisyo
nya sa mga tahungan. At ang kaunti nyang tanim na tahong ay di rin uubra. Kada anim na buwan ba naman umani ng
tahong at lagi pang inaabot ng alig, gaganahan pa ba syang magprisinta ng tulong kay Doray? Si Doray na nga lang yata
ang ‘dalagitang’ may itsura sa kanilang looban. Kung hindi man mukhang sirena sa imburnal, madalas na mukhang igat
ang mga kababaihan sa kanilang iskinita. Minsan, kapag naliligo sila sa dagat ni Bertong Baka, makikisabay ito kasama
ang dalawang kapatid. Tinuturuang lumangoy ni Doray ang mga ito. Sa laki ng tyan, ika nga ni Berto, para daw itong mga
buteteng laot. Siyang siya si Intoy na makita ang pagkakahapit ng t-shirt sa may katabaang katawan ni Doray tuwing
aahon sa dagat at magpapahinga sa pantalan. May kung ano syang nararamdaman na di nya ginusto. Marapat sabihing
ayaw nya nga. Pumapalag ang palos sa kanyang short pants. Kumikiwal-kiwal. Kumikibot-kibot. Di nya alam kung dahil
lang sa pagkakatuli nila ni Berto noong nakaraang taon. Syoyotain nya rin kaya si Doray tulad ng ginagawa ni Berto? At
pagsyota na, gagawin rin kaya nila ni Doray ang ginagawa ni Berto kina Jenny Kikay, Cheche Tatse, Neneng Bayag at
Selyang Kuto? Ayaw pa nyang isipin ‘yun. At hindi pa sya marunong. Tuturuan kaya sya si Doray? ‘Yun ang lalo nyang
ayaw isipin. Pero paano nga nya sasabihin kay Doray? Gusto nya ba itong mahalin o anuhin lang. O mahalin at aanuhin
din pagkatapos.

Kagabi lang, nang hihilahin ni Intoy ang mga inorder na kawayang ibinagsak mula sa Maragundon sa barahan ng basnig,
nakita nya doon si Doray. Kausap ang ilang mambabasnig. Iniwasan nya ng titig ang kababata. Bagamat alam ni Doray na
alam nya at ng buong taga-Kalye Marino ang trabahong pagbebenta ng tilapya sa mga mamabasnig, ano’t parang
nahihiya pa rin sya para dito? Sige ang tali nya sa mga kawayan para hilahin ng bangkang de motor at ilalagay sa silong
ng kanyang pantalan. Binayaran nya ang nag-deliver ng kawayan. Inabutan sya ng singkwenta pesos. Parang komisyon
na yun sa kanyang pag-order sa kausap.

Intoy! alam nyang si Doray ‘yun.

Kunwa’y di nya narinig. Pandalas sya ng lakad papunta sa bangka. Tinawag syang muli ni Doray, Sunud-sunod na. Di na
nya maiiwasan.

Anyong sinino nya pa ang tumatawag. Maliwanag ang kalangitan. Bilog na bilog ang buwan at waring nagbubunyi ang
lahat ng mga bituin. Nasinagan ng liwanag si Doray. Puting t-shirt at shorts na dilaw ang soot nito. Nakatsinelas.
Bahagyang pinapula ang labi at litaw ang layo ng kulay ng mukha sa leeg gawa ng kulapol ng pulbos. Basa pa ang buhok.
May labi pa ang bango ng shampoo at sabong pampaligo. Inihatid sa kanya ng hanging habagat ang samyo ng bagong
paligong kababata. Di magkandatuto si Intoy sa pagbatak ng tali para mag-start ang motor ng bangka.

Uy, kaw pala. Anong ginagawa mo dito? Gabi na ha? Sino naiwan sa mga kapatid mo? repeke ng kanyang tanong. Kahit
alam nya ang sagot sa kanyang mga tanong. Ano kaya’t sumagot si Doray ng ganito: “Kabron ka talaga. Alam mo naman
na nandito ako para magpakangkang. Natural gabi. Gabi lang naman bumabara ang mga basnig. At alam mong walang
naiiwan sa mga kapatid kong natutulog na.”

Mahina ang huli. Bilog ang buwan. Wala akong maiuuwi. Di bale, baka bukas, siguro.

Di nakapagsalita si Intoy. May naglaro sa isip nya. Ano kaya kung sabihin hya kay Doray na sya na lang magbabayad?
Pero di nya aanuhin si Doray. Pauuwiin nya lang ito. Para bang gusto yang iligtas si Doray mula sa mga asal pating na
mambabasnig. Mga pating na basta’t makakuha lang ng tyempo, sasakmalin agad ang malilit na isda. Pero alam nyang
ilang ulit nang nasakmal ang tilapya ni Doray. Paulit-ulit. Minsan nga, ayaw na ng ibang mambabasnig. Paitlugan na raw
ang tilapya ni Inday. Gusto nila ng mas sariwang tilapya. Mas mahal nga lang. Okay lang daw, sulit naman. Habang
tumatagal ay pababa ng pababa ang presyo ni Doray. Noong una, hanggang limang daan ay nabibili ang kalakal ni Doray.
Pero makalipas ng dalawang taon, swerte na ang tatlong daan. Kaya doble ang kayod nito. Mula alas sais hanggang mga
alas dose. Sa barahan, marami ang tulad ni Doray. Alas sais ay labasan na ng mga paninda. Inilalako sa mga parukyano.
Pag may bumili, ayos na. Boundary na. Yung iba, uulit pa. Pangreserba ‘ika nga sakaling tumumal ang bentahan
kinabukasan. Pagsapit ng mga alas nwebe, alas dyes, pababa ng pababa ang kanilang presyo sa paniniwala ng mga
basnig na bilasa na sila. Nakailang pisil at pindot na sa kanilang tilapya ang mga mambabasnig. Kung talagang matumal,
dumadayo pa ang mga ito sa Villamar Beach sa Noveleta. Mga magpupukot naman ang aalukan ng tilapya. Kaso, mas
nakakatakot daw dun. Marami sa tulad nila ang nagkasakit. Na-red tide ika nga. Wala pang ganoong tapang si Doray.

Pasabay naman, kung uuwi ka na.

Oo ba.

Sa loob ni Intoy, sayang din ang ang kinse pesos na ibababayad ni Doray sa dyip. Isang sakay mula barahan hanggang sa
may simbahan. Tapos mula simbahan, isa pa uling dyip pa-Sangley. Kung lalakarin, mga medya oras din. Delikado, gabi
na. Ibinaba nya si Doray sa kanyang pantalan. Bandang bukana ng iskinita ang bahay ng kababata.

Naberdyin ka na ba, Intoy? Balita sa ‘kin ni Berto, di ka pa raw. Sya daw madami na. Yabang nun no? Madami na raw
syang na-ano. Eh, kung sinu-sino lang naman ang mga ‘yun. Sina Jenny Kikay na inakan ng mga kundoktor at drayber, si
Neneng Bayag na pekpek palit-bato, si Selyang Kuto na tinatanggihan na sa basnig at si Che-Che Tatse, ekskyus lang no,
mas mataba pa sa akin ‘yun. Ang mga type talaga ni Baka… ‘la pala sya. ‘Kaw, type mo ba ang tulad ko? ang parang
walang anong tanong ni Doray. Alam ni Intoy na si Bertong Baka ang nagnguso kay Doray. Di nya alam kung matutuwa
sya o magagalit sa kaibigang washer. Di nya alam kung talagang nagmamalasakit sa kanya ang kaibigan o ibinubugaw
lang talaga sya. Di nya alam kung nakikipagsyota na sa kanya si Doray o simpleng pinaglalakuan lang sya ng tilapya nito.

Sige, bukas, di ako pupunta sa barahan. Puntahan kita dyan sa inyo.

Ha, a, eh, si Berto, eh…

Sus, pakipot pa ‘to. Alam ko namang gabi ang alis ni Baka at umaga na ang uwi. Basta, mga ala una, baka may makakita
sa atin eh. Iwan mong bukas ang pinto mo.

May gusto rin ba sa kanya si Doray? O baka naman magpapaano lang sa kanya? Kung magpapaano ito sa kanya, gusto ba
talaga iyon ni Doray o may bayad? ‘Bisnes is bisnes’ ika nga ni Berto. Baka nga. Ampanget. May bayad. Ibig sabihin nun di
rin sya mahal. Pero, nagbebenta naman ng tilapya si Doray sa kung sinu-sino lang, bakit hindi pa sya ang tumangkilik sa
paninda ng kababata? Mabuti na yun, kung sya man ang kakain ng tilapya ni Doray, gusto nya talaga ito.O mahal na
siguro.

Halos hindi makatulog si Intoy nang gabing iyon. At napagpasyahan nya na kailangan nya ng pera. Kung sakaling humingi
ng kabayaran si Doray, hindi sya mapapahiya. At ang nasa isip nya nga ay ang hanguin ang lahat ng tahong nya at
ipapakyaw sa mga nagtitinda sa kanilang kanto. Bagsak presyo na. Kahit tatlong daan, payag na sya. Bibili sya ng
pandesal at mantikilya, kape’t asukal sa panaderya sa kanto para may pagkain sila. Bibili rin sya ng shampoo at sabong
mabango. Puro sabong panlaba na lang kasi ang natitikman ng kanyang ulo at katawan. Bibili rin sya ng colgate. Baka
amoy dagat pa sya, nakakahiya naman. Baka maalat ang laway nya, nakakahiya naman. Pag-alis ni Berto, saka sya
maglilinis ng bahay. Baka makahalata kasi ang kaibigan kung maaga nya itong gagawin. Maglalaba rin sya ng kumot at
punda. Ibinibilad nya sa araw ang banig at unan. Mag-iipon sya ng tubig-tabang.

Ngunit ngayon, pinatay ng alig ang sagot sa mahabang paghihintay ni Intoy. Itutuloy pa ba nya? Ano ang ikakatwiran nya
kay Doray? Na wala syang pera? Paano kung gusto pala talaga sya ni Doray at hindi ito nagpapabayad? Baka naman
magalit sa kanya ito at isiping itinututiring niya rin tulad ng pagturing ng sa kanya ng mga mambabasnig?

Sige ang murang pa-Chavacano ni Mang Amor. Digrasyaw bo, kabron!

Pinagpuputol ni Mang Amor ang mga pabitin at panabit. Si Intoy, kinayas nya ang mga bila at poste. Tinanggal ang mga
balat ng tahong na wala ng laman. Lumalabo ang tubig sa tuwing babagsak sa burak ang mga bungkos na patay na
tahong. Awtomatiko at mabilis ang kilos ni Intoy kahit wala sa loob ang trabaho. Lalo pang lumalabo ang tubig sa mga
laman ng tahong lumulutang sa paligid na umaalsa mula sa kinayas na tahong sa mga bila at posteng kawayan. Ilang oras
lang at malinis na ang dalawang pwesto ni Mang Amor. Bukas na nila itutuloy ang paglinis sa iba. Pahapon na. Gutom na
sila at giniginaw hatid ng hanging pasko. Nanguluntoy na ang kanilang balat sa kamay at talampakan. Sugat-sugat ang
kamay ni Intoy sa talim ng mga taliptip at tahong. Di sya naipagtangol ng manipis at magupok nyang gwantes.

Gabi. May taklob ang nakahanda nang pandesal at mantikilya. Katabi ng kanin at ulam na ipinagtabi ni Berto kaninang
hapon bago ito umalis para maghugas ng bus. May mainit na tubig sa termos. Nakahanda na rin ang tinging kape at
asukal. Salamat sa isandaang paunang bayad sa kanya ni Mang Amor sa paglilinis ng mga pwesto maghapon. Ngunit
hindi sya nakapaglinis ng bahay. Hindi nya rin nalabhan ang kumot at punda ng unan. Di nya rin naibilad ang banig at
unan. May tubig-tabang na naigib si Berto. Pero di pa sya naliligo. Nag-aasin na ang tubig-dagat sa katawan ni Intoy.
Matigas na ang kanyang buhok. Naaamoy ni Intoy ang sarili na maalat. Nasa gawing pintuan lang sya. Nakaupo at
nakaunat ang mga hita’t binti sa tulay na kawayan. Inaaninag sa liwanag sa malamlam na bumbilya ang mga sugat ng
kamay. Mahapdi. Pero di na kumikirot. Sanay na sya. Naramdaman nyang lumalangitngit ang tulay na kawayan. Iniluwa
ng dilim si Doray. Nanulay ang bango ng bagong paligong bagong dating. Naka-shorts at t-shirt ito. Basa pa ang buhok.

Inalig daw halos lahat?


Oo eh. Malas nga. Pati yung kapraso kong pwesto, di pinatawad. May pinaglalaanan pa sana ako nun. Sige ang kukot nya
sa sugat. Gusto mong kumain? May kape dya, pandesal at mantikilya.

Hinawakan ni Doray ang kanyang kamay. Sinuri ang mga sugat. Hinalikan ito. Inakay sya paloob ng bahay.

A, Doray, kasi…

Hayaan mo na, makakabawi ka rin sa susunod.

Pininid ni Doray ang pinto.

This story won First Prize for the Maikling Kuwento in the 2006 Palanca Awards

Eros S. Atalia is a Filipino author, professor and journalist[1] from Cavite City, Philippines who wrote several books
including the Palanca Award-winning 'Tatlong Gabi, Ekupaskibas' (lit. Three Nights, Three Days) in 2013[2] and Ang
Ikatlong Anti-Kristo' (lit. The Third Antichrist) in 2017.[3][4] His book 'Ligo Na U, Lapit Na Me' (published in 2009) was
adapted into film in 2011.[5][6][7] He is a faculty member at the University of Santo Tomas,[8] and was a resident at the
International Writing Program of the University of Iowa.[8][7][4] Atalia also co-founded the defunct local newspaper
Responde Cavite, where he also served as an editor.[9]

Bibliography

Taguan-Pung at Manwal ng Pagpapatiwakal (2005)[9]

Peksman (Mamatay ka Man) Nagsisinungaling Ako (2007)

Ligo na U, Lapit na Me (2009)[10]

Wag Lang Di Makaraos (2011)

It's Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin ng Alien ang Daigdig sa 2012 (2012)

Tatlong Gabi, Tatlong Araw (2013)

Ang Ikatlong Anti-Kristo (2017)

Ang Paglilitis Ni Mang Serapio by Paul Dumol

Unang Tagapagtanong: (Sa Ikalawang Tagapagtanong) O, sige na.

Ikalawang Tagapagtanong: Sige. (Lalakad sila sa harap ng kanilang mesa)

Dalawang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Narito ho kayo upang panoorin ang isang paglilitis, dahila’y ang krimen ng isang pulubing huling- huli namin. Si Mang
Serapiong pisak at surutin. (Tatakbo sila sa kanilang mesa.) Dalhin dito ang nasasakdal! Dalhin dito ang nasasakdal! Dalhin dito ang nasasakdal! Dalhin dito agad!
(Hahalakhak, hihiyaw, at papalakpak ang mga Pulubi. Hihilahin ng dalawang bantay si Mang Serapio sa gitna ng silid at iiwan doon. Katahimikan.)

Unang Tagapagtanong: Magandang gabi, ginoo.

Serapio: Magandang gabi rin ho. (Sandaling titigil) Mga ginoo –

Dalawang Tagapagtanong: Silencio!

Unang Tagapagtanong: Huwag kang magsalita habang kami’y nagsasalita.

Ikalawang Tagapagtanong: Bastos ang nagsasalita habang may nagsasalita pa.

Unang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Patawarin ho ninyo siya. Talagang ganyan ho ang waLang kapangyarihang tulad niya: mangmang, at yan nga ang suliranin
ng mga may kapangyarihang, tulad namin.

Ikalawang Tagapagtanong: Tumindig ka nang matuwid!

