Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

City of Manila

UNIVERSIDAD DE MANILA
One Mehan Gardens
Manila City, Philippines 1000

SILABUS NG KURSO
Kowd ng GECS 09 Pamagat ng Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Prerekwisit: wala Bilang ng yunit: 3
Kurso: Kurso: Filipino
Deskripsyon
ng Kurso: Ang Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KONKOMFIL) ay kursong nagbibigay lawak at lalim sa
kontekstwalisadong komunikasyon ng mga Pilipino gamit ang wikang Filipino sa kani-kanilang mga komunidad sa
partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa kalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa mga makro kasanayang pakikinig at
pagsasalita at sa kasanayan sa paggamit ng tradisyonal at makabagong midyang makabuluhan sa kontekstong Pilipinong
iba’t ibang antas at larangan.C
BISYON NG PAMANTASAN
(UNIVERSITY VISION)
Isang nangungunang pampublikong pamantasan, huwaran sa pananliksik, pagkatuto, kahusayan at pagbibigay-lakas sa mga kapuspalad
na kabataang Manilenyo
(A premiere public university, paragon of research, learning, excellence and empowerment for the underprivileged youth of the City of Manila)
MISYON NG PAMANTASAN
(UNIVERSITY MISSION)
Ang UNIVERSIDAD DE MANILA ay nakatuon sa pagsulong ng kaalamang pantao, partikular sa mga tagalungsod ng Maynila. (Universidad de
Manila is dedicated to the advancement of human knowledge, particularly to the people of the City of Manila.)
PANGUNAHING PAGPAPAHALAGA
(CORE VALUES)
 DE-KALIDAD AT MAHUSAY NA EDUKASYON (QUALITY AND EXCELLENT EDUCATION)
 KALAYAANG PANG-AKADEMIKO (ACADEMIC FREEDOM)
 PAMANTAYANG ETIKAL (ETHICAL STANDARDS)
 PAGPAPALAKAS (EMPOWERMENT)
 MAKATAO (PEOPLE ORIENTED)
BISYON NG DALUBHASAAN NG SINING AT AGHAM
(COLLEGE OF ARTS & SCIENCES VISION)
Hangarin ng Dalubhasaan ng Sining at Agham na lumikha ng timbang na ugnayan ng pangangatawan, kaluluwa at diwa sa mga
kabataang Manilenyo at makatulong sa pagtataguyod ng isang kaibig-ibig na pamayanan. (The College of Arts and Sciences (CAS) envisions to
create a balance between the body, soul, and spirit among the youth of Manila and shall help build a livable community).
MISYON NG DALUBHASAAN NG SINING AT AGHAM
(COLLEGE OF ARTS & SCIENCES MISSION)
Isinasatungkulin ng Dalubhasaan ng Sining at Agham ang pagbibigay ng edukasyong liberal na nagtataguyod ng kamalayang panlipunan
at pakikilahok sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga batayan at makabagong makaagham at pang-akademikong tunguhin sa mga
mag-aaral. (The College of Arts and Sciences (CAS) commissions to provide students with liberal education that promotes social awareness and involvement and
by introducing them to basic and advanced scientific and academic pursuits).
KATANGIAN NG MGA NAGSIPAGTAPOS AT MGA BUNGA NG PAGKATUTO
(INSTITUTIONAL GRADUTE ATTRIBUTES AND LEARNING OUTCOMES/IGALO)
Mga Katangian ng Nagtapos sa UDM Katangian ng mga Nagsipagtapos at mga Bunga ng Pagkatuto
Ang isang nagtapos sa UDM ay marapat na:
1. Kahusayan sa Propesyon Nakagpapakita ng pag-unawa at control (mastery) sa mga
(Professional Competence) pangunahing kaalaman at kasanayang kinakailangan sa
epektibong pagganap ng propesyon sa kanyang piling larangan
2. Mapanuring Pag-iisip/Kasanayan sa Paglutas ng mga Suliranin Nakapagsasagawa ng mapanuri at malikhaing pag-iisip sa
(Critical Thinking/Problem Solving Skills) pagbibigay-solusyon sa suliraning kaunay ng piling
larangan/disiplina.
3. Pagiging Produktibo Nakapag-aambag sa panlungsod at pambansang pagpapatatag at
(Productivity) pagpapaunlad sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.
4. Kasanayang Komunikatibo Nakagagamit ng epektibong kasanayang komunikatibo sa
(Communication Skills) paraang pasulat at pasalita.
5. Kasanayang Interpersonal Epektibong nakapagtatrabaho kasama ng mga pangkat ng
(Interpersonal Skills) magkakaibang disiplina at kultura.
6. Pakikipagtulungan Tumatanggap ng mga mungkahi/solusyon mula sa mga
(Collaboration) kapangkat tungo sa higit na mabilis at epektibong pagganap sa
gawain
7. Kaisipang Makapananaliksik Nagpapakita ng kasanayan sa pagtatasa at epektibong paggamit
(Research-minded) ng mga pananaw, at kakayahang matukoy ang mga tiyak na
pagkukunan ng katibayan at mabigyang-kahulugan ang mga
potensyal na komplikado at magkakasalungat na natuklasan sa
angkop na larang.
8. Panghabambuhay na Pagkatuto Nakagagamit ng mga kasanayan sa panghabambuhay na
(Lifelong Learning) pagkatuto tungo sa personal na pag-unlad at kahusayan sa
propesyonal na pagganap.
9. Pananagutang Panlipunan at Etikal Nagtataglay ng mga personal na pagpapahalaga at paniniwala
(Social and Ethical Responsibility) bilang isang etikal na propesyonal na umaayon sa mga
pagpapahalaga ng pamilyang Pilipino, ng mga kaaya-ayang
pagpapahalagang pang-industriya at mga pagpapahalagang
global.
10. Pagiging Makabayan Kusang nakapaglilingkod sa kapwa bilang pakikibahagi sa
(Nationalism) pagtataguyod sa bayan at nakikilahok sa pag-impluwensya sa
pagbuo ng mga polisiyang pambayan tungo sa pagtataguyod ng
isang makatarungang lipunan.
INAASAHANG BUNGA NG PAGKATUTO SA PROGRAMA
(PROGRAM INTENDED LEARNING OUTCOMES)
1. Makapagtaglay ng kasanayan sa epektibong komunikasyong pasalita at pasulat sa wikang Filipino.
2. Mapahalagahan ang minanang kasaysayan at kalinangan ng lahing Pilipino. ATION DEPARTMENT
INAASAHANG BUNGA NG PAGKATUTO SA KURSO
(COURSE INTENDED LEARNING OUTCOMES)
Sa pagtatapos ng kursong ito, inaasahang natutuhan /nagagawa na ng mga mag-aaral ang mga ss:
Kaalaman
1. Mailarawan ang mga gawing komunikatibo ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan
2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontekstwalisadong komunikasyon sa mga
komunidad at sa buong bansa.
3. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa
4. Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga suliraning panlipunan batay sa pananaliksik.

Kasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino.
2. Makapagpahayag nang makabuluhan sa pamamagitan ng tradisyonal at makabagong midyang akma sa kontekstong
Pilipino
3. Makagawa ng malikhain, makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyong akma sa iba’t ibang konteksto
4. Malinang ang wikang Filipino bilang daluyan ng multidisiplinaring diskursong nakaugat sa mga reyalidad ng lipunang
Pilipino
Halagahan
1. Mapahalagahan ang sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagtalastasan.
3. Maitaguyod ang wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng diskursong nakaugat sa
lipunang Pilipino bilang lunsaran sa higit na mabisang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan ng ibang bansa.

Inaasahang Bunga ng Nilalaman Stratehiyang Pampagtuturo-Pagkatuto Pagtataya


Pagkatuto sa mga Mag-
aaral Asynchronous Synchronous

(Student Intended Learning F/F Virtual


Outcomes /SILO)

1. Mailahad ang naging Panimula: Pagtataguyod ng Wikang Panonood ng Talakayan Pakikilahok sa


pag- usad ng mga Pambansa sa Higit na Mataas na Antas video/dokumentaryo talakayan
pagkilos tungo sa pagbuo Lektyur
 Kasaysayan ng Wikang Filipino Pagbasa at analisis ng Pagbabalangkas
at pagpapaunlad ng
(balik-sulyap) mga piling journal PPT at pagbubuod
wikang Filipino
 Kasalukuyang Kalagayan ng Wika ng tinalakay
2. Maipaliwanag ang at Panitikang Filipino
kabuluhan ng wikang
Filipino bilang mabisang
Paggawa ng
midyum ng
INFOMERCIAL
komunikasyon sa
para sa
lipunang Pilipino.
Adbokasiyang
3. Maipaliwanag ang Pangwika
mahigpit na ugnayan ng
pagpapalakas sa wikang
pambansa, pagpapatibay
ng kolektibong identidad,
at pambansang
kaunlaran.

