Esp 2020-2021 Week 15-16

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

Teacher: AREEYA MAE C.

FACTORES 1
ESP 4
NCC’S Fair Use Disclaimer

In the preparation of distance-learning modules and online-accessible lessons for our


students during the CoViD-19 pandemic, the faculty members of Northern Christian College
(NCC) included some copyrighted material, the use of which were not always specifically
authorized by their copyright owners. NCC used such material in good faith, believing that they
were made accessible online to help advance understanding of topics and issues necessary for
the education of readers worldwide. NCC believes that, because such material is being used
strictly for research, educational, and non-commercial purposes, this constitutes fair use of
any such material as provided for in Section 185 of the Copyright Law of the Philippines and
Section 107 of the US Copyright Law. No work in its entirety (or substantial portions thereof)
was copied; only isolated articles and brief portions were copied/provided links to in the
modules and online lessons. Also, all our students are informed of proper attribution and
citation procedures when using words and ideas that are not their own.

Teacher: AREEYA MAE C. FACTORES 2


ESP 4
Mga Nilalaman

Pahina ng Titulo 1

NCC’s Fair Use Disclaimer 2


Mga Nilalaman

 Yunit 7 4
 Gawain 1 11

 Yunit 8 12

 Gawain 2 16
 SAQ 17
 Pabuod na Pagtataya 18
 ASAQ 20
 Mga Sanggunian 20

Teacher: AREEYA MAE C. FACTORES 3


ESP 4
Name:

kasanayang pampagkatuto
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:

 natutukoy ang mga katangian ng isang malinis, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran; at


 nasusuri kung mga gawaing nailahad ay ipagpapatuloy o babaguhin.

paglalahad

YUNIT 2- ARALIN 7
PAG-ARALAN

Pinagkukunan: https://www.facebook.com/267987750742449/photos/a.267989140742310/267989127408978

Ano ang nakikita sa larawan? Tama ba ang naiisip ng bata sa larawan? Sang-ayon ka ba
sa opinion o naiisip ng bata sa larawan.
Sa araling ito, pag-aaralan natin ang kahalagahan ng kaaya-ayang kapaligiran. Paano nga
ba tayo magkakaroon ng tahimik at malinis na kapaligiran?

Teacher: AREEYA MAE C. FACTORES 4


ESP 4
Ang kalikasan ay isa sa pinakamagandang bagay na ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan.
Bawat bansa ay may maipagmamalaking tanawin. Dito sa Pilipinas, marami tayong maituturing
na magagandang tanawin na hinahangaan at kinaiinggitan ng maraming banyaga. Gayunpaman,
ilan sa atin ang tila nakakalimot at sadyang inaabuso ang inang kalikasan. Hindi ito magandang
senyales sa hinaharap. Kaawa-awa ang mga susunod na henerasyon kung ngayon pa lang ay
hindi natin aalagaan ang ating kalikasan.
Sa ibaba ay mababasa ninyo ang halimbawa ng maikling kwento tungkol sa kalikasan na
malaki ang maitutulong upang magkaroon tayo ng kamalayan tungkol sa naturang usapin.
May mga aral ding nakapaloob sa bawat kwento na magtuturo sa atin upang mas lalong
pahalagahan, ingatan at mahalin ang kalikasan.
Pinagkukunan: https://pinoycollection.com/maikling-kwento-tungkol-sa-kalikasan/

basahin at unawain

Pagatpat
Isinulat ni Gloria V. Guzman

Isang gabing namamahinga na sila,


nabanggit ni Dindo ang napuna nito sa dulong hilaga
ng pulo. “May mga latian pala po sa gawing hilaga
ng pulo,” sabi niya kay Mang Pisyong. “At marami
po akong nakitang isang uri ng punongkahoy na
ngayon ko lang nakita. Malalaki po ito, at may mga
sumusulpot na kung anong matutulis na bagay sa
tabi nila, parang maliliit na puno, pero medyo namumuti-muti.”
“Pagatpat ang tawag sa mga punongkahoy na ‘yon,” sabi ni Mang Pisyong. “Nasa putikan
sila, at ang sinasabi mong matutulis na tumutubo sa paligid ay tinatawag na air roots, bahagi
rin ng mga punong iyon. Nakatutulong sa paghinga ng mga puno dahil nasa putikan nga sila. At
ang mga uring ugat na ‘yon ay nagagamit sa mga lambat upang lumutang ito sa tubig. Nagagawa
ring cork o tapon sa mga bote.”
“Parang may mga bunga rin po,” sabi pa ni Dindo.
Pinagkukunan: https://pinoycollection.com/maikling-kwento-tungkol-sa-kalikasan/