Unang Tagapagtanong: Ba’t ka ba galaw nang galaw?

Serapio: Gusto ko lang malaman kung ano ang krimen ko. (Sandaling tigil)

Unang Tagapagtanong: Hindi mo ba alam?

Serapio: Hindi ho.

Unang Tagapagtanong: A, problema mo na ‘yon. (Sa mga manonood) Pag-aaruga ng bata ang krimen niya. (Biglang titindig ang tatlong saksi)

Tatlong saksi: Pag-aaruga, pag-aaruga, pag-aaruga ng bata.

Unang tagapagtanong: (Sa mga manonood) Krimen sapagkat ang pag-aaruga ng bata ay panunuksong gumasta.Samakatuwid nawawalan ng pera ang federacion.
Nahuli siya ng tatlong kasapi nitong federacion. Narinig siyang nagsasalita sa anak niya at alam pa nila ang pangalan ng anak niya- Sol. Pormalidad na lamang itong
paglilitis.

Hukom: Pormalidad na rin ho ang hatol ko.

Unang tagapagtanong: Ang parusa niya ay nais panoorin nitong mga pulubi. Siya’y bubulagin. (Bubungisngis at tatawa ang mga pulubi) Ginoong Serapio, mabuti ba’ng
tulog mo?

Serapio: Oho.

Ikalawang Tagapagtanong: Nakakain ka na ba?


Serapio: Oho.

Unang tagapagtanong: Magaling! Handang-handa ka sa paglilitis mo. Ilang araw mo nan g suot ‘yang kamisedentro mo?

Ikalawang Tagapagtanong: Ikaw ba’y naghilamos na?

Unang Tagapagtanong: Naligo?

Ikalawang Tagapagtanong: Nagpunas man lang?

Unang Tagapagtanong: (Sa bantay) Na-spray mo na ba siya?

Hukom: (Pupukpukin nang dalawang beses ang kanyang podium) Ituloy ang paglilitis! (Sa mga manonood) Sa siyam na taon sa federaciong ito bilang hukom, wala pa
akong nakikilalang tagapagtanong na kasindaldal nitong dalawa. (Pupukpukin nang dalawang beses ang kanyang podium) Ituloy ang paglilitis?

Unang Tagapagtanong: Bueno! Ginoong Serapio, sabihin mo sa amin- (Babatuhin si Serapio ng ikalawang tagapagtanong ng yeso o anumang maliit na bagay)

Ikalawang Tagapagtanong: Tumindig ka ng matuwid!

Unang Tagapagtanong: Sabihin mo sa amin ang pangalan mo.

Ikalawang tagapagtanong: Pangalan!

Serapio: Serapio, ho.

Unang Tagapagtanong: (Sa Ikalawang Tagapagtanong) Serapio.

Ikalawang tagapagtanong: Serapio?

Unang Tagapagtanong: Serapio?

Serapio: Ho?

Ikalawang tagapagtanong: Serapio?

Unang Tagapagtanong: Serapio?

Serapio: Ano ho?

Dalawang Tagapagtanong: Serapio ano?


Serapio: Serapio.

Unang Tagapagtanong: Serapio Serapio?

Serapio: A, hindi ho, Serapio lang.

Ikalawang tagapagtanong: (Habang sumusulat sa kwaderno) Serapio lang.

Unang Tagapagtanong: Ocupacion?

Ikalawang tagapagtanong: Ocupacion?

Serapio: Wala. Wala ho.

Unang Tagapagtanong: Ano, wala kang ocupacion?

Serapio: Wala ho.

Unang Tagapagtanong: Hindi ba isa kang pulubi?

Serapio: Oho.

Unang Tagapagtanong: Ocupacion mo ‘yon. (Susulat ang Ikalawang Tagapagtanong sa kwaderno) Classificacion.

Ikalawang tagapagtanong: Classificacion.

Serapio: Classificacion?

Dalawang Tagapagtanong: CLASSIFICACION!

Ikalawang tagapagtanong: Ano ang classificacion mo bilang pulubi? Nagmamakaawa o aliwan?

Unang Tagapagtanong: Pakunwari o karaniwan?

Ikalawang tagapagtanong: Ikaw ba’y nagrerenta?

Unang Tagapagtanong: Ng sanggol o bata?

Ikalawang Tagapagtanong: Upang akitin nga…

Unang Tagapagtanong: Ang luha ng madla?


Dalawang Tagapagtanong: ‘Yan ang uring nagmamakaawa.

Ikalawang Tagapagtanong: O tumutugtog ka ban g silindro o gitara, dram, o kahit na banda, o rondalla?

Unang Tagapagtanong: Kasama ng sayaw o kundi nama’y kanta nang madla’y maaliw at bigyan ka ng kwarta?

Dalawang Tagapagtanong: ‘Yan ang uring aliwan.

Unang Tagapagtanong: Maaari naman ding nagkukunwari ka, ika’y ipinaglihi sa isang palaka.

Ikalawang Tagapagtanong: O kung hindi naman ika’y isang palso, ngunit isang palsong palsipikado.

Dalawang Tagapagtanong: Pakunwaring bingi, bulag, pilay, pipi, madla’y madaya man ikaw nama’y yayaman. ‘yan ang uring pakunwari.

Ikalawang Tagapagtanong: Walang guni-guni ang nasa huling uri.

Unang Tagapagtanong: Mga tunay na pipi, bulag, pilay, bingi.

Dalawang Tagapagtanong: Walang guni-guni.

Unang Tagapagtanong: Wala ring salapi.

Dalawang Tagapagtanong: Talagang ganyan ang buhay ng nasa huling uri: ang uring karaniwan.

Unang Tagapagtanong: Alin ka sa apat? Nagmamakaawa o aliwan?

Ikalawang Tagapagtanong: Pakunwari o karaniwan? (Sandaling tigil)

Serapio: Ang huli ho. (Susulat ang ikalawang tagapagtanong sa kwaderno)

Unang Tagapagtanong: Ginoong Hukom, ano ang gagawin namin ngayon?

Hukom: Patibayan na ninyo ang krimen niya. (Biglang tindig ang tatlong saksi)

Tatlong Saksi: (Sa mga manonood) Patibayan na ang krimen niya. Patibayan na ang krimen niya.

Dalawang Tagapagtanong: Bueno. Ginoong Serapio, may asawa ka na ba?

Ikalawang Tagapagtanong: Isang kabiyak?


Dalawang Tagapagtanong: Isang babaing bumahagi sa puso mo? (Sandaling tigil) Babaing nakasal sa harap ng altar, sa opisina ng gatpuno, o iba pang lugar.
(Katahimikan)

Unang Tagapagtanong: O ano, Ginoong Serapio, sagutin mo ang tanong.

Ikalawang Tagapagtanong: Napakasimple.

Unang Tagapagtanong: May asawa ka ba? (Sandaling tigil)

Serapio: Wala ho.

Unang Tagapagtanong: Ginoong Serapio, di ka dapat mahiya.

Ikalawang Tagapagtanong: Sabihin mo ang totoo.

Unang Tagapagtanong: May asawa ka ba?

Serapio: Wala ho. (Sandaling tigil)

Unang Tagapagtanong: Iibahin ko ang tanong. May asawa ka ba noon?

Dalawang Tagapagtanong: Asawa na ngayo’y nagsasaya sa bahay ng Diyos o bahay ng iba? (Katahimikan)

Unang Tagapagtanong: O ano? Malinaw na malinaw ang tanong ngayon. May asawa ka ba noon? (Katahimikan) Ginoong Serapio, nakapagtataka ‘yang katahimikan
mo.

Ikalawang Tagapagtanong: May asawa ka ba noon? (Sandaling tigil)

Serapio: Oo.

Dalawang Tagapagtanong: Ayan!

Serapio: Ngunit siya’y patay na.

Unang Tagapagtanong: A, wala. Basta’t inamin mong may asawa ka na nga.

Hukom: (Pupukpukin ng Hukom ang podium niya ng dalawang beses) Magaling! (Sa mga manonood) Napakabilis ng aming mga paglilitis sapagkat lahat ng aming mga
tagapagtanong ay matatalino at magagaling.

Mga Pulubi: (Biglang titindig ang mga pulubi’t papalakpak) Magagaling! Magagaling! Magagaling! (Yuyuko ang mga tagapagtanong)

Unang Tagapagtanong: Ginoong Serapio, nagkaroon ka ba ng anak?


Ikalawang Tagapagtanong: Buhat sa kasal na yaon?

Unang Tagapagtanong: Buhat sa inyong pagsasama?

Ikalawang Tagapagtanong: Buhat sa inyong pag-aasawa? (Katahimikan)

Unang Tagapagtanong: Ginoong Serapio, tahimik ka na naman.

Ikalawang Tagapagtanong: Wala kang sinasabi.

Unang Tagapagtanong: Wala kang imik.

Dalawang Tagapagtanong: Pasidhi nang pasidhi ang aming pananabik.

Unang Tagapagtanong: Nagkaroon ka ba ng anak? (Katahimikan)

Dalawang Tagapagtanong: Payat na payat, tuyung-tuyo pa. Walang alinlangang wala na siyang katas.

Ikalawang Tagapagtanong: Nagkaroon ka ba ng anak? (Lalapitan si Serapio ng Ikalawang Tagapagtanong)

Serapio: Ba’t ninyo tinatanong ‘yan?

Unang Tagapagtanong: Aba! Pilosopo!

Serapio: Ano ba ang krimen ko?

Dalawang Tagapagtanong: (Tatakbo ang dalawang tagapagtanong sa likod ng mesa) Ginoong Serapio!

Serapio: Patawarin ho ninyo ako ngunit -

Unang Tagapagtanong: Wala ka bang utak?

Ikalawang Tagapagtanong: Isip?

Unang Tagapagtanong: Katiting na katalinuhan? Tandaan mo kung sino ka!

Ikalawang Tagapagtanong: Isang pulubi.

Unang Tagapagtanong: Hamak.

Dalawang Tagapagtanong: Kulisap!


Unang Tagapagtanong: Sagutin mo ang tanong! Nagkaroon ka ba ng anak? (Sandaling tigil)

Serapio: Oho.

Dalawang Tagapagtanong: Ayos!

Unang Tagapagtanong: Ba’t di mo kaagad inamin na may anak ka nga?

Serapio: Ano ho ba ang krimen ko?

Ikalawang Tagapagtanong: Umupo ka. Malalaman mo rin. (Aakayin siya ng bantay sa kanyang upuan. Susulat ang Ikalawang tagapagtanong sa kwaderno.) (Sandaling
tigil)

Unang Tagapagtanong: Ang pangalan ng anak mo ay Sol, hindi ba?

Serapio: Oho. Paano ninyo nalaman?

Unang Tagapagtanong: Marami kaming alam tungkol sa’yo. (Sandaling tigil)

Serapio: (Sa mga manonood) Yaon din ang pangalan ng namatay niyang ina- Sol, Consuelo. Namatay ang kanyang ina nang siya’y ipanganak. Ang aming unang anak at
namatay pa ang ina, isang dalagang tahimik na may ngiting nagmumungkahi ng simoy at tubig ng batis. Ang pagpanaw niya’y pagsapit ng kalungkutan. Dalawang
hiyaw ang tumaginting sa aming silid sa gabing yaon: ang aking hiyaw ng hapis ng pagkamatay ni Sol, at ang hiyaw ng takot na naisilang na Sol, na naging larawan ng
kanyang ina: maputi, maitim ang mga mata, madalas na nakangiti, lundag nang lundag kapag inuwian mo ng kendi, matamis, at laruan. Sana’y nakita ninyo siya. At
ang kanyang halakhak, ang kanyang halakhak.-,Sol, Sol.

Dalawang Tagapagtanong: Ano? Ano? Ano? Ano? Ano?

Unang Tagapagtanong: Ano ‘yang sinasabi mo?

Serapio: Wala. Wala ho.

Unang Tagapagtanong: Huwag ka nang umarte-arte pa.

Ikalawang Tagapagtanong: Basta’t inamin mong may anak ka.

Unang Tagapagtanong: Dadrama-drama ka pa riyan.

Ikalawang Tagapagtanong: Nais pang talunin ang radio. (May mga papel na ibinigay ang Unang Tagapagtanong sa Hukom)

Hukom: Ano? Tapos na ba ang paglilitis? (pPapalakpak nang dalawang beses ang Ikalawang Tagapagtanong)

Unang Tagapagtanong: Oho. Inamin na niya na anak niya ‘yung “Sol” na ‘yun. (Ibibigay ng isang bantay sa Ikalawang Tagapagtanongang isang kahon)
Ikalawang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Ito ho ang kahon ng mga instrumentong ginagamit namin sa pagpaparusa sa mga kasapi. (Habang nagtatalumpati
siya, maglalapg siya sa mesa ng martilyo, pait, malaking gunting, tinidor, bambo, at balarawna kukunin niya mula sa kahon) Kahangahanga itong federacion: ubod ng
karunungan at pag-uunawa, sapagkat sa katotohanan ay pagkakawanggawa ang mga parusa. Halimbawa, ang pagpipi o ang pagpilay kaya. (Maglalapag siya ng bareta
sa mesa) ipalagay nating bulag ang kriminal at nakikinabang dahil sa pagkabulag niya, hindi ba tataas pa ang kita niya kung pilay rin siya. Bulag na, pilay pa. At di lang
siya ang makikinabang. Ang federacion din, sapagkat tataas ang kanyang abuloy sa federacion. ’Yan ang tinatawag kong maunawaing parusa: ang pinarurusahan at
nagpaparusa ay kapwa nakikinabang. (maglalabas siya ng icepick) (Sa Unang Tagapagtanong): Ito ho ang icepick.

Unang Tagapagtanong: (Kay Serapio) Ano? Handa ka na ba?

Serapio: Para sa ano?

Ikalawang Tagapagtanong: Sa pagbulag.

Serapio: Ha?

Ikalawang Tagapagtanong: Sa pagbulag. Madali lang. Sanay na itong guwardiya.

Unang Tagapagtanong: Alam niya kung anong parte ng mata ang dapat unang turukin.

Serapio: Pagbulag?

Ikalawang Tagapagtanong: Huwag kang matakot.

Unang Tagapagtanong: Hindi ka matetetano.

Ikalawang Tagapagtanong: Sterilized itong icepick.

Unang Tagapagtanong: Dalhin nga ninyo siya rito. (Hihilahin ng mga bantay si Serpio)

Serapio: Ba’t ninyo ako bubulagin?

Unang Tagapagtanong: ‘Yan ang pamantayang parusa. (Tatangayin ng Ikalawang Tagapagtanong ang mga instrumento ng parusa, ang malaking aklat, at ang
kwaderno. Malalaglag ang mga ito sa sahig.)

Serapio: Para sa ano?

Ikalawang Tagapagtanong: Para sa krimen mo.

Serapio: Krimen?

Unang Tagapagtanong: Huwag kang gumalaw masyado. (Bibigkasin nang sabay-sabay ang mga sumusunod na talumpati)
Serapio: Bitiwan n’yo ako! Bitiwan n’yo ako! Bitiwan n’yo ako! Nagsisinungaling kayo.

Unang Tagapagtanong: Huwag mo kaming pagbibintangan. (Bubuhatin si Serapio ng mga Bantay at ihihiga sa mesa. Hahawakan nila ang kanyang paa’t kamay. Sisigaw
at papalakpak ang mga pulubi.) Hawakan mo ang kamay niya! Hawakan mo ang kamay niya!

Ikalawang Tagapagtanong: Ang ulo niya! Hawakan n’yo ang ulo niya!

Serapio: Ano ba ang krimen ko? (Sandaling tigil)

Unang Tagapagtanong: Ang ano?

Ikalawang Tagapagtanong: Ano?

Serapio: Ang krimen ko, ano ang krimen ko?