1. Matukoy ang mga Pagpoproseso ng Impormasyon para sa Pagbasa ng mga piling Talakayan Pakikilahok sa
batayang hakbang sa Komunikasyon sanaysay/pag-aaral talakayan
pagpoproseso ng  Pagpili ng Batis Lektyur
impormasyon  Pagbabasa at Pananaliksik Pagbubuod ng mga
talakay PPT
 Pagbubuod at Pag-uugnay-
2. Mailahad ang mga ugnay Pagkilatis: FAKE
katangian ng  Pagbuo ng Sariling Pangkatang gawain News vs.
mapagkakatiwalaang Pagsusuri VERIFIED News
sanggunian ng
impormasyon.
3. Makapagsaliksik ng
impormasyon sa
sistematikong paraan.

1. Mailarawan ang mga Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga PPT Pakikinig sa awit Pakikilahok sa
gawing komunikatibo ng Pilipino talakayan
mga Pilipino sa iba’t  Tsismisan, Umpukan Pagbibigay-halimbawa Panonood ng
ibang konteksto.  Talakayan sa mga gawing video clips at/o Repleksyong
 Pagbabahay-bahay komunikatibo Papel batay sa
2. Maipaliwanag ang  Pulong-bayan Dokumentaryo mga pinanood
ugnayan ng kultura at ng  Komunikasyong Di-berbal Pagbubuod ng
mahahalagang Talakayan na video clips
mga gawing  Mga Ekspresyong Lokal
komunikatibo ng mga konsepto
Pagtukoy at
Pilipino pagtalakay sa
Pagbuo ng sariling
3. Makapagpahayag ng konsepto hinggil sa mga Gawing
makabuluhang kaisipan kasalukuyang Komunikatibo
sa tradisyonal at kalagayan ng mga batay sa mga
makabagong midyang gawing komunikatibo piling larawan
akma sa kontekstong ng mga Pilipino
Pilipino.
4. Makapagmungkahi ng
mga inobasyon/
pagbabago sa mga
gawing komunikatibo
upang maging
makabuluhan at mabisa
sa modernong panahon

1. Mailarawan ang mga Mga Tiyak na Sitwasyong Panonood ng mga PPT Pakikilahok sa
sitwasyong komunikatibo Pangkomunikasyon halimbawa/kaugnay talakayan
ng mga Pilipino na akma  Forum, Lektyur, Seminar na video/dokyu Talakayan
sa iba’t ibang antas at  Worksyap Pagbasa ng mga Pangkatang
halimbawang talakay, Presentasyon
konteksto.  Symposium at Gawain:
piling balita at ng mga Pangkat
Kumperensya
2. Maipaliwanag ang  Round Table at Small lathalain WEBINAR at
kabuluhan ng wikang Group Discussion kaugnay na
Filipino bilang midyum sa  Pulong, Miting, Asembliya INFOGRAPHICS
iba’t ibang konteksto ng  Pasalitang Pag-uulat
komunikasyon sa lipunan (Maliit at Malaking
at sa bansa. Pangkat ng Tagapakinig)
 Programa sa radio at
3. Mailahad ang mga Telebisyon
pangunahing suliraning  Video Conferencing
panlipunan sa mga  Komunikasyon sa Social
komunidad at sa bansa. Media
Mga Napapanahong Isyu (Lokal at
4. Magamit ang wikang
Pambansa)
Filipino sa iba’t ibang
 Korapsyon
sitwasyong
 Konsepto ng “Bayani”
pangkomunikasyon sa
 Kalagayan ng mga
lipunang Pilipino. Serbisyong Pambayan
5. Makagawa ng mga (pabahay, kalusugan,
malikhain, transportasyon,
edukasyon, atbp.)
mapanghikayat at  Kalikasan at mga
makabuluhang Kalamidad (bagyo, lindol,
presentasyon ng mga polusyon, urbanisasyon,
isyung panlipunan at mga atbp.)
mungkahing solusyon sa  Kultural/Politikal/Linggwist
pamamagitan ng iba’t iko/Ekonomikong
ibang sitwasyong Dislokasyon at
Marhinalisasyon (pangkat
pangkomunikasyon.
minorya, maralitang
tagalunsod,
kontraktwalisasyon, atbp.)
 Kahirapan, Malnutrisyon,
Seguridad sa Pagkain
 Iba pang Isyu
(Ang pagtalakay sa mga ito ay lunsaran
sa paglinang ng kasanayang
komunikatibo sa mga tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon)