Teacher: AREEYA MAE C. FACTORES 5


ESP 4
“Mayroon nga,” ayon ni Mang Pisyong. “At nakakain din ang mga bungang iyon, medyo
lasang keso, puedeng pagkapitas sa puno ay kanin, o kaya ay iluluto. At nagagamit ding gamot,
na pampaampat sa hemorrhage o labis na pagdugo.”
“Hindi ko po yata alam ang punong sinasabi n’yo,” sabi ni Kiko.
“Kasi, ang mga kilala mong mga puno ay yaong tumutubo sa bundok,” sabi ni Mang
Pisyong. “E, ito ngang pagatpat, sa mga latian at putikan matatagpuan.”
“Ano po naman ang silbi ng pagatpat?” tanong ni Inday. “Nagagamit din po ba ang kahoy
noon?”
“Puwede ring magawang haligi, pinto, sahig, dingding at kahit sa mga pantalan at tulay,
nagagamit din,” paliwanag ni Mang Pisyong. “Kaya lamang, mahirap lagariin, at saka ang kahoy
ay may taglay na asin, dahil nga tumutubo nang malapit sa dagat o kaya ay mga ilog na malapit
sa dagat. Ang mga pakong kailangan sa kahoy na ito ay dapat na yari sa tanso at dahil
masyadong matigas ang kahoy, kailangan pa rin ang mga turnilyo.”
“Pambihira namang uri ng kahoy iyon,” buong paghangang sabi ni Kiko.
“Ang mapupuna ninyo sa ating mga punongkahoy, iba-iba ang silbi sa kapaligiran,”
pagpapaliwanag pa ni Mang Pisyong. “tulad nitong pagatpat, nabubuhay nga sa tabi ng mga
latian at mapuputik na tabing-dagat. At sa gayong paraan, naililigtas nila ang lupa sa
pagkaagnas. Nakatutulong din sa paligid ang kanilang mga ugat na sadyang ginagamit nila
upang makahinga sa maputik na kinaroroonan.”
“Kung susuriin po,” sabi ni Inday, “talagang mapupuna natin ang Kamay ng Diyos sa iba-
ibang tanim, puno, ibon, hayop at maging mga tao.
Iba-iba ang silbi natin… At kung iisipin lamang ng
mga tao ang kabutihan ng Diyos sa pagbibigay ng
buhay sa atin at sa ibang mga bagay sa ating
kapaligiran, makikiayon tayo sa kalikasan.”
“At laging may kaparusahan ang tao sa mga
maling gawa,” malungkot na dagdag ni Kiko.
Nagbuntong-hininga, “Noong araw, hindi ko
naiintindihang masama pala ang pagkakaingin.
Kainginero ang aking ama, at sa simula ng kanyang
pagtatanim ng palay sa bundok, maganda ang ani,
pero habang lumalaon, humina na nang humina. At
napilitang maging mangingisda ang aking Kuya, at ako
Pinagkukunan: https://pinoycollection.com/maikling-kwento-tungkol-sa-kalikasan/