Unang Tagapagtanong: Relaks lang, relaks. (Mananahimik si Serapio) O, ano ang nais mong malaman?

Serapio: Ano ho ang krimen ko?

Unang Tagpagtanong: Ang krimen mo! ‘Yun lang pala.

Ikalawang Tagapagtanong: Di mo sinabi agad. (Pupulutin niya ang malaking aklat mula sa sahig)

Unang Tagapagtanong: Sigaw ka lang nang sigaw diyan. (titindig ang dalawang tagapagtanong sa plataporma, bubuksan ng Unang Tagapagtanong ang malaking aklat,
at hahanap ng pahinang mababasa ang dalawang Tagapagtanong)

Ikalawang Tagapagtanong: Ang krimen ni Mang Serapio.

Dalawang Tagapagtanong:

Ang buhay ng tao’y lansangan ng hirap;

ang mundo’y daigdig ng kirot at dahas.

Pagsasala’y sakit ng ating pagkatao,

Pag-aaruga ng bata ang krimen ni Mang Serapio.

Krimen mo mang Serapio!

Unang Tagapagtanong: At wika pa sa aming aklat:


Dalawang Tagapagtanong:

Bawal mag-aruga ng bata o asawa,

ang taunang kita’y nawawalan ng pera.

Unang Tagapagtanong: Ginagasta mo ang pera ng federacion para sa isang bata.

Ikalawang Tagapagtanong: Magpabulag ka na nang makauwi na tayo nang maaga.

Serapio: Ngunit wala naman akong batang inaaruga, a. (Sandaling tigil)

Unang Tagapagtanong: Ano?

Serapio: Wala akong batang inaaruga. (Sandaling tigil)

Ikalawang Tagapagtanong: Ginoong Serapio, huwag ka nang magsinungaling.

Serapio: Hindi ako nagsisinungaling.

Unang Tagapagtanong: Huwag mong lokohin itong Hukuman.

Serapio: Wala akong niloloko.

Hukom: Ang parusa sa pagbubulaan sa Hukuman ay pagpipi.

Serapio: Sinasabi ko ang katotohanan. (Sandaling tigil)

Unang Tagapagtanong: Kaaamin mo lang na may anak ka.

Ikalawang Tagapagtanong: Narinig kita. Narinig ka naming lahat.

Unang Tagapagtanong: At itong anak mo’y isang babae.

Ikalawang Tagapagtanong: Ikaw mismo ang nagsabi.

Unang Tagapagtanong: Ang pangalan pa nga ay Sol.

Ikalawang Tagapagtanong: Sinabi mo ‘yan! Sinabi mo!


Unang Tagapagtanong: Hindi ba inaaruga mo siya?

Serapio: Si Sol ay patay na. (Sandaling tigil)

Unang Tagapagtanong: Ha?

Hukom: Patay na siya? Si Sol, patay na?

Serapio: Tatlong taon nang patay. Sinagasaan ng dyip. Patay na siya. Patay.

Unang Tagapagtanong: Tunay na malungkot ang iyong kuwento. Pinipiga mo ang aming puso.

Ikalawang Tagapagtanong: Walang alinlangang mahusay ka sa sining ng pangbobola.

Serapio: Patay na siya!

Unang Tagapagtanong: Magsalaysay ka sana ng kuwentong higit na kapani-paniwala kaysa riyan.

Serapio: Totoo ang sinasabi ko! (Sandaling tigil)

Ikalawang Tagapagtanong: Totoo ha? May tatlong saksi kami ginoo,tatlong saksi na nanubok sa’yo, araw, gabi.

Unang Tagapagtanong: Dalawang linggo silang nagbantay.

Ikalawang Tagapagtanong: Mga saksi sila sa krimen mo.

Serapio: Nagsisinungaling sila! Wala akong batang inaaruga.

Unang Tagapagtanong: Titignan natin.

Ikalawang Tagapagtanong: Lalabas din ang katotohanan.

Unang Tagapagtanong: Kung sila ang nagsisinungaling, sila ang paparusahan, ngunit kung ikaw ang sinungaling – (Sa mga Pulubi) Pumaritosa harap ang tatlong saksi.
(Titindig ang tatlong saksi)

Hukom: (Sa tatlong saksi) Kayo na naman?

Unang Saksi: Oho.

Hukom: Kayo na lang palagi ang nagpapabulag sa iba.


Ikalawang Saksi: Talagang ganyan ho ang buhay.

Ikatlong Saksi: Manananggol lang ho kami ng kalinisan nitong federacion.

Unang Saksi: Mga taga-patnubay ng kabutihan nitong lipunan.

Hukom: Kayo ba ang unang nagsumbong ng kanyang krimen?

Unang Saksi: Oho.

Hukom: (Sa mga manonood) Pues, ayon ho sa batas ng aming federacion, kung mapapatunayan nila ang krimen ng nasasakdal, kanila ang lahat ng kasangkapan ni
Ginoong Serapio at diyes porsyento ng kanyang kinikita. (Lalakad ang tatlong saksi sa plataporma. Dadaluhungin kaagad ni Serapio ang Ikalawang Tagapagtanong)

Serapio: Buwaya!

Unang Tagapagtanong: (Sa mga Bantay) hawakan ninyo siya! (Hahawakan ng mga Bantay si Serapio at hihilahin sa sulok ng acting area sa gawing kaliwa ng lugar ng
mga Pulubi. Titindig ang mga saksi sa plataporma.)Bawal ditto ang kumilos nang ganyan. Igalang mo itong hukuman ginoo. (Sandling tigil) (Sa Saksi) Ngayon, mga
ginoo nitong marangal na federacion, sabihin ninyo sa amin ang inyong nakita kagabi.

Tatlong Saksi: Nakita namin siya, papauwing may dalang mamantikang supot sa kilikili niya, at susulyap-sulyap sa kana’t kaliwa, takot wari ko na makita siya.

Dalawang Tagapagtanong: Takot sa waring makita siya.

Tatlong Saksi: Sinundan naming siya hanggang sa bahay niya, nagsitago kami’t narinig namin siya. Heto na, Sol, kumain ka na’t isuot mamaya ang damit mong pula.

Dalawang tagapagtanong: Heto na, Sol, kumain ka na’t isuot mamaya ang damit mong pula.

Unang Tagapagtanong: Ginoong Serapio, pinagbibintangan kita ng krimen ng pag-aaruga ng bata. Bubulagin ka ngayon din!

Serapio: ‘yan ba ang inyong katibayan?

Ikalawang Tagapagtanong: Oo, masaya na kami.

Serapio: Kulang pa ‘yang katibayan n’yo.

Unang Tagapagtanong: At ano ang kakulangan?

Serapio: Si Sol, ang aking ‘”buhay” na anak. Mga tanga ang espiya ninyo!

Unang Tagapagtanong: Huwag kang magsalita nang ganyan sa harap namin.

Ikalawang Tagapagtanong: Kami’y mga opisyal nitong Hukuman.


Serapio: Akala ninyo ay nahuli na ninyo ako, ano? Akala ninyo! (Sa tatlong saksi) May isa ba sa inyong nakakita sa “buhay” na anak ko? Wala!

Ikalawang Tagapagtanong: Wala ba sa inyong nakakita sa anak niya?

Unang saksi: Narinig naman naming siyang nagsalita sa anak niya, gabi-gabi, sa buong linggong nanubok kami. (Bibigkasin nang sabayang sumusunod na talumpati.
Lalapitan at kakausapin si Serapio isa-isa ang mga manonood.) At kaya namin alam na alam ang mga sinabi niya ay sapagkat -

Serapio: Nagsisinungaling silang lahat! Nagsisinungaling silang lahat! Nagsisinungaling silang lahat!

Unang Tagapagtanong: Ginoong Serapio!

Unang Saksi: Sapagkat gabi-gabi sa isang takdang oras au naririnig namin siyang paulit-ulit na nagsasabing, “Heto na, Sol, kumain ka na’t isuot mamaya ang damit
mong pula,” at inuulit niya ito gabi-gabi.

Serapio: Nagsisinungaling sila! Nagsisinungaling sila nang maging kanila lahat ang mga kasangkapan ko!

Ikalawang Tagapagtanong: Ngunit nakita ba ninyo ang anak niya?

Tatlong Saksi: Hindi.

Serapio: Ha!

Ikalawang Tagapagtanong: Kung nagsisinungaling kayo mapipipi kayo, mapipipi kayo!

Unang Saksi: (Kay Serapio) Narinig ka naming nagsalita sa anak mo!

Serapio: Kung talagang buhay ang anak ko, dalhin n’yo siya rito! Dudustain pa ninyo ang alaala niya. Kailangan ba kayong makialam sa buhay ng may buhay?

Unang Tagapagtanong: Husto na ‘yan, ginoo!

Serapio: Dalhin n’yo rito ang anak ko, kung buhay pa siya! At bulagin n’yo ako.

Unang Tagapagtanong: Kami’y nagpadala na, ginoo, kanina pa, ng dalawang kasapi nitong federacion sa iyong barung-barong upang agawin ang anak mo sa
karaniwang oras ng pag-uwi mo. Nakabalik na sila. (Sa mga bantay) Nasaan sila? (Titindig ang dalawang Pilay)

Ikalawang Tagapagtanong: O ano? Nasaan ang bata?

Unang Pilay: Wala.

Unang Tagapagtanong: Anong wala? Hindi ba kayo pumunta sa bahay niya?


Unang Pilay: Oho.

Ikalawang Tagapagtanong: Hindi ninyo nahuli ang anak?

Ikalawang Pilay: Wala hong bata roon.

Unang Tagapagtanong: Kung nagsisinungaling ka- (Hahampasin ang dalawang Pilay ng kanyang baston. Susukot ang mga Pilay)

Unang Pilay: Hindi ho.

Ikalawang Pilay: Wala ho kaming nakita. Wala ho.

Unang Pilay: Kundi isang baul.

Ikalawang Pilay: Itong baul ho, o. (Kakaladkarin nila ang baul sa hilagang gilid ng acting area.) (Katahimikan)

Ikalawang Tagapagtanong: Saan ninyo ito nakita?

Unang Pilay: Sa barung-barong niya.

Unang Tagapagtanong: Sa barung-barong niya.

Ikalawang Pilay: Sa isang sulok, ho.

Unang Pilay: Nakatago sa ilalim ng mga lumang sako.

Unang Tagapagtanong: Lumang sako. At hindi n’yo pa ito nabubuksan?

Unang Pilay: Hindi pa ho.

Ikalawang Pilay: Nakakandado ho.

Ikalawang Tagapagtanong: Nakakandado. (Sandaling tigil) Buksan ninyo ang baul. (Pupukpukin ng Pilay ng martilyo nang dalawang beses ang kandado ng baul)

Serapio: Wala ‘yang laman! Wala ‘yang laman! Isang lumang baul na nakita ko lang sa basurahan.

Unang Tagapagtanong: Ba’t mo tinatago Ginoong Serapio?

Serapio: Wala. Ginagamit ko sa bahay bilang upuan.

Ikalawang Tagapagtanong: At bakit nakakandado?


Serapio: nakakandado na ‘yan nang makita ko.

Unang Tagapagtanong: Nagsisinungaling ka, Ginoong Serapio. Bagung-bago ang kandado. Wala ni isang bakas ng kalawang. Ikaw ang nagkandado nitong baul.

Serapio: Nakakandado na ‘yan nang nakita ko!

Unang Tagapagtanong: Kung ganoon, Ginoong Serapio, hindi mo daramdamin ang pagbukas naming rito. (Sa Pilay) Buksan ang baul. (Dalawang hampas ng martilyo)

Serapio: Hindi! Huwag.

Ikalawang Tagapagtanong: Ginoong Serapio, pinagpapawisan ka.

Serapio: Wala ‘yang laman.

Unang Tagapagtanong: Bakit mo alam, Ginoong Serapio? Nagsinungaling ka kanina. Nabuksan mo na itong baul.

Serapio: Hindi!

Unang Tagapagtanong: Hala! Buksan mo! (Talong hampas ng martilyo)

Serapio: Huwag!

Ikalawang Tagapagtanong: Bakit, Ginoong Serapio?

Serapio: Akin ‘yang baul.

Unang Tagapagtanong: Inamin mo rin.

Serapio: Huwag ninyong buksan ‘yan.

Ikalawang Tagapagtanong: Bakit? May itinatago ka ba sa amin?

Serapio: Balewala sa inyo ang laman niyan.

Unang Tagapagtanong: titignan natin. Ituloy ang pagbukas. (Apat na hampas ng martilyo)

Serapio: Hindi n’yo dapat pakialaman ’yan! Kailangan ba kayong makialam sa buhay ng may buhay?

Unang Tagapagtanong: Sasabihin ko sa’yo kung ano ang malalahad pagbukas namin nito! Katibayan ng krimen mo!
Serapio: Wala kayong matutuklasan diyan. (Uulitin niya ang linyang ito habangnagsasalita ang unamg Tagapagtanong)

Ikalawang Tagapagtanong: Ano ang tinatago mo riyan? Ang mga damit ng anak mo? Ang mga laruan niya? Ituloy ang pagbukas! (Patuloy ang mga hampas ng martilyo
habang nagsasalita ang Unang Tagapatanong at si Serapio)

Serapio: Huwag!

Unang Tagapagtanong: Wala kang kapangyarihan sa Hukuman ito, ginoo!

Serapio: Ngunit, akin ‘yang baul!

Ikalawang Tagapagtanong: E, ano? E, ano?

Serapio: Huwag ninyong buksan ‘yan!

Unang Tagapagtanong: Pigilin mo kami! Pigilin mo kami!

Serapio: Papatayin ko kayo! Papatayin ko kayo!

Ikalawang Tagapagtanong: (Sa mga Bantay) Hawakan ninyo siya!

Serapio: Ibubunyag ko kayo sa pulis! (Hihinto ang pagmamartilyo) Ibubunyag ko kayo sa pulis! Ibubunyag ko kayo at ang inyong kalupitan! Ibubunyag ko ang inyong
pandaraya sa madla! Ibubunyag ko ang inyong pagmamalupit sa aming lahat; ibubunyag ko ang inyong sadyang pagpapabaya sa mga matatandang kasapi! Ibubunyag
ko itong federacion sa pulis! (Katahimikan)

Hukom: (Hahampasin ng Hukom ang kanyang podium) Walang makakatulong sa’yo, Ginoong Serpio, wala! (Kakaladkarin si Serapio ng mga Bantay sa patimog-
silangang sulok ng acting area. Lumupagi si Serapio.) Ni ang pulis, ang pahayagan, kahit sino man sa mundong ito. Ang mga hiyaw mo’y di maririnig; ang bawat kilos
mo’y mabibigo, walang papansin sa’yo. Dumaing ka pa, at bukas makalawa, matatagpuan ang iyong magang katawan sa mga itim na bulaklak ng Pasig. (sa mga
pulubi) Tandaan ninyo ‘yan! May kuwarenta pesos kayong dapat ibigay sa federacion araw-araw. At ibibigay niyo ang perang iyan sa amin. At kapag hindi, kung kayo’y
nakakakita, pipitasin namin ang inyong mga mata; kung kayo’y nakakapagsalita, puputulin namin ang inyong mga dila; at kung kayo’y nakakalakad, babasagin naming
ang inyong mga buto; at kung di pa rin ninyo susundin ang batas na ito, ang bawat daliri ninyo’y isa-isang tatanggalin. Malungkot nga ang buhay sa federaciong ito,
ngunit kasapi na kayo hanggang kamatayan. Kamatayan lamang ang makapaliligtas sa’yo kapag sumali ka sa federciong ito. Buksan ang baul!

(Patuloy na naman ang pagmamartilyo habang nagsasalita si Serapio. Dapat lunurin ng mga hampas ng martilyo ang karamihan ng mga salita ng talumpati ni Serapio).

