Bata pa lamang si Marlon ay pangarap na niyang makatagpos ng kursong inhinyero.
Bagamat ulila na siya sa mga magulang ay hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Nagtatrabaho siya sa yelohan sa piyer simula dapithapon hanggang alas 8:00 ng gabi at babalik ng alas 4:00 ng madaling-araw hanggang alas 6:00 ng umaga. Hindi kaagad siya pinag-aral ng kaniyang mga magulang kaya sa gulang na labindalawa ay nasa ikatlong baitang pa lamang siya pero hindi niya ito kinahihiya bagkus mas lalo pa siyang nagiging pursigido sa pag-aaral.