Teacher: AREEYA MAE C. FACTORES 6


ESP 4
po naman, Mang Pisyong, nakita n’yo, lumikas na rin ako mula sa lupang binungkal ng aking ama
pagkaraang silaban niya ang mga puno upang magkaroon ng kaingin.”
“Ang sinisikap nga natin ngayon, mapaunawa sa mga nagsisipagkaingin pa rin na hindi
mabuti iyon,” sabi ni Mang Pisyong. “At ang kabutihang nagagawa ng mga NGO para sa kanila,
sila mismo, ang mga kainginero, ang kinakatulong sa pagtatanim sa mga gulod na panot.”
“Ang kaso po,” mapait pa rin ang tinig ni Kiko, “maraming mga makapangyarihan sa ating
mga kababayan, mayayaman, mga nasa kongreso at matataas ang puwesto sa pamahalaan ang
siya pang nakasisira sa ating mga kagubatan. Sila ang mga illegal loggers. Mas higit po ang
pinsalang nagagawa nila kaysa mga kainginerong tulad ng tatay ko.”
“Totoo rin ang sinasabi mo. Kiko,” malungkot ding ayon ni Mang Pisyong, “at hanggang
hindi nasasawata ang pamiminsala ng mga illegal loggers, hindi mawawala ang panganib sa ating
kapaligiran.”
“Kung sana po naman, mabilanggo ang mga mayayamang taong nagkasalapi dahil sa
pamiminsala sa ating mga bundok,” sabi ni Inday.
“Kaya nga, tayong lahat, dapat laging magsuri sa pagkatao ng mga ibinoboto natin, sa
mga taong hahawak ng pamahalaan, iyon ang una sa lahat,” sabi ni Mang Pisyong. “Kapag tapat
sa tungkulin ang mga pinuno ng barangay, alkalde, gobernador, kongresman, senador at
pangulo ng ating bansa, matatakot gumawa ng masama ang naninira ngayon sa ating
kapaligiran”
Pinagkukunan: https://pinoycollection.com/maikling-kwento-tungkol-sa-kalikasan/

sagutin
Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang nakita ni Dindo sa dulong hilaga ng pulo?

_______________________________________________________________

2. Paano inilarawan ni Dindo ang punongkahoy na kanyang nakita?

_______________________________________________________________

Teacher: AREEYA MAE C. FACTORES 7


ESP 4
3. Saan matatagpuan at tumutubo ang mga pagatpat?

_______________________________________________________________

4. Ano-ano ang silbi ng pagatpat?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

5. Ano ang trabaho ng ama ni Kiko? Bakit ito masama?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

aral

Pinagkukunan: https://pinoycollection.com/maikling-kwento-tungkol-sa-kalikasan/

Teacher: AREEYA MAE C. FACTORES 8


ESP 4
tandaan natin

Kahalagahan ng Malinis na Kapaligiran

Ang pagkakaroon ng isang malinis na kapaligiran ay mahalaga dahil;

 isa itong paraan upang makaiwas ang mga tao sa sakit

 kaaya-aya at kahali-halinang tingnan ang paligid na malinis

 nakakakit sa mata ang isang malinis na paligid

 kapag ang paligid ay malinis, sariwang hangin ang malalanghap ng mga tao

 dito nakasalalay ang ating buhay


Pinagkukunan: https://brainly.ph/question/1356071

“Limang Paraan Kung Paano Mapapanatiling Malinis at Maayos


Ang Ating Kapaligiran”

1. Paglilinis ng tahanan

Ang unang paraan kung paano mapapanatili ang


ating kapaligiran ay pagsisimula ng kalinisan sa ating
tahanan. Laging tandaan na hindi natin magagawang
panatalihin ang kalinisan ng ating kapaligiran kung sa ating
tahanan pa lamang ay hindi na natin magawa. Napakasarap
manirahan sa malinis at di-kontaminadong kapaligiran
kaya gawin natin ang ating sari-sariling tungkulin.

Pinagkukunan: https://roseeeeeann.tumblr.com/post/148233182463/limang-paraan-kung-paano-mapapanatiling-malinis

Teacher: AREEYA MAE C. FACTORES 9


ESP 4
2. Pagtatapon ng basura sa tamang lagayan

Ang tamang pagtatapon ng basura ay isang


tungkulin ng bawat mamayanan. Ito ay mahalaga dahil
maaari nating maiwasan ang polusyon na makakasira
sa atin lalo na sa kapaligiran. Makakatipid sa
paggamit ng paulit ulit o re-use. Ang reduce naman ay
ang pagbabawas sa pagbili ng mga plastik. At ang huli,
ang recycle ay ang paggawa ng bagong materyal gamit
ang mga luma o patapong bagay na.