Serapio: Bale wala sa inyo ang laman niyan. Bale wala. Huwag na ninyong buksan. Balewala sa inyo ang laman niyan. (sandaling tigil) Hindi naman ninyo mauunawaan.
Hindi naman ninyo mauunawaan. Kung tangkain kong magpaliwanag, kung tangkain kong sabihin sa inyo kung bakit, hindi naman ninyo mauunawaan. Pagtatawanan
lamang ninyo ako. Anong masasabi ko sa inyo? (Sandaling tigil) Nabubulok na kamay, nabubulok na balat, nabubulok na laman, nabubulok na ugat, nabubulok na
buto. (Masisira ang kandado; Katahimikan.) (Sisilip ang dalawang Tagapagtanong sa baul. Titindig ang ilang Pulubi. Itataas ng unang tagapagtanong ang isang manika.)

Unang Tagapagtanong: Manika? (tatakbo si Serapio at aagawin at hahagkan ang manika)

Serapio: Sol! Sol!

Ikalawang Tagapagtanong: Si Sol! (magtatawanan ang mga pulubi)


(Patuloy ang tawanan ng mga pulubi habang nagsasalita si Serapio. Dapat lunurin ng tanawin ang mga linya ni Serapio.)

Serapio: Sol! Sol! Anak. Anak. Sol. Anak. Ang buwan. Ang bituin. Ang langit. Sol. Sol. Anak. Ang bituin. Ang hangin. Sol. Ang langit. Hangin. Sol ko. Anak. Diwa. Imahen.
Kristal at buhay. Buhay. Buhay. Sol. Anak ko. (Hihina ang tawanan ng mga Pulubi. Titigan ng buong korte si Serapio.) Larawan ni Consuelo. Sol na anak ni Sol. Sol.
Kristal at diwa. (Tahimik ang buong korte.) Diwa. Diwa. Ang buwan. Ang bituin. Ang langit. Ang hangin. Ang sinag. (Mapapansin ng Unang Tagapagtanong ang mga
mukha ng mga Pulubi.) Ang araw. Sol! Ang araw! Sol! Ang araw! Son na anak ni Sol! Consuelo. Anh jangin…ang araw…sol(Aagawin ng unang tagapagtanong ang
manika.)

Ikalawang Tagapagtanong: (Matinis) Tatay ka ng trapo? (Tatawa ng malakas ang mga Pulubi. Matinis ang tawanan nila.)

Serapio: Bitiwan mo siya. Bitiwan mo siya.

Unang Tagpagtanong: Ginagasta mo ang pera ng federacion para rito?

Serapio: Pabayaan mo ako! Huwag mo akong pakialaman!

Ikalawang Tagpagtanong: Isang pamahid sa tae ng kabayo! (Matinis na tawanan muli.)

Serapio: Ang anak ko ay maganda! At buhay. Buhay. Ang anak ko ay buhay at ang kagandahan ng araw.

Unang Tagpagtanong: Kapok! (Hahagutin niya ang manika; katahimikan; Biglang lulundag si Serapio sa Tagapagtanong.)

Serapio: Bitiwan mo siya! (Tatakbo ang TAGAPAGTANONG sa kanyang mesa’t ihahagis ang manika sa mga Pulubi.)

Unang Tagapagtanong: Kunin mo siya! (Sisigaw ang mga Pulubi’t sasaluhin ang manika sa iba’t ibang sulok ng silid habang nagsisigaw at nagsisitawiran. Hahabulin
naman ni Serapio ang manika. Mahahagis ang manika sa sahig, ngunit bago mapulot ni Serapio ang manika, sisigaw ang Unang Tagapagtanong.)

Bulagin natin siya! Bulagin! (Uulitin ng mga Pulubi ang sigaw…Kakaladkarin nila si Serapio sa plataporma. Lahat sila’y nagsisigaw at nagtatawanan. Biglang maririnig ng
mga manonood ang hiyaw ng binulag na Serapio. Biglang tatahimik ang mga Pulubi’t lalayo kay Serapio. Babangon si Serapio.Duguan ang kanyang mukha. Duguan din
ang mga kamay ng ilang mga Pulubi; gayundin ang kanilang mga damit. Walang-imik ang mga Pulubi’t si Serapio. Susuray-suray na lalakad si Serapio. Mararapa siya’t
gagapang. Aapuhapin niya ang manika. Biglang lalabas ang mga Pulubi maliban sa tatlo. Papalibutan nila si Serapio kasama ng mga tagapagtanong. Mahihipo ni
Serapio ang manika, ngunit bago niya makuha ito, sisipain ng isang pulubi ang manika sa Pulubing nasa likod ni Serapio. Uulitin itong laro ng Hipo-Sipa. Biglang titigil
ang mga Pulubi’t Tagapagtanong. Lalabas ang mga Pulubi. Aakapin ni Serapio ang manika. Wala siyang imik.)

Guwardiya! Ilabas mo nga siya. (Kakaladkarin ng mga guwardiya si Serapio sa labas ng silid. Aayusin ng mga Tagapagtanong ang kanilang mga kasangkapan.)

Hukom: Paminsan-minsan na lang itong mga paglilitis.

Ikalawang Tagapagtanong: Oo nga eh. Di tulad ng dati.

Hukom: Kelan pa ang susunod?

Ikalawang Tagapagtanong: Marso pa.

Hukom: Isa pang buwan. (Lalabas ang Hukom at Ikalawang Tagapagtanong; Katahmikan.)
Unang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Umaasa kami na nauunawaan ninyo kung bakit kami napilitang parusahan si G. Serapio. Tinuturuan niya ang mga
kasaping magkaroon ng mga haraya, ng mga pangarap, na di naman matutupad at dadagdag lamang sa kanilang lumbay. Ang ginawa niya’y nakasisira sa mga kasapi
nitong federacion. Tinutulungan lang naming sila nang parusahan namin si G. Serapio. Sinusunod lamang naming ang mga batas nitong federacion. Ang ano mang
federacion ay nangangailangan ng kaayusan ng mga batas. Ang maninira nitong kaayusan ay mapanganib. Ang ginawa ni Mang Serapio’y salungat sa aming mga
batas. Ang ginawa niya’y pulos malisya. Ipinagtanggol lang naming ang aming kapwa tao. Ito’y dapat ninyong lubos na maunawaan, lubos na maunawaan.
(Katahimikan.)

Nakita ninyo sila – isa-isang nagsialisan. Babalik din sila. Babalik.

Alam niyo, nagkamali si G. Serapio nang sinabi niyang kami’y sadyang pabaya sa mga matatandang kasapi. Ang mga matatandang kasapi, ang mga matatandang
pulubi, ang siya mismong ayaw mabuhay. Pilitin mo man sila, ayaw nilang kumain, umiinom lang ng kaunting tubig araw-araw, sapagkat wala silang makita kundi
karimlan sa langit at hinihintay na lang nila ang pagdapo ni Kamatayan sa kanilang durungawan. (Sandaling tigil.)

Bali-bali na an gaming pakpak. Wala sa amin ang lakas upang liparin ang napakataas na pader na kongkreto. Marahil ay ibinitin na nga ni Mang Serapio sa harap
naming ang susi sa aming piitan, ngunit napakahirap hiwain ang sarili’t ilahad ang pag-ibig. Ang balon ay malalim, at sa kailaliman ang nasang lumipad at hanapin ang
sinag ng araw, ngunit ang gula-gulanit na diwa’y mahinang wumawagayway lamang. (Lalabas siya.)

Paul A. Dumol is a Philippine playwright, historian and educator.[1] He is a member of the Philippine Center for Civic Education and Democracy and has served as its
chair.[2] He is author of the A History of the Filipino People for High Schools.

He graduated as a summa cum laude and valedictorian, Bachelor of Arts in Communication Arts at the Ateneo de Manila. He then completed his Master of Liberal
Arts with specialization in Philosophy at the University of Navarra. He holds a licentiate in Medieval Studies with specialization in Philosophy from the Pontifical
Institute for Medieval Studies. He gained his Doctor of Philosophy in Medieval Studies from the University of Toronto.[3]

His play Ang Paglilitis kay Mang Serapio (The Trial of Mang Serapio, 1968) is considered by some as the first Philippine modernist play. Other plays include Kabesang
Tales, Libretto of Ang Pagpatay kay Antonio Luna. Many of his plays revolve around historical figures.

In 2014, His work Manila Synod of 1582: The Draft of Its Handbook for Confessors won the Philippine national book award for best translation

He received the Pambansang Alagad ni Balagtas in the field of drama from the Unyon ng Manunulat ng Pilipinas (2002), Centennial Honors for the Arts in the field of
drama from the Cultural Center of the Philippines (1999).

He was Vice-President for Academic Affairs at the University of Asia and the Pacific until 2007. He lectures on philosophy and the aesthetics of film and also teaches
film scriptwriting to Humanities students..

WALANG PANGINOON ni: Deogracias A. Rosario

Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang mahabang hintuturo ay malapit nang sumapit sa ika-12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang maikling
daliri, hindi niya malaman kung saan magtutungo. Isinisiksik ang kanyang ulo kahit saan, saka ang dalawa niyang hintuturo ay ipapasak sa mga butas ng kanyang
tainga.

Ayaw niyang marinig ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na palo ng bakal sa malaking kampanang tanso sa kampanaryo ng simbahan sa kanilang
bayan. Gayunman, kahit na saan siyang magsiksik, kahit na saan siya magtutungo, kahit na anong gawin niyang pagpapasak sa kaniyang tainga ay lalong nanunuot sa
kaniyang pandinig ang malungkot na tinig ng batingaw.

“Tapos na ba? Tapos…” ang sunud-sunod niyang tanong na animo’y dinadaya ang sarili kung wala na siyang nauulinigang ano mang taginting ng kampana.

“Tapos na. Tapos…” ang sunud-sunod namang itinugon ng kanyang ina paniwalang-paniwala hindi nga naririnig ang malungkot na animas.

“Ngunit Marcos..” ang baling uli na matandang babae sa anak. “Bakit ayaw mong marinig ang oras na ukol sa kaluluwa?” iya’y pagpapagunita sa mga tao na dapat
mag-ukol ng dalangin sa ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay. Lalo ka na Marcos, marami kang dapat ipagdasal. Una-una’y ang iyong ama,ikalawa’y
ang kapatid mong panganay, ikatlo’y ang kapatid mong bunso, saka… saka si Anita.” Ang hul;ing pangalan ay binigkas na marahan ng matandang babae.

Si marcos ay di kumibo. Samantalang pinararangalan siya ng kaniyang ina, ang mga mata niyang galing sa pagkapikit kaya’t nanlalabo pa’t walang ilaw ay dahan-dahan
siniputan ng ningas, saka manlilisik at mag-aapoy.

Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya magsasalita. Subalit sas kanyang sarili, sa kanyang dibdib, sa kanyang kaluluwa ay may nangungusap may nagsasalita.

“Dahil din sas kanila, lalung-lalo na kay Anit, ayaw kong marinig ang malungkot na tunog ng batingaw,” ang sinasabi ni Marcos sa sarili. Kinagat niya ang labi hanggang
sa dumugo upang ipahalata sa ina ang pagkukuyom ng kanyang damdamin.
Akala nang ina’y nahulaan niya kung ano ang nasa loob ni Marcos. Sa wari ng matandaay nabasa niya sa mga mata ng anak ang lihim ng puso nito. Naisip niyang kaya
nalulungkot si Marcos ay sapagkat hindi pa natatagalang namatay si Anita, ang magandang anak ni Don Teong, mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan.
Nalalaman ng ina ni Marcos na lahat ng pagsisikap nito sa bukid, lahat ng pagpupunyaging matuto sa pamamagitan ng pagbabasa, lahat ng pag-iimpok na ginawa
upang maging isang ulirang anak-pawis ay ukol kay Anita. At saka namatay! Nararamdaman din ng ina ni Marcos kung gaano kakirot para sa kanyang anak ang gayong
dagok ng kasawian. Dapat ngang maging malungkutin ang kanyang anak. Ito ang kanyang ibig libangi. Ito ang nais niyang aliwin. Kung maari sana’y mabunutan ng tinik
na subyang sa dibdib ang kanyang anak.

“Lumakad ka na, Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon sila, o, baka kailanganin ang mabuting mang-aawit at manunugtog ng gitara.” “Si Inang naman,” ang
naibulalas na lamang ni Marcos. Iyan lamang ang kanyang nasabi nang malakas. Sa kanyang sarili’y naidugtong niya na hindi masusukat ng kanyang ina kung gaano
kapait para sa kanya ang pagkamatay ni Anita, palibhasa’y lingid sa kaalaman ng matanda ang tunay na nangyayari sa pagkamatay nito.

“Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat,” ang nasabi niya uli sa kanyang sarili samantalang minamasdan niya ang kanyang ulilang bituin sa may tapat ng libingan
ng kanilang bayan na ipinalalagay niyang kaluluwa ni Anita, “ disi’y hindi ako itataboy sa kasiyahan.

Pinag-usapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang malaki nilang kapalaran sapagkat mabuti ang lagay ng tanim nilang palay, nang isang utusan sa bahay-
pamahalaan ang dumating na taglay ang utus ng hukumang sila’y pinaalis sa kanilang lupang kinatatayuan , at sinamsamsam ni Don Teong na ama ni Anita ang lahat
ng lupa nilang sinasaka.

“Inang, matalim ba ang itak ko?” ang unang naitanong ni Marcos sa ina matapos matunghayan ang utos ng hukuman.

“Anak ko!” ang palahaw na panngis ng matandang babae sabay kapit sa leeg ng anak. “Bakit ka mag-iisip ng gayon, sa tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa
daigdig?”

Ang tinig ng matanda ay nakapagpapalubag sa kalooban ng binata. Gayon man, sa harap ng bagong pithaya ng may-ari ng lupang kanilang binubuwisan, ay isa- isang
nagbabalik sa alaala niya ang malungkot na kasaysayan ng kanilang lupang sinasaka.

Ang sabi’y talagang sa kanunununuan ng kaniyang ama ang naturang lupa. Walang sino mang sumisingil ng buwis at walang sino mang nakikialam sa ano mang bunga
ng kanilang mga tanim, maging mais o tubo, o kaya’y maging ano man sa mga gulay na tanim nila sa bakuran.

Subalit nang bata pa ang kanyang ama ay may nagpasukat ng lupa at sinasabing kanila. Palibhasa’y wala silang maibayad sa manananggol, ang pamahalaan ay
nagkulang ng malasakit sa kanilang karalitaan upang tangkilin ang kanilang karalitaan upang tangkilin ang kanilang katwiran at karapatan. Sa wakas ay napilit silang
mamuwisan nang di nila makuhang umalis doon.

Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila’y isang salapi lamang isang taon sa bawat ektarya ng lupang kanilang sinasaka. Subalit habang nagtatagal ay unti-unti na
silang nababaon sa pagkakautang sa may lupa dahil sa mga kasunduang ipinapasok sa pana-panahon, gaya ng takipan at talindawa.

Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil din sa malaking sama ng loob ng kay Don Teong. Ang kapatid niya’y namatay dahil sa paglilingkod sa bahay nito at higit sa
lahat, nalalaman niyang kaya namatay si Anita ay sapagkat natutop ng amang nakipagtagpong minsan sa kanya sa loob ng halamanan, isang gabing maliwanag ang
buwan.

Saka ngayo’y paalisin naman sila sa kanilang bahay at lupang binubuwisan?

Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni Marcos, maging isang taon noon. Sapul nang dumating si Anita sa kanilang bayan buhat sa pag-aaral sa isang kolehiyo ng mga
madre sa Maynila, si Marcos ay nagsimpan na ng mallaking pag-ibig sa kanya. Alam ni Marcos ang kanyang lkalagayan na halos ay lumaki sa ibabaw ng kalabaw at sa
pagtikin sa kanilang lamo sa ilog.

