Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO III

T.P. 2018-2019

PANGALAN:____________________________________________________PETSA:___________
BAITANG/SEKSYON:____________________________________________ ISKOR:____________

I. Pakikinig: Panuto: Pakinggan ang kuwentong babasahin ng guro. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

_____1. Ano ang pamagat ng kuwento?


a. Pangarap ko c. Masipag Si Marlon
b. Pagtupad sa pangarap d. Ulila
_____2. Ano ang pangarap ni Marlon?
a. maging isang pulis c. maging mahusay na doktor
b. maging inhinyero d. maging mabuting guro
_____3. Saan siya nagtatrabaho?
a. sa yelohan sa piyer c. sa may palengke
b. sa pabrika d. sa barko
_____4. Bakit kaya hindi pinag-aral agad si Marlon ng kanyang mga magulang?
a. dahil mag-aalaga siya ng mga kapatid
b. dahil kapos sa pera ang kanyang mga magulang
c.dahil ayaw pumasok ni Marlon sa paaralan
d. dahil inuna niya ang pagtatrabaho
_____5. Aling salita ang naglalarawan kay Marlon?
a. tamad b. masayahin c. masipag d. magalang

II. Pagsasalita:

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

_____6. Isang umaga, nakita mo ang nanay ng iyong kaibigan sa may simbahan. Alin ang
magalang na pananalita ang dapat mong sabihin?
a.Magandang umaga po. c. Saan ka pupunta?
b.Tuloy po kayo. d.Wala pong anuman.
_____7. May takdang-aralin kayo sa Filipino at wala kang kokopyahan nito. Kailangan mong
humiram ng aklat sa inyong guro na si Bb. Reyes. Ano ang iyong sasabihin?
a. Bb. Reyes hihiram ako ng aklat sa Filipino.
b.Maaari po ba akong makahiram ng aklat sa Filipino, Bb. Reyes?
c. Hihiram ako ng aklat sa Filipino.
d. Kailangan ko ng aklat sa Filipino,Bb. Reyes.
_____8. Nais mong dumaan sa gitna ng mga taong nag-uusap. Ano ang dapat mong sabihin?
a. Tabi kayo riyan. b. Dadaan ako. c. Alis diyan. d. Makikiraan po.
_____9. Maagang gumising si Nanay upang magwalis sa bakuran. Anong pangngalan sa
pangungusap ang nagsasaad ng tao?
a. maaga b. Nanay c. bakuran d. gumising
_____10. "Nagdiriwang ng kaarawan niya ngayon si Lito." Ang salitang may salungguhit ay
______________.
a. nagsasaad ng bagay c. nagsasaad ng pangyayari
b. nagsasaad ng tao d. nagsasaad ng lugar
_____11. Ibabalik ni Jorina ang aklat na hiniram niya sa kanyang guro. Anong pangngalan sa
pangungusap ang nagsasaad ng bagay?
a. aklat b. Jorina c. hiniram d. guro
_____12. May dala akong aklat. Sino ang may ibig _____?
a. niyon b. nito c. niyan d. ito
_____13. Marlin, ______ ba ay sasama sa akin?
a. ako b. kami c. ikaw d. tayo
_____14. “Sige na nga,______ na ang magdadala ng ulam bukas” ang sagot ng tatlong
magkakaibigan sa tinuran ni Merlie.
a. kayo b. Tayo c. Sila d. Kami
_____15. ______ ang bilhin mo para sa akin. Ayaw ko niyang hawak-hawak mo.
a. Ito b. Nito c. Iyan d. Iyo
III. Pagbasa:

Panuto: Basahin ang kuwento. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa patlang ang
letra ng tamang sagot.

