Khen Mehko C

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Khen Mehko C.

Ojeda
BSME-1A
July 7, 2018
KomFil
Reaksyong Papel Ukol sa Posisyong Papel ng PSLLF
Ang Pambansang Samahan ng Linggwistika at literaturang Pilipino ay gumawa ng posisyong papel ukol sa

pag-alis ng asignaturang Filipino sa college, nagbigay din ng mga kadahilanan ang PSLLF kung bakit hindi

dapat tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Una, Ang kanilang paninindigan ayalinsunod sa

patakarang bilinggwal sa edukasyon na ipinatupad sa pamamagitan ng department order no. 25 Series

of 1974 ng Department of Education, Culture, and Sports(DECS). Pangalawa, ang wikang pambansa ang

dapat ang maging wikang panturo sa “social studies/social sciences, music, arts, physical education,

home economics , practical arts at character education.” Sinasaad din ditto na maraming asignatura sa

agham panlipunan sa kolehiyo na matagal nang itibuturo sa Filipino. Gusto rin na palawakin ang

paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo sa pamamagitan ng mandatory na

paggamit nito sa 12 yunit sa bagong GEC, ito’y alinsunod sa artikulo XIV, seksyon 3 ng Konstitusyong

1987. Pangatlo, Sumusuporta sila na magkaroon ng 9 na yunit ng asignaturang Filipino na may

multi/interdisiplinaring disenyo ang organisasyon ay handa rin tumulong sa pagdidisenyo ng mga gayong

asignatura.

Sumasangayon ako sa ipinaglalaban ng Pambansang Samahan ng Linggwistika at literaturang

Pilipino(PSLLF). Ipinaglalaban nila na hindi dapat alisin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ang wikang

Filipino ay sumisimbolo ng pagkapilipino natin. Kung ito’y aalisin ay para mo na rin inalisan ng pagkatao

ang mg Pilipino. Ito ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino hindi lamang sa ating bansa kundi sa pang

internasyonal. Kilala ang mga Pilipino sa ibang bansa bilang magagaling sa Wikang Ingles ngunit hindi ito

dahilan upang alisin na asignaturang Filipino sa Kolehiyo dahil lamang sa bagong kurikulum para sa

“International Standardization” upang tayo ay makasabay sa ibang bansa. Ang K12 ay pinatupad lamang

para hindi na mag aral ang ibang Pilipino upang magkatrabaho sila sa ibang bansa, ibig sabihin ay diretso

na silang magtatrabaho kapag nangingibang bansa. Sa katunayan ay hindi na natin kaylangang

mangibang bansa dahil ang Pilipinas ay pangalawa sa pinakamaraming nagtatrabaho sa ibang bansa sa

South-East Asia. Hindi dapat tanggalin ang asignaturang Filipino dahil importante ito sa bawat Pilipino,

hindi dapat hayaan na dahan dahang mamatay ang wika natin. Alam naman natin na unti-unti nang

napapalitan ang mga salita dahil sa social media at mabilis na pagbabago ng Lipunan. Huwag nating

kalimutan ang pinagmulan ng diwa ng ating pagka Pilipino. Huwag natin kalimutan ang pinaglaban n

gating mga bayani at mga katagang “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop

at malansang isda”

You might also like