Si Marcos ay natapos lamang ng katesismo sa iskwelahan sa silong ng kumbento sa kanilang bayan at natutong sumulat sa pisara ng malaking numero. Ngunit gayon
man, nagsikap siyang idilat ang kanyang mga mata sa liwanag ng kabihasnan at pagkaunlad. Katutubo kay Marcos ang hilig sas pagkatuto sapagkat sa pabanib niya sa
mga samahang pambayn ay natuklasan niyang walang mabuting paaralan kundi ang pahayagan. Walang aklat, walang pahayagan at lingguhan sa sarilng wika na hindi
binabasa ni Marcos. Kahit manghiram lamang kung wala na siyang ibili. Nagbabasa rin siya ng nobela at ibang akdang katutuhan niya sa wikang Tagalog, o kaya’y salin
sa wikang ito.

Lalo na ng magsimpan siya ng pag-ibig kay Anita, wala siyang inaalagata sa kanyang buhay kundi ang balang araw ay maging karapat-dapat sa mga kamay ng anak ni
Don Teong na may-ari ng lupa nilang sinasaka. Isa pa’y bukod sa naniniwala siya sa kasabihang “ang lahat ng tao, kahit hindi magkakulay ay sadyang magkapantay,” ay
tinatanggap din niya ang palasak na kawikaang “ ang katapat ng langit ay pusalian”. Dahil diyan kahit bahagya ay hindi siya nag-atubili nang pagsisimpan ng pag-ibig
kay Anita.

At naibig naman siya ng anak ni Don Teong. Bakit hindi siya maiibig? Minsa si Anita ay namangka sa kanilang ilog, gumiwang ang bangka at nahulog sa tubig. Si Marcos
noon ay nasa lamo at lihim niyang sinusundan ang bakas sa tubig ni Anita. Nang makita niya ang malaking sakuna ay lumundag siya sa ilog at sa pamamagitan ng
langoy na hampastikin ay inabot niya si Anita na kumakamot sa ilalim ng ilog. Matapos niyang kalawatin ang kaliwa niyang bisig sa may baba ang dalaga ay bigla
niyang isinikdaw ang dalawang niyang paa sa ilalim kayat pumaibabaw sila, at sa tulong ng pagkampay ng kanyang kamay at pagtikad ng dalawa niyang paa ay
nakasapit sila sa pampang.

“Marcos, matagal na rin kitang iniibig,” ang tapat ni Anita sa binata., makaraan ng may ilang buwan buhat nang siya’y mailigtas.

Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang lupang lisanin ang lupang gayong ang sabi ay ari ng kanilang mga ninuno ay binubuwisan na nila at
sinamsam pa ngayon. At saka silang mag-ina ay itataboy. Sino ang hindi magdadalang-poot sa gayung kabuktutan?

Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si Marcos ng kanyang bagang. Kinagat niya ang kanyang labi upang huwag mabulalas ang kanyang galit. Kinuyom niya ang
mga kamay hanggang matimo sa palad niya ang kanyang mag kuko.

Isang takipsilim nang marinig niya sa kampanaryo ng kanilang simbahan ang malungkot na agunyas. Una muna ang malaking kampana saka sumunod ang maliit.
Bang! Teng! Bang! Teng! Babae ang nalagutan ng hininga. Mliit naman ang kanilang bayan upang malihaim pa kung sino ang binawian ng buhay. Wala siyang
nalalamang may sakit kundi si Anita. Dahil sa pagkakatutop sa kanila isang gabi, ang dalaga ay sinaktang mabuti na ayon sa sabi ng nagbalita kay Marcos ay mata
lamang ang walang latay.
Buhat noon ay nagkasakit si Anita. Araw-araw ay tumatanggap si Marcos ng balita nang tangkain niyang dumalaw na minsan ay hinarang siya ni Don Teong na may
hawak na rebolber. Susuong din sana si Marcos, subalit nagdalawang-loob siya. Maaring maging dahilan iyon ng bigla pang pagkamatay ng kanyang inibig, bukod sa
magiging subyang sa kanyang ina kung siya ay mawala.

Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinama lamang niya sa talaan ng pagmamalupit sa kanya ng mayamang may-ari ng lupa nilang binibuwisan.
Pangangagaw ng lupa sa kanila. Pagpapautang ng patung-patong. Pagkamatay ng kanyang ama. Pagkamatay ng kanyang kapatid. At saka noon pagtatangka sa
kanyang buhay. Pinakahuli nga ang pagkamatay nang tuluyan ni Anita, na ayon sa balita niya’y nalagutan ng hininga na siya ang tinatawag. Saka nitong huli, ay
pagpapaalis sa kanilang lupang kinagisnan at pinagyaman sa tulong ng kanilang pawis na mag-anak.

Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog sa palihan ng bagong panahon, ay lumaki ang puso sa pagtitiis. Naging maluwag nga ang kanyang dibdib sa pagtanggap
ng pang-aapi ng may-lupa. Hanggang noong bago mamatay si Anita, akala niya’y maari pa siyang makalunok ng bagong pag-upasala ng itinuturing niyang panginoon.
Datapuwat nang tanggapin niya ang utos ng hukuman na pinaalis siya roon, talagang nagdilim ang kanyang isip. Noon pa’y naisip na niyang gawing batas ang kanyang
kamay, yamang hindi na niya matatamo ang katarungan sa hukuman ng mga tao.

“Huminahon ka, anak ko,” ang sabi ng kanyang ina. “Hindi natutulog ang Bathala sa mga maliit. Magtiis tayo.”

Hindi na niya itinuloy ang paghahanap sa kanyang itak na matalas. Pagkakain niya ng agahan, nilibang niya ang kanyang ina saka lumabas sa bukid. Gaya rin ng dati’y
sinakyan niya ang kanyang kalabaw na lalong mahal niya sa lahat ng limang alaga niya. Llumabas siya sa bukid at hinampasan niya ng tanaw ang karagatan ng
namumulang ginto. Pagdaramdam at panghihinayang ang ngumangatngat sa kanyang puso. Gaaanong pawis ang nawala sa kanya upang masaka ang naturang bukid?
Gaanong pagod ang kanyang pinuhunan upang ang palay nila’y magbungng mabuti? Saka ngayo’y pakikinabangan at matutungo sa ibang kamay?

Napapalatak si Marcos sa ibabaw ng kanyang kalabaw. Ibig man nyang magdimlan ng isip kung nagugunita ang utos ng hukuman, subalit ang alaala ng kanyang ina’y
walang iniwan sa bahagharing sumusugpo sa nagbabalang unos. Dadalawa na lamang sila sa daigdig upang huwag niyang pabayaan ang kaniyang ina; ipinangako
niyang hahandugan ng kaligayahan ang nalalabing buhay, bago nalagutan ang kanyang ama.

Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya ang kabutihan kung sila’y nagsasarili. “Tutungo tayo sa hilag at kukuha ng homestead. Kakasundo tayo ng mga bagong
magsasaka; paris ni Don Teong, di kailangan magkaroon din ako ng gayak na paris niya.”

Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay hindi na nag-usisa ang ina. Wala siyang nalalaman kundi takipsilim, kung nakaligpit na ang mga tao sa nayon, ang buong
kagayakan ay isinusuot ng kanyang anak saka lumalabas sa bukid. May dalawang linggong gayon nang gayon ang ginagawa ni Marcos, hanggang isang araw ay
tawagan siya ng pansin ang matanda.

“Marcos,” sabi ng matanda. Dalawang linggo na lamang ang natitira sa ating taning ay hindi mo ginagawa ang pakikipagtuos kay Don Teong. Kung may magiging sukli
man lamang tayo sa ating ani ngayon?”

“Huwag ka pong mabahala, Inang,” sabi ng mabait na anak, “nalaglag po ang dahon sa kanyang kapanahunan.”

Talinghaga na naman ang sinabi ni Marcos. Gayon man ay may nagunita siyang isang bagay na ibig niyang malaman sa anak.

“Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw sa bakuran mo?” tinutukoy ang kalabaw na mahal na mahal ni Marcos. Maaring magpakahinahon si Marcos, subalit ang huling
kapasyahan ni Don Teong ay numakaw ng lahat ng kanyang pagtitimpi. Ayaw niyang gumamit ng dahas, subalit hinihingi ng pagkakataon.

Nagunuta niya ang sinabi Rizal na “walang mang-aalipin kung walang napaalipin”. Napahilig siya sa harap ng gayong masaklap na katotohanan. Patung-patong na ang
ginagawang pamamaslang sa kanya ni Don Teong na takalang dapat nang kalusin. Nagunita rin ni Marcos ang marami pang ibang kasama, katulad din niya, na sa
kamay ng mayamang si Don Teong ay walang iniwan sa mga leeg ng manok na unti-unting sinasakal hanggang makitil ang hininga sa hangad na mahamig na lahat ang
kkayamanang gayong minana sa kanilang mga ninuno ay iba ngayon ang may-ari at nagpapabuwis pa.

“Kailangang maputol ang kalupitang ito!” ang tila pagsumpa sa harap ng katalagahan na ginawa ni Marcos.

“Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter at latigo,anak ko?” ang tanong ng matanda kay Marcos, isang araw na dumating siyang pagod na pagod sa naturang dala-
dalahan.

“Inihahanda ko po iyan sa pagiging panginoon paris ni Don Teong,” ang nakatawang sagot ng anak. “Kung tayo po’y makaalis na rito di tayo’y magiging malaya,” ang
tila wala sa loob na tugon ng anak.

Ang tototo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakapugal sa hangganan ng lupang sarili ni Don Teong. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas,
gora, switer at sak adala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na kinapupugulan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang sa
ito’y umungol na ang alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Kung di niya nakitang halos apoy ang lumalabas sa dalawang mata ng hayop ay hindi pa
niya ito titigila. Sa gayon ay matulin ay matulin siyang nagtatago upang umuwi na siya sa bayan. Kung dumarating siya’y daratnan niya nag kaniyang inang matuwid
ang pagkakaluhod sa harap ng maitim na Santo Kristo sa kanilang silid na naiilawan ng isang malaking kandila.

“Salamat, anak ko, at dumating ka,” ang sasabihin na lamang ng matanda. “Akala ko’y napahamak ka na.”

Si Don Teong ay ugaling maglibot tuwing hapon sa paligid-ligid ng kaniyang lupa, ang ipinanganib ng ina ni Marcos ay baka magkasalubong si Marcos at ang kanilang
panginoon, ay hindi makapagpigil ang sinuman. Nalalaman din ng matandang babae na laging dalang rebolber sa beywang ang mayamng asendero buhat ng
magkaroon ng alitan dahil sa lupa, kaya lagi niyang inaalala ang pagalis-alis ni Marcos.

Subalit isang hapon samantalang payapang inihahanda ng mag-ina ang kanilang pag-alis, walang iniwan sa putok ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan na si Don
Teong ay namatay sa pagkasuwang sa kalabaw. Sinabi ng mga nakakita na pagkakita kay Don Teong ay tila may sinisimpang galit sapagkat bigla na lamang sinibad ang
mayamng matanda at nasapol ang kalamnan ng sikmura ng matulis na sungay ng hayop. Pagkasikwat sa katawan ng asendero ay tumilapon pa sa itaas at paglagpak
ay sinalo naman sa kabilang sungay.

Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan at wasak ang switer sa katawan at saka pulinas. Kumilos agad angkapangyarihan upang gumawa
ng kailangang pagsisiyasat subalit ang lahat ng matuwid ay nawalan ng halag sa hindi kumikilos na ayos ng kalabaw na animo’y wala sa loob ang ginawa niyang
napakalaking pagkakasala.
Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa’y nagkatinginan. Hindi nila malaman kung papaanong ang poot ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa alaga
niyang hayop.

Si Marcos ay nakatingin din sa orasan ng gabing yaon. Tatlong minuto na lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw. Hindi siya nababahala.

Tumugtog ang animas. Hindi gaya ng dating ayaw niyang marinig. Sa halip na idalangin ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya’y ang matapang na kalabaw.

“Mapalad na hayop na walang panginoon,” ang kanyang naibulong.

Deogracias A. Rosario ay ipinanganak sa Tondo, Maynila noong 17 October 1894. Inumpisahan niyang isulat noong 1915 ang Ang Demokrasya. Noong 1917 naman
niyang umpisahang isulat ang Taliba.

Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog. Siya ang kinilalang
Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog. Ayon sa mga kritiko, siya ang nagbigay ng tiyak na anyo sa maikling katha bilang isang uri ng kathang pampanitikan. Nakita sa
kanyang mga akda ang palatandaan ng paghihimagsik sa kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento.

Sa ginawang pagsusuri ni Dr. Genoveva Edroza Matute, guro at kwentista sa mga akda ni Deogracias A. Rosario ay ganito ang kanyang sinabi:

"Kadalasang ginagamit niya (Deogracias A. Rosario) bilang pangunahing tauhan ang mga alagad ng sining, bohemyo at kabilang sa mataas na lipunan; maliban sa ilan,
iniiwasan niyang gumamit ng mga tauhang galing sa masa; at paulit-ulit na lumilitaw sa kanyang mga akda ang mga tauhang galing sa ibang bansa, ngunit sa
pagbabalik sa tinubuang lupa ay nagiging makawika at makabayan".

Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ako'y Mayroong Isang Ibon, Ang Dalagang Matanda, Manika ni Tadeo, Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon at iba pa. Ang pinaka-
obra maestra ni Rosario ay ang Aloha na kasama sa katipunang 50 Kwentong Ginto ng 50 Batikang Kwentista.

Binawian ng buhay si Deogracias A. Rosario sa gulang na 42 noong 26 Nobyembre 1936.

Talambuhay ni Deogracias A. Rosario

Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila, si Deogracias A. Rosario ay ang Ama ng Maiikling Kwentong Tagalog sa bansa. Sumusulat din siya sa ilalim ng
mga alyas na Rex, Delio, Dante A. Rossetti, Delfin A. Roxas, DAR, Angelus, Dario at Rosalino. Isa nang manunulat sa gulang na 13, una siyang nagsulat para sa “Ang
Mithi”, isa sa tatlong naunang pahayagan sa bansa na nakatulong nang husto sa pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog.

Karera

Naging manunulat siya ng "Ang Democracia" noong 1915 at nang kinalaunan ay nagsulat din siya para sa Taliba, na naglulunsad ng buwanang patimpalak para sa tula
at maiikling kwento. Sa Taliba, tumaas ang kanyang posisyon bilang katulong ng patnugot at sa huli, ay naging patnugot. Nagsulat din siya para sa Photo News,
Sampaguita at Lipang Kalabaw.

Kasama sina Cirio H. Panganiban, Amado V. Hernandez, Arsenio R. Afan at iba pa, si Rosario ay isa sa mga pangunahing taga-ambag sa Liwayway.

Naging myembro rin si Rosario ng iba't ibang asosasyon ng mga manunulat. Kabilang dito ay ang Kalipunan ng mga Kuwentista, Aklatang Bayan, Katipunan ng mga
Dalubhasa at ang Akademya ng Wikang Tagalog. Nagsilbi siya bilang pangulo ng Ilaw at Panitik, na may mga prominenteng kasapi tulad nina T.E. Gener, Cirio H.
Panganiban, at Jose Corazon de Jesus.

Mga Ilang Akda

Dahil sa Pag-ibig

Ang Anak ng Kanyang Asawa

Ang Manika ni Takeo

Walang Panginoon

Dalawang Larawan
Ang Geisha

Bulaklak ng Inyong Panahon

Mga Rodolfo Valentino

Gumawa rin siya ng mga salin tulad ng:

Ang Puso ng Geisha

Ang Mapaghimagsik

Nagsulat din si Rosario ng mga titik sa Tagalog ng ilang mga awit na binuo nina Nicanor Abelardo at Francisco Santiago. Kabilang sa mga kanta na ito ay ang “Mutya ng
Pasig”, “Dignity of Labor” (tagalog na bersyon), “Cancion Filipino”, “Sakali Man”, “Alma Mater Commencement Exercise” at “The Piece of Night”.