3. Pangangalaga ng mga ilog at dagat

Ang pagpapanitiling malinis ng mga ilog at dagat


ay malaking tulong sa kapaligiran dahil makatutulong ito
na maiwasan ang pagguho ng mga lupa at hindi magkaroon
ng baha tuwing may bagyo. Huwag magtapon ng basura at
nakakalalasong kemikal. Huwag gumamit ng mga dinamita
at cyanide o anumang uri ng lason sa pangingisda dahil
mas malaki ang perwisyong dulot niyo kaysa sa maaaring
inaakalang pagmumulan ng kabuhayan. Paggamit ng
lambat na may katamtamang laki ng butas sa pangingisda upang maiwasan ang paghuli sa
maliliit pang isda na mas mainam kung mapapalaki pa.

4. Pagtatanim ng mga punongkahoy

Ang pagtatanim ng mga punongkahoy ang pinaka-


epektibong paraan kung paano mapipigilan ang pagbaha. At
ngayong nananalasa na ang baha at marami nang nasisira, saka
lamang lubusang napagtutuunan ng pansin ang pagtatanim ng mga
punongkahoy. Wala na umanong mga puno sa mga kabundukan at
kagubatan dahil ito ay pinagpuputol-putol na. Oo, may mga
naiitanim nga pero ang tanong ay naaalagaan baa ng kanilang mga

Pinagkukunan: https://roseeeeeann.tumblr.com/post/148233182463/limang-paraan-kung-paano-mapapanatiling-malinis

Teacher: AREEYA MAE C. FACTORES 10


ESP 4
itinanim? Sayang lamang ang kanilang itinanim dahil hindi naman na ito inaalagaan. Hindi
sapat na itanim lang, kailangan ito ng pag-aalaga.

5. Pagkakaisa at pagtutulungan para sa kapaligiran

Ang pagkakaisa at pagtutulungan ay magandang


paraan kung paano mas mapapaganda ang ating
kapaligiran o komunidad. Kinakailangan natin ng
pagkakaisa para sa ating komunidad, para sa ating daigdig
dahil sa pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan ay
nagkakaroon ng magandang bunga o resulta. Ipagpatuloy
natin ang ating pagkakaisa at paninindigan upang mas
mapagtibay ang ating pangangalaga sa ating kapaligiran.
Pinagkukunan: https://roseeeeeann.tumblr.com/post/148233182463/limang-paraan-kung-paano-mapapanatiling-malinis

gawain 1
Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapaligiran.

Pinagkukunan: https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.slideshare.net%2Flhoralight%2Fesp-q3-q4-
32324039&psig=AOvVaw33_X6ewCKDIzQzblut4PKu&ust=1607916266428000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKCj96m
Dyu0CFQAAAAAdAAAAABAD Teacher: AREEYA MAE C. FACTORES 11
ESP 4
YUNIT 2- ARALIN 8
PAG-ARALAN

basahin at unawain

Linggo ng unaga. Nagwawalis si Rolan ng kanilang bakuran ng dumating si Rodel sa


kanilang bahay.

Rodel: O, Rolan! Bakit nagwawalis ka pa syan? Hindi ba’t usapan natin mamamasyal tayo
sa parke ngayon?

Rolan: Sandalin lang! Syempre bago tayo umalis eh gusto ko munang makitang malinis
ang aming bakuran. Alam mo bang marami ang natutuwa kapag malinis at maayos
ang aming bakuran? Naglinis ka rin ban g iyong bakuran bago pumunta dito?

Rodel: Hindi nga eh! Tinanghali kasi ako ng gising. Ano naman ang gagawin mo sa mga
tuyong dahon na iyon?

Pinagkukunan: https://www.slideshare.net/kristinemarieaquino/esp-2-lm-unit-
332324039&psig=AOvVaw33_X6ewCKDIzQzblut4PKu&ust=1607916266428000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKCj96
mDyu0CFQAAAAAdAAAAABAD 12
Teacher: AREEYA MAE C. FACTORES
ESP 4
Rolan: Ang mga tuyong dahong ito ay inilalagay ko sa compost pit para maging pataba sa
mga halaman.

Rodel: Wala talaga akong masabi sa’yo Rolan! Saludo ako sa iyong kasipagan. Mabuti pa
ay mamaya na tayo pumunta sa parke. Maglilinis din muna ako sa aming bakuran.

