Epp Lesson Plan Cot

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IX – Zamboanga Peninsula
Zamboanga City Division
Zamboanga Central District
Zamboanga Central School SPED Center

BANGHAY – ARALIN SA EPP


Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Elektrisidad

I. LAYUNIN
1. Nalalaman ang kahalagahan ng mga ibat-ibang recycled materyales na makikita sa kapaligiran
na maari pang magamit at pagkakitaan.
2. Nakasusunod sa wastong at ligtas na pamantayan sa paggawa sa silid-aralan o sa bahay .
Naiisa-isa ang mga materyales na ginamit sa ginawang proyekto.
3. Naipapkita ang kasiyahan sa pagbuo ng proyekto na nakadisenyo mula sa iba’t ibang
materyales na makikita sa pamayanan (halimbawa: litrong bote ng sofdrinks, , plastic spoons,
atbp.) na ginagamitan ng elektrisidad na maaaring pagkakitaan
Pagpapahalaga: Naisasapuso ang kahalagahan ng paggamit ng mga materyales na makikita sa
pamayanan at ang magandang dulot nito sa paghahanap-buhay.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Elektrisidad.
Sanggunian: EPP5IA-0d-4
Kagamitan: Powerpoint Presentation,video clips, larawan ng proyektong isasagawa, rubriks sa
pagsasagawa ng proyekto, halimbawa ng proyektong gagawin, mga materyales sa paggawa ng
proyekto.

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda
Gawaing rutin
2. Balik-aral
Video Reveal: Mga Kasangkapang ginagamit sa paggawa ng proyekto.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
4 pics 1 word. Mga materyales na nakikita sa kapaligiran.
2. Suliranin
Ano-ano ang mga materyales o kagamitan na nakikita niyo sa pamayanan?
3. Pag-aalis ng Balakid
Bote ng softdrinks(litro)
Used plastic spoon
4. Karanasan sa Pagkatuto
a. Talakayin ang proyektong ginagamitan ng elektrisidad tulad ng lampshade na yari sa
used plastic spoon at bote ng softdrinks (litro)
b. .Paghahanda sa mga gagamiting kasangkapan sa paggawa ng proyekto
Mga kagamitan sa paggawa ng proyekto

Para sa lampara: Para sa gawaing elektrisidad:


Plastic spoon wire
Glue gun socket
Stick glue plug
Utility Knife o cutter light bulb
Bote ng softdrinks (litro) Pliers
Gunting Screw drivers
electrical tape
switch

c. Paggunita sa mga pamantayan / paalala voice over


C. Pangwakas na Gawain:
A. Paraan sa Paggawa

Para sa pailaw
1. Ihanda ang mga gagamiting materyales o kasangkapan.
2. Pumunta sa na itinalaga sa paggawa.
3. Ihanda ang kawad. Paghiwalayin ang magkatabing kawad ng magkabilang dulo at
balatan ang mga ito.
4. Luwagan ang turnilyo ng switch at ibukas. Iikot ang isang binalatang dulo ng kawad ng
kaliwang bahagi at ang isa sa kanang bahagi. Ipaikot sa turnilyo at ipitin ng mahigpit.
5. Luwagan ang turnilyo ng bukilyat at ibukas. Iikot ang isang binalatang dulo ng kawad ng
kaliwang bahagi at ang isa sa kanang bahagi. Ipaikot sa turnilyo at ipitin ng mahigpit.
Ilagay ang pansara

Para sa lampshade
6. Ihanda ang mga gagamiting materyales o kasangkapan.
7. Pumunta sa na itinalaga sa paggawa.
8. Gupitin ang plastic spoon sa dalawang bahagi
9. Gupitin din ang litrong bote ng sofdrinks sa may kalagitnaan para sa gagawing pattern
ng lampshade
10. Kapag nabuo na ang skeleton ng lampshade ay maaari na itong dikitan ng putol na
bahagi ng plastic spoon yung dulo nito sa pormang lotus na bulaklak magagamit yung
kaputol na bahagi ng hawakan para sa dagdag na disenyo.
11. Pagsamahin ang ginawang pailaw at lampara atito ay sindihan.

Aktwal na paggawa nang lampshade ng mga mag-aaral

Scorecard sa Paggawa ng Lampshade


Mga Pamantayan Score
A. Pagsunod sa Wastong Hakbang
Ang mga kagamitan at kasangkapan ay inayos sa ibabaw ng mesa bago
5
gumawa.
Pagsusukat sa pagtatalop ng kawad. 5
Paggawa ng pagkabit ng kawad sa switch ay wasto. 10
Pagkabit ng kawad sa plag at bukilya. 10
Naisagawa sa takdang oras.
Paggamit ng Kasangkapan
Gumamit ng wasto at angkop na kasangkapan sa paggawa. 5
Sinuri ang kaayusan ng kasangkapan. 5
Ginamit sa angkop ng gawain. 5
Ibinalik sa pinagkunan matapos ang gawain ng maayos. 5
Pangkaligtasang Gawi
5
Masigla at tuloy-tuloy sa paggawa.
Ipinapakitang may sistema sa paggawa. 5
Ipinakita ng pag-iingat habang gumagawa. 5
Nilinis ang hapag gawaan matapos ang gawain at isinauli ang mga kagamitan
5
at kasangkapan sa pinagkunan.
Uri ng Natapos na Gawain
5
Ang kawad na ikinabit sa plag at bukilya ay may wastong haba.
Ang pagkagawa ng pailaw at ang pagkakabit ng kawad sa turnilyo ay wasto. 5
Maayos at malinis ang pagkakabuo ng lampshade. 10
Nasunod nang wasto ang Plano ng Proyekto 5
total 100

IV. PAGTATAYA:

Isa-isahin ang mga materyales na kailangan sa paggawa ng lampshade?


Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot.

V. Takdang- aralin:
1. Magsaliksik ng iba pang mga materyales na matatagpuan sa pamayanan na maaaring gamitin
sa paggawa ng mga proyektong ginagamitan ng elektrisidad.

2. Gumawa ng talaan at ng mga proyektong maaaring gawin.

Sa patnubay ni:

LEPIDAPTERA T. VILLANUEVA, ESP IV


Punong Guro

Inihanda ni:

ROMULO DS. PRAICO


Guro

You might also like