Mga Gantimpala

Pinangalanan ni Teodoro A. Agoncillo ang kanyang akda na, “Mayroon Akong Isang Ibon”, bilang isa sa pitong pinakamagandang maikling kwento na naisulat sa
panahon ng Amerikano, noong 1932. Isang taon matapos nito, siya ang idineklarang pinakamagaling na manunulat ng maikling kwento para sa akda niyang “Aloha”.

Tatlong Kabanata sa Buhay-Eskwela ni Raffy Esguerra ni Elmer Aresgado

Siya, si Raffy Esguerra, ay mula pa nung bata ay tinuruan na ng mga magulang na pahalagahan ang edukasyon. Sabi nga ng tatay nito na si Mang Ador na isang mason
sa konstruksyon: ito lamang daw ang pupwedeng maipamana nilang mag-asawa sa lima nilang anak.

Kaya naman nagsisikap si Raffy na makapasok sa eskwela araw-araw. Kahit pa anim na taon sa elementarya ay limang piso lang ang baon at saktong sopas lang ang
mabibili para malamnan ang tiyan. Kapag may mga bayarin, ay maisasakripisyo ang pambili nya ng sopas para ipunin at ipambayad sa mga gastusin kaysa manghingi
pa sa mga magulang.

Nasanay na silang magkakapatid sa pagresiklo ng mga lumang kwaderno para gamitin muli. Hindi nga mapagsisinungalingang resiklo lang ang kanilang mga kwaderno
dahil magkakaiba ang kulay at desinyo ng mga papel. Pero hindi na mahalaga iyon para kay Raffy, Ang mahalaga ay makapasok sa eskwela, matuto at magamit ang
edukasyon para mabago ang mahirap nilang buhay.

Ngayon ay nasa sekundarya na si Raffy sa Mataas na paaralang Elitista pero ang grado lang nya ang nagbago. Ganun pa rin ang kanyang baon sa pagpasok. Ang
uniporme ay nilumang damit na bigay ng kapitbahay na nanay ng kababatang si Cesar. Kulay puti ang pang-itaas na polo at kulay khaki ang pantalon.

Sa recess, pinapangarap ng kanyang dila na makatikim naman ng ibang pagkain bukod sa lagi nang tig- limang pisong cheeppy at Richie sa kantina. Natatakam sya
habang nakatingin sa kaklaseng si Vincent habang nagmimeryenda ng baon nyang chocolate cake na may sprinkled peanuts sa ibabaw.

Siya lamang ang nagbabaon nito sa klase. Kapag wala namang pera ay tumatambay sya sa guardhouse para makipagkwentuhan sa guwardiyang sina Mang Bernie at
Mang Sator, para lang hindi obvious na sya lang ang walang kinakain sa oras ng recess.

Awang-awa sya sa sarili pero ang motibasyon na makatapos sa pag-aaral ang nagpapalakas ng kanyang loob.

Isang araw, nagbago ang tagpo sa recess nang ibenta ni Vincent ang baon nyang chocolate cake kay Raffy.

-Raffy sawa na ako dito sa baon ko. Ibibenta ko sana sayo ng limang piso.

-Hahh e nakakahiya naman alam ko hindi lang limang piso ang halaga nyan tol.
-Hindi sige limang piso nalang ito. Kulang lang kasi ang pera ko pambili ng monay-palaman-ice cream kaya pinabayaran ko sayo.

Tuwang-tuwa si Raffy. Hindi makapaniwala na sa wakas ay makakapagmeryenda na sya ng pinapangarap na pagkain. Hanggang dumating ang mga sigang kaklaseng
sina Dexter at Roman.

-Hoy Raffy bakit mo kinakain yang baon ni Vincent? Ninakaw mo no? – sabi ni Roman

Nag-iisip syang itanggi na kay Vincent galing ang pagkain pero mapaghahalataan lamang syang nagsisinungaling.

-Hindi ko ito ninakaw binili ko ke Vincent.

Tyempong wala si Vincent para magpatunay na hindi nya ninakaw ang pagkain. Naroon sya sa kantina para bumili ng monay-palaman-icecream.

-Hindi, ninakaw mo yan. Magnanakaw ka!, sabad ni Dexter.

Nagpanting ang tenga ni Raffy. Nagdilim ang kanyang paningin. Hindi isang beses na pinagsusuntok nya ang mukha ni Dexter habang kinuwelyuhan ng isang kamay
para hindi makawala. Basag ang ilong ni Dexter. Hindi nakakilos sa pagkabigla si Roman. Nanlilisik ang mata sa galit ang batang si Raffy.

Nahimasmasan nalang sya nang nasa loob na sila ng principal’s office. Napansin nyang naroon na ang kanyang inang si Aleng Berta, ang advicer na si Ma’am Javier at
kaklaseng si Roman. Si Dexter ay hinatid na ng nanay nito sa East Avenue Hospital para ipagamot.

Mas nakaagaw sa atensyon ni Raffy ang makapal na pulang lipstick ng principal na si Ma’am Sanchez, kaysa sa kung ano ang sinasabi nito:

-Iho, what you did is a big disgrace to this school. Hindi ito mapapalampas basta-basta. Misis ano bang itinuro nyong kagandahang asal dito sa anak nyo? Masyadong
hurumintado! Alam nyo bang nabali ang ilong ng kaklase nya? Aba! How barbaric!

– Ma’am pagpasenysahan nyo na po ang anak ko. Gagawan nalang namin ng paraan na mabayaran ang pagpapagamot nung batang nasaktan ni Raffy.

-Aba’y dapat lang misis. Obligasyon nyo yun. Pero itong ginawa ng anak nyo ay expulsion from school ang katumbas nito. I’m sorry Raffy but you have to leave this
school at mag-umpisa nang maghanap ng bagong mapapasukang eskwela. Kung simpleng parusa lang ang ipataw ko ay baka pamarisan ng iba.

Parang kasing dali lang ng kung paano binigkas ng principal ang kahulugan ng salitang iyon kay Raffy. Pagkagabi sa bahay ng pamilya Esguerra, mata lang ni Raffy ang
walang latay sa inabot nyang pagdidisiplina sa amang si Mang Ador. Nangutang naman sa five-six si aleng Berta para may ipangbayad sa ospital sa nabaling ilong ang
kaklaseng si Dexter.

Huminto ng dalawang taon sa pag-aaral si Raffy matapos noon. Pansamantala ay nagtrabahong kargador sa palengke sa Manggahan para makaipon at nang may
maipambili ng gamit sa eskwela at pambaon sa araw-araw sa susunod na pasukan.

II

Kinse anyos na ngayon si Raffy. Napagiiwanan na nga siya ng mga kababata na noo’y isang taon nalang at magtatapos na sa hayskul. Pero ano ba naman ang edad?
Katwiran nya bale wala ang edad basta pursigidong makapagtapos sa eskwela.
Alam nyang wala syang kinabukasan sa pagkakargador sa palengke ng Manggahan kaya plano talaga nyang makabalik uli sa pag-aaral. Katwiran nya: kahit man lang
makatapos ng hayskul ayos na. Paano ba naman ultimo dyanitor o security guard, hinihingi nang requirement ay atleast high school graduate. Kaya kung hindi
nakapag-aral, mas mailap sa tulad nya ang magandang trabaho.

Sa Mataas na Paaralang Represibo sya sumadya para tanungin kung pwede sya mag-enroll. Sa una ay alangan ang titser na tumanggap sa kard nya sa Mataas na
Paaralan ng Elitista na nakastapled sa kard nung elementarya nang makita ang red remark sa unahan: Expelled.

-Bakit ka expelled sa dati mong school iho?

-e ma’am nakipag-away po ako sa kaklase ko. Pero ma’am pinagsisisihan ko na po yun. Pangako hindi ko na uulitin pa.

Nakayuko lamang si Raffy habang nagsasalita. Nangingilid ang kanyang luha. Kung gaano katigas at kaangas ang asta nila sa palengke ay syang lambot ng boses nya
ngayon habang nakikipag-usap sa titser.

-Maipapangako mo ba na hindi magiging pasaway dito sa school?

-Opo ma’am magpapakabait na po ako.

At nakita naman ng gurong si Ma’am Cruz, na kalaunan ay naging tagapayo pa nila Raffy, ang pagiging sinsero sa pag-aaral ng estudyante. Heto’t magdadalawang
taon na nga ito sa pag-aaral. Isang linggo na lang ay matatapos na ang taong-pampanuruan. Tapos na ang mga periodical tests, naipasa nang lahat ng mga projects at
ibinabalik ng mga estudyante ang mga pinahiram sa kanilang mga libro.

Tapos na ang mga leksyon ni Ma’am Cruz, alas-7 palang ng umaga, kaya magkukwento na lamang sya sa klase ng mga kasaysayan ng love story nilang mag-asawa,
mga propesyon ng mga anak nya, saan sila magbabakasyon ngayong taon at kung anu-ano pang istorya na magiging interesante sa mga estudyante.

Sa haba ng kwento ni Ma’am Cruz ay dali-dali syang bumalik sa cubicle nya sa Faculty Room ng Filipino Department para kumain ng mainit na goto na pinakisuyong
bilhin sa labas ng estudyanteng nakasalubong pabalik ng Faculty Room. Susunud-sunod sa kanya ang mga estudyanteng sina Raffy at Erik na buhat-buhat ng patpating
braso ang tig-apat na dangkal na mga patung-patong na libro. Halos matakpan na ang mga mukha nila sa pagbubuhat. Pupungas-pungas silang dumating sa kwarto.

-Salamat Raffy at Erik! Pakilapag nalang sa gilid ng table ko.

-Yes Ma’am.

-Ah may isa pa pala akong ipapakisuyo mga iho. Pwede nyo ba ako kunan ng kutsara sa canteen para makain ko itong lugaw na almusal ko?Huwag kayong babalik
ditto ng walang kutsarang dala ha.

Sa kantina, palibhasa’y patapos na ang klase ay tantyado na ng mga nangangasiwa at nagbibenta na sa ganitong mga araw na patapos na ang klase ay kakaunti nalang
ang bumibiling estudyante at marami na ang lumiliban para magbakasyon.

Dumating sila Raffy na naka-lock pa ang kantina. Ang sabi ni ate Tess na nagbibenta ng samalamig ay bandang alas-10 pa daw ito magbubukas. Ang nakabukas palang
ay ang stall na nagbibenta ng softdrinks nina Ate Fe at ang bahagyang nakasiwang na school supplies store ni Ma’am Espiritu.

Bumalik sila sa Faculty Room ni Ma’am Cruz. Sinabi ritong sarado pa ang kantina kaya wala pang kutsara na mahihiram. Pero sa gutom at pagkayamot ng guro ay
pasigaw na sinagot ang dalawang estudyante ng:

-Gumawa kayo ng paraan! Hindi pupwedeng wala! Huwag kayong magpapakita sa akin nang walang dalang kutsara. Maliwanag?!
Kandaripas sa paglabas ang dalawang binatilyo. Bumalik sa kantina, nagbakasakaling bukas na. Nang makitang sarado pa, nagtanong kina ate Tess kung mayroon
silang pwedeng ipahiram na kutsara, pero wala. Papasok na sana sila sa klase nang matanaw na naroon na at nagtuturo ang Science teacher nilang si sir Roque. Pero
naalala nila si Ma’am Cruz. Magagalit yun kung hindi pa rin sila bumalik na may dalang kutsara. Hindi Pwedeng pag-antayin pa nila ng matagal.

-Sa mga kaklase natin baka may pwede tayong hiraman, sabad ni Erik.

Tyenempuhan nilang lumabas si sir Roque na pinatawag sa Principal’s office saka sila pumasok sa klase para magtanong kung sino ang pwedeng magpahiram ng
kutsara para magamit ni Ma’am Cruz.

Pero malas! Dahil patapos na nga ang klase ay hindi na rin nagdala ng baong kanin ang kanyang mga kaklaseng kung ordinaryong araw naman ay mayroon. Mas lalo
silang nag-alala kung paano nila babalikan si Ma’am Cruz para sabihang wala silang kutsarang nahiraman.

Desperado. Bumalik sila sa kantina.

– Ang sabi ni Ma’am Cruz ay gawan natin ng paraan. Dahil walang kutsara gagawa tayo ng paraan. Tutal lugaw naman ang pagkain nya ay magagawan natin ng
paraan. Iyon nga lamang dapat gawan nya rin ng paraan paano nya makakain ng mahusay ang pagkain nya. Kumuha tayo ng straw kay ate Tess, sabi ni Raffy.

Sa Faculty Room, hindi na maipinta sa gutom ang mukha ni Ma’am Cruz. Wala pa sa kwarto ang mga close nyang co-teachers. Naroon lang si Mrs. Ricaforte pero yun
pa ang pinakaiinisan nyang kapwa guro. Minsan kasi silang nagkagalit at nagkasagutan sa loob ng eskwelahan dahil sa kontrobersya sa pagpili ng panalo sa pinaka-
malinis at magarbong silid-aralan ng mga advisory class na pareho nilang hawak.

-Ma’am wala po talagang kutsara kaming nahiraman. Pero ma’am kung okay sa inyo nakaisip kame ng paraan na pwede nyong gamitin para makain nyo pa rin po ang
almusal nyo. Mayroon po kame ditong straw.

Nanlaki ang mata ni Ma’am Cruz. Naglabasan ang mga ugat sa noo. Lalong nagpatikom sa nanggagalit nyang kamao ang ipit na hagikhik ni Ma’am Ricaforte sa likuran.
Hinampas ng malakas ni Ma’am Cruz ang lamesa. Nagtalsikan ang mga natabig na librong nakapatong sa ibabaw nito. Nabasag ang flower vase. Natapon sa sahig ang
lamang tubig. Napatayong parang wala sa sarili ang guro. Dinuduro at dinudutdot ang sentido ng estudyanteng si Raffy:

-Mga dayukdok kayo. Pinagluloko nyo ba ako mga kutang-lupa kayo? Ikaw Raffy bobo ka ba? Aanhin ko ang straw? Kung bakit ba ako pumayag na makapasok ka pa
dito sa eskwelahan? e wala na nga palang pag-asa ang isang basagolerong tulad mo.

Nagulat sa narinig, dinampot ni Raffy ang maliit na radyo sa gilid at saka hinampas sa ulo ang kaharap na titser.

-tang-ina…Putang-ina nyo ma’am!!!

Nanginginig ang labi, nanlilisik ang mata ni Raffy kasabay ng walang patid na pag-agos ng luha sa kanyang pisngi.

Tulad ng dati nawala sa sarili. Tulala nyang nakikita ang pagdatingan ng kung sinong mga tao. Hinayaan ang pagkaladkad sa kanya papuntang istasyon ng pulis ng
guwardiyang si Mang Bernie.Isinakay sya sa multi-cab na dilaw ng eskwelahan. Nakita pa nyang binuhat ng may tatlong dyanitor ang walang malay at duguang si
Ma’am Cruz.