Mapalad si Rico

Sabado ng hapon, sumikat din ang araw. Habang nagpapahinga si Rico sa kanilang bakuran
ay tinawag siya ng kaniyang mga kaibigan. “ Rico!, Rico!” tawag ng mga kaibigan niya.“Akyat tayo sa
bundok, maglaro tayo doon!” Masarap magpadulas sa mga damo.” “Hintay lang! Magpapaalam ako
kay Inay” Sigaw ni Rico. “ Huwag anak. Mapanganib ngayon ang umakyat sa bundok. Hindi kayo
dapat maglaro doon. Katatapos lamang ng bagyo. Baka kung ano ang mangyari sa inyo. Masyadong
madulas ang daan” sagot ng ina. Hindi na nagpilit si Rico. Mabuti nalang at sinunod niya ang
kaniyang ina. Bandang hapon nakarinig sila ng balita na may pagguho ng lupa sa karatig-pook nila.
Nabalitaan din ang nangyaring aksidente at pagkamatay ng mga batang umakyat sa bundok.
“ Mapalad ako” ang bulong ni Rico.

_____16. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


a. mga kaibigan c. si Rico
b. mga kasama d. ang mag-asawa
_____17. Saan nangyari ang kwento?
a. sa may bakuran c. sa parke
b. sa likod ng bahay d. sa paaralan
_____18. Kailan nangyari ang kwento?
a. Sabado ng hapon c. isang hapon
b. isang araw d. isang umaga
_____19. Bakit hindi pumayag ang ina ni Rico na umakyat siya sa bundok?
a. dahil umuulan
b. dahil gagawa pa siya ng takdang-aralin
c. dahil mapanganib ang pag-akyat sa bundok
d. magluluto pa siya ng kanilang hapunan
_____20. Ano kaya ang maaaring mangyari kung sumama si Rico?
a. magiging masaya ang paglalaro nila
b. maaaring nasama siya sa aksidente
c. matutuwa ang mga kaibigan niya
d. makakauwi sila ng ligtas
_____21. Nabalitaan nila ang nangyaring aksidente. Ano ang ibig sabihin ng aksidente?
a. disgrasya b. sakuna c. unos d. panganib
_____22. Ang kasalungat ng salitang mapanganib ay__________.
a. ligtas b. mapangahas c. nakakatakot d nakakatuwa
_____23. Alin ang salitang katugma ng mapalad?
a. malaki b. malawak c. malapad d. swerte
_____24. Alin sa mga sumusunod na salita ang may wastong hati ayon sa pantig?
a. aks-iden-te b. ak-si-den-te c. a-ksi-den-te d. aksi-dente
_____25. Ilang pantig mayroon ang salitang mapalad?
a. isa b. dalawa c. tatlo d. apat

Panuto: Basahin at sagutan ang panuto.

26. Isulat nang wasto ang pangalan ng iyong guro sa Ikatlong Baitang.
__________________________________________________________
27. Gumuhit ng isang puno. Kulayan ito ng berde at gumuhit ng bahay-kubo sa tabi nito.
Panuto: Piliin ang tinutukoy na bahagi ng aklat na gagamitin ayon sa pagkakataon. Isulat sa
patlang ang letra ng tamang sagot.

_____28. Aling bahagi ng aklat ang titignan ni Alyanna kung hahanapin niya ang pahina ng aralin
nila sa Filipino?
a.Glosaryo c. Pahina ng Paglilimbag
b. Talaan ng Nilalaman d. Indeks
_____29. Ito ang nagsisilbing takip ng aklat, dito nakasulat ang pamagat. awtor at ang disenyo ng
aklat.
a. Indeks c. Talaan ng Nilalaman
b. Pabalat d. Pabalat
_____30. Nais mong malaman ang kahulugan ng mga salitang hindi mo maunawaan. Aling
bahagi ng aklat ang iyong titignan?
a. Talahulugan c. Karapatang-ari
b. Talaan ng Nilalaman d. Indeks
_____31. Gusto mong malaman ang taon kung saan at kailan inilathala ang aklat, ang pangalan
ng awtor at palimbagan.
a. Talahulugan c. Karapatang-ari
b. Talaan ng Nilalaman d. Indeks

Panuto: Suriin ang pictograph. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Mga Boteng Nakolekta ni Jessie