Pinagkukunan: https://www.slideshare.net/kristinemarieaquino/esp-2-lm-unit-
332324039&psig=AOvVaw33_X6ewCKDIzQzblut4PKu&ust=1607916266428000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKCj96
mDyu0CFQAAAAAdAAAAABAD

sagutin
Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit pumunta si Rodel sa bahay nina Rolan?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

2. Ano ang ginagawa ni Rolan nang dumating si Rodel sa kanilang bahay?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

3. Bakit nais ni Rolan na malinis at maayos ang kanilang bakuran?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

4. Ano-ano ang magandang naidudulot ng malinis at maayos na kapaligiran?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

Teacher: AREEYA MAE C. FACTORES 13


ESP 4
5. Sa paanong paraan ka makakatulong sa pagpapanatili ng malinis at maayos na kapaligiran sa
inyong pamayanan?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

isaisip natin

Suriin ang mga sumusunod na larawan.

http://www.canadianinquirer.net/2016/01/26/respect-the-signboard-bawal-
https://www.facebook.com/911PhilippinesSupporters/photos/a.269196513456475/7
magtapon-dito-ecowaste-coalition/3650912630_967092fbe6/
19816941727761/?type=3

https://www.scribd.com/document/445205337/SIGNS-docx
https://tadonggeniuskuno.wordpress.com/2013/02/27/bawal-ang-umihi-dito/

Pinagkukunan: https://www.slideshare.net/kristinemarieaquino/esp-2-lm-unit-
332324039&psig=AOvVaw33_X6ewCKDIzQzblut4PKu&ust=1607916266428000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKCj96
mDyu0CFQAAAAAdAAAAABAD

Teacher: AREEYA MAE C. FACTORES 14


ESP 4
Ano-ano ang ipinapakita ng bawat larawan?

Ipinapakita sa larawan ang iba’t ibang halimbawa ng mga paalalang nakikita sa


lansangan o sa komunidad.

Mahalaga bang makiisa sa programa ng barangay sa pagpapanatili ng kalinisan at


kaayusan ng pamayanan?

Ang pakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ay pagpapakita ng pagsunod sa


mga programa at proyekto ng pamayanan. Ito ay tanda ng pagmamalasakit sa ating
kapaligiran at kalikasan.

tandaan natin

Ang pamahalaan ay nagtatakda ng mga alituntunin sa pagpapanatili ng tahimik, malinis,


at kaaya-ayang kapaligiran. Sa pamamagitan ng iba’t ibang programa, napangalagaan nito ang
kapaligiran tulad ng sistema ng pangongolekta ng basura, pagtatalaga ng mga pulis na
tumitiyak sa katahimikan at kaayusan ng lugar, pulis-trapikona nagsasaayos ng daloy trapiko,
at mga programa na nangangalaga sa
kalikasan. Nagtatakda rin ang mga lokal na
pamahalaan ng mga ordinansa sa oras ng
paggamit ng videoke, maayos na pangangalaga
sa mga alagang hayop, pagbabawal sa
paggamit ng plastik, attamang lugar na
tawiran, babaan at sakayan. May mga
nakalaan ding pampublikong palikuran na
maaring magamit ng kahit na sinong
mamamayan.

Pinagkukunan: https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners-material-in-esp-
q1q4332324039&psig=AOvVaw33_X6ewCKDIzQzblut4PKu&ust=1607916266428000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCK
Cj96mDyu0CFQAAAAAdAAAAABAD
Teacher: AREEYA MAE C. FACTORES 15
ESP 4
May mga hakbang din na gingawa
ang paaralan upang mapanatili ang
kaayusan ng paligid nito. May mga
basurahan na matatagpuan sa iba’t ibang
bahagi ng paaralan. Nagkakaroon din ng
mga kampanya para sa wastong
pangangalaga ng kapaligiran.

Malaki ang kontribusyon ng malinis na kapaligiran sa pagkakaroon ng malusog na


katawan at isipan ng mga mamamayan. Dahil dito, ang disiplina at pakikiisa ng mga tao sa
lahat ng programang ipinapatupad ay kailangan upang mapanatili ang kaayuysan at
kagandahan ng kapaligiran.