Sa loob ng bilangguan sya natulog nung gabing iyon. Sa loob nya’y mabuti na iyon kasya sa labas na tiyak gulpi sarado muli ang aabutin nyang parusa sa tatay nyang si
Mang Ador. Kinabukasan ay pinalaya sya dahil hindi nagtuloy ng reklamo ang gurong si Ma’am Cruz. Aminado din kasi sya sa kanyang pagkakamali at mga masasakit
na nabitawang salita na nakapagpagalit sa batang si Raffy.
Gayunpaman, ibinaba na ang pasya ng mga panginoon sa magiging kapalaran ni Raffy. Nagdesisyon ang mga guro at prinsipal ng eskwelahan na huwag na syang
papasukin. Ang buong DepEd Quezon City Division naman ay nagdesisyon nang huwag payagang maka-enroll si Raffy sa kahit anong eskwelahan sa lungsod. Sa ganun
ay nakagawa ng kasaysayan ang batang si Raffy- ang estudyanteng blacklisted sa lahat ng eskwelahan sa Quezon City.

III

Alas-4 palang ng umaga, dudungaw-dungaw na sa bintana si Aleng Berta. Umaasang matanawan ang pag-uwi ng panganay na anak na lalakeng si Raffy. Mula sa araw
na iyon ay may anim na buwan na ring hindi umuuwi ang anak matapos ang pangyayari sa eskwelahan. Hindi nya maalala kung ilang beses na paghingi ng tawad at
paninikluhod ang ginawa nya sa pamilya ni Ma’am Cruz para mapatawad ang anak sa nagawa nito sa guro. At mukhang may inani ang kanyang ginawa. Nagsimba pa
siya sa Quiapo nang marinig na hindi na magtutuloy ng demanda si Ma’am Cruz sa kanyang anak na si Raffy. Mas mainam pang hindi nalang magtuloy ng pag-aaral
ang anak kaysa magtuloy sa eskwela ngunit patuloy namang mamatahin dahil sa mga nakakabit nang records niya sa eskwela.

Matapos nito’y hindi din miminsan na makakarinig sya ng mga bulung-bulungan sa mga kapitbahay at nasasalubong sa kalsada na nakakaalam sa nangyaring gulong
kinasangkutan ng anak sa eskwelahan; na nagpapamukha sa kanyang wala syang kwentang ina dahil hindi nya naturuan ng disiplina ang anak. Ilang ulit na bang
ipinamukha sa kanya ng iba na wala siyang kwentang ina? Dahil kahit ang pinakanirirespetong guro ay nagawang saktan ng anak na katumbas agad sa mapanghusga
nilang pagtingin na hindi ito nakapagtataka sa isang siguro ay marahas at bayolenteng pamilya.

Si Raffy, mula nang matigil sa eskwela at tuluyan nang lumayas sa bahay ay nagpalipat-lipat na ng matutuluyan at pinagkukunan ng kabuhayan. Minsan sa trak ng
gulay sa palengke natutulog matapos ang pagkakargador, minsan sa dyip ng tatay ng kaklase nya noon matapos nyang magback-rider sa buong maghapon, o kung
minsan sa bangketa matapos magbarker boy sa terminal ng Jordan plains.

Sa ganitong yugto ng buhay natutunan nyang wala siyang aasahan kundi ang kanyang sarili. Ang kailangan sa araw-araw aniya ay diskarte at lakas ng loob. Gusto
niyang magpakita sa pamilya at umuwi ng bahay pero ano pa mang mukhang ipapakita nya sa kanila? Para sa kanya hindi lamang nya binigo ang mga magulang sa
pag-aaral nya kundi sinira nya din ang pangalan ng kanyang mga magulang.

Iisa lamang ang iniisip ni Raffy bago sya umuwi ng bahay. Uuwi lamang sya kung may baon na siyang diploma. Naaalala nyang lagi ang pangaral ng tatay na kailangan
nilang pahalagahan ang edukasyon kaya magsikap sa pag-aaral. TIyak nyang mawawala ang lahat ng sama ng loob ng mga magulang kung malaman nilang
nakapagtapos pa rin sya ng hayskul sa kabila ng mga kabiguan.

Kaya nang makaipon ng limang libo mula sa anim na buwang paglalagalag, muling sumadya si Raffy sa paaralan. Alam nyang blacklisted sya sa buong lungsod Quezon
nang sabihan sya ng dating kaklaseng nakasakay sa dyip na sya ang backrider. Nakabalik din naman sya sa dating eskwelahan para kunin ang records nya kaya
nakumpirma nyang tama ang balitang nakagawa sya ng kasaysayan. Sa Colonial High School sa Kalookan sya sumadya para mag-inquire.

-Ma’am pwede po ba akong mag-aral dito?

-Nasaan ang mga records mo?

Kinabahan si Raffy. Nag-alalang baka maka-apekto sa pagtanggap sa kanya ang tila isang pilat na bahagi na ng kanyang karera bilang estudyante- ang pagiging kick-out
student.

-Tatanggapin ka namin dito pero babantayan ka namin ng husto dahil sa bad records mo sa mga nauna mong pinasukang eskwelahan.Kapag nakagawa ka ng isang
kalokohan ay papaalisin ka namin agad. Naintindihan mo iho?

Nakahinga sya ng maluwag. Maipagpapatuloy nya na rin ang pag-aaral.


Kaya sa dedikasyon nyang makatapos, mas sinipagan nya ang pagkayod para kumita ng perang pangtustos sa gastusin sa eskwela. Sa umaga ay estudyante, sa gabi ay
nagbibenta ng balut o kaya naman ay backrider sa mga pampasaherong dyip.

Kailangang nyang makaipon ng isang daang piso sa isang araw para makapasok: P70 para sa pamasahe balikan mula Fairview papuntang 7th Avenue sa Kalookan, P30
ang pagkakasyahin para sa kanyang almusal, meryenda at tanghalian.

Sa klase, kung dati ay nasa gitnang sections si Raffy, (hindi sa cream sections pero hindi din sa mga lower sections) ngayon ay isinaksak sya sa mga pinakamahinang
klase sa paaralan. Para silang mga sardinas, sa bilang na 68 mag-aaral, na pinagkakasya sa isang masikip, mainit at puno ng vandalism na silid-aralan.

Inumpisahan ni Raffy ang mga unang buwan ng pasukan sa pagiging bibong estudyante palibhasa ay aral sa praktikal na buhay; pala-recite, pasado sa mga quizzes,
hindi lumiliban at magalang sa mga guro.

Pero sa kalagitnaan ng semestre ay kakakitaan si Raffy ng pananamlay.

-Walang hiya naman tol, paano tayo gaganahan mag-aral kung laging wala ang mga guro natin? Nasa lowest section na nga tayo, kulang pa ang atensyon ng mga guro
na binibigay sa atin. Ang mga mahuhusay na guro ay pinagtuturo sa mga dati nang matatalinong mga estudyante sa higher sections. Kulang ang mga librong
pinapahiram sa atin. Sira-sira at kulang ang mga upuan samantalang kumpleto sa kagamitan ang mga estudyante sa II-Diamond.

Hindi mababanaagan ng pagtataka ang mukha ng kaklaseng si Raymond.

-Ano pang ipinoprotesta mo pre? Sabi naman sayo magbilyar nalang tayo e.

Pero parang hangin na walang narinig si Raffy. Nagtuloy lamang ito sa kanyang litanya.

-Para tayong nasa sistemang Caste. Ang mga guro at principal ang pinakamataas at batas sa paaralan, kasunod ang mga matatalinong mag-aaral tapos sa pinakababa
tayong mga lower sections ang mga untouchables o pinakamarumi at walang pag-asang mga tao sa paaralan. Narinig mo ba ang sabi sa atin nung student teacher sa
Araling Panlipunan ni Ma’am Reyes? Lagi tayong sini-sino at pinapangaralan- mag-aral tayo ng mabuti, huwag daw magsayang ng buhay. E loko sya, sino ba sya para
payuhan tayo? Ka-year-level lang din natin sya ah! Nasa higher section nga lang. Kapareho na nya magsalita ang mga guro nating lagi tayong pinapahiya na kesyo
tamad daw tayo at bulakbol sa pag-aaral.

-e kung gusto mo upakan natin yun sa labasan mamaya?!

Natatawang iniwanan na lamang ni Raffy ang kanyang kausap. Pero sa loob nya ay nabuo ang isang balak. Naalala nya ang pagpapasipa sa kanya ng una nyang
eskwelahan dahil sa pagbali sa ilong ng kamag-aral, naalala nya ang duguang ulo ni Ma’am Cruz na hinampas nya ng radyo at ang kanilang kalagayan sa kasalukuyang
paaralan. Nabuo sa isip nyang tila may isang kaayusang binuo para magkaroon ng hatian, kakulangan ng pagkatuto ng marami habang mas mahuhusay ang iilan, may
mga awtoridad na hindi basta pwedeng sagutin at pangatwiranan.

Napagtanto niyang wala itong pinag-iba sa karanasan nya sa paghahanapbuhay sa labas ng paaralan: sa pagkakargador nya sa palengke, backrider at barker sa mga
dyip at pagbibenta ng balut hanggang madaling araw.

Bumalik sa silid-aralan si Raffy na may inuusal na mga salitang magbabago sa kanyang motibasyon sa pag-aaral…

-Walang hiya! Ngayon ko lang nakita! Kailangan atang mag-aral ang mga nagtuturo. Kailangang maunang magkaroon ng edukasyon ang mismong nangangaral ng
edukasyon. Sa pagkakataong ito ay kailangan ko nang kumibo. Hindi ko lang kasalanan kung bakit nakagawa ako ng mga mali sa pag-aaral. Diniin ako ng sirkumstansya
para magawa ko ang mga yun. Babaguhin ko ang sistema at hahanapin ang tunay na klase ng pag-aaral. Kung saan ang pagkatuto ay tunay at serbisyong itinuturing
na karapatan. ###

ANG KALUPI

Benjamin Pascual
Mataaas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga
mata na bahagyang pinagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakakintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang maninipis na labi, na bahagyang
pasok sa pagkakalapat at maputla, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon at tatanggapin nito ang
diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng
pagpapaaral ay dumating na: ang magkaroon ng isang anak na nagtapos sa high school ay hindi na isang maliit na gaya niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para
niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuutang puting-puti, kipkip ang ilang libro at nakangiti patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang
makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng mamaniganging may sinasabi rin naman. Nasa daan
na siya, para pa niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot nitong isinusukat sa harap ng salamin ang nabuburdahang
puting damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli.

Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ang isang pangnang sisidlan ng kanyang pamimilhing uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa
pamilihang-bayan ng Tondo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwang araw ito at kinakailangang magkaroon silang
mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili rin siya ng garbansos. Gusting-gusto ng kanyang magtatapos na anak ang minatamis na garbansos.

Mag-iikasiyam na nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na ang di-makamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga
magbabangos na pakanta pang isinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang salit-salitang tawaran ng mga mamimili. Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan.
Sa harapan niya piniling magdaan. Ang lugal ng magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan ng
mga tuyong paninda at bumili ng mantika. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang paglabas ng humahangos na
isang batang lalaki, na sa kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata at tumama sa kanyang kaliwang dibdib.

“Ano ka ba?” bulyaw ni Aling Marta. “Kay sikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”

“Pasensiya na kayo, Ale,” sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos na tig-bebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa
kanya. “Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.”

“Pasensya!” sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo’y pagpapasensyahan nang pagpapasensyahan ay makakapatay ka ng tao.”

Agad siyang tumalikod at tuluy-tuloy na pumasok. Paano’t paanuman, naisip niya, ako ang huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong
nagawan ng di mabuti ay sa kanya pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip kung may iba pang nakakita sa nangyari. Marahas ang kanyang
pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siyang nagdaraan na nakarinig ng kanyang mga sinabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili
ng isang kartong mantika.

“Tumataba yata kayo, Aling Godyang,” ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siya niyang nakaugaliang bilhan. Nakangiti siya at ang babae ay
ngumiti rin.

“Tila nga ho,” ani Aling Godyang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.”

Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad.

“Bakit ho?” anito.

“A, e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.

“Ku, e, magkano naman ang laman?” ang tanong nga babae.

Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit aywan ba
niya kung bakit sa di pa ma’y nakikiramay nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihin, “E, sandaan at sampung piso ho.”

Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa
kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at patakbong
lumabas. Hindi pa marahil iyon nakakalayo; may ilang sandali pa lamang ang nakararaan. Inisip niya kung ano ang kasuutan nito na maaari niyang pagkakilanlan, ang
tabas ng mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit at mangilan-ngilang namimili at mga batang
panakaw na nagtitinda ng gulay, ay nagpalinga-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at
sa gawing dulo ng pusisyon, na di-kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng
isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaaring magkamali; ang wakwak na kamiseta nito at ang mahabang pantalon na wari’y salawal
ding ginagamit ng kanyang ama ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos na tig-bebeinte.

Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig.

“Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!”

Tiyakan ang kanyang pagkakapagsalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aapuhap ng isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay
mahinahong sumagot:

“Ano hong pitaka?” ang sabi. “Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.”

“Anong wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumukot ng pitaka ko at wala nang iba. Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano, ha? Magaling,
magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke!”

Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaing mamimili. Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawk sa liig ng bata at ito’y pilit
na iniharap sa kababaihan.

“Aba, kangina ba namang pumapasok ako sa palengke, e banggain ako,” sabi niya. “Nang magbabayad ako ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa ko, e wala
nang laman!”
“Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaing nakikinig. “Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglipanang batang gaya niyan.”

“Tena,” sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.”

“Bakit ho, saan ninyo ‘ko dadalhin?”

“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta na pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita sa pulis. Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”

Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawang-kamayin ang pag-aalis sa mabutong daliri ni Aling Marta na tila kawad sa
pagkakasakal sa kanyang liig. May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga
nanonood ay lumapit an isang pulis, na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at nang ito ay malapit ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong.

“Naseguro ko hong siya dahil sa nang ako’y kanyang banggain, e naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa,” patapos niyang pagsusumbong. “Hindi
ko lang ho naino kaagad pagka’t akoy nagmamadali.”

Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot at ang nagmamapa-sa-duming katawan, pagkatapos ay patiyad na naupo sa harap nito at
sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiiyak, ay lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi,
diyes sentimos na papel at ang tig-bebeinteng bangos.

“Natitiyak ho ba ninyong talaga na siya ang dumukot ng inyong pitaka?” tanong ng pulis kay Aling Marta.

“Siya ho at wala nang iba,” sagot ni Aling Marta.

“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aling ito?” mabalasik na tanong ng pulis sa bata. “Magsabi ka ng totoo, kung di ay dadalhin kita.”

“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng bata.

“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin namin sa iyo kung ang pitaka ko, e naipasa mo na sa kapwa mo mandurukot! O, ano, hindi
ba ganoon kayong mga tekas kung lumakad, isa-isa, dala-dalawa, tatlu-tatlo! Ku, ang mabuti ho yata, Mamang Pulis, e ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon
matutong matakot iyan at magsabi ng totoo.”

Tumindig ang pulis. “Hindi natin kara-karaka madadala ito nang walang evidencia. Kinakailangang kahit paano’y magkaroon tayo ng maihaharap na
katibayang siya nga ang dumukot ng inyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?”

“E, ano pang evidencia ang hinahanap mo?” sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang pamumupo. “Sinabi ko nang binangga ako nang pasadya, na
naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa. Ano pa?”

Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dapat gawin. Maya-maya, muling naupo at dumukot ng isang lapis at isang maliit na kuwaderno sa kanyang
bulsa.

“Ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.

“Andres Reyes po.”

“Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis.

Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa-isa ang mga mukhang nakatunghay sa kanya. “Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho, e may sakit
at kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyang Ines ko nakatira, sa Blumentritt. Kung minsan naman ho, e sa mga lola ko sa Quiapo at kung minsan, e sa bahay ng
kapatid ng nanay ko rito sa Tondo. Inutusan nga lang ho niya ‘kong bumili ng ulam, para mamayang tanghali.”

“Samakatwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tondo?” ang tanong ng pulis.

“Oho,” ang sagot ng bata, “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako
marunong bumasa, e.”

Ang walang-kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay nakabagot sa kanyang pandinig; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating.
Lumalaon ay dumarami ang tao sa paligid at ang pulis na umuusig ay tila siyang-siya sa kanyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng
pagkainis.

“Ang mabuti ho yata, e dalhin na natin iyan kung dadalhin,” sabi niya. “Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito ay wala namang nangyayari. Kung
hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.”

“Hirap sa inyo ay sabad kayo nang sabad, e,” sabi ng pulis. “Buweno, kung gusto n’yong dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa
kuwartel. Doon n’yo sabihin ang gusto n’yong sabihin at doon n’yo gawin ang gusto n’yong gawin.”

Inakbayan nito ang bata at inilakad patungo sa outpost, kasunod ang hindi umiimik na si Aling Marta at ang isang hugos na tao na ang ilan ay ngingti-ngiti
habang silang tatlo ay minamasdan. Sa harap ng outpost ay huminto ang pulis.

“Maghintay kayo rito sandal at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” sabi sa kanya at pumasok.

Naiwan siya sa harap ng bata, na ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro ng mga payat na daliri ang ulo ng tangang bangos.
Luminga-linga siya. Tanghali na; iilan-ilan na lamang ang nakikita niyang pumapasok sa palengke. Inisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang paghintay
bago siya makauwi: dalawa, tatlo o maaaring sa hapon na. Naalaala niya ang kanyang anak na dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa
paghihintay; at para niyang naririnig ang sasabihin nito kung siya’y uuwi na walang dalang anuman, walang dala at walang pera. Nagsiklab ang poot sa kanya na
kangina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumulak sa kanyang ulo; mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinawakan niya ito sa
isang bisig at sa pagdidilim ng kanyang paningin ay pabalingat niyang pinipilit sa likod.
“Tinamaan ka ng lintik na bata ka!” sabi niyang pinanginginigan ng laman. “Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, e ako, ako ang gagawa
ng ikaaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan? Saan?”

Napahiyaw ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod. Ang mga nanonood ay para-parang nangapatdan ng
dila upang makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay at nang
mailapit sa kanyang bibig ay buong panggigigil na kinagat.

Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang
siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalala niya ang kalayaan, kalayaan kay Aling Marta at sa dumarakip na pulis, at siya ay
humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingod-likod na tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwang na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na
salitang nagbubuhat sa humahabol na si Aling Marta; ang sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang
malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong paligid at sa pagmumulat na muli ng kanyang paningin, sa
pagbabalik ng kanyang ulirat, ay wala siyang nakita kundi ang madidilim na anino ng mga mukhang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan.

Hindi umimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng kanyang mukha ay aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas.
Malamig na pawis ang gumigiti sa kanyang noo at ang tuhod niya ay parang nangangalog. Hindi siya makapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay sa kanya
nakatuon ang paningin ng lahat at siya ay binubuntunan ng sisi. Bakit ba ako manganganino sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili, Ginawa ko lamang ang dapat
gawin ninuman at nalalaman ng lahat na ang nangyaring ito’y pagbabayad lamang ng bata sa kanyang nagawang kasalanan.

Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay napagtulungan ng ilan na buhatin sa bangketa upang doon pagyamanin at
ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanit niyang kamiseta ay tuluyan
nang nawalat sa kanyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis, ay pamuling nagmulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha
ni Aling Marta.

“Maski kapkapan n’yo ako, e wala kayong makukuha sa akin,” sabing pagatul-gatol ng nilalabasan ng dugo sa iong. “Hindi ko kinuha ang inyong pitaka.”

May kung anong malamig ang naramdaman ni Aling Martang gumapang sa kanyang katawan; ang bata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang
sandali pa ay lumungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing. Patay na, naisaloob ni Aling Marta sa kanyang sarili.

“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanya. Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak na naman ang kanyang kuwaderno at
lapis. “Siguro matutuwa na kayo niyan.”

“Sa palagay kaya ninyo ay may sasagutin ako sa nangyari?” tanong ni Aling Marta.

“Wala naman sa palagay ko,” sagot ng pulis. “Kung may mananagot niyan ay walang iba kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa
pagpapalibing. Tsuper na rin ang mananagot niyan.”

May himig pangungutya ang tinig ng pulis. “Makaaalis nap o ako?” tanong ni Aling Marta.

“Maaari na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangang iwan ninyo sa akin ang inyong pangalan at direksiyon ng inyong bahay upang kung mangailangan ng
kaunting pag-aayos ay mahingan naming kayo ng ulat.”

Ibinigay ni Aling Marta ang kanyang pangalan at tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging lumayo sa karamihan. Para pa siyang nanghihina at magulung-
magulo ang kanyang isip; Sali-salimuot na alalahanin ang nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumalakad siya ngayon na walang-tiyak na patutunguhan. Naalaala niya
ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat niyang iuwi na, sana’y naiuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng kanyang asawa sa sandaling
malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon, magagalit, hanggang siya ay mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng mahahayap na pangungusap, sisihan,
tungayawan, at ang anak niyang ga-graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sa sila ay puntahan at payapain ng mga kapitbahay. Katakut-takot na gulo at
kahihiyan! Sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling nadako ang pinag-uulapang diwa sa bangkay ng batang natatakpan ng diyaryo, na siyang
pinagmulan ng lahat.

Kung di sa tinamaan ng lintik na iyan ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya sa sarili. Kasi’y imbi, walang-pinag-aralan, maruming palaboy ng
kapalarang umaasa sa taba ng iba. Mabuti nga sa kanya!

Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano’y makapag-uwi siya ng ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa ay
malamig na ang kukote nito at saka niya sasabihin ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng madalas sabihin nito, na ang lahat ay
dahil sa malabis niyang paghahangad na makapagpadala ng labis na salaping ipamimili, upang makapamburot at maipamata sa kapwa na sila ay hindi naghihirap,
ngunit ang lahat ay titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililingid din niya ang nangyayaring sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo at anuman pangangatwirang
gawin niya ay siya rin ang sisisihin nito sa dakong huli; at kung sakali’t darating ang pulis na kukuha ng ulat ay lilihiman niya ito. At tungkol sa ulam, mangungutang
siya ng pera sa tindahan ni Aling Godyang, at iyon ang kanyang ipamimili; nasabi niya rito na ang nawala niyang pera ay sandaan at sampung piso at ang halagang iyon
ay napakalaki na upang ang lima o sampung piso ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip. Hindi iyon makapaghihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa maninipis
na labi ni Aling Marta nang ipihit niya ang kanyang mga paa patungong pamilihan.

Tanghali na nang siya ay umuwi. Sa daan pa lamang, bago siya pumasok ng tarangkahan, ay natatanaw na niya ang kanyang anak na dalaga na
nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ang minamasdan, ngunit nang malapit na siya at makita ang kanyang dala ay napakunot-noo,
lumingon sa loob ng kabahayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa.

“Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan, Nanay?” ang sabi ng kanyang anak na ga-graduate.

“A, e,” hindi magkandatutong sagot ni Aling Marta. “Saan pa kundi sa aking pitaka.”

Nagkatinginan ang mag-ama.

“Ngunit, Marta,” ang sabi ng kanyang asawa, “ang pitaka mo, e naiwan mo! Kanginang bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong
nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng pinamili mo niyan?”

Biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan
ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito: Maski kapkapan ninyo ako, e wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit siyang natigilan sa
pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinangangapusan ng hininga at sa palagay ba niya ay umiikot ang kanyang buong paligid; at bago siya tuluyang nawalan ng ulirat
ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak, at papaliit, lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?

Si P. Pascual' ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte. Isa siyang kuwentista at nobelista. Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano
at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Magkasama sila ni Jose Bragado na nag-edit ng
Pamulinawen, isang antolohiya ng mga tula ng 36 na makatang Ilokano. Siya ang Tagapayong Legal ng GUMIL, Metro Manila.

Mula sa kanyang panulat ang maikling kuwentong Ang Mga Lawin na isinalin ni Reynaldo Duque sa Tagalog

PAG-UUGAT, PAGPAPAKPAK: Isang Mahabang Buhay ng Pag-aalay, Maikling Panahon ng Pamamaalam

(Tula ng Pagpupugay kay Bro. Manuel Gorgonio ,

Mayo 25, 2010)

Ang balita’y gumulantang na tila bangungot:

Ang mga anyubog sa ibabaw ng Entablado

sa Atrium ng San Fernando*

Ay nagmistulang trahedya sa teatrong Griyego –

Ang Koro na nakatalukbong ng luksang belo

Ay Masang Itim na namimilipit at nananangis

Sa pagdadalamhati sa isang yumao:

Ka Manny… Ka Manny… Ka Manny!

Patay na si Manuel “Ka Manny” Gorgonio;

Iyo’y malupit na hagupit ng latigo

sa tulingag naming isip:

Paano mamamatay si Brother Manny?

Bakit mamamatay ang isang Buhay na Santo?

Nakangangang sugat ang aming utak,

At bawat liha’y maantak sa taga ng gunita:

Brother Manny has no mean bone

in his body!

Hindi siya marunong magalit,

hindi nagtatanim ng sama ng loob;

Hindi nanlulupaypay anuman ang hirap

at dami ng pagsubok;

At sa piling ng masa at mga kasama’y

masayahin at maalalahanin,

mapagmahal at masuyo.

Ikinulubong namin ang nakalukob na Karimlan

Bilang paikpik na pagluluksa sa pagpanaw

Ng isang matapat na lingkod ng sambayanan

At isang tahimik subalit masugid na Patrono


Ng teatro ng tunay na kondisyon at mithiin

ng ordinaryong mga tao ng lipunan.

Akbayan mo kami, Ka Manny, sa paghatol

Sa mga tunay na makabuluhang dula ng Buhay!

Kasangga mo sina Fr. Manix, Ka Jean (SLN),

at Ka Arthur,

At sa ilalim ng Campus Youth Ministry,

Hindi na mabibilang sa daliri ang palihang

pangtanghalan

Na nailunsad natin sa USC* sa lahat ng antas –

Hindi lang sa mga estudyante, pati sa mga guro,

pari at madre!

Hindi lang -- ilang mga Youth Camps

sa loob mismo ng kampus

Ng Boys’ at Girls High hanggang sa Talamban;

At ilang makabuluhang pagtatanghal

ng mga Carolinian:

Maalab pa rin sa gunita hanggang ngayon

ang Sa Liyab ng Libong Sulo!

Hindi pa rin napupugto ang tanglaw sa puso

ng Ilawan natin ang Parol!

Sa alinsangan ng belo ng pangungulila

At sumisikil na lupit ng mahabang Tagtuyot,

Naligo kami sa luha-at-pawis na ulan ng Mayo

Hanggang sa humupa ang daluyong

ng Unos sa aming loob;

At bigla, ang mga dula sa Luid Ca,

Theatre Festival ng Teatro Fernandino,

Ay naging mga laman-at-dugong katotohanan

ng tanghalang Brecht

At ang Koro ay may hatid na pagkain ng isip

at ng kaluluwa

Sa walang-kamatayang pamana at habilin

Ng mga Ka Manny sa panlipunang Kilusan

at pangmasang Pakikibaka.

Si Ka Manny ay naniniwalang Babae at Ina nga

Ang angkop na sagisag ng miserableng bayan


Na ang buong Katawang Likas-yaman

Ng patriyarkiyang pyudal at imperyalistang

kasakiman;

Kalikasang-buhay ay nalugas-napagas

Hanggang kaibuturan ng Sinapupunan:

Tulad ng panggagahis at prostitusyon

ng kababaihan

Sa mga dulang Bubog at Binhi

At Panggagahasa sa mga Mariposa ng Langit.

Ang katauhan ni Ina Cabangon sa dulang Selda

Ay hindi na lamang kathang-isip para sa iyo

At ang mulat na Babae

Ay hindi lamang sa panahon ng aktibismong

tinaguriang First Quarter Storm.

Alam ito ni Ka Manny – tinipon sa diwa’t

naging Simulain

At inihasik nang masinop at mainsin

Saanman dalhin ng walang-pagod na mga paa

Bilang bahagi ng kanyang pananagutan

at komitment

Sa Community Extension Program ng USC

Gayundin sa maka-Kalikasang VMPRDC:

Sa kababaihan ng parokya ng Arnold Janssen

sa maralitang komunidad ng Alumnos;

Sa mga maybahay ng mga mangingisda

sa Lapulapu;

Sa mga asawa ng mga magsasaka

at sa mga guro ng Lusaran;

Sa kababaihan sa bulubundukin ng Dalaguet

at sa aplaya ng Compostela;

Hanggang sa mga ina’t kaanak ng mga batang

Natabunan ng putik sa isang mababang paaralan,

At marami pang ibang biktima,

sa St. Bernard, Ginsaugon, Leyte;

Habang pinasisigla ang lahat sa rehabilitasyon

ng mga bakawan;
Sa bayanihan sa pagsasaka at pagsasaayos

ng irigasyon;

Sa pagtatanim ng mga puno sa gilid

ng mga paltok

Na peligrosong gumuho sa bahayan at bukirin

sa palibot;

Sa pagtutulungang lumikha ng sistema ng tubig

Mula sa malinis na bukal sa tuktok ng bundok

patungo sa sambahayan sa paligid.

Upang ang pagmamahal, paggalang

at pagpapahalaga

Sa Bayan-Kalikasan at Kababaihan –

Ang Kambal na Bukal ng Buhay,

Ay mapatagos sa kasalukuyan hanggang

sa Hinaharap

Habang nag-uugat nang malalim at mahigpit

Sa papel ng babae sa historical na panlipunang

Pagbabago.

Tulad ng dulang Gabriela Silang

na hinango sa Rebolusyong Pilipino.

Hindi na nga ba masaya ang mga bata

sa kanilang larong Bahay-bahayan

Tulad ng gustong ibahagi ng dula?

Dahil kayrami nang mga batang inulila

ng abusado’t abandonadong mga ama

Dahil kayrami nang mga batang nangungulila

sa Tahanan?

At ng mga inang ang pagkatao’y binasag ng dahas?

Si Ka Manny ay hindi lamang mapagmahal

na asawa,

Siya’y mapag-aruga ring ama;

Hindi lamang sa sariling mga anak

Kundi sa kayrami-raming mga bata ng Cebu:

Ama-amahan siya ng mga Carolinian;

Ng mga bata’t kabataan ng Lapulapu at Lusaran;

Ng mga abused children and youth

Sa pangangalaga ng mga Salvatorian Sisters;

Ng mga kabataang aktibista ng YND at KPD

At mga batang artistang-bayan ng Sining Dilaab.


Lahat sila’y nakapaglalambing kay Ka Manny:

Nakapanghihingi sa kanya ng barya pambili

Ng kendi, o biskwit, o ice-water, sopdrink,

Tigpipisong sitsirya, pandagdag sa pamasahe;

Liban pa sa kusang pinasasalubungan sila ni Ka Manny

ng mga tinapay at kakanin.

Sa piling ng mga kabataang ito, hindi siya

nakabibitiw agad;

Sapagkat sa gitna ng mga baguntaong ito

ng ating lipunan,

Nakakadalaw si Ka Manny sa Kinabukasan!

Mahaba na po ito pero hindi pa rin namin

matapus-tapos

Hindi pa rin namin mabigyan ng wakas.

A, naggugumiit pa rin sa ang kamalayan

ang mga tampok na patibay

Ng isang mataos at magiting na buhay ng pag-aalay:

Si Ka Manny sa Education Summit, sa Break-the-Debt

Cycle Movement, sa Anti-VFA Campaign, atbp.,

at marami, maraming-marami pang iba!

Paano ba tatapusin ang isang mahabang buhay

ng paglilingkod sa taumbayan at kapwa-tao?

Paano ba wawakasan ang napakaikling panahon

ng pamamaalam?

You might also like