Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pangalan: Wency C.

Javier
Kurso at Pangkat: BSCE 2-C

DALUMAT NG SALITANG E-BOOK

Layunin: Leksikal na Tumatalakay sa E-book


Diskurso na Tumatalakay sa E-book

E-books, panahon na nga ba?


-unknown

E-book o tinatawag ding Electronics book - Ito ang electronic version ng tradisyonal print book

na maari nating basahin gamit ang ating personal na kompyuter, laptop, android phone. Ang e-book sa

panahon ngayon dahil sa pandemya ay sobrang malaking tulong. Bilang isang mag-aaral sa taon na ito,

ito ang isa sa pangunahin materyal sa pag-aaral. Pag bibigay ng ating mga guro ng ating modyul para sa

pag aaral, upang mas lalong maintindihan ang mga tinatalakay na paksa. Mas mapapadali ang pag

papasa ng mga kailangan tapusin, at pag hahanap ng iba pang kaalaman sa pag gamit ng ibang ‘links’ na

makakatulong sa mga gawain. Isa rin sa pangunahing dahilan dahil tinatangkilik ang e-book sa panahon

ngayon, ay posibleng dahil sa mababa ang presyo o halaga, mas nakakatulong sa pagtitipid upang mas

mapag tuunan pansin ang iba pang gastusin sa sarili, sa bahay, o sa pag aaral. Ang mataas na pag gamit

nito ay isa ring antas sa pag taas ng ekonomiya.

Ayon sa isang pag aaral; Dahil sa pagkaimbento ng computer noong ika-20 na siglo nagsimula

na rin ang pagkauso mga tinatawag na eBook. Ang mga eBook na ito ay makabagong mga libro sa ika

21-na siglo. Di tulad ng mga pangkaraniwang libro, ang eBooks ay nakabase lamang sa timbang ng

electronikong gadget na dala mo. Nauuso na rin ang mga sikat na katagang, “a library in your pocket”

dahil sa eBooks maaring magkasya lahat ng libro sa silid aklatan sa iisang maliit ng gadget lamang. Ang

mga makabagong librong ito ay magbibigay ng mas madaling akses sa edukasyon sa ating modernong

panahon. Bukod pa dito maraming mga unibersidad na rin sa Estados Unidos na ang nagbibigay na

opsyon sa mag-aaral na bumili na lamang ng eBooks.

Maraming halimbawa ang e-book hindi lang sa pag-aaral kundi sa ating pag iisip, malawak na

imahinsayon na nabubuo nito. Reyalidad at di-makatotohanang mga akda. Ito din ay tinatangkilik ng

milyon milyong tao. Una, ang ‘Wattpad’ na kung saan ang mga hindi makatotohanan na mga istorya ay

magugustuhan talaga. Ito ay isang aplikasyon para sa mga manunulat na maglathala ng mga bagong

kwento na nabuo ng mga tagagamit. Nilalayon nitong lumikha ng mga pamayanang panlipunan sa

paligid ng mga kuwento para sa parehong mga baguhan at matagal nang manunulat. Pangalawa naman

ay ‘webtoon’ mga larawan na nag pagpapahayag ng istorya na nilalathala, ito ay tinatawag na komiks
na itim at puti ang kulay.

Ito lamang ang ilan sa pag papahayag ng E-book sa panahon ngayon. Maraming mga

pinapahiwatig ang ating wika, Kalayaan sa pag hahayag ng saloobin. Kalayaan sa pag papahiwatig ng

ating sarili. Ito ay isang halimbawa nito.

You might also like