Pinagkukunan: https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners-material-in-esp-
q1q4332324039&psig=AOvVaw33_X6ewCKDIzQzblut4PKu&ust=1607916266428000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCK
Cj96mDyu0CFQAAAAAdAAAAABAD

gawain 2
Pamilyar ba kayo sa “4 Pics, 1 Word”? Isa ito sa kinahiligang laruin sa cellphone o
tablet, hindi laman ng mga kabataan kundi maging ng mga nakakatanda dahil
nakapagpapatalas ng isipan. Halika! Maglaro tayo.

1.

Teacher: AREEYA MAE C. FACTORES 16


ESP 4
2.

3.

SAQs
Kompletuhin ang mga sumusunod na pangungusap mula sa nabasang aralin.
Ang pagkakaroon ng isang malinis na kapaligiran ay mahalaga dahil;

 isa itong paraan upang makaiwas ang mga tao sa sakit

 kaaya-aya at kahali-halinang tingnan ang paligid na malinis

 nakakakit sa mata ang isang malinis na paligid

 kapag ang paligid ay malinis, sariwang hangin ang malalanghap ng mga tao

 dito nakasalalay ang ating buhay

Teacher: AREEYA MAE C. FACTORES 17


ESP 4
PABUOD NA PAGTATAYA
A. Pag-aralan ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang mga letra ng larawang nagpapakita ng
pagpapanatili sa kalinisan at kaayusan ng pamayanan. Kulayan ang larawan ng tamang sagot.

1. Kumakain ka ng kendi. Ano ang dapat mong gawin sa balat nito?

2. Nakita mong nagsusulat sa pader ang iyong kaibigan. Ano ang dapat mong gawin?

3. Nagtanim ng halamang gulay ang tatay mo sa likod ng inyong bahay. Ano ang dapat mong gawin?

Teacher: AREEYA MAE C. FACTORES 18


ESP 4
B. Gumuhit ng poster slogan tungkol sa pangangalaga ng ating kalikasan. Gumamit ng kahit anong
pangkulay na mayroon kayo sa inyong tahanan.

Teacher: AREEYA MAE C. FACTORES 19


ESP 4
ASAQs:
Tignan natin kung nasagot mo ng tama ang mga SAQ sa pahina 17.

Ang pagkakaroon ng isang malinis na kapaligiran ay mahalaga dahil;

 isa itong paraan upang makaiwas ang mga tao sa sakit

 kaaya-aya at kahali-halinang tingnan ang paligid na malinis

 nakakakit sa mata ang isang malinis na paligid

 kapag ang paligid ay malinis, sariwang hangin ang malalanghap ng mga tao

 dito nakasalalay ang ating buhay

MGA SANGGUNIAN
 Roseann (2016), “Limang Paraan Kung Paano Mapapanatiling Malinis at Maayos Ang Ating
Kapaligiran”, Nakuha sa https://roseeeeeann.tumblr.com/post/148233182463/limang-
paraan-kung-paano-mapapanatiling-malinis
 preciousclamour (n.d.), Kahalagahan ng malinis na kapaligiran, Nakuha sa
https://brainly.ph/question/1356071
 Guzman, G.V. (n.d.), Pagatpat, Nakuha sa https://pinoycollection.com/maikling-kwento-
tungkol-sa-kalikasan/
 Aquino, K.M. (2013), ESP 2 LM unit 3, Nakuha sa
https://www.slideshare.net/kristinemarieaquino/esp-2-lm-unit-3
 Light Arohl (2015), K to 12 grade 4 learner’s material in esp (q1-q4), Nakuha sa
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners-material-in-esp-q1q4

PINAGKUKUNAN NG MGA LITRATO


 https://www.jing.fm/iclipt/TbiRbo/
 https://www.iconfinder.com/icons/509402/book_library_reading_student_icon
 https://depositphotos.com/51798615/stock-illustration-set-of-flat-icons-connection.html
 http://www.asac.us/asac-helps-fathers-re-connect-with-their-families/page-break/
 https://giphy.com/stickers/eufurnia-miminnia-mimin-pk98nXqm9rrYcqctyL
 https://www.clipart.email/clipart/broken-glass-broken-vase-clipart-393198.html

Magaling! Nagtagumpay ka!

Teacher: AREEYA MAE C. FACTORES 20


ESP 4

You might also like