Mga Bote Bilang ng Bote

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Legend: = 5 bote
_____32. Tungkol saan ang pictograph?
a. Mga bote ni Juan c. Mga Boteng Nakolekta ni Jessie
b. Bilang ng Bote d. Bote sa Basura
_____33. Ilan ang katumbas ng bawat isang bote?
a. 10 b. 5 c. 20 d. 15
_____34. Ilang bote ang nakolekta ni Juan sa limang araw?
a. 100 b. 80 c. 90 d. 70

Panuto: Pag-aralan ang isang pahina na hinango sa isang diksyunaryo. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

anunsiyo angkop
anunsiyo- patalastas, abiso angkas- pagsama o pagsampa sa sasakyan
anyaya- kumbida, imbitasyon angkat- pagbibili buhat sa isang lugar
anyo- porma, pigura angkin- taglay, hawak
angat- alsado, awang angkla- angkora
angkan- kamag-anak, lahi angkop- karapat-dapat, tama,

_____35. Ano ang gamit ng isang diksyunaryo?


a. nagbibigay ng mga produkto
b. nagsasabi ng tamang direksyon
c. nagbibigay ng tala o datos
d. nagbibigay ng kahulugan ng mga salita

_____36. Anong kahulugan ang ibinigay sa salitang anyaya?


a. imbitasyon b. taglay c. lahi d. abiso
_____37. Anong salita ang simula ng pahina ng diksyunaryo?
a. anunsiyo b. anyo c. angkla d. angkop

IV. Pagsulat:

Panuto: Isulat nang kabit-kabit ang mga sumusunod na pangungusap gamit ang malaking titik at
wastong bantas.

38. si Haring Solomon ay namigay ng gantimpala

____________________________________________________

39. naku nasusunog ang tindahan ni Aling Liding

____________________________________________________

40. ikaw ba ay sasama sa akin

____________________________________________________
Division of City School
Cluster District I
SINAG-TALA ELEMENTARY SCHOOL
Quezon City, 2nd District, Metro Manila

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


sa
FILIPINO III
Table of Specification

Kasanayan Bilang ng Kinalalagyan ng Bahagdan


Aytem Aytem

5 1-5 12.5%
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
napakinggang kwento.

3 6-8 7.5%
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa
angkop na sitwasyon sa pagpapaliwanag.

3 9-11 7.5%
Natutukoy ang mga pangngalang ginamit sa loob
ngpangungusap.

4 12 - 15 10%
Nagagamit ang panghalip bilang pamalit sa
ngalan ng tao.

5 16 -20 12.5%
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kwentong
binasa.

2 21 - 22 5%
Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan
ng paggamit ng magkasingkahulugan at
magkasalungat na salita.

1 23 2.5%
Natutukoy ang mga salitang magkakatugma.

2 24-25 5%
Napapantig ng wasto ang mga salita.

2 26-27 5%
Nakasusunod sa mga nakasulat na panuto.

4 28-31 10%
Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa
pagkalap ng impormasyon.

3 32-34 7.5%
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa nasuring
pictograph.

3 35-37 7.5%
Nagagamit ang diksyunaryo sa paghanap ng
kahulugan ng mga salita.

3 38-40 7.5%
Nagagamit ang malaking letra at ang wastong
bantas sa pagsulat ng pangungusap.
Total Number of items 40 40 100%

Division of City School


Cluster District I
SINAG-TALA ELEMENTARY SCHOOL
Quezon City, 2nd District, Metro Manila

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


sa
FILIPINO III

ANSWER KEY

1. b

2. b

3. a 21. a

4. b 22. a

5. c 23. c

6. a 24. b

7. b 25. c

8. d 26. _______________________

9. b 27. _______________________

10. c 28. b

11. a 29. b

12. b 30. a

13. c 31. c

14. d 32. c

15. a 33. b

16. c 34. a

17. a 35. d

18. a 36. a

19. c 37. a

20. b 38. _______________________

39. _______________________

40. _______________________

You might also like