KAPALIGIRANG PAMPAGKATUTO:
A. VIRTUAL
MGA PATAKARAN SA KLASE:
A. ONLINE/VIRTUAL :
1. Tiyaking handa sa pagkaklase: maayos at may sapat na data load ang gadget (cellphone, tablet, laptop, atbp), komportable,
tahimik at may maayos na signal sa kinalalagyan.
2. Ang bawat mag-aaral ay inaasahang makilahok sa klase ayon sa itinakdang pagsisimula ng talakayan/presentasyon. Laging
gamitin ang BUONG PANGALAN sa paglahok sa klase.
3. Huwag bubuksan ang mikropono maliban kung inatasang magsalita. Magpaalam bago magsalita. Maaaring gamitin ang chat
box sa paghahayag ng saloobin/opinyon habang nagaganap ang talakayan.
4. Tungkulin ng bawat mag-aaral na tunghayan at unawain ang mga aralin at gawain sa UDMoodle (at iba pang lunsarang
kakailangan) bilang bahagi ng paghahanda para sa talakayan
5. Bukod sa oras ng klase, maaaring dumulog sa guro ang mga mag-aaral hinggil sa mga gawain at iba pang usaping
pangkurso sa pamamagitan ng UDMoodle at ng Messenger (gc ng pangkat; iwasan ang pm). Hangga’t maaari, gawin
lamang ito sa oras ng konsultasyon ng guro (maliban sa mga pagkakataong hindi maiiwasan)
6. Ang mga pagsasanay, pagsusulit at iba pang gawain ay dapat gawin/ipasa sa loob ng itinakdang panahon,
maliban sa mga hindi maiiwasang pangyayari/kadahilanang maagap na ipinagbigay-alam sa guro..
7. Inaasahang kakikitaan ang mga mag-aaral ng wastong asal (netiquette) sa mga pagkakataong synchronous ang paraan ng
pagkaklase – paggamit ng angkop na salita, wastong gramatika, at kababanaagan ng respeto sa kapwa.
8. Ang pangongopya at pandaraya, sa anumang kaparaanan at kadahilanan, ay hindi pahihintulutan at mangangahulugan ng
markang 0 sa gawain, kung hindi man sa kabuuan ng kurso.
9. Maaaring magkaroon pa ng mga karagdagang tuntunin ayon sa pangangailangan sa kabuuan ng pagkaklase.

B. MGA TUNTUNIN SA ATTENDANCE SA KLASENG FACE TO FACE:


1. Ang pagliban ay hindi dapat lumabis sa 20% o 12 oras (8 pagtatagpo sa klase ng 1.5 na oras)
2. Ang pagkahuli ng mahigit sa 15 minuto (nakapagtsek na ng attendance ang guro) ay katumbas ng markang liban.

C. PAGPUNO SA MGA HINDI NAGAWA/NAIPASANG PANGANGAILANGANG PANGKURSO:


1. Pahihintulutan lamang sa mga sumusunod na kadahilanan:
a.Pagkakasakit o pagtatamo ng injury bunga ng isang sakuna nang may katibayang medikal
b. Pagpanaw ng isanng miyembro ng pamilya (magulang, asawa, anak, kapatid, atbp) nang may katibayan ng pagpanaw
c.kalamidad
2. Kailangang maipasa ang Liham paumanhin (Excuse letter) kalakip ang kaugnay na katibayan sa loob ng 5 araw (matapos ang
takdang panahon ng pagpapasa ng gawain) via e-mai.
3. Ang hindi pagtupad sa #2 ay mangangahulugan ng pagbagsak sa naapektuhang gawain, kung hindi man sa buong kurso.

PANGANGAILANGANG PANGKURSO:

 Reaksyong Papel
 Presentasyon ng INFOMERCIAL ng Adbokasiyang Pangwika
 Pag-uulat/Pangkatang gawain
 Pagsasanay
 Pakikilahok sa Talakayan
 Panggitnang Pagsusulit
 Pangwakas na Pagsusulit/gawain
PAGMAMARKA:
Midterm: 60% katayuang pangklase + 40% Panggitnang Pagsusulit
FinalTerm: 60% katayuang pangklase + 40% Pangwakas na Pagsusulit
FinalGrade: 50% Midterm Grade + 50% Final Term Grade
1.00 = 98 – 100% 2.00 = 86 – 88%
1.25 = 95 – 97% 2.25 = 83 – 85% 3.00 = 75 – 76%
1.50 = 92 – 94% 2.50 = 80 – 82% 5.00 = Failed
1.75 = 89 – 91% 2.75 = 77 – 79% INC = Incomplete
MGA BABASAHIN:
KINAKAILANGANG BASAHIN:

Contreras, Antonio. “Filipino, ang Pambansang Wikang Dapat pang Ipaglaban”


https://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/376423/filipino-ang-pambansang-wikang-dapat-pang-
ipaglaban/story/
Flores, Ma. Crisanta. “Wikang Filipino sa Panahon ng Globalisasyon at Internasyonalisasyon”.
https://phlconnect.ched.gov.ph/content/view/online-educational-resources-on-philippine-language-culture-
society#
MUNGKAHING BASAHIN:
Correa, Ramilito, B. Japanimation, Americanization, Globalization: Pagbuwag sa Wika ng Kapangyarihan sa Pamamagitan
ng Dubbing ng Anime sa Wikang Filipino MALAY TOMO XXV Blg. 2 2013

Jumaquio-Ardales, Alona. “Kaakuhan: Paghahanap-danas ng Idenitidad Bilang Pinoy.” Web.


https://www.academia.edu/26342872/_KAAKUHAN_Paghahanap-danas_ng_Identidad_bilang_Pinoy_

Mabaquiao, Napoleon Jr. M. Globalisasyon, Kultura at Kamalayang Pilipino . MALAY TOMO x1x. Blg . 3 Abril 2007

San Juan, David Michael, Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/ Tanggol Wika: Internal na mga Kwento,
Mga Susing Argumento at Dokumento (2014-2017). Web.
https://www.researchgate.net/publication/320558204_Alyansa_ng_Mga_Tagapagtanggol_ng_Wikang_Filipino
TANGGOL_WIKA_Internal_na_Kwento Mga_Susing_Argumento_at_Dokumento_ 2014-2017
SANGGUNIAN

Acopra, Jioffre, et al. Kontekstwalisadong Filipino sa malayuning Komunikasyon. Mondshapers Co., Inc., Manila, 2018
Malabanan, Joel C. “Speak English Zone” https://www.youtube.com/watch ?v= C0h_ZDXs14I
Maranan, Mario H., et al. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Mindshapers Co., Inc. Quezon City. 2020
Sentro ng Wikang Pambansa. “Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Filipino” UP Diliman, Q.C.
Yu, Rose Torres, “Tungo sa Pagbuo ng Filipinong Diskursong Pangkalinangan.” Filipino at Pagpaplanong Pangwika:
Ikalawang sourcebook ng SANGFIL. Sentro ng Wikang Filipino, Lungsod Quezon: UP Diliman, 2005. Print.

TALA TUNGKOL SA GURO


PANGALAN: FLOCARNA I. LACSAMANA, LPT, MA
EMAIL ADDRESS: florflocarnachubby@gmail.com

ORAS NG KONSULTASYON
Bukod sa takdang oras ng klase, maaaring makipag-ugnayan sa guro sa pamamagitan ng gc ng pangkat tuwing:
Lunes-Biyernes 5:00 nh – 7:00 ng

INIHANDA NINA: SINURI NI: PINAGTIBAY NI:


FLOCARNA I. LACSAMANA, LPT, MA
MANUEL RICHARD B. MARTINEZ, LPT, PhD NOAMI DS. SOLANO, DPA RONALD A. HERRERA, PhD
CHRISTINE A. MORENO, LPT, EdD Dekana ng CAS VPAA

You might also like