Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

LET’S CHECK:

Activity 1.1 Ngayong alam na ninyo ang mahahalagang termino at kasaysayan sa buhay at mga
gawa ni Dr. Jose Rizal; Sikapin nating suriin ang inyong pang-unawa sa pamamagitan ng
pagtukoy at pagbigay ng sarili ninyong kahulugan sa sumusunod na mga termino.

(a). Bill: ang Bill ay isang panukalang batas na kung saan ang mga batas na ito’y para sa mga
taong nasasakupan ng bansa. Samakatuwid, ito ay ang mga Karapatan ng mga mamayang
Pilipino sa kanilang buhay bilang isanng indibidwal, gayon din sa kanilang mga ari-arian.
(b). Batas: Ito ay nagsisilbing pamantayan upang mapangalagaan ang mga nasakatuparang
Karapatan upang mapanatli ang kapayapaan at kaligtasang pangkalahatan.

(c). EO: Ang executive order ay nagsasaad ng mga ipinag-uutos kaugnay sa isang batas na
ipinasa ng mga kongreso o di kaya’y kapangyarihang ipinagkaloob ng Presidente sa konstitusyon
para sa mga nasasakupan ng branch na ito.

(d). RA 1425: Ito ay isang batas na kilala bilang Rizal law na maisama ang buhay ni Rizal at
kanyang mga sulatin bilang isang kurso sa iba’t-ibang programa ng kolehiyo at kurikulom sa
isang unibersidad., mapapubliko man o pribadong paaralan.

(e). SB 438: Senate bill 438 o kilala rin bilang batas ni Rizal, ito ay nagtatakadang gawing
mandatoryo ang tungkol sa buhay ng isang manunulat na si Jose Rizal at ang kanyang mga
ginawang nobela nap ag-aralan ng mga mag-aaral sa lahat ng institusyong pang-edukasyon sa
Pilipinas.

(f). Claro M. Recto: Ang unang senado na nagmungkahi ng Senate Bill 438.

(g). EO 75: Executive Order 75 ay isang batas na nag-eebalweyt ng personalidad at naiambag ng


isang tao na napabuti ang bansa at mamamayan sa nangyari sa kasaysayan, at kung ito ba’y
karapatdapat na mapabilang bilang Isang Bayani ng bansa sa tulong ng pag-eebalweyt ng
National Heroes Committee.

(h). Pambansang bayani: Ang Pambansang Bayani ay tumutukoy sa mga taong nagkaroon ng
malaking ambag na ginawa upang mapabuti ang bansa at ang mga mamamayang nasasakupan
nito. Katulad na lamang nila Jose Rizal at Andress Bonifacio na syang naging dahilan para
mapalaya ang mga Pilipino sa mga kamay ng mga mapang-aping dayuhan.

(i). Makamisa: ito ang ika-tatlong nobela na ginawa ni Jose Rizal subalit hindi ito nabigyan ng
pagkakataon na mailathala. Ang nobelang ito ay tumatalakay sa pagamit ng kaugalian,
kabutihan, at kahinaan ng tagalog